Author: aero.cock78
Continuation…
Habang nakaupo si donita sa sala ay nakita ko syang tumayo at pumunta sa devider na nasa gilid ng sala kung saan nakalagay ang mga pictures namin at ng anak namin na si yengyeng.. Di nya ako napansin ng pag bukas ko ng pintuan ng aking kwarto… Di ko tinuloy ang paglabas sa aking kwarto at pinagmasdan ko lang muna sya..at medyo nakaawang lang ng kunti ang pagkabukas para di nya ako masyadong makita na nakasilip sa kanya..
Kinuha nya ang picture frame kung saan nakalagay ang picture namin nung pag graduate namin nung high school… At sunod nyang kinuha ay ang mga picture namin ni yengyeng nung maliit palang sya.. Matagal syang nakatitig sa dalawang picture frame na yun…
Maya maya ay nakita kung paparating si manang na may daladalang juice…bigla namang inilapag bigla ni donita ang mga frame na hawak nya nang masilayan nya ang pagdating ni manang galing ng kusina…
“teng ito meryenda ka muna..” di pa gising sila pao at yengyeng di pa sila lumalabas sa kani kanilang kwarto eh.. “ang naka ngiting turan ni manang…
” salamat po… Kilala nyo po ako? “… Ang nakangiting turan ni donita…
” oo naman kilala kita di kita papapasukin kung di kita kilala.. Hehehe.. Matagal na akung naninilbihan kina ate at pao.. Parang pamilya ko na sila.. Anim na taon si yengyeng ng nag trabaho ako sa kanila.. Dito na ako tumagal at di na ako umalis sa kanila dahil di katulong ang turing nila sa akin kung di parti ng pamilya nila.. “.. Palagi kang kinukwento ni pao at napapag usapan ka nila at palagi kang ikinukwento kay yengyeng kaya nakilala kita kahit di pa kita nakita.. Ang salaysay ni manang kay donita…
Tahimik lang na nakangiti si donita.. Ngunit bakas sa kanyang mukha na parang nag iisip sa mga sinabi sa kanya ni manang…
“ahh manang wala bang dinadala si pao dito sa bahay na mga babae?”.. Ang medyo mahinang turan nya kay manang..
Medyo natawa ako sa itinanung ni donita kay manang… Nawili ako sa paninilip sa kanila sa sala…
“nako wala teng.. Napakabait ni pao.. Mapag mahal sya sa anak nyu.. Ang laging pumupunta lang dito ay yung pinsan nya na si Cynthia, wala nang iba..”.. Bakit nag seselos ka ba? “.. Ang nakatawang turan ni manang sa kanya..
” nako hindi po.. Haha.. Di naman po kami kasal ni pao.. Kahit na mag asawa naman po sya wala pong problema sa akin dahil binata naman po sya at wala naman syang asawa.. Meron lang pong anak.. Hehe..ang nakangiting turan nya ngunit makikita sa mukha nya ang pilit na ngiti..
“nako parang wala naman yatang balak mag asawa si pao eh… Puro ikaw nga ang bukang bibig nya palagi.. At di uubra kay yengyeng kung magdadala sya dito ng babae.. Lagot kay nanay nya at sa anak mo.. Haha..” wag mo akung isumbong kay pao ha.. Hehe.. “.. Ang pabulong na turan ni manang habang humahagikgik…
Tahimik lang at nakangiti lang si donita kay manang…
Natatawa ako sa pag ka tsismosa ni manang ngunit sa isang banda ay natutuwa din ako dahil nakikita ko ang reaksyun ni donita sa pakikipag usap nya kay manang…
Nakadama ako ng guilty feelings kay donita dahil ang alam nila nanay, manang at aking anak na wala akung babae… Hindi nila alam na may dalawang fubu ako sa manila at incest na relasyun ko sa aking pinsan na patay na patay sa akin.. Napailing na lang ako sa aking sarili sa aking mga pinanggagawa…
Patuloy ako sa patagung pag mamasid kina manang at donita na patuloy pa ding nag uusap…
“pasensya sa pagtatanung teng kung medyo personal ang tanung ko ha” .. Bakit di nalang kayo mag sama at mag pakasal ni pao? .. Malaki na yung anak nyu.. Maliban na lang kung may asawa ka na o boyfriend..”…ang medyo seryuso na tanung sa kanya ni manang…
“nako wala po akung asawa manang at lalo na po na wala po akung boyfriend..”… Ang turan ni donita..
“eh yun pala eh.. Bakit di nyu buoin ang pamilya nyu ni pao?”… Ang tanung ulit ni manang…
Di sumagot si donita.. Nakita kung umupo sya sa sofa at uminom ng juice…
“ahh ok lang teng kung ayaw mung sagutin.. Kayo nalang ang mag usap ni pao.. Ayaw ko namang makialam sa buhay ninyo, pero concern lang ako sa anak nyo..sana mabuo ang pamilya nyo teng..”.. Ang turan ni manang kay donita..
“salamat po sa concern nyo manang.. Ang matipid na turan ni donita kay manang…
” ahh dyan ka lang muna teng ha.. May niluluto pa ako sa kusina.. Mamaya konti gising na si pao at yengyeng “.. Pakihintay mo lang dyan”.. ang naka ngiting turan ni manang sabay nya balik sa kusina…
Naiwang nakaupo si donita sa sofa at makikita sa mukha nya na parang may malalim syang iniisip..
Bigla din akung nag isip ng malalim kung anung dahilan ni donita at di nya sinagot ang tanung sa kanya ni manang..
Dahan dahan kung sinarado ang pintuan ng kwarto ko at naupo ako saglit sa aking kama, pinatung ko ang kamay ko sa aking ulo at nakatingin ako sa sahig habang napakalayo ng aking isipan sa mga oras na yun…
“bakit kaya ayaw sagutin ni donita ang tanung ni manang?.. Kilangan ko itong malaman kung anung dahilan ni teng..”.. Ang bulong ko sa sarili ko…
Naalala ko din ang tinuran ni Cynthia at kuya Ralph sa akin..
“saka nalang, di pa ito ang oras”.. ang bulong ko sa sarili ko habang inaayus ko ang sarili ko ulit sa aking paglabas ng kwarto…
Dahandahan kung binuksan ang kwarto ko at nasilayan ko si donita na nakatayo sa pintuan at nakatanaw sa labas…
Dahan dahan akung lumabas at pinag masdan muna sya…mula sa likod ay sinipat ko sya ng tingin.. Mula ulo hanggang paa.. Gandang ganda ako sa hubog ng kanyang katawan sa suot nyang fitting na black t-shirt at mini skirt na maung..
Dahan dahan akung lumapit sa kanyang likod at aking nasamyo ang halimuyak ng kanyang buhok..
“hmmm.. Na miss ko ang amoy na to”… Ang bulong ko sa sarili ko.. “habang nakapikit akong inaamoy ang kanyang buhok…
Pag dilat ko ng aking mata ay nagulat ako dahil naka titig na sya sa aking mata at naka mulagat ang kanyang mata sa akin..
” pakkk!!! … Isang malumanay na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi na nag pa atras sa akin..
” arayyyy!!!.. Ang turan ko habang sapo ko ng aking palad ang aking kaliwang pisngi…
“hoyyyyy paolo!!!!..bakit ka nakapikit at naka nguso yang ilong mo sa akin?… May masama kang binabalak sa akin no?!!!… Ang turan nya na parang namula sya at pigil ang mukha na matawa…
” wala!! mag tatanung nga sana ako sayo kung anung ginagawa mo dito eh!!” .. Ikaw nga itong sa loob ng bahay ko trespassing ka nga!!! …”… Ang turan ko sa kanya habang nakahawak pa din ako sa kaliwang pisngi ko…
Tahimik lang sya at palinga linga..
“hoyyy pao.. Pumunta ako dito para kay yengyeng no.. Di para sayo!!! ..”.. Ang may pagkasuplada nyang turan sa akin na naka pa miwang na nakaharap sa akin at naka irap ang mukha…
“tika muna, ikaw pa matapang na dito ka nga sa bahay ko.. Huwag mo nga akung paandaran dyan donita”!!! … Ipasok mo ang sasakyan mo sa loob ng garahi at baka i towing yan sa labas!! “.. Ang ganda at brand new pa naman ng sasakyan mo..” “.. Ang turan ko na medyo may matipid na ngiti sa labi…
Lumingun sya sa sasakyan nya at binalik ang tingin sa akin.. Baka kung anung gawin mo sa akin dito sa bahay mo kung ipapasok ko ang sasakyan ko sa garahe mo!!! “.. Ang turan nya sa akin na nakaturo pa ang hintuturo nyang daliri sa mukha ko…
“nako di ko na yan pag iintrisan, nakuha ko na nga yan ako pa naka una eh!!! .. At isa pa, sawa na ako dyan kaya di ko na pag iintrisan yan!!! .. Haha..”!!!. ..ang naka tawa kung turan sa kanya..
“hooyyy!!! Paolo anung sinabi mo!!! ?.. Ulitin mo nga!!! ?..ang turan sa akin ni donita na mas lalong lumapit ang mukha sa akin..
Amoy ko ang mabangung hininga nya na isang pulgada na lang ang layo sa mukha ko ng mukha nya…
Nagkatitigan kami, mata sa mata.. Parang nag init ang pakiramdam ko sa pagkakalapit ng mukha nya sa akin…
“anung uulitin ko!?.. Ang medyo pa bulong kung turan sa kanya…
“ang huling sinabi mo!..”.. Ang medyo pabulong na din nyang turan sa akin…
Dama ko ang malalalim na pag hinga nya.. Halos mag lapat na ang dulo ng mga ilong namin dahil sa pag kaka lapit ng aming mga mukha…
Parang di ko na makayanan ang sitwasyun namin at gusto ko na syang siilin ng halik…
“bahala na”.. Ang bulong ko sa sarili ko sabay parang mayroong sariling isipan ang kamay ko at dahan dahan itong gumalaw at akmang kakabigin ko sya at sisiilin ng halik ng…
“papa?!!!.. Ang biglang narinig ko sa may likuran namin…
Nataranta kami ni donita at biglang napalingun ako sa aking anak na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto.. Naka suot ito ng padyama at kagigising lang…
At lalo kaming nagulat ni donita ng mahulog ang serving spoon sa mangkok na ulam na hawak hawak ni manang na dadalhin nya sa lamisa dahil itoy nakatayo din at naka tulala na nakatingin sa amin na nasa likuran ng aming anak…nahulog at kumalampag sa sahig na tiles ang kutsara na lalong nag pagulat sa aming dalawa…
Para kaming mga teenager na nahiya sa aming sarili.. Agad akung pumunta sa aking anak na si yengyeng at tinanong kung anung kilangan nya..
“wala pa.. Akala ko kasi kung sino ang kausap mo papa..”.. Ang may pag ka inosenting tanung ni yengyeng sa akin..
“si mama mo nak” .. Bumisita sya sayo ang turan ko sa kanya..
“ahhh oo nga yeng.. Kanina pa yan si mama mo iniwan ko lang sya sa sala dahil nag luluto ako ng ulam..”.. Ang turan ni manang na naka tingin sa akin na medyo nakangiti, ngunit may laman ang kanyang mga tingin sa akin…
“hello nak” ang kaway ni donita kay yengyeng..
“hello po ma..”.. Ang nakangiting turan ni yengyeng sa kanya..
Maya maya ay narinig ko ang sasakyan na pumarada sa likoran ng sasakyan ni donita.. Nakita kung bumaba si nanay sa sasakyan at tinuro nya ang sasakyan sa harap ng sasakyan namin..
“ahh nay.. Sa akin po yan” .. Ang nakatawang turan ni donita habang patakbong lumabas at pumunta sa gate..
Sumunod din ako sa kanya..
” hello po nay.. Ang bati ni donita kay nanay at sabay nya kuha ng kamay nito at mano..
“bless you.. Ipasok mo ang sasakyan mo sa garahi teng baka ma towing mamaya yan.. Malaki naman ang garahi pang tatlong sasakyan ang makakapasok dyan” .. Ang naka ngiting turan ni nanay..
“ako na teng ang mag papasok ng sasakyan mo..” ang turan ko habang naka ngiti sa kanya..
Tumingin sa akin si donita at sabay nya abot ng susi ng sasakyan nya sa akin..
“salamat pao”.. Ang naka ngiti nyang turan..
Isang matamis na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya..
“nay akin na ang susi ako na lang din ang mag papasok ng sasakyan” .. Ang turan ko kay nanay..
“o sya sige pao.. Hito ang susi.. Ang turan ni nanay sabay nya yaya kay donita upang pumasok na sa loob ng bahay..
Dumulog ako sa sasakyan ni donita at ipinasok ko ito sa garahi.. Pag katapos kung maipasok ay ang aming sasakyan naman ang aking ipinasok..
Pagkapasok ko ng sasakyan ni donita ay pinagmasdan ko ito.. Di ko maiwasang humanga sa mamahaling sasakyan nya.. Mahilig ako sa sasakyan kaya di ko maiwasang humanga sa design at kulay na napili nya sa sasakyan nya…
Nang maayus ko na ang dalawang sasakyan sa garahi ay pumasok na din ako sa loob ng bahay…
Nadatnan ko sila na nakaupo na sa hapag kainan.. Dumulog na din ako sa lamisa para sabay sabay na kami na kumain ng tanghalian…
Itutuloy…
- Kaputol (31) - May 11, 2022
- Kaputol (30) - May 8, 2022
- Kaputol (29) - May 7, 2022