Author: aero.cock78
Continuation…
Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.. Di sya sumasagot at nakatitig lang sya sa akin…
Medyo nakakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa di nya pag sagot at nakatitig lang sya sa akin…
Inihanda ko na ang aking sarili sa sasabihin nya kung itoy di na naman kaayaaya.. Nakita kung medyo namumula ang kanyang mga mata..
Kinuha ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa kalsada…tahimik lang akung nag mamaniho at di nasasalita.. Nag hihintay ako sa mga sasabihin nya sa akin..
“pao.. Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo.. Dahil sa ginawa ko sayo dati.. Di kita pinatawad noon dahil masyadong nasaktan ako sa pagkawala ng aking mga magulang at kapatid kahit na ang may kasalanan pala ay si kuya alex.. Naging bingi ako at naging bulag sa katutuhanan dahil di ako makapaniwala na nagawa ni kuya alex yun dahil si tess ang katabi mo sa kama ng gabing pumunta sina papa at mama..”ang turan nya na umaagos na ang luha sa kanyang mga mata..
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya…
” kaya pala gustong gustong dalhin agad ni kuya alex sina mama at papa nung gabing iyun dahil may plano na pala sya dahil ang gusto ko ay huwag nang dalhin sina mama at papa at tayo nalang ang pupunta sa kanila kasama tayung tatlo ni kuya alex ngunit pinipilit sa akin ni kuya alex na dalhin nalang daw namin sina mama at papa papunta sa boarding house natin.. “… Iyun pala ay may nag hihintay na pala syang plano na di ko alam… Huhuhu”!!!!.. Ang iyak ni donita habang naka tingin sya sa kalsada at binabalik salaysay ang nangyari ng gabing iyun…
“di ako maka paniwala na gagawin yun ni kuya alex..”.. Ang turan ulit nya….
“hayaan mo na yun teng.. Nangyari na iyon at matagal na panahon na yun… Napatawad ko na din si kuya Alex sa kanyang ginawa..wala na sya kaya minarapat ko na patawarin na lang sya… Wala kang dapat ihingi ng tawad dahil nabiktima ka lang at ako sa pangyayari na ginawa ni kuya alex.. Ngunit tapos na yun at kilangan na nating kalimutan yun at ayusin na natin ang ating pamilya dahil may anak na tayo teng…ang turan ko na umaagos na din ang mata ko sa luha..
Dahil sa mga luha sa aking mata ay minabuti ko munang iparada at ihinto ang sasakyan namin dahil hindi ako maka pag fucos ng maniho sa mga oras na yun dahil bumalik sa aking alaala ang sakit ng pinag daanan namin ng mga oras nayun…
Pati si donita ay humagulgol na din ng iyak.. Nakahawak sya nang madiin sa aking mga kamay…
“tama na teng wag ka nang umiyak”.. Ang turan ko sa kanya at kinabig ko ng kanang braso ko ang ulo nya at isinubsub ko sa aking dibdib…
Yumakap na din sya sa akin at umiyak sa aking dibdib.. Animuy ibinuhus nya ang kanyang sama ng loob sa mga oras na yun.. Damang dama ko ang sakit na nadarama nya sa kanyang pag iyak sa aking dibdib.. Naawa ako kay donita at yakap ko lang sya sa mga oras na yun at hinayaan lang na mailabas nya ang kanyang pag iyak…
Matapos na syay mahimasmasan ay aking pinahid ng tissue ang kanyang luha.. Kinuha nya ang tissue sa akin at pinahid nya ang natirang luha sa kanyang mata at pisngi..
Parang lumiwanag ang mukha ni donita ng matapos syang makaiyak.. Nakita kung parang umalpas ang nakatagong hinanakit sa kanyang puso sa mga oras na yun..
“pao sorry kung iniwan ko kayo ng anak natin, dapat sana ay hindi nalang ako pumunta ng America, hindi ko akalain na malalayo ang loob ni yengyeng sa akin..” para sa atin ang ginawa ko kaya pumunta ako ng America.. Ang bahay na pinatayo ko at pati itong sasakyan ay para dapat sa atin yun ng anak natin… Ngunit di ko lubos akalain na naging maayus ang buhay mo na kasama ang anak natin at madami ka ding naipundar… Hikahos ang pamunuhay nyu dati pao kaya dati palang ay gusto ko na guminhawa ang buhay natin pag nag sama tayo”… Ang turan ni donita..
“nag sikap ako teng dahil sa anak natin akala ko ay di mo na ako mapapatawad kaya nag sumikap ako na maayus at makaangat ang buhay namin ni nanay dahil alam mo naman ang buhay namin dati.. Ang hirap na pinagdaanan namin sa buhay at ang anak natin ang dahilan kaya kahit nawala sa akin ang scholarship at nawala ka sa akin ay patuloy akung nagsumikap at sa ilang taun na pabalikbalik ko sa barko at sa tulong ni nanay na humahawak ng aking pira ay dahan dahan akong nakaka pundar at nakakaipon ng pira at ang huling pinakamalaking pinundar ko ay ang pag bili ko ng franchise ng convenience store na kakabukas pa lang.. “.. Ang turan ko kay donita…
” hanga nga ako sayo pao”.. Hanga ako sa pag susumikap mo at lalong hanga ako sa pag papalaki mo kay yengyeng.. Naiinggit ako dahil pinalaki mo sya ng maayus samantalang ako ay malayo sa kanya… “.. Ang turan ni donita na muling namumula ang mata na nakatingin sa akin..
” mahirap din ang naging buhay ko sa America,.. Pumasok ako bilang nurse sa isang hospital.. At ang tiya ko ang nag pasok sakin doon sa hospital na pinapasokan ko, sya ay kapatid ni mama, sila ng asawa nya ay may kumpanya, sila ang kumukuha ng vedio footage ng mga nag hihearing ng mga kaso at may kumpanya din ng mga volunteers na tumutulong sa mga mahihirap na mga bata sa ibat ibang remote places sa bansa… May kaya ang kanyang asawang Americano ngunit sa kasamaang palad itoy namatay dahil sa sakit na cancer, dahil sa katandaan na nito ay di na kinaya ng kanyang katawan ang sakit nito kayat itoy pumanaw atkay tita at sa kaisa isang anak nila napunta ang lahat ng asset ng asawa nya at ang kumpanya nila, ngunit ang masaklap ay ang nag iisang anak nila ng asawa nila ni tita ay may deperinsya sa pag iisip at sa kalaunan ay pumanaw din ito.. Dahil doon sa pangyayaring yun ay masyadong nasaktan si tita at napabayaan na nya ang kanyang kumpanya at ito ay di nya masyadong nakayang patakbuhin ang lahat ng kanyang negosyo na sya lang mag isa kaya ako ang kanyang tinawag na tumulong sa kanya dahil ako lang ang sulo na kamag anak nya doon.. Ako ang nag manage ng kumpanya ng aking tita at magkatulung kaming dalawa sa pag taguyod ng kanyang kumpanya at sa aking paghawak ay sinuwerte ang kumpanya at lalong lumaki…
Sa kalaunan dahil medyo may edad na si tita ay dahil panganay sya nila mama kaya sa akin na ipinagkaloob ni tita ang lahat ng kumpanya nya dahil wala syang anak at ako lang ang sulong pamilya nya… Parang anak ang turing sa akin ni tita at parang mama na din ang pag aalaga ko sa kanya… Ako din ang naka hands on sa volunteers company nya at ako ang mismong pumupunta kasama ng iba naming impleyado na namimigay ng tulong sa mga mahihirap na mga tao sa ibat ibang panig ng mundo.. ” ang salaysay ni donita…
” iyun ba yun teng ang nakita kung mga litrato na naka dikit sa malaking wall frame sa bahay mo? “.. Ang tanung ko sa kanya..
” oo pao yun ang mga taung natulungan ng companya ni tita.. Ayaw nya sana akung pasamahin sa field ngunit gusto ko ang makatulong sa kapwa kaya sumama ako sa team ng mga volunteers para mag hatid ng tulong sa mga less fortunate na mga pamilya..”.. Kaya dahil dito ay di ako nakaka communicate palagi sa anak natin dahil sa mga lugar na pinupuntahan namin, at dahil dito ay di ko din namalayan ang pag lipas ng panahon..”.. Ang pag pa patuloy na salaysay ni donita…
“ngunit sa gayun pa man ay di ko iniwaglit sa aking isipan kayo ni yengyeng.. Doon ko na realized na kilangan ko nang mag moved on at patawarin kita dahil wala ka namang kasalanan sa mga nangyari… Doon ko na realize na importante kayo ni yengyeng sa akin, kaya minabuti ko na umuwi muna para makita ko kayo ni yengyeng at para ma check ko din ang bahay na pinagawa ko na si kuya Ralph at kuya Raul ang nag asikaso… “.. Ang patuloy na pag sasalaysay ni donita..
” kilangan mo pa bang bumalik teng sa America? “.. Di ka ba pwedeng dito na lang?.. Ang turan ko kay donita..
” kilangan pa akung bumalik pao sa America dahil sa kumpanyang ibinigay sa akin ni tita..may aayusin lang ako doon at pwede na akung umuwi dito pao para mag kasama tayo ni yengyeng ang Turan nya sa akin…
Nakatitig lang ako sa kanyang mata.. Nakaramdam ako ng lungkot dahil maiiwan nanaman kami ng aming anak pag bumalik ulit sya ng America…
“hanggang kilan ka doon teng bago ka bumalik dito”?.. Ang tanung ko sa kanya..
“di ko pa alam pao kung kilan at kung anung magiging takbo doon ng aking pag aayus sa mga dukumento ng kumpanya..”di ko pa masasabi ngayun kung kilan ulit ako makakabalik ngunit papangako ko sayo na babalik ako sa inyo ng anak natin ang turan nya sa akin…
“ayaw mo bang doon na tayo manirahan sa America tatlo ni yengyeng pao?”.. Ang turan sa akin ni donita…
Tahimik lang ako at di ako kaagad nakapag salita sa tanung ni donita..
“ayaw ko pong tumira doon, dito lang po ako kay papa..at kay lola.. “huhuhu. .. Ang turan ni yengyeng na umiiyak sa likod.. Gising na pala sya at nakikinig sa amin ni donita…
Napalingun kami ni donita kay yengyeng sa likuran ng sasakyan…nag katinginan kami ni donita…
” wag ka mag alala nak di kita kukunin kay papa..” ang turan ni donita kay yengyeng…
“tahan na nak.. Dito uuwi si mama hindi doon sa America ang turan ko din kay yengyeng..
Gising na din si jasmine at naka tingin lang din at tahimik na nakamasid…
” halika dito nak “.. Ang turan ni donita sabay hila nya ng kamay ni yengyeng at pinalapit nya sa kanya at hinalikan sa noo at niyakap..
“di ko kayo iiwan ni papa mo nak.. Babalik ako dito para mag sasama na tayo dito sa sunod nak.. Ang turan ni donita kay yengyeng…
Hinawakan ni donita ang kamay ko at nakatingin sya sa akin habang hinahalikan nya ang noo ni yengyeng na nakasubsub sa kanyang dibdib..
Hinalikan ko din sa noo si donita at sabay ko paandar ng makina ng sasakyan..
“tama na yan nak, pahidan mo na ang mukha mo at tutuloy na natin ang byahi..”.. Ang turan ko kay yengyeng.. Sabay ko abot ng tissue sa kanya na agad naman nyang ipinahid sa mukha nya pagkatapos nyang makabitaw sa pagkakayakap ni donita..
“opo pa..”.. Ang tugon naman ni yengyeng…
Pinatakbo ko na ang aming sasakyan at tinuloy na namin ang byahi…
Hapon na ng makarating kami sa inland resort na target namin sa tibiao, antique.. Resort ito na katabi ng ilog, may mga malalaking kawali dito na iba iba ang size dependi sa dami ng papasok dito.. May apoy ito sa ilalim at ang tubig nito ay maligamgam na may mga bulaklak at mga dahun na nakalagay dito.. Nakahilira din ang mga cottage dito, may mga naabutan kami na mga torista at mga local tourist na nag bababad sa mga kawali… Medyo di gaanung madami ang mga bumibisita at madami namang available na cottage.. Pumunta kami sa information nila at nag tanung kami kung pwede makapag overnight dito, at mabuti at pwede naman daw at may isang bahay sila na may dalawang room na pwede daw naming i book.. At iyun ang kinuha namin..
Tuwang tuwa ang mga bata sa kakapanuod ng mga naka babad na mga turista sa malalaking kawali.. Habang kinukuha namin ang mga gamit sa likod ng sasakyan ay excited na sila na maligo at mag babad sa mga malalaking kawali doon…
Matapos maituro sa amin ng isang empleyado doon ang kwarto namin ay inilagay namin ang mga gamit namin doon..
Isang buong bahay sya.. Pang pamilya.. Dalawang kwarto ito.. Inilagay ko ang mga gamit nila yengyeng at jasmine doon sa kwarto nila pati na ang bag ni donita..
“pao doon mo ilagay ang bag ko na may mga gamit natin sa isang kwarto..”.. Ang turan nyang nakangiti sa akin..
Pagkarinig ko nito ay natuwa ako at na excite sa kanyang tinuran.. Nag init ako at di na ako mapalagay sa sobrang excitement..
Agad kung dinala sa kabilang kwarto ang gamit namin ni donita…
Namangha ako sa kwarto dahil maganda ito.. Yari sya sa kawayan pero maganda ang pag kakagawa ng silid.. May malaking queen size bed na yari din sa kahoy may isang cr din ito.. Maganda sya dahil ang paikot ng bahay ay mga kakahuyan…
Habang akuy palinga linga sa kabuoan ng kwarto ay nagulat ako ng may yumakap mula sa likuran ko.. Naamoy ko ang pabango ni donita..
“pao”.. Namiss kita.. “.. Ang turan ni donita habang nakayakap sa aking likuran..
Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit at siniil ko sya ng madiin na halik sa labi…
Mapusok ang aming halikang dalawa.. Mainit. Naghahabol ang aming hininga.. Sabik na sabik sa bawat isa..
” namiss din kita teng.. “.. Ang turan ko pag bitaw ko ng halik sa kanya..
Agad naming nadinig ang sigaw ni yengyeng sa labas..niyayaya na ng mga bata si donita para pumunta sa mga malalaking kawali na nasa tabi ng ilog..
“mamaya nalang pao..” ereserba mo nalang mamayang gabi yan, madami pa tayung oras.. “ang nakangiting turan ni donita sabay nya halik ulit sa aking labi at dritso na syang lumabas ng kwarto namin at sumunod sa mga bata..
Hinayaan ko nalang silang tatlo at ako nalang ang nag ayus ng aming mga gamit sa mga kwarto namin.. At matapos kung maayus ang aming mga gamit ay sumunod din ako sa kanila doon sa cottage na aming napili..
Halo halo ang aking nararamdaman sa mga oras na yun.. Excitement dahil masusulo ko na si donita.. Sa tagal na di kami nag kasama ay sa wakas masusulo ko nadin sya..
Bago ako pumunta ng cottage ay dumaan muna ako sa information para mag order ng aming makakain at itoy pinahatid ko sa cottage kung saan kami nakatigil pasamantala sa tabi ng malaking kawali kung saan sina yengyeng, jasmine at donita ay masayang nakababad doon sa malaking kawali na may apoy sa ilalim.. Masaya akung naka masid sa kanila habang silang tatlo ay masayang nakababad doon..
Itutuloy…
- Kaputol (31) - May 11, 2022
- Kaputol (30) - May 8, 2022
- Kaputol (29) - May 7, 2022