Undo – Episode 9: Ctrl + C
By ereimondb
How to mend a broken heart?
Diane Cornejo, 27, Makati – “I think lahat naman tayo pinagdadaanan yung ganito eh. Yung pagiging heart broken at some point nararanasan natin lalo na kung talagang mahal mahal natin yung isang tao. Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko mas mapapadali ang pagmomove-on mo kung haharapin mo yung sakit, yung pain. Kailangan panindigan mo at iiyak mo ang lahat-lahat. Makakatulong iyon. Nakatulong yun sa akin dahil hindi ko idineny sa sarili ko na wala na talaga yung anim na taong relasyon namin ng boyfriend ko. Go through it, not around it. Huwag mo nang ikut-ikutan yung nasirang relasyon ninyo.”
Albert Lodovice, 21, Tanauan – “Noong nakipagbreak sa akin yung girlfriend ko dahil gusto niyang magconcetrate sa career niya abroad, sobrang nasaktan ako. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, saan ako nagkulang, kung nasaktan ko ba siya. Masakit talaga, lalo na yung time na hinabol-habol ko pa siya. Yung gumamagawa ako ng paraan para makipagbalikan siya sa akin. Pinupuntahan ko siya araw- araw, sinusubukan ko siyang tawagan at itext. Sa pag-aakala kong puwede pa. Na puwede pa talaga akong bumalik sa buhay niya. Pero wala na eh. Ayaw na talaga niya. Naging desperado ako, nagmukhang tanga. Mahirap takasan, mahirap i-detach yung sarili mo sa taong iyon pero kinakaya ko. Kakayanin ko. Alam kong kaya ko rin yun.”
Guian Bartolome, 25, Cainta – “That was the most painful part, darkest part ng buhay ko. Nagkita kami sa Starbucks sa Robinsons Galleria. Nag-usap kami, kinausap ko siya, tinatanong ko siya kung bakit niya ba tinext sa akin yung ganun. Kung bakit naisip niyang makipaghiwalay. I didn’t fully understands her reasons dahil siguro sarado din ang tenga at isipan ko sa pakikipaghiwalay. Unfortunately, nangyari na nga ang nangyari. Lagi ako nagtetext sa kanya at sinusundan ko pa rin ang mga posts niya sa facebook. Pagkatapos ng isang linggo, nakita ko na lang na may bago na pala siyang boyfriend. fuck! Yun na yung time na sinabi ko sa sarili ko… tama na Guian. Unfriend. Unfriend, unfollow. Iiwasan ko nang tumingin sa mga public posts niya.”
Jas Vergara, 31, Novaliches – “After the break-up, talagang sobra akong nag-grieve at umiyak ng umiyak. Akala ko nga katapusan ko na din kasi parang bigla akong nadiskaril. Biglang nawalan ako ng goal dahil halos araw-araw ko siyang kasama. Magkasama kami sa bahay at sa work, kaya papaano yun di ba? Papaano ako makakamove-on kung kahit sa trabaho eh nakikita ko siya? So I decided to resign. Ako na ang nagresign. That was the stupidest decision I made that time. Pero siguro, unti-unti ko nang tinanggap sa sarili ko na okay lang din yung desisyon ko na yun. I want a clean slate. Gusto ko ng bagong buhay. At hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi nga siguro siya para sa akin. Hindi nga siguro kami dapat magkatuluyan, kahit na naka-set na rin kaming ikasal noon, at live-in na kami. Somehow, I tried to forgive him. Siguro para mawala yung pain na nararamdaman ko, siguro para mawala yung takot na umibig ulit, pinalitan ko na lang iyon ng hope, na balang-araw eh makakahanap din ako ng taong para sa akin. Fortunately, In God’s perfect time, I met my husband. We are happily married for almost three years now. It’s not perfect, but I know we are meant to be.”
Paano nga ba?
May eksakto nga bang kasagutan para as katanungan na nasa itaas?
Siguro, sasabihin na lamang na may kanya-kanya tayong pamamaraan kung paano nating maitatawid ang ganitong uri ng pagsubok. Kung papaano natin haharapin ang ganitong pagkakataong madilim at hindi makakita ng liwanag.
Pero paano nga ba?
Paano kung sa bawat sulok ng bahay mo’y mayroong alaala na iniwan ang taong mahal mo?
Kung ano ang itsura niya pagkagising at sa tuwing lumalabas siya ng kuwarto ko. Kung papaano niya isinusuot ang polo shirt ko para kumuha ng foods sa refrigerator. Kung papaano niya ako kinikindatan sa tuwing nahuhuli niya ako nakatitig sa kanya.
Kung papaano ko siya naiimagine na nasa sulok ng kuwarto ko, habang gamit niya ang aking laptop, at busy sa kaka-internet.
Kung ano ang itsura niya habang sinusubukan niya ako lutuan ng masarap na pagkain, at kung papaano ako libog na libog sa kanyang likuran habang hinahalikan ko ang bandang batok niya.
Kung papaano siya matulog at paminsan-minsan ay humihilik pa.
Kung gaano ako natutuwa sa mga jokes niya at pilit ko naman siyang pinapatawa sa mga korni kong banat.
Kung papaano ako lalong naiinlove sa tuwing nakikita ko ang dalawang maliit na dimples sa ibaba ng kanyang mapupulang labi.
Kung papaano namin sinubukang maging porn stars, at gumawa ng sarili naming porno.
Sa humigit-kumulang na isang buwan na iyon, alam ko sa sarili kong mahihirapan talaga akong kalimutan ang mga masasayang bagay na iyon.
Sa halos siyam na buwan naming sinubukang ikubli ang tunay naming nararamdaman sa isa’t isa, para lamang mapanatili ang kumplikadon relasyon na iyon.
At sa halos dose oras ko siyang naging opisyal na girlfriend, bago niya ako tuluyang iniwan at binigo, ay tanggap ko sa sarili kong sobra kong saya ng mga oras na iyon.
Sa kahit mahigit dalawang oras sa concert ni Bruno Mars.
Sa mga tagpong naiilawan din ang kanyang maamong mukha, habang pinakikinggan niya ang si pareng
Bruno.
Hindi madali.
Alam kong alam ninyo na hindi madali.
Pero wala eh…
Kailangan ko pa ring subukang makalimot. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko.
Tuloy pa rin ang ikot ng buhay at kahit na magmukmok ako dito sa bahay, ay hindi ito hihinto para sa isang taong tulad ko.
Marami akong responsibilidad sa trabaho. Marami akong naiwang hindi tapos na report. Kaya wala akong choice.
Lagi naman akong walang choice.
~~~
Alam kong hindi na magiging ordinary ang bawat araw na darating sa buhay ko. At alam ko ring nagsisimula na iyon.
Pagkagising ko sa umaga, ay nakatanga lang ako’t nakatitig sa kisame ng aking kuwarto.
Tinatamad ang aking katawan na bumangon, maligo, at dumiretso sa Ynares Center para magjogging.
Hindi na katulad ng dati na mabilis at maliksi akong kumilos. Pakiramdam ko’y hindi ko na maibabalik ito
sa dati.
Nang matapos ang halos isang oras na pagtunganga, ay tumayo na ako’t dumiretso sa banyo.
Maghihilamos na sana ako, ngunit natigilan, nang makita ng aking repleksyon sa salamin. Bagsak ang aking mukha.
Nagsisimula nang magkaroon ng kulay itim sa palibot ng aking mga mata.
Puwede na nga itong ikumpara sa isang “sad face” emoticon, o kaya naman ay kay Kung Fu Panda.
Paksyet! Gusto ko nang burahin ito, kaya naman ay minabuti ko nang hilamusan ang hindi kanaisnais na tanawin.
Nang matapos naman akong maghilamos, ay diri-diretso akong nagpunta sa kusina.
Nagtimpla ako ng kape. Nasanay na rin ako sa pagkakape mula nang pansamantalang tumira sa bahay si
Martha. Madalas kasi ay puro tubig at fresh juice ang iniinom ko.
Alam kong kailangan ko ng kape para magising-gising din ako (sa katotohanan). Habang humihigop ng mainit na inumin, ay nakikinig ako sa radyo.
Inilagay ko ito sa isang istasyong halos 75% ay puro salita’t kuwento ng mga DJs. At dahil wala akong balak na gumawa ng iba pang aktibidades sa umagang iyon, ay minabuti ko na lang muna maupo sa dinning area at makinig sa kanilang kadaldalan.
Morning Rush – The Daily Top 10 by Chico and Delamar. RX93.1
April 12, 2011
Life lessons you learned from playing games
10. In patintero, people will block your goal, but instead of asking them not to, because they will, find a way around them.
09. In tumbang preso, people will knock you down, but you have to stand up and keep going.
08. Anger and Revenge may destroy your enemies, but in the end, it will destroy you as well. – Angry
Birds.
07. Sometimes, you have to bend over backward to win. – Limbo Rock.
06. Good things come to those who wait. Abangers. – Counter-Strike.
05. In Super Mario, I learned it’s always good to get a life!
04. Also from Super Mario, I learned that your princess could be in the next castle.
03. Kapag nadapa ka habang naglalaro, minsan kailangan mo lang iiyak para tapos na.
02. When playing Monopoly, I learned that you may not end up where you thought you were going, but you will end up where you were meant to be.
01. Sa buhay, lalo na sa pag-ibig, hindi maganda sa pakiramdam ang “saling-pusa” at “patotot”.
Shit!
Pakiramdam ko ay pinapatamaan ako sa bawat sagot ng mga listeners ng monster radio. Kahit hindi man sinasadya ng mga “rushers” ang kanilang mga isinumiteng entries para sa daily top ten ay talaga namang tagos sa buto ang mga nadidinig ko sa radyo.
Tama nga naman, noong mga bata pa tayo, ang importante lang sa atin ay yung kung anong oras tayo maglalaro sa labas, at anong larong kalye ang ating lalaruin kasama ang ating mga kalaro.
At noong mga bata pa tayo ay wala tayong ibang pinoproblema kundi ang isipin kung papaano tayo makaka-base sa “agawan-base” at kung saan tayo puwede magtago ng malupit sa “tagu-taguan”.
Tama din ang sinabi ng listener sa number 03. Na sa tuwing nadadapa tayo tuwing naglalaro, ay wala tayong ibang ginagawa kundi ang iyakan na lang ito. Relevant pa rin ito sa ating pagtanda, na sa tuwing nagkakamali tayo, nasasaktan sa pag-ibig o iniiwan tayo ng mga taong mahalaga sa atin, ay dapat iiyak na lang natin ito ng isang buong araw para matapos na’t magsimula nang mag move-on.
Naapektuhan din ako sa isang rusher na nagsabing, noong mga sanggol pa lang tayo, ay tinuruan na tayo
ng ating mga magulang na mag let go sa pamamagitan ng larong “close-open”.
At isang mahalagang payo naman ang nanatili sa aking isipan, nang sabihin ng dj na “hindi dapat
ginagawang laro ang bahay-bahayan”.
Napatawa’t napangiti na lang ako dahil may sense ang napakinggan ko ngayon sa radyo. Na sa simpleng mga bagay, sa mga simpleng laro natin noong bata pa tayo, ay may puwede tayong matutunan at baunin sa ating pagtanda. Mga simpleng matututunan na puwede nating gawing gabay sa pagharap natin sa mga hamon sa buhay.
Kaya kahit papaano ay gumaan na rin ang loob ko habang nagmamaneho ako papasok sa aking pinagtatrabahuhan.
Malungkot kung malungkot, pero alam kong malalagpasan ko din ito kahit papaano.
Kailangan kong damputin ulit ang sarili ko, dahil wala namang ibang tao na gagawi nito para sa akin.
Tanging ako lang ang puwede magdesisyon para sa mangyayari sa akin sa kinabukasan.
Kung mananatili ba akong nakalugmok at malungkot, o sisimulan kong piliin ang maging masaya, positibo at handang itama ang aking mga pagkakamali.
“Oh tol! Mabuti naman nakapasok ka na?! Kamusta? Ano balita? Nagkasakit ka daw?” Tanong ni kupal
habang papaupo ako.
“Oo nga eh… Pero okay na ako.”
“Ayos ah! Ngayon lang kita nakitang nag-absent pare. Hehehe…”
“Ganun talaga… there is always a first time… Malay mo umabsent ka naman bukas, magkasakit, maospital…”
“Gagu! Knock on wood pre!”
“Hehehe… Ogag ka din!”
“Nga pala pare, nabalitaan mo na ba?”
“Paano ko mababalitaan eh nag-absent nga ako kahapon?”
“Hindi tol, kasi ganito… Absent din si TL Kat. Hehehe…”
Bigla kong naalala ang tungkol kay Kat. Hindi na lamang ako nagpahalata sa kupal na ito.
“Hindi ko alam. Bakit? Ano nangyari?”
“Kasi ganito nga tol, nabalitaan namin na nagtangkang magsuicide si TL Kat. Biro mo iyon?!”
Paksyet!
Napakamot na lang ako sa aking ulunan. Hindi ko rin naman alam kung ba ang dapat kong ikilos sa harap niya.
“Ganun ba?”
“Oo tol. Mukhang may problema sa syota pre. Kasi si Martha nag AWOL naman.” “AWOL?”
“Oo pre. Hindi daw makontak. Hindi matawagan, hindi rin matext.”
Mukhang hindi lang pala ako ang blinock ni Martha sa contacts niya.
“Ahh ganun ba?”
“Oo nga pala tol, mamaya pala dadalaw kami sa ospital, kay TL Kat. Baka gusto mo sumama?”
Mukhang bad idea yan.
Baka kung ano pa ang mangyari sa ospital.
“Ahh… Anong oras?”
“Baka mga 5pm tol. Ano, sama ka?”
“Hindi ako sigurado tol eh… Saang ospital daw ba?” “Ang sabi sa Medical City daw…Room 1521.”
“Ahh okay…” “Sama ka na pre.”
“Hindi na muna siguro pre. Kayo na lang muna.”
“Sus naman oh! Wala ako makakasama dun pre. Ayoko kasama yung ibang manager ng customer
service. Sumama ka na.”
“Pasensya na pre. Hindi talaga ako pupuwede. Dami pa aking tatapusin.”
Nakita ko ang pag-iba ng mukha ni kups. Halatang badtrip siya dahil sinabi kong hindi ako makakasama sa kanila sa pagbisita kay Kat.
“Sige sige sige… Kala ko pa naman mayayaya kita. Baba na nga lang ako.” “Sige pare. Pasensya na talaga ha.”
Lintik!
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling sasama ako sa pagdalawa sa kanya. Hindi lang naman ako iiwas sa tsismis tungkol sa akin, kundi para na rin sa kanya.
Mas mainam na hindi na lang ako sasabay sa mga kaopisina ko, tama ang naging desisyon ko sa aking palagay.
Alam kong may kasalanan ako kay Kat. Alam kong ako ang nagdulot ng kapahamakan sa kanya. Pero hindi ko akalain na kaya niyang kitilin ang sarili niyang buhay nang dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Nakakalungkot isipin na nang dahil sa mali kong desisyon sa buhay ay puwedeng ikapahamak ng iba.
Pero kahit ganito ang nararamdaman ko. Kahit pa gulong-gulo at lutang pa ang isipan ko, kailangan ko pa ring maging responsable sa trabaho. Sa totoo lang, hindi naman puro kasinungalingan ang sinabi ko kay Arnold, marami-rami rin kasi ang tatrabahuhin kong reports ngayon para sa team.
Dahil sa hilo ako, ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kaya’t minarapat kong tawagin ang isa sa mga associates para sa recap ng team performance.
“Nasan si John?” Tanong ko sa kanila.
Si John kasi ang senior associate ko, at siya rin ang tumatayong OIC sa tuwing absent ako.
“Sir may inaassist lang po sa 17th floor.”
“Ah okay. Jerome sundan mo ako sa office.”
“Opo sir.”
Alam kong baguhan lang si Jerome, pero nakikitaan ko siya ng husya sa kanyang mga ginagawang tickets. Kaunti lang ang naging issue niya sa mga counterparts namin, at halos tatlo pa lang ang absences niya.
“Pasok ka.” “Yes sir.”
“Kamusta ang team kahapon? May issue ba? Madami ba tickets?”
“Okay naman sir kahapon wala namang masyadong tickets kaya nahandle po namin kahit tatlo lang kaming gumagawa.”
“Bakit tatlo lang?”
“Absent po kasi si Bob kahapon, tapos si sir John po eh inaasikaso yung migration ng project ni TL Kat.”
Shit!
Naalala ko yung inaasikaso kong migration para sa team project ni Kat. Bago pa nangyari ang kapalpakan sa aming tatlo, ay maayos akong nakikipagtrabaho kay Kat para dito. Halos nakalimutan ko na nga dahil sa personal kong problema’t pinagdadanan.
“Ganun ba? Naandiyan na ba si Bob?”
“Sir wala pa rin po. Tsaka sir sabi pala ni sir John, hindi po nag-abiso si Bob nung umabsent siya kahapon.
Pati po ngayon hindi siya nagtext o tumawag sa amin.”
Tangina!
Talagang kapalan na ng mukha itong isa kong associate. Sinasamantala niya ang pagiging maluwag ko sa grupo. Laging absent, laging late.
“Okay sige. Salamat sa update. Paki sabi na rin kay John pag-akyat niya na puntahan ako dito sa office. Salamat.”
“Okay sir.”
Hindi ko maintindihan ang mga empleyadong naghahanap ng trabaho, tapos pagnagkaroon na ng trabaho ay animo’y gumagawa ng bagong record sa guiness dahil sa tindi kung umabsent. Alam ko namang hindi maiiwasan ang magkasakit o kung may pagdadaanan ka, pero unfair lang iyon para sa mga empleyadong nagsusumikap pumasok kahit hirap na hirap.
Kahit na hirap na hirap… tulad ko ngayon.
Kaya naman ay agad kong kinuha ang contact details ni Bob upang subukang tawagan. Mabuti naman naabutan kong nagriring ang kabilang linya.
Maya-maya ay sinagot niya ang aking tawag. Medyo maingay ang nasa background niya at sigurado akong nagkukunwari nanamang may sakit itong mokong na ito. Pero siyempre, binigyan ko pa rin siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang sarili.
“Sorry sir, may LBM po kasi ako ngayon.” Saad niya, at ng libu-libo pang empleyadong nagkaka-LBM sa isang araw.
“Alam mo naman ang usapan natin di ba? Nakakailang warning ka na dahil sa absenteeism at tardiness mo. Sorry Bob, pero isasubmit ko na itong mga records mo sa HR. Report ka na lang para sa clearance mo if you still want to get your back pay. Okay?”
Inis na inis ako.
Pero dahil kailangan ko pa rin makitungo sa kanila ng maayos, ay pinigilan ko pa ang aking sarili na sigawan ang kausap ko sa telepono.
Napailing na lang ako at napakusot sa aking mga mata.
Alam kong tama ang naging desisyon ko na tanggalin ang isa kong associate. Alam kong naging pabigat siya para sa team namin.
Alam kong dapat kong i-let go ang mga nagpapabigat sa buhay ko.
At alam kong unti-unti, ay maisasaayos ko na ang lahat, pati ang sarili ko.
Pakiramdam ko ay mas nakakabuti pa pala sa akin ang mga pinagdaraanan ko ngayon.
Dahil mas nagmamature na ang pag-iisip ko, at mas naliliwanagan na ako sa reyalidad ng buhay. Ngayon, ay alam ko na kung bakit ako humantong sa ganitong klaseng buhay. Dahil mas pinili kong
gawin lang ang gusto ko, at hindi na iisipin kung ano ang magiging kapalit nito. Na may mga tao din pa
lang mahihirapan sa akin at matatapakan.
Sa totoo lang, alam ko naman yung ganoon, pero sadyang matigas lang ang ulo ko, kaya ginawa ko pa rin.
Wake up call.
Isa itong wake up call para sa akin.
Na katulad ng ginagawa ni Bob, sa bawat desisyon niyang lumiban ng lumiban sa pagpasok sa trabaho, ay hindi niya iniisip na maaaring lumubog ang team dahil sa pagiging iresponsable’t tamad…
Na katulad kong patuloy pa rin sa kagustuhang angkinin ang isang babaeng hindi ko pagmamay-ari, na walang direksyon, walang kasiguraduhan, at walang patutunguhan, ay ipinagpatuloy ko pa rin kahit na may masasaktan akong ibang tao…
Ito na ang pagkakataon para itama lahat ng nagawa kong maling desisyon. Ito na ang pagkakataon ko para bumawi.
~~~
The Medical City – Ortigas
Hindi ko alam kung bakit ako ngayon naandito. Halos mag da-dalawampu’t limang minuto na akong nakatambay sa parking lot ng ospital, nagpipigil ng aking hininga, sinisikap na madagdagan pa ang tapang at tatag ng aking kalooban upang makapag-desisyon na tuluyang makapasok sa loob ng ospital.
Sh*t!
Bakit ba kasi hindi pa ako sumabay kina Arnold sa pagdalawa sa kanya? Bakit ko pa kasing binalak na magpunta ng mag-isa?
Pero sa kabilang banda, alam ko namang tama lang din na hindi nila ako kasama. Dahil alam kong hindi makakabuti sa para sa aming dalawa ni Kat na magkita nang naroroon ang iba pa naming kasamahan sa trabaho.
Hmmm… Teka… Iniisip ko nga ba ang kapakanan ni Kat? O iniisip ko lang ang kahihiyan na makukuha ko kung sakaling magwala siya at sumbatan ako sa mga sakit na napagdaanan niya? Paano kung mag- iskandalo siya habang naroroon kami sa loob?
Alam ko namang hindi na rin ako makakaimik kung sakaling naandoon na ako sa ganoong sitwasyon. Nga-nga nanaman ako niyan.
Hindi.
Tama ito.
Tama ang desisyon kong magputa ng mag-isa at dalawin siya. Sayang naman ang mga bulaklak at isang basket ng prutas kung hindi ko rin naman ito maibibigay sa kanya.
Tsaka gusto ko na rin ito. Gusto ko na ring maayos ang nagawa kong gusot at gulo. Gusto kong humingi ng kapatawaran sa mga nagawa kong katarantaduhan.
Tama ito.
Kalma ka lang Dennis. Dahil nasa tama ka. Tama yang gagawin mo.
Kaya naman ay nakapagdesisyon na akong kuhanin ang bulaklak at isang basket ng prutas, inilock ang aking sasakyan at diri-diretsong naglakad patungo sa ospital.
Hindi na ako nag-isip ng kung anu-ano pa, at hinayaan ko na lamang ang aking mga paa na dalhin ako sa kuwarto ni Kat. Bahala na, basta desidido na ako. Gagawin ko ang lahat para itama ang aking mga nagawang mali. Ito ang paraan ko para mapatawad ko ang aking sarili at makapag move on.
Nang ako ay nasa elevator na…
Parang may mga bubwit na naglalaro sa loob ng aking katawan. Parang pinipiga ang aking tiyan at parang gusto ko nang bumaba at tumakbo papunta sa aking p*tang inang kotse.
Ang lamig…
Ang lamig-lamig. Pero tagaktak ang pawis ko. Holy Sh*T!
Ding!
Ayoko sanang humakbang papalabas ng elevator, pero masama na ang tingin sa akin ng matandang babaeng naka-dust mask.
Pikit mata na lamang akong naglakad patungo sa kuwarto ni Kat.
Iniisa-isa ko ang mga numerong nakalagay sa mga pintuan ng private rooms. Para akong hihimatayin sa sobrang kaba at sa sobrang gutom na rin.
Ewan! Di ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na iyon. Maya-maya ay nakatapat na ako sa kuwartong tinutuluyan ngayon ni Kat. Nakatayo’t naka-nganga lang ako.
Palinga-linga. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Naghihintay ako ng mga taong puwedeng sumagip sa akin at pigilan akong pumasok sa loob.
Naghihintay ako ng mga taong magsasabi sa akin na kahibangan ang aking gagawing hakbang. Pero wala.
Walang tao.
This is it.
Handa naman na ang pisngi ko sa mga sampal.
Handa na rin ang katawan ko sa kung ano mang bagay na hahampas dito.
Magaling din akong umilag, kung sakaling batuhin ako ng anumang bagay na nasa lamesa niya. Sige na…
Okay lang…
Tatanggapin ko ang lahat. Makapag-sorry lang ako.
Tila naglalaro sa aking tenga ang official soundtrack ng pelikulang Jaws. Yung tipong may paparating na shark upang kainin ang bida.
Papalapit ng papalapit ang aking kanang kamay upang subukang kumatok sa pintuan… Nang biglang…
Put@! Sh*T!
May nagbukas ng pintuan. Halos maihambalos ko ang dala kong basket sa pagmumukha ng matandang babaeng lumabas sa kuwarto ni Kat sa sobrang gulat.
Nak ng!
“Yes? Sino po sila?” Tanong ng matandang babae sa akin.
“Ho?! Ah eh…”
“Ka-opisina ka ba ni Katring?!” “Katring?”
“Oo… Si Kat? Yung anak ko?”
Shoot! Nanay pala niya yun.
“Ah opo… Pasensya na po. Nagulat lang po talaga ako kaya para akong nahilo sa tanong ninyo.” “Hihihi… Pasensya ka na iho… Pati naman ako ay nagulat rin.”
“Hehehe… Okay lang po. Okay naman na po ako…” “Hihihi… Kaso tulog si Kat eh…”
Tulog?! Yes! Yes! Puwede na ako umuwi. Puwede na ako umalis.
“Ahh ganun po ba? Naku sayang naman po. Sige po balik na lang po ako…” Saad ko. (plastik!)
“Oo eh… Pero kung gusto mo, antayin mo siya. Tutal hanggang alas-diyes naman ang visiting hours.” “Ho?!”
“Oo… Akin na iyang mga bitbit mo at ipapasok ko sa loob. Hintayin mo ako diyan sa labas.” Saad ng
nanay niya.
Hindi na ako naka-imik dahil sa sobrang bilis ng pagkakakuha niya ng bulaklak at ng isang basket ng prutas.
Pumasok din siya sa loob upang ilapag sa lamesa malapit sa kama ni Kat. Gusto ko na sanag tumakas at tumakbo papalayo. Pagkakataon ko na sa ang tumakas, nang bigla siyang lumabas muli ng kuwarto ni Kat.
“Tara na?!” Tanong sa akin ng matandang babae. “Ho? Saan po tayo pupunta?”
“Gusto ko sanang magkape iho, samahan mo na lang muna ako sa cafeteria habang tulog pa si Kat.”
“Ahh…”
Sh*T!
“Halika na… Ililibre naman kita eh… Hihihi…” Biro niya sa akin.
Ang weird. Ang awkward.
At ang pinaka-weird pa doon, ay hindi ako makatanggi.
“Mabuti naman at dinadalaw ninyo ang anak ko. Alam kong matutuwa iyon at maiibsan ang depresyon niya.”
“Depresiyon?”
“Oo iho… Na-depress ang anak ko, kaya siya nagkaganun. Pero okay naman na siya. Ligtas na naman siya
eh…”
“Mabuti naman po.”
Panay ang pakikipag-usap niya sa akin. At panay naman ang sagot ko sa mga katanungan niya. Gamit na gamit ko ang kagalingan ko sa pag-akting.
Pagdating namin sa cafeteria ay siya na mismo ang nagpunta sa counter para umorder.
Ayaw niya akong maglabas ng pera at sinabihan pa akong humanap na ng mauupuan namin.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang magkunwaring magbabanyo. Kung sa ganoon ay mabilis akong makakatakas. Kahit pa lumusot ako sa bintan ng CR ng ospital, gagawin ko talaga brad.
Pero naawa naman ako kay nanay.
Bakas din kasi ang matinding pagod sa mukha niya. Pati na rin ang pagkapuyat, malamang dahil sa pagbabantay niya kay Kat.
At siyempre, sinisi ko nanaman ang sarili ko. Kung hindi dahil sa kagaguhan ko, hindi sila maaabala ng ganito.
Kaya tahimik na lamang akong naghintay sa kanya sa aking kinauupuan.
Mabilis din niya akong nahagilap, lalo pa’t pumuwesto ako sa may salamin na dingding.
“Oh heto, magkape ka muna. Kainin mo din yang banana cake, para mabusog ka iho.” Saad sa akin ng
nanay ni Kat.
“Naku… Nag-abala pa po kayo… Okay naman po ako eh, busog naman po ako…” “Hindi… Kainin mo iyan, kanina ko pa napapansing maputla ka…”
Kung alam lang niya kung bakit ako namumutla, hindi ko alam kung ipakain niya pa sa akin yung banana cake.
“Okay po… Salamat po…”
Pagkasabi ko noo’y nginitian niya ako.
Naalala ko tuloy si mommy. Bigla ko siyang namiss. Bigla akong nakadama ng kaligayahang dulot ng pag- aasikaso ng isang ina.
“Halos apat na araw na akong naandito sa ospital.”
“Wala po ba kayong karelyebo sa pagbabantay kay Kat?”
“Eh gawa nang pinauwi ko kaagad sa amin ang tatay niya dahil nagkaproblema sa business namin sa
probinsya. Kaya tinitiis ko na lamang na ako ang mag-isa. Pero kaya pa naman…”
“Ganoon po ba… Kayo na lang po kaya kumain ng banana cake, para magkalakas naman kayo nanay?” “Naku hindi… Ayos na sa akin ang kape iho… Tsaka nabusog ako sa dala ng mga kasamahan din niya sa trabaho.”
Malamang sina Arnold ang sinasabi ng matanda.
“Ahh… Opo, nadalaw nga sila dito para kay Kat.” “Ahh kasamahan mo rin pala iyong mga iyon? “Opo.”
“Oh?! Bakit hindi ka sumabay sa kanila?” Tanong ng nanay ni Kat habang hinahalo ang creamer sa
kanyang kape.
“Ah eh… Madami po kasi akong tinatapos na trabaho. Kaya po ganun…”
“Ganun ba? Ganyan nga din itong si Katring… Alam ko eh sobrang dami din niyang ginagawa sa trabaho niyang iyan. Nakadagdag siguro iyon sa stress at depression na pinagdaanan niya…”
Hindi ko alam kung paano at ano ang magiging reaksiyon ko sa mga sinabi niya sa akin. Aaminin ko ba na ako ang nagbigay ng stress at depression sa anak niya?
“Matagal ka na din ba diyan sa trabahong iyan?” “Ah opo.”
“Gaano katagal?”
“Ang alam ko po eh… magkasabay kami ni Kat na pumasok sa kumpanya. Parang natatandaan ko pa na magkasabay kaming kumuha ng New Employee Orientation. Nauna lang siguro ako na promote sa kanya bilang team leader ng IT Department. Tapos, napromote din siya sa sumunod na taon bilang team leader ng Customer Service Department.”
“Ahh… So matagal-tagal ka na rin pala diyan…”
“Opo.”
Sinikap kong inumin ang kapeng inilibre niya sa akin, kahit na parang tinutulak ito ng aking sikmura papalabas ng aking bibig. Kahit mainit ay sinusuong ito ng aking labi, na para bang manhid na manhid na sa sakit.
“Wala ka ba nababalitaan sa anak ko?” Diretsahan niyang itinanong sa aking pagmumukha. “Ho?”
“Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit siya nagkaganyan. Alam kong matapang na babae iyang si Kat.
Alam kong napakalayo sa pagkatao niya ang gawin iyang pagpapakamatay. Kaya nalulungkot kami ng
tatay niya sa nangyari…”
“Ahh kasi po…”
“Matagal na naming tinanggap na ganyan si Kat. Alam namin ng tatay niya na nakikipagrelasyon siya sa kapwa babae… Pero alam, bilang isang ina, naandoon pa rin ang pag-asa sa puso ko na sana ay makahanap si Kat ng taong makakatuluyan niya…”
Kung iyon ang pangarap ng nanay ni Kat para sa kanya, ay iyon din naman ang pangarap ko para sa aking sarili.
“Nagmahal lang po siguro ang anak ninyo…”
“Kaya nga eh… Hindi naman dapat ganyan ang pagmamahal… Madali lang naman sana ang buhay, kung hindi natin pipiliing maging komplikado ito…”
Boom!
Napalunok na lang ako sa quotable-quotes ng nanay ni Kat. Alam kong tama ang lahat ng mga sinasabi niya, at hindi ko siya masisisi na pangarapin ang mga bagay na iyon sa kanyang anak.
“Ikaw ba? May asawa ka na? May anak?”
“Hehehe… Naku po… Wala pa po. Wala pang nagkakamali…”
“Hindi ka naman ano? Alam mo na…” Muling tanong ng nanay ni Kat sabay pilantik ng kanyang kanang kamay.
Halos mabuga ko yung kapeng nasa bunganga ko.
“Naku hindi ho… Lalaking-lalaki po ako…”
“Hihihi… joke lang! Pinapatawa lang kita… Hihihihi…”
“Hehehe… okay lang po… Basta po sigurado ako na lalaki po ako…” “Eh ilang taon ka na ba iho?”
“30 po.”
“Walang girlfriend?”
“Wala po… Sa ngayon, wala po…” “Oh? Bakit naman?”
“Siguro ho, dahil nitong mga nakaraang taon eh iba po ang naging priority ko…” “Priority? Paano? Ano ibig sabihin nun?”
“Sa totoo lang po, eh simula nang ma-diagnose si mommy na may cancer siya, eh ako na po ang nag-
alaga sa kanya. Nagkaroon din naman po ako ng girlfriends, kaso talagang walang tumatagal dahil sa naging priority ko si mommy… Gusto ko siyang gumaling, ayaw ko siyang iwanan… Pero, sadayang nakatadhana rin po na mawala siya sa piling ko, na kinuha na siya… kaya ayun, mag-isa na lang din ako.” “Ahh… ganun ba? Nakakalungkot naman ang buhay mo… Eh paano ang tatay mo?”
“Nauna po siyang nawala… Nauna po siyang namatay kay mommy…”
“Haayyy… Alam mo, kahit hindi ko pa alam iyang kuwento mo, kita ko rin naman sa hilatsa ng mukha mo
na mabait kang bata… Alam kong mabait ka dahil sa ginawa mong pag-aaruga sa mommy mo.” “Hindi naman po… Parang hindi naman po ako mabait… Mahal ko lang talaga ang mommy ko.” “Ganun na rin iyon… Naku, ewan ko na lang sa mga anak kong lalaki kung aalagaan nila ako pagnag- kasakit ako. Hehehe…”
“Siyempre naman mayroon din pong mag-aalaga sa inyo…”
“Ewan ko ba… mga basagulero kasi mga anak kong lalaki. Kaya siguro naging boyish iyang si Katring eh
dahil sa tatlong kuya niya. ” “Ahh ganun po ba?!”
“Naging over protective lang siguro sila sa nag-iisang babae nilang kapatid. Pero mukhang naengganyo
pa yata si Katring na magpakalalaki rin hihihi…” “So mag-isang babae po pala si Kat…”
“Oo… Kaya ganito ako… Hindi pa rin sumusuko na balang araw eh magka-asawa’t anak din iyang si
Katring. Ang nag-iisa kong anak na babae.” “Hehehe…”
Nakakatuwa din itong nanay ni Kat. Sa kaunting panahon ay parang napakarami na naming napagkakuwentuhan.
“Mukhang masayang-masaya po sa bahay ninyo tita ah… dahil maraming kapatid si Kat. Samantalang sa
bahay namin eh nasanay na talaga ako mag-isa dahil only child po ako. Hehehe…”
“Tsk tsk tsk… Sinabi mo pa. Sobrang kukulit talaga nilang magkakapatid. At dahil nga puro lalaki ang
kapatid ni Katring eh, wala siyang ibang magawa kundi ang makipaghabulan sa kanila. Hihihi…” “Hehehe… Kaya nga po eh… Hindi ko po naranasan yung ganoon.”
“Talaga namang nakakalungkot iyang buhay mo iho… Di bale pag may pagkakataon eh mararanasan mo
din ang magkaroon ng pamilya… Baka ikaw pa ang sumuko hihihi…” “Hehehe… Sana po, sana po…”
Sobrang cool niya, at napansin ko rin na natutuwa din siya sa akin. Parang napakarami na naming napagkakuwentuhan, at nagawa pa naming magpalitan ng cellphone number. Kaagad ko namang ibinigay ang aking number ng walang alinlangan. Mas mabuti na rin iyon sa aking palagay, para makabalita din ako kung tuluyan nang maging okay si Kat.
Hindi ko inakalang ganoon ang magiging reaksiyon niya para sa akin.
Siguro lahat naman ng tao ay hindi mo dapat husgahan sa kanyang panlabas na kaanyuhan, pero itong nanay ni Kat ay talaga namang matapang ang hitsura. Yun nga lang, kabaligtaran sa kanyang positibong pag-uugali.
Halatang mahal na mahal niya ang kanyang mga anak. Halatang mahal na mahal niya si Kat.
Lalo akong nalungkot sa mga pinaggagagawa ko sa kanyang nag-iisang anak na babae. Muntikan pa siyang mamatay nang dahil sa maling desisyon ko sa pakikipag-relasyon sa isang babaeng mahalaga para sa kanya.
Pero ano pa bang magagawa ko? Huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari.
“Halika na, balik na tayo sa kuwarto ni Katring. Tignan natin kung gising na siya.” “Sige po.”
Matapos ang halos ilang minutong pakikipag-kuwentuhan, ay mabilis naming binalikan ang private room ni Kat.
Naandoon pa rin ang kaba sa aking dibdib, pero medyo nabawasan na rin dahil sa pakikipag-usap ko sa nanay ni Kat.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita naming nakadilat na ang mga mata ng kanyang anak.
Nanlaki din ang mga mata ko, at gusto kong sumuot sa palda ng kanyang nanay sa sobrang hiya at takot.
Dahan-dahan siyang lumingon sa amin. Una siyang napatingin sa kanyang nanay at hindi nagtagal ay napasulyap din siya sa akin.
Muli ko nanamang nadinig ang theme song ng Jaws. Paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isipan.
“Anak may bisita ka. Nakatulog ka kasi kanina, kaya naman inaya ko munang magkapa itong si ano… si…
susmaryosep! Tignan mo nga’t hindi ko pa alam ang pangalan mo iho… Hahaha…” Saad ng nanay ni Kat.
“Dennis… Dennis po pangalan ko.”
“Dennis… iyon pala hihihi… Pasensya na iho…”
Nakatingin lang din ako kay Kat at hinihintay ko ang hagupit ng kanyang matinding galit.
“Nanay, iwan mo po muna kami…” Seryosong saad ni Kat.
Napayuko ako at lumalalim ang aking paghinga dahil sa sobrang kaba.
“Oh sige, iwan ko muna kayo diya para makapag-usap kayo. Nasa labas lamang ako at makikipaghuntahan sa mga nars. Maiwan ko na kayo.” Sagot ng kanyang nanay at marahan nitong hinaplos ang aking likuran para magpaalam.
Tumango na lamang ako at napangiti.
Hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng private room ni Kat at marahang isinara ang pintuan.
“Kat…”
“Anong ginagawa mo dito?” “Kat… Gusto ko sana…”
“Kapal ng mukha mo! Umalis ka na kung ayaw mong magwala ako dito.”
“Kat please… Bigyan mo ako ng pagkakataong…”
“Bullsh*T! Nakiusap ako sayo… Nakiusap ako sa iyo na iwan mo na siya… Na tigilan mo na siya… Nakiusap ako sayo… Tapos ngayon, hihingi ka sa akin ng pagkakataon? Para ano?”
“Sorry Kat… Sorry talaga sa mga nagawa kong pagkakamali.”
“Madali lang naman humingi ng kapatawaran. Madali lang din magpatawad. Pero ang mahirap ay ang tanggapin na huli na ang lahat para humingi ng kapatawaran. May nasaktan na. May nagdusa na. At
kahit na ilang kapatawaran pa ang hingiin mo, at kahit ilang pagkakataon pa ang ibigay ko sa iyo, hindi na
nito mabubura lahat ng sakit at paghihirap na pinagdaanan ko…”
“Alam ko… Alam ko… Pero kahit ganoon pa ang nararamdaman mo, aasa ako na darating yung pagkakataon na tuluyan mo na akong mapatawad.”
“Hindi ko alam kung babalik pa ako sa dati… Hindi ko alam kung darating pa ako sa punto na matututo
akong magpatawad at makalimot…”
“Sorry… Sorry kung ako ang naging dahilan ng paghihirap mo…”
“Umalis ka na… Umalis ka na lang…” Mahinang saad ni Kat sabay iwas ng tingin sa akin. Nakita ko ring may tumulong luha sa kanyang mga mata. Alam ko kung gaano katindi ang paghihirap na kanyang dinadala ngayon, at naisipan pa niyang wakasan ang kanyang buhay.
“Sorry… Kung may pagkakataon na mapawi ko lahat ng paghihirap na pinapasan mo ngayon, gagawin ko
ang lahat para makabawi sa iyo… Sorry talaga, Kat…”
“Kung gusto mong makabawi… Isa lang ang hihilingin ko sayo… Huwag ka nang magpakita pa sa akin.”
Saad sa akin ni Kat.
Napayuko na lamang ako at dahan-dahang naglakad papalabas sa kanyang kuwarto. Hindi ko na lang siya nilingon at marahan ko na lamang isinara ang pinto.
Nakita ko sa may information center ang kanyang nanay. Gusto ko mang umalis na lamang ng walang
paalam, pero naisip ko ring kabastusan ang gagawin kong iyon.
Inayos ko ang aking sarili. Ayokong ipakita ang tensyon na nangyari sa amin ni Kat sa loob ng kuwarto.
“Oh iho? Aalis ka na ba?”
“Opo. Para makapag-rest na rin ng mabuti si Kat.” “Oh sige iho… Salamat sa pagdalaw mo sa anak ko.” “Walang anuman po, tita.”
“Nanay na lang… Puwede mo akong tawaging nanay, Dennis.”
Lalo akong nakokonsensya sa magandang pakikitungo sa akin ng nanay ni Kat. Pero may parte sa akin na sobrang natutuwa, dahil may tao pa palang kaya akong tanggapin.
Kahit papaano’y nagkaroon din naman ng magandang resulta ang pagbisita ko sa babaeng nasaktan at natapakan ko. Napakahirap din palang tanggapin sa sarili mo na nagkamali ka. Napakahirap lalo pa’t dinadaig ka na ng konsensya mo.
Oo, nasaktan din ako. Dahil naiwan din naman ako.
Pero malamang ay doble pa sa kung anong nararamdaman ngayon ni Kat.
Triple naman ang hirap ng nararamdaman ng kanyang mga magulang, lalo pa ng kanyang nanay. Tang*na! Ano ba itong nagawa ko?
~~~
Matapos kong dumalaw kay Kat sa ospital, ay tila nagbago ang pananaw ko sa buhay. Naisip ko na kailangan ko nang tuluyan na tanggalin sa isipan ko ang kahit anong negativity at bad vibes.
Dahil sa gusto kong makabawi kay Kat, ay ako na ang nag-spearhead ng migration ng bagong process sa customer service. Tutal, matagal na niyang hiningi ang tulong ko para sa mga access ng mga bagong empleyado ng kumpanya.
At dahil nga sa kulang na rin ang mga associates ko, minabuti kong kuhanin ang account na ito, para makapag-concentrate na lang sila sa paggalaw at pag-resolba ng mga tickets at requests.
Habang naka-leave pa si Kat, ay inaayos ng iba pa niyang mga kasamahan ang gagawing pagbuo ng bagong team sa kanilang department. Siyempre, nakipag-tulungan na rin ako sa kanila, bilang punong- abala para sa mga bagong workstations na iinstall sa 17th floor.
Kahit hindi na trabaho ng isang supervisor ay ginawa ko na lang din ang lahat para mapagtagumpayan ang pinagpaguran ni Kat sa India. Alam kong nagawa na rin naman niya lahat ng documentation ng mga bagong proseso kaya kahit wala siya ay madali naming nabuo ang mga kakailanganin.
Wala na rin akong pakialam kung ilang beses na akong nag-overtime.
Wala na rin akong pakialam kahit antok na antok na ako kakainstall ng mga programs sa workstation. Nagmumulti-task na lang din ako, para matapos ko rin ang mga dapat kong gawing reports para sa IT
Department.
Naging Superman ako ng ilang araw. Halos dalawang linggo. Pero masaya ako sa ginagawa ko.
Dahil alam kong kahit papaano ay napapatahimik ko ang aking konsensya na patuloy na umuusig sa akin gabi-gabi.
Isinubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho, at hindi na inisip ang pagiging emo ko. Ang pagiging broken hearted ko.
Ito nga siguro ang kasagutan ko sa katanungang “how do you mend a broken heart”.
P*ta!
Kung gugustuhin mo naman talagang magmove-on, magagawa at magagawa mo din. Nasa sa tao nga talaga ang kasagutan sa katanungang iyan.
Kung pipiliin kong magpakalugmok, ay malamang sa malamang ay hindi ako mapapatawad ni Kat, at hindi ko rin mapapatawad ang aking sarili.
Pero mas pinili ko ang bumangon sa pagkakadapa, upang suyuin at makuha ang kapatawaran ni Kat, maging ng aking sarili.
Pagkatapos ng mahigit dalawang linggo, ay biglang bumisita si Kat sa opisina.
Nagkakagulo ang lahat sa kanyang pagdating, habang ako naman ay nasa isang tabi, madungis, dahil sa kinakalikot na workstation. Hindi ko pa rin alam kung papaano ko siyang haharapin, kaya naman ay hinayaan ko na lamang sila ang mangamusta kay TL Kat.
Nadidinig ko na tuwang-tuwa siya dahil nabuo ang kanyang mga plano, kahit pa na matagal siyang nawala at hindi nakakapasok.
Nadidinig ko din na bumisita lang siya ngayon at patuloy pa rin siyang mawawala ng isa pang linggo dahil kailangan pa rin niyang magpahinga at magpagaling.
Maya-maya naman ay nilapitan kami ng Migration Manager, kasama si Kat upang ipakilala ang team na bumuo sa migration.
“Halika dito Kat, naandito ang mga masisipag at loyal na empleyado, na talaga namang nagpakapuyat para lang matapos itong migrationg process.” Saad ng manager.
Nakatalikod pa rin ako habang nagkukunwari na may kinukumpuni sa system unit.
“Si Manager Nani, ang tumulong sa pag-interview para sa Senior Associates na iha-hire sa new team.
Bale, lateral promotion lang ang mangyayari sa kanila.” Dagdag nito sa pagpapakilala sa grupo.
“Thanks sir Nani, laki na talaga ng utang ko sa iyo, mula pa noong nasa India tayo. Hehehe…” “Wala iyon Kat. Basta magpagaling ka lang, okay na tayo. Hehehe…”
“Tapos, si Anthony naman ang nagte-train sa kanila para sa bagong product.”
“Thanks sir Anthony…” “You’re welcome TL Kat.”
“Then, siyempre ang napakasipag nating IT Supervisor na si sir Dennis Mercado. Oh ayan ha, complete
name iyan para sa isang legend ng IT Department. Hehehe…”
Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
Nadinig ko nanaman ang official theme song ng Jaws.
Dahan-dahan akong lumingon kay Kat na may ngiti sa aking mukha. Nag-iba naman ang timpla ni Kat. Mabilis itong sumimangot.
“Bakit siya? Wala na bang ibang associate?” Tanong ni Kat sa Migration Manager.
“Hah?! Eh sabi niya kasi, siya na lang daw maghahandle ng account, and besides, siya yung best person
na tutulong sa atin sa migration. Kaya, heto, successful naman tayo, so far.”
Nanahimik na lang ako.
Nagkaroon ng awkward silence sa grupo namin.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga kasamahan ko, pero para sa akin, hindi na lang ako papatol. Napayuko na lang ako sa kahihiyan.
“Oh ano? Puwede na ba natin puntahan yung mga new hires? Nasa conference room kasi sila. Lets go?” “Okay.” Mabilis na sagot ni Kat, at nagmamadali din itong naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga
bagong empleyado. Nakikita ko siyang sumusulyap-sulyap sa akin. Hindi ko alam kung nahuhuli niya rin akong tumitingin sa kanya.
Ewan.
Kaagad kong inayos ang mga kableng nakakalat at binuhat ang mga keyboard at mouse na hindi gumagana.
Bumalik na lamang ako sa aking opisina. Alam kong tama na ang aking nagawa para kay Kat. Alam kong ginawa ko ang lahat para maging matagumpay ang project niya.
Bahala na siya sa buhay niya. Badtrip!
Maya-maya ay naupo na ako upang ituloy ang nakabinbing mga reports sa aking workstation. Medyo naiinis pa rin ako sa reaksiyon ni Kat, pero sige, I will let it pass.
Hanggang sa…
“Nananadya ka ba talaga?!” Pasigaw na tanong ni Kat.
Sa sobrang gulat ko, ay napatayo ako sa aking kinauupuan.
“Kat?!”
Nakita ko ang aking mga associates na napalingon sa aming dalawa. Kaya naman ay isinarado ko ang pintuan ng aking opisina.
“Ang kapal ng mukha mo. Talagang iniinis mo ako ano?!”
“Puwede ba? Ginawa ko lang ang trabaho ko. Ginawa ko lang ang parte namin sa pagbuo ng project
ninyo.”
“Kung akala mo eh makakabawi ka na sa nagawa mong kasalanan sa akin, puwes nagkakamali ka.”
“Bakit ka ba ganyan? Lahat na lang ba laging tungkol sa iyo? Tungkol sa pinagdadaanan mo? Nagpaka-
propesiyunal lang ako, Kat.”
“Hindi mo na lang dapat ginawa. Hindi ka na lang sana tumulong pa!”
“Okay ka rin eh no?! Bakit hindi mo subukang mag-thank you na lang sa akin. Sinipagan ko pa nga yan
para lang makahabol kayo sa deadline ninyo eh. Tapos ganito pa madidinig ko sa iyo?”
Medyo napalakas ko ang aking boses dahil sa sobrang galit.
Nakita ko na lang siyang nakatitig sa akin. Parang may lumalabas pang usok sa kanyang ilong at tenga.
Seryosong-seryoso din si Kat sa kanyang pagkabuwiset sa akin.
“Epal!” Sagot niya sa akin sabay labas ng opisina ko. Gusto kong mainis.
Gusto ko siyang habulin at pagalitan sa kanyang inasta sa akin.
Pero pinipigilan ko pa rin ang aking sarili.
Nagtimpi na lang ako. Hinabaan ko pa ang pasensiya ko. Oo na.
May kasalanan na ako sa kanya.
Pero tang*na naman! Kailangan ba talagang ganito ang pagdaanan ko?
Dahil sa ginawa niyang iyon, parang mas gusto ko pa siyang buwisitin at inisin. Tsk! Tsk! Tsk!
Keep Calm Dennis. Keep Calm.
Kinuha ko ang iPod ko at inilagay sa full volume.
Isinuksok ang earphones sa tenga ko at pinatugtog ang isang playlist. Now Playing -> Numb by Linkin Park.
Kahit sumabog pa ang eardrums ko.
Kahit lumabas pa lahat ng luga ko sa aking tenga, wala na akong pakialam. Tang*na! Inis na inis na rin ako!
Pero…
Pero siguro nga deserve ko na maranasan ang kalupitan ni Kat. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang tindi ng galit niya sa akin.
Sige… Tatanggapin ko… Hindi ako susuko hangga’t nawawala ang pait at galit sa puso niya.
Mas mainam na ako na lang ang saktan niya, kaysa saktan niyang muli ang kanyang sarili.
~~~
FADE IN:
EXT. Libag Sur, Tuguegarao City, Cagayan Valley, April 27 – Day
Bandang alas-nuwebe ng umaga, kagigising lang ni Kat. Dahil na rin sa pagod nito sa biyahe mula Manila hanggang sa kanilang probinsya, kung kaya’t medyo tinanghali na ito ng gising. Pagkababa nito mula sa kanyang kuwarto, ay nadatnan nitong halos walang tao sa kanilang sala, at tanging ang kanyang kuya Joseph lang ang naroroon.
Kat
“Kuya, nasan si nanay?”
Joseph
“Nagpunta sa bayan.”
Kat
“Hah?! Bakit daw? Kanina pa ba siya umalis?
Joseph
“Oo. Ang aga-aga nga niya nagising eh para pumunta sa bayan. Bihis na bihis. Mukhang excited sa bisita
niya.”
Kat
“Bisita? Sinong bisita?”
Joseph
“Ewan ko ba dun. Galing Manila daw bisita niya. Baka mga kasamahan niya sa rotary.”
Kat
“Ahh…”
Joseph
“Baka pauwi na rin iyon.”
Kat
“Okay…”
Joseph
“Mabuti naman at umuwi ka rin dito sa amin. Mabilis kang lalakas dito sa probinsya Katring! Hehehe…”
Kat
“Kuya naman eh… Kat na lang… Tsaka balak ko naman talagang umuwi dito para makipiyesta eh…”
Joseph
“Good! Basta bunso, pag may umaway nanaman sa iyo, isumbong mo lang sa mga kuya mo, at kami na ang bahala sa kaniya. Ha?! Huwag ka ulit gumawa ng desisyon na ikakapahamak mo… Tulad niyang suicide attempt mo. Masama yan. Buti di ka natuluyan.”
Kat
“Oo kuya. Isusumbong ko sayo huwag kang mag-aalala. Kung isinumbong ko na nga lang sa inyo yung
buwiset na lalaking iyon, malamang bali na buto nun. Hihihihi…”
Joseph
“Tama Katring! Hehehe… Next time, hihiram na sa aso yang gagong lalaki na iyan. Hehehe…”
Kat
“Okay kuya… Next time, isusumbong ko na talaga. Promise. Hihihi…”
Joseph
“Sige bunso… Oh! Naandiyan na pala sila nanay eh…”
Binuksan ni Joseph ang pintuan, samantalang sumilip naman sa bintana si Kat. Pilit nilang sinisilip ang kinaroroonan ng kanilang nanay na si Aling Milagros.
Kat
“Oh?! Kaninong sasakyan iyan? Bakit sila nakasakay sa sasakyang yan?”
Joseph
“Baka sa bisita niya?!”
Bakas sa mukha ng dalawa ang labis na pagtataka kung sino ang bisita ng kanilang nanay. Bago sa kanilang paningin ang sasakyang nakaparke sa harapan ng kanilang bahay.
Kat
“Ang aga namang bisita yan. Sa Biyernes pa ang piyesta, tapos pinapunta pa niya dito. Ano ba yan?!”
Joseph
“Teka… Sino iyang bisita ni nanay? Bakit lalaki ang dinala niya dito sa bahay natin.”
Kat
“Lalaki? Sino? Patingin nga?!”
Minumukhaan ni Kat ang lalaking bisita na unti-unti lumalapit sa kanilang bahay. Hanggang sa nanlaki ang mga mata ng magandang babae sa kanyang nakita.
Unang papasok si Aling Milagros at sasalubungin siya ni Joseph sa may tapat ng pintuan.
Joseph
“Nay, siya na ba iyong bisita mo?”
Aling Milagros
“Oo anak. Nasaan na ang tatay mo? Halika pasok ka.”
Kahit pa nahihiya ang lalaki ay magsisimula na rin ito maglakad papasok sa bahay nina Aling Milagros. Mapapatayo naman si Kat at lalapitan ang bisita ng kanyang nanay.
Kat
“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naandito?!”
Aling Milagros
“Bisita ko siya Katring, ako ang nagpumilit na pumunta siya dito at makipiyesta sa atin… Halika pasok ka
na. Ito nga pala ang panganay kong anak, si Joseph.”
Kahit inaasahan na ng lalaki ang reaksiyon ni Kat sa kanyang pagdating, ay pilit pa rin itong ngingiti sa magandang babae at babati.
Dennis
“Hello pare, ako nga pala si Dennis, kaopisina ni Kat… Hi Kat… Kamusta ka?”
No one’s ever turned you over
No one’s tried
To ever let you down
Beautiful girl
Bless your heart
I got a disease deep Inside me, makes me Feel uneasy baby
I can’t live without you
Tell me what I am supposed to do about it? Keep your distance from it
Don’t pay no attention to me
I got a disease
Oh well, I think that I’m sick
But leave me be
While my world is coming down on me
You taste like honey, honey Tell me can I be your honey? Be, be strong
Keep telling myself it that won’t take long till
I’m free of my disease
Yeah well free of my disease
Free of my disease
(Disease by Matchbox 20)
- Undo – Special Episode: Ctrl + Arrow [Down] - January 2, 2025
- Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2 - December 24, 2024
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
Sana may kasunod agad ang ganda ng takbo ng storya..salamat author