Undo – Episode 1: Ctrl + N
By ereimondb
Isang ordinaryong araw.
Alam ko at sigurado akong isa nanaman itong ordinaryong araw para sa akin.
Dahil katulad kahapon ay umuwi nanaman ako ng lasing, nakatulog lang ng halos mag aalas-dos na ng umaga at gising na ng alas-siyete.
Maliligo at gagayak para magjogging sa Ynares Center. Halos kapitbahay lang namin ito at kaunting lakad lang para makarating doon. Paikot-ikot lang ako sa stadium na yun ng mahigit-kumulang dalawang oras. Seryoso ako sa aking ginagawa dahil gusto kong malagpasan ang target ko sa layo ng aking pagtakbo.
Pasulyap-sulyap na lang muna ako sa mga nagseseksihang mga babaeng kasabay kong umiikot sa Ynares at kung napapalingon naman sila ay agad kong ngingitian.
Yun nga lang, madalas akong naiirapan at hindi pinapansin.
Pero okay lang… Balik pa rin ang atensiyon ko sa aking pagtakbo, sabay suksok ng earphones ko sa aking
tainga.
Sabi ko nga, ordinaryong araw ito. Normal at sanay na ako sa ganoon kaya balewala na ito sa akin. Pagkauwi ko galing sa aking pagtakbo, ay diretso kaagad ako sa kusina para maghanda ng agahan. Oatmeal.
Dati, hirap na hirap akong lunukin ang parang sukang pagkain na ito.
Pero ngayon…
Tangina!
Ganun pa rin. Pinipilit ko pa rin itong lunukin at kainin.
Mabuti na lang hindi ako nauubusan ng mansanas. Madalas ko itong binabaon at kinakain habang nagdadrive papunta sa trabaho.
Mabilis akong kumilos at madali kong naisasaayos ang mga gamit ko sa trabaho. Lalabas ako ng kuwarto, bitbit ang nakahanger kong polo.
Naka puting t-shirt lang ako kapag bumibiyahe. Ayoko kasing nagugusot ang polo ko, lalo na sa bandang tiyan.
Paglabas ko ng bahay, diretso kaagad sa kotse.
Lagi kong sinisilip ang mga gulong at ang bandang ibaba ng sasakyan ko.
Pakshet! Lagi na lang may tagas ng langis itong sasakyan ko. Nakakalimutan ko kasing dalhin sa kasa, at
wala akong extra time para dito. Dami kasing trabaho sa opisina… Tsk… Tsk… Tsk…
Oo na… Nagsinungaling lang ako nang sabihin kong sobrang busy ko sa trabaho.
Dala lang kasi ng katamaran ko kaya hindi ko pa naidadala sa talyer ang sasakyan ko.
Bukas… Basta bukas. Sabado naman.
Sisiguraduhin ko nang mapapatignan ang kotseng ibinigay pa ni erpats
Madalas ko ring pinupunasan ang kotse ko bago umalis ng bahay. Kahit pa katatapos ko lang magpa car wash, ay lagi ko pa ring itong sinisiguradong malinis at walang alikabok.
Mamaya-maya, ay titingin na ako sa aking relo. Shit!
9:05 na.
Puta! Late nanaman ako.
Trapik pa naman sa Ever Gotesco Ortigas, at sa Ortigas Extension. Lalo na sa flyover along IPI at Valle
Verde.
Pero okay lang.
Cool lang dapat ako. Supervisor naman ako eh. Hawak ko ang oras ko.
Ako ang batas sa opisina.
Kung kaya’t cool na cool lang akong sumakay ng kotse saka pinaandar ito. Binuksan ang aircon. Inayos ang side mirror at ang rear-view mirror. Pindot sa ON button ng car stereo.
Paabutin hanggang +31 ang volume.
Saktong-sakto pa ang tugtog. Paborito kong kanta.
Mr. Brightside ng The Killers.
I’m coming out of my cage, and I’ve been doing just fine
Gotta gotta be down because I want it all…
Handa na akong umalis ng bahay.
Handa na akong harapin ang nakakasawang routine ng buhay ko. Handa na akong suungin ang oridnaryong araw na ito.
Habang nginangasab ko ang mansanas na hawak ko. Sasabayan ko na lang ang trip ng buhay.
Sasabayan ko na lang ang mapaglarong tadhana.
Sasabayan ko na lang sa pagkanta si Brandon Flower ng The Killers.
Jealousy, turning saints into the sea Swimming through sick lullabies Choking on your alibis
But it’s just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes
‘Cause I’m Mr Brightside
Oo nga pala…
Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi ito kuwento ng pag-ibig. Ni hindi rin ito sex story o erotic story.
At kung may pagkakapareho man ng pangalan, lugar o mga kaganapan sa kuwentong ito sa buhay mo… Patawad…
Marahil, parehas lang tayo ng pinagdaraanan.
Undo – Episode 1: Ctrl + N
Ako nga pala si Dennis. Thirty years old.
Ang Mr. Pogi ng Antipolo.
Marami nga sigurong magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala akong asawa. Halos lahat na ng mga batch mates ko noong college ay may asawa’t anak na. Samantalang ako ay wala pa.
Hindi dahil sa nahihirapan ako humanap ng mapapangasawa. Hindi rin dahil sa pangit ako at walang nagkakagusto.
At lalong hindi dahil sa financially incapable ako na bumuo ng sarili kong pamilya.
Nagkataon lang talaga…
Nagkataong nag-iisa akong anak, at tanging ako lang ang nagbantay at nag-alaga sa mommy ko. Namatay sa sakit na breast cancer si mommy noong nakaraang taon.
Halos pitong taon siyang nakipaglaban sa kanyang sakit. At dahil sa napakabait at masunurin akong anak, ay matiyaga ko siyang binantayan at inalagaan.
Hindi ako nagreklamo. Hinding hindi.
Lalo na sa tuwing may ipinapakilala at dinadala akong babae sa bahay.
Nakailang babae na rin akong idinala sa bahay para ipakilala kay mommy. May mapayat, may malaman, may matangkad, may medyo kinapos ang height, may mahaba ang buhok, may maikli, may maganda, may katawan lang ang maganda, at higit sa lahat mayroong malapit sa puso ko.
Si Grace.
Para sa akin si Grace na ang gusto kong pakasalan noon. Nakilala ko siya sa isang bar sa Metrowalk. Nagtatrabaho siya bilang isang Quality Assurance Team Lead sa isang BPO sa Ortigas, at kahit papaano ay madali kaming nagkasundo dahil sa parehas kami ng linya ng trabaho.
IT Supervisor naman ako sa isang Shipping Line back office.
Noong sa tingin ko na okay kami ni Grace at may nakikita akong chemistry sa aming dalawa, kaya nagpasiya akong isama siya sa bahay namin.
At tinaon kong wala si mommy sa bahay at naroroon siya kina tita Baby.
Lagi din naman kasi kami sa condo niya nagpupunta at nagkakasarilinan, at sa tingin ko naman ay deserving naman siyang maiuwi sa bahay.
Kaya pagbaba namin ng kotse ko eh kaagad kaming tumakbo papasok ng bahay. Tahimik na ang lahat pati na ang aming kapitbahay. Pati na rin si aling Natty na katulong namin mula pa noong baby pa ako.
Pagpasok ng bahay eh naghahalikan na kami ni Grace. Hindi kami makapaghintay sa mga plano namin sa gabing iyon. Kinakapa ko ang ilaw sa hallway papunta sa hagdanan namin at talaga namang hindi namin maawat ang kalibugang nararamdaman namin.
Muntikan pa siyang mapaupo sa isang baitang ng hagdanan dahil na rin sa paatras itong naglalakad. Nagtawanan na lang kami nang masalo ko siya sa aking braso.
“You’re fuckin hot…” Bulong niya sa akin.
“I’ll fuck you hard tonight babe…” Sagot ko sa kanya.
Kaya hinawakan ko na ang kamay niya at tinulungan ko siyang maka-akyat sa kuwarto ko.
Habang naglalakad ay tinatanggal na namin ang aming mga damit hanggang sa panloob na lamang ang natira sa aming katawan.
Sobrang ganda at sobrang sexy talaga ni Grace. Alam ko sa sarili kong wala na akong makukuhang ibang babae na tulad niya. Gustong-gusto ko na siyang buntisin nang mga panahon na iyon, pero hindi pa puwede.
Hanggang tikim lang muna ako.
Pagkapasok naming ng kuwarto ay binuhat ko siya papaharap sa akin habang patuloy ako sa paghalik sa kanyang malambot at makipot na labi. Pilit kong sinusungkit ang dila niya para sipsipin. Sarap niya talaga at ang galing niyang humalik.
Tigas na tigas na rin ang titi ko habang nakatapat ito sa kanyang puke. Alam kong damang-dama niya ang kalibugan ko dahil sa mala-bakal sa tigas na ang burat ko.
Hinahalikan ko siya sa labi, sa baba, sa likod ng kanyang tenga at pababa sa kanyang leeg. Kahit medyo nanginginig na ang mga braso ko ay pinanatili ko pa rin siyang buhat para na rin magpa-impress. Hehehe.
“fuck me… fuck me please…” Bulong niya sa akin.
Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga, at ramdam na ramdam ko ang di matawaran niyang libog. Malamang na-istress na naman sa trabaho si Grace kaya ganito na lamang siya kasabik sa akin.
Hindi na ako magrereklamo. Sa totoo lang eh gustong-gusto ko nga.
TInanggal ko na ang kanyang bra at inaabot ng aking dila ang kanyang kulay pink na utong. Gustong- gusto kong dume-dede sa kanya at paglaruan sa loob ng aking bibig ang tayung-tayo niyang utong.
Napapaungol na siya sa sarap. Alam kong sarap na sarap na talaga siya sa ginagawa ko.
“Aaaaaaaaaaaaahhhhh… Ooooooooohhhhh… Uuuuuuuummmm…”
Nang biglang…
Boom!
Bumukas ang ilaw ng kuwarto ko.
Napatingin ako sa aking pintuan habang subo-subo ang suso ni Grace. Samantalang ang mga kamay ni
Grace ay nakahapit sa aking mukha papalapit sa kanyang dede. fuck! Nalimutan kong i-lock ang pinto.
At hindi lang basta kung sino ang nakatayo sa aking pinto. Si Mommy.
Akala ko ba nakina tita Baby siya? Akala ko ba ay doon siya matutulog muna? “Dennis?” Saad niya sa akin habang nakatulala sa kahalayan namin ng aking girlfriend. Bumitiw ang bibig ko sa pagkakasuso sa dede ni Grace.
“Mom?”
At kahit di ko sinasadya ay naibagsak ko sa sahig ang kanina ko pang buhat na babae. Sorry.
Hindi ko alam kung kanino ako unang magsosorry. Kay Grace ba na nakabulagta sa sahig? O kay mommy na puwedeng atakehin sa kanyang nakita?
Doon na nagsimula ang dilemma ko.
Ilang araw akong hindi kinibo ni mommy dahil sa ginawa ko. Pero siyempre, dahil mabuti akong anak ay patuloy pa rin ako sa pag-asikaso sa mga pangangailangan niya.
Lalo na pag sumusuka siya pagkatapos ng kanyang chemo therapy sessions. At sa tuwing kailangan niyang kumain at uminom ng gamot.
“You can live with me… Welcome ka naman sa condo ko eh…”
“Babe… I hope you understand. Hindi ko naman pupuwedeng iwanan si mommy ng ganun-ganun lang di
ba?”
“Hindi ko naman sinabi sayo na iwanan mo siya totally. I just want to spend more time with you.”
“I know… I know… But babe, I can’t. Gusto ko pang gumaling si mommy and I am helping her out to recover… I hope you understand.”
I hope you understand.
Ito ang madalas kong sinasabi kay Grace sa tuwing nagtatalo kami sa kung ano ang puwede kong gawin sa relasiyon namin. Hindi ko alam, pero may mga araw na gusto ko na din talagang kumawala sa bahay kasama si mommy. Magiging masama ba akong anak kung aasikasuhin ko naman ang sarili kong buhay?
28 years old na ako noong mga panahong iyon. Samantalang 31 years old na si Grace.
At alam kong gusto na rin niyang mag-asawa, at ako ang masuwerteng lalaking gusto niyang makasama habang buhay.
Hindi ko naman pababayaan si mommy eh. Gusto ko lang din talaga bumuo ng sarili kong pamilya. Kayang-kaya na rin namang magtaguyod at gumawa ng baby. Pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tuwing lalapitan ko si mommy para magpaalam. Para akong estudyanteng takot na takot mag “May I Go Out?” sa isang terror na teacher.
Ewan ko… Bahala na…
Hanggang sa dumating ang isang gabi na nagkaroon ako ng lakas ng loob. Salamat kay pareng Jack Daniels sa suporta.
“Sige na anak… Magpahinga ka na… Okay na ako dito…”
“Hindi mommy… Samahan pa kita dito, hindi pa naman ako inaantok eh… Kayo po ba? Inaantok na po ba kayo?”
“Hindi pa naman… Magbabasa pa ako ng libro ko.”
Ting! Good.
Pakiramdam ko nasa tamang timing ako.
Pero talaga namang pinagpapawisan ang mga kamay ko at nanginginig ang mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ng ganito.
Takot akong masaktan ang damdamin ni mommy. Takot akong maramdaman niyang maiiwan siyang mag-isa. Lalo pa’t wala na rin si daddy, dalawang taon na ang nakakalipas mula nang siya ay mamatay. Takot akong isipin niya na naging selfish ako.
At higit sa lahat… Takot akong mawala si mommy sa buhay ko. “Mommy…”
“Hmmm? Ano yon?” “Ahhh… Kasi…”
“May problema ka ba? Kailangan mo ng pera?” “Hindi… Okay naman ako mommy…”
“Oh anong problema mo? Kanina pa kita napapansin eh. At kailangan mo pang uminom ng alak para
kausapin ako.”
Shit!
Naamoy ni mommy ang aroma ni pareng Jack Daniels. Tumalikod ako at binuga ang hininga ko sa aking
palad para ito’y amuyin. Tama nga. Amoy na amoy.
Maya-maya ay binitiwan ni mommy ang binabasa niyang libro at hinarap ako.
“Anong problema anak? Anong kailangan mo?” “Mommy…”
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
“Mommy… Alam kong hindi maganda ang unang pagkikita ninyo ni Grace… Alam ko rin na medyo hindi
siya okay sa paningin mo…” “Hmm… Tapos?”
“And mommy… I just want you to know na ikaw pa rin ang numero unong babae sa buhay ko.” “Okay… I know that already son… then?”
“Mommy… I don’t know if this is the best time to do it, but I think I really love her, and I want to marry
her…”
Bigla siyang tumahimik.
Iniwas niya ang kanyang dalawang kamay at inilayo niya ito sa akin. Nadinig ko pang napabuntong-hininga siya.
“I want her to be part of our family… at gusto ko rin hingiin ang blessing mo…”
Hindi pa rin sumasagot si mommy. Tahimik pa rin siya at nakatingin sa ibang direksiyon. Napayuko na lang ako dahil pakiramdam ko eh palpak ang plano kong kausapin siya. Napalunok na lang din ako at napabuntong hininga.
“Okay… Kung iyan ang gusto mo…” Mahina niyang sagot sa akin.
“Really mom? Okay lang talaga sa iyo?” Hindi ko alam kung nabingi ba ako o na-tanga na nang tuluyan.
“Eh yan ang gusto mo eh… Sino ba naman ako para hadlangan ang mga pangarap mo. Tutal, matanda na ako… May sakit pa ako… Malapit na akong mamatay… Ayoko namang kontrolin ka sa kung anong gusto mo sa buhay…”
“Mom…”
“Okay lang ako anak… Kaya ko naman ang sarili ko… Naandiyan naman si Natty… Utusan ko na lang siyang alagaan ako…”
“Mom… Puwede naman kayong sumama…”
“Hindi na… Dito na lang ako sa bahay natin… Ipinangako ko sa daddy mo na dito niya ako sunduin pag namatay na ako… Hihintayin ko na lang siya dito… Tutal ako na lang naman dito…”
fuck. fuck. fuck.
“Mom… Huwag mo namang isipin na iiwan kita…”
“Anak, okay lang… Lalaki ka. Hindi dapat kita kinukontrol. Kaya ko na sarili ko. Kaya ko pa naman
sigurong magdrive papuntang ospital para sa chemo ko…”
Hindi na ako nakapagsalita. Dahil alam ko na rin kung saan papunta ang usapang ito.
Ginawa na niya sa akin ito noong may dinala akong babae sa bahay. Habang nasa sala kami ng ex-gf ko eh bigla na lang siyang nanghina at bumulagta sa kuwarto niya. At parehong mga kataga ang nadinig ko sa kanya hanggang sa nagdesisyon kaming itigil na ang relasiyon namin ng ex ko.
At sa sitwasiyon kong ito… Alam kong doon na rin kami papunta.
Pero tumagal pa kami ng Grace ng limang buwan pagkatapos ng pep talk namin ni mommy.
Isang gabi, kinausap niya ako at nakipaghiwalay sa akin. Ilang buwan na rin pala niya akong iniiputan sa ulo. Nagkaroon sila ng relasiyon ng isang expat galing Europe. At sinabi niyang buntis siya’t handang panagutan ng matandang lalaking iyon.
Sa totoo lang… Nasaktan lang ako ng kaunti.
Siguro dahil handa na ako at sanay na sa ganitong setup. Sa ganitong klase ng break-up.
Magsama na lang sila ng lalaki niya at sana maging masaya sila… Tangina nilang dalawa!
Itinuon ko na lang ang buhay ko sa aking trabaho, sa aking mga kabarkada, sa mga one night stands at
kay mommy.
Si mommy.
Ipinagdasal ko pa ring gumaling si mommy kahit ganoon ang nangyayari sa buhay ko.
Dahil sa tingin ko naman, kung mahal talaga ako ng babae, ay mauunawaan niya ang kalagayan ko. Tawagin na akong mama’s boy, pero sino bang anak ang gustong iwan ang kanilang may sakit na nanay? Wala.
Pero tulad ng mga kasamahan ni mommy sa chemo therapy sessions niya, ay humina ang resistensiya ni mommy at namatay sa edad na 62.
Dahil siya ang numero unong babae sa buhay ko, ay talaga namang lubos akong napaiyak nang makipaghiwalay siya sa akin.
Iyak ako ng iyak. Halos lumuwa na ang eyeball ko sa sobrang pag-iyak.
Ngunit kailangan kong tanggapin na wala na siya. Mas okay pa nga iyon dahil alam kong hindi na siya dadanas ng paghihirap at titiisin ang sakit.
Sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa buhay ko at nakipaghiwalay, kay mommy lang talaga ako umiyak nang tuluyan niyang nilisan ang buhay ko.
Mommy… Alam kong nasa heaven ka na. Gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal na mahal kita. Madaya kayo ni daddy. Nagreunion na siguro kayo diyan sa langit? Hehehehe… Pero mommy, daddy… Favor naman oh… Hanap niyo ako ng babaeng mapapangasawa’t makakasama ko habang buhay. Balatuhan niyo naman ako ng maganda at seksi at mabait at maunawain at magaling magluto at magaling maglinis at masarap gumawa ng siomai at chicken adobo…
Hmmm… Ganito na lang daddy, hanap mo na lang ako ng katulad ni mommy. Mahal na mahal ko po kayong dalawa.
On Mouse Click
2010
Ngayon…
Heto ako’t nagmamaneho patungo sa opisina namin. Late na ako ng labin-limang minuto dahil sa putang inang traffic sa Ortigas Extension.
Pero katulad ng sinabi ko, hindi ko naman talaga kailangang magmadali dahil hawak ko ang oras ko.
Bisor na ako eh. Hehehe…
Kaya chill na chill lang ako habang naghahanap ng parking sa bulok na building na ito.
Bago ako bumaba ng sasakyan ko ay inabot at isinuot ko na ang polo shirt ko na nakahanger sa likuran ko. Kaunting gel. Kaunting pabango. Poging pogi na.
“Pare! Ano? Shot ulet tayo mamaya?” Sigaw ni Arnold mula sa kanyang sasakyan.
Tangina! Dito pa ako pumarada sa tapat ng kotse ng mokong na ito.
“Hindi ko alam pare bahala na si batman.”
“Asus! Talo ka lang sa pustahan natin eh… Hehehe…”
“Ulol! Tsumamba lang talaga sila sa first game… Hehehe…”
“Kung gusto mo pare, magpustahan ulet tayo…” Banat muli ni kupal Arnold.
Ayoko na rin sanang makipag-usap dito sa taong ito, pero siyempre dahil katrabaho ko siya eh sinasakyan ko na lang ang kakupalan niya.
“Sige ba… Hindi naman ako umuurong sa ganyang pustahan lalo na’t nakatsamba lang manok mo.”
Pagyayabang ko naman.
“Sige tol. Sa second game. Same bet. Pero gusto ko pagnatalo ka ay isesetup mo ako ng date kay Joyce.”
Saad ulit ng putapeteng si Arnold.
Tangina. Sa panget niyang iyon, talagang ang magandang chicks pa tulad ni Joyce ang gusto niyang bakuran.
Milagro ang kailangan ng putang inang kupal na ito.
“Sige pre… Titignan ko…” Sagot ko namang kaplastikan sa kanya.
“Pagnanalo ka pare… Sayo na ang limited edition Darth Vader collectible ko. Hands down.”
fuck. Nerdgasm.
“Mother fuckin Deal Yo!” Pahip-hop kong sagot kay kupal.
Si Joyce ng HR versus Darth Vader Collectible? Sino ba namang hindi mapapasagot ng OO diyan?
Alam kong kaya ko siyang isetup kay Joyce dahil kaya itong bolahin. Pero ang Darth Vader Collectible? Shiznit! Tapos ang usapan. Kailangan lang manalo ng Lakers sa Celtics at ayos na ang buto-buto. Gumanda ang umaga ko dahil sa kakupalan ni Arnold.
Pasipol-sipol pa akong pumasok papunta sa sarili kong opisina. Binabati ko ang lahat ng nakakasalubong ko sa floor namin.
Pati na rin ang mga IT Associates ko.
Pero teka… Parang kulang nanaman sila ah…
“Where’s Bob?” Tanong ko sa isang Associate kong mukhang nerd.
“S-s-sir… Absent po.” “Again?”
“Yes sir.”
Absent nanaman si Bob. Nagka-diarrhea nanaman siguro.
Lima ang associates ko, pero parang dalawa lang ang nasa floor.
“Bakit dalawa lang kayo? Nasaan ang iba?”
“Sir si John po nandoon sa kabilang wing dahil may nagrequest na palitan yung keyboard niya. Tapos si
Franco po absent din.” “Absent nanaman si Franco?” “Opo sir.”
Puta! Absent nanaman? Dalawa pa ang absent.
“Marami ba ang ticket at requests nating ngayon?” “Yes sir. Sobrang dami po… Karamihan po taga-India.”
Shit!
Napailing na lang ako sa performance ng team ko.
Putang ina! Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung mga Associates na panay ang absent. Magandang na sana ang araw ko, pero binawian naman ako sa mga nagu-under perform na tauhan ko.
Relax… Relax lang…
Maglalaro muna ako ng Fruit Ninja.
Ito kasi ginagawa ko sa tuwing nababadtrip ako sa trabaho.
Kaysa sa hatiin ko ang mga katawan ng associates ko, ay itong mga prutas na lang sa Fruit Ninja. Halos 30 minutes din akong naglaro bago ko binuksan ang workstation ko.
Boom!
68 Pending Tickets.
34 Backlogs.
28 Active (India)
6 Active (Manila)
At 10:38 pa lang ng umaga.
Gusto kong suntukin ang monitor ko sa sobrang badtrip.
“Sir?” Saad ng isang associate kong mukhang nerd.
Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang lapitan ako sa workstation ko.
“Sir, bababa lang po ako para palitan yung mouse sa isang workstation sa kabilang wing…” Paalam niya
sa akin.
“Nakailang tickets ka na?” Diretso kong tanong sa kanya. “8 tickets po sir.”
“India o Manila?”
“India po. Ngayon pa lang po ako gagalaw ng tickets sa Manila.”
“Maupo ka na at kumuha ka ulit ng ticket sa India tray. Ako na bahala sa lahat ng Manila queue. Sabihan mo rin mga kasamahan mo na pakyawin lahat ng backlogs. Start kayo sa bottom. At bago kayo maglunch, magmimeeting tayo.” Saad ko sa kanya.
“Y-yes sir.” Nakayuko niyang saad sa akin. “Sandali.”
“Bakit po sir.”
“Anong pangalan mo? Ikaw yung new hire di ba?” “Yes sir. Jerome po.”
“Okay Jerome, welcome sa team. And good job ka sa 8 tickets. Keep it up.” “Thanks sir.”
Siyempre, mabait din akong boss.
Kahit paminsan-minsan eh nagiging incredible hulk ako at kupal.
Kinokontrol ko ang sarili ko, lalo na’t heto magpoproduksiyon ulit ako.
Madami din naman akong kailangang gawin bilang Supervisor, pero dahil sa kapos ako sa tauhan ngayon, ay kailangan kong itupi ang sleeves ng polo ko at maghatid ng mga bagong mouse at keyboard ng mga empleyado sa kabilang wing.
Wala eh. Kailangan kong gawin at hindi puwede magstop ang production nila para magsupport sa telepono.
Una kong target, 17th floor. Workstation 35. Issue: Keyboard malfunction.
Kaagad kong pinuntahan ang workstation na ito sa kabilang wing. Tinignan ko kung talagang dapat palitan ang keyboard ng isang agent.
At tama nga siya, hindi na napipindot ang ibang letra sa keyboard dahil na rin siguro sa mga pagkaing nasisiksik sa loob nito. Ewan ko ba kahit ipinagbabawal na magdala ng pagkain sa floor, ay talaga namang kain ng kain ang mga ito.
Sunod kong ticket ay galing sa 15th floor. Workstation 65. Issue: Browser Error.
Mas madaling magresolba ng ganitong mga problema dahil uupo ka lang sa workstation mo habang nireremote access mo ang PC niya. Hindi ko na kailangang makipag-usap sa kanya sa personal, at tanging sa chat ay ayos na.
Kaunting check dito. Kaunting check doon. Uninstall tapos reinstall. Tignan ang properties at security settings. At madalas sinusubukan pa kasi ng mga kumag na itong magbrowse ng porn.
Ikatlo kong ticket ay galing ulit sa 17th floor. Workstation 53. Issue: Mouse Malfunction.
Kaagad akong kumuha ng bagong mouse para ihatid sa workstation ng agent. Pero siyempre dapat ko munang tignan kung dapat lang ba ito palitan o hindi.
Nang papalapit na ako sa nagpadala ng request/ticket, ay kaagad ako nakadinig ng ingay at bulong- bulungan.
Nakatingin din ang mga agents sa akin at parang ako ang kanilang pinag-uusapan.
Naweirduhan na lang ako sa ginagawa nila at nanibago dahil ngayon na lang ulit ako bumalik sa pag- aassist at pagreresolba ng mga tickets.
Binibilang ko sa aking isipan ang workstations nila upang matunton ang dapat kong puntahan.
#48, lalaking mataba.
#49, babaeng buntis.
#50, matandang agent.
#51, Team Lead Anne… witwiw!
#52, Chicks… Puwede ito ahhh…
#53.
Number Fifty-Three.
“Sir dito po!” Saad niya sa akin habang nakatayo. Siyet! Ang ganda…
Sa tinagal-tagal ko nang naandito sa kumpanya ay ngayon ko lang nakita ang babaeng ito. Para akong inaakit at hinahalina ng babaeng ito.
Nama-Maria Makiling ako sa itsura niya. Maputi.
Medyo matangkad, pero mas matangkad pa rin ako. Ganda ng ngiti.
Yun nga lang, kulay pula ang kanyang buhok.
At ang suso… Putang ina! Ito ang suso! “Sir!? Sir? Okay lang po ba kayo?”
Shit!
Naka-nganga yata ako.
“Ah eh… Anong error mo? Este, anong mali sayo… yung sa ano… sa… workstation… eto may mouse ako…”
fuck!
Umurong ata dila ko at natuyot ang utak ko.
“Sir kasi yung mouse ko parang sir… Check niyo nga sir… Please?” “Sure… Sure…”
Tama nga siya, nauulol na pati ang mouse ng workstation niya. Suwerte talaga ng mouse na ito dahil ilang ulit na niya itong hinimas gamit ang malambot niyang palad.
Kailan niya kaya madadampian ang mouse ko?
“Sige palitan na natin yan…”
“Yes! Nakakainis na rin kasi yang mouse na iyan. Lumang-luma na.”
“Huwag kang mag-aalala, bagong-bago itong akin… este, itong mouse ko…” “Hihihihi…”
Talaga naman… Ganda ng ngiti niya.
Mabilis kong napalitan ang sira niya mouse at siyempre nagpaimpress nanaman ako sa harapan niya. Panay lang ang ngiti niya sa akin, at ginagantihan ko naman din siya ng pag-ngiti.
Maya-maya ay may nadinig nanaman akong tawanan galing sa mga team mates niya.
“Sir Den, crush ka daw po niyan… Hahahaha…” Saad ni TL Anne. “Huh? Sino?” Maang-maangan kong tanong.
“Naku sir, huwag kayong maniniwala sa kanila… Pinagtitripan lang nila ako…” Saad ni #53 habang
namumula ang kanyang pisngi.
“Tignan mo nga yang pisngi mo, nahawa na diyan sa kulay ng buhok mo. Haahaha…” Biro pa ng isang
matabang lalaki na nakaupo sa workstation #48.
Tuwang-tuwa naman ako. Parang tumatalon ang puso ko sa nadidinig ko sa kanila. Tigas titi nanaman ako.
Sige pa, tuksuhin niyo pa ako sa kanya. Hehehe.
“Naku sir… Pagpasensiyahan niyo na sila ha… Makukulit kasi ang mga iyan…” Mahinang saad niya sa akin sabay upo.
“Ayos lang iyon. Huwag kang mag-alala.” “Baka kasi sir, kung ano ang isipin ninyo.” “Wala… Wala iyon…”
Pero sa totoo… manyak na manyak na ako sa kanya.
Gumagana nanaman ang Denyakis mode ko.
“Ano? Okay na ba yang mouse ko?” “Sir?”
“Ah eh yung mouse… okay na ba?”
“Okay na sir… smooth na ang paggalaw ng mouse cursor…” Sagot niya sa akin.
Tangina.
Gusto ko nang idunggol sa likuran niya ang patigas kong titi.
“Sige. Sabihan mo lang ako kapag nagkaproblema ka ulit.” Saad ko sa kanya sabay ngiti.
“Okay sir Den…” Malumanay niya namang sagot sa akin.
fuck.
Hindi ko alam kung papaano ako makakaporma sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako babalik dito nang hindi siya tutuksuhin ng mga ka-team niya.
Umalis na lang ako at bumalik sa opisina ko.
Lumulutang ang isipan ko habang minememorya ang kanyang magandang mukha. Kakaiba siya eh.
Ibang-iba sa mga babaeng nakilala’t nakausap ko.
Pagdating ko sa aking workstation ay napansin kong nakatingin sa akin ang mga associates ko.
“Lunch na ah?! Hindi pa ba kayo kakain?” Tanong ko sa kanila. “Sir, di po ba may meeting tayo?” Saad ni Jerome.
“Sino may sabi?”
“Sir kayo po… Sabi niyo sa akin kanina…”
fuck!
Nalimutan kong may meeting pala kami dapat. Nawala sa isipan ko sa kakaisip kay #53.
“Ahh bukas pa iyon. Bukas pa iyong meeting. Sinabi ko sayo bukas pa di ba?” Palusot ko sa kanila. “Po? Sabi niyo po ngayon…” Balik-sagot sa akin ni Jerome.
“Magla-lunch ba kayo o uubusin niyo na lahat yang mga tickets hanggang uwian?” Tanong ko sa kanila.
“Sabi ko nga po bukas pa… Kain lang po kami sir Den.”
Tanginang mga ito.
Hindi pa makuha sa tingin. Kailangan pang takutin.
Pero…
Iba talaga ang ligaya na ibinigay sa akin ni #53.
Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit hindi ko siya nakakasalubong? Bakit hindi ko siya nakakasabay sa labas?
Bakit? Bakit?
Gusto ko siyang makilala at makausap ulit. Pero paano? Mababaliw ako sa kakaisip dito sa opisina ko.
Mabuti pang mag-yosi na lang muna ako.
Kaya agad akong bumaba papunta sa lung center (smoking area).
Habang hinit-hit ko ang aking yosi ay panay pa rin ako sa kakaisip tungkol sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung dapat ko na bang palampasin iyon o humanap ng paraan para ma-corner siya.
Shit! Hindi ko alam… Bahala na.
“Sir… Puwede makisindi?” Saad ng isang babae mula sa aking likuran.
Waaaaaaaaaaaahhhh!!!! Si #53!!!!!!
Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?
“Sure.”
Sabay pihit sa lighter ko at inapuyan ang subo-subo niyang sigarilyo.
“Thanks!” Ngiti niya sa akin. “Nagyoyosi ka rin pala?” “Opo sir Den…”
“Opo? Huwag mo naman akong Opo-in.” “Hihihihi… okay…”
“Pero parang hindi kita nakikita dito sa lung center?”
“Ah kasi madalas panggabi ako. Ngayon lang ako nailipat sa morning-shift.” “Ahh kaya pala…”
“Kaya nga parang inaantok-antok pa ako… Hihihi…”
Mukhang masayahin na babae itong si #53.
At ngayong mas napalapit siya sa akin, ay naamoy ko ang matamis niyang samyo. Sarap halikan at panggigilan.
“Dennis nga pala…”
“Ako naman si Martha…” “Martha…?”
“Francisco… Martha Francisco.” “Nice name.”
“Thanks… Oo nga pala, sir Den, sorry pala kanina ha… Nakakahiya kasi sa iyo… Baka kung anong isipin mo sa nangyari…”
“Wala yun… Okay lang yun… Huwag mo nang isipin iyon.” “Okay… Pero sorry pa din…”
“Hindi mo kailangang mag-sorry.”
Ngumiti lang siya sa akin.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na okay na okay sa akin kung crush niya talaga ako.
Dahil susunggaban ko talaga ang pagkakataong iyon kung sakali.
“Sige sir Den, maglalunch na ako…” “Okay sige… May kasama ka?”
“Yup… Yung friend ko. Ikaw? Maglalunch ka na rin ba?”
“Ah eh… mamaya-maya… Wala kasing tumatao ngayon sa team. Kain ka na.”
“Okay sir Den…” “Sige.”
Shit….
Sayang… Sayang yung pagkakataon…
Pero siyempre dapat suwabe lang. Chill lang.
Pasasaan din at makaka-ninja moves din ako sa kanya. Next time.
Next time ako na makakasama mong kumain mula breakfast, lunch at dinner.
Unable To Connect (error 756)
Alam kong hindi ko dapat isipin si Martha ng buong shift ko. Dahil napakaraming pending requests at tickets sa tray namin.
At siyempre, marami din akong kailangang tapusing admin work. Wala na dapat oras para pumetiks.
Sa araw-araw kong gawain bilang IT Supervisor, ay madalas din akong makipagchat sa mga empleyadong
mula pa sa iba’t ibang bansa.
Sa isang multi-national company ako nagtatrabaho at talaga namang napaka stressful at demanding ng work load ko. Napakaraming issues at napakadalang ng commendations. In short, nakakawalang ganang magtrabaho.
Punong-puno ang inbox ko ng mga emails galing sa mga counterparts namin abroad, at madalas ay puro tanong at sisi ang ibinabato sa amin dito sa Manila site. At siyempre, para mairesolba ang mga issue na ito ay kailangan ko silang kausapin isa-isa sa chat.
Habang hinahanap ko ang pangalan na Fateen Sikh sa chat directory, ay biglang sumagi sa isipan ko si
Francisco, Martha.
Tumingin ako sa aking relo at siniguradong may extra time ako, bago ko dinouble-click ang pangalan niya sa directory.
Online siya.
Hmmm…
— Mercado, Dennis B. 05:53PM Hello.
Shit.
Tama ba itong ginagawa ko? Sana sumagot siya…
Ilang minuto din akong nakatanga sa monitor ko.
May posibilidad na hindi siya sumagot sa akin, ayos lang. Atleast sinubukan ko.
— Francisco, Martha O. 05:58PM Hello sir? Bakit po?
Boom! Sumagot siya.
— Mercado, Dennis B. 05:58PM
Wala naman. Kamustahin ko lang kung okay na ba yung mouse mo?
Francisco, Martha O. 05:59PM
Ah okay na siya. Maayos ko na nagamit. Thank you.
Mercado, Dennis B. 05:59PM Good. Mabuti naman.
Francisco, Martha O. 06:00PM
Sir Den, chat na lang ulit tayo next time. Pauwi na kasi ako.
Mercado, Dennis B. 06:00PM
Ahh okay. Oo nga pala, morning shift ka.
Francisco, Martha O. 06:01PM
Oo nga eh… Ikaw ba? Hindi ka pa uuwi?
Mercado, Dennis B. 06:01PM
Maya-maya pa. Madami pa akong tinatapos eh.
Francisco, Martha O. 06:03PM
Okay sige. Good luck diyan sa tinatapos mo. Uwi na ako.
Mercado, Dennis B. 06:03PM Okay sige. Ingat ka.
Francisco, Martha O. 06:03PM
—
fuck.
Halos lumundag ang puso ko sa tuwa dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya sa chat. Pakiramdam ko eh pupuwede akong pumorma sa kanya at nararamdaman kong trip niya rin ako. Tama.
Pupuntahan ko siya ngayon at ihahatid ko siya kahit hanggang sa sakayan. Mag-eextend na lang ako kahit isang oras pa dito sa opisina.
Kaya naman agad akong tumakbo papuntang 17th floor.
Mabuti na lang at naabutan ko pa siya at ang iba niyang ka-team sa floor. Hindi ako nagpahalata sa ibang taong naandoon upang hindi siya tuksuhin.
Panay lang ang tingin ko sa kanya at humahanap ng tsansang makalapit.
“Hoy pre! Anong ginagawa mo dito?” Saad ni kupal Arnold.
Puta, dito nga pala siya nakapuwesto.
“Ah eh… Wala may hinahanap lang ako.”
“Hmmm… Mukhang iba ang tingin mo diyan sa newbie ah…”
Tangina! Iba rin makatingin itong mokong na ito ah. Mahuhuli pa yata ako.
“Hindi ah…”
“Naku pre… Iba na lang pormahan mo… Hindi na yan puwede…” “Huh? Bakit naman?” Painosente kong tanong sa kanya.
“Halika pre…”
Inakbayan ako ni kupal at tila may gusto siyang ituro sa direksiyon ng grupo ni Martha.
“Nakikita mo ba yung katabi niya?” Tanong sa akin ni Arnold.
“Oo… Si Kat yan di ba? Yung Team Leader ng Export?” Sagot ko naman.
“Yan ang dyowa niya.”
Ano?
Tama ba ang nadinig ko?
“Anong kalokohan nanaman yang sinasabi mo pare?” “Pare, iyang si Martha ay girlfriend ni Kat.” Whaaaaaaaaaaatttt?
Hindi ko alam kung maniniwala ako kay Arnold.
At lalong hindi ako makakapaniwala kung totoo man ang sinasabi niya. Sinimulan kong maghanap ng hidden camera.
Tinatanong ko ang aking sarili kung na- Wow Mali ba ako? Shit!
Walang boyfriend si Martha…
Pero mayroon siyang girlfriend.
It’s not over tonight.
Just give me one more chance to make it right. I may not make it through the night,
I won’t go home without you
(Maroon 5 (Adam Levine – Won’t Go Home Without You))
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024
- Undo – Episode 5: Ctrl + P - November 15, 2024
- Undo – Episode 4: Ctrl + Arrow [Up] - November 7, 2024