Utang Na Loob (63)

aero.cock78
Utang Na Loob 1

By aero.cock78

 

Continuation…

Tumingin muna sa akin si Roger… Matagal sya bago mag salita.. Makikita sa mukha nya na parang nag iisip sya nang sasabihin sa akin…

Nag hihintay lang ako sa kanyang sasabihin.. Hinayaan ko muna syang mag salita kung anung sasabihin nya…

“di ko po alam sir kung saan ako mag uumpisa..” ang naka ngiting turan ni Roger sa akin..

“anu po yun”.. Makikinig po ako kung anu man po yun..”.. Ang turan ko…

Humugot muna ng malalim na hininga si Roger bago nag salita…

” bago po kami mag sama ni beth ay alam ko po na may kapansanan po ako.. Di po ako magkakaanak.. Gusto kung sabihin ito kay beth nung kami ay naging mag kasintahan.. Mabilis po ang pangyayari at nag pakasal kami.. Di na po ako nag kalakas ng loob na sabihin sa kanya.. Ang sabi ko sa sarili ko na sakaling iwan ako ni beth dahil sa di kami mag kaanak ay tatanggapin ko nalang.. Ngunit habang kami ay mag kasama ay ini enjoy ko ang lahat.. Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang aking kapansanan na di ko sya mabigyan ng anak… ” ang salaysay ni Roger..

Tahimik lang akung nakikinig sa kanya..

” ngunit sa aming pagsasama ay nabuntis sya ngunit alam ko na hindi sa akin anak si lyn dahil di ko sya kilan man na mabubuntis.. Ngunit sa kabila ng kinatatakutan ko ay ang pag bubuntis ni beth na nag tago ng kapansanan ko.. Nag sinungaling ako sa kanya at tinanggap ko at inako si lyn na sarili kung anak… Walang narinig sa akin si beth naging masaya kami sa bawat isa kasama ng aming anak.. Pero alam ko sa puso ko na isang araw ay may pupunta sa amin at hahanapin ang anak namin ni beth ng tunay nyang ama… Yun ang araw na kinatatakutan ko sir… Dahil aminin ko man sa sarili ko ang tutuo ay hindi ako ang tunay na ama ni lyn.. “… Ang pag papatuloy na salaysay ni Roger..

tumungin sya ulit sa akin ngunit namumula ang kanyang mata na nag babadyang iiyak…

Tahimik pa rin ako na naka tingin sa kanya at patuloy lang na nakikinig..

” pag kakita ko sayo at kay lyn kanina sir ay naramdaman ko na may kaugnayan po kayo kay lyn.. At nakaramdam ako ng takot dahil ang araw na kinatatakutan ko ay dumating na ngayun..”..sir” tatanungin ko po ulit kayo”..kayo po ba ang ama ni lyn?

Di ako maka sagot sa kanyang katanungan… Nakatitig ako sa kanya.. Dama ko ang lungkot nya at gayun din ang takot…

” ako nga po ang ama ni lyn.. “.. Ang turan ko sa kanya…

Tumulo ang luha nya na nakatingin sa akin…

” pumunta po ba kayo dito para kunin si lyn sa amin ni beth?, nakikiusap po sana ako sa inyo ng buong puso sir na huwag nyo po sanang kunin sa amin si lyn… Kahit mahirap lang po kami ay mahal po namin ang bata at importante po sa amin sya… Lalo na po ngayun na akoy may sakit, wala na po akung hangad pa kung hindi gumaling para sa aming anak sir… “ang tumutulo ang luha na turan ni Roger sa akin habang nakahawak sya sa aking braso…

” huwag po kayung mag alala at di po ako pumunta dito para po kunin sa inyo si lyn.. Ngayun ko lang nalaman na nag bunga pala ang namagitan sa amin ni beth.. Di ko po ginusto ang mga bagay na iyun sadya lang akung nadala sa mga oras na yun…”.. Ngunit nang makita ko kanina ang anak namin ni beth ay di ko maiwasan na hindi manabik sa aming anak.. Nasaktan ako dahil sa sitwasyun ng aming anak.. Ngunit dahil sa pag mamahal mo sa aking anak na tulad ng sarili mung anak ay gagawin ko po ang lahat para po gumaling kayo para sa kapakanan ng aking anak.. Ama pa rin po ako ni lyn at ang kapakanan nya pa din po ang importante sa akin.. “.Ang turan ko kay Roger…

” salamat po sir”… Ang turan ni Roger na humagulgul ng iyak….

Nakadama ako ng awa sa kanya at sa isang banda ay nakadama din ako ng tuwa dahil may nag mamahal pa din sa aking anak kahit hikahus sa buhay ang nasadlakan nya…

“sir.. May hihilingin po sana akung isa pang pabor..”.. Pwede po ba na ang pinag usapan nating ito ay sa atin lang pong dalawa?.. Hindi po alam ni beth na mayroon akung kapansanan na di ko sya mabigyan ng anak.. Mabuti na po na maging ganito at naka lihim sa kanya ang lahat sir”… Ang pakiusap sa akin ni Roger..

“maaasahan mo po”.. Ang matipid kung turan sa kanya…

“may asawa na po ba kayo sir?”.. Ang tanung nya ulit sa akin..

“mayroon po, isang babae din ang aking anak”.. Ang nakangiti kung tugon sa kanya…

“napaka swerte po kayo sir dahil may sarili kayung anak na nanggaling talaga sa inyo.. Hindi po katulad ko na isang inutil”… Ang turan ni Roger na tumulo ulit ang luha…

“nandyan naman po si lyn kahit di nyu sya tunay na anak ay mahal po nya kayo.. Kaya may reason po kayo para mabuhay lumaban po kayo para gumaling kayo sa inyung sakit.. Tutulung po ako sa inyo..”…para po yan sa anak ko.. “ang turan ko sa kanya…

” salamat po sir.. Marami pong salamat”… Kung ipag kakaloob po ng panginoon na ako po ay mabuhay pa at humaba pa ito ay pasasalamatan ko po para po kay beth at kay lyn.. Kahit mahirap po ang buhay namin ay itataguyod ko po ng maayus po sila sa abot ng aking makakaya.. Ang turan nya na humagulgul ng iyak… Habang hawak nya ang bimpo na itinakip nya sa kanyang mata dahil sa tudong pag iyak nya…

Muli nanamang humagulgul ng iyak si Roger… Dama ko ang awa sa kanya at makikita sa mukha nya ang kagustuhan na mabuhay pa kaya nabuo sa aking sarili ang kagustuhan na matulungan sya para gumaling…

“mahal?”.. Ang tanung ni beth na nakatayo na sa aking likuran..

Nagulat kami ni Roger.. Nakatayo si beth at si lyn sa aming likuran dumating na pala sila galing sa pag bili ng gamot…

“mahal mabuti at dumating na kayo.. Ang turan ni Roger kay beth..

” bakit naiyak ka mahal? “… Ang tanung ni beth sa kanya habang nakatingin sya sa akin… At balik ulit ng tingin kay Roger…

” naiyak lang ako mahal dahil sa kabutihang loob ni sir dahil sa pagtulong nya sa akin.. Isang napakalaking tulong sa atin si sir.. Di ko napigilan ang maiyak dahil sa tuwa hamal..”.. Ang turan ni Roger…

“oo mahal.. Mabait yan si sir pao…mabuti at sya ang naging boss ko at sa kanya ako naka pag trabaho.. Kinakaawaan pa din tayo ng dios.. Ang turan ni beth kay Roger sabay nya yakap nito dito..

Nakadama ako ng luwag ng puso.. Habang nakatingin ako sa pagmamahalan nilang dalawa na mag asawa.. Tumingin ako kay lyn na aking anak at kahit na mahirap ang buhay na kanyang nasadlakan ay masaya ako dahil dyan sina beth at Roger na pumupuno ng pag mamahal sa kanya.. Di ko man naipadama sa kanya ang pag mamahal ko bilang isang ama nya ay sa pamamagitan ng pag tulong ko kay Roger sa sakit nya ay maibibigay ko pa din sa kanya ang pag mamahal ko bilang ama sa katauhan ni Roger na nalakihan nya at nakilala nya bilang ama.. At nag papasamat ako dahil sa pag mamahal din ni Roger kay lyn na para nyang tunay na anak at kay beth na di nya sinaktan at tinanggap ang aming anak.. Sa gayun pa man ay nakaramdam ako ng tuwa sa aking puso…

“sya nga pala beth.. Kilan ang schedule ng operation ni Roger?.. Ang tanung ko kay beth..

” di ko pa alam sir pao eh.. Madami kaming naka pila dito yung iba inabot na ng ilang buwan sa kakahintay.. Ang hirap kasi pag gobyerno talagang pipila ka.. “.. Ang turan ni beth..

“ok hahanap ako ng specialista para ma operahan kaagad sa lalung madaling panahon si Roger para gumaling na sya..”.. Ang turan ko kay beth…

“salamat sir pao..”.. Ang halos mag kasabay nilang turan ni beth at Roger na mababakas sa kanila ang tuwa…

“mauna muna ako sa inyo at aasikasuhin ko muna ang sa doctor ni Roger..”..ang paalam ko kay beth…

“sige po sir pao.. Mag ingat po kayo..”.. Ang turan ni beth… At hinatid ako ni beth at ni lyn sa sasakyan…

“lyn.. Wag mung pababayaan si nanay mo ha at si tatay mo ?.. Maging magalang ka sa kanila.. At sabay ko yakap sa kanya.. Parang ayaw kung pakawalan si lyn sa aking pag kakayakap nasabik rin ako sa anak namin ni beth..

Tahimik lang si lyn na parang nalilito dahil sa pagyakap ko sa kanya… Minabuti ko nalang na wag malaman ni lyn ang tungkol sa kaugnayan naming dalawa para na din sa ikakaayus ng kanilang pamilya.. Mas maganda na di magkaroon ng pag aalinlangan si lyn sa kaniyang mga magulang at mahalin nya ng buong puso si Roger bilang tunay na ama… Isang pangako ko kina Roger at beth na kahit masakit para sa akin ay para na din sa kapakanan at ikatatahimik ng kanilang pamilya at ng aming pamilya ni donita at ng aming anak na si yengyeng…

Matapos kung hagkan si lyn ay nag paalam na ako sa kanilang dalawa.. Kay beth na naging bahagi ng aking buhay at anak namin na si lyn na naging bunga ng isang gabi naming pinag saluhan ni beth…

Habang nag da drive ako ay naisipan kung dumaan kina Cynthia para mag tanung kung may kilala syang doctor na specialista sa pantog.. Dahil si Cynthia ay isang dentist kaya nag baka sakali ako na baka may irerekominda sya sa akin na doctor na kilala nya..

Ilang sandali ay nakarating ako sa bahay nila Cynthia.. Pag dating ko ay may naka pila na mga limang tao sa kanyang clinic… Si jasmine ang sumalubong sa akin sa gate at matapos syang humalik sa akin ay kanya akung pinapasok…

“mama si tito pao po andito”.. Ang turan ni jasmine habang papalapit sya kay Cynthia na busy sa kanyang pasyente…

“saglit lang pao ha”.. Tatapusin ko lang tung pasyente ko pakihintay lang ako”… Ang turan ni Cynthia habang binaba saglit ang kanyang mask na naka tabon sa kanyang bibig…

“ok cynth at sabay ko pasok sa kanilang sala at naupo sa sofa at doon ako nag hintay sa kanya…

” tito.. Mag juice po muna kayo.. Ipinagtimpla ko po kayo”.. Hehe.. Ang nakanginting turan ni jasmine sa akin…

“salamat jas.. Ang bait naman ng aking magandang pamangkin.. Ang naka ngiti kung turan…

” tito si ate yengyeng po kamusta na? “.. Miss ko na po si ate yeng.. Minsan tito punta ako sa bahay nyu,boring kasi ako dito sa bahay eh..”.. Ang turan ni jasmine sa akin..

” oo ba.. Ok naman si ate mo yeng jas.. Ngayun paalam ka kay mama mo doon ka matulog sa bahay para kasama mo ulit si ate mo yengyeng.. Ang turan ko sa kanya habang naka ngiti…

“sige po tito”.. Hehe.. Yes!!! .. Mag papaalam po ako mamaya kay mama.. Ang tuwang tuwa na turan ni jasmine…

“oh anung pinag uusapan nyu nanaman ng tito mo? At mukhang tuwang tuwa ka nanaman jas?.. Ang turan ni Cynthia na nakangiti habang nakatayo na pala sa aming tabi ni jasmine..

” mama sama po ako kay tito doon ako matutulog sa kanila.. Miss ko na kasi si ate yengyeng ma eh..”.. Ang turan ni jasmine..

“ok sige.. Itong anak ko talaga na ito.. Maka ate yengyeng nya talaga.. Hehe.. Ako nanamang mag isa nito mamaya.. Ang turan ni Cynthia habang naka tingin sa akin na may kahulugan..

Ngumiti lang ako sa itinuran ni Cynthia…

” Yehey!!!.. Hintayin mo ako saglit tito aayusin ko lang po ang aking dadalhing gamit…hehe..ang turan ni jasmine sabay nya alis at punta sa kanyang kwarto…

” oh pao.. Nabisita ka pala?”.. Ang tanung sa akin ni Cynthia..

” a cynth.. May kilala ka ba na doctor na specialista sa pantog?”.. Ang tanung ko kay Cynthia…

“urologist yun pao”.. Bakit sino bang may sakit sa pantog at nag hahanap ka ng urologist?.. May problema ba? “.. Ang tanung sa akin ni Cynthia na naka kunot ang noo at mbabakas sa mukha ang pag aalala…

” kaibigan ko lang cynth.. Nag hahanap ng urologist kasi may bukol sya sa pantog at kilangang operahan kaya nag hahanap sya ng batikan at magaling na urologist..”..ang pag sisinungaling ko kay Cynthia…

“ahh ganun ba?”.. Akala ko kung may nangyari na kina tita o kay teng o di kaya kay yengyeng.. “.. Ang nakahinga ng maluwag na turan ni Cynthia…

” meron akong kilala.. Kapatid sya ng kaklasi ko dating dentista din.. Si doctor santos.. Magaling na urologist sya.. Kaya lang medyo mahal dahil maayus sya at magaling na urologist.. “.. Ang turan sa akin ni Cynthia…

“ok lang cynth.. Ibigay mo sa akin ang # pupuntahan ko nalang, ako na lang ang kakausap..”.. Ang turan ko sa kanya habang naka ngiti..

“ok sige.. Wait lang.. At umalis saglit si Cynthia at may kinuha sa kanyang kwarto…

Ilang sandali lang ay may dala na syang calling card ng nasabing doctor.. At kanya itong ibinigay sa akin..

” cynth salamat ha.. “ang turan ko sa kanya…

” ok lang pao.. “sya nga pala”.. Kamusta kayo ni teng?.. Ang nakangiti nyang turan sa akin..

“ok naman kami cynth… Maayus ang pag sasama namin ilang linggo nalang at babalik na din sya sa America..”.. Ang turan ko sa kanya..

“good mabuti kung ganun..”.. Pakasal kayo pag bumalik sya dito.. “.. Ang turan sa akin ni Cynthia..

” yan nga ang plano ko cynth eh.. “.. Ang nakangiti kung turan..

” salamat ulit cynth ha.. Ang turan ko ulit sa kanya..

“ok pao.. Alam mo na miss kita pao”.. Hehe.. “ang bulong sa akin ni Cynthia.. Sabay nya pa simpling dakot sa harapan ng pantalon ko..

” cynth.. Baka may makakakita sayo.. “.. Ang turan ko habang nakangiti..

Isang malanding ngiti ang ipinukol sa akin ni Cynthia.. At sinamahan nya ako at inihatid sa aking sasakyan..

“sige cynth.. Salamat ulit ha..”.. Ang pag papaalam ko kay Cynthia…

“tito.. Hintay”!!!! ang tumatakbong turan ni jasmine.. Daladala ang kanyang gamit…

” ay jas.. Haha sorry muntik na kitang maiwan.. “ang natatawa kung turan kay jasmine…

” ok lang po tito.. Ang nakangiting turan din ni jasmine…

Matapos nyang sumakay ay umalis na kami at diritso kami sa hospital na kung saan naka duty ang urologist na inirikomenda ni Cynthia…

Matapos kung makausap ang urologist ay ini schedule nya ang operation ni Roger…

Habang papalapit ang pag balik ni donita sa America ay patuloy na maayus ang relasyun namin ni donita.. Mainit ang mga gabi namin.. Wala kaming pinapalampas na pag kakataon halus gabi gabi ay wala kaming pinapalampas.. bagsak ang mga pawisan naming katawan sa aming kantutan… Punung puno kami nang pagmamahal sa isat isa na magkayakap sa buong mag damag..

Magaan ang aking loob dahil maayus na ang suliranin kay beth… Minabuti ko nalang na maging sekrito ang tungkol sa anak namin ni beth kay donita.. Para sa ikakaayus ng lahat…

Inilipat sa isang private hospital si Roger kung saan naka duty ang urologist dahil sya ang hahawak ng operation ni Roger.. Tuwang tuwa si beth dahil sa pag asang nakikita nya sa kanyang asawa.. Pati ako man ay natuwa din kahit di isang daang porsyento ang chances ay minabuti namin na umasa sa ikagagaling ng kanyang asawa…

Habang nalalapit ang operation ni Roger ay bumibisita ako sa kanila ni beth.. Kinakamusta ko ang kalagayan nila.. nakikita ko ang sigla sa kanilang mukha na mag asawa… At para din na masilayan ko din si lyn na aking anak..

“sir salamat po talaga.. Nag karoon po ako ng pag asa dahil nakalipat po kami ng hospital na pribado..”.. Ang masayang turan ni Roger ng ako ay bumisita sa kanya..

“oo mahal laking pasalamat natin kay sir pao…ang tuwang tuwang turan ni beth…

” ahh mahal.. Mag bonding muna kayo ni sir, tatlo kayo ni lyn.. Para naman makabawi naman tayo kay sir sa kabutihan nya.. “.. Ang nakangiting turan ni Roger kay beth..

Napatingin si beth kay Roger at sa akin na medyo mababakas sa kanyang mukha ang pag kagulat sa tinuran ni Roger..

Tahimik lang ako na naka masid sa kanila…

” mahal.. Walang mag babantay sa iyo dito kung kasama kaming dalawa ni lyn”.. Ang turan ni beth na mababakas sa mukha ang pag aalala sa kanyang asawa…

“ok lang mahal babalik naman kayo kaagad..gusto ko lang na makapag bonding lang kayo ni sir pao tatlo ng anak natin..”.. Ang turan ni Roger na nakangiti…

“o sige mahal..” naguguluhan man ay sumang ayun nalang si beth kay Roger.. Kahit ako man ay naguguluhan kay Roger.. Nababahala ako na baka mahalata sya ni beth sa kanyang ginagawa na pag papaubaya nya kina beth at lyn na makapag bonding kami…

Matapos mag paalam ni beth ay umalis na kami..

Natuwa naman ako dahil makakasama ko ang aking anak… Para akung gutom sa panahon na makasama ko ang aking anak na si lyn.. Dinala ko sila ni beth at lyn sa mall at binilhan ng damit at mga gamit… Tuwang tuwa si lyn sa mga damit na aking binili sa kanya.. Makikita sa kanyang mga mata ang tuwa…at iyun din ay aking ikinatuwa…

“lyn ito oh bagay sayo ito..” ang turan ko habang naka ngiti at nakahawak sa damit na ipinakikita ko kay lyn…

“opo maganda po..” ang naka ngiting turan sa akin ni lyn…habang inaabot sa akin ang damit na aking napili…

“pao?”.. Ang boses na aking narinig sa aking likuran…

Nakaramdam ako ng kaba.. Pamilyar ang boses na yun.. Nanuot ang takot sa aking puso.. Sa buong buhay ko doon ako nakaramdam ng takot na nanuot sa aking mga kalamnan.. Nanlamig ang aking pakiramdam.. Parang ayaw kung lumingun sa may ari ng boses na yun…

Itutuloy…

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories