Undo – Episode 11: Page Up
By ereimondb
Ang pinaka-ayaw kong pakiramdam sa lahat ay ang matinding hangover ng mahabang inuman. Kanina pang nakadilat ang mga mata ko, pero hindi ko pa rin kayang bumangon mula sa aking
kinahihigaan. Nakakunot ang noo ko, habang naghahagilap ng magandang paraan upang maibsan ang sakit ng ulo ko.
Putang Ina!
Hindi na talaga ako uulit. Last na talaga yung ganoong uri ng pagwawala sa inuman. Ako pa naman yung taong pinakahirap sa hangover. Worst thing is, hirap din akong alalahanin ang mga huling oras bago ako maknockout dito sa kama.
Papaano ba natapos yung inuman?
Papaano ba nila napatahimik si Gelo sa walang sawa nitong pagvivideoke? Paano ako nakarating at nakauwi dito sa bahay na tinutuluyan ko ngayon? At ang nakakatawa… nagawa ko pang tanggalin ang sando ko?
Sh*T! You are a PRO, man!
Nagagawa mo na ba talagang alagaan ang sarili mo sa tuwing nasosobrahan ka sa inom?
Hmmm… Parang hindi….
Pinilit ko ang aking sarili na tumayo sa kama, ngunit ang tanging nagawa ko lang ay ang makaupo dito. Para kasing may malaking bato na nakapatong sa aking ulo at hinihila ito pababa, pabalik sa aking higaan.
Kinusot ko ang aking mga mata at tinatanggal ang anumang muta na nakatambay dito. Sandali ko itong ipinikit at dahan-dahang iminumulat, hanggang sa tuluyan na akong nasanay sa liwanag ng sikat ng araw.
Umaga?
Teka… Anong oras na ba?
Dali-dali kong inabot ang relo ko na nakalagay sa may lamesa.
10:45 AM? Puta!
Tanghali na ah?
Kaya pala halos pumasok na ang sinag ng araw sa kuwarto ko. Sobrang init at hindi kinakaya ng electric fan ang alinsangan sa aking tinutulugan.
Napailing na lang ako at pilit na iwinawaglit ang sakit ng aking ulo.
Akmang tatayo na sana ako papunta sa banyo, nang biglang madaganan ng aking kanang kamay ang isang bimpo.
Medyo basa-basa pa ito at alam kong hindi ko ito ginamit sa aking pagligo o sa kung anu pa man.
Hmmm…
Isa lang ang ibig sabihin niyan…
May good Samaritan na naglinis sa akin upang maibsan ang sobra kong kalasingan kagabi. Sunod kong hinanap ang aking suot na sando.
Natagpuan ko naman ito sa may tapat ng banyo.
Kaagad akong tumayo upang lapitan ang sando ko, at nakita ko na nasukaan ko pala ito. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa amoy nito. Hindi ko talaga matagalan, kahit tignan, maging ang sarili kong suka.
Pero…
Mukhang nakayanan ng taong tumulong sa akin kagabi ang baho at di kanais-nais na itsura ng aking
sando kagabi…
Hmmm…
Sino nga kaya iyon at tila’y naabala’t napahirapan ko pa?
Sandali akong nanahimik upang makapag-isip ng maayos. Napayuko ako at idinikit ang aking ulo sa dingding. Marahan ko itong inuuntog, habang nag-iisip, at para na rin mamanhid ang aking pakiramdam mula sa sobrang sakit ng ulo.
Hanggang sa bigla akong napadilat nang ako ay may naalalang eksena. Yung eksenang sumusuka ako.
Alam kong nakadapa ako sa semento at sumusuka ako sa isang halamanan. Hindi ko nga lang
matandaan iyon, pero alam kong may nasukaan akong pananim. Sumagi din sa aking isipan ang taong umaalalay sa akin.
Isang babae… Alam kong babae iyon… Sh*T! Hindi nga kaya si ano…
Si ano…
Si Aling Milagros?
Hindi eh… Imposible, dahil alam kong may apat na barako siyang kailangang asikasuhin kagabi. Lahat kasi kami eh knockout sa inumang iyon.
Wala naman nang ibang tao na naroon kundi si… si ano… Si ano…
Si Kat?
Napalakas ko ang pag-untog ng aking ulo sa pader at lalo kong naramdaman ang sakit. Tangina! Ansakit!!!
Ano nanaman ba nagawa kong kapalpakan?
Perwisyo nanaman ang dinala ko, sa halip na bumawi ako at magpakita ng maganda sa kanya. Epic Fail, Dennis…
Epic Fail!
Kailan ba ako matututong mag-isip ng makakabuti para sa mga taong nasa paligid ko? Lagi na lang akong nagpapaalaga. Lagi na lang akong pabigat! Susmaryosep!
Napailing na lang ako sa tindi ng disappointment sa aking sarili. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko habang hinihilot ang aking noo dahil sa napalakas kong paguntog sa dingding kani-kanina lamang.
Hayy…
Makaligo na nga lang…
Susubukan kong tanggalin ang hangover na ito sa aking katawan, at huhugasan ang kahihiyan na bumalot sa aking katawan noong gabing iyon.
Wala pa ring pinagbago. Nangyari na ang nangyari.
At sana lang… sana lang talaga…
Na hindi ko siya nasukahan… Tangina! Minus pogi points iyon.
Mabuti pa sigurong umuwi na lang ako at ibaon ang mukha ko sa lupa sa sobrang kahihiyan.
~~~
Goto’t Gulong
Pagkababa ko ng aking kuwarto ay kaagad akong lumabas ng tinutuluyan kong bahay, at siniguradong nakakandado na ito.
Habang naglalakad papunta kina Kat, ay nasalubong ko si Carlo na nakasakay sa kanyang motor.
“Oy! Tol! Kakagising mo lang?” Tanong nito sa akin.
“Oo tol… Sakit pa nga ng ulo ko eh… Naandiyan pa ba sila?”
“Naku wala na tol, naandoon na sila sa talyer. Kung gusto mo sabay ka na sa akin…” “Sige tol, kung gusto mo sa kotse ko na lang tayo…” Alok ko sa kanya.
“Okay sige tol, para makalibre din ako sa gasolina. Hehehe…” Sagot ni Carlo sa akin.
Mabilis niyang ipinarada ang kanyang motor at sabay na kaming sumakay sa kotse ko. Medyo maalikabok pa nga ito dahil sa ilang araw ko na ring hindi ito nahugasan at napunasan.
“Magpapacarwash na lang ako kina Joseph mamaya…” Saad ko.
“Okay tol, magandang ideya yan hehehe…” “Nawalan na rin kasi ako ng oras eh…”
“Hehehe… Ganyan talaga dito, medyo maalikabok kaya dapat laging may takip ang kotse mo.” Oo nga tol eh…”
Pinakamadaldal sa magkakapatid itong si Carlo. Napakarami niyang mga komento sa aking sasakyan, at
alam niya na medyo may tumutunog na dito.
Inirekomenda pa nga niya sa akin na ipatingin ito sa talyer, at si Gelo daw mismo ang aasikaso. Pumapayag naman ako sa lahat ng iminumungkahi niya sa akin, wala nang tanong-tanong pa.
Pero ang aking tiyan ay nagaalburoto na dahil sa gutom. At maski iyon ay hindi napalampas ng pandinig
ni Carlo.
“Naku, dapat pala nag-agahan ka muna tol…”
“Oo nga eh… Hayaan mo na, hanap na lang tayo ng mabibilhang pagkain…”
“Kung gusto mo, may lugawan doon sa tabi ng talyer. Masarap doon. Bagay sa mga katulad nating may
hangover. Hehehe…”
“Tama ka tol, sige daanan natin yan…”
“Pasensiya ka na pala tol at napalaban ka sa inuman… Sa totoo lang eh bihira din kaming mag-inom ng sama-sama. Gusto lang talaga ni tatay na maging memorable ang pagbisita mo dito sa amin.”
“Ayos nga tol eh… Sa totoo lang, hinahanp na rin naman ng katawan ko ang alak. Kaya okay na okay sa
akin yung nangyaring inuman… Pero hirap talaga akong labanan ang hangover… Hehehe…” “Hayaan mo, mawawala din yan pagdating natin doon sa talyer.”
“Naandoon na ba silang lahat?”
“Oo tol. Maaga talaga kami pumupunta sa talyer. Minsan kasi may mga sasakyang iniiwan lang doon at yung caretaker lang ang nagbabantay. Minsan din eh minamadali ng may-ari yung pagpapagawa ng kotse nila, kaya talagang inaagahan namin ang pagtatarabaho.”
“Ayos ah! Tama naman din yan, para maganda ang magiging serbisyo ninyo sa mga kostomer.” “Oo tol. Yun lang din kasi pinangangalagaan ni tatay eh. Yung kredebilidad ng apelyido namin.
Kailangang walang gusot at di kami makakaagrabiyado ng kapwa.” “Ahh… oo nga eh, halata sa tatay mo.”
“Hehehe… ganun-ganun lang yun si tatay. Kunwari matapang, kunwari walang kinakatakutan. Pero
mabilis lang din pumatak ang luha nun, lalo kina nanay at kay Kat.” “Ahh ganun ba?”
“Oo tol. Kaya nga noong may nangyari kay Kat, talagang makakapatay kaming magkakapatid eh. Kasi
doon lang namin nakitang na-depress si tatay. Hindi niya makayang nakikitang ganoon si Kat. Mas mabuti pang umuwi na lang siya dito sa Cagayan kaysa sa naandoon siya sa Maynila. Mas matapang si nanay sa kanya kung alam mo lang hehehe…”
“Hehehe…”
Napatawa na lang ako. Hindi ko nanaman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko rin alam kung papaano ipaliwanag ang sitwasyong pinanggalingan namin ni Kat.
Putang ina!
Talagang kahit saan ako magpunta, ay dinadalaw ako ng konsensiya ko.
“Kaya nga inaalam namin kay Kat kung sino yung gago na nanakit sa kanya eh.
“Inaalam ninyo?”
“Oo tol. Tangina! Huwag na huwag magpapakita sa amin yang gago na yan. Bugbog sarado yan sa amin pag nagkataon…”
Napalunok ako sa pagbabanta ni Carlo. Kahit sabihing siya ang bunso sa tatlong magkakapatid na barako, eh siya talaga ang mukhang nanggigripo ng lalamunan.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa mga nasambit sa akin ng bunso nina Kat.
Ano nga kayang mangyayari sa akin kung sakaling nalaman nilang ako ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon si Kat? Kung bakit siya nagtangkang magpatiwakal dahil sa kabiguan sa pag-ibig?
Malamang lagot ako nito, at hindi lang basta-basta pambubugbog ang gagawin sa akin ng tatlo, isama mo pa ang taong pinagmanahan nila ng tapang, ang kanilang tatay.
Estranghero ako sa lugar na ito. Puwede nila akong itorture ng walang makakaalam sa mga kapamilya’t kaibigan ko. Puwede nila akong chop-chopin, tulad ng ginagawa nilang pagbabaklas sa mga sasakyang inaayos nila. At puwede din nila pagpira-pirasuhin ang katawan ko’t ihanda sa piyesta.
Nakupo!
Huwag naman sana.
“Ayos ka lang tol?” Tanong sa akin ni Carlo dahil sa pansamantalang pananhimik ko habang nagmumuni- muni.
“Ah eh… Oo tol. Ayos naman ako…” Pautal-utal kong sagot sa kanya.
“Namumutla ka eh…” “Hah? Ah eh…”
“Baka gutom ka nga lang… Yaan mo lapit na tayo sa talyer.” “Ahh oo okay tol, sige tol.”
Hindi ko alam kung bakit… Pero talagang bahag ang buntot ko sa mga taong nagawan ko ng kasalanan. Hindi nga siguro ako hustler sa pagsisinungaling, but I’m trying my f*ckin’ best.
Alam kong isang araw ay malalaman at malalaman din nila ang buong katotohanan, at sana ay magawa’t
maitama ko sa lalong madaling panahon ang nagawa kong kawalang-hiyaan sa pamilya nila. Lahat sila ay naagrabiyado ko. Lahat sila ay naging emosiyunal sa nangyari kay Kat. At hindi naman kataka-taka iyon dahil sobrang nagmamahalan ang pamilyang ito.
Kaya alam kong reresbak sila ng sabay-sabay at kukuyugin nila ako. Tanggap ko.
Tatanggapin ko naman, pero sana kahit papaano ay makita nila na hindi ako masamang tao. Hindi talaga
dude. Peksman!
Maya-maya ay nakarating na kami sa may gotohan sa tabi ng talyer ng pamilya nina Kat. Doon muna kami dumaan at bumili kami ng makakain ni Carlo na para sa lahat.
Habang hinahanda ang goto eh talagang para kong inaakit ng samyo nito. Napakabango ng tutong na bawang at parang hinahalina ako papasok sa kusina ng restaurant.
Kulang na lang ay tumulo ang laway ko sa sobrang takam sa naaamoy kong pagkain.
Hanggang sa inihanda na ang take-out goto namin at mabilis kaming lumabas dito upang magpunta sa talyer.
Busing-busy na ang lahat. Wala kang makikitang nakatanga doon at nakatayo’t walang ginagawa.
As usual, mukha nanamang taong grasa si Gelo.
Naabutan namin siyang kagagaling sa ilalim ng sasakyan at tila may inaayos sa transmission ng isang kotse.
“Tol kain muna tayo. Nanlibre si pareng Dennis. Hehehe…” Saad ni Carlo sa kanya.
“Nang-uto ka nanaman Carlo. Mabuti at nagpauto naman itong si Dennis? Hehehe…” Sagot ni Gelo.
“Ayos lang naman, kain na tayo habang mainit pa itong goto.”
“Yun oh! Ayos, sarap! Tamang-tama gutom na ako.”
“Lagi ka namang gutom Gelo!” Biglang saad ng tatay nina Kat na biglang bumungad sa aming harapan. Pati ito ay abala sa pag-kukumpuni ng automatic window ng isang SUV.
Sabay-sabay na kaming nagpunta sa isang lamesa at para bang lahat kami ay natakam sa amoy ng goto na binili namin.
“Milagros! Katring! Mangan teran!” Sigaw ng tatay nina Kat.
Kahit hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi nila, pero alam kong tinatawag lang niya sina Aling
Milagros at Kat para kumain.
Maya-maya ay lumabas naman agad ang mag-ina at dumiretso sa table.
“Si Joseph? Akkulan nu!” Saad naman ni Aling Milagros.
Blanko pa rin ang mukha ko at pilit na inaaral ang mga sinasabi nila sa akin. Nakatanga lang ako at hinihintay na mabuo silang nakaupo sa lamesa.
“Hahaha… Nahilo ka ba sa usapan namin? Para ba kaming ibon?” Sabat ni Gelo at tila nakaramdam siya dahil sa mukhang tanga kong itsura.
“Ahh… Hehehe… Inaaral ko nga tol eh, gusto ko matutuo ng salita ninyo.” Saad ko.
“Good! Tuturuan ka namin.” Saad ng tatay nina Kat.
“Sige magsabi ka ng salita o yung gusto mong ipatranslate sa amin. Mabilis ka matututo pag ganun.”
Saad naman ni Carlo sabay kain ng goto.
Habang hinahalo ko naman ang bawang at patis sa goto ko, ay nag-iisip ako ng magandang ipatranslate sa kanila.
“Hmmm… Ano ang “magandang araw” sa salita ninyo?” Unang tanong ko sa kanila.
“Napia nga algaw.” Sagot ni Gelo. “Tapos, yung “magandang gabi”?” “Napia nga gabi aw”
“Ahhh so ang “napia” eh good o maganda?”
“Oo, pero sa mga ganun lang. Yung good day at good night. Ang maganda sa itawis eh guwapa at sa
lalaki naman guwapo. Ganun din naman, parehas lang…” “Ahh okay…”
“Pagtinanong mo sa chicks, anong pangalan mo?, sa amin eh, “hanna yo ngahan mu?” hehehe…” Saad naman ni Carlo.
“Asows! Pagdating talaga sa pambababae numero uno yang si Carlo. Hehehe…” “Ayos nga eh. Salamat tol. Eh ano naman yung “nice to meet you”?”
“Napia nga nakilala ta ka.” Sagot ni Gelo.
“Ahh okay… hanna yo ngahan mu? Napia nga nakilala ta ka.hehehe…” Praktis ko pa sa harap nilang lahat. Para akong batang tinuturuang magsalita sa harapan nina ninong at ninang.
“Naku, kainin niyo na iyang goto ninyo at lumalamig na yan…” Nakangiting saad ni Aling Milagros. Tila naaliw ako sa pagpapaturo ng salitang itawis sa kanila. At dahil sa masipag si Gelo na magturo sa
akin, eh lalo akong naengganyo dito. Hanggang sa napatingin ako kay Kat.
Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, pero mabilis itong umiwas ang itinuon ang kanyang pansin sa mainit
na goto na nasa kanyang harapan.
Marahan ko na lang ding iniwas ang aking pagsulyap sa kanya at sinimulan nang kainin ang aking pagkain. Hindi ko alam, pero mas gusto ko yung tinatarayan at sinusungitan niya ako kaysa iyong tipong hindi niya ako pinapansin at naiilang siya sa akin.
Hindi ko alam kung dahil ba sa nagdagdagan ang galit niya sa akin o ano!?
Ang tanga ko kasi eh. Dapat hindi ko na dinagdagan ang dahilan ng pagkakagalit niya sa akin. Lalo akong mahihirapang makabawi sa kanya.
Maya-maya ay isa-isa nang nagsipagtayuan ang magkakapatid. Amputa!
Ang bilis nilang kumain.
Lalo akong napressure dahil para akong babae kung kumain, sobrang bagal. Minadali ko ang pagsubo sa goto, nalimutan kong mainit pala ito.
“Pwe!” Sabay buga ko sa mainit na lugaw na nasa aking bibig.
Sabay-sabay na lumingon sa akin ang buong pamilya ni Kat, at maging siya ay muling napasulyap sa akin. Tangina!
Gusto kong maghukay para ibaon ang ulo ko sa lupa sa sobrang kahihiyan.
At ang “the best” pa doon, ay sabay-sabay silang nagtawanan. Pinagtawanan nila akong lahat.
“Dahan-dahan lang kasi. Mainit yan eh…” Saad ni Aling Milagros sabay abot sa aking ng table napkin.
“Salamat po.” Mahina kong saad sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagkakapaso ng dila ko. Wala na atang panlasa ang dila ko at parang kinagat ng bubuyog.
Habang pinupunasan ko ang aking bibig ay muli naibaling ang tingin ko kay Kat. Galaw ng galaw ang kanyang balikat.
At halos maiyak na siya sa sobrang tawa.
Pinagtatawanan niya pa rin ako.
Pulang-pula na siya sa katatawa. Napapahampas pa siya sa lamesa sa sobrang tuwa.
Hindi ko alam kung maiinsulto ako…
… o matutuwa dahil ngayon ko lang siyang nakitang masaya. Napailing na lang ako at sinamahan sa kanyang pagatawa. Natawa na rin ako sa kapalpakan ko.
Natuwa na rin ako dahil masaya si Kat dahil sa kapalpakan kong iyon.
At sana, kahit papaano ay unti-unti na ring bumukas ang puso niya sa pagpapatawad. Naiwan kaming dalawa sa lamesa upang tapusin ang goto.
Nadidinig ko pa rin ang maliliit na tawa niya habang hinahalo at pinapalamig ang lugaw.
“Hehe… sorry ha… napabuga pa ako…” Saad ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin ng saglit at ngumiti. Mabilis naman niyang inalis sa akin ang kanyang atensiyon at marahang yumuko.
“Tsaka… salamat pala kagabi…” Muli kong saad sa kanya.
Bigla siyang tumigil sa kanyang pagtawa at bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha. Hindi pa rin siya sumasagot. Hindi niya pa rin ako kinikibuan.
Nanatili kaming tahimik habang inuubos ang goto. Hinintay ko siyang matapos at hindi ko siya iniwan sa
lamesa.
Pero nang naubos na niya ang lugaw, ay mabilis siyang tumayo at iniwan akong mag-isa.
Pero okay lang sa akin.
Sapat na ang nakita ko ngayong umaga mula sa kanya. Nakita ko siyang tumawa. Humagalpak sa pagtawa.
Kahit patuloy pa rin siya sa pangbubully sa akin, eh ayos lang. Ang mahalaga, nakita ko siyang masaya, nakangiti.
Oks na oks na yon.
Tumayo na rin ako at iniligpit ang aking pinagkainan. Dumiretso ako sa may work area nila at nanood sa ginagawang pagkukumpuni ng mag-aama.
Mabilis silang trumabaho ng sasakyan at mabilis nilang nahahanap ang diperensiya nito. Bilib na bilib
ako sa kasipagan nilang lahat. Pati ang mga mekaniko’t trabahdor nila dito eh maayos magtrabaho, hindi bara-bara.
Halos magtatanghalian na nang medyo lumuwag ang talyer. Naghihintay na muli sila ng kostomer na
magpapagawa’t magpapaayos ng kanilang sirang sasakyan.
Sa bandang kaliwang bahagi ng talyer, ay nakita ko si Kat na nag-aayos ng mga tools na ginamit ng mga mekaniko. Pati siya ay tumutulong sa kanila para makibahagi sa family business nila. Napangiti ako, at gusto ko sana siyang lapitan at kausapin, nang biglang…
“Marunong ka ba sa mga sasakyan?” Tanong ng tatay ni Kat.
“Ah eh… Hindi po masyado… Kung ano lang po yung nakasanayan kong sira, eh yun lang talaga ang alam ko…” Sagot ko sa kanya.
“Alam mo yang si Kat, marami yang alam sa sasakyan. Naturuan din kasi ng mga kapatid niya…” “Ahh ganun po ba? Ayos ah… Baka puwede din pong magpaturo? Hehehe…”
“Oo naman… Teka… Carlo! Halika dito.” Sigaw ng tatay ni Kat.
Mabilis naman lumapit ang supervisor ng talyer.
“Ano yon tay?”
“Mula ngayon, apprentice mo na itong si Dennis. Turuan mo ng nalalaman mo sa sasakyan.” “Okay tay. Sige tol, ako bahala sa iyo.” Sagot naman ni Carlo sa akin.
“Teka, ano bang alam mo? Hanggang saang lebel?” Muling usisa sa akin ng tatay nina Kat.
“Hoh? Ah eh…”
“Marunong ka ba kahit magtanggal ng gulong?” Tanong ni Carlo.
“Ah eh… Oo… Oo naman…” Sagot ko. Siyet!
Na-pepressure nanaman ako.
Ang totoo, naituro lang sa akin, pero hindi ko pa talaga nagagawa sa totoong buhay.
“Naku… Daig ka pa yata ni Katring… Hehehe… Kat! Halika dito! Gelo, ikaw din!” Muling pasigaw na tawag ng tatay nina Kat sa kanyang mga anak.
“Ano yon tay?” Tanong ng manager ng talyer na si Gelo. “Tinuruan mo si Kat magtanggal at magpalit ng gulong di ba?” “Oo tay. Naturuan ko yan. Bakit?”
“Natatandaan mo pa ba Kat?”
“Oo naman… Nakapagpalit na ako niyan.” Sagot naman ni Kat. Mukhang mapapasabak yata ako dito ah…
“Sige nga! Katuwaan lang. Gusto kong talunin mo si Kat sa pagpapalit ng gulong, Dennis.” Saad ng tatay
nina Kat.
“Ho?”
“Hahaha, sige tol. Ako bahala sa iyo. Kakampi mo ako.” Saad naman ni Carlo. Napapalunok nanaman ako sa kakaibang trip ng pamilyang ito.
“Game…” Sagot naman ni Kat.
Nakita ko ang apoy sa kanyang mga mata. Para siyang boksingero na may nagmamasahe pa sa kanyang likuran. Handang-handa sa kahit anong labanan.
Napakamot na lang ako sa aking ulunan.
“Mukhang ayaw yata tatay eh…” Saad ni Kat sabay turo sa akin.
“Ho? Naku… hindi ho… game…. G-g-game…”
Tangina!
Kumu-quota ka na sa kahihiyan Dennis.
Gusto mo bang dagdagan ang maisusulat mo sa “most embarrassing moment” mo?
Mabilis na hinanda ng magkapatid ang arena namin ni Kat. Nadidinig ko pa sa tenga ko ang tunog ng
Rocky na pelikula ni Silvester Stallone.
Kabadong-kabado ako habang inirereview ni Carlo sa akin kung papaano at ano ang mga dapat gawin sa pagtanggal at pagpalit ng gulong.
Napatingin ako sa aking kaliwa, at laking gulat kong pakape-kape pa sina Kat at Gelo. Pabasa-basa lang ng diyaryo.
Parang umiikot ang paningin ko sa sobrang taranta at nerbiyos. Gusto ko nang sumuka. Anong gagawin ko? Ano bang ginagawa ko dito? Tangina!
Hanggang sa naramdaman ko ang mahinang sampal sa mukha ko.
“Focus! Focus Dennis! Focus!” Saad ni coach, este ni Carlo. Mukhang sineseryoso talaga nila ang pagtutos na ito.
Ampotpot!
“Ano? Ready na ba?” Tanong ng tatay nina Kat at may hawak pa itong timer. Puta! Time pressured?
“Ready na kami… Kanina pa… Nakakadalawang tasa ng kape na nga kami ni Kat-Kat eh…” Saad ni Gelo. Habang si Kat naman ay marahang pinapa-ikot ang kanyang kamay at minamasahe ang kanyang balikat. “Ready na si Dennis… Focus, Dennis! Focus!” Saad naman ni Carlo.
“Hah? Saan ang CR?” Tanong ko.
“Okay. Dahil ready na kayong dalawa… Pumuwesto na kayo mula sa inyong starting position.”
Starting Position?
Puwede ba mag-start ako sa banyo? Naiihi na talaga ako… Teka… Anong starting position???
Napalingon muli ako kina Kat, at nagpunta ito sa may likuran ng kotse. Dahil sa taranta ay para akong
naipako sa aking kinatatayuan.
“Okay… Ready… get set… GO!!!!” Saad ng tatay nina Kat. Para akong nabingi.
Hindi ko alam kung anong unang gagawin sa sobrang kaba. Parang naka-slow motion ang lahat.
Si Kat, na ang starting position ay sa likod ng kanyang sasakyan, kung saan nakalagay ang mga tools at spare tire.
Tangina!
Yun pala ang starting position… Hindi ko naisip iyon?!
Mabilis akong tumakbo papunta sa likuran ng aking sasakyan. Nakikita ko ang malaking bunganga ni Carlo at alam kong sinisigawan niya ako. Tumatalsik-talsik pa ang laway nito habang sinesenyasan niya ako na bilisan ko.
Adrenaline Rush dre! Nabuhat ko ng sabay-sabay ang spare tire at ang mga tools, pati na rin ang jack. Mabilis akong nagpunta sa harapang gulong ng aking kotse. Isinalpak ng maigi ang jack at marahang
inisa-isa ang lug nuts ng gulong ko. May edge pa rin ako dahil malakas ako at mabilis kumilos kaysa kay
Kat.
Inikot ko ng pa-counter clockwise ang handle ng jack hanggang sa naiangat na ang aking kotse papaitaas. Nagtataka ako dahil hindi pa iyon nagagawa ni Kat. Ang alam ko ay nauna siya sa akin dahil nasa starting position siya agad-agad.
Pero siyempre, hindi ako nagpatalo.
Tuluyan ko nang kinalas ang mga lug nuts at tinanggal ang gulong na papalitan ko.
Binuhat ko ang spare tire at dinala sa harapan. Isinuksok at ipinalit ko ito kaagad sa lalagyan ng gulong at ikinabit muli isa-isa ang lug nuts. Inikot ang lug wrench, siniguradong tamang-tama lang ang pagkakahigpit ng mga ito.
Inikot kong muli ang handle ng jack pababa, hanggang sumayad na muli sa lupa ang gulong. Saka ko sinafety lock ang mga lug nuts at inikot ito clockwise.
Sabay baksak ng lug wrench sa sahig at napatayo ako sa sobrang tuwa. Nauna akong nakatapos ng pagpapalit ng gulong!!!
“Astig! Nauna ka nga tol!!! Hahahaha!!!” Tuwang-tuwa si Carlo at halos buhatin niya ako sa sobrang
tuwa.
“Ahooo! Ahooo! Ahooo!!!” Saad ko naman dahil sa sobrang tuwa.
Maya-maya ay sumunod namang natapos si Kat. Halos kaunting segundo lamang ang lamang ko sa kanya.
Maging ako ay hindi makapaniwala sa aking nagawa. Natapos ko ito ng mabilis na mabilis. Unstoppable dre!
Tuwang-tuwa kami ni Carlo sa pagkapanalo naming iyon.
“Sandali… Bago nating ideclare ang winner, kailangan ko munang iassess ang ginawa ninyong trabaho.”
Saad ng tatay ni Kat.
Inisa-isa niyang tinignan ang pagkakakabit ng mga gulong sa dalawang sasakyan. Napapatango naman siya sa nagawa kong trabaho.
Confident ako na tama ang aking nagawa. Lahat nagawa ko. Wala akong nilagpasan na step, sigurado
ako doon! Hehehehe!!!
“Okay… Naunang natapos si Dennis at alam nating mas mabilis siya kay Kat…” Saad ng tatay ni Kat.
“Ayun oh!!! Congrats tol!” Saad ni Carlo.
“Team effort dude… Team effort! Magaling ka rin magturo eh.” Bola ko naman sa bisor ng talyer. Magkaakbay pa kaming dalawa at halos na magyakap kami sa sobrang tuwa.
“Pero…” Bitin na saad ng tatay nina Kat. Pero?
Anong pero?
Dahan-dahang humina ang tawa naman ni Carlo at napatingin sa kanilang tatay.
“Pero hindi naging malinis ang ginawang trabaho ni Dennis… Marami siyang hindi nagawa, tulad na lang ng hindi paglalagay ng warning sign, at ng kalso.”
Kalso? Warning sign? The heck?!
“Alam naman natin na kasama iyon sa steps na pagpapalit ng gulong ng isang sasakyan. For safety
reasons at para iwas disgrasya…” “ho?” Ang tanging nasagot ko.
“At nakita ko na nagawa iyon lahat ni Kat. Kaya medyo naantala siya ay dahil sa mga nagawa niyang
safety measure sa pagpapalit ng kanyang gulong. Tsineck niya pa kung naka hand-brake ang sasakyan, naglagay din siya ng kalso. Very good Kat and Gelo. I’m proud of you… Kaya ang nanalo, ay ang grupo ninyong dalawa.” Saad ng tatay nina Kat.
“Yes!!!!”
“Ayos! Hehehehe!”
Tuwang-tuwa silang dalawa.
Nanatili naman kaming magkaakbay ni Carlo at dahan dahan kong tinanggal ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya.
Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig. Napahiya.
“Better luck next time, pareng Dennis.” Mahina at malungkot na saad ni Carlo. Tangina!
Palpak nanaman, dre!
Talaga namang pinapakyaw ko ang lahat ng kapalpakan sa buhay.
Pero kahit papaano ay may natutunan ako. Na hindi lahat ng bagay ay nadadaan at nagagawa nang madalian.
Hindi ka puwedeng magskip ng isang step, dahil baka lalong lumala ang sitwasyon o kaya naman ay mayroong mapahamak nang dahil doon.
Hindi ka puwedeng mainip at magmadali. Slowly, but surely.
~~~ Bisperas
Dahil sa kapistahan sa barrio ng Libag sa Cagayan, ay halfday lang ang pagbukas ng family business nina Kat. Kaagad kaming umuwi ng bahay at hinintay na lamang namin ang mga baboy na kakatayin para ihanda sa pista. Si Aling Milagros ang hermana mayor ng barrio, at malamang sa malamang eh dadagsain daw ang kanilang compound ng mga bisita.
Kahit hindi nina kakilala ay pumapasok daw para makikain sa kanila. Mas marami pa sa mga kapamilyang dumadalaw sa kanila, dahil halos lahat ay abala sa kani-kanilang trabaho sa Maynila, at hindi nakakauwi sa araw ng kapistahan.
Siyempre, tumulong din ako sa paghahanda at paghihiaw ng mga gagamiting sangkap sa napakaraming putaheng ihahanda.
Lechon Kawali. Lechon Paksiw. Dinuguan. Igado. Kaldereta. Adobo. Menudo. Mechado. Patatim.
Pansit. Spaghetti. Bibingka. Suman. Leche flan. Maja Blanca.
Isipin mo iyon?! Sa sobrang dami ng putahe, eh sobrang dami din ng taong tumutulong sa pagluluto nito
sa bahay nina Kat. Punong-puno at talagang bayanihan dito sa probinsya.
Mayroong tagakatay ng baboy. First time ko din nakadinig ng kinakatay ng baboy. Ayaw ko lang talagang panoodin dahil nakakakilabot makakita ng sumisirit na dugo.
Kaya naman ay sa mga gulayan na lang ako tumutulong na maghiwa at magputol-putol.
Ang tatlong magkakapatid na barako ang abala sa ginagawang litson ng pamilya Masangkay.
Talagang hindi mo maitatanggi na kakaiba talaga, at mas masaya, ang buhay dito sa probinsya, lalo na sa araw ng piyesta.
Nakakatuwa din ang mga grupo ng matandang kababaihan sa barrio. Dahil panay ang kuwentuhan nila at tsismisan sa kung sino ang bagong buntis sa bayan nila. Alam na alam nila kung sino ang bagong kabit ni mang Kanor, at sino ang bagong puta sa Libag.
Nakikinig at nakikitawa na lang ako sa kanila. Natutuwa din daw sila at nakakita sila ng bagong salta sa lugar nila. Ngayon na lang daw sila ulit nakakakita ng sing guwapo ko.
Naks! Totoong sinabi nila iyon sa akin. Hindi akong nagsisinungaling. Hehehe…
Siyempre abot tenga nanaman ang aking ngiti dahil sa mga papuri nila.
Talaga namang hindi napapagod ang kanilang mga bunganga sa kakukuwento. Pero naintindihan ko, dahil pamorningang pala ang dating nitong paghahanda sa bisperas ng piyesta.
Walang tulugan, ika nga ni kuya Germs.
“Oh tol, matulog ka na. Kami na bahala dito.” Saad sa akin ni Joseph.
“Hindi tol, gusto ko rin maexperience yung ganito. Tsaka masaya naman eh… Hehehe…” Maya-maya ay pumuslit si Carlo ng isang bote ng San Mig Light at iniabot niya sa akin. “Oh e di, inuman muna? Hehehe” Saad ng bunsong lalaki sa magkakapatid.
Kaagad ko namang kinuha ito at ininom. Iba talaga pakiramdam sa lalamunan ang isang malamig na San
Miguel Beer pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw. Hehehe…
“Ganito talaga sa probinsya tol. Tulungan. Kaya madaming tao dito sa bahay ngayon.” Saad ni Joseph.
“Oo nga eh… At mukhang enjoy lahat ng tao kahit naghahanda pa lang.” “Oo walang kapaguran mga tao dito.”
“Kahit matatanda na, eh talagang nagpapakapuyat para lang sa bisperas.” Kuwento naman ni Carlo.
“Bukas tol, tikman mo yung suman at bibingka. Iyon ang pinakamasarap sa lahat ng handa.” “Oh?! Sige tol. Mahilig din naman ako sa kakanin.”
“Basta bukas mas mag-eenjoy ka sa dami ng pagkain.”
Tuwang-tuwa namang nagkukuwento ang magkapatid habang kami ay sumisimple ng inuman. Okay din kasama ang mga kapatid ni Kat, at talagang hindi sila nauubusan ng maikukuwento sa akin.
Maya-maya ay tinawag na sila ng mga taga-luto at ipinapahanda na ang mga hinati nilang parte ng baboy para sa gagawing putahe.
“Tol, ikaw na uminom nito. Kami na ang nakatokang magluto eh.” Saad sa akin ni Joseph.
“Oo tol, ubusin mo na ito. Kung gusto mo pa, sumimple ka lang sa may kusina, madami dun. Hehehe…”
Saad naman sa akin Carlo.
Hinawakan ko ang tatlong bote at marahang ibinaba mula sa aking kinatatayuan. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil mukhang mapapalaban nanaman ako ng inom.
Naiwan na akong mag-isa sa labas. Ayoko naman na ding pumasok sa loob dahil medyo marami na ang tao at lahat naman sila ay naggagayat ng gulay.
Dito na lang ako tatambay, magrerelax at magpapahangin, habang inuubos ang napakasarp na malamig na beer.
Masasabi kong, tama ang naging desisyon ko na manatali at magpunta dito sa probinsiya nina Kat. Bagong environment.
Bagong experience.
Talagang nag-eenjoy ako sa lahat ng mga nararanasan ko ngayon dito sa Cagayan.
“Bakit hindi ka pa natutulog?”
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.
“Oh! Ikaw pala…”
Hindi ko inasahang katabi ko ngayon si Kat. Si Kat?
Nilapitan ako? Tinabihan ako? Milagro!
“Wala kaming ibabayad sa kasipagan mo… Matulog ka na…” Malumanay niyang saad sa akin. “Hehe… Okay lang… Sobra-sobra na nga nagawa ninyo para sa bakasyon ko eh… Yun na yon!” Napangiti siya sa akin.
Teka… Nginitian niya ako?
Ngumiti siya sa akin?!
Hmm… mukhang umo-okay na ang lagay ko kay Kat ah…
Hanggang sa napatingin siya sa bote ng beer na nakalapag sa bandang paanan ko.
“Ah eh… Iniwan sa akin ng mga kapatid mo yan. Magluluto na raw sila kaya pinapaubos lang sa akin…”
Nagpaka-defensive na ako dahil baka masira nanaman ang image ko kay Kat.
Maya-maya ay kinuha niya ang bote ng beer na hawak ko, sabay ininuman.
Hindi ako nagulat kung nag-iinom siya, dahil alam ko namang umiinom siya ng alak sa Maynila. Pero ang ikinagulat ko ay yung ininuman niya yung bote ng beer na hawak ko.
Walang kaarte-arte.
Nang mainuman niya ito ay ibinalik sa akin sabay baling ang kanyang paningin palayo sa akin. “Baka naman masobrahan ka nanaman sa inom niyan, tulad kagabi.” Saad niya sa akin. “Naku hindi… Pang-relax ko lang ito. Pampapawi ng pagod.” Sagot ko naman sa kanya. “Okay… atleast alam mo na ngayon ang limit mo…” Muling saad sa akin ni Kat.
Akmang aalis na siya sa aking tabi nang bigla ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang kanyang kamay at
napatingin siya sa akin.
“Teka…”
Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon, kaya naman ay mabilis ko rin siyang binitiwan. Gusto ko lang naman na manatili pa siya sa aking tabi.
Ewan ko kung bakit…
“Hmmm… sorry…” Saad ko sa kanya.
“May kailangan ka ba?” Tanong niya sa akin.
“Ahh… Wala kasi akong kasama eh… Okay lang ba na dito ka muna?”
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagtataka, pero hindi naman siya nagalit sa ideya ko.
“Okay… sige…” Mahina niyang sagot sa akin.
Napabuntong hininga ako. Akala ko ay bibingo na ako kay Kat dahil sa kakulitan ko. Sandaling tumahimik ang paligid.
Ang tanging nadidinig naming dalawa ay ang mga tunog ng kuliglig.
Panay pa din ang inom ko ng beer at tila naghahagilap ako ng lakas ng loob para pahabain pa ang pag- uusap naming dalawa ni Kat.
“Kamusta ka naman…” / “Okay pala dito…”
Sabay kaming nagsalita at sabay din kaming natigilan upang pakinggan ang nais sabihin ng isa’t isa.
“Sige ikaw muna…” Saad niya sa akin.
“Hindi… Okay lang… Ikaw muna…” Bawi ko sa kanya. Napangiti siya sa akin.
“Wala… Gusto lang kitang kamustahin… Okay ka lang ba dito? Kamusta ka naman?” Tanong niya sa
akin.
“Okay. Okay na okay, kung alam mo lang… Alam mo yung pakiramdam na nagkaroon ako ng instant na pamilya. Instant na kaibigan. Dami kong natutunan. Dami akong naexperience sa unang pagkakataon sa buhay ko…” Pagmamalaki ko sa kanya.
“Hmmm… Good. Yun naman talaga ang ipinunta mo dito, hindi ba?” Saad ni Kat.
“Oo naman… Isa iyon sa dahilan ko kung bakit ako naandito ngayon, kasama ninyo…” Sagot ko sa kanya. Sinuklian naman niya ng matamis na ngiti ang aking isinagot sa kanya. Siyempre, pakipot pa ba ako? Eh
di nginitian ko na rin siya.
Saglit uling natahimik ang kinaroroonan namin.
Mabilis na nilagok ko ang laman ng aking bote para mas madagdagan pa ang lakas ng loob na mayroon ako ngayon.
Kaya mo yan, Dennis!
“Ikaw? Anong sasabihin mo?” Tanong niya muli sa akin.
Oo nga pala. May sasabihin nga pala dapat ako sa kanya. Nalimutan ko sa sobrang nerbiyos at kaba.
“Ah eh… Gusto ko lang din sabihin na okay dito sa probinsya ninyo. Napakasimple, pero napakasaya.”
Saad ko sa kanya.
“Ganito talaga dito. Kung bibigyan nga ako ng choice, mas gusto kong mag-stay dito sa Cagayan.
Parang ibang mundo… Ibang-iba sa Maynila. Tahimik. Simple. Masaya.” Sagot niya sa akin.
Pansin ko rin na medyo naging seryoso ang kanyang mukha habang ipinagmamalaki niya sa akin ang lugar na kinalakihan niya.
“Tama ka. Kung ako nga rin, gusto ko na dito eh…” Pagsang-ayon ko naman sa kanya.
Marahan siyang tumango habang nakatikom ang kanyang mga labi. Napayuko ito at ibinalot ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bandang dibdib. Pakiramdam ko ay nilalamig na din siya sa kinaroroonan namin.
“Gusto mo doon tayo sa may kubo? Mukhang nilalamig ka na eh…” “Hindi… Okay lang ako… Okay pa naman ako…”
“Okay sige… Sabihan mo lang ako kung gusto mo lumipat.” Saad ko sa kanya sabay baba ng boteng kanina ko pa hawak-hawak.
Dinampot ko naman ang beer na pagmamay-ari ng kanyang kuya Joseph. Ito naman ang uubusin ko at gagawing karamay ng mahina kong kalooban.
“Minahal mo ba siya?”
Bigla akong napatingin sa aking katabi.
Hindi ako nakahanda sa diretsahang tanong niya sa akin. Sigurado ba siya sa gusto niyang alamin sa akin?
Sigurado ba siya sa tanong niya?
Saglit nanaman akong napatahimik. Mahigpit kong hinawakan ang bote ng beer sa aking kamay. Pinipiga ko ang aking isipan sa kung ano ang dapat kong isagot sa kanya.
“Oo… Siyempre naman…” Mahina kong tugon sa kanya. Muli siyang tumango sa akin at napayuko.
Ipinatong ko ang bote ng beer sa isang hollow blocks na nasa aming bandang likuran. Ayoko na itong
hawakan dahil baka sa sobrang nerbiyos eh mabasag ko ito gamit lamang ang aking kanang kamay.
“Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula… Hindi ko alam kung paano ko maipapakita sa iyo kung gaano kasakit para sa akin na makita ang ibang tao na naghihirap dahil sa kagaguhan ko… Nakokonsensiya ako dahil doon… Nag-iisip ako… Nag-aalala… Nagtatanong… Kung bakit ko nga ba nagawa yon? Bakit pinahintulutan ko ang sarili ko na manggago ng ibang tao. Na manloko ng ibang tao. Na maging selfish. Isipin ang pansarili kong kagustuhan…” Nanginginig kong saad sa kanya.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, ay alam kong nanatili siyang nakayuko habang ako’y pinakikinggan.
“Kat… Sa totoo lang, kaya ako naandito… kaya ako nagpasiya na magpunta dito, eh para hingin ang kapatawaran mo… Para maipaalam ko sayo na sinsero ako sa paghingi ko ng kapatawaran… Pero alam mo, kahit nasasaktan ako… na kahit nakikita kitang galit sa akin… na kahit gusto mo akong pauwiin… Mayroong pumipigil sa akin na suwayin iyon… Na huwag kang sundin…. Na manatili ako dito kahit na magalit ka pa… Alam mo ba kung ano yon? Alam mo ba kung ano yung pumipigil sa akin?” Hindi ko na talaga mapigil ang luha ko habang sinasabi ko ang mga it okay Kat.
Tahimik lang siya sa aking tabi, nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
“Yung pamilya mo… Yung ligayang naibibigay nila sa akin… Yung pagtanggap nila sa akin dito, kahit alam kong hindi ko deserve iyon. Na kahit alam ko, deep inside of you, eh alam mo kung gaano ako ka- hayop, ka-gago, ka-demonyo… o kung ano pang negatibong pag-uugaling mayroon ako… Hindi ko deserve pero pilit ko pa ring tinatanggap iyon… Pilit ko pa ring kinukuha iyon… Dahil… Dahil sa unang
pagkakataon sa buhay ko… Naramdaman kong may pamilya ako… Na may nagpapahalaga sa akin… Na may tumitingin sa akin… Na may nag-aalaga sa akin… Sa kaunting panahon na iyon, Kat. Naramdaman ko yun… Naramdaman kong magkaroon ulit ng tatay at nanay… Naramdaman kong magkaroon ng mga kapatid… Kaya patawarin mo ako, kung naging selfish nanaman ako… Patawad kung inisip ko nanaman ang sarili kong kaligayahan kahit na asar na asar ka na sa akin…” Saad ko sa kanya.
Nadidinig ko na din ang bawat pagsinghot niya at alam kong umiiyak na rin siya. Sandali akong tumigil.
Sandali akong nanahimik.
Sinusubukan kong huwag nang papatakin ang luha mula sa aking mga mata.
Pero hindi mo talaga ito matuturuang umakyat uli’t bumalik sa pinanggalingan niya.
“Gusto ko lang malaman mo Kat, na pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko sa iyo… Sa inyo ni Martha… Dahil pumapel ako sa relasyon ninyo…”
“Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan Dennis… Kung hindi ka niya hinayaang makapasok sa buhay niya… Kung hindi ka niya binigyan ng karapatang sirain ang relasiyon namin… eh hindi naman mangyayari ang lahat ng ito…” Sagot sa akin ni Kat.
“I’m taking full responsibility of my actions, Kat…”
“I know… Pero pinili ka niya… Tandaan mong pinili ka niya… Iniwan niya ako…”
“Pinili niya nga ako… Pero mas pinili niyang iwan ako… Tinalikuran niya ako… Umasa ako…” Sagot ko kay
Kat.
Inabot ko ang beer na inilapag ko kanina sa may hollow blocks at marahan itong ininom.
Naramdaman ko namang kinuha ni Kat ang bote ng beer na pagmamay-ari ni Carlo at saka ito ininuman. Tila parehas kaming napangal at nauhaw dahil sa dami ng luhang bumagsak mula sa aming mga mata. Sabay kaming napahinto sa pag-inom at sandaling tumahimik.
Alam naming patapos na ang unos na dumaan sa aming mga buhay, at nagpapatila na lamang ng ambon,
naghihintay upang kami’y magsimulang umusad sa aming dapat na puntahan.
Maya-maya ay ibinigay niya sa akin ang bote ng beer.
Marahan niyang tinanggal ang moist na naiwan sa kanyang kamay at pinagpag ito gamit ang kanyang suot na shorts.
“Gusto kong malaman mo na… Naa-appreciate ko lahat ng mga ginagawa mong pakikisama sa pamilya
ko… Naa-appreciate ko ang ginagawa mong paagsakay sa trip ng mga kapatid ko… Naa-appreciate ko
ang respetong ibinibigay mo kina tatay at nanay… at higit sa lahat… Naa-appreciate ko itong gesture na ginawa mo, para sa akin… Salamat, Dennis… Salamat…” Malumanay na saad sa akin ni Kat, sabay lakad nito papalayo sa akin.
Hindi ko na siya nagawang pigilan.
Pinanood ko na lamang ang kanyang likuran habang unti-unting nawawala sa aking paningin. Nanggigilid nanaman ang aking mga luha.
Para akong natutunaw na yelo.
Isang matigas na yelo, na nabuo nang dahil sa mga nadanasan kong kabiguan sa buhay. Isang matigas na yelo, na nabuo dahil na rin sa mga nagawa kong maling desisyon.
Isang matigas na yelo, na unti-unti nababakbak, dahil na rin sa kapatawarang ibinibigay sa akin ng mga
taong nagawan ko ng pagkakasala.
Ang sarap pala…
Ang sarap pala maramdaman na nare-redeem mo ang sarili mo.
Na kahit gaano ka pa ka-gago, eh mayroong taong handa kang patawarin at tanggapin. Matagal.
Mahirap.
Makipot ang daan.
Pero pasasaan din, at narating ko na ang dulo ng biyahe ng aking kapatawaran.
~~~
Feast of St. Peter
Kahit halos tatlong oras lang ang tulog ko, ay masigla akong bumangon ng maaga para makatulong sa pamilya ni Kat na maghanda. Alam kong nasa good mood ako ngayon, dahil na rin sa pag-uusap na naganap sa amin ni Kat. Para akong natanggalan ng tinik. Para akong nawalan ng pasanin sa aking
dibdib. Sobrang gaan. Sobrang positibo. Sobrang liwanag na ng dinaraanan ko ngayon. Kaya para sa akin,
wala nang makakasira ng sa magandang araw na ito.
Siyempre, dahil piyesta, Feast day ni San Pedro, ang patron ng barrio Libag, dito sa Cagayan Valley, ay sabay-sabay muna kaming nagpunta sa maliit na kapilya malapit sa bahay nina Kat.
Kahit mukhang mga nakakatakot ang mga kapatid ni Kat, ay talaga namang napaka-relihiyoso ng mga ito at taimtim na nagdarasal. Pati na rin ang tatay ni Kat na siya pa mismong naghatid ng mga prutas para ialay sa simbahan.
Noong dumating na ang parte ng “peace be with you”, ay abot hanggang tenga ang aking ngiti, inaabangan ang pagharap sa akin ni Kat. Hindi naman ako nabigo, dahil talaga namang bati na kami. Nakipag-“peace be with you” din siya sa akin. Hehehe…
Pagkatapos ng misa ay dumiretso na kami agad sa bahay nina Kat para ituloy ang aming paghahanda. Siyempre hindi nawala ang kulitan. Nakabasag pa nga si Carlo ng isang bote ng softdrinks, at di ko inaasahang pipingutin pa siya ni Aling Milagros nang dahil dito. Hehehe…
Good mood na good mood talaga ang lahat ng tao ngayon. Good vibes lang ang lahat.
At nang bandang lunch time, ay binuksan na nina aling Milagros ang napakalaking gate ng kanilang
compound. Attack!!!!!!!
Aakalain mong may giyera dahil sa dami ng mga taong nagpunta sa bahay nina Kat.
Tama nga sila, box office nga ang kanilang bahay pagdating ng piyesta.
Siyempre, tumulong ako sa pag-aabot ng paper plates at plastic spoon and fork sa mga bisita. Pakiramdam ko talaga ay isa na ako sa kanila at makita ko lang sila na nabubusog sa pagkain, ay parang nabusog na rin ako.
Walang tigil pa rin sa pagdagsa ang mga tao.
Sobrang dami pa rin ang nagpupunta at pumapasok sa compound.
Pero ang nakakatuwa doon, ay magkakakilala na talaga sila. Pakiramdam ko pa nga, ay doon na rin sila nagkakilala, nang dahil sa pakikipiyesta.
Ang mga tauhan at mga kapatid naman ni Kat ay wala ding kapaguran sa kanilang ginagawang pagtulong at pagbubuhat.
Ang mga magulang naman ni Kat ay nakikipag-kuwentuhan sa mga bisita. Para silang bagong kasal na iniisa-isa ng mga lamesa ng bisita. Kulang na lang na magpicture-taking at magpalipad ng kalapati maya- maya.
Hinanap ko naman kung nasaan si Kat. Pero hindi ko siya mahagilap.
“Nasaan si Kat?” Tanong ko kay Carlo habang ito ay kumakain ng leche flan.
“Naku, naanduon yun kina aling Susan.” “Hah? Bakit? Anong ginagawa niya doon?” “Nagpapaganda na yon… Hehehe…”
“Hah? Nagpapaganda? Bakit?”
“Kasi tol, mamaya, may sayawan sa plaza. Bayle ang tawag nila doon… Ano sama ka ba?” “Bayle? Sayawan?”
“Pauulit-ulit ba tayo tol? Unli ka ba tol?”
May sayawan pala mamaya?
At si Kat? Nagpapaganda para sa sayawan mamaya? Yun ang astig!!!
Patuloy naman akong tumulong sa kung ano pa ang puwede kong itulong para maging matagumpay ang
handaan sa tahanan nina Kat. Kahit pagod na pagod na ako, ay hindi ko ito masyadong dinadamdam, dahil na rin siguro sa napakagandang kinalabasan ng pag-uusap namin ni Kat.
Kahit maggagabi na, ay hindi pa rin umaalis ang bisita.
Lalo na yung lalaki na hindi tinatantanan ang kaldereta at balak atang simutin ang putaheng ito hanggang sa huling sabaw.
Nakakatuwa talaga.
Magandang experience ito para sa akin.
Ibabaon ko talaga ito, dahil may posibilidad na hindi na ito maulit. Yun lang ang nakakalungkot doon.
Pero… Mas pinili ko na lang maging positibo at alam kong pababalikin naman ako ni Aling Milagros next
year. Hehehe…
“Tol, bihis ka na… Sasama ka sa amin sa bayle.”
Holy shit! May sayawan nga pala.
“Oo tol, magbihis ka na… Madaming chika babes doon… hehehe…” “Ito naman si Carlo oh, piyestang-piyesta ang libog-libog…”
“Kuya Joseph, pista nga ngayon eh… kaya pagpiyestahan na natin ang handa… Hehehe…”
Kaagad naman akong nagshower at nagpalit ng maayos na damit. Hindi ko alam kung ano ang dapat sinusuot sa bayle, pero minabuti ko na lang maging safe sa isusuot ko. Bahala na.
Nagmadali akong lumabas ng bahay na aking tinutuluyan at nagpunta sa bahay nina Kat.
“Tara na.” Saad ni Joseph.
“Doon na tayo sa kotse ko.” Saad ko naman sa kanila.
“Tol, maglalakad lang tayo…”
“Oo tol, walking distance lang yon.”
Walking distance.
Sana naman, talagang walking distance iyon.
Habang naglalakad kami ay madaming mga kabataan na tila patungo din sa lugar na aming pupuntahan. Astig sa suot ang iba. Talagang naka-long sleeves pa’t pormang porma.
May nakasabay pa kaming naka-turtle neck. Akalain mo yon?!
Nang makarating kami sa plaza, ay madami nang mga taong nagsasayawan.
Nakakabingi naman ang patugtog at talagang umiindayog ang mga babae’t lalaki sa dancefloor.
Bigay na bigay ang mga ito sa kanta ni Pitbull na “I Know You Want Me (Calle Ocho)”.
Medyo may kainitan ang lugar, at bigla akong nag-alala doon sa taong nakalong sleeves at naka-turtle neck. Baka himatayin sila sa sobrang init at matinding pawis.
“Oh! Naandito na pala si utol eh…” Saad ni Joseph sa akin. Utol?
Sinong utol?
Para akong nabingi at nagka-amnesiya dahil sa sabog na sound system ng sayawan. Paglingon ko sa aking kaliwa ay namataan ko ang isang babae.
Isang babae…
Naglalakad papunta sa aming direksiyon…
Naka-suot ng kulay light yello, at napaka-sexy niyang tignan sa kasuotang ito.
Bagay na bagay sa kanya. Napakakinis ng kanyang binti. Parang biglang tumigil ang paligid ko.
Huminto ang oras.
Huminto ang malakas na sound system. Si Kat?
Si Kat ba iyon? Si Kat nga…
Si Kat nga…
Babaeng babae.
Hindi ko matanggal ang aking paningin sa kanya. Hook na hook ako dre.
“Kanina pa ba kayo nandito?” Tanong niya sa kanyang mga kapatid.
“Oo bunso…” Saad naman ni Joseph.
“Astig ah… Dalaga ka na bunso ah… Hehehe.” Biro naman ni Carlo.
“Tumigil ka diyan Carlo, at baka mag-iba pa isip nitong si Katring.” Sabat naman ni Gelo. Ako?
Tulala. Nganga.
“Hoy Dennis! Okay ka lang?!” Sigaw sa akin ni Carlo.
Parang natanggal ang lahat ng tutuli ko dahil sa ginawa ng adik na ito.
“Ah eh… Oo… Okay naman ako…” Sagot ko sa kanya, pero nakatingin pa rin ako kay Kat.
“Perstaym mo makitang ganyan si Kat ano? Hehehe…” Muling biro ni Carlo. Napakamot na lang ako sa aking ulo at napangiti.
Nakita kong bahagyang namula ang pisngi ni Kat at iniiwas sa akin ang kanyang paningin.
“Isayaw mo na si Bunso. Maghahanap na rin kami ng kapareha namin…” Saad ni Joseph.
Iniwan nila akong tatlo kay Kat.
Awkward, pero laking tuwa’t pasasalamat ko sa aking mga bagong kapatid at kabarkada.
Siyempre, hindi rin mawawala ang awkward silence. Tangina!
Parang gusto ko siyang sunggaban.
Init na init na ako, hindi dahil sa alinsangan ng panahon, at lalong hindi dahil natatanaw ko pa rin yung lalaking naka-turtle neck, kundi dahil sa kaseksihan ni Kat.
Gusto ko siyang sunggaban at lapain. Gusto ko siyang kagat-kagatin. Relax…
Relax, Dennis… Maghunos-dili ka… Inhale… Exhale… Nang biglang…
Pinatugtog ng dj ng sayawan ang kanta ni pareng Bruno Mars.
Masakit para sa akin ang huling pagpapakinig ko ng kanta ni pareng Bruno, pero ang kanta niyang ito at talagang saktong-sakto para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they’re not shinin’
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She’s so beautiful
And I tell her everyday
Yeah
“Gusto mo bang sumayaw?” Nahihiya kong tanong sa kanya.
“Hah? Eh… ikaw… ikaw bahala…” Nahihiya din niyang sagot sa akin. Hindi na ako nagpaawat pa.
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
Alam kong kinakabahan din siya dahil na rin sa panlalamig ng kanyang kamay.
“Relax ka lang… Ako bahala…” Bulong ko sa kanya habang halos magkadikit ang aming mga katawan sa dancefloor.
Ngumiti siya sa akin.
Nakatitig naman ako sa kanya.
“Alam kong mapapahamak nanaman ako… O magagalit ka nanaman as akin… Pero… Gusto ko lang
magsabi ng totoo… Sobrang ganda mo…” Pabulong kong saad sa kanya. “Gusto mo bang mag-away ulit tayo? Bolero…” Sagot niya sa akin. “Hehehe… Hindi kita binobola… Nagsasabi lang po ng totoo…”
“Sige ituloy mo yan… May paglalagyan ka sa akin…” Pabirong saad naman ni Kat.
Alam kong nahihiya pa siya sa akin at sa mga pinagsasabi ko.
Alam ko ring hindi siya sanay na tawaging maganda nang isang lalaki.
Pero kung ako ang lagi niyang makakasama, dapat masanay na siya, dahil hindi ko papalagpasin ang isang araw para iparamdam at ipaalam sa kanya kung gaano siya kaganda at kaespesiyal sa akin.
When I see your face (face, face…) There’s not a thing that I would change
‘Cause you’re amazing (amazing) Just the way you are (are)
And when you smile (smile, smile…)
The whole world stops and stares for a while
‘Cause, girl, you’re amazing (amazing) Just the way you are (are).
Yeah
Ayoko sanang matapos ang gabi.
Ayoko sanang matapos ang kanta ni pareng Bruno.
Pero sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan, may hangganan.
Ngunit hindi ko sinayang ang oras ko na kasama ko si Kat sa sayawan, dahil kahit anong i-Play ng dj na
music eh, pinapatulan naming sayawin. Hehehe…
Sinakop namin nina Kat, Joseph, Gelo at Carlo ang dancefloor. Nagkaroon pa nga ng showdown ang magkakapatid.
Tawang-tawa ako habang nagpupumilit si Carlo na magheadstand, at ayun sumalampak ang likuran niya sa sahig. Sa halip na maawa kami sa kanya, ay talaga namang pinagtawanan na lang namin siya.
Siyempre napasabak din ako sa showdown. Ipinakita ko ang husay ko sa locking at robot dance. Pero tinapatan naman ako ni Gelo ng kanyang nakakatakot na krumping dance.
Puta! Talo pa niya ang XB Gensan dahil sa kahindik-hindik niyang performance. Suma-tutal… talagang nag-enjoy kaming lahat sa sayawan na iyon.
Nakalimutan na rin ni Kat na mailing sa kanyang kasuotan ngayong gabi. Naging confident na rin siya, at
lalong lumabas ang kanyang kaseksihan.
Naka-alalay lang ako sa kanyang bandang likuran at pinagmamasdan ang babaeng nagtransform sa aking harapan.
Talagang bawat araw at gabi ko dito sa probinsya ay memorable para sa akin. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.
~~~
Nang matapos ang sayawan ay naghiwa-hiwalay na kami nina Joseph, Gelo at Carl. Para yatang nakabingwit sila ng chika babes at nag ninja move na agad. Bigla silang nawala at hindi na namin mahagilap ni Kat.
Kahit ganun pa man ang nangyari, ay nagpapasalamat pa rin ako sa tatlong mokong, dahil naiwan
nanaman si Kat sa akin. Hehehe…
Sabay na kaming naglakad papauwi sa bahay nila.
Kaunting kuwentuhan at kahit papaano ay natatanggal na ang mga awkward moments naming dalawa. Nagtatawanan at nagbibiruan na rin kami, lalo na noong pinagtatawanan namin ang nangyaring pagsalampak sa sahig ni Carl, at ang nakakatakot na krumping ni Gelo.
Pero ako…
Sa mukha lang niya ako naka-focus. Patawa-tawa ng kaunti, pero talagang na-Maria Makiling ako sa ganda ni Kat.
Pagdating namin sa kanilang compound, ay nakita naming marami-rami pa ring bisita sila Aling Milagros. Nahihiya daw siyang dumaan sa gitna ng mga ito, kaya naman ay nagpasya siyang sumama sa akin sa bahay para palipasin at hintaying makauwi ang mga bisita nila.
Siyempre, pabor nanaman sa akin iyon dahil medyo matagal-tagal ko pa siyang makakasama.
Patuloy pa rin kami sa kuwentuhan at tawanan. Kung anu-ano na lang ang naiisip kong ikuwento sa kanya para lang malibang ito at hindi niya maramdaman ang pagkailang.
Hindi ko naman maipasok ang susi sa doorknob ng bahay na aking tinutuluyan dahil sa sobrang dilim. Kinuha ni Kat ang kanyang cellphone at itinutok niya ito sa may pintuan upang mabigyan ako ng
kaunting liwanag.
Kaagad ko naman itong nabuksan at nagpasalamat sa kanya.
“Alam mo, sa sobrang inis ko sa associate ko, ayun tinanggal ko sa trabaho… Lintek! Absent ng absent eh…”
“Hehehe… May ganyan din sa team namin… Pero hindi pa naman siya namumuro sa akin, kaya hinahayaan ko pa muna… Pag-umulit siya ng absent, yun na ang final warning ko sa kanya…”
“Kaya nga… Mahirap nga maging boss… Kung lagi mong pagaganahin ang puso at damdamin mo, hindi ka tatagal…”
Dahil sa init na init na ako, ay tinanggal ko ang polo shirt ko at itinira ang puting sando.
“Maupo ka muna diyan… Alam kong nahihirapan ka sa suot mong sapatos… Hehehe…” Saad ko sa kanya.
“Oo nga eh… Sakit na ng paa ko…” Sagot naman niya sa akin, sabay tanggal ng kanyang sapatos.
Hanggang sa…
Naubusan na ako ng ikukuwento sa kanya. Bigla kaming nanahimik dalawa.
Awkward silence. Nagkatinginan kaming dalawa.
Nakatayo siya malapit sa may pintuan, habang ako naman ay nakaharap sa kanya.
Kinakabahan ako, at alam kong ganun din siya.
Nanunuyot ang lalamunan ko… Ramdam na ramdam ko ang matinding uhaw.
Gusto kong mag-isip ng sasabihin. Gusto kong mag-isip ng ikukuwento. Pero wala akong mahagilap sa utak ko, maging sa dulo ng aking dila.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Alam kong hinihintay niya din ang bawat paghakbang ko. Nakita ko siyang napalunok.
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na talaga kayang tiisin pa ito.
Marahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Sinusubukan ko kung papalag ba siya o hahayaan lang niya ako.
Naramdaman ko ang mabibilis niyang paghinga, at ang bango ng hanging nanggagaling sa kanyang bahagyang nakabukang bibig.
Alam kong kinakabahan siya.
Alam kong natatakot siya sa aking ginagawa.
Hahalikan ko na sana siya, pero kaagad akong napayuko. Iniisip ko na baka nababastos ko na ba siya o naha-harass ko na ang babeng nasa aking harapan.
Napakagandang babae.
“Sorry…” Mahina kong bulong sa kanya.
Akamang iiwas at ibabaling ko na sana ang aking ulo sa gawing kaliwa upang siya ay talikuran, ay bigla niyang hinapit, gamit ang kanyang kaliwang kamay, ang aking batok papalapit sa kanyang mukha.
Hindi na ako nakapuwesto ng maayos dahil sa pagkabigla. Dumampi ang labi ko sa kanyang labi.
Sandaling nagkadikit.
Gusto niya… Gusto niya pala… Mali ako…
Gusto niya rin pala ako…
Kaagad kong sinunggaban ng halik ang kanyang malambot na labi at napasandal siya sa may pintuan ng bahay, na tuluyan namang nagsara at tinakpan ang kababalaghang aming ginagawa ni Kat.
Interviewer: So… How was it? You seemed very happy? How was your experience? How was your trip?
Dennis Mercado: Yeah… I am very happy and contented. Sa tingin ko, ito na yung pinaka perfect na summer vacation ko. Worth it ang pagfile ko ng VL (Vacation Leave). Hehehe… Sobrang naenjoy ko yung trip ko going there, sa Tuguegarao, Cagayan. I enjoyed the food. Siyempre, malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Kat dahil tinanggap nila ako hindi bilang bisita, kundi bilang kabahagi ng pamilya nila. At home na at home talaga ako sa kanila. Wala na akong ibang mahihiling pa. I just have the best part of my life. Memorable experiences.
Interviewer: Nice… We are very happy for you…
Dennis Mercado: Thank you!
Interviewer: Speaking of Kat… Hehehe… Napapansin din namin na iba ang ngiti mo… Can you
elaborate on that? May gusto ka bang ibahagi sa amin?
Dennis Mercado: Hehehe… Chismoso ka ha… Well, kidding aside, Yes. Kat is the reason of my happiness right now… That’s all I can say…
Interviewer: Yun lang? Ang tipid naman ng sagot… Hehehe… Come on, Dennis! Give us some more… Give us the details of… you know… Hehehe…
Dennis Mercado: I don’t kiss and tell… I am a changed man… Hehehe…
Inerviewer: That’s bullsh*T! Hehehe… We all know that’s bullsh*T! Come on! Alam kong inaabangan ng marami yung tungkol diyan…
Dennis Mercado: Okay… Let me tell you this… that night, is one of the most unforgettable moments in my life…
Interviewer: …and then?
Dennis Mercado: and it is the most animalistic sex that I have ever experienced… Hehehe…
Let me in
to see you in the morning light
to get me on and all along the tears they come
see all come
I want you to believe in life
but I get the strangest feeling that you’ve gone away
will you find out who you are too late to change? I wish I could be
every little thing you wanted
all the time
I wish I could be
every little thing you wanted all the time
some times
(Every Little Thing by Dishwalla)
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024
- Undo – Episode 10: Ctrl + Home - December 3, 2024