Author: aero.cock78
Continuation…
Pag kakita ni donita kay yengyeng ay agad itong lumapit at buong higpit na inakap ang aming anak.. Naluha ako ng masilayan ang muling pag kikita ng aking mag ina… Makikita sa mukha ni donita ang pagkasabik sa aming anak na matagal na panahon nya na di nakasama..
“yengyeng anak ko”… Kamusta kana? “.. Namiss kita anak”… Ang maluhaluhang turan ni donita habang yakap yakap nya si yengyeng…
“ok lang po”.. Ang matipid na turan ni yengyeng..di makikita sa mukha nya ang pagkasabik sa kanyang ina…
“nak,.. Dalaga ka na ah..” at ang ganda mo pa nak”…. Namiss ka ni mama”… Ang turan ni donita habang naka tingin sya kay yengyeng at sinisipat ang mukha ni yengyeng at buong katawan..
Tahimik lang na may matipid na ngiti ang makikita sa mukha ni yengyeng…
“Nak sama ka sa akin ha, doon ka muna sa akin habang nasa bakasyun ako..”.. Ang turan ni donita…
Di kumikibo si yengyeng, tahimik lang sya na nakatingin kay donita…
“anak saan na ang mga gamit mo, mag ayus kana para maka pag dala ka nang gagamitin mo sa bahay”.. Ang patuloy na turan ni donita na nakatingin kay yengyeng..
“ayaw ko po”… Ang matipid na tugon ni yengyeng kay donita…
Namula ang mukha ni donita ng madinig ang turan ni yengyeng sa kanya.. Yumuko sya at hinawakan sa magkabilang balikat si yengyeng at tinitigan sa mata…
“nak.. Bakit ayaw mung sumama?”.. Di ka ba nasisiyahan na dumating ako? “.. Di mo ba ako namimiss?.. Nandito na ako anak…isang buwan lang tayung magsasama at sa bakasyun ko lang tapos ayaw mo pang sumama sa akin?… Ang salaysay ni donita habang nakatitig kay yengyeng…
“ayaw ko po!!! “… Ang turan ulit ni yengyeng at sabay agus ng kanyang luha sa kanyang mata at sabay kumawala sa pagkakahawak ni donita at sabay takbo pabalik ng kwarto nya at isinarado ang pinto ng pabagsak…
“anak!!! .. Sandali !!! ..”.. Ang turan ni donita ngunit tuloytuloy padin si yengyeng na pumasok sa kanyang kwarto..
Nagulat si donita sa reaksyun ni yengyeng.. Namula ang kanyang pisngi at ang kanyang mata.. Dahan dahang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.. Tinangka nyang habulin ngunit pag hawak nya ng door knob ng kwarto ni yengyeng ay naka lock na ito…
“hayaan mo lang muna si yengyeng teng.. Nanibago lang sya sayo kaya ganyan sya.. Kakausapin ko lang sya” .. Ang turan ko kay donita habang tinatapik ko sya sa balikat, na umiiyak sa mga oras na yun…
“my gosh paolo bitawan mo ako!!!”… Anung ginawa mo kay yengyeng bakit ganyan na sya!!! .. Sarili nya akung ina ganyan sya sa akin?!!! “…ang galit na galit na turan nya sa akin at matalim na nakatitig sa akin…
Pagkasabi nya sa akin ay sabay nya talikod at mabilis na naglakad palabas ng bahay at dumiritso sa sasakyan…
Nabigla ako sa kanyang sinabi at di na nakapagsalita…
Tinangka ko syang habulin ngunit hinawakan ako ni kuya Ralph sa aking balikat…
“hayaan mo lang sya pao.. Pasensia ka na.. Kakausapin ko lang si donita.. Hayaan mo muna sya na bumaba ang galit nya para makapag isip sya saka mo sya kausapin.. Masyado syang nasaktan dahil sa ipinakita ni yengyeng..” ang turan ni kuya Ralph sa akin…
“sige po kuya Ralph.. Pasensia na po”… Ang tugon ko sa kanya…
“nanay.. Cynth.. Mauna na po kami.. Pasensia na po kay donita”.. Ang turan at paalam ni kuya Ralph sa nakatulala at nakatayo na sina nanay at Cynthia.. Pariho silang di nakaimik sa nasaksihan…
“ok sige Ralph..ingat kayo”.. Ang turan ni nanay habang kumaway sa papaalis na si kuya Ralph..
Tinapik ako ni kuya Ralph sa balikat at dumiritso na sya papunta ng gate at pumasok sa kanyang sasakyan at saka sila umalis…
Nakatanaw lang ako sa gate mula sa sala habang tinitingnan ang papaalis na sasakyan nila kuya Ralph..
Nakatulala ako sa nangyari at di ko naramdaman ang pag tulo ng aking luha sa mata sa nangyari.. Samut sari ang aking naramdaman sa mga oras na yun.. lungkot para kay donita dahil naiintindihan ko ang kanyang hinanakit dahil sa ipinakita sa kanya ni yengyeng at pagkabigla dahil sa galit na galit na titig nya sa akin na parang ako ang sinisisi nya dahil sa ipinakita sa kanya ni yengyeng…
Bumalik lang ako sa aking diwa ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa aking balikat.. Paglingun ko ay si nanay ang aking nakita.. Namumula din ang kanyang mata…
“wala kang kasalanan pao.. Kausapin mo si donita pag mahinahun na sya…”.. Ang turan sa akin ni nanay…
“opo nay”.. Ang turan ko at napayakap ako kay nanay sa sobrang sama ng loob sa mga oras na yun sa bigat ng aking nararamdaman…
“kain na po tayo nay, pao”… Ang turan ni Cynthia na nakatayo sa harap ng lamisa..
“halika na anak.. Kumain na tayo”.. Ang turan ni nanay…
“mauna na po kayung kumain nay.. Mamaya na lang po ako ang turan ko sa kanya..
At sabay na akung pumasok sa aking kwarto at nagkulong…
Nakaupo ako sa aking kama at naka sapo ang mga kamay ko sa aking ulo na nakayuko.. Tumutulo ang aking luha… Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina…
Humiga ako sa aking kama at nakatulugan ko ang sama ng loob…
Nagising ako sa mga tapik sa aking balikat.. Pag mulat ng mata ko ay nakita ko si Cynthia na nakaupo sa aking kama at nakatunghay sa akin…
“halikana pao.. Kumain na tayo ng hapunan.. Puntahan mo si yengyeng at di pa din lumalabas ng kwarto nya.. Si jasmine lang ang pinapasok nya kanina doon.. Pumasok kanina si jasmine sa kwarto ni yengyeng matapos nya mananghalian.. Di na kumain ang anak mo ng tanghalian kanina.. Parihas kayo”.. Ang salaysay ni Cynthia sa akin habang hinahaplos nya ang aking mukha…
Napatingin ako sa wristwatch ko at mag aalas siete na ng gabi..
“ok sige Cynth.. Ang matipid kung turan at magkasabay kaming lumabas ng kwarto ni Cynthia..
Paglabas namin ng kwarto ay nakahanda na ang hapag kainan.. Nakaupo na si nanay sa lamisa at naghihintay na sa amin na dumulog sa lamisa para sa aming hapunan…
” good evening nay”.. Ang turan ko at sabay ko kuha ng kanang kamay nya at lagay sa noo ko para mag mano..
“bless you nak”.. Tawagin mo na ang anak mo at sabay sabay na tayung kumain”.. ang turan ni nanay..
“opo nay”… ang tugon ko sa kanya..”..
Naupo na din si Cynthia sa lamisa kasama si nanay.. Agad kung nasalubung si manang na galing sa kusina..
” manang maupo na din po kayo at sabay na tayung kumain ng hapunan bago kayu umuwi po sa inyung bahay ang naka ngiti kung turan sa aming kasambahay dahil uwian sya pag gabi na at bumabalik lang sya sa araw sa kanyang trabaho at para may kasama din si nanay…
“sige pao..”..ang nakangiti na tugon ni manang sa akin..
Agad akung pumunta sa kwarto ni yengyeng at kumatok ako at tinawag ko sya sa labas ng kanyang kwarto..
“anak..”.. Halika na.. Mag hahapunan na tayo.. Ang tawag ko sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto…
Biglang bumukas ang pinto at si jasmine ang nakita kung nakatayo sa may pintuan..
“hello po tito.. Dyan po si ate yeng” .. Ang turan ni jasmine…
“hello jas.. Halikana hapunan na tayo.. Ako nalang bahala kay ate mo yengyeng” … Ang turan ko kay jasmine…
“opo tito”.. Ang turan nya at lumabas sya at pumunta patungo sa lamisa…
Pagpasok ko ay nakita ko ang aking anak na nakaupo sa harap ng kanyang computer… Lumapit ako sa kanya at naupo sa katabing upuan…
“hello, anak busy ka?”… Ang turan ko kay yengyeng..
“hello po pa”..at sabay nya kuha ng kanang kamay ko at sabay nya lagay sa kanyang noo para mag mano..
“bless you nak”.. Ang turan ko sa kanya.. At sabay ko sya niyakap…
Yumakap din sa akin si yengyeng at naramdaman ko ang mahinang pag hikbi nya.. Kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya at tiningnan ko ang mukha nya.. At doon ko nakita na umiiyak sya.. Kita ko ang pag agus ng luha sa mata ng aking anak…
“tama na nak”.. Wag ka nang umiyak.. “.. Ang turan ko habang pinapahidan ko ng aking palad ang umaagos na luha sa kanyang mukha..
Di sumagot si yengyeng at bagkus ay muli syang yumakap sa akin at umiyak ng tudo.. Niyakap ko nalang ang aking anak at hinayaan na syay umiyak…
” sige nak umiyak ka lang hanggang gumaan ang pakiramdam mo.. Dito lang si papa” .. Ang turan ko sa kanya..
” huhuhu”… Ang patuloy na pag iyak ni yengyeng…tinapik tapik ko lang ang kanyang likod habang patuloy lang sya sa pag iyak…
Matapos syang umiyak ay kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya.. Pinahidan ko ng tissue ang mukha nya sa mga luha nyang nagkalat doon…
“ok ka na nak?”.. Ang turan ko sa kanya habang nakahawak ang aking dalawang kamay sa kanyang mukha…
“opo pa..” pasensia po pa”.. Ang turan nya na maaninag sa mukha nya na pinipilit nya ang sarili na ngumiti sa akin..
“wag kang mag alala nak naiintindihan kita” .. Saka na tayo mag usap ok”?.. Kumain na tayo ng hapunan at sigurado akung gutom kana dahil di ka din kumain ng pananghalian kanina.. Parihas tayo kaya gutom na din ako nak haha”.. Ang nakatawa kung turan sa kanya..
“opo pa.. Di ka din pala kumain ng tanghalian pa?”.. Ang nakangiti nyang turan sa akin..
“hehe hindi nak eh.. Sumama yung pakiramdam ko kanina..”.. Halika na at nag hihintay na sila sa atin sa lamisa.. Alam mo naman si lola pag dito tayo di kakain yun hanggat di tayo sabay na nakaupo sa lamisa lahat.. Haha”.. Ang salaysay ko sa aking anak…
“haha oo nga po pa..”.. Ang nakatawang turan ni yengyeng..
Sabay kaming lumabas ng kwarto at dumulog sa lamisa..lahat sila ay di pa nag uumpisang kumain dahil hinihintay nila kami ni yengyeng na dumulog sa lamisa para kumain..
“oh kita mo anak”.. Sabi ko sayo di sila mag uumpisang kumain hanggang di tayo umuupo sa lamisa para kumain haha”.. Ang turan kung nakangiti kay yengyeng habang kami ay umuupo sa lamisa…
“kilangan sundin nyu ang rules ko sa pagkain hahaha”.. Sya kain na tayo.. “Ang tumatawang turan ni nanay..
Sabay sabay din kaming nag tawanan at sabay sabay na kumain ng hapunan…
Masaya kaming kumain at nag kukuwentuhan ng kung anuanu.. Di muna namin pinagusapan sa harap ng hapag kainan ang mga nangyari kanina.. Pilit ko munang iwinaksi sa aking isipan ang mga iyun at para maganda ang mood ng aming pagkain sa hapunan…
Itutuloy…
- Kaputol (31) - May 11, 2022
- Kaputol (30) - May 8, 2022
- Kaputol (29) - May 7, 2022