Uncategorized  

X-tory 1

X-tory

Written by extrano

 

This is my first time posting a story after reading for about 5years or so. Kaya po dont give to much critics on my first work. 🙂 This is a little out of the world story.. tnx Wla pa pong sex yung simula hehe

Inspired By: Crepuscule Manga

X-tory 1: Unang araw College Life

Excited akong gumagayak para sa unang araw ng klase ko na isang kolehiyo.
Ako nga pala si Ordin Aryoso, 17yrs. old at kumuha ng BSIT sa isang Unibersidad sa Manila.
Masasabi mo na tama lang ang aking itsura hindi naman pangit at tipong hindi naman gwapo. Pag pasok ko classroom medyo madami nang tao, naghanap ako nang pwedeng upuan at napagdesisyunan ko na umupo sa tabi ng isang wierdo na lalaki na nakaitim para bang “Emo”. Mayroon siyang hawak na libro na may kalumaan na.

Emo: Isla ang title ng libro nato.
Ako: Ahh.. (hindi ko naman tinatanong.., sabi ko sa isip ko)

Nag simula na ang klase at nag simula na ang pagpapakilala nalaman ko na ang katabi kong Emo na lalaki ay si Nomad Villegas anak ng isang kilalang tao sa Manila. Medyo nakakatwa siyang tignan dahil nga sa wierdo ang kanyang suot pero siya ay may itsura.

Natapos ang klase na wala masyadong ginawa dahil unang araw pa lang naman (parang highschool din pala) mayroon lang binigay na kaunting assignments.
Paglabas ko sa University nagkasalubong kami ni Nomad.

Nomad: Gusto mo bang sumama?
Ako: Saan? (ano nanamang kwirdohan to?)

Isang magarang kotse and dumating at hindi lang basta kotse kundi isang Jaguar (talo nun yong kabayo sa ferrari haha)
Dahil parang natameme ako sa nakita kong sundo niyang sasakyan ay para akong hinigop ng kotse parang nangaakit na pumasok ako sa loob, sa aking isip ay parang anyong isang napakagandang babae ang nasa harap ko.

Ordin: Shit, meron palang ganito sa pilipinas. Meron din akong gnyan kaya lang picture lang sa kwarto ko.
..Ala lang mang emosyon sa mukha si Nomad, dedma lang sa joke ko.

Dahil sa sobrang astig ng kanyang sasakyan, sumakay na lang ako kahit di ko alam kung saan kami pupunta. (mahilig ako sa kotse)

Medyo malayo ang biyahe ngunit ayos lang dahil masyado akong nalibang sa kakatingin sa mga parte ng kanyang kotse. Makalipas ang kalahating minuto…
Bumaba kami sa isang bahay na luma, madilim at sa unang tingin pa lang ay tatayo na ang balahibo mo. Mga 6pm na din noon mabilis bumaba ang araw kaya madilim na.

Ordin: Ito bahay mo? (bat kapanget at creepy looking)
Nomad: Hindi, nagandahan lang ako kaya pinahinto ko sa driver. Tara pasok tayo.
Ako: (ano ba namang buhay to, badtrip kasi ung Jaguar mukhang mahuhuli pa kami sa trespassing)

Wala na kong nagawa, kung hindi sumunod dahil ayoko naman siyang pag punta mag isa baka akala ay duwag ako.
Sa loob ng bahay.. wala itong laman kung hindi agiw at mga insekto. Si Nomad ay nag punta sa pintong kanyang nakita.
Ako naman ay nagtingin tingin at sa kadiliman ay may nakapukaw sa aking atensiyon, isang itim na pintuan na may kakaibang sulatin. Binuksan ko ito at pumasok may nakita ako na kama mukhang bago ito at walang dumi man lang, lumapit ako dito nang biglang sumarado ang pintuan nagulat ako at nataranta, biglang umangat ang sapin sa kama ba parang lumutang ito kakaibang takot ang aking nadama pero pinilit ko pa din maging matapang at hinila ang kumot na nakabalot salumulutang na bagay.

Nagulat ako sa aking nakita isang babaing nakahubad, maganda ang katawan habang hindi naiwasan na tigasan ako, umaakyat ang aking mata papunta sa kanyang mukha nanlaki ang aking mata nang aking nakita wala siyang mukha, wlang kahit na ano , wlang bibig , wlang tenga, wlang ilong, wla lahat kundi bilog!
Nag mamadali akong tumalikod upang buksan ang pinto, ayaw bumukas. Sinigaw ko ang pangalan ni Nomad nararamdaman ko na palapit ng palapit ang babae sa aking likuran.
Biglang bumukas ang pinto.
Nomad: Bakit ka nagsisigaw? Tinawag ko yung driver para buksan yung pinto.
Medyo nakangiti ang wierdong Nomad noong nakita ang aking takot na takot na mukha
(wierdo tlaga) Tumingin ako sa kama ngunit wala ito, pati na din ang babae walang mukha kanina.
Napagdesisyunan kong magpahatid na lang sa amin at hindi ikwento ang pangyayari kay Wierdong Nomad.

Mukhang magiging kakaiba ang College Life ko.

extrano
Latest posts by extrano (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x