Tukso Kay Jaja 141
By JaiPa
Sabagay, gaya na rin ng aking karanasan, na habang umiiwas ka e lalo pang lalapit sa iyo ang iniiwasan mo. Malay ko ba, baka sa pagkakataong ito e siya na mismo ang umiwas.
“..o sige pare, kita kits nalang…bye” paalam ni Ariel.
Wala naman siguro nang mawawala sa akin kung maging malapit muli kami sa isa’t isa ng dati kong kaibigan. Tutal nakuha na niya kung ano meron ako dati, sigurado naman ako sa aking asawa. Malay ko ba sa bandang huli e ipatikim pa niya sa akin si Elaine na asawa niya.
Maaga akong umuwi noong araw na iyon, nakaugalian ko nang umuwi ng maaga tuwing ako’y nasa site upang atupagin ang mga dapat gawin. Sa pagkakataong ito, day off ni misis, naghihintay na siya sa akin sa aming condo. Sinubukan ko muna siyang tawagan habang ako’y nasa traffic pauwi sa amin. Hindi sumasagot si misis, siguro nasa banyo at naliligo, alam niya kasing maaga akong uuwi at alam na niya ang aming gagawin.
Sa tuwing magtatalik kami ni Jaja ay palaging may bago. Mula sa bagong posisyon, bagong trip, mga role playing, minsan nga kahit kunyari lang e nagku-kunyari kaming may ibang kasama, para lang sumaya at maging mas kalibog-libog ang aming pribadong sandali.
Sakay pa lang ako ng elevator paakyat sa aming unit ay libog na libog na rin ako. Iniisip ko na kung ano pa ba ang surpresang gagawin ni misis noon.
Siya nga pala, regular na kalaguyo ni misis si Sarah. Pero isang malaking bawal na ako’y sumalo sa kanila.
Sa pagkakataong ito, sa kabila ng aking excitement ay nagulat din ako. Pagpasok ko’y may ibang tao. Lalaki. Kilala ko siya, at lalong kilala ni misis. May bisita pala kami, si Mark. Yung pinsan niyang mahangin.
“uy Paul kumusta?” bungad niya sa akin. “uy Mark, eto okay lang…napadalaw ka?” sagot ko naman.
Sa gitna ng aming pagbabatian, hindi ko naiwasang magalit sa aking isipan. Paano ba naman, ang suot lang ni misis e yung sandong puti at maiksing shorts na itim.
Tuwing yuyuko si misis ay bumubuyangyang ang kanyang malulusog na suso. Sa ibang anggulo nama’y masisilip mo ang maputi niyang singit. Siguro ito ang suot talaga ni misis para sa aming pagtatalik, yun nga lang, hindi rin niya akalaing dadalaw pala ang pinsan niyang si Mark.
“ah eh…magpapagawa kasi kami ng asawa ko ng paupahang apartment…”
paliwanag ni Mark
Si Mark may asawa? Parang wala naman. Parang wala akong nakita noong kasal ni hipag na kasama niya. Ewan ko lang ha, pero mukhang mas magaling yatang mag-“drawing” itong pinsan ni misis kaysa sa akin. Hindi rin kasi nabanggit ni Jaja na kasal na pala ang pinsan niyang nag-migrate sa Canada. Siguro hindi ko rin napansin noong kasal ni Trizsha, abala kasi ako sa ibang babae.
“daan ka sa office minsan para mapag-usapan natin..” sagot ko kaagad.
“…hehe bakit pa? e kaya nga ako dumiretso dito sa inyo…para maka-discount! hehe!” dahilan ni Mark.
Peste. Talaga nga naman. Ah kaya nga pala yumaman itong si mark e dahil sa kakuriputan. Siya yung tao na lahat yata e ipagyayabang, pero kapag siya ang hingan mo e parang may bulsa sa balat ang kumag.
Nginitian ko nalang ang pinsan ni misis, wala naman akong magagawa kahit ayaw kong tulungan ang lalakeng iyon. Alam kong mula pagkabata’y malapit na sila sa isa’t isa. Pumasok muna ako sa aming silid upang magpalit ng damit. Ilang saglit lang ay lumabas din ako upang makisali sa kanilang usapan, saka para bantayan na rin si misis.
“ay may tao pa love” wika ni Jaja sa akin nang ako’y magba-banyo sana.
“si-sino?” pagtataka ko.
“asawa ko nasa loob…medyo masama tiyan e..may nakain yatang panis” sabat ni Mark. Aba akalain mo, totoo ngang may asawa na si Mark. Akala ko kasi’y hangin lang din ang sinabi niyang “asawa” niya. Malay ko ba, baka kung saan lang niya napulot ang sinasabi niyang misis niya.
*click*
Bumukas ang pintuan ng aming banyo.
Kaagad akong napalingon dito dahil ihing-ihi na rin ako. Sa aking pagkakatayo’y namangha ako. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isang maputing babae, bilugan ang mga mata’t ang mga labi nama’y sing-pula ng pakwan.
“ay sorry…” mahina niyang bulong.
Ngumiti lang ako nang magtama ang aming mga paningin. Dumiretso na ako sa loob ng banyo sa pagmamadali. Habang ako’y umiihi, napaisip ako at binalikan ang
“parang pamilyar siya..” wika ko sa aking sarili.
“…putsa..It can’t be…shit” patuloy ko pang sigaw sa aking isipan.
“…shit siya nga…putsa, asawa siya ni Mark??” patuloy ko pa.
Ako’y lumabas ng banyo matapos umihi. Bumalik ako sa kinaroroonan ng aking asawa’t sumalo sa usapan nila. Pasulyap-sulyap akong palihim sa babaeng “asawa” ni Mark. Sigurado ako, siya nga ang babaeng tinutukoy ko sa aking isipan.
“oh by the way, Paul, meet my wife…” wika ni Mark .Hindi naman ako lasing, ngunit tila umiikot ang aking paningin. Hindi ako nagdo-droga subalit ang aking imahinasyo’y medyo wala yata sa timpla. Gising ba ako, o ito’y sadyang panaginip lamang? Tama ba ang nakikita ko, asawa nga ba ni Mark ang naririto? Hindi ako makapaniwala, hindi ko matanggap na ang mahanging pinsan ng aking asawa’y makakadagit ng ganito kaganda.
“oh by the way, Paul, meet my wife… Aubrey” wika ni Mark .
“hi, hi Aubrey…nice to meet you…” nagagalak kong wika.
“I think we met na before?” pahabol ko pa.
“malamang…sa wedding ni Trizsha..” sabat naman ni Mark.
Siya nga. Siya nga yung babaeng naispatan ko noong ikinasal ang aking hipag. Hindi ako pwedeng magkamali, tama nga’t marami ring mga babae noon sa piging, pero alam kong nag-iisa lang ang babaeng ito na talaga namang nangibabaw noon sa aking atensyon. Siya yung nakita ko, siya yung maputing babae na nagtanong pa nga kay Rica kung nasaan ang daan papuntang banyo. Si Aubrey.
“ah oo nga hehe…I didn’t know na you’re with Mark…” medyo may duda ko pang tanong.
“ah yes, I saw you I think dun sa comfort room…” paliwanag naman ni Aubrey Ang buong sandali ng pagpapakilala’y nagsilbing napakatagal. Parang huminto ang aking oras sa pagkilatis sa buo niyang katawan. Mula paanan niyang maputi, kasama pa ang kuko na may kulay ng itim, hanggang sa makinis niyang leeg at maamong mukha na para bang anghel sa lupa.
“so Paul, are you in?” wika ni Mark.
“ha, ah oo…saan ba yung lote mo? kumpleto na ba papers?” sagot ko naman kaagad.
Ang pag-uusap naming lahat ay naging banayad naman, nagawa kong pigilan ang tawag ng aking laman. Inilahad ng mag-asawa ang kanilang pakay, sa madali’t sabi’y ako na nga ang gagawa ng kanilang apartment.
“well, me and Aubrey will be here sa Pinas for a while, mabilis naman matapos yan diba?” tanong ni Mark.
“oo, saglit lang yan…pero sa Canada pa rin ba kayo mag-stay?” tanong ko.
“maybe, maybe not…medyo hindi pa settled e…besides, we need some place to stay din while we are here, and at the same time, kumikita yung building” wika ni Mark.
Doon na rin naghapunan sa amin ang pinsan ng aking asawa kasama ang kanyang kabiyak. Nawala na sa isip ko yung plano dapat namin ni Jaja na magsolo, natakpan na ito ng labis na paghanga ko sa babaeng kasama ni Mark. Tahimik itong si Aubrey, laking Canada pero dito rin naman ipinanganak sa Maynila. Hindi kami direktang nag-uusap kanina, kadalasa’y pinapasabi niya ang nais sa asawa upang sabihin din sa akin. Shy type.
Sa kabilang banda, sa kabila ng aking paghanga sa taglay na ganda ni Aubrey ay medyo nawalan na din ako ng gana. Hindi ko naman kasi akalaing asawa pa pala ito ng pinsan ni misis na mayabang din. Oo, swerte nga siya, inisip ko nalang, kuntento kaya ang asawa niya sa kanya.
“why don’t you stay here nalang kasi insan? tutal established naman na kayo ni Aubrey diba?” wika ni misis sa kanila.
“…I would love to insan, pero sa tingin ko kulang pa…alam mo na mahirap din buhay dito sa Pinas…” sagot naman ni Mark. Tuwing magtatama ang mga mata namin sa harap ng hapagkainan ni Aubrey ay napapangiti siya. Bagay na akin din namang ikinatuwa. Lumalim pa ang gabi, wala yatang balak umuwi ang mag-asawa naming bisita. Mabuti na rin, at least enjoy naman ako sa presensya ni Aubrey.
Hindi nagtagal ay nagkayayaan ang lahat na magkaroon ng munting inuman.
“no no, ako na, ako na bahala…” wika pa ni Mark.
Aba akalain mo, dati noon hindi mo ito maaasahang mauunang bubunot ng pera. Siguro nga naging successful siya sa buhay kaya’t dapat lang naman na ibahagi niya kung anong biyaya meron siya.
“hihi! why don’t you guys go na lang? both of you…sige na at mauubos oras natin kung hindi kayo magkakasundo kung sino ang taya” sagot ni Jaja.
Sa isang iglap ay tila napawi ang dati kong pagtingin sa mayabang na pinsan ng aking asawa. Dahil kaya ito sa dala niyang bebot na maganda kaya ako’y interesado na sa buhay niya?
“so, Paul ano ba gusto mo inumin?” tanong ni Mark.
“uh, kahit ano okay lang sa akin…” sagot ko naman.
Hindi ko na nakitaan pa ng kung anumang yabang si Mark noong gabing iyon. Para bang nagkaroon ako ng bagong kaibigan.
Pero hindi ko naman din inalis sa aking isipan na kaya lang ginagawa ito ni Mark ay dahil sa pabor na manggagaling sa akin. Malay ko ba kung gusto pala niyang maka-libre sa serbisyo ko bilang isang inhenyero.
Iniwasan ko rin na maging pabaya sa mga kilos ko. Habang nag-iinuman kami nila Mark ay hindi na ako nagpakita pa ng paghanga sa asawa niya. Ganun din para kay misis, alam kong pwede rin siyang mag-isip ng kakaiba sa akin. Hindi na ako umasa pa, hindi ko na inasahang makakaisa ako sa asawa ni Mark.
Pampagana lang kung baga, dagdag imahinasyon para sa kantutan naming mag-asawa mamaya.
“teka nga insan, bakit ba wala pa kayong anak?” maintrigang tanong ni misis.
“hahaha! bakit? nagmamadali? may lakad?” pabirong sagot ni Mark. “why not?” patuloy ni Jaja.
Doo’y tinignan ko si Aubrey, inalam ko ang magiging reaksyon niya. Kunektado naman kasi kahit paano diba, anak-buntis-seks. Dahil likas sigurong mahiyain ang asawa ni Mark, kaagad namula ang mga pisngi nitong maputla.
Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin, siguro hindi siya sanay sa mga ganitong usapan, lalo pa siguro kung ang usapa’y tungkol na sa kanyang kaselanan.
“in God’s time…” wikang muli ni Mark
“…e teka nga, diba halos limang taon na yung anak nyo? bakit hindi nyo pa sundan?” hirit naman ni Mark.
Dala siguro ng alak, eto na’t humirit na ang aking asawa. “well, depende kay Paul yan hihi!” wika ni misis.
“bakit naman? mahina na yata itong bayaw ko ah…hehehe!” ayuda pa ni Mark.
Hindi ko pansin ang mga patutsada nila, ang atensyon ko kasi’y na kay Aubrey. Pilit kong inaalam kung may ibang babae ba sa likod ng maamong mukha niya. Pero hindi ako nagtagumpay, boong gabi ko siyang pinagmasdan subalit consistent ang kanyang mga galaw. Dalisay at mayumi, parang hindi maka-basag pinggan.
“so paano insan…tutuloy na kami… Paul…” paalam na ni Mark.
Hindi namin naisagad ang inuman, medyo malayo pa kasi ang uuwian nila Mark at Aubrey at hindi uubrang masobrahan sa inom. Gustuhin ko man na magtagal pa sila’y hindi talaga maaari.
“oh sige, ingat kayo ha… Aubrey sabihan mo yang hubby mo mag-ingat sa pagmamaneho” wika naman ng aking asawa.
“sure…thanks for the company…bye Jaja..oh bye Paul…” paalam naman ni Aubrey.
Hindi naman ako na-zero noong gabing iyon, gaya ng aming naunsyaming plano, itinuloy pa rin namin ni misis ang aming pagni-niig. Yung nga lang, medyo mabilisan lamang dahil pagod na rin kami’t inaantok na.
Dumating ang Araw na kong saan Ang aming pag titipon ay gaganapin my kainan at inuman sigurado dun .naalala ko din na baka makita ko dun si Ariel Dahil naka pasok din sya dun Ng mag apply sya sa tulong ko na din . Nag aral na din kasi sabay ni Elaine na napangasawa na rin nya .
Masaya ang lahat, kumustahan, tsikahan, sa ilan ay pataasan pa ng ihi tungkol sa mga proyektong natapos nila. Ako nama’y palinga-linga lamang, bumabati sa ilan kong kakilala at kasabayan sa liga.
“Ui Paul kumusta ka ?” bati sa akin ng isang lalake.
“oh hi pare, kumusta? hi Elaine…” bati ko naman sa kanila.
“oh, mag-isa ka lang?” tanong kaagad ni Ariel.
“oo eh, may pasok kasi si misis…” sagot ko naman.
Medyo nainggit pa ako that night, siya kasi may kasama, ako wala. Hindi halatang nanganak si Elaine naroon pa rin ang hubog ng kanyang katawan. Sa isip ko’y naglaro kaagad ang hindi ko inaasahan, naroong ini-imagine ko nang inaalok sa akin ni Ariel ang kanyang asawa upang aking tikman. Gutom lang siguro ako, kung anu-ano na iniisip ko.
“tara pare, pwede na yatang kumain, medyo gutom na ko,sabay na tayu …” wika ni Ariel
“oh sure, sige” tugon ko naman.
Di tulad ng dati, medyo asiwa pa rin ako sa presensya ni Ariel. Alam naman ng lahat kung ano ang pinakahuling nagawa niya, or nila, sa akin.
Sa kabila nito’y naging mahinahon naman ang aming pagsasama, gaya ng napag-usapan namin dati, kukunin nga daw nila akong ninong para sa anak niya.
“maganda na yan para naman maging legal na magkumpare tayo…” wika ni Ariel.
“oo nga naman pare…sana magkita-kita ulit tayo nila Ate Jaja…” sabat naman ni Elaine.
Medyo naasiwa ako sa mga binanggit na iyon ni Ariel at ng kanyang asawa. Hindi ako sanay. Pero parang ayos na rin, ayon sa mga nababasa at napapanuod ko, magkumpare-kumare ay nagkakaroon ng tsansang magtikiman.
“maiwan ko muna kayo pare, magsi-CR lang ako” paalam ko.
Balak ko noo’y uuwi na sana ako. Kakain lang para sulit naman yung ibinayad ko sa registration, tapos ay uuwi na rin. Nagtagal lang siguro ako ng kaunti dahil nga nagkita kami ni Ariel. Pabalik na ako noon sa lamesa namin at magpapaalam na sana, pero isang bagay ang sa aki’y nakapagpanatili pa.
“Paul?” tinig ng isang babae sa di kalayuan.
Sa aking paglingon ay hindi ko kaagad nakita kung sino ang tumawag sa akin. Pamilyar ang boses, pero hindi ko alam kung sino at nasaan ang tumatawag sa akin.
“aba suplado?” patuloy ng babaeng tumatawag sa akin.
Nanliit ang mga mata ko upang titigang mabuti kung sino nga ba ang tumatawag sa akin. Tama ba ang nakikita ko? Siya ba talaga ito? Hindi ko akalaing siya nga ang aking nakita at tumatawag sa akin.
“seriously?” wika ko.
“oo ako nga haha!” sagot niya.
Lumapit sa akin si Justine. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbago ang itsura niya. Medyo pumuti siya, hindi ko alam kung ilang litrong gluta ang kanyang nagamit.
“wow. just wow. hindi kita nakilala ah?!” wika kong muli.
“sira! haha! alam mo naman ang lola mo, kaunting upgrade lang…” biro naman ng dati kong kasamahan.
“so how are you? how’s everything??” masaya kong tanong sa kanya.
“all well and good…how about you?” sagot ko naman.
Halos humaba na ang aming usapan sa gitna ng hallway na aming kinatatayuan.
Nalimutan kong may iba nga pala akong kasama. Gusto ko sana siyang yayain sa aming pwesto pero naalala kong si Ariel nga pala ang aking kasama.
“are you alone? I mean, yung mister mo kasama mo?” tanong ko.
“ah hindi, wala siya..actually out of town… ikaw?” balik naman ni Justine .
“uhm, I’m with an old friend, ingener din…pero he didn’t came with me at first..so technically alone din hehe” sagot ko.
“so uhm, see you around?” wika niya.
“okay…nice to see you again Justine..” paalam ko pa.
Ako’y babalik na sana sa pwesto nila Ariel upang magpaalam. Uuwi naman na talaga ako at gusto ko na ring magpahinga. Hindi ko akalaing makikita ko noong gabing iyon si Justine. Kaagad akong tumalikod muli upang kausapin siya.
“uhm Justine, actually I was about to go home na, ikaw, baka gusto mo sumabay?” tanong ko kay Justine.
Ngumiti lang si Justine, tila alam niya ang pumasok sa aking kukote. Lumapit muli sa akin ang dati kong kasamahan, inilapit ang mukha sa aking tenga at bumulong ng may malanding tinig.
“saan mo ko dadalhin?” ani Justine.
Sinabi kong sandali lang at magpapaalam lang ako sa kasama ko. Inabisuhan ko na lang siya na ang kasama ko’y kunektado sa aking asawa kaya’t mas maigi na sa parking area na lang kami magkita.
Sumang-ayon naman si Justine.
“Bakit hindi muna tayu uminum ?” alok pa sa akin ni Ariel
“…thank you na lang pare, maybe next time na lang…” palusot ko na lang.
Gusto ko din sanang sumama kila Ariel katuwang ang seksi niyang asawa, malay ko ba baka mamaya e ialok na nga niya sa akin ang misis niya. Pero sa tingin ko malayong mangyari iyon, doon na ako sa sigurado at subok na.
Ako’y nagtungo kaagad sa parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan, tulad ng napagkasunduan, doon ko inantabayanan si Justine. Mga ilang minuto rin akong naghintay, akala ko nga wala na siya.
Muli akong namangha sa aking nakita, mula sa loob ng sasakyan ko’y lumalakad papalapit si Justine Pinagmasdan kong maigi ang kanyang postura, ibang-iba na talaga sa noo’y nakilala kong Justine. Noon ay may pagka-boyish ang mga kilos niya, ngayon nama’y banayad na banayad ang bawat inadayog ng kanyang balakang. Nang sipatin ko ang kanyang kargada, aba at parang lumaki pa ito kumpara dati.
“so…can I come in?” wika ni Justine.
“sure…” sagot ko naman.
Nahiya pa ako sa kanya, ilang tahimik na hangin sa loob ng kotse ko ay nanaig. Kung dati ay parang barkada ko lang siya,
parang nahihiya na ako sa kanyang presensya ngayon.
“Paul…bakit parang hindi ikaw yan? parang ang tahimik mo?” tanong ni Justine.
“ah eh, wala naman…na-starstruck lang siguro ako” sagot ko.
“bolero! anu ka ba! ako pa rin ito” sagot niya.
“..ikaw pa rin ba talaga?” pahabol kong tanong.
“oo ako nga! hihihi!” patuloy ni Justine.
“so um, kape tayo?” alok ko.
“tara!” masaya niyang tugon.
Unti-unting nanumbalik ang kumpiyansa kong kausapin si Justine. Tama nga siya, siya pa rin yung dati kong kaibigan. Siguro panlabas lang na anyo ang medyo nagbago sa kanya pero ang busilak niyang ugali ay naroon pa rin. Naisip ko tuloy, papayag pa din kaya siya na makatalik ko?
Nagsilbing “reunion” namin ni Justine ang gabing iyon. Malaya ako, nasa trabaho ang aking asawa. Walang ibang babae na bubuliglig sa amin, tulad noon ni Rica, maging ang bago kong kabit na si Christine ay wala muna sa eksena. Perpekto para sa amin ang lahat, siguradong may puntos na naman si Paul.
Noon pa ma’y wala na marahil kaming naging sikreto sa isa’t isa, maituturing kong “parang kababata” ko si Justine sa aming propesyon. Magkasabay kaming nag-apprentice noon sa iisang kumpanya, magkatuwang naming binuno ang aming karera sa buhay. Hindi kaila sa lahat, si Justine rin ay aking natikman. Hindi lang natikman, ako rin ay pinalad na kanyang pinauna sa kanyang paraiso ng laman.
“how’s life Paul? kumusta kana?” ani Justine habang pinagsasaluhan namin ang tig-isang tasa ng kape.
“well and good Justine, mabuti naman ako… ikaw? it’s been a while…” sagot ko naman.
“uhm, eto, happy naman sa married life…” tugon naman ni Justine
Kahit pa sa likod ng aking isipa’y ang muli siyang makapiling, subalit nag-enjoy naman ako sa aming usapan kahit pa ito’y puro tungkol sa trabaho at pamilya lamang. Masasabi ko ring may ipinagbago na rin si Justine, dati ang mga kilos niya’y palaging libog na libog dahil kong anu ang maisip na gagawin pag tawag ng laman, pero ngayon ang pananalita pa lang niya ay para bang seryoso na sa buhay.
“so uhm, ilang taon na nga kayong kasal, one year? two?” patuloy ko.
“magda-dalawa pa lang…yeah, don’t ask, wala pa kaming anak…” wika nito.
“I didn’t mean that… uhm, bakit wala? hehe!” biro ko pa.
“haha! ikaw talaga, sabagay, wala naman akong maililihim sa iyo diba…well, sabi ko nga, out of town si hubby ko…always.” tugon niya.
Aminado ako na kanina pa lang sa aming conference nang siya ay aking nakita ay tinigasan na ako sa kanya. Sabi ko nga, mas lumabas na ang babaeng side niya kumpara dati na kung hindi mo siya huhubaran ay hindi mo mauunawaang dalaga ang iyong kasama. “ah so tigang?” biro ko na kay Justine
“yeah right. ikaw na ang laging basa! hahaha!” biro din ng aking kasama.
“…well, not really…everytime naman na magkasama kami e hindi naman siya nagkukulang…” pahabol pa niya.
“yun na man pala e…(akala ko pa naman kakailanganin mo ako)” pahaging ko pa sa kanya.
Itutuloy….
- Tukso Kay Jaja 142 - March 25, 2025
- Tukso Kay Jaja 141 - March 25, 2025
- Tukso Kay Jaja 140 - March 21, 2025
Talagang pinandigan c ariel na isang architect
Nag comment n ko dun s 140 pinaalala na tricycle driver lng c ariel pero aattend ng conference c ariel
Silent reader lng ako pero alam ko kung san mo kinuha ung kwento mo
Dahil jan report