Two Sided Coin 37 – Mahabang panaginip (One Beautiful Smile)
By thehunters
lumipas ang panahon at mabilis na tapos ang taon graduation na namin nila carla
ang ganda nya sa suot nyang damit pero hindi ko malaman kung bakit may lungkot
na nakabakas sa kanyang muka.
nag tataka ako dahil kahit anong bati ang gawin ko kay carla ay hindi nawawala
ang lungkot sa muka ni carla hindi ko nalang eto pinansin.
natapos ang graduation namin ni carla na hindi ko sya nakakausap hindi ko alam
kung bakit pero iniwasan ko nalang si carla na sa isip isip ko na malungkot lang
ang aking mahal.
natapos ang gabi hindi ko nakausap si carla ng makatangap ako ng isang text mula
kay carla na talagang pinag tataka ko.
‘Salamat sa lahat’ ang nakalagay sa text na natangap ko mula kay carla pinagtaka
kung ang bagay na un nag reply ako at tinanong kung para saan ang pag papasalamat
na un pero hindi na sya nag reply.
sumapit ang umaga at masaya akong pumunta sa bahay nila carla at kumatok sa gate
nila.
“tao po carla” sigaw ko mula sa labas ng gate nila carla habang kumakatok ako.
pero walang sumasagot parang walang tao sa loob ng bahay ng may lumabas na isang
matanda mula sa loob ng bahay nila.
“ah andyan po ba sila carla” magalang na tanong ko sa matandang babae na lumabas
mula sa bahay nila carla.
“ay nako iho hindi mo ba alam na umalis na sila kagabi pag tapos ng graduation
ni carla” sagot sakin ng matandang babae.
hindi na ako nakasagot at lumakad nalang ako papasok ng bahay nakasalubong ko
pa ang aking ama at ina may tinanong sila hindi ko na naintindihan ang alam ko
ay gusto kung pumunta sa kuwarto at mag kulong.
pag pasok ko sa kuwarto ay sinara ko ang pinto at dirediretso akong pumunta sa
banyo binuksan ang shower at hinayaang mabasa ang aking katawan kahit may suot
pa akong damit.
habang patuloy na nababasa ang aking katawan ng bukas na shower ay naupo ako sa
sahig walang reaksyon.
ilang oras na pala ang lumipas ng pumasok ang aking ina saking kuwarto at nakita
akong basang basang nakaupo sa tapat ng shower at hinipo ako.
“hay ano kaba ang taas ng lagnat mo ano bang ginagawa mo dito nag papakamatay kaba
vic” sirmon sakin ng aking ina pero hindi parin ako natitinag kaya tinawag nya
si ama at binuhat ako nito palabas ng banyo.
“marivic mag bihis ka at maguusap tayong dalawa” galit na utos ng aking ama sakin
kaya napilitan akong mag bihis.
ilang minuto rin akong nag bihis pakiramdam ko ang bigat ng aking katawan hindi
gumagana ang aking isip walang laman isang basyo ng bote na walang laman kung di
hangin.
“hoy marivic anong problema mo anak” tanong ni ama sakin.
hindi ako sumagot ni hindi nga ako natinag sa pag kakaupo ko sa kama sa tanong
ni ama.
nagising nalang ako ng tamaan ako ng sampal mula sa kay ama isang malakas na
sampal ang gumising saking parang patay na pag katao.
“Daaaaaaaaad…..”unang salitang binitawan ko pag tapos ng ilang oras na katahimikan
ka sabay ng pag tulo ng luha.
hindi na nakapag salita ang aking ama dahil sa biglang pag yakap ko sa kanya
ng mahigpit.
“ano bang problema anak” pa bulong na tanong ni ama sakin habang mahigpit nya
akong niyakap.
“si si carla po iniwanan ako daaaad” sumbong ko sa ama na parang bata hindi nalang
sya sumagot at niyakap nalang ako ng mahigpit.
ilang oras din akong niyakap ng aking ama bago sya nag salita.
“ganito nalang vic pakikilala kita sa isang babae na parang si carla gusto mo
ba yun anak” tanong sakin ni ama di ko alam kung bakit pero tumango lang ako
para sa pag payag.
lumipas ang araw na ako ay nag kulong sa kuwarto ayaw lumabas at walang gana sa
pag kain.
ang minuto ay naging oras at ang oras ay naging araw hindi nag tagal ang araw
ang naging lingo pero wala parin akong pag babago.
pero isang tawag ni ama ang nag pabago sakin at nag pabalik saking katinuan.
“marivic anak halika dito at may pakikilala ako sayo” tawag ni ama sakin mabagal
akong lumabas ng kuwarto ko.
mabagal akung bumaba sa hagdan pa baba palang ako ay nakita ko na ang isang
magandang babae maganda mahaba ang buhok at maputi.
“ano un dad” malungkot na tanong ko kay ama ng makababa ako hindi ako tumitingin
sa babae na kasama ni ama.
“oh sige iha mag pakilala ka sa anak ko” utos ni ama sa babae na nakatayo sa
harap ko.
“ako nga pala si Samantha Rose Conception pero you can call me sam” nakangiting
pakilala ni sam sakin at inabot pa nya ang kanyang kamay.
nahihiya ako dahil sa itsura ko at alam kung na ngangamoy na ko dahil ilang araw
narin akong di naliligo kaya halos ayoko syang kamayan.
un nga ang ginawa ko hindi ko sya kinamayan at tumakbo ako pabalik saking
kuwarto hindi dahil sa ayoko kung hindi dahil sa gusto ko munang maligo para
naman di ako nakakahiya sa aming bisita.
pag pasok ko sa kuwarto ay mabilis kung nilock ang pinto at kumuha ng malinis
na damit sa aparador.
nagmadali akong makapasok sa banyo pag tapos kumuha ng damit ang lamig pala ng
tubig kung ilang araw ka ng di naliligo pero presko at ang gaan sa katawan
sampung minuto akong nag tagal sa banyo.
nag dadasal na sana hindi pa umalis si sam dahil saking inasal kaya ng masigurado
ko na malinis na ako ay kinuha ko ang tuwalya at mabilis na tinuyo ang aking
katawan.
nag bihis ako ng mabilis at nag ayos ng sarili nag suklay ako pero bago ko ginawa
un ay tinitigan ko ang aking sarili sa salamin at sinabi saking sarili na iba na
ang vic na bababa at makakaharap ni sam.
at sa unang pag kakataon nilagyan ko ng wax at sinuklay pa taas ang aking buhok
at nag seryoso ng muka.
mabilis akong lumabas saking kuwarto at bumaba nag dadasal na hindi pa umalis si
sam.
hindi naman ako binigo ng pag kakataon andun pa si sam kausap si ama at ng makita
ako ay ngumiti nanaman si sam ng pagkatamis tamis at pag ka ganda ganda.
hindi ko mapigilang mamula dahil sa ingiting ginawa ni sam sakin.
“ah marivic montero nga pala ang pangalang ko vic nalang for short ” nahihiyang
pakilala ko saking sarili kay sam na nginginig pa ang kamay kung inabot kay sam.
“kala ko di kana mag papakilala eh Samantha Rose Conception call me sam” pakilala
ulit ni sam sakin at ng mga oras na ung parang may kung anong bagay ang nag pa
galaw saking katawan.
dahil bigla kung niyakap ang katawan ni sam sa oras na dumapo ung kamay nya
saking kamay at nag bitiw ng salitang hindi ko alam kung saan galing.
“wag mo sana akong iwanan please wag di ko kakayaning mawala ka” ang sinabi ko
kay sam habang yakap yakap ko ang kanyang katawan kasunod nito ang pag tulo ng
luhang matagal kung pinigilan ang pag laya.
alam kung naramdaman ni sam ang pag patak ng aking luha sa kanyang balikat kaya
siguro sya gumanti ng yakap sakin.
“wag kang mag alala hinding hindi kita iiwan vic” sagot sakin ni sam na nag
pabalik sakin sa aking katinuan at nag pa bitiw sakin sa pag kakayakap ko kay sam.
“ah sorry di ko alam kung anong pumasok sakin” nahihiya kung pag hingi ng tawad
kay sam dahil saking nagawa at pinunasan ko ang aking luha.
ngumiti lang sakin si sam at muli akong niyakap ng mahigpit nanigas ang katawan
ko sa ginawa ni sam at muling tumulo ang luha ko.
“hindi kita iiwang sasamahan kita hangang sa pag tanda mo” pangako sakin ni sam
na nag pahagulgul sakin ng malakas at nag payakap sakin ng mahigpit na mahigpit
sa kanya.
ilang minuto kaming nanatiling mag kayakap ng mag salita si ama.
“ah vic baka gusto mong pakawalan si sam at hindi mo sya girlfriend remember”
utos sakin ni ama na habang nakangiti.
na naging dahilan ng mabilis na pag bitaw ko kay sam at halatang halata na
namumula ang aking muka dahil sa hiya ng aking ginawa.
si sam naman ay nakangiti parin ng sobrang tamis at inutusan kami ni ama na
umupo muna at may pag uusapan daw kaming tatlo si ina naman ay wala dahil may
importanting meeting na kilangan puntahan.
nakatitig parin ako kay sam habang umuupo hindi ko alam kung bakit pero parang
may bagay akong hindi na maalala isang tao na hindi ko matandaan.
isang pangalan na hindi ko maalala at hindi ko kayang bigkasin na kahit na anong
gawin kung isip kung sino sya at kung ano ang kinalaman nya saking utak ay hindi
ko sya maalala.
kaya tinigil ko nalang ang pag iisip at nakinig nalang sa pinag uusapan.
“so sam iha gusto kung kumuha ka ng business admin course” utos ni ama kay sam na
sadyang kinalito ko.
“opo un naman po ang balak kung kunin from the start” pag sangayon ni sam kay
ama.
“teka dad business admin course diba ako dapat ang kukuha non” tanong ko kay
ama na may halong pag tataka.
“oo vic pero kung gusto ko syang maging secretary mo ay dapat marunong rin sya
sa business tama ba” tanong ni ama na nag patango lang sakin at tumingin ako kay
sam.
ngumiti lang si sam sakin at muli nanaman akong namula dahil kahit gano ko ata
sya katagal titigan ay lalo pa syang gumaganda sa aking paningin.
“teka dad secretary ko” tanong ko kay ama habang naka titig kay sam dahil ang
ganda talaga nya kahit titigan mo di nakakasawa.
“oo anak pag tapos nyo ng college you and sam will take over the business” naka
ngiting sinabi samin ni ama si sam naman ay tuwang tuwa sa sobrang tuwa nya ay
napayakap siya sakin.
kaya napa lingon ako at hahalikan sana ako ni sam sa pisngi pero tumama eto sa
aking labi na nag patigil sa kanyang kagalakan at nag pa bitiw sa pag yakap sakin.
“ah eh sorry ah” pag hingi ko ng tawad kay sam sya naman ay nakayuko lang at
hindi makatingin sakin.
“okay lang sorry din” nahihiyang sagot sakin ni sam.
natawa lang si ama sa ng yayari samin at tumayo sya at tumatawang lumakad
papalayo at pumanik sa taas ng bahay.
ng masigurado naming wala na si ama ay nag ngitian kami ni sam.
“nag lalaro ka ng games” kakaibang tanong galing sa isang magandang babae
tumango lang ako para sagutin ang tanong nya.
“talaga anong games mo laro tayo” naka ngiting sabi ni sam at hinatak ako papunta
ng kuwarto ko nag tataka ako kung bakit alam nya kung nasaan ang kuwarto ko.
sya na mismo ang nag salang ng game uso palang siguro nun ay ps1 pa lang
tekken ang sinalang nya at nakangiting umupo sa sahig at tinapik ang tabi nya
na parang sinasabing maupo ako.
natutuwa ako kasi hinahamon nya ako sa favorite game ko kaya tinanggap ko ang
hamon nya at naupo ako sa tabi nya at kinuha ang controler.
“matalo susunod sa utos ng mananalo” mayabang na hamon ko kay sam ngumiti lang
si sam sakin bago sumagot.
“sige ilang game” sagot ni sam sakin.
“2 matches” hamom ko kay sam ngumiti lang sya at tumango.
nag simula ang laban nanalo ako sa first round pero na perfect ako sa second at
third round asar na asar ako ang bulong ko sa sarili ko tyamba.
naulit ulit ang pang yayari pero ngayon di na ako nanalo luhaan ang pride kung
dinurog ni sam nakangiting humarap sakin si sam pag lapag ng controller sa sahig.
“pano ba yan talo ka” pag yayabang ni sam sakin pero nakangiti parin sya.
“oo na anong gusto mo” tanong ko kay sam ngumiti lang si sam at hinawakan ang
baba para mag isip ng pagagawa sakin.
“oh ano na ang gusto mo” pag mamadali ko kay sam.
“ah alam ko na” sigaw ni sam
Itutuloy…
- Two Sided Coin 38 – Mahabang panaginip (Accidental Kiss) - November 22, 2024
- Two Sided Coin 37 – Mahabang panaginip (One Beautiful Smile) - November 22, 2024
- Two Sided Coin 36 – Mahabang panaginip (two women) - November 14, 2024