Utang Na Loob (34)

aero.cock78
Utang Na Loob 1
Utang Na Loob (9)
Credits: aero.cock78

 


Author: aero.cock78


 

Continuation…

Nagulantang ako sa pangyayari, gulung gulo ang isipan ko bakit ang katabi ko ngayun sa kama ay hindi si donita kundi si tess… Sumasakit pa ang ulo ko at nakatulala ako dahil nabigla ako at nagulantang sa mga pangyayari…

“we trusted you pao ganyan lang pala ang gagawin mo sa anak namin!!!”… Matapos mung buntisin ay ibang babae naman ang kakalantariin mo?!! Damn you!!!… Ang galit na galit at mabigat na turan ng mama ni donita habang naka titig sa akin ng masakit…

“hindi ko po alam”.. Patawarin nyu po ako naguguluhan po ako” habang naka hawak ako sa ulo ko na masakit pa at medyo hilo pa ako..

Lumingon ako kay tess, at nakayuko din sya at tahimik sa tabi at naka hawak sa kumot na tinatakip nya sa katawan nya…

“sabi ko na nga ba dati pa lang di ka na talaga mapag kakatiwalaan”!!!… ang galit na galit na turan din ng papa ni donita..

” magsama kayo ng putang babae na yan!!!”… “Di kita mapapatawad pao sa ginawa mo nayan sa harap mismo ng magulang ko, kita ng dalawang mata nila kung gaano ka kababoy!!!”.. “Huhuhu!!!…” Hayop ka!!! “… Ang pasigaw na turan ni donita habang humahagulgul ng iyak…

Tumakbo palabas ng bahay si donita, sinundan ng kuya alex nya at kasunod ang mama at papa nya..

Di na ako nakapagsalita pa.. Tumulo ang luha ko sa mga mata ko.. Patuloy kung iniisip kung anu bang nangyari.. Blangko ang isipan ko, pinag tatagpi tagpi ko ang mga huling pangyayari na rumihistro sa isipan ko ngunit itoy napakalabo..

Ang huling naalala ko ay ng mag inuman kmi ni kuya alex at ang sumunod ay ang pag niniig namin ni donita… “Si donita ang kaniig ko hindi si tess.. Bakit si tess ang katabi ko?” ang bulong ko sa sarili ko…

Napalingun ako kay tess..

“bakit nandito ka?!!! Bakit ikaw ang katabi ko?!!!…ang galit na galit kung pasigaw kay tess…habang tumutulo ang luha ko sa sobrang galit..

“patawad pao”!!!.. Huhuhu… At tuluyan nang tumayo si tess at pinulot ang mga damit nya at mabilis na nag suot at lumabas ng bahay..

Naiwan ako na umiiyak… Di ko malaman bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ito..

Tumayo ako at dumiritso sa cr para sumuka.. Sumuka ako ng sumuka sa inudoro.. Magkahalung luha at suka ang ginawa ko sa cr, naka upo ako sa sahig at umiiyak…

Parang gumuho ang mundo ko, tatlong mahalagang bagay ang nawala sa buhay ko, ang scholarship ko at si donita at ang magiging anak namin…

Di ako lumabas ng bahay ng buong araw na yun,di din ako kumain.. Nawalan ako ng pag asa.. Parang gusto ko nang mawala sa mundo sa mga oras na yun.. Nag mukmuk ako at nag dalamhati.. Nakahiga lang ako sa kama at parang ayaw ko nang bumangun pa at tumayo… Ang bigat ng nadarama ko at ang dilim ng mundo ko sa mga oras na yun…

Nakatulog ako sa mga isiping mabigat sa dibdib na dinadala ko.. Nakabaluktot ako na nakatulog na tumutulo ang luha ko… Di parin ako malinawan sa mga nangyayari…

Nagising ako ng may yumuyugyog sa aking balikat… Napabalikwas ako at nagulat at napatingin kung sino ang gumigising sa akin…

Nakita ko si tess na umiiyak habang nakahawak sa balikat ko…

“bakit nandito ka nanaman?!!! Ang pasigaw kung turan

” pao.. Patawad ngunit bago ka magalit sa akin ay mag ayus ka at puntahan natin si donita dahil sa hospital sya ngayun.. Nadisgrasya ang kotse na sinasakyan nilang apat habang pa uwi sila at si donita lang ang buhay sa ngayun.. Si alex, mama, at papa nya ay nasawi sa aksidente.. Puntahan mo si donita doon habang may oras pa”!!! Huhuhu!!! “…

Nagulantang ako sa mga sinabi ni tess sa akin.. Di muna ako nakaimik at nanlamig ako sa mga tinuran nya.. Di ko alam kung anung uunahin ko, di ako nakagalaw kaagad dahil nabigla ako sa mga narinig ko…

Nakatingin lang ako sa mukha ni tess na iyak ng iyak… Di ko malaman kung bakit sya umiiyak sa mga oras na yun.. Kusang tumutulo ang luha ko na di ko namamalayan…

Humugot ako ng hininga at dahan dahan akung tumayo, nanghihina ako at nag suot ako ng damit at sabay kaming dalawa ni tess na pumunta sa hospital kung saan dinala si donita…

Pag dating sa hospital ay dumiritso kami sa information at ng binigay namin ang info ni donita… Ay binigay sa amin ng nurse ang info na kasalukuyan na nasa emergency room parin daw si donita..

Naupo ako sa isang bench at naginginig sa oras na yun.. Tumuluto ang luha ko at nag dasal na walang mangyari kay donita at maka survive sya.. Mas lalo akung natakot sa kalagayan ng magiging anak namin, di na ako umi expect na mabubuhay pa ang baby namin sa mga oras na yun..

“dios ko po, bakit po ganito ang nangyari sa akin..” iligtas nyu po ang mag ina ko, “.. Ang pabulong kung dasal sa mga oras na yun..

Nakapikit lang ako at nakayuko at umaagos sa mga mata ko ang luha…

Makalipas ang ilang oras ay tumayo ako at pumunta sa information at nakibalita sa kalagayan ni donita.. Di ako mapakali sa mga oras na yun, di ako mapalagay kung anung nangyari na kay donita at sa baby namin..

“wala pa pong update sir nasa ER parin po sya at ginagawa po ng doctor ang paraan, masyado po kasing kumplikado sa dahilang buntis po ang naaksidente sir..” ang turan ng nurse sa akin…

Palakad lakad ako malapit sa information, minsan tatayo ako sa pagkakaupo minsan ay uupo, di ako mapalagay sa kalagayan ni donita..

Ilang oras pa ang lumipas at narinig kung tinawag ako ng nurse sa information at dalidali akung pumunta para sa bagong balita…

” nasa recovery room na po ang nobya nyu sir, ligtas na po sya at ligtas na din po ang baby sa sinapupunan nya, isa pong himala na naka ligtas po ang baby nyu sa kanyang sinapupunan sa kabila po ng tinamo nya pong enjury dahil sa accidente…

Nakaramdam ako ng tuwa sa binalita sa akin ng nurse…

” maraming salamat po sa balita maam”.. Ang masaya kung turan sa nurse..

“marami pong salamat panginoon dahil niligtas nyu po si donita..” ang bulong ko sa sarili ko habang naluha ako sa sobrang galak dahil ligtas ang mag ina ko…

” pao? “.. Ang narinig ko na tumawag sa akin..

Napalingun ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko…

“ako nga po”.. Bakit po?.. Ikaw ba ang nobyo ni donita na kapatid namin?.. Ang tanung nya sa akin..

“ako po”… Ang turan ko na medyo nag tataka..

Ako si Raul ang panganay na kapatid ni donita at sya naman si Ralph ang sumunod sa akin, nadinig na namin na may nobyo ang kapatid namin ngunit di ka pa namin nakita”.. Ang turan nya habang nakaturo sa kapatid nyang si kuya Ralp..

“kuya nasa recovery room na po si donita, ligtas na po sya at ligtas na po ang baby namin ang masaya kung turan kay kuya Raul…

“salamat sa mahal na panginoon at buhay ang kapatid namin,.. Salamat at nabuhay sya at ang bata sa sinapupunan nya.. Pero nagdadalamhati kami dahil di nakaligtas ang mga magulang namin at si Alex sa accidente..”..ang turan nya habang namumula ang mata at makikita sa mukha ang hinagpis..

” Dumaan sila sa bahay kahapon dahil pupunta daw sa boarding house nyu ni donita.. Nagalit sina mama at papa dahil sa pag sasama nyu ni donita sa iisang bubung ngunit natuwa sila dahil sa anak nyu ni donita, kaya kahit against sila sa pagsasama nyu dahil sa nag aaral pa kayo ay na tanggap naman nila ang pag sasama nyu dahil sa anak nyu.. Magkakasama silang pumunta kahapon sa boarding house nyu.. At nagulat nalang kami kaninang umaga na nabalitaan namin na nadisgrasya ang sinasakyan nila, napuruhan silang tatlo at si donita lang ang nakaligtas.. “.. Naghihintay kami na dumaan sila ulit dito at akala namin kasama ka dahil sabi ni donita sasama ka daw nila para makilala ka namin ni Ralphdahil di ka pa namin nakikita, ngunit dumiritso na ata sila sa probinsya, at yun nga nabalitaan namin na nadisgrasya silang apat,na aksidente ang sinasakyan nilang kotse at nagulat kami na di ka nakasama ang buong akala namin ay kasama ka nila”… Ang salaysay ni kuya Raul…

Naluha nanaman ako di ko talaga maalala kung anung nangyari, di ko mapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari kina donita, dahil sa akin kaya na disgrasya sila.. Magsasalita pa sana ako ngunit biglang lumingun si kuya Raul kay tess…

” oh tess nandito ka din pala..? “.. Ang turan ni kuya raul habang naka tingin sya kay tess na nasa likuran ko..

humagulgul si tess ng iyak… At pinuntahan sya ni kuya raul at niyakap..

” tama na tess”.. Kahit anung gawin natin ay di na natin maisasalba ang buhay ni Alex.. Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa ng nobyo mo.. “.. Ang turan ni kuya Raul..

Nagulat ako sa aking narinig..” si tess nobya ni kuya Alex? “.. Ang bulong ko sa sarili ko”.. Naguguluhan man ako ngunit isinantabi ko na lang ang isiping yun at pinili ko nalang na tumahimik muna dahil sa mga pangyayari na yun…

Pumunta kami kasama ang mga kapatid ni donita sa recovery room kung saan naka lagak si donita..

Naka higa si donita at marami ang naka lagay na aparato sa kanya… Bugbog ang mukha nya ngunit himala na nabuhay pa sya at ang baby namin sa sinapupunan nya…

Awang awa ako sa itsura ni donita sa mga oras na yun, naka upo ako sa tabi ng higaan nya at nakahawak ako sa mga kamay nya.. Habang nakatitig ako sa kanya ay tumutulo ang luha ko sa awa sa kalagayan ni donita…

Umalis muna ang mga kapatid ni donita dahil aasikasuhin nila ang mga labi ng magulang nila at ni kuya alex..

Pinaiwan si tess ng mga kapatid ni donita dahil para daw may kasama ako sa pag aasikaso kay donita.. At pinag katiwala sa akin ng mga kapatid ni donita ang pag aalaga kay donita dahil busy sila sa pag aasikaso sa mga labi ng magulang at kapatid nila…

Pagkatapos makaalis ng mga kapatid ni donita ay naupo ako sa tabi ni donita.. Pinagmasdan ko ang mukha ni donita na nakaratay sa higaan.. Wala pa syang malay at tanging mga aparato lang na nakakabit sa kanyang katawan ang nag bibigay ng buhay sa kanya at sa baby namin sa loob ng sinapupunan nya..

Nakahawak ako sa kamay nya at hinalikan ko ito at humingi ng tawad sa mga nangyari dahil di ko parin maalala ang mga nangyari, may mga bagay na naaalala ko at may mga bagay na missing na wala sa pag iisip ko.. Masakit pa din ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko na di ko maintindihan….

“teng patawarin mo ako, di ko alam ang mga nangyari patawarin mo ako sa nangyari sa iyo at ng baby natin at sa nangyari sa mga magulang mo at sa kuya alex mo..”…huhuhu!!!”..ang turan ko sabay ko hagulgul ng iyak…

Naramdaman kung may humawak sa aking balikat…

” pao.. Di mo kasalanan ang lahat, patawad dahil di ko alam na hahantong sa ganito ang lahat.. Huhuhu”!!!… “Patawarin mo ako pao” .. Patawarin nyu ako ni donita..”… Ang garalgal na boses ni tess at humahagulgul sya ng iyak…

Napalingun ako kay tess at nabigla ako sa tinuran nya..

“anung ibig mung sabihin tess?!!! Linawin mo nga sa akin ang lahat madami akung katanungan ngunit di ko masyadong matandaan ang mga nangyari, magulo ang isip ko at masakit ang ulo ko, di ko alam kung bakit parang madami akung nakalimutan na mga alaala na pilit kong inaalala ngunit di ko matandaan… Ang turan ko kay tess na ramdam ko ang poot ngunit patuloy ko lang na pinapakalma ang sarili ko dahil di ko maalala masyado ang mga pangyayari…

Tumayo ako at hinawakan ko sa braso si tess at dinala ko sya sa labas ng kwarto ni donita.. Pinaupo ko sya sa upuan sa labas ng kwarto ni donita at umupo din ako sa tabi nya..

“sabihin mo sa akin tess kung anung nangyari at kung anung ibig mung sabihin sa sinabi mo kanina”!!!! Ang may madiin na tanung ko sa kanya..

“bf mo pala si kuya alex?”!!! .. Panu nyu nagawa sa akin to?!!! Ang sunod sunod tanung ko sa kanya na medyo may panginginig ng boses ngunit pinipilit ko na maging kalmado sa mga oras na yun…

huminga ng malalim si tess at sabay tumulo ulit ang mga luha sa kanyang mga mata.. Kumuha sya ng panyo at tinabon nya sa mga mata nya at humagulgul ulit sya ng iyak…

Nakatingin lang ako sa kanya at hinayaan sya na umiyak at para maka pagsalita sya ng maayos..

Ilang minuto din syang umiyak bago sya nag salita..humugot sya ulit ng malalim na hininga bago nag salita..

“pao patawad sa lahat”.. Ang panimulang salita ni tess…

Naka yuko ako at naka tingin sa sahig habang nakikinig sa kanya..

“ang lahat ng nang yaring ito ay dahil kay Alex”…ang panimula nyang salaysay sa akin…

Itutuloy…

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories