Utang Na Loob (48)

aero.cock78
Utang Na Loob 1
Utang Na Loob (9)
Credits: aero.cock78

 


Author: aero.cock78


 

Continuation…

Bumitaw si donita sa pagkakayakap kay yengyeng at pinahid nya ng panyo ang kanyang mata.. Matapos itong pahidan ay itinupi nya ito at ibinigay kay yengyeng…

“anak halika na pasok na muna tayo”.. Ang turan ni donita kay yengyeng sabay nya kuha sa kamay nito at inaya paloob..

Humawak si yengyeng sa aking kamay at di sumunod kay donita… Napalingun si donita at napatingin kay yengyeng na bakas sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa hindi pag sunod sa kanya ni yengyeng…

Nakatingin lang si yengyeng sa kanya at lumingun si yengyeng sa akin.. Napatingin din ako kay yengyeng at nakita ko sa kanyang mata na namumula ito na parang nag babadyang iiyak…

“pumunta ba tayo dito papa para ibigay mo ako sa kanya?”… Ang tanung ni yengyeng na nakatingin sa akin na agad kong nakita ang mamumuong butil ng luha sa kanyang mga mata na sa ilang sandali ay nag babadyang tumulo…

Nakuha ko ang ibig sabihin ng aking anak at agad ko syang niyakap.. Bumitaw sya sa pagkakapit kay donita at sumubsob sa aking dibdib at doon na tuluyang umiyak..

“tahan na anak..”ang turan ko habang hinahaplos ang kanyang likod at pilit pinapakalma sya..

Tumingin ako kay donita at suminyas ako sa kanya na ako na ang bahalang mag paliwanag kay yengyeng… Tumango si donita ngunit bakas sa kanyang mukha ang lungkot sa inasal ulit ni yengyeng,..namumula nanaman ang kanyang mata at nag babadya ng napipintong pag iyak hindi dahil sa tuwa kung di dahil sa lungkot..

Matapos umiyak ni yengyeng at kumalma na sya ng bahagya ay saka ako lumuhod at kinausap ko sya..

“nak di tayo pumunta dito para ibigay kita kay mama mo.. Di ba sabi ko sayo di kita iiwan.. Pumunta tayo dito para bisitahin si mama mo para maka pag bonding tayo.. Uuwi din tayo mamaya.. Di kita ibibigay kahit kanino kahit kay mama mo..pangako yan anak..”..ang turan ko habang di ko na napigilan ang aking sarili at tumulo na ang aking luha sa pisngi at niyakap ulit ang aking anak…

Yumakap din si yengyeng at humagulgul ulit ng iyak… Kita kung tumalikod si donita at nakita kong gumalaw ang kanyang likod dahil sa pag hagulgul nya din ng iyak.. Pinuntahan sya ni kuya Ralph at syay niyakap…

Di ko maiwasang malungkot kay donita.. Napakailap ng aming anak sa kanya.. Dama ko ang sakit ng loob na nadarama nya sa mga oras na yun..

Nang maramdaman kung huminahun na si yengyeng ay agad kung hiniram ang panyo nya kanina.. At nang maibigay nya yun sa akin ay ipinahid ko iyun sa kanyang pisngi..

“tahan na anak.. Halikana at bumasok na tayo sa bahay ni mama..”.. Ang turan ko kay yengyeng.. Habang kinuha ko ang isang kamay nya at kinuha ko din ang isang kamay ni tengteng at pinag hawak ko silang dalawa..

Napalingun si donita at napatingin sa akin.. Matipid akung ngumiti at sininyasan sya na ok na at pumasok na kami sa loob…

Binigay ko ang panyo kay donita at tinanggap nya din at sabay nya pinahid sa kanyang pisngi habang naglakad kaming tatlo papasok sa kanyang bahay…

“halika kuya Ralph at jas.. Pasok kayo.. Ang turan ni donita na sumunod namang pumasok si kuya Ralph at hawak nya sa kamay si jasmine…

Ang sarap ng pakiramdam ng makita kung nakahawak kaming dalawa ni donita kay yengyeng napagitnaan namin sya habang nakasunod kami ni yengyeng sa kanya..

Nag palinga linga ako ng makapasok kami sa garahe ng kanyang bahay at nakita ko ang kabuuan ng garden sa harap ng kanyang bahay.. Naka bermuda ito at makikita sa mga gilid ang samut saring klasi ng bulaklak na nakatanim dito.. Makikita ang pag ka professional ng gumawa ng landscape ng mga tanim ni donita… Di ko maiwasang humanga dito at kahit sinung makakita ay mabibighani sa ganda at pag kakaayus ng landscape nito…

Pag dating namin sa sala ng kanyang bahay ay luminga linga ang aking tingin sa ayus ng kanyang sala.. Napakaganda nito at maganda sa mata at maaliwalas ang pag kakaayus ng mga sofa dito.. Nakaayus ang lahat at maaliwalas sa paningin.. Humanga nanaman ako sa desinyo nito wala kang ipupula sa desinyo ng interior design ng loob ng kanyang bahay…

Kahit si yengyeng at si jasmine ay walang tigil sa kakaikot ang tingin sa kabuuan ng bahay…

“umupo muna kayo nak,pao at kukuha lang ako nang maiinum nyu.. Wala kasi akung katulong dito.. Pumupunta lang si ate dito pag sabado para mag linis ng bahay..si ate na Katulong din ni kuya Ralph yung nag lilinis dito..” ang salaysay ni donita at iniwan na nya kami at pumunta sya sa kusina…

Habang kami ay nakaupo sa sofa ay tapatingin sa akin si kuya Ralph na nakangiti..

” isang family architect ang dumisinyo ng bahay ni tengteng pao.. Isa sya sa magagaling na designer ng bahay.. Di ako nag kamali ng pag pili sa kanya nung pinagawa ni donita itong bahay nya.. Kasama din ng family engineer namin ay nabuo ang magandang bahay na ito.. “.. Ang salaysay ni kuya Ralph habang naka ngiti sya sa akin…

Sa aking pag linga linga ay napako ang tingin ko sa mga litrato na nakapatong sa isang mamahaling divider cabinet sa isang side ng sala.. Kita ko ang mga picture ni yengyeng nung sya ay sanggol pa lamang.. Kita ko din ang picture namin ni donita nung nasa kolehiyo pa lang kami.. Makikita ang kalumaan ng litrato ngunit mababakas dito ang pag aalaga sa litrato..

Isang litrato ang kumuha sa aking atensyun na pumukaw sa aking damdamin na tumagos sa aking puso.. Ang litrato naming tatlo ni donita at yengyeng ng bago umalis sya papuntang amerika.. Para nanamang sasabog ang aking puso ng makita ito.. Bumalik ang aking alaala ng sakit nito ng iwan kami ng aking anak ni donita nung pumunta sya sa America… Ngunit sa isang banda ay naka dama din ako ng kurot sa puso dahil naramdaman ko na mahal kaming dalawa ni yengyeng ni donita.. Dahil sa mga litratong naka lagay doon..

Sa kabilang side ng wall ay may isang malaking wall picture na nakalagay ang mga maliliit na litrato.. Tumayo ako at lumapit doon at tumingin sa mga litrato na maayus na nakasalansan doon.. Di ko maintindihan ang mga nasa litrato.. Di ko kilala ang mga tao sa litrato.. Mga ibat ibang lahi ang mga naka lagay doon.. Ibat ibang lugar.. Ngunit makikita ang hirap sa mga mukha ng tao sa litrato.. Hirap ng buhay na kanilang nararanasan.. Ibat ibang litrato at mga kuha..sa bawat litrato ay nandoon si donita.. May mga ibang mga tao din doon, sa pakiwari ko ay mga kasamahan nya iyun.. Koleksyun ito na inayus at inilagay sa isang malaking wall picture frame…

Naguguluhan ako sa mga litrato kung anu ang mga iyun ngunit pinili ko na isan tabi lang muna iyun at patuloy lang ako sa pag tanaw pa ng mga ibang litrato na nakalagay doon..

“halina kayo dito at kumain muna kayo”.. Ang turan ni donita na nag pabalik sa aking diwa..

Lumingun ako kay donita at kita kung pinapaupo nya sa lamisa sina yengyeng at jasmine.. Si kuya Ralph ay nakaupo sa sofa at may hawak na baso ng malamig na inumin at nakaharap sa kanyang cellphone…

“halikana dito pao”.. Kumain ka muna ang anyaya ni donita habang nakaupo ito katabi kay yengyeng…

Isang ngiti lang ang aking itinugun at dumulog din ako sa lamisa at kumain kasama nila..

Pag upo ko sa lamisa ay nakita kung nakahain ang pansit at isang plastic ng sliced bread, palaman at isang pitsil ng juice.. Kumakain si yengyeng ng pansit samantalang si jas naman ay sliced bread ang kinakain…

Agad akung kumuha ng pansit dahil paborito ko din ito..

“nak favorite mo pala yang pansit..”?.. Ang tanung ni donita kay yengyeng na naka ngiti na naka tanaw kay yengyeng habang kumakain..

“opo, favorite ko po to.. Ang turan ni yengyeng na tuloy lang sa pagkain..

” may pinag manahan ka nga talaga nak.. Hehe..” Ang tatawa tatawang turan ni donita..

“po?”.. Ang turan ni yengyeng.. Habang naka kunot ang noo.. ” at nakatingin kay donita…

” haha ang sabi ko mana ka kay papa mo.. Mukhang pansit yan.. “ang nakatawang turan ni donita na nakatawang naka tingin kay yengyeng at sabay tingin din sa akin..

“opo favorite po namin to ni papa.. Palagi pong nag luluto si lola nito alam po kasi ni lola na favorite namin to ni papa eh..”.. Ang naka ngiting turan ni yengyeng kay donita..

“Mabuti dyan si lola mo nak.. Nag luluto palagi ng paborito mung pagkain.. Hayaan mo nak ipag luluto din kita gusto mo?.. “.. Ang naka ngiting turan ni donita ngunit makikita sa kanyang mukha ang nag babadyang pag iyak dahil makikita nanaman ang pamumula ng kanyang mata..

” opo ma.. Pansit din po.. Favorite ko po kasi yun eh.. Ang naka ngiting turan ni yengyeng..

“oo nak.. Habang nandito ako ipag luluto kita..” ang turan ni donita habang naka hawak sa mukha ni yengyeng..

“kaming dalawa po ni papa ma..favorite po din kasi ni papa yung pansit..”.. Ang nakatawang turan pero may pag kainosenteng sagot ni yengyeng..

“.. Oo naman.. Laging kasama si papa mo haha.. Sabay tawa ni donita.. Napalitan ng saya ang kanyang mukha..

Tahimik lang akung nakamasid sa aking mag ina habang nag uusap sila… Hinahayaan kung mabuo ang magandang mood sa kanilang dalawa bilang ina at anak na maging palagay ang loob ni yengyeng kay donita..

“jas juice may sliced bread pa, pansit jas kuha ka..”.. ang tanung din ni donita kay jasmine…

“salamat po tita, ok na po ako dito sa sliced bread po”.. Ang medyo nahihiya na turan ni jasmine..

“wag kang mahiya jas ha… Parang bahay mo na din ito dahil bahay din ito ni yengyeng kaya wag kang mahiya..”..ang turan ni donita…

“ha talaga po?”.. Ang nakangiting turan nito kay donita at sabay tingin nya kay yengyeng…

“ate yeng bahay mo pala ito.. Haha..” ang ganda ng bahay mo.. Ang nakatawang turan ni jasmine..

“hindi jas.. Kay mama bahay ito, may bahay kami ni papa… Ang turan ni yengyeng na medyo nag seryuso ang mukha..

” ahh nak, ang ibig sabihin ni mama eh bahay mo na din ito kasi bahay ito ni mama mo kaya bahay mo na din… Pero may bahay din tayo.. Pwede tayung pumunta dito kay mama palagi kung gusto mo.. Ang pagpapaliwanag ko sa kanya..

Isang pag tangu lang ang isinagot sa akin ni yengyeng…

Tumingin sa akin si donita, bakas sa mukha nya ang lungkot ngunit, ngumiti lang ako sa kanya para ipadama sa kanya na maaayos din ang kalagayan nila ni yengyeng…

“maganda nga po ang bahay nyu tita “.. Ang nakangiti na turan ni jasmine… Habang palinga linga niyang pinapaikot ang kanyang tingin sa buong bahay..

“palagi kayung pumunta dito ni yengyeng jas ha”..sama kayung dalawa ni ate mo yengyeng.. Ang nakangiting turan ni donita..

“opo tita..”.. Ang nakangiting turan ni jasmine…

“kuya Ralph.. Pagkain pa dito”.. Ang turan ni donita kay kuya Ralph na nakaupo sa sofa at nakahawak parin ng kanyang cellphone..

“I’m ok teng.. Huwag mo akung alalahanin dito just enjoy there with pao at mga bata..”.. Ang nakangiting turan ni kuya Ralph…

“ahhh teng.. Pwede ba tayung mag out of town?”.. You have time?.. Walang pasok ang mga bata i think pwede tayung maka out of town to release the stress at maka bonding natin ang mga bata.. ” suggestions ko kay donita para maka bonding nya ang anak namin at maging malapit sila sa isat isa..

“sure naman, umuwi nga ako dito para maka bonding ang anak natin.. Saan tayo pupunta?” saan ba ang magandang puntahan? “.. Ang sunod sunod na tanung ni donita na nakatingin sa akin na makikita ang excitement sa mukha nya…

” well if gusto nyu ng magandang venue eh madami dito sa atin, di nyu na kilangan sa malayo pa may car naman kaya accessible, walang problema sa transportation..”.. Ang turan ni kuya Ralph na biglang sumingit sa pag uusap namin ni donita…

“saan po kuya Ralph? .. May venue po ba kayung i sa suggest?.. Ang nakangiting turan ni donita..

” yup i have plenty.. Try nyu somewhere in antique.. There is a nice venue there.. A cold spring, maganda daw doon yung family engineer na gumawa ng bahay mo teng ay may project sila doon dati at na mention nya sa akin na magandang mag released ng stress at mag bonding doon with the family.. I suggest na doon kayo mag refresh.. “.. Ang salaysay ni kuya Ralph..

” sige kuya.. Doon kami pupunta.. Ang nakangiti na turan ni donita.. Na sabay tingin sa akin..

“ok sige teng doon tayo..”.. Ang nakangiti kung turan sa kanya.. Kita ko ang excitement sa mata nya…

“saan po yun pa?”.. Ang tanung ni yengyeng sa akin na nakakunot ang noo..

“di ko pa alam nak.. Pero pupuntahan natin para maka pamasyal naman tayo nak..kasama si jasmine at kung gusto ni lola na sumama eh isasama din natin sya.. Ang turan ko kay yengyeng..

” sige po pa..excited na po ako.. Hehe.. Ang tuwangtuwang turan ni yengyeng…

“yes ate yeng.. Makaka gala tayo hehe.. Excited na ako” .. Ang tuwang tuwang turan ni jasmine kay yengyeng sabay sila apir na dalawa..

Nakangiti akung nakamasid sa aking anak at kay donita na nakangiting nakatingin kay yengyeng at jasmine at mababakas sa kanyang mukha ang tuwa at excitement sa napipintong pag a out of town bonding namin..

Itutuloy….

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories