Unang Tingin 🙂 1.02
By kyzel
Note:
The story that you are about to read has diffrent genre po 🙂
I just want to be different lang po 🙂
And i want you ates ang kuyas to reminisce something 🙂
Haha 😀
Sana po magustuhan ninyo 😉
(**Wala pong mga naughty scenes dito**)
A friend is someone who knows the song in your heart and can sing it back to you when you have forgotten the words.
– Unknown
III. Si Bianca 🙂
Napagdesisyunan ng magkaibigan na kumain na lamang sa isang fast food chain.
Inakbayan ni Bianca si Kevin at biglang ginulo ang buhok nito.
‘Love ko ‘to,’ nabanggit ni Bianca.
Nagulat naman si Kevin sa nasabi ng kanyang kaibigan. Bigla niyang tinignan si Bianca.
‘Oh? Bakit ganyan ka makatingin?,’ tanong ni Bianca ng tignan siya ni Kevin na parang nagtataka.
‘Hahaha. Wag kang malisyoso. Hahaha. Ibig kong sabihin, dun tayo sa love ko ‘to kumain, sa mcdo. Wahahaha,’ sabi ni Bianca. Sabay baba ng kanyang kamay na nakaakbay sa kaibigan.
‘Ahh. Hehehe. Yun pala yun. Okaaay sabi mo eh,’ sagot nman ni Kevin at bigla ring ginulo ang bangs ni Bianca at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng mcdo.
‘Hahaha. Kung gusto mong bumawi, habulin mo ko. Hahaha.’ sigaw ni Kevin habang patakbo siya papunta sa mcdo.
‘Uggghhh! Nakakainis!’ nasabi na lamang ni Bianca, dahil sa pagkakagulo ni Kevin sa kanyang bangs.
‘Yari ka sa akin mamaya!’ tugon naman ni Bianca sa pang-aasar ng Kevin sa kanya.
Tuwang-tuwa naman si Kevin dahil sa reaksyon ni Bianca sa kanyang ginawa. Bigla tuloy nagbalik sa kanyang alaala nung mga panahon na naghahabulan sila sa bukid, ang kaibahan nga lang .. Nasa siyudad sila ngayon.
‘Okay rin pala tumakbo rito.’ Nasabi ni Kevin sa kanyang sarili. Narating na rin niya ang mcdo.
‘Asan na kaya si Bianca? Siguro may natapakan na naman yun. Wahaha,’ nasa kalagitnan ng pagtawa si Kevin ng biglang may humampas sa likod niya, at naging dahilan para masubsob siya.
‘Ahhh. Ang sakit.’ nasabi ni Kevin ng pagbagsak niya.
‘Wahahaha. Akala mo ah. Hmp!,’ bigla namang tumawa si Bianca ng malakas at parang pinapakita pa ang braso nito na parang nanalo sa boxing.
‘Hahahaha. Ang sakit Biancs. Loko ka talaga. Ts. Pero malaki pa rin yang braso mo ah. Machooo fafa. Hahaha,’ Nasabi na lamang ni Kevin habang patayo siya.
‘Ewan ko sa’yo! May kasalanan ka pa sa akin ahh!,’ sabi ni Bianca.
Lumapit naman si Kevin at tinanong si Bianca ..
‘Ano na naman yun?,’ pagtatakhang sagot ni Kevin.
‘Malalaman mo mamaya. Kumain muna tayo nagugutom na ako,’ sagot ni Bianca.
‘Wait biancs. 7PM na di ka ba hahanapin sa inyo? Magpaalam ka muna,’ pag-aalalang sabi ni Kevin kay Bianca.
‘Hmn .. I’ll text later. Pero for now kumain muna tayo. Nagugutom na talaga ako kakatakbo kanina loko ka kasi ehh hmp!,’ sagot ni Bianca.
Pumasok na ang magkaibigan at bumili ng kanilang makakain.
Habang kumakain ay nagkwentuhan ang magkaibigan.
‘Hahaha. Kev, nakakahiya yata tayo kanina. Hahaha. Para tayong mga bata,’ sabi ni Bianca.
‘Hahaha. Okaay lang naman yun di ba? Nakakatuwa nga ehhh Hahahaha,’ tugon ni Kevin.
‘Sabagay. Hahaha. Kamusta ka na pala? Saka bakit andito ka ngayon sa Manila?,’ tanong ni Bianca kay Kevin.
‘Napagdesisyunan kasi nila Lola na dito na lang ako mag-aral,’ sabot ni Kevin.
‘Ahh. I see. Hmn .. Yung school mo ba yung malapit sa sakayan ng mge jeep kanina?,’ tanong ni Bianca.
‘Yep,’ sagot ni Kevin.
‘Wow. Bigtime. Hahaha,’ sabi ni Bianca.
‘Hahaha. Di naman. Oh ikaw? Kamusta ka na? Tagal mo na rin dito,’ sagot ni Kevin.
‘Ayun. Okay lang naman. Si papa nasa ibang bansa nagtatrabaho para masustain yung needs namin. Si mama naman sa bahay lang, inaalagaan kami. Si Yna naman grade six na,’ sagot ni Bianca.
‘Yna?,’ tanong ni Kevin.
‘Hahaha. Oo nga pala. Isang anak lang pala ako nung umalis sa probinsiya natin. Si Yna, bunsong kapatid ko. Dito na siya lumaki sa Manila,’ sabi naman ni Bianca.
‘Ahh. Hahaha. Hmn .. Ikaw? Saan ka ba ngayon nagschool?,’ tanong ni Kevin kay Bianca.
‘Hahaha. Hulaan mo,’ sagot ni Bianca.
‘Loko ka talaga. Haha. Alam mo namang bago pa lang ako rito sa Maynila. Haha,’ sagot ni Kevin.
‘Sige bibigyan kita ng clue. Pero bawat clue dapat may fries,’ patawang sagot ni Bianca.
‘Hahaha. Takaw mo rin eh no. Hahaha. Utak mo pa. Hahaha. Kahit magbigay ka ng clue, wala naman akong idea sa tutukuyin mo dahil nga bago lang ako rito,’ sagot ni Kevin
‘Hahaha. Sige na nga. Sasabihin ko,’ sabi ni Bianca na parang may naiisip.
‘Ahh .. Hmn ..,’ bitin na sagot ni Bianca at waring nag-iisip.
‘Sige, o-order na ako ng Big Mac! Para sa’yo lang! Kahit kailangan talaga. Hahaha. Takaaaw mo!,’ pang-aasar na sagot ni Kevin.
‘Hahaha. Yehey!,’ tuwang-tuwa namang sagot ni Bianca.
Habang nasa pilahan sa counter, naalala niya bigla ang oras.
‘7:30 na pala. Yari ako kay tiya,’ nasabi niya sa sarili.
Kinapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
‘Aww, wala pa yata rito. Mamaya ko na lang tetext si tiya,’ nasambit ni Kevin sa kanyang sarili.
Nakapag order na rin si Kevin ng pagkain at pabalik na rin sa kanilang inuupuan ni Bianca.
‘Takaaw! Ayan na,’ sabi ni Kevin kay Bianca at sabay inabot ang pagkain.
‘Ang bait bait mo talaga kev hahaha,’ tuwang-tuwa na sagot naman ni Bianca kay Kevin sabay kinurot ang magkabilang pisngi nito. ‘Ang cute mo Kev. Hahaha,’ sabaty sabi nito.
‘Matagal ko ng alam yun. Hahaha. Nambola ka pa, pagkain lang naman habol mo. So where are you studying?,’ tanong ni Kevin kay Bianca.
‘Hahaha. Sa school mo,’ sagot naman ni Bianca habang abala sa pagkain.
‘Weh? Talaga? Hahhaa,’ pagkokompirmang tanong nito kay Bianca.
‘Hahaha. Oo nga,’ sagot naman ni Bianca sabay alok ng pagkain kay Kevin.
‘Hahha. Ayos pala yun. Pwede tayo magkita,’ nakangiting sagot ni Kevin.
‘Tama Kev. Hahaha. At lagi na rin ako malilibre sa pagkain. Hahaha. Yey!,’ sagot naman nito kay Kevin.
Bigla naman itong tinignan ni Kevin. Di alam kung dapat ba siyang matuwa o hindi. Napabuntong-hininga na lamang siya.
‘Napakatakaw talaga nito. Mamumulubi yata ako. Kung di lang kita kaibigan ehh,’ nasabi na lamang ni Kevin sa kanyang sarili.
‘Oh bakit?,’ tanong ni Bianca ng makita niya ang reaksyon ni Kevin.
‘Hahaha. Wala. Ay! Teka, nagsabi ka na ba sa bahay niyo? Kay tita?,’ tanong ni Kevin kay Bianca.
‘Don’t worry Kevs, nagtext na ako kay Mama kanina nung nag order ka ng food,’ sagot naman ni Bianca.
Binuksan naman ni Kevin ang kanyang bag para tignan kung tumawag na ang kanyang tiya.
3 missed calls.
‘Yareee!,’ bigla na lamang nasabi ni Kevin.
‘Bakit? Ano yun?,’ tanong ni Bianca.
‘Di pa kasi ako nakapagtext kay tiya eh. Di ko nasabi na di muna ako makakauwi. Baka nag-aalala na yun. Teka, tawagan ko muna ah.,’ pagpapaalam ni Kevin.
‘Hello auntie? Sorry po di ko po nasagot ang tawag ninyo. Dumaan na lamang po ako sa kainan kasama ang aking kaibigan,’ sabi niya sa kanyang tiya.
‘Oh sige. Basta wag gaano papagabi at delikado. Ingat,’ sagot naman ng kanyang tiya.
Pagpatay ni Kevin sa kanyang cellphone ay tinignan niya si Bianca.
‘So we’re okay we’re fine baby i’m here to stop your cryin’ chase all the ghost from your head smarter than the monster beneath your bed, smarter than the tricks played on your heart, look at them together add and don’t take them apart, adding up a total of a love that’s true you multiply life by the power of two,‘ kanta naman ni Bianca sabay senyas ng peace sa kanyang kamay.
Nakangiti naman si Kevin sa kanyang kaibigan. ‘Wow. Galeeng kumanta ah. Parang dumilim bigla ang kalangitan. Hahaha,’ pang-aasar ni Kevin.
Napabusangot na lamang si Bianca.
‘Hahaha. Ito naman biro lang. Oh siya, tapos ka na ba kumain? Uwi na tayo dahil gabi na. Baka hinahanap ka na nila tita,’ sabi ni Kevin.
Kaya naman nag-ayos na rin si Bianca para sa kanilang pag-alis.
‘Saan ka ba nakatira?,’ tanong ni Kevin kay Bianca.
‘Malapit na ako. Dun lang sa may pangatlong kanto. Pwede na siguro lakarin,’ sagot naman ni Bianca.
‘Wow. Hahaha. Doon rin ako banda nakatira eh, siguro pangatlong bahay lang paglagpas doon,’ sabi naman ni Kevin.
‘Hahaha. Eh di mabuti para may kasabay ako sa paglalakad. So tara na?,’ pag-aya naman ni Bianca.
Maraming napag-usapan ang magkaibigan habang naglalakad. Ang dami nilang binalikan sa nakaraaan. Sobraang saya lang nilang dalawa. Parang dalawang tao na di maubusan ng kwento. Hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay nila Bianca.
Malaki ang kanilang bahay. Halatang umasenso na rin sila sa buhay.
‘Salamat sa time Biancs. Hahaha. Nag-enjoy ako. Di ka pa rin talaga nagbabago,’ sabi ni Kevin.
‘Hahaha. Ikaw rin Kev. Hilig mo pa ring mang-asar. Hahaha. Pero thank you talaga. Sobrang unexpected yung makikita kita sa tagal ng panahon na di tayo nagkita. Parehas pa pala tayo ng school at magkapitbahay lang pala. Hahaha,’ masayang tugon naman ni Bianca kay Kev.
‘Haha. Di ko rin inaasahan yun eh. Galing mo kumanta kanina ah. Haha. Hmn .. Biancs ..,’ bitin na pagkakasabi ni Kevin.
‘Ano yun?,’ tanong ni Bianca ka Kevin.
‘Ahh .. Ano .. May sasabihin kasi ako ..,’ pagpapatuloy ni Kevin.
‘Ano nga yun? Hahaha,’ sagot ni Bianca.
‘Ah ano kasi .. Naalala mo pa yung dati .. Nung may bini ..’ pagtutuloy ni Kevin ng biglang maputol ang kanyang sasabihin dahil dumating na ang Mama ni Bianca para pagbuksan siya ng pinto.
‘Oh? Iho. Nariyan ka pala. Dati ang liit mo pa, ngayon eh mas matangkad ka pa yata sa akin,’ salubong nabati naman ng Mama ni Bianca na si Nanay Marlyn.
‘Hahaha. Kay tagal na rin po ng huli ko kayong nakita. Di pa rin ho kayo nagbabago. Lalo pa po kayong bumabata,’ pambobola naman ni Kevin sa Mama ni Bianca.
‘Maloko na rin itong batang ito ah. Hahaha. Oh ano? Pasok ka muna? Dito ka na maghapunan,’ paanyaya ni Nanay Marlyn.
‘Ehh salamat na lang ho Nay Marlyn, pero kailangan ko na rin po umuwi dahil nag-aalala na po si tiya sa akin,’ sagot naman ni Kevin.
‘Ah ganun ba iho? Sige sa susunod sana mas makakwentuhan kita,’ sabi naman ni Nanay Marlyn.
‘Ma, doon lang po siya nakatira sa ikatlong bahay,’ wika ni Bianca.
‘Ahh. Malapit lang pala kayo dito iho. Maari kang bumisita rito basta katok ka lang sa gate,’ sabi naman ni Nanay Marlyn.
‘Sige Nay Marlyn, Una na po ako. Babawi po ako sa susunod, kukuwentuhan ko po kayo. Haha,’ pamamaalam naman ni Kevin.
‘May sasabihin ka pa di ba?,’ biglang sabi naman ni Bianca.
‘Hahaha. Ehh wala yun. Bukas na lang,’ sagot naman ni Kevin.
‘Paalam ho Nay, Bye Bianca. Bukas na lang,’ nakangiting pamamaalam ni Kevin.
Naglakad na nga si Kevin pauwi.
‘Sana man lang nasabi ko. Kahit ngayon lang. Matagal tagal ko na rin yung tinago,’ nasabi na lamang ni Kevin sa kanyang sarili.
… may karugtong 🙂
x———————————————x
Natanggap po ako ng comments 🙂
Sorry po. Di po talaga ako Pro na writer. Haha.
Salamat po sa pagbabasa 🙂
- Unang Tingin 🙂 1.02 - October 28, 2024
- Unang Tingin 🙂 1.01 - October 18, 2024
- Unang Tingin 🙂 - October 10, 2024