Undo – Episode 10: Ctrl + Home
By ereimondb
Tahimik ang buong paligid. Tanging ang tunog lang ng kanilang orasan ang aking nadidinig… pati pala ang pagtilaok ng manok sa kanilang kapitbahay.
Nakatingin at nakatitig sa akin ang kanilang mga mata. Yung tipong para nila akong lalamunin ng buhay. Umiiwas ako ng tingin dahil para akong tinutusok ng kanilang panlilisik.
Sa bandang kanan ko ay naroroon ang tatay ni Kat. Medyo may katabaan ito, pero bakas sa kanya ang batak sa trabaho. Sumunod naman sa kanya ay ang panganay niyang anak, na si Joseph. Magkasalubong ang kanyang mga kilay, hindi dahil sa galit siya sa akin o ano, ito ay dahil magkadugtong talaga at may kakapalan ang kanyang kilay. Parang nakahilera lang.
Katabi naman niya ang isa pa nilang kapatid na lalaki. Ang dinig ko ang pangalan niya ay Gelo. Hindi ko alam kung bakit andungis-dungis niyang humarap sa akin. Napaisip-isip tuloy ako na may kapatid ba silang taong grasa o ano?? Ewan.
Sumunod naman sa kanila ang bunsong kapatid na lalaki na si Carlo. Huwag siyang ismolin, dahil parang siya ang pinaka-adik sa kanilang lahat. May hikaw sa kaliwang tainga, at maging sa kanang kilay nito. Hindi ko maisip kung bakit pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang isang balisong.
At sa aking gawing kaliwa naman ay naroroon si Aling Milagros, ang nanay nina Kat. Naintindihan ko na ang sinabi niya sa aking basagulero ang kanyang mga anak. Tangina! Ano ba itong napasok ko? Mga gangster ba sila?
Katabi naman ni Aling Milagros si Kat. Pagsama-samahin ninyo ang nanlilisik na tingin ng kanyang mga kapatid, ay ganoon ang suma-tutal ng kanyang galit sa akin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, malamang inuuod na ako ngayon.
Gusto kong maihi sa salawal ko. Gusto kong uminom ng tubig. Kahit ang lumunok eh kinakatakutan kong gawin.
Hanggang sa kumilos papalapit sa akin ang tatay ni Kat sabay hampas sa nakasabit na ilaw sa kanilang hapagkainan.
Magsisimula na ang interogasiyon sa akin ni chief.
“Pangalan?”
“D-d-dennis po…”
“Kumpletong pangalan?! Dennis ano? Dennis Padilla? Dennis Roldan? Dennis the menace?”
“D-d-dennis Mercado…po…” “Ayun, kumpletuhin mo… Edad?” “30… po.”
“Asawa? Anak?”
“Wala po…”
“Walang ano? Asawa o anak?” “Pareho po…
“Girlfriend?”
“W-w-wala po…”
Naningkit ang mata sa akin ng tatay ni Kat. Sabay sabat naman ng pinakbunso sa lupon ng mga barako.
“Ayyy sister ka ba? Hahaha!!!”
“Pssssshhhttt!” Putol ni Aling Milagros, na sa tingin ko ang tanging kakampi ko lang sa bahay na iyon. Uuwi na ba ako?
Pagwala kang anak, asawa o girlfriend sa edad na 30, bakla ka na kaagad? Hindi ba puwedeng minalas ka lang talaga sa pag-ibig?
“Hindi po… Hindi po…”
“Kung gusto mong tumagal dito sa bahay… Dapat sumunod ka sa mga alituntunin ng pamamahay na
ito…” Saad ng tatay ni Kat.
Parang gusto ko nang sumuka sa sobrang kaba.
“Honey, hindi naman siya dito sa bahay natin matutulog. Doon siya sa pinapa-renta nating raw house.
Bakante naman yun, kaya puwede ka dun iho…” “Salamat po… Salamat po…”
“Sabi ko nga…” Bawing saad ng tatay ni Kat. “Pero! Pagmamay-ari din ng pamilya namin iyon kaya
saklaw pa rin ito ng batas na sinasabi ko.” Mukhang nakahanap kaagad ito ng lusot. May butas ang batas.
“Opo… Sige po… Susunod po ako…”
Batas?
Under martial law pa ba ang compound na ito?
“Unang-una… Bawal dito ang lalamya-lamya… Bawal ang babakla-bakla… at higit sa lahat, bawal dito ang papatay-patay at tatamad-tamad! Kung gusto mong maging bahagi ng pamilyang, kailangan mong sumunod sa batas na ito. Naiintindihan mo ba?!”
“Opo… Opo… Sige po…”
“Pangalawa… bawal mong lapitan si Kat na walang ibang miyembro ng pamilya sa tabi niya…” “Po?”
“Uulitin ko?”
“Hindi po… Ah eh… opo… sige po…”
“Uulitin ko… Pangalawa… bawal mong lapitan si Kat na walang ibang miyembro ng pamilya sa tabi
niya…”
“Opo… Opo… sige po…”
Anlabo nun pre…
Bakit ba may batas na ganun sa bahay nila?
“Ano ka ba naman honey? Kaopisina niya si Katring… Malamang mag-uusap yang dalawang iyan…” “Honey, sisiguraduhin ko namang nasa tabi ako ng prinsesa natin eh… Hindi ba Katring?”
“Yes tatay! Aprub ako diyan sa batas mong yan!”
Langhiya, nag-apir pa ang mag-ama.
“Pangatlo!”
“Tama na yan honey! Tinatakot mo na ang bisita natin ano ka ba?!” “Last na ito honey… Pangatlo! At ang pinaka-importante sa lahat…” Ano pa ba ang pinaka-importanteng batas nila?
Para akong nabagansya nito.
“Ang pinaka-importante sa lahat… Ay… dapat uuwi ka ng Maynila at sasabihin mong the best ang pamilya namin… Hehehe…”
“Ho?”
“Siyempre naman… Kami ang the best talaga dito sa barrio… Walang katulad… Hehehe…” Sagot ng taong-grasa, este ni Gelo pala.
Nakita kong biglang nag-iba ang kanilang mga mukha, at marunong din pala silang ngumiti. Pinagtripan lang pala nila ako. Langhiya, muntik na talaga akong maihi sa salawal.
“Mag-enjoy ka dito iho… At kailangan mong matikman kung gaano kasarap ang buhay sa probinsya.”
Saad ng tatay ni Kat. Biglang nag-iba rin ang tono ng kanyang boses.
“Opo… Mukhang mag-eenjoy nga po ako dito… Ngayon pa lang eh nag-enjoy na ako.”
“Pero tol… yung una’t pangalawang batas, kailangan mong sundin kundi… cracccckkk! Patay ka.” Saad ng mukhang adik na si Carlo, sabay lagay ng kanyang hintuturo sa leeg at tila ipinakita niya sa akin kung papaano nila lalaslasin ang leeg ko.
“Oo tol…”
“Carlo… Tama na yan… Huwag niyo nang takutin si Dennis.” Saad ni Aling Milagros. Wooh!
Nakahinga din ako ng maayos. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin dito sa probinsya. Inihanda
ko pa naman ang sarili ko na magrelax at mag-enjoy habang naka-bakasyon. Wala sanang stress.
Walang tickets at requests.
Walang pasaway na mga associates. Walang irate na calls at emails.
Wala rin si kupal Arnold.
Ito na nga talaga ang ideal na bakasyon para sa akin.
“Sandali lang iho, at ipaghahanda kita ng makakain…” Saad at ngiti sa akin ni Aling Milagros. Tumango na lang ako at siyempre, hindi ako tatanggi sa kainan.
Maya-maya ay napatingin ako kay Kat. Sa kanilang lahat, siya lang ang na-stuck sa ganoong mukha. Galit
na galit pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung na-stroke na ba siya, o nahipan ng hangin.
“Hi Kat…” Pang-inis na bati ko sa kanya.
Nginitian ko pa siya. Siyempre lagi kong may baong killer smile.
Ibinuka ni Kat ang kanyang bibig at pabulong nitong sinabi sa akin… “EPAL!”
Mabuti na lamang at busy ang lahat sa paghahanda ng aming kakainin. Kundi ay malalaman nilang may tensiyon sa pagitan naming dalawa.
Napalunok na lamang ako at umayos sa aking pagkakaupo. Samantalang si Kat naman ay pumuwesto sa bandang dulo ng dinning table. Sinigurado niyang malayo siya sa akin.
Nagulat naman ako sa mga inihain nilang mga putahe. Napakabigat para sa isang breakfast meal.
At napakalayo sa putang inang oatmeal na kinakain ko tuwing umaga. “Naku… andami at mukhang masasarap lahat ito tita ah… Hehehe…” “Siyempre, masarap iyan lahat… Luto ko yan eh…” Sagot ng tatay ni Kat.
“Ahh kayo po pala nagluto… Itsura pa nga lang ng pagkain, busog na po ako sa sobrang sarap… Hehehe…”
“Tangina mong bata ka! Lakas mo ring mambola! Hahaha…” Banat ng tatay ni Kat.
“Honey, bibig mo! Baka ipalit ko yan sa sisig, sige ka.” Saad ni Aling Milagros.
Gusto ko sanang matawa, pero natatakot akong kumibo. Baka ipitin niya leeg ko sa biceps niya. “Sorry honey, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pambobola nitong si Dennis eh…” “Oh sige na nga… Kain na tayo… Kain ka ng marami Dennis…”
“Sige po, tita…”
“Nanay na lang Dennis…”
“Ho?” Gulat na tanong ko. Hindi rin kasi ako sanay sa ganun. At muling kumabog ang dibdib ko dahil nakatingin silang lahat sa akin. “Sige po, nanay…” ang tanging naisagot ko sa kanya.
“Ayun naman pala eh…”
“Mabilis din palang pumick-up ito eh… Hehehe”
Nagulat ako sa naging reaksiyon nila nang tawagin ko ring nanay si Aling Milagros. Weird yung pakiramdam, at the same time, eh natutuwa din ako dahil ramdam ko ang pagwelcome nila sa akin.
Maliban na lang nang mapatingin ako kay Kat, at muling pabulong na ibinigkas ang “EPAL!”
Napailing na lang ako, at hindi nagpahalata.
Yumuko ako at nagsign of the cross. Pumikit at nanalangin sa pagkaing nakahain sa aking harapan.
Nang biglang…
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakatingin silang lahat sa akin, at akmang pasubo na ng kanin ang tatay ni Kat nang ito ay matigilan.
“Ayan kasi… Hindi kayo nagdadasal bago kumain… Mabuti pa itong si Dennis… Tsk Tsk!” Sabat ni Aling
Milagros.
“Pasensiya ka na iho… Kanya-kanya kasi kami ng dasal… Nagdadasal din naman kami…” Saad ng tatay ni
Kat.
“Pasensiya na rin po kayo, nakaugalian ko na po kasi yon…” Sagot ko naman sa kanila. Napangiti sa akin si Aling Milagros.
“Maayos ka talagang napalaki ng mga magulang mo… Alam kong proud na proud sila sa iyo…” Saad ng nanay ni Kat.
Hindi ko naman alam kung papaano tatanggapin ang papuri na iyon. First time akong napuri dahil sa pagdadasal bago kumain, na ipinilit lang sa akin ni mommy hanggang sa nakagawian ko na.
Ngumiti na lang ako sa kanila. Para akong tinubuan ng pakpak at halo sa ulo dahil sa sobrang kabanalan. Maya-maya ay napatingin nanaman ako kay Kat. Alam kong iba ang pagkakakilala niya sa akin. Alam
kong para sa kanya ay isa akong demonyo. Halos matanggal na ang eyeball niya sa kaiirap sa akin mula
pa kaninang pagdating ko.
Pero wala talaga akong binatbat kay Kat. Dahil alam niya ang karakas ko.
Dahil alam niya ang tunay kong pagkatao. Ahas.
Mang-aagaw. Manloloko. Hayup.
“Oo nga pala… Naikuwento ni misis sa akin na, namatay na raw mga magulang mo? Pasensiya sa
tanong ko ha… Pero talagang naantig ang damdamin ni misis sa kuwento mo eh… Totoo ba iyon?”
Pagusisa ng tatay ni Kat.
“Opo… Nauna po si Daddy, dahil sa liver cancer, tapos si Mommy naman, dahil sa breast cancer.”
Inabot ni Aling Milagros ang aking kamay at parang mangiyak-ngiyak pa siya.
“Kaya nga humanga ako sa katatagan nitong si Dennis… At take note, only child pa siya… Wala na siyang ibang kasama sa buhay… Sinabi pa niya na gusto niyang maranasan yung kakulitan ng isang malaki at buong pamilya. Kaya naman kinuha ko itong pagkakataon para ibahagi sa kanya yung kaligayahan na mayroon tayo…” Paliwanag ni Aling Milagros.
“Salamat po aling… este… nanay…”
“Mabuti naman napapayag kang dayuhin kami dito sa Cagayan?” Muling tanong ng tatay ni Kat.
“Oo naman po. Sobra po kasing stressful sa trabaho, kaya humingi ako ng time-off… Tsaka, matagal ko na rin pong binalak na magpunta sa ibang lugar, tulad dito sa Tuguegarao… First time ko po talaga dito…”
“Okay dito tol, huwag kang mag-aalala dahil mag-eenjoy ka talaga sa piyesta. Lalo na’t hermana-mayor
si nanay sa darating na kapistahan. Hehehe…” Saad naman ni Joseph.
“Ahh ganun po ba? Astig po pala kayo dito Aling… este… nanay…”
“Sabi ko nga sa iyo, the best ang pamilyang ito… Kaya dapat yan ang isaksak mo diyan sa isipan mo…
the best ang pamilyang pinuntahan mo… Hahaha…” Buong pagmamalaki ng tatay ni Kat. Napatawa naman ako. Takot ko lang kung hindi ako natawa sa sinabi niya.
“Paano pala kayo nagkakilala ng anak ko? Kaopisina mo siya di ba?” Muling tanong ng tatay ni Kat.
“Ahh opo… sa katunayan po niyan eh, sabay po kaming natanggap sa kumpanya… magkasabay po kami sa orientation noon… pero siyempre, iba po yung department na napuntahan niya sa department kung nasaan ako ngayon…” Sagot ko naman.
Siyempre, naka-kunot ang noo ni Kat sa akin.
“Ahhh ganun ba?”
“Ano pala trabaho mo tol?” Tanong naman ni Gelo.
“Supervisor ako tol sa IT Department.” Sagot ko naman
“Ahh… Para kang si Carlo. Tol, parehas pala kayong bisor nito eh. Hehehe…”
Bigla akong nagtaka kung paano naging Supervisor si Carlo. Naging judgmental lang ba ako, o sadyang may kakaiba sa kanya at hindi lang mukhang adik?
Tumango lang sa akin ang bunso sa magkakapatid na lalaki at tatawa-tawa.
“Ako kasi pare, manager eh. Kakapromote lang. Di ba kuya Joseph?” Saad ni Gelo sa akin.
Huh? Manager? Ayos pala itong pamilya na ito eh. Hindi lang halata pero may mga katungkulan na pala sa kumpanya.
Napangiti na lang ako bilang sagot sa kanya.
“Hindi ka yata naniniwala tol eh… Hindi ka ba e-libs sa akin?” Muling tanong ni Gelo.
“Maniwala ka Dennis, kapopromote lang niyan bilang manager.” Pagpapatunay naman ng panganay na si Joseph.
“Ahh… naniniwala naman ako…” Sagot ko sa kanila.
“Hehehe… Eh papaano naman maniniwala sa iyo itong si Dennis eh punong-puno ng grasa yang kamay
mo, pati yang damit mo puro mantsa?!”
“Eh tatay, ano magagawa ko, trabaho ko ito eh. Tsaka wala yung isang mekaniko ko, kaya bilang
manager, sasaluhin ko yung trabaho nila. Alangan namang iwanan kong nakatiwang-wang yung talyer.”
Napakunot-noo ako sa pag-uusap nilang mag-ama. Pilit kong inuunawa ang mga palitan nila ng diskusyon.
“Manager kasi ng talyer iyang si Gelo. Kapopromote lang sa kanya nitong si Joseph, dahil siya na ang papalit sa naiwan niyang posisyon.” Saad ng tatay nila.
Ahhh… Yun pala yon?! Manager ng talyer.
“Oo tol, kasi ako na magmamanage ng carwash namin. Ako na manager nitong carwash, tapos si Carlo, supervisor na ng talyer, tulad mo, bisor na rin yan.” Paliwanag ni Joseph sa akin.
“Oh di ba? Magka-lebel lang tayo Dennis. Supervisor ka, supervisor din ako. Hehehe…” Sabat naman ng bunso na si Carlo na mukhang adik na ewan.
Gusto ko sanang matawa, pero siyempre pinigilan ko sarili ko dahil nakakabastos iyon. Marangal naman ang trabaho nila, kaya hindi ko naman dapat pagtawanan.
“Hayaan mo, mamaya, pagkatapos natin kumain, ipapasyal ka namin at ipapakita ang family business
namin.” Saad ng tatay nila Kat.
“Sige po, okay po sa akin iyon…” Sagot ko naman.
Bibong-bibo ako sumagot sa kanila… siyempre, takot ko lang kung hindi.
“Kumain ka lang ng marami diyan Dennis, magpaka-busog ka.” Alok naman ni Aling Milagros, sabay abot ng kanin.
Okay…
Mukhang magiging okay nga ako dito sa lugar nila.
Isa ito sa mga bagay na hindi ko naranasan mula pagkabata, at napakasuwerte kong maimbitahan sa
isang “once in a lifetime chance” para ma-experience ang ganitong uri ng pamilya.
~~~
Pagkatapos kumain, ay pinapunta na nila ako sa may bandang sala, at hindi nila ako pinakilos na magligpit ng pinag-kainan. Sila na lang daw muna ang bahala, at alam daw nilang pagod ako sa napakahabang-biyahe.
Sumunod na lang ako sa kanila, at dumiretso sa may sala. Napansin ko kaagad ang mga litrato ng kanilang pamilya na nakasabit sa pader. Mga graduation pictures.
Kahanga-hanga, dahil lahat pala sila ay nakapagtapos.
Si Joseph, si Angelo at si Carlo ay pare-parehong tapos sa kolehiyo. Hindi nga halata sa kanila, pero talagang nagawa nilang maitawid ang kanilang pag-aaral kahit mukha silang barumbado.
Sa bandang kanan naman, ay naandoon ang graduation picture ni Kat. Babaeng-babae ang dating niya dito.
Talagang maganda pala siya kahit noon pa. Ngayon kasi ay maiksi na ang buhok niya at nakasalamin. Samantalang noon ay mahaba pala ang buhok niya at babaeng-babae kung manamit.
Nakakatuwa din ang family picture nila. Parang sa isang pang-mayaman na hacienda, pormadong-
pormado ang lahat at nakaayos, may kasama pang aso sa tabi ni Carlo. Astig!
Makaluma, pero elegante.
Maya-maya ay may naramdaman akong humampas sa may braso ko.
“Aray!”
“Ano bang ginagawa mo dito? Nang-iinis ka ba talaga ha?”
“Hah? Inimbitahan ako ng nanay mo. Ano namang karapatan kong tumanggi eh alam ko namang mag-
eenjoy ako.”
“Eh paano ako? Gusto ko rin mag-enjoy, kaso naandito ka’t binubuwiset ako!”
“Chill ka lang… Lumalabas na ugat mo sa sobrang inis sa akin eh… Enjoy-enjoy lang tayo…” “Gago ka talaga… Umalis ka na nga!”
“Paano ako aalis? Tsaka kakarating ko nga lang eh… Biro mo yung halos siyam na oras na biyahe
papunta dito?”
“Yun na nga eh… Nagpakalayu-layo na nga ako, at talaga namang nag-effort ka pang magpunta dito.
Sino ba namang hindi mabubuwiset hindi ba?!”
“Bakit, hindi ka ba kinilig at na-touch at ineffortan kita ng ganito? Hehehe…”
Sarap asarin itong si Kat. Hindi ko alam pero natutuwa ako pagnakikita ko siyang banas sa akin. Lalo siyang gumaganda sinusupladahan ako.
Gusto pa sana niya akong hampasin ulit, pero napigilan niya sarili niya dahil paparating ang kanyang tatay sa aming kinatatayuan.
“Oh anak, sasama ka ba sa amin sa talyer?” “Ho?! Opo tatay, siyempre naman po.”
“Good. Tara na Dennis, nauna na doon si Joseph at saktong-sakto dahil marami tayong kostomer. Tara
na…”
Woooh!
Saved by the bell.
Mabuti na lang at hindi na niya ako nahampas ulit. Volleyball player siguro itong si Kat?! Lakas kasi mag- spike!
Tahimik na lang akong sumama sa kanila papunta sa talyer. Mukhang walking distance lang naman ata ang kinalalagyan ng family business nila.
Maya-maya, ay may nasalubong kaming kalesa. Astig! Sa totoong buhay, panagalawang beses pa lang ako nakakita ng kalesa. Mayroon pa palang ganito dito?
Kinausap ng kutsero ang tatay ni Kat at sinenyasan kami na sumakay na sa kalesa. Kumapre niya pala ang may-ari nito at ililibre na niya kami papunta sa talyer.
Woah!
Para akong tanga dahil ngayon lang talaga ako makakasakay sa kalesa. Noon kasi ay dinaanan lang namin sa may Tiendesitas. Hindi ko akalain na may mode of transportation pa palang ganito dito sa Tuguegarao.
“Perstaym mo ba boy?” Tanong sa akin ni Carlo.
“Oo tol… First time… Hehehe…”
“Good! Mabuti naman at dito mo na-experience ang pagsakay sa kalesa.” “Astig nga po eh… At talagang lumalaban din sila sa mga tricycle…”
“Oo. Ganito talaga dito. Hindi pa rin nila tinatanggal ang kalesa sa kalsada.”
Para akong bumalik sa pagkabata.
Para akong napasakay sa isang rollercoaster. Para akong nabigyan ng bagong laruan.
Ganoon ako kasaya sa unang pagkakataon kong makasakay sa kalesa.
Alam kong pinagtatawanan ako ni Kat, pero hindi na bale, gustong-gusto ko itong pakiramdam na naranasan ko ngayon. May bago akong adventure at natutunan.
Nagkamali ako.
Hindi pala walking distance ang talyer. Malayo-layo pala ito sa kanilang bahay. Pero nabigla din ako dahil napakalaki ng talyer nina Kat.
“Wow! Hindi ko po inasahan na ganito kalaki talyer ninyo.” Saad ko.
“Ganun ba?! Matagal-tagal na rin kasi ito sa amin. Sa totoo lang, pamana ito ng tatay ni Milagros.”
Saad naman ng tatay nina Kat.
“Pinamana ito sa akin, at pinalago naman ng asawa ko… Di ba honey? Hihihi…”
“Pagkatapos kong mag-abroad ng ilang taon, eh minabuti ko na lang na magretire at patakbuhin itong talyer. Madami namang nagpapagawa sa amin. At siyempre, mahusay ang mga mekaniko namin, kaya naman nakatulong iyon para dumami pa ang customer.”
“Ayos nga po… Parang organized na organized itong talyer ninyo.”
“Oo, kanya-kanya kasi sila ng toka. Si Joseph, dati siya ang namamahala ng mga sasakyan na SUV. May mga mekaniko siya para ayusin yung mga sira nun. Tapos, itong si Angelo naman, siya ang namamahala ng mga Sedan. May sarili din siyang tauhan para mag-ayos ng sira. At siyempre, pagdating sa mga sira ng motor, itong si Carlo naman ang bida. Pati tricycle, siya na rin ang namahala.”
“Siyempre tay, mas madami ngayon ang tricycle eh, kailangan nating palawigin ang business… Hehehe…”
Ayos pala itong si Carlo.
Kahit mukhang loko-loko, eh talagang masipag at may sariling business strategy.
Tama nga ang kasabihang “Don’t judge a book by its cover.”
“Pero po… Nakapagtapos naman po sila Joseph, Gelo at Carlo, di po ba?”
“Alam mo, ayokong kontrolin ang buhay nila. Kung saan sila masaya, kung saan sila dalhin ng
kapalaran, basta ba’t hindi nila ikakasama, eh susuportahan naming mag-asawa iyong kagustuhan nila. Itong si Joseph, Computer Science ang natapos niyan. Nasubukan din niyang makapagtrabaho sa Maynila, pero hindi niya talaga natagalan eh. Sabi niya mas gusto niya maging boss ng talyer kaysa sa sigaw-sigawan ng boss nilang bumbay. Kaya ayun, umuwi ng probinsya at nagconcentrate dito sa talyer. Heto namang si Gelo, eh graduate naman ng Management. Okay din naman dahil nagagamit niya ang napag-aralan niya sa business namin. At itong si Carlo naman, Statistics ang natapos. Magaling sa math yan… Pero mas pinili niyang madungisan ng grasa kaysa sa maupo at magtrabaho sa isang kumpanya.”
“Woah! Ayos po pala eh… Talagang gusto nilang magtrabaho dito sa talyer.”
Biro mo iyon? Graduate pala ng Statistics itong si Carlo.
Pero nakakatuwa dahil talagang nagtutulong-tulong sila na palaguin ang family business. May kanya- kanya silang expertise at nagagamit nila ito ng mahusay ngayon sa kanilang trabaho.
“Mabuti po si Kat, eh hindi nahilig sa talyer? Hehehe… Joke lang…” Banat ko.
Lalo namang sumama ang mukha sa akin ni Kat, at kulang na lang ay abutin niya ang wrench na nakatiwangwang sa sahig at ibato sa akin.
“Eh mabuti kamo napakiusapan namin na huwag nang tumambay dito sa talyer. Mukha ngang gusto rin niya dito, pero sabi ko sa kanya, eh mag-iba na lang siya ng linya. Kaya hayan, at siya lang ang nasa Maynila. Parang kinakain ko nga lahat ng sinabi ko noon, dahil nagsisi ako sa nangyari sa kanya eh…” Saad ng tatay niya.
Halatang protektado talaga nila si Kat, lalo na sa mga tarantadong katulad ko.
Napatahimik nanaman ako dahil naibalik ang usaping kinasasangkutan ko. Hindi ko mapigilang huwag malungkot sa tuwing naiisip ko ang ginawa kong kasalanan kay Kat.
Pero…
Natatabunan iyon ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Kahit papaano ay nakakaahon din ako sa pagkalugmok dahil na rin sa mga nakikita kong bago at ang nararanasan kong tuwa dahil sa pakikipag- bonding sa pamilya ni Kat.
Masaya ako dahil tinatanggap nila ako na parang miyembro ng kanilang pamilya. Masaya ako dahil kahit papaano ay nararanasan ko ang ganitong klase ng pamumuhay. Payak.
Simple.
Ngunit puno ng puso.
Puno ng pagmamahalan sa isang pamilya.
Hindi naman ako nagrereklamo kung bakit hindi ako nagkaroon ng kapatid. Kung bakit hindi gumawa sina mommy at daddy ng makakalaro ko sa bahay namin. Dahil alam ko rin na may dahilan ang lahat. Baka may personal na dahilan ang aking mga magulang kung bakit nagkaganoon. O baka dahil na rin sa iniindang sakit ni daddy noon, kaya hindi na rin siya nagsipag na gumawa pa ng bata.
Suwerte na rin naman ako dahil lahat ng luho ay naibigay nila sa akin. Hindi sila nagkulang, lahat ibinigay nila sa akin.
Yun nga lang, siyempre bilang isang tao, hindi rin ako nakukuntento na maging ganoon na lang.
Sana…
Sana lang naman, na nagkaroon din ako ng kapatid. Nagkaroon ng kakampi sa tuwing inaaway kami ng aming kalaro. Nagkaroon sana ako ng uutusang kumuha ng malamig na tubig. Nagkaroon sana ako ng kasama sa tuwing naglalaro ako ng family com, o kaya ng Sega. Nagkaroon sana ako ng kahabulan sa loob ng bahay namin, at hindi lang ako ang nakakabasag ng paso o mamahaling vase ni mommy noon.
Sana lang naman… nangangarap lang din.
Pero mommy, daddy, wala akong reklamo sa buhay na pinadanas ninyo sa akin mula pagkabata.
Huwag niyo po sana akong multohin…
~~~
Mga bandang hapon, ay inihatid na ako nina Aling Milagros sa tutuluyan kong raw house. Sila din ang may-ari nito, at pinapaupahan nila ito sa ibang tao. Pero siyempre, nilibre na rin nila ang pagtira ko doon ng tatlong araw hanggang sa piyesta.
May kalakihan din ang bahay at sakto lang ito para sa dalawa hanggang tatlong tao. Dalawa ang kuwarto sa itaas at dalawa din ang banyo.
Siyempre doon ako sa kuwarto na may banyo para hindi na ako mag-akyat panaog pa kung maiihi ako o maliligo.
Ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa napakahabang oras na biyahe.
Laki na lang ang pasasalamat ko dahil hindi ako nawala. Sobrang laki din ng tulong na naibigay sa akin ng google maps.
Halos gusto ko nang ibagsak ang katawan ko sa kama, pero mas minabuti kong maligo na lang muna para mawala ang amoy usok at asim dahil sa pawis.
Tsaka siyempre, ayaw ko namang humarap sa kanila sa hapunan ng hindi mabango at presentable. Tinanggal ko na ang lahat ng saplot ko sa aking katawan.
Pumasoka ko sa banyo at tiniyak na maayos ang daloy ng tubig at chineck ko rin kung gumagana yung
shower. Jackpot!
Ayos naman ang lahat, at kahit papaano ay makakapag-relax ako ng fresh na fresh mamaya.
Hinayaan ko lang na pumapatak ang tubig mula sa shower at lumabas ako sandali sa banyo upang ihanda ang damit na gagamitin ko pagkatapos maligo.
Dahil may kainitan dito, ay nagpasya akong sando na lamang ang isuot at shorts. Presentable na ito para
sa akin, at kahit papaano’y komportable na rin.
Kaya nang matapos kong ihanda ang aking damit ay pumasok ulit ako sa banyo at saka itinapat ang aking katawan sa shower.
Sarap!
Wala na talagang tatalo pa sa pakiramdam ko ngayong araw na ito. Bakasyon na bakasyon.
Wala akong iniisip na stress. Makakapagpahinga ako ng maayos. Makakakain ng marami. Makakaligo ng
matagal-tagal. At siyempre pa, mag-eenjoy at excited na ako sa pagdiriwang nila ng piyesta sa Biyernes.
Hinarap ko ang dutsa ng shower at hinayaan kong bumuhos ang malamig na tubig sa aking mukha. Kung pupuwede lang magbabad ako dito ng ilang oras ay gagawin ko. Sarap na sarap ako sa aking pagligo.
Maya-maya ay may nadinig akong kumakaluskos at mga yabag. Napalingon ako sa may pintuan ng banyo at pinatay ang shower.
Dahan-dahan akong naglakad sa may pinto habang tumutulo pa ang tubig mula sa aking katawan.
Pinapakinggan ko kung may tao nga kayang nakapasok sa tinutuluyan kong bahay?
Tahimik kong inikot ang doorknob at marahang binuksan ang pinto. Inilabas ko ang aking ulo upang tignan at silipin kung sino ang taong naroroon.
Laking gulat ko…
Nang tumambad sa akin si Kat. Nakaupo siya sa dulo ng aking kama.
“Kat?! Paano ka nakapasok? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Nanginginig ako dahil sa
magkahalong kaba at lamig dahil sa basa ang aking katawan.
“Nakapasok ako dahil hindi mo nilock ang main door. At naandito ako, dahil pagmamay-ari namin itong
bahay… Eh ikaw? Bakit naandito ka pa? Hindi ba sinabi ko sayo na umalis ka na?! Umalis ka na!”
Natawa na lamang ako kay Kat dahil talagang nag-eeffort siya na sabihan ako’t paalisin.
Eh loko-loko din ako. Siyempre, hindi ako papatalo sa kanya, lalo pa’t enjoy na enjoy na ako dito.
“Aalis lang ako dito kung papaalisin ako ng nanay mo… Hehehe…” Sagot ko sa kanya.
“Ang kapal din ng mukha mo eh no? Hindi ko rin maintindihan kung papaano mo na-brainwash si
nanay…”
“Hmmm… Sabi kasi niya… Mabait daw akong bata… Hehehe… Plus na rin siguro dahil sa kapogian ko. Hehehe…”
“Pogi?! Yan? Yang mukhang iyan pogi?! Saan banda?!”
“Nagdedeny ka pa… Eh alam mo naman na pogi ako… Dami kayang nagkakagusto sa akin sa office…”
Saad ko. Ooops!
Awkward silence.
Naalala kong pinapatulan ko lahat ng babaeng nagkakagusto sa akin sa office. At isa na dun si Martha, na naging karelasyon niya.
Tumahimik kaming dalawa, maging siya ay napayuko at parang may naalala rin.
“Lumabas ka na ng bahay Kat, baka kung anong isipin ng tatay at nanay mo… Ayokong suwayin ang
Rule number two ng tatay mo…”
“Kapal naman ng mukha mo na palabasin ako sa pamamahay namin… Naandito ako, para siguraduhing
pagkatapos mong maligo, eh aalis ka na…”
“Night trip? Hindi ko kayang mag night trip… Hirap kaya ako sa dilim lalo na hindi ko kabisado ang daan…”
“Eh di okay… Mas maganda nga yung mawala ka na ng tuluyan…” Seryosong saad niya sa akin.
Ang sama…
Tsk tsk tsk
Sasagutin ko sana ang sinabi niya sa akin, nang madinig naming dalawa ang boses ni Aling Milagros at ng kanyang tatay na kumakatok sa pinto.
Nanlaki ang mga mata namin. Tangina!
Sabi ko na nga ba dapat umalis na siya at hindi na nagmatigas eh! Shit!
Ang masama pa doon, hindi niya nilock ang pinto sa ibaba.
Patay na!
Napatayo siya at palinga-linga kung saan siya magtatago.
Nag-iisip kaming dalawa kung saan niya puwedeng isiksik ang kanyang katawan para pagtaguan ang kanyang magulang.
Pero wala siya puwedeng puntahan. Sobrang baba ng kama at walang puwang para sa isang tao para magtago sa ibaba. Wala ring upuan na puwede niyang pagtaguan. Pupunta sana siya sa may likuran ng pinto, pero nakita niyang papaakyat na sina Aling Milagros.
Shit!
Nilalamig ako kanina, ngayon naman ay parang tagaktak na ang pawis ko habang nakalabas ang ulo ko mula sa banyo.
Anong gagawin namin?
Bakas sa mga mata niya na para siyang humihingi ng tulong kung ano ba ang kanyang dapat gawin.
“Dennis?! Dennis?! Tumuloy na kami, bukas kasi ang pintuan mo sa ibaba… May dala kaming kumot at unan dito para sa iyo…” Sigaw na saad ni Aling Milagros. Umaalingaw-ngaw ang boses niya habang papalapit ito ng papalapit sa kuwarto ko.
Nanginginig si Kat. Di niya alam kung ano ang gagawin at natatakot din siyang mahuli ng kanyang tatay sa kuwarto ko.
Hanggang sa…
Tinulak niya ang pintuan ng banyo at nagpumilit na pumasok sa loob.
“Teka…teka… anong ginagawa mo?” Bulong ko sa kanya.
“Wala na akong choice… Tumabi ka diyan…” Saad ni Kat hanggang sa nakapasok na siya sa loob. Siya na mismo ang nagsara ng pintuan ng banyo at pumunta sa pinakadulong parte nito.
Ako naman ay nakatanga lang sa kanyang pabigla-biglang desisyon. Nalimutan ko na nakahubad pala
ako at naputol lang sa aking pagligo.
Nakita ko ang kanyang mga mata na tinitignan ako mula ulo hanggang… hanggang…
Tangina!
Nakalawit pala pitoytoy ko. Nakatambad sa kanya, at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ito.
“Sh*T!” Napamura na lang ako sabay takip sa aking pinagmamalaking sandata.
Tumalikod bigla si Kat. Nakita kong mabilis na namula ang kanyang mukha. Halatang-halata iyon dahil sa may kaputian ang kanyang balat.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasiwa… Bahala na…
“Dennis? Naandiyan ka ba sa banyo?” Tanong ni Aling Milagros sabay katok sa pintuan ng CR.
“Ho?! Ah Eh?! Opo… Naliligo po ako…”
“Okay sige, hinatiran ka namin ng kumot at unan… Pasensya ka na, pumasok na kami sa loob, nakabukas kasi yung main door… Ilolock na lang namin yun paglabas namin dito ha…” Muling saad ni Aling Milagros.
“Sige po aling… ayyy… nanay… Salamat po!”
“Pumunta ka na lang maya-maya sa bahay para makapaghapunan na tayo…” Sigaw naman ng tatay ni
Kat.
Parang dagundong ng kulog na may kasamany kidlat ang kanyang boses. Hindi ko alam pero parang takot na takot ako sa tatay ni Kat.
“O-o-opo… S-s-salamat…po…” Saad ko.
“Sige labas na kami…” Dagdag ni Aling Milagros. “Okay po… Salamat po ulit…” Sagot ko naman. Wooohhhh!!!
Ibang klaseng pakiramdam. Pinagpawisan singit at kilikili ko doon. Holy sh*T!
Maya-maya ay hinarap ko ulit si Kat at tinignan siya. Nakatalikod pa rin siya sa akin.
“Nakalabas na ata sila…”
“Alam ko… Hindi ako bingi…” Supladang sagot niya sa akin.
Patalikod siyang naglakad papunta sa may pintuan. Umiwas na lang ako sa kanya, dahil baka mapagkamalan niyang doorknob ang burat ko.
Mabilis siyang lumabas ng banyo at tumakbo pababa ng aking kuwarto. Woooohhhh!!!
Tangina!
What an experience?!
Napatawa na lang ako dahil hindi ko akalaing makikita ni Kat ang kahubadan ko ng ganun-ganun na lang.
Madaya siya… Hehehe…
~~~
Mga bandang alas-siyete y media ng gabi kami naghapunan sa bahay nila Kat.
Ganoon pa rin ang puwesto namin sa lamesa, at bilang panauhin, eh ako pa rin ang main topic nila. Kuwentuhan, tawanan at asaran ng magkakapatid ang bumida. Nagpapagalingan sila kung sino ang mas magaling mag-ayos at kumalikot ng kotse. At sa kanilang tatlo, pakiramdam ko, na ang bunso pa ang mas magaling sa kanila pagdating sa pag-aayos ng makina.
Panay naman ang lagay ng pagkain ni Aling Milagros sa plato ko. Madalas niyang ibinibida sa akin ang nilutong kaldiretang kambing ng tatay ni Kat. Masarap din naman pala ang kambing. Naparami pa nga ang kuha ko dahil nagustuhan ko ang pagkakaluto.
Sinusulyapan ko rin si Kat, at naninibago ako sa kinikilos niya. Hindi na siya tumitingin sa akin. Panay pa ang iwas. Bigla ko tuloy na-miss ang pagsusungit niya sa akin.
Pero okay lang, pakiramdam ko eh may tama pa siya sa nakita niya kanina sa hubad kong katawan.
Hehehe…
Pagkatapos namin kumain, ay naglabas ng lamesa at mga silya si Joseph sa harapan ng kanilang bahay. Inutos daw ito ng kanilang tatay dahil daw mag-iinuman daw kami at magvivideoke.
Ayos!
Uhaw na rin ang lalamunan ko ng alak. Sarap ding magpakalasing ngayon dahil wala akong iisipin na trabaho kinabukasan.
Game na game ako sa binabalak nila.
Tumulong pa ako sa pagbubuhat ng mga gagamitin namin sa inuman.
Noong umpisa ay inaalok nila ako ng gin. Sa totoo lang, hindi ko kaya uminom ng gin, kaya ang sinabi ko ay okay na para sa akin ang San Miguel Pale Pilsen.
Ayun, naglabas sila ng isang case nito at mukhang mapapalaban ata ako.
Siyempre, hindi mawala-wala ang kuwentuhan tungkol sa napapagdaanan nila sa araw-araw na pagmemekaniko sa talyer.
Malaki din naman ang kinikita nila. Libo-libo din. Kaya para sa kanila, ay ayos na ang ganitong uri ng
negosyo, lalo pa’t mayroon at mayroong masisiraan ng kotse araw-araw. Tama nga naman.
Nagbalik tanaw naman sila sa mga away na napagdaanan nila noong kabataan pa nila.
“Ikaw naman kasi… pinatulan mo pa yung anak ng titser mo… Ayun, napatawag ka tuloy ng principal.” “Eh tangina niya! Biro mo, parang babae kung magbunganga sa harapan ko. Minura pa ako ng
pagkalutong-lutong na Putang Ina mo! Aba… Eh di sinagot ko ng… Hindi puta ang nanay ko, konsehala… Konsehala ang nanay ko!”
“Hahhaha” Napatawa ako sa kuwento niyang iyon.
Nakakatuwa magkuwento si Joseph dahil bukod sa may aksyon, eh tumatalsik-talsik pa ang laway niya. Talagang hindi mo siya matatalo sa napakarami niyang kuwento, lalo na sa katarantaduhan at gaguhan
sa klase.
Ito namang si Gelo, eh yung tipong hindi binibitawan ang mikropono sa inuman.
Kanina pa siya kanta ng kanta. Naubos na yata niya ang lahat ng kanta ng Eraserheads at pinakyaw niya pati mga kanta ng Rivermaya.
May boses naman si Gelo, tulad lang din naman ng lahat tayo ay mayroong boses… May maganda nga lang at hindi masyadong maganda…
“Hoy Gelo! Pakantahin mo naman si Dennis!” Saad ng tatay ni Kat. “Naku… Okay lang po ako dito… Iinom na lang po ako…” Sagot ko naman. “Hindi… Hindi puwede… Dapat kumanta ka rin…”
“Okay lang po talaga… Si Gelo na lang po. Mukhang enjoy na enjoy din naman siya eh…” “Hindi… Pag sinabi kong kumanta ka… Kakanta ka…”
“Kakanta na po… Nasaan na ba yung mikropono?” Saad ko na may kahalong takot at kaba. Siniyasat ko muna ang mga kanta na nasa listahan.
Ayos na ayos din itong videoke machine nila. Punong-puno ng mga 90’s hits.
Nakapili na ako.
Isa ito sa mga paborito kong kantahin sa inuman.
Maya-maya ay lumabas si Kat, dala-dala ang pulutan naming sisig at ininit na kalderatang kambing.
Good!
Gusto ko kasing kantahan siya. Paringgan gamit ang paborito kong kanta. Kahit hindi siya makatingin sa akin eh nagpapapansin pa rin ako sa kanya. Nakikita ko rin na nagsaside-glance siya sa akin. Kaya naman naisip kong damhin itong aawitin ko para sa kanya. Sana lang umepekto dre!
Song # 44581
Song Title: Para Sayo
Popularized by: Parokya Ni Edgar
Lumayo kana sa akin Wag mo kong kausapin Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sakin Ayoko lang masaktan ka Malakas akong mambola Hindi ako santo
Pero para sayo Ako’y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sayo
Handa akong magpakatino
Laging isipin Lahat ay gagawin Basta para sayo
Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako yung tipong nagseseryoso
At kahit sulit sana sayo ang kasalanan
Lolokohin lang kita kaya kung pwede wag nalang
Dahil ayoko nang masaktan ka Wag kang maniniwala Hindi ako santo
Pero para sayo Ako’y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sayo
Handa akong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sayo
Bakit nakikinig kapa Matatapos na ang kanta Pinapatakas na kita
Mula nung una stanza
Hindi kaba natatakot Baka ikaw ay masangkot Sa mga kasalanan ko
Pero para sayo Ako’y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sayo
Handa akong magpakatino
Laging isipin Lahat ay gagawin Basta para sayo Ako’y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sayo
Handa akong magpakatino
Laging isipin Lahat ay gagawin Basta para sayo…. ohhhh…..
Pagkatapos kong kumanta, ay una kong hinanap si Kat. Pero parang wa-epek dahil pumasok naman siya kaagad sa bahay nila.
Samantalang ang mga kasamahan ko naman sa inuman eh nagkukuwentuhan lang at hindi napansin ang ginawa kong pag-eemote. Kahit ang “98% You are a good singer!” na iskor ko sa videoke eh walang nakakita.
Epic Fail.
Pero dinamdam ko talaga yung kantang ito ng Parokya. Kaunti nga lang siguro ang may alam, pero paborito ko talaga itong kanta, lalo na pagnag-eemo ako.
Hindi ko naman napapansin na napaparami na rin ako ng inom.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pinagbubuksan ng pale pilsen ni Joseph. Minsan naman eh iniikutan pa ako ng tagay ng gin ng tatay ni Kat.
Umiikot na ang paningin ko.
Pero enjoy na enjoy naman ako.
Gustong-gusto ko yung ganitong pakiramdam.
Na-master ko na rin dati na umuwi sa bahay, nakatayo sa bus, habang umiikot ang paningin ko. Yung mga panahon na ineenjoy ko pa ang buhay ko kasama ng mga piling kaopisina ko sa ibang
kumpanya. Nag-iba na nga lang ang takbo ng buhay ko, mula nang madiagnose si mommy ng sakit na cancer.
Pinilit ko ang sarili ko na magbago, at ituon ang buong atensiyon ko sa kanya. Gustong-gusto ko talaga siyang gumaling, at kung pupuwede lang ay habaan ko pa ang buhay niya.
Pero sa araw-araw na nakikita ko siyang nahihirapan, eh parang pinipiga ang puso ko, at mas nanaisin ko na lang na isuko na niya ang laban para hindi na siya mahirapan.
Tangina!
Nagiging emo nanaman ako.
Hindi ko alam pero iba talaga ang tama ng alak sa akin.
Madami akong naaalalang masasakit na pangyayari sa aking buhay. Masakit para sa akin na maiwan mag-isa.
Lagi na lang akong naiiwang mag-isa.
Iniwan ako ni daddy…
Sumunod naman kaagad si mommy…
Iniwan din ako ng mga naging girlfriends ko dahil sa pag-aakalang wala akong plano para sa kanila. Na wala akong planong magpakasal.
Naiwan akong mag-isa sa bahay.
At lalong masakit din para sa akin na tuluyan akong iniwan ng pantasya ko na si Martha. Sino nga ba ang hindi maiinis?
Sino nga ba ang hindi mabubuwiset sa buhay? Sino nga ba ang hindi mabuburyong?
Hindi ko na alam, pero sa sobrang kalasingan ko eh pakiramdam ko’y maisusuka ko ng buo ang kinain
kong kalderetang kambing kanina.
Dahil sa mahilo-hilo na rin ako, ay sinubukan kong ipikit sandali ang aking mga mata, habang nasa background ang boses ni Gelo na parang kinikiskis na Styrofoam.
Nakakangilo.
Ilang saglit ay bigla akong nagising at naalimpungatan.
Putang ina! Mahaba-haba pala ang nagawa kong pagpikit. Pakiramdam ko ay nakatulog ako ng ilang minuto.
Pagkatingin ko sa mga kainuman ko ay bagsak na rin sila at kanya-kanyang puwesto sa upuan. Samantalang ang tatay naman ni Kat ay nakayuko sa lamesa.
Sinusubukan kong tumayo, pero hindi ko na talaga kaya.
Natatawa pa ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko’y gagapang ako papunta sa tinutuluyan kong bahay.
Sh*T!
Wild na wild itong nangyayari sa akin ngayon.
Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa aking braso at iniakbay niya ako sa kanyang bandang likuran.
Ang bango bango.
Nilingon ko ito at kahit umiikot pa ang paningin ko, alam kong babae ito. May nadinig akong nagsasalita at nagbibigay ng instructions.
“Tulungan mo na si Dennis, at ako na bahala dito sa tatay mo’t mga kapatid… Hala sige ipasok mo na yan sa bahay…”
Sigurado akong si Aling Milagros iyon.
Inuutusan ang kanyang anak na babae na tulungan akong makabalik sa aking tinutuluyang bahay. Nahihiya man ako kay Kat, pero hinang-hina naman ako para tumanggi pa.
Alam kong mabigat ako, at mahihirapan siya na maglakad papunta sa raw house.
Kaya naman ay dinadahan-dahan ko ang aking paglalakad para hindi siya gaanong mahirapan. Lakad lang kami ng lakad.
Umiikot ang tingin ko sa paligid dahil sa pesteng gin na yan.
Hanggang sa…
Napahinto ako at humanap ng puwedeng makapitan.
Hindi ko na nakayanan at sumuka na ako sa daan. Hiyang-hiya talaga ako.
Nadag-dagan pa ang perwisyong ibinigay ko kay Kat.
Maski na babawi na sana ako sa mga kapalpakan na nagawa ko sa kanya, eh dinagdagan ko pa ang kahihiyan at paghihirap ng babaeng ito.
Fail na Fail ka talaga Dennis. Sh*T!
“Iwan mo na ako… Kaya ko na sarili ko…” Saad ko sa kanya.
“Tumayo ka na diyan, bilisan mo na para makarating na tayo sa bahay…” “SIge na… iwan mo na ako… kaya ko na…”
“Huwag ka nang maarte puwede ba?! Sinukaan mo na dingding ni Aling Pacing!” “Kaya ko na ‘to… Ako na lang…”
“Eh paano? Ni hindi ka nga makatayo?!” “Gagapang ako… Basta… Gagawin ko ito mag-isa.” “Siraulo!”
Hindi pa rin ako nilubayan ni Kat.
Tinulungan niya pa rin akong makatayo at inakbayan papunta sa tinutuluyan kong bahay.
Binigyan ko na siya ng pagkakataong iwan ako at huwag nang mahirapan pa sa pag-aalaga sa akin. Pero mas pinili niya pa ring tulungan akong makarating sa tutulugan ko.
Hindi ko na alam… Bahala na…
Pikit mata ko na lamang itatawid ang gabing ito, at sa kapalpakan ko “nanaman” dahil sa sobrang
kalasingan.
Galing mo talaga Dennis!
You’re the man!
Booset!
~~~
FADE IN:
EXT. Raw house – Night
Saglit na ibaba ni Kat si Dennis sa may tapat ng tinutuluyan nitong bahay, habang binubuksan ang pintuan. Pagkabukas, ay muli nitong aalalayan si Dennis papasok ng bahay.
Pasuray-suray ang lalaki at lalong nagpapabigat dahil sa sobrang kalasingan.
Bakas sa mukha ni Kat na hirap na hirap ito at para siyang may pasan-pasan na krus. Pero magagawa pa rin nilang maka-akyat patungo sa silid ni Dennis.
Ibabagsak ng babae ang katawan ng lalaki sa kama. Sandaling titigil si Kat habang minamasahe ang
namamanhid niyang braso dahil sa kabigatan ng pabigat na si Dennis.
Mapapatingin ang babae sa binata habang ito ay mahimbing na natutulog at nakahiga sa kama. Punong-puno ng suka ang sando nito.
Umaalingasaw naman ang amoy ng magkahalong gin at pawis ng binata.
Akmang lalabas si Kat, pero mapapaisip itong linisan na muna si Dennis.
Mapapakamot ito sa ulo habang naghahanap ng panyo o tuwalya mula sa bag ng binata upang gamiting pamunas.
Hanggang sa makakakuha ito ng bimpo at madali siyang pupunta ng banyo upang ito’y basain. Pagkalabas ng banyo ay diretso siyang pupunta sa binata upang ito ay punasan.
Uunahin niyang tanggalin ang suot na sando ng binata. Magagawa nitong mapaupo si Dennis para
tanggalin ng tuluyan ang kasuotang pang-itaas nito.
Pagkatanggal ng sando, ay pabagsak na hihiga muli ang binata. Wala itong ibang mararamdaman dahil sa himbing ng kanyang pagkakatulog.
Kahit napilitian, ay pupunasan ni Kat ang pawis na pawis na katawan ni Dennis.
Kahit anong gawing iwas ng babae ay napapatingin siya katawan nito. Dahil sa pagkailang, ay mamadaliin niya ang ginagawang pagpunas at tatakpan na lamang ng kumot ang binata.
Tatayo na sana si Kat at lalabas ng silid, nang biglang magsasalita si Dennis habang natutulog.
Dennis
Sorry… Gago ko talaga… Sorry…
Mapapalingon ang babae.
Uupo ito sa bandang dulo ng kama habang nakaharap kay Dennis.
Kikilos naman ang binata mula sa kanyang pagkakahiga, at haharap sa may bandang kaliwang bahagi ng kama.
Dennis
Sorry… sorry talaga… sorry…
Mapapayuko ang babae.
Mag-iisip ito kung para kanino ang “sorry” na sinasabi ng binata.
Dennis
Mapatawad mo sana ako Kat… sorry… sorry…
Mapapabuntong hininga ang babae.
Ngayon ay sigurado na siya kung para kanino ang mga binibitiwang salita ng binata. Makakaramdam ito ng kaunting kurot sa kanyang puso at hindi mapipigilang mapaluha.
Alam niyang sinsero ang binata dahil dala-dala nito hanggang sa pagtulog ang pagnanais na makahingi
ng kapatawaran sa mga nagawa nitong kasalanan. Aabutin niya ang may kalakihang palad ni Dennis. Hahawakan niya ito gamit ang kanyang dalawang kamay.
Sa pagkakataong ito, ay makakadama ng bagong pag-asa si Kat, na may pupuwede pang mangyaring
maganda sa kanyang buhay matapos ang kabiguang naranasan nito.
Kahit papaano ay nakakakita muli siya ng liwanag mula sa karimlan na kinaroroonan niya ngayon.
Kahit papaano’y pansamantalang gumaan ang pasan niyang krus, at tila may tumutulong sa kanya na
buhatin at pasanin ito para hindi siya lubusang mahirapan.
Alam niyang malapit na rin siyang maliwanagan sa katotohanan. Nararamdaman niyang makakamtan na rin niya ang kanyang minimithi…
…ang isang bagong simula.
I don’t ever wanna let you down
I don’t ever wanna leave this town
‘Cause after all
This city never sleeps at night
It’s time to begin, isn’t it?
I get a little bit bigger but then I’ll admit
I’m just the same as I was
Now don’t you understand?
That I’m never changing who I am
(It’s Time by Imagine Dragons)
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024
- Undo – Episode 10: Ctrl + Home - December 3, 2024