Unang Tingin :) 1.01

Real Sex Stories

Unang Tingin 🙂 1.01

By kyzel

 

Sa pagpapatuloy 🙂

x————————————x

Habang ang mga magkaklase ay abala, bigla may pumasok na isang babae.

Matangkad. Mahaba ang buhok. Pinong kumilos. Umupo siya sa upuan para sa mga propesor. Nilapag ang kanyang gamit.

May mga ilang estudyante na nakapansin na sa kanya. Ang iba ay tumigil sa pag-iingay at umupo ng maayos, habang ang iba ay patuloy pa rin sa kanilang ginagawa.

‘Good Morning Class’

Nakuha niya agad ang atensyon ng kanyang mga estudyante.

‘I’m Miss Valerie Kim Macalintal, I’ll be your professor in Biology and also the class adviser, I hope that we’ll have a productive sem and enjoy niyo lang ang college life’

Napahanga ang ibang estudyante dahil sa angking ganda ni Miss Valerie.

‘Pare, ang ganda naman ng propesor natin’ Sabi ng katabi Kevin na si Miguel.

‘Pare, kakasimula pa lang ng klase ano ka ba? Haha. Ikaw talaga. Tsk.’, yun na lamang ang nasabi ni Kevin sa kanyang seatmate na si Miguel.

Si Miguel ay isang normal na lalaki. Pilyo pero alam naman ang kanyang limitasyon dahil may pinangangalagaan na pangalan. Nag-iisang anak siya ng isang mayaman na mag-asawa na may-ari ng isang istablisyimento na malapit lamang sa kanilang unibersidad.

Biglang pagsisimula ng kaklase, nagpakilala sila isa-isa.

Habang nagpapakilala isa-isa ang mga kaklase ni Kevin, may napuna siya. Merong isang babae na dumaan sa labas ng kanilang silid-aralan. Sinundan niya ito ng tingin. Hanggang sa mawala ito, at matigilan siya sa pag-iisip.

‘OY! Pre, ikaw na!’ sabi ni Miguel.

‘Huh?,’ sagot naman ni Kevin.

‘Mister, the guy beside Mr. Miguel Zamora .. It’s your turn.’ sabi ni Ms. Valerie

Dahil sa kanyang pag-iisip, nawala sa kanyang isip ang unang gawain nila, at dahil sa pagkahiya .. Napayuko na lang si Kevin. Tumayo. Saka nagpakilala.

‘Good Morning. I’m Kevin James Ching, I currently live with my aunt’s house in Quezon City. I studied in San Joaquin Parochial School in Bacolod.’

Pagkatapos magpakilala ay naupo na si Kevin.

‘Pre, ano ba nangyare sa’yo kanina? Hahaha, lalim ng iniisip mo eh. Hahaha’ sabi ni Miguel.

‘Wala yun. Haha.’ sagot naman ni Kevin.

Nagsimula na nga ang klase nila. Nagpatuloy ang unang klase nila ng maayos. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Bukod kay Miguel, naging kaibigan niya rin Mark. Si Mark ay katabi naman ni Miguel sa upuan.

Si Mark ay isang tahimik na estudyante, ngunit dahil sa pagiging madaldal ni Miguel ay nakapalagayan rin nila ito ng loob at naging kaibigan. Si Mark ay panganay sa apat na magkakapatid. Dahil sa siya ang panganay, siya ang inaasahan ng kanyang mga magulang na mag-aahon sa kanila sa hirap. Isa sila sa mga maralitang pinoy, pero dahil sa matalino si Mark ay nakapasok siya sa isang unibersidad bilang isang iskolar.

‘Pre, una na ko ah. May gimik pa ko. Haha’, wika ni Miguel ng magtapos na ang kanilang klase.

‘Sige pre, Ingat na lang,’ wika naman ni Kevin kay Miguel.

BRUUUUUUUMMMMM!

Sabay naman alis ng sasakyan ni Miguel.

‘Oh ikaw Mark? Saan ka?,’ tanong naman niya kay Mark.

‘Uwi na ako. Kailangan ko pa tulungan ang Inay sa pag-aalaga ng mga kapatid ko,’ katotohanang sagot naman ni Mark.

‘Ah ganun ba? Sige Ingat ka ah, una na rin ako.’ sagot naman ni Kevin kay Mark.

Naghiwa-hiwalay na nga ang magkakaibigan.

Habang naglalakad si Kevin pauwi, naalala niya na naman ang babae na nakita niya kanina.

‘Parang ang mundo ay tumigil ng makita ko siya. Sayang lang at di ko nakita ang kanyang mukha’ nasabi na lamang ni Kevin.

Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip, may isang babae na parang nagmamadaling maglakad galing sa likod niya.

‘Shiiiiiiiiii—‘

Muntik pang mapamura si Kevin ng mabangga siya ng babae. Pero nang makita niya ang buhok nito at ang damit .. Parang may naalala siya.

‘Tama! Tama! Siya yung babae’, nasabi ni Kevin dahil yun ang babaeng nakita niya kanina na dumaan sa labas ng kanilang silid-aralan.

‘Sundan ko kaya siya? Pero hindi. Di ko pa nga siya kilala eh. Huwag na lang.’ mga salitang nasabi ni Kevin sa kanyang sarili.

Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang paglalakad hanggang sa sakayan.

Maraming tao. Ang haba ng pila. Matatagalan siya bago umuwi.

Dahil baguhan pa nga lang sa Maynila, ito ang isa sa mga bagay na di pa alam ni Kevin. Ang rush hour, kung saan halos lahat ng mga empleyado ay nag-uuwian at sabay-sabay pa.Maraming sasakyan pero mas maraming tao. Mausok. Maingay.

‘Alas Sais na pala, ganito ba talaga rito? Ang hirap naman sumakay. Baka hinahanap na ako nila tiya.’ nasabi na lamang ni Kevin habang naghihintay na makasakay.

6:32 PM na pero di pa rin nakakasakay si Kevin.

‘Hello?,’ sagot ni Kevin ng may tumawag sa kanyang cellphone.

‘Iho, asan ka na ba? Anong oras na at wala ka pa?,’ tanong ng kanyang tiya

‘Auntie, ang haba po kasi ng pila dito sa sakayan po. Meron pa po bang ibang way para makauwi po?,’ tanong naman ni Kevin sa kanyang tiyahin.

‘Oh sige ganito sumakay ka sa ….’ sagot ng kanyang tiya.

‘Ah sige po. Okay po. Salamat po,’ sagot naman ni Mark.

Tumawid si Mark sa overpass at nag-abang ng jeepney.

‘Oh, Project 6! Project 6! Tatlo pa oh,’ sigaw ng barker ng jeep.

‘Boss, dumadaan po ba ito ng Banawe?,’Tanong ni Kevin sa barker.

‘Ah. Opo. Sir,’ sagot naman ng barker.

‘Salamat po,’ sagot naman ni Kevin sa barker at sumakay na siya ng jeep.

Magkahawak ang ating kamay at walang kamlay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay .. Lalalala .. lalala .. lalala .. lalala ..” tumugtog ang ang kanta ng Ereaserheads na Huling el Bimbo. Habang tumutugtog ang kanta may naaalala si Kevin. Isang tao na naging kaibigan niya ng siya ay bata. Matalik na kaibigan.

Tumatakbo silang dalawa sa playground. Naglalaro. Mga batang walang kapaguran sa habulan at kakatawa. Yun yung mga panahon kung saan wala silang iniisip kundi ang maging masaya at laging magkasama lang.

Habang nasa gitna ng pagbabalik-tanaw si Kevin, ay biglang may sumakay na pasahero. Nagkataaon pa na ito ay umupo sa kanyang kaya nasira ang kanyang pag-alaala sa nakaraan. Nang tingnan niya ang pasahero ay ngulat siya.

‘Ikaw si .. Kevin di ba?, tanong ng babae.

Di kaagad makasagot si Kevin sa pagkabigla.

‘Ahh-uhh, Ikaw si …….’, utal na pagkakasabi ni Kevin.

‘Si ..Bianca,’ utal man ay nasabi ni Kevin ang pangalan ng babae.

Si Bianca ay kanyang kababata at isa sa pinakamatalik niya na kaibigan. Madalas pa nga silang maghabulan nun sa gitna ng bukid, at makipaglaro sa mga kambing at kalabaw na naroon. Lagi niya itong kasama. Madalas silang maglaro. Maging ang mga magulang nila ay malapit sa isa’t-isa. Masaya na sana ang lahat, pero tulad nga ng sabi sa mga babasahin ‘Ang lahat ay may katapusan, masay man ito o hindi’‘. Malungkot man isipin na ang kanyang kaibigan ay mawawalay sa kanya, kailangan niyang hayaan iyo para mas maging masaya at mapabuti.
‘Buh-bye Kevin ingat ka,’ yun ang mga huling kataga na narinig niy kay Bianca bago ito umalis sa kanilang lugar at lumipat sa Maynila.

Pagkasabi ni Kevin sa pangalan ng babae, ay bigla siyang hinampas nito sa braso.

‘Grabee Ka Kev ahh. Parang nakalimutan mo na yata ako,’ waring nagtatampo si Bianca.

Napakamot naman ng ulo si Kevin, dahil sa sakit ng paghampas ni Bianca sa kanyang braso at di niya rin alam kung paano sasagutin ang kababata.

“Uyyyy! Tatahimik ka na lamang ba? grabee ganyanan na talaga eh no? Porket matagal na tayong di nagkita,’ halatang nagtatampo na talaga si Bianca.

‘Ah ehh ehh di naman sa ganun. Naninibago lang ako kasi ang nagbago ka na,’ sagot naman ni Kevin.

Humarap naman bigla si Bianca at biglaang nagtanong, ‘Nagbago? Sino? Grbaee ka talaga,’ hinampas niya ulit ito sa braso.

‘Nakakarami ka na biancs ahh. Hahahhaha. Medyo masakit na ah. Haha. pero seryoso, nagbago ka na talaga,’ sabay ngiti naman ni Kevin.

‘Huh,’ tugon naman ni Bianca

‘Kasi ang ganda mo na. Saka sigurado ako, marami ka na rin kaibigan dito .. Masayahin ka pa rin ehh. Tulad ng dati’, sagot naman ni Kevin.

Namula naman si bianca sa nasabi Kevin tungkol sa kanya.’Hahaha. ang bolero mo rin eh no? Hmp!,’ sagot naman ni Bianca.

‘Seryoso kasi yun. Promise. Haha. Pero mas maganda ka talaga nung madulas ka sa pupu ng kalabaw dati. Wahahaha,’ sabay tawa ng malakas ni Kevin at nakitawa na rin si bianca ng maalala niya ito.

Bigla namang nagtinginan ang mga tao sa kanila.

Nagdesisyun na lang sila na bumaba na lang muna ng jeep.

‘Manong, Para ho.,’ sabi ni Kevin kay Mamang Driver.

Pagkababa ng jeep ay naghanap sila ng makakainan.

At para na rin mas maayos silang makapagkwentuhan 🙂

x————————————————x

Dyan na lang po muna 😀

kyzel
Latest posts by kyzel (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x