Author: aero.cock78
Continuation…
Matapos kaming kumain ay agad na nag ayus sina yengyeng at jasmine…
Si Cynthia ang nag ayus ng hapag kainan at akoy nag ayus din para maihatid ang aking anak at si jasmine sa school…
“cynth alis na kami”.. ang paalam ko kay Cynthia habang kumakaway sa kanya sa nakabukas na bintana ng aking sasakyan..
“Sige ingat kayo pao”.. Ang turan din ni Cynthia habang kumakaway at nakasunod ang tingin sa papaalis namin na sinasakyang kotse..
Habang nag mamaneho ako ay bumabalik pa din sa aking isipan ang aking panaginip.. Di ko makalimutan ang aking panaginip, patuloy na nag lalaro sa aking isipan ang napanaginipan ko kagabi..
Matapos kung maihatid sa school ay dumiritso na ako sa bahay..
Pagkadating ko sa bahay ay naabutan kung nag didilig ng mga tanim nya si nanay..
Binuksan nya ang gate at agad kung ginarahi ang sasakyan sa loob..
“ohh nak kumain ka na ba?”.. Ang tanung sa akin ng nanay habang patuloy pa din ang pag didilig ng kanyang halaman..
“opo nay.. Dinaan ko nalang sa school sina yeng yeng at jasmine last day nila ng school bukas.. Bakasyun na ng mga bata…”.. Ang turan ko..
“nag kape ka na ba nay?”.. Ang tanung ko kay nanay habang papasok ako sa loob ng bahay..
“sige susunod ako dyan nak, patapos na din ako mag dilig..”.. Ang turan nya..
dumiritso ako sa kusina at kumuha ng kape ko at dumulog sa lamisa para mag kape..
Habang nag kakape ay nakahawak ako sa dalawang sentedo ng aking ulo at medyo minamasahi ko ng kunti dahil medyo sumasakit ng konti ang aking ulo..
“ohh bakit nak.. Masakit ba ulo mo?”.. Ang tanung sa akin ni nanay habang dumiritso sya sa kusina at kumuha ng kape at sumabay sa akin sa lamisa pra mag kape..
“medyo lang nay.. Sya nga pala, ok na sa linggo ang opening, blessing at ribbon cutting ng store natin nay.. Naayus ko na pati ang venue.. 100 guest lang yung na ibook ko.. So wala ng problema nay.. Naka ayus na lahat”.. Ang turan ko sa kanya..
“Ok mabuti nak.. Wala na tayung poproblemahin.. Ang masayang turan ni nanay habang humihigop ng kape at nag babasa ng dyaryo..
” ahh sya nga pala nay.. Napanaginipan ko kagabi si donita.. Ang turan ko sa kanya..
Ikinuwento ko sa kanya ang buong panaginip ko at pati ang panaginip ni yengyeng na mag ka dugtung sa aking panaginip..
” baka iniisip kayo ni donita nak.. Kaya napanaginipan nyu ni yengyeng sya.. Pauwi na sya kaya ganun”.. Di ko alam kung anung ibig sabihin nang iyung panaginip pero sigurado ako na iniisip kayo ng anak mo ni donita..
“siguro nga nay..”.. Humigup na lang ako ng kape habang nag nag lalaro sa aking isipan ang tungkol sa aking panaginip..
Dumating ang linggo.. Maaga akong nagising dahil sa opening ng aking store.. Maaga kaming nag ayus at pumunta sa store para sa opening at ribbon cutting ceremony…
Madaming pumunta na mga bisita.. Pumunta din sina kuya Raul, kuya Ralph at ang kanilang mga asawa at anak.. Ganun din sina Cynthia at ang anak na si jasmine…
Nakaupo kami sa table kasama sina nanay, yengyeng at sina Cynthia at ang anak nyang si jasmine.. Sa kabilang table naman sina kuya Raul, kuya Ralph at pamilya nila..
Tumayo ako sa table upang i check ang table nila kuya Raul at kuya Ralph..
“ok lang po kayo dyan kuya Raul? Kuya Ralph?.. Ang tanung ko sa kanilang dalawa habang nakangiti at naka tapik ako sa likod ni kuya Ralph..
” ok lang naman kami pao”.. Congrats for your new business.. “Ang turan ng sabay nila kuya Ralph at kuya Raul… Pagkatapos ay isaisa nila akung kinamayan…
” thanks po kuya”.. Ang tugun ko sa kanilang dalawa..
Matapos ko sa kanila ay umikot ako sa ibang lamisa ng mga bisita at kinamusta ko ang mga status ng bawat bisita sa mga lamisa..
Natapos ang buong araw at mga gabi na kami naka uwi.. Dumaan lang kami saglit sa store dahil itoy nakabukas ng 24hrs..pagkatapos kung ma check ay agad na kaming umuwi ng bahay…
Kinabukasan ay alas onsi na ng umaga ako nagising… Pag labas ko ng aking kwarto ay nadatnan kung nanunuod sina jasmine at yengyeng sa sala.. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at nadatnan ko si nanay at Cynthia na nag luluto ng tanghalian..
“good morning pao”.. Ang turan ni Cynthia habang nakangiti…
“good morning cynth..” naka kape kana”?.. Ang tanung ko na naka ngiti..
“tapos na pao.. Kanina pang 9 ng umaga kami dumating ni jas dito boring sa bahay eh kaya dito muna kami makikigulo sa inyo ni tita at yengyeng ang tatawa tawang turan ni Cynthia..
” oo nga mabuti bumisita dito si Cynthia dahil masyadong boring minsan ako lang dito mag isa.. Mabuti wala nang pasok sa skwela at nandito na si yengyeng kaya lang naka tunganga naman palagi sa tv ang apo ko nayan..”kung di sa tv sa computer, dyan mo sya makikita pagkatapos nyan sa sala sa tv ay sa kwarto na yan sya sa harap ng computer nya..”..ang natatawang turan ni nanay kay Cynthia…
” nag dadalaga na kasi ang apo nyu tita.. Si jas ganyan din pag sabahay kaming dalawa naka tunganga din sa tv at computer palagi.. Haha.. Ang turan ni Cynthia kay nanay..
Naka ngiti lang ako na nakatingin sa kanila nanay at Cynthia…
Pumunta ako sa lamisa at humigop ng kape.. Ilang sandali ay may narinig akung bosena ng sasakyan.. Nakita kung pumasok si manang sa sala..
“pao, may sasakyang naka parada sa labas..”.. Ang turan ni manang..
“sige po manang ako na pong pupunta.. Ang sagot ko sa kanya..
Sabay akung tumayo at pumunta sa gate para makita kung sino ang nasa labas ng gate..
Papunta palang ako ay natanaw ko si kuya Ralph na nakatanaw sa naka bukas na bintana ng kanyang kotse…
Nag taka ako dahil di naman mahilig bumisita si kuya Ralph.. Kami ni yeng yeng ang bumibisita sa kanila at kahapon lamang ay umattend sila ng party sa opening ng aking store…
“hello kuya Ralph.. Napadalaw po kayo?”.. Ang nakangiti pero nag tataka kung tanung sa kanya..
“hi pao.. Nandito si teng teng..”… Ang turan ni kuya Ralph…
Nagulat ako sa sinabi nya, di ko malaman parang na excite ako na di ko malaman..
“napaaga ata ang uwi nya kuya?!!”.. Ang gulat kung turan..
Biglang bumukas ang pinto sa likuran ng sasakyan at bumaba si donita…
Namangha ako sa aking nakita.. Parang dalaga si donita sa kanyang itsura.. Hinagod ko ng tingin ang kanyang katawan at di ako makapaniwala na si donita ang kaharap ko ngayun..
Simpling fitted white t-shirt at fitting maong pants ang suot nya na nakasandal ng brown leather flat sandal… Labas ang magandang hubog nang kanyang katawan.. Hindi mahahalata sa kanyang katawan na syay may anak na, talagang malaki ang pinagbago ng kanyang mukha at hubog ng katawan.. Lalo syang gumanda..
“Ang ganda nya” …. Bulong ko sa sarili ko at medyo natutulala ako at di kaagad nakapagsalita ng makita si teng teng… Di ko inaasahan ang pagdating nya sa mga oras na yun kaya medyo nagulat ako ng bigla ko syang makita..
“pao.. Kamusta?”.. Ang matipid na tanung ni donita na medyo naka ngiti…
“aaa-ahhhh”.. Ok lang t- teng… “.. Ang medyo nauutal kung turan sa kanya..
” nakatingin din si donita sa akin at hinagod nya din ako ng tingin…
“your good”… “in good shape at mukha yatang mayaman kana ngayun ah”.. Ang nakangiti nyang turan sa akin.. Sabay nya tingin sa kabuuan ng bahay ko..
Mag sasalita pa sana ako ng bigla ulit syang magsalita…
“saan si yengyeng?”… Ang tanung nya ulit…
“nasa loob..” halikayo pumasok muna kayo.. “.. Ang nakangiti kung turan..
Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko sila sa sala.. Umikot ang tingin ni donita sa kabuuan ng sala..
” saglit lang teng tatawagin ko si yengyeng”… Ang turan ko kay donita…
Naglalakad ako papunta sa kwarto ni yengyeng ng biglang lumabas na magkasunod sina nanay at Cynthia galing sa kusina na may hawak na pagkain na kanilang niluto..
“hello po nay”!!!.. Ang nakangiting bati ni donita kay nanay..
“hello teng”.. Nandito ka na pala? “.. Ang medyo gulat din na turan ni nanay… Habang nilalapag ang pagkain sa lamisa..
” opo”.. Napaaga po hehe”.. Ang nakangiti nyang turan”..sabay nya hawak sa kanang kamay ni nanay at mano..
“hello cynth”.. Ang bati din ni donita kay Cynthia at niyakap nya ito..
“hello teng”.. Good to see you..”..ang nakangiting bati din ni Cynthia at gumawad din ng yakap kay donita..
Nakatayo lang ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni yengyeng dahil napasarap ang tingin ko dahil sa magandang pakikitungo ni donita kay nanay.. Parang walang nangyari lang nang magkita sila at si donita..
“sana maging ok na kami ni tengteng..” ang pabulong kung turan sa sarili ko habang masayang nakamasid sa kanilang tatlo ni donita, nanay at Cynthia sa sala…
“pao”!!.. Tawagin mo na ang anak mo at nakatulala ka nanaman dyan”!!!.. Ang turan ni nanay habang nakatawa at nakatingin sa diriksyun ko..
“si paolo nakita nya lang si donita natulala na”!!!… Hahaha “!!!.. Ang palahaw na tawa ni Cynthia…
Kita ko ng mamula at medyo ngumiti ng bahagya si donita sa sinabi ni Cynthia..
” ahhh.. Hehe.. Oo tatawagin ko na si yengyeng.. “.. Ang turan ko na medyo napahiya ng bahagya sa tinuran ni Cynthia…
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni yengyeng at tinawag ko sya..
“nak”… Ang tawag ko habang kumakatok ako sa kwarto ni yengyeng..
“papa” pasok po. “!!!.. Ang sigaw ni yengyeng sa loob ng kanyang kwarto..
Pinihit ko ang door knob ng kanyang pintuan at nakita ko na nakaupo silang dalawa ni jasmine sa harap ng computer at sige ang kanilang tawanan..
Lumakad ako palapit sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni yengyeng..
“Hi papa”.. Ang nakangiti na turan ni yengyeng na lumingun saglit sa akin at sabay balik ng tingin sa computer nya..
“hello nak”.. Ang naka ngiti kung turan..
“Hi po tito..”.. Ang malambing na bati ni jasmine..
“hello jas”.. Ang nakangiti ko namang bati kay Jasmine..
“nak may ginagawa ba kayo ni jas?”.. Ang tanung ko sa kanya habang naka tingin ako sa harap ng computer nya..
“nag reresearch kami ni jas pa”.. Bakit po pa? “.. Ang turan nya habang nakangiti sa akin…
” nak maisturbo muna kita sandali”.. Ang turan ko habang nakangiti sa kanya..
“ok lang po pa..”.. Ang nakangiti nyang ding turan sa akin..sabay balik ulit ng tingin ang mata sa screen ng computer…
“ahh nak.. Nandyan na si mama mo”.. Nandyan sya sa sala gusto ka nyang makita nak”.. Ang nakangiti kung turan sa kanya..
Napalingun sya sa akin at biglang nag iba ang mood ng kanyang mukha.. Nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng isang pagkabigla.. Bakas sa mukha nya ang di pagka excite sa kanyang nadinig sa sinabi ko..
“ganun ba pa”… Ang matipid nyang turan at sabay lingun ulit sa screen ng computer…
“nak sa sala si mama mo gusto ka nyang makita, puntahan mo muna”…ang turan ko kay yengyeng..
“opo pa”.. Ang matipid nyang turan…at sabay kaming tumayo tatlo at lumabas ng kwarto..
Pag kalabas ng kwarto ay agad nakita ni donita si yengyeng…
Itutuloy…
- Kaputol (31) - May 11, 2022
- Kaputol (30) - May 8, 2022
- Kaputol (29) - May 7, 2022