Utang Na Loob (65)

aero.cock78
Utang Na Loob 1

By aero.cock78

 

Continuation…

“anu yun teng ang itatanung mo?”.. Ang matipid kung turan sa kanya…

Tinanggal ni donita ang tingin sa akin at kinuha nya ang kanyang tasa at humigop ng kape…

Tumingin sya sa malayo at humigop ulit ng kape.. Masyado akong kinabahan sa kanyang mga kilos.. Nag lalaro sa aking isipan kung anu ang kanyang itatanung..

Tahimik lang ako na nag hihintay sa kanyang sasabihin..

Inilapat ko ang aking likod sa sa sofa at huminga ng malalim kinuha ko din ang aking tasa na nakalapag sa center table at humigop din ng kape..

Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa amin ni donita.. Pawang nag iisip pa si donita ng kanyang sasabihin sa akin.. Tahimik lang din ako na nag hihintay sa kanyang sasabihin…

“pao”.. Bakit ka nandoon kanina kasama yung empleyada mung si beth at ang anak nya? “… Ang tanung sa akin ni donita habang naka tingin sya sa malayo…

Di ako nakasagot agad sa kanyang katanungan.. Di ko alam kung anung isasagot ko.. Nag lalaban ang aking isipan kung sasabihin ko sa kanya ang katutuhanan..

” bahala na.. “.. Ang bulong ko sa aking sarili…

Huminga ako ng malalim at tumugon sa kanyang katanungan…

“sinamahan ko na mamili sina beth at ang anak nya ng damit sa mall.. Naawa ako sa kalagayan nya at ng anak nya.. Makikita mo naman sa itsura nila kaya nag magandang loob lang ako sa kanila teng”…

“espesyal ba sila na tao kaya mo sila tinutulungan?”.. Ang tanung ulit ni donita sa akin..

Natigilan nanaman ako sa kanyang tanung.. Naka tingin ako sa kanya ngunit sya ay di tumitingin sa akin.. Seryuso ang kanyang mukha at naka tingin sya sa malayo…

Humugot nanaman ulit ako ng malalim na hininga at tumugon ulit sa kanyang katanungan…

“empleyada ko si Beth kaya concerned ako sa kanya dahil lumiliban sya sa trabaho, may sakit ang kanyang asawa.. mabuti at nalaman ko ang rason kaya naawa ako sa sitwasyun nya” .. Ang turan ko kay donita..

di ko alam kung makukumbinsi ko sya sa aking tinuran.. Parang gusto ko nang tumayo at iwan sya.. Parang ayaw ko nang sagutin ang kanyang mga katanungan sa mga sandaling iyon..

“sagutin mo ang tanung ko pao.. Special ba si beth at ang anak nya? “… Ang malamig na turan ulit ni donita…

Natahimik ako.. Nag tatalo ang aking isipan… Dito ko na realize na mahirap talaga ang katutuhanan… Masakit pero kailangan na malaman ni donita ang totoo…

Humugot ulit ako ng hininga.. Inipon ko ang lakas ng loob ko para sabihin na lang kay donita ang katutuhan.. Isusuko ko na ang aking lihim sa kanya kung anu man ang kahahantungan ay aking tatanggapin na bilang isang kaparusahan sa aking nagawa…

“oo teng”.. Ang matipid kung turan sa kanya…

Napapikit ang mata ni donita at nakita kung bumaybay ang kanyang luha sa kanyang pisngi at bumaybay ito at pumatak sa kanyang short…

Nakaramdam ako ng pag sisisi sa pag amin ko sa kanya.. Nasaktan ko nanaman si donita…

Idinilat nya nanaman ang kanyang mata ngunit nakatingin parin sya sa malayo…

“anak mo si lyn?”.. Ang matipid nyang tanung ulit sa akin…

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at sinalikop ko ito sa aking palad…

“patawarin mo ako teng”… Ang turan ko at tumulo na din ang aking luha.. Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan sa isang banda ay gumaan ang aking loob dahil sa pag sabi ko ng katutuhanan sa kanya, kusa kung isinuko ang lahat para sa katotohanan.. Kung anu man ang kalalabasan nito at maging kabayaran ay tatanggapin ko.. kaya di ko namalayan na tumulo na ang aking luha sa mga oras na yun…

Humagulgul na ng iyak si donita.. Inakap ko sya at ikinulong sa aking bisig.. Pariho kaming humagulgol ng iyak…

“patawarin mo ako teng.. Di ko ginusto ang lahat nang yun.. Wala ka sa mga oras na yun kaya nahulog ako sa tukso dahil sa pangungulila ko sayo.. Di inaasahan na nabuo ang isang gabi na nag kasama kami ni beth..”… Ang salaysay ko kay donita…

Tahimik lang syang nakikinig habang patuloy pa rin syang umiiyak… Di ko alam kung anung magiging reaksyun nya.. hinintay ko sya na mahimasmasan sa kanyang pag iyak.. Habang nakayakap pa din ako sa kanya…

Ilang saglit lang at bumitaw sya sa aking pag kakayakap.. Tumingin sya sa akin na namumula pa din ang mata…

Matagal syang nakakatitig sa aking mga mata nakatitig din ako sa kanya at nag tama ang aming paningin.. Handa na ako kung anu man ang kanyang sasabihin.. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin ng may kaba sa aking puso…

“sa lahat ng nangyari sa inyo ni beth, minahal mo ba sya?”.. Ang turan sa akin ni donita na nakatitig sa aking mga mata…

“di ko minahal si beth teng..miron syang asawa… Bugso ng pangungulila ko at pag kasabik ko sayo kaya di ko nakayanan ang tukso kaya may nangyari sa aming dalawa… Isang gabing namagitan sa amin ni beth na di ko alam na nabuo at huli ko na ng nalaman na may anak pala kmi ni beth..”.. Dahil kay lyn kaya gusto kung makabawi sa kanya.. Sa isang banda syay anak ko din”.. Ang salaysay ko sa kanya…

Tahimik lang si donita at tumingin ulit sa malayo.. Para itong nag iisip… Matagal itong tahimik…

Lumingun sya ulit sa akin at tumitig sa aking mga mata… Nagtama ang aming paningin…

“mahal mo ba ako at si yengyeng?”… Ang turan nya habang nakatitig sa aking mga mata…

Tumulo ang aking luha sa aking pisngi.. Naramdaman ko kung gaano ko kamahal si donita at ang anak namin.. Di ko gustong mawala sila sa akin… Tumutulo ang aking luha na nakatingin sa kanya…

” mahal kita teng at ang anak natin..” sa haba ng panahon na iniwan mo kami ni yengyeng ay isang napakalaking chance sa akin para maka pag asawa.. Ngunit di ko na gawa dahil umaasa pa din ako na balang araw ay ma bubuo ulit ang ating pamilya.. Sa tagal ng panahon na nawala ka ay ilang bisis na din na parang nawalan ako ng pag asa at gusto ng sumuko, ngunit dahil kay yengyeng ay patuloy pa din akung umaasa,na balang araw ay mabuo ulit ang ating pamilya..” Ang turan ko sa kanya…

Tahimik lang si donitang naka tingin sa malayo habang patuloy paring umaagos ang luha sa kanyang mata..

Matagal na katahimikan ang lumukob sa aming dalawa ng mga oras na yun.. Nakatingin lang si donita sa malayo.. Animoy may iniisip.. Hinanda ko na ang aking sarili kung anu man ang maging desisyun nya.. Pinaubaya ko na ang lahat ng desisyun sa kanya.. Kung sakali na di kami para sa isat isa ay sumusuko na ako at akin na itong tinatanggap..pagud na akung matakot.. pagud na ako sa kakahabol sa kanya.. Nasanay na ako na wala sya, na tanging si yengyeng lang na anak namin ang natira sa akin.. Kasalanan ko ang lahat at tinatanggap ko kung anu man ang maging kabayaran nito..

Ngunit sa isang banda kung tatangapin nya akong muli ay aking ikakaliligaya.. Ngunit mahirap umasa sa mga oras na yun sa katulad ni donita… Minabuti ko na antayin ang kanyang desisyun…

Inilapat ko nanaman ang aking likod sa sofa…. Humugot ako ng malalim na hininga at muling nag salita…

“teng ikaw ang bahala kung tatanggapin mo pa ako at patuloy mo pa akung mamahalin… Nasasaiyo ang desisyun… Sinabi ko na sayo ang katutuhanan at nasasayo na kung akoy patuloy mo pang mamahalin…” ang turan ko sa kanya…

Lumingon sya sa akin at tumitig ulit sya sa aking mga mata.. Nag salubong ulit ang aming paningin.. Nakita ko ang malamlam na tingin nya sa akin.. Matagal syang nakatitig sa aking mga mata.. Parang tumatagos ang titig nya sa akin na tumagos sa aking puso sa mga oras na yun…

“Bigyan mo ako ng isang rason para mahalin kang muli pao” … Ang turan nyang nakatitig sa akin at sabay ulit ng pag agos ng kanyang luha sa kanyang mga mata..

Pag karinig ko ng kanyang sinabi ay tumagos ito sa aking puso… Di ko namalayan na umagos din ulit ang luha sa aking mata.. Umaagos ito sa aking pisngi.. Di tumitila.. May isang bagay sa puso ko na tinamaan ng kanyang salita na nag patulo ng aking luha…

Di ako makapagsalita.. Di ko masabi ang tunay kung nararamdaman.. Di ko malaman kung pano ko ito sasabihin sa kanya.. Tanging ang pag agos lang ng luha ko ang tanging nagawa ko.. di ko malaman kung bakit ako umiiyak sa mga oras na yun…

Nakatingin ako sa kanya na umiiyak at syay umiiyak din na naka tingin sa akin… Di ako makapagsalita ng mga oras na yun..

Itinaas ko ang aking kanang kamay at pinahid ko ng likod ng aking palad ang luhang umaagos sa kanyang pisngi…

Tinitigan ko sya sa mata… Nag lakbay ang isip ko simula ng panahon na nawala sa akin si donita nung panahon na puro pighati ang dumating sa akin… Hanggang ngayun na nasa harapan ko sya.. Isa lang ang di nawala sa mga oras na yun na aking nakasama sa buhay.. Ang tanging nag papatuloy sa akin na palaging umasa.. Patuloy na mag mahal at wag sumuko.. Ang nag papaalala sa akin kay donita at ang tanging nag dudugtung sa aming dalawa…

Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.. At tinitigan ko sya sa mata..

“teng, ang ating anak na si yengyeng ang tanging rason kung bakit hanggang ngayun ay patuloy akung umasa..na balang araw ay mabubuo ulit ang ating pamilya.. Huwag sumuko… At patuloy kang mahalin.. Ang ating anak din ang rason para mahalin mo pa din ako..”ang turan ko sa kanya…

Pagkatapos nyang marinig ang aking tinuran ay humagulgul sya ng iyak…

Itutuloy…

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x