Undo – Episode 2: Ctrl + Backspace
By ereimondb
09:45 Friday – Gilligans, Metrowalk
Shot! Shot! Shot! Shot! Shot! Shot! Shot!
Tatlong araw ang nakalipas mula nang manalo ang Lakers sa Celtics, at gayundin ang pagkapanalo ko sa pustahan namin ni kupal Arnold.
Heto ako ngayon, tuwang-tuwa sa napanalunan kong Darth Vader Limited Edition Collectible, at ninanamnam ang napakatamis kong pagkapanalo. Hinahalik-halikan ko pa sa harap nila ang natamasa kong tagumpay at ipang-inggit na rin kay Arnold na talaga namang nanghihinayang sa kanyang naipusta.
“Mukhang tuwang-tuwa ka diyan ah? Sinuwerte ka lang dahil nanalo ang Lakers! Hehehe” “Ulul! Talaga namang magaling yung manok ko… Hehehe…”
“Tignan mo ngayon si Arnold, halos sumayad na ang nguso sa lupa. Hahahaha! Hindi na nga makaka-
date si Joyce, tapos nabawasan pa yung collection niya… Hahahaha!”
“Tangina niyo pare. Lungkot-lungkot ko na nga eh pinagtatawanan niyo pa ako.”
Kawawang mokong, pinupulutan sa inuman.
Anong magagawa ko? Talagang wala silang laban sa kuponan ko.
“Iinom mo na lang yan pare. Ako bahala sa susunod na round.” Pagmamayabang ko sa kanya. “Bottoms-up na yan! Hehehe”
“Sige… Bottoms-up!” “Bottoms up! Bottoms up!”
Kung mayroon sigurong kurso sa pagiging lasenggo at manginginom, tiyang Dean’s Lister ako. Wala
akong inuurungan sa mga ganitong hamon. At talaga namang matibay ako’t mahirap pabaksakin.
Walang nagawa si Arnold dahil ako na mismo ang nagpuno ng baso niya. Gusto ko rin namang magpakalasing ngayong gabing ito. Gusto kong lunurin ang aking sarili sa alak.
“Game! Bottoms-up na yan!” Saad ng isa naming kaibigan.
Hindi na ako umimik. Agad ko nang ininom ang isang baso na punong-puno ng beer. Halos hindi pa nga ako huminga dahil pinilit kong inuubos ang alak.
Nang matapos, ay agad kong ibinaba ang baso ko sabay lunok ng natitirang beer sa aking bibig. Hingal na hingal ako.
At ang badtrip sa lahat, ay hindi pa pala sila nakakainom sa kanilang mga baso.
Nakatulala lang sila sa akin at basang-basa ko sa kanilang mga mukha ang isang malaking katanungan.
“May problema ka ba tol?”
“Mukhang may pinagdadaanan tayo ah?”
Sunod-sunod na tanong nga aking mga kainuman. Shit!
“Akala ko ba sabi niyo bottoms up?! Bakit di niyo pa iniinom yang sa inyo?” Tanong ko sa kanila habang
nilalagyan muli ng beer ang aking baso.
“Magbibilang pa sana ako ng 1…2…3… kaso bigla mo na lang nilagok yang beer mo pare…” “Hindi niyo naman sinabi sa akin eh… Tado pala kayo eh… Hehehe”
Hindi ko alam kung ako ba talaga ang hindi nakadinig o nagtatanga-tangahan lang ako. Nagpapanggap. Pilit na itinatago ang sarili ko.
Hindi ko napansing napuno ko nanaman ng beer ang basong kani-kanina lamang ay sinimut ko ang
laman.
“May problema ka ba tol?” Kulit ng isa naming kasamahan. “Wala nga tol…”
“Puwede mo namang sabihin sa amin…” “Wala nga… Tangina wala nga! Kulit!”
Nakita ko sila habang nakatingin sa akin na para bang gusto pa nilang hukayin sa utak ko ang mga sagot.
“Ano tol? Magtititigan na lang ba tayo?” Tanong ko sa kanila. “Bottoms up na to!”
“Bottoms up!” “1…2…3…”
At sabay-sabay na naming ininom ang alak galing sa napakalamig na baso. Halatang sabik na sabik ang sikmura ko sa alak.
Yun nga lang, sa pagkakataong ito ay natalo na ako at hindi na ako ang naunang nakatapos na makaubos ng beer. Malamang dahil sa premature bottoms-up ko kanina.
Putcha!
Ang nanalo pa ay si kupal Arnold. Langhiya! Inasam-asam ko pa namang talunin siya hanggang dito sa inuman.
Pero okay lang. Ang mahalaga, napasakamay ko na itong si pareng Darth Vader at natalo ng Lakers ang
Cletics.
Kahit papaano, may maganda pa ring nangyayari sa akin. Kahit papaano may konsuwelo de bobo pa rin akong nakukuha sa buhay ko.
Kaya may dahilan pa ring magpakalunod sa alak at mag celebrate.
“Chicks pare oh!” Saad ng isa naming kaibigan.
“Yun oh!”
Sabay-sabay kaming lumingon sa iisang direksiyon.
“Holy shit!”
“Mga newbie yan sa department namin.”
“Ang seseksi! Puwedeng-puwede mga ito ah…” “Eh yung isa?”
“Sino diyan?”
“Yung pula ang buhok…”
Shit!
Hindi ko napansin na nandoon rin pala si Martha.
“Ah si Martha?” “Martha?”
“Oo Martha. Taken na yan pare. Di ba Dennis? Hehehe” Saad ng kupal na si Arnold.
“Oh bakit ako?”
“Eh di ba nagtanong ka rin sa akin tungkol sa kanyang noong isang araw?” “Wala akong tinanong sa iyo. Ikaw lang itong madaldal pre.”
“Teka-teka… Taga-sa atin ba yung boyfriend nitong Martha? Sinong matinik na naman ang nakaporma
diyan?”
“Baka si Arnold?!”
“Ulol! Tsaka hindi naman boyfriend ang sinasabi ko eh… Girlfriend.” “Girlfriend?”
“San mo naman nalaman yan pare?”
Hanggang sa ininguso niya sa amin ang isa pang papasok na babae. Si Kat. Ang team leader sa Customer Service Department.
“Si Ms. Kat?”
“Hindi ko alam yun pre ah!?”
“Oo nga pare, kulit niyo ah!!! Sila na nga yan kaya off limits na tayo diyan. Di ba Dennis? Hehehe” “Pakyu!”
Mahirap nga lang sigurong tanggapin ang katotohanang may ibang gusto ang taong napupusuan mo.
Lalo na’t hindi sa ibang lalaki ka kailangang magalit, kundi sa babaeng kinakasama niya ngayon.
Bakit?
Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pumatol doon.
Wala naman akong ibang problema sa mga katulad nila, pero bakit siya pa? Bakit si Martha pa?
Kung tutuusin, eh maganda din naman itong si TL Kat. Pero bakit kailangang sa isang babae pa siya na-in love at kung bakit sa babaeng nagugustuhan ko.
Tama si kupal Arnold. Off Limits na nga siya.
Kaya naman halos isang linggo ko na siyang sinusubukang kalimutan.
Halos isang linggo na rin akong umiiwas sa kanya tuwing yosi break at lunch break.
Tumitingin ako sa kanan at kaliwa ko, hinahanap siya…este, sinisiguradong wala siya sa paligid. Kundi,
iiwas talaga ako.
“Ang lupit naman non tol! Ganda ng chicks ni mam Kat!” “Ewan ko ba kung bakit naaagawan pa tayo ng mga yan…”
“Sabi kasi nila eh mas nakakaunawa daw ang mga tomboy sa tunay na nararamdaman nila.” “Understanding din naman tayo ah…”
Hindi pa rin ako naimik.
Ayokong sumali sa isang diskusiyon na sa bandang dulo ay hindi pa rin kami mananalo. Sumuko na ako sa kung anumang nararamdaman ko para kay Martha.
Panalo na si Kat.
“Okay lang yan pare… Makakahanap ka rin ng iba…” Saad ni Arnold sa akin sabay hagod sa aking likuran. “Ulol! Ano ba yang pinagsasabi mo?”
“Eh alam ko namang trip mo si Martha eh.” “Ogag ka talaga!”
Putang ina! Masasapak ko na yata ‘tong kupal na Arnold na ito! Pero sa kabilang banda…
Ay hindi ko maialis ang paningin ko sa lamesa nila.
Pasimple akong sumusulyap kay Martha at tuluyang tinutorture ang sarili ko.
Nakita ko silang dalawa. Nakalagay ang kaliwang braso ni Kat sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa bandang pisngi.
Hindi ko nararamdaman na para na pala akong nanonood ng live show. Panay lang ang lunok ko ng aking laway. Gusto kong magalit, pero hindi ko magawa.
Wala akong karapatan.
“Shit men… Bakit ba ginagawa sa atin ito ng mga magagandang babae?” “Tama ka tol… Bakit kailangan nila tayong parusahan ng ganito?”
Pasimple pa rin akong tumitingin sa kanilang direksiyon hanggang sa nahuli kong tumingin din sa amin si
Martha.
Iiwas na sana ako ng tingin sa kanya, pero parang bigla akong nagka-stiff neck at hindi ko na maibaling sa iba ang aking paningin.
Ngumiti siya sa akin. Ngumiti siya.
Pero mabilis din siyang umiwas ng tingin sa akin.
Siguro mga tatlong segundo lang sa sobrang bilis ng pangyayaring iyon. fuck!
Ano bang gusto niyang ipahiwatig sa akin?
Noong una, habang ikinakabit ko ang mouse sa workstation niya, ay tinutukso siya sa akin ng mga katrabaho niya. Sabi nila, may gusto daw siya sa akin.
Tapos ngayong, kasama niya si Kat, ay pasimple din siyang tumingin at ngumiti sa akin. Ano bang gusto mo?
“Pare okay ka lang?” Tanong ni Arnold sa akin. “Iiwas na ako pare…” Sagot ko naman sa kanya. “Nagseselos ka ano?”
“Hindi no! Bakit naman ako magseselos? Naging kami ba?” “Woooo… Aminin mo na pare… Hehehehe… Selos ka ano…” “Hindi nga pare… Hindi ako nagseselos.”
“Puta aminin mo na! Hehehehe… Selos na selos ka na eh!”
“P*tang Ina!! Sinabi ko na ngang hindi ako nagseselos eh!” Pasigaw kong saad sa kanya.
Bigla akong napatayo at tinumba ang lamesa namin.
Napatayo sa gulat ang mga kasamahan ko habang pinapanood ang pagtilapon ng mga plato at inumin sa sahig.
Nagsipagtinginan din ang mga tao sa aming kinalulugaran at mabilis na lumapit ang guwardiya’t bouncer
habang hinihila nila ako papalabas ng resto-bar.
Pasalamat na lang ako at nasa imahinasiyon ko lang ang lahat ng iyon.
Siyempre, napigilan ko pa rin ang aking sarili na magwala sa bar, dala ng kakulitan ni Arnold at ang pagseselos ko sa ginagawa nina Martha at Kat.
Kailangan ko pa ring isipin ang posisyon ko sa trabaho bilang Supervisor ng IT Department.
“Bottoms up na lang mga pare!” Saad ko sa kanila.
“i-Bottoms-up na yan!!! Hahaha!!!”
Ako ang nag-aya sa kanilang mag-inom. At ayoko namang sirain ang gabi ko. Kaya pinalagpas ko na lang ang nararamdaman ko para tuloy ang ligaya. Sayang ang alak.
Sayang ang pulutan.
At katulad ng sinabi ko… Iiwas na lang ako para walang problema.
Bahala na sila sa kung anong gusto nilang gawin. Bahala na rin ako sa buhay ko.
Tagay pa!
~~~
Cable Spaghetti
Lumipas ang ilang mga araw, ay bumalik na muli ako sa normal at ordinary kong buhay. Paggising sa umaga, agad akong magbibihis ng jogging pants at puting sando, sabay suot ng
windbreaker. Sak-sak sa magkabila kong tainga ng earphones sabay patugtog ng mga paborito kong kanta mula sa iPod.
Nakakailang rounds din ako sa pagtakbo mula sa harapan, patungo sa gilid at likuran ng Ynares Center dito sa Antipolo.
At kapag naramdaman kong okay na yung itinakbo ko, ay dali-dali akong umuuwi ng bahay para gumawa ng agahan at maligo.
Paglabas ng kuwarto, bitbit ko ang naka-hanger kong semi-formal na polo at sa kabilang kamay naman ang mapulang mansanas.
Pagkalapag ko ng mga gamit ko sa likuran ng aking kotse, ay sunod kong binuksan ang hood at chineck ang break fluid, kung nasa max pa ang Automatic Transmission Fluid at siyempre ang langis.
Nang masigurado kong okay ang lahat, ay agad ko namang tinignan ang aking relo.
9:08 AM.
Shit! Late nanaman ako.
Pero di na bale! Chillax pa rin ako.
Sumakay na ako sa aking kotse at pinaandar na ito. Inayos ang rear-view mirror sabay lagay sa D (Drive)
ang kambyo at pihit sa gas. Same old. Same old.
Same old shit.
Kung ano ang ginawa ko noong isang araw, ay ganun pa rin ang ginagawa ko ngayon.
Masaya ako’t nagpapasalamat dahil buhay pa naman ako. Pero iba pa rin… may kulang…
Alam kong may kulang sa buhay ko… Ewan…
Bahala na…
Aasa na lang ako na isang araw makukuha ko na yung kulang sa buhay ko.
Hay buhay…
Late nanaman ako ng halos labin-limang minuto.
Pagdating ko sa opisina ay nadatnan ko ang mga associates kong tila naghihintay sa akin.
“Sir! Buti dumating na po kayo…”
“Bakit? Anong problema? Kumpleto ba tayo ngayon?” Saad ko sabay tingin sa kanilang lima.
Walang absent. Lahat present.
Kailangan ko yatang magpa-pizza dahil sa himalang ito.
“Kumpleto sir.”
“Oh anong probelma?”
“Down po system natin ngayon.”
What the fuck?!
Gandang salubong naman niyan sa akin oh! Naman naman oh!
“Kailan pa?”
“Nagsimula daw kaninang umaga, pagkatapos ng graveyard shift.” “Problema nga yan. Ilan ba tickets natin ngayon?”
“13 India, 17 Manila.”
“Sige, kung kayang habulin at tapusin ngayon, gawin niyo na. Para pagpumasok na mga backlogs natin
once the system is up, eh makakahabol pa tayo.” “Okay sir.”
“Bob and Franco, follow me to my office.”
Mabilis naman akong naglakad patungo sa aking opisina at inilapag ko ang aking backpack.
Kaagad kong inihanda ang mga Notice To Explain sa dalawa kong associates na palagi na lamang nag- aabsent. Pinirmahan ko ito at ibinigay sa kanilang dalawa.
“I want you write your explanations kung bakit kayo laging umaabsent.” “Okay sir.”
“May mga medical certificates ba kayo?” “Yes sir.” Sagot ni Franco.
“Sir, hindi po ako nakakuha ng med cert. Sa bahay lang po ako nagpagaling.”
“But I told you thru text to secure a med cert once you report back to work right?” “Yes sir… Pero…”
“Again Bob, this is your second warning. Mabait-bait pa akong Supervisor ninyo, kundi matagal ka nang natanggal sa kumpaniyang ito. I hired you because of your competency at alam kong marami kang maitutulong sa team, lalo na’t dagsa ang mga requests at tickets natin ngayon. Kaya please. I’m begging you to refrain from being absent… Please.”
“Yes sir… Sorry po.”
Tangina!
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang mga taong iresponsable.
Ayaw na ayaw ko din ang mga empleyadong walang pagpapahalaga sa kanyang trabaho.
Sa katunayan ay talagang nagtitimpi pa ako at hinahabaan ang pasensya ko sa mga associates na ito dahil alam ko kung gaano kahirap maghanap ng trabaho ngayon.
Hindi ko rin kasi gawain ang maging petiks sa trabaho at magpabunjing-bunjing. Lalo na noong associate pa lang ako dito sa kumpanya.
Naalala ko pa noong pauwiin ako ng bisor namin dahil pumasok akong may sore-eyes.
Kagaguhan nga siguro kung iisipin, pero talagang takot na takot akong umabsent noon at mawalan ng trabaho.
At dahil nga sa nakakahawa ang sore-eyes ay agad naman akong pinauwi ng boss ko. Dedikasiyon.
Iyon lang siguro ang tanging maiiwan ko sa mga bugok na associate ko. At sana naman ay maisabuhay nila iyon kapag umalis na sila sa kumpanyang ito.
Pagkatapos nilang pirmahan ang mga Written Warning na ibinigay ko sa kanila ay binigyan ko sila kaagad ng isang special task.
Inutusan ko ang mga naiwang IT Associates na ubusin lahat ng requests/tickets na nasa system, habang may ipapagawa ako kina Bob at Franco.
Dali-dali naman kaming sumakay ng elevator at umakyat papunta sa server room.
“I want the two of you to double check the connections we have sa server room natin.” “Okay sir.”
“Make a record and documentation sa mga cables connected sa router then try to see if it is properly connected or not.”
“Yes sir.”
Pagbukas ng elevator ay naglakad na kami patungo sa server room
“Okay guys this is our server room.”
“I will leave you with this task. Kayo na bahala. Report back to me as soon as possible. Okay?”
Nakita ko ang kanilang reaksiyon. Nakanganga.
Nakatulala.
Nanlaki ang kanilang mga mata. Priceless.
Napangiti na lang ako at agad na umalis ng server room. Alam kong hindi magandang biro ito para sa kanila, pero gusto ko lang na kahit papaano ay matutunan nilang mahalin ang mga trabaho nila.
~~~ Press Enter
Isang araw.
Napagdesisyunan kong umuwi ng maaga para makatulog at makapagpahinga.
Halos araw-araw na lang ako nagpupunta sa mga resto-bar ng Metrowalk, Eastwood at Makati at parang ngayon na lang ako nakaramdam ng matinding pagod.
I need a break.
Gusto ko matulog ng mahaba-haba.
Kaya naman kaagad kong tinapos ang lahat ng trabaho ko, at kaagad na umalis ng opisina. Habang naghihintay sa elevator, ay isinaksak ko sa magkabila kong tenga ang aking earphones.
Napapaindak pa ako sa kantang napapakinggan ko mula sa iPod.
Hanggang sa bumumkas na ang pintuan ng elevator at mabilis akong naglakad papasok dito. Pasipol-sipol pa ako habang marahang bumababa ang elevator na aking sinasakyan.
Nang biglang tumigil sa 15th floor. Boom!
Pumasok si Martha.
Wala siyang ibang kasama. Wala din si Kat.
Hindi ako kumibo at umiwas na rin ng tingin sa kanya.
Okay na ako sa desisyon ko. At alam kong tama itong ginagawa ko. Nararamdaman kong tumitingin siya sa akin.
Samantalang ako naman ay patuloy na pinapakinggan ang kanta mula sa aking iPod. Maya-maya ay huminto muli ang elevator sa 10th floor.
Pumasok ang dalawang lalaki.
Dalawang foreigners.
Alam kong nag-uusap sila kahit hindi ko nadidinig, dahil na rin sa nakikita kong bumubuka ang kanilang bibig.
Hanggang sa tuluyang nagsara ang pintuan ng elevator. Parang bigla akong nahilo.
Parang may tumambay sa ilong ko ng isang kakaibang amoy.
Amoy damit na hindi natuyo. Amoy alimuom.
Amoy putok. Shit.
Gusto ko nang mapa-bahing dahil sa tapang ng aroma ng mga ito.
Hanggang sa napalingon ako kay Martha.
Nakita ko siyang tawa ng tawa habang nasa tabi ko.
Napangiti naman ako sa kanya at napailing dahil alam kong nagkakaintindihan kami. Parehas kami ng naaamoy.
Gusto ko na sanang buksan ang pintuan ng elevator para makababa, pero hindi naman pupuwede.
Kung kaya’t nagtiis na lamang kaming dalawa ni Martha, habang binabarkada ng aming ilong ang
mabahong amoy na iyon.
Pagdating sa Ground Floor, ay naunang lumabas sa amin ang dalawang lalaking foreigners.
Halos mapakapit kami sa dingding ng elevator dahil sa hilo. Daig pa namin ang sumakay sa rollercoaster. Shit!
“Hahahaha… Grabe yon solid!” Saad ni Martha.
Tinanggal ko naman kaagad ang suot kong earphones para madinig ko siya ng maayos.
“Oo nga eh… solid na solid…”
“Lagi ko namang nakakasakay sa elevator yun, pero hindi pa talaga sanay ang ilong ko sa kakaibang amoy… Hihihi…”
“Hahaha… ganun ba… ako first time ko sila makasama…” “Hehehe…”
Hindi ko alam pero…
Iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.
Yung tipong gusto kong patigilin ang oras para mas makasama pa siya ng matagal.
“Himala… maaga ka yata uuwi sir Den?” “Ah… eh oo nga eh…”
“Hindi lang kasi ako sanay na nakaksabay kita pagababa ng ganitong oras.” “Ahh… Ikaw? Pauwi ka na ba?”
“Oo…”
“Wala ka yatang kasama? Saan yung kasama mo?”
“Sino?” “Si Kat?”
“Ahh… May tatapusin pa raw siyang report eh. Kaya hindi niya ako maihahatid sa condo ko.”
“Ahh ganun ba? Kumain ka na ba?” “Hmmm… Hindi pa…”
“Gusto mo… Kain muna tayo? I mean… kung okay lang sayo? Kasi ako… medyo nagugutom na ako… Hehehe…”
“Hmmm…”
“Okay lang sa akin kung hindi ka puwede… No harm done…” “Sige… Basta ba… libre mo?! Hihihihi joke lang…”
“Oo ba! Sige… Libre ko… at hindi joke yun.” “Okay sabi mo eh… Let’s go.”
“Let’s go!”
Hindi ko ito inaasahan.
Pero inaamin ko na naipagdasal kong dumating ang araw na ito… ang ma-solo siya.
At lalong hindi ko inasahan nang dahil sa putok ng dalawang foreigners eh magiging close kami ulit ni
Martha.
Salamat na lang sa umaalingasaw na aroma.
Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant na katabi ng building na pinagtatrabahuhan namin. Alam kong masasarap ang mga pagkain doon at alam kong mag-eenjoy siya.
Siyempre, siya pa din ang masusunod sa kung anong oorderin niya. Siya ang boss ko. Hehehe…
Marami kaming inorder.
Salmon Sashimi Special Sushi Mix Spicy Tuna Maki
Gyoza Ramen Mixed Tempura Tonkatsu
Para na nga kaming bibitayin sa sobrang dami naming inorder. Sinadya ko rin naman iyon para makapag-usap kami ng matagal. At siyempre, para makasama ang babaeng gustong-gusto ko. “Pang-ilang trabaho mo na dito?”
“Pangalawa na…”
“Oh? Bakit ka naman umalis sa dati mong trabaho?”
“Hmmm… Actually, si Kat ang nagpalipat sa akin dito. Gusto daw niya na magkasama kami sa iisang kumpanya.”
“Ahhh… ganun ba?” “Yep.”
“Mukhang matagal na kayo ni Kat ah…” “Huh?”
“Kayo ba? Hehehe…”
“Ano bang nadidinig mo?”
“Ewan… Parang close na close kasi kayo eh… Hehehe…”
Shit!
Epic Fail.
Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi iyon.
“Hmmm… let’s just say na its complicated ang status namin…” “Bakit naman?”
“Kasi wala namang label yung relationship namin eh… Malinaw na malinaw sa kanya yun…” “Huh? Paano nangyari yun?”
“Sinabi ko sa kanya na nag-eenjoy ako with her at wala naman akong ipinapangakong kahit ano hangga’t
hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.”
“Puwede pala yun?”
“Oo naman… Nasa usapan naman yan eh…”
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Medyo naguluhan ako sa tunay na relasiyon nila ni Kat.
“Sabihin na lang natin na, hindi ako tulad ng ibang babae… I don’t want to be in a relationship… Gusto ko malaya ako… Kung okay sa kanya iyon, eh di… walang problema.”
“So okay sa iyo ang relationship na walang love?” “Hahaha… Anong love?”
“What?”
“I mean… I really don’t believe in love…” “Seryoso?”
“Oo.”
“Hindi ka ba nagkaroon ng karelasiyon dahil mahal mo yung tao?” “Hmmmm… meron naman… bata pa ako noon at tanga.”
“So katangahan yung may love sa relationship?”
“Exactly… Tumbok mo! Hihihi…. Sarap talagi nitong Maki! Puwedeng magtake-out? Hihihi…”
Strange as it may seem.
Pero siguro may napagdaanan si Martha kaya niya nasasabi ang mga bagay na ito sa akin ngayon. Hindi ko naman siya pupuwedeng husgahan kung ano siya ngayon.
Kita ko rin sa mga mata ni Martha ang tila matinding kalungkutan.
Tumigas nga ba ang puso niya para sa pagmamahal?
“Hayaan mo… Makakakilala ka rin ng tao na magpaparamdaman sayo ng love na yan…”
“Talaga? Asan? Asan? Nasaan?” Saad niya sa akin habang pabiro na naghahanap sa ilalim ng mesa. “Hanap ka kasi ng hanap, eh mayroon namang nasa harapan mo.”
Boom!
“Ikaw?”
“May sinabi ba ako? Hehehe… Puwede namang si manong guard. Puwede yung waiter… Hehehe…” “Don’t tell me gusto mo ako?” Tanong sa akin ni Martha.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Pero pakiramdam ko namang mas okay sa kanya na maging totoo ako, dahil bukas siya sa iba’t ibang uri
ng relasyon.
“Oo…” Pabulong na saad ko.
“Sus! Eh ilang araw mo na akong iniiwasan eh di ba?” “Huh?”
“Para namang hindi kita napapansin. Hindi mo ako tinitignan sa tuwing nagkakasalubong tayo sa lobby.
Umaalis ka kaagad kapag nagyoyosi kami sa ibaba… Tapos bigla ka na lang di nagpaparamdam sa chat.”
Alam niya iyon? Naramdaman niya iyon?
“Siyempre… Paano naman ako poporma pa sayo kung may nakabakod na?”
“Okay… Sabi mo eh. Ikaw na ang bahala…”
Ako na ang bahala? Bakit ako?
Ano bang gusto niyang ipahiwatig sa akin?
Hmmm…
Nang matapos kaming kumain sa isang Japanese Restaurant, ay inalok ko siya para ihatid sa condo niya. Hindi naman siya tumutol kaya naman ay kahit inaantok at pagod na ako ay inihatid ko pa rin siya. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya.
Tungkol sa pamilya niya.
Na nag-iisa din siyang anak, at ang mga magulang niya ay naka-base na sa Canada.
Naiwan lang siyang mag-isa dito sa Pilipinas at pinag-iisipan kung tuluyan na ba siyang susunod sa kanila sa ibang bansa.
Naaaliw din ako sa pagiging pala-kuwento nitong si Martha.
Madaling napalagay ang loob ko sa kanya at walang awkward at dull moments dahil siya na mismo ang nag-iinsist ng topic para may mapag-usapan kami.
Hanggang sa marating namin ang condo niya dito sa may Ortigas Extension.
SIyempre, ipinarada ko ang aking sasakyan para samahan siyang umakyat papunta sa kanyang inuupahang kuwarto.
“Salamat ha… Salamat sa panlilibre mo ng pagkain, at sa pabalot. Hehehe… tsaka sa paghatid mo sa akin dito sa condo…”
“Hehehe… Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat sa iyo dahil sinamahan mo akong kumain.” “Okay… Wakang anuman…” Mahinhin niyang saad sa akin.
“Sige pasok ka na…” “Okay…”
Shit!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa babaeng ito. Pero kinakailangan ko pa ring pigilan ang nararamdaman ko.
Maya-maya ay nabuksan na niya ang kanyang silid at bahagya siyang pumasok sa loob.
“Gusto mo magcoffee?” Tanong niya sa akin. Napangiti ako at nilapitan ko siya.
“Sure. Sige. Hindi ako tatanggi…”
Hanggang sa tuluyan na rin akong nakapasok sa loob ng kanyang condominium unit. Ibinaba niya ang nakabalot na pagkain sa may maliit na lamesa.
Kitang-kita din sa loob ang magandang pagkakaayos at pagkakasalansan ng kanyang mga gamit. Kung
kaya’t alam ko ring masinop ito sa kanyang mga kasangkapan.
Maya-maya ay narinig ko siya habang pinapagana ang kanyang coffee maker. Kaagad kong naamoy ang mas mabagong aroma, kaysa sa kanina habang nasa elevator kami.
Lumapit ako sa kanya.
“Ang bango niyan ah…” Saad ko sa kanya. Nang biglang…
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.
Para naman akong naging bato habang nakadampi ang malambot niyang labi sa akin. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa namin.
Kung okay lang ba ito o may tinatapakan akong tao.
Lalo na sa pagtatapat niya sa akin ng kung anong uri ng relasiyong mayroon sila ni Kat. Hindi ko na ito mababawi pa.
Naandito na ako. Hawak ko na siya.
Hawak ko na ang babaeng iniibig ko.
Kaagad kong inilagay ang aking kamay sa kanyang baywang habang walang sawa akong nakikipaghalikan sa kanya.
Cause your sex takes me to paradise, yeah your sex takes me to paradise. And it shows, yeah, yeah, yeah.
Cause you make me feel like, I’ve been locked out of heaven. For too long, for too long.
(Bruno Mars – Locked Out of Heaven)
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024
- Undo – Episode 5: Ctrl + P - November 15, 2024
- Undo – Episode 4: Ctrl + Arrow [Up] - November 7, 2024