Author: discreet.gf
Napaka aliwalas ng mukha ni Winnie sa araw na ito. Bakas sa kanyang mukha ang pananabik sa araw na ito. May usapan kasi sila ng kanyang asawa na lalabas ngayon para sa pagcelebrate ng kanilang ika-tatlong anibersaryo ng kanilang kasal.
Bago pa man sumapit ang alas dose ay nakagayak na siya. Suot niya ang mini black dress na binili pa niya sa isang mamahaling boutique para sa espesyal na araw na ito. Napakasimple ng make up niya na lalong nagpalitaw sa angkin niyang kagandahan at naternuhan ito ng pulang lipstick na mas lalong nagpaangat sa kanyang angking alindog. Sa edad niyang twenty-eight ay aakalain mong nasa 22 or 23 pa lang ang kanyang edad dahil sa kagandahan niyang taglau na minana pa niya sa kanyang butihing ina.
Alam niyang may sorpresa ang kanyang asawa sa kanilang anibersaryo. Noon pa man ay mahilig ng magregalo ang kaniyang kabiyak. Siya ay napabalik tanaw.
Simula pa lang ng manligaw ang kanyang asawa ay mahilig na itong magbigay ng kung ano anong mamahalin: Pabango, bag, wallet at kada buwan ay halos malula siya sa mga alahas na binibigay sa kanya ng kanyang asawa. At nung sinagot niya ang lalaki, isang mamahaling set ng alahas ang binigay sa kanya na binili pa sa New York.
At ng sila ay ikasal, isang mamahaling sasakyan ang ibinigay sa kanya ng kanyang asawa bilang regalo.
Nabasag ang kanyang pagbabalik tanaw ng biglang tumunog ang kanyang telepono…
———————————–
Bihis na bihis si Carlo. Sa edad niyang trenta anyos ay masasabi ng isa siya sa pinakamatagumpay na negosyante sa larangan ng mga mamahaling sasakyan. Kahit anong mamahaling bagay ay kayang kaya na niyang bilhin kahit sa isang iglap lang kamay.
Alas diyes pa lang, naihanda na niya ang kayang sarili. Ayaw niyang maghihintay ang kanyang makakasama sa napaka-espesyal na araw na ito. Suot ang mamahaling jacket na binili pa niya sa Paris, agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan para makaalis na siya sa building na yun.
Sabik na sabik siya sa araw na ito. Halos takbuhin na niya ang kanyang mamahaling sasakyan para lang makauwi sa bahay at makasama ang taong nagpapaligaya sa kanyang buhay.
Habang nasa daan, kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan ang espesyal na tao at sabihin na siya ay paparating na.
———————————-
Alas nuwebe pa lang ng umaga ay halos tapusin na lahat ni Lander ang mga nakaantabay na trabaho na naiwan niya sa mga nakalipas na araw. Kahit nasa singkuwenta na ang kanyang edad ay hindi mo kakabakasan ng pagod. Suot ang kaniyang amerikana ay masasabing isa siyang napakagandang lalaki na hindi kababanaagan ng kaniyang edad. Halos na late 30’s lang siya.
Nakailang beses na niyang nakausap ang mga heads ng ibat ibang department pero andun pa din ang liksi at tikas ng kanyang katawan kahit ilang beses na siyang palabas pabalik sa kanyang opisina.
pagsapit ng alas onse, halos tapos na niyang mag-assign ng mga gagawin ng kanyang mga empleyado.. Sinigurado niyang lahat ay naka-ayos na bago pa man niya lisanin ang opisina para sa espesyal na pananghalian.
Pagtingin niya sa suot niyang relo ay alas onse y media na. Nakagayak na siya para lumabas ng opisina. Habang papunta sa kanyang mamahaling sasakyan, kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan ang napakaespesyal na taong makakasama niya sa araw na ito at sabihing papunta na siya sa mansion.
…Itutuloy
- Sagada - December 16, 2024
- Thea & Sam Excapades – 18 - December 15, 2024
- Thea & Sam Excapades – 17 - December 11, 2024