Trixie Ang Ate Ni Gf

Trixie Ang Ate Ni Gf

Written by jerky

 

Si George ay isang istambay, bagong graduate at kasalukuyang nag rereview para sa parating na examinasyon upang maging ganap ang pagiging engineer. Makulay ang naging buhay istudyante ni George mapahighschool o maging sa Kolehiyo. Punong puno ng magagandang istorya na sa kasulukuyan ay inyong masasabing realidad sa pagiging istudyante.Namumukod tangi ang naging takbo ng istorya ng buhay niya kung maikukumpara sa mga istudyanteng inyong mga kakilala o sa buhay ninyo nung kayo ay nag aaral pa lamang. Si George ay kinatatakutan ng mga siga sa lahat ng paaralan sa kanilang bayan.

Highschool pa lamang ng mabansagan siyang LEON ng NAYON ng mga kapwa istudyante sa labing-tatlong paaralang pang-secondarya sa bayan ng Paradiso. Pinangingilagan kahit ng mga leader ng iba’t ibang gang, mapa gang sa loob o sa labas ng paaralan. Ito ay dahil sa kakaibang lakas ng kanang kamao na tinataglay. Kanya itong napansin buhat ng siya ay nabalian ng braso nung siya ay elementarya pa lamang. Hindi maipaliwanag ng kanyang ama at kahit ng kanyang sarili kung bakit ganun na lamang kalakas ang kanyang suntok matapos gumaling ang kanyang kamay sa nasabing pagkabali. Pumuputol ito ng puno ng saging sa isang suntok lang.

Tahimik na tao si George, pogi subalit rugged ang trip pag dating sa pananamit, walang mga kaibigan o grupo sa eskwela at palaging nag iisa. Sa kabila ng kanyang imahe siya ay may kakaibang katalinohan. Siya din mismo ang nagpasok sa sarili sa isang pribadong paaralan sa pamamagitan ng pag take ng scholarship exam, kaisa-isang estudyante na nka-perfect ng pagsusulit. Full scholarship ang naibigay sa kanya sa isang paaralang first class at pawang anak mayaman lamang ang nkakapasok. Simulan natin ang istorya sa unang linggo ng buhay ni George sa eskwela…

“Anak anong nangyari sa mukha mo?! Bakit puro pasa ka?” Bungad ng ama ni George na si Ka-Emir.

“Napagtulungan po ako sa eskwela itay. Wag po kayong mag alala, wala naman po akong kasalanan at nakita na man ng guwardiya ang buong panyayari.” Sagot naman ng anak.

“Hindi pwede ang ganyang sistema anak. Hindi porke’t mahirap tayo eh maagrabyado tayo ng mga mayayaman na yan.!”

“Itay nailusot ko na po ang sarili ko sa imbestigasyon ng paaralan tungkol sa kagulohang nangyari kanina…” Litanya ni George habang paakyat siya sa kanyang kwarto sabay sara ng pinto.

Napailing iling na lang ang ama at na pabuntong hininga sa awa na nararamdaman para sa kaisa isang anak.

Isang sundalo ang ama ni George, namatay na man ang ina nito sa panganganak nung siya ay isinilang.

Kinabukasan…

“Oh anak kumain ka na at ihahatid kita sa inyong paaralan, kakausapin ko ang inyong prinsipal…”

Salubong ng kanyang ama ng siya’y pababa galing sa kanyang kwarto. Nka uniporme na at handa na sa huling araw ng unang linggo niya sa eskwela. Tahimik lamang na kumain ng almusal ang mag ama. Wala na ding nagawa si George dahil alam niyang hindi na mababali ang desisyon ng ama na kausapin ang punong guro ng kanilang paaralan.

Dumating ang mag ama sa paaralan. Gulat si Mang Emir sa kanyang nalaman. Apat na mag aaral kasama ang kani-kanilang magulang ang kausap ng prinsipal. Apat na malalaking bulas na may tig iisang bandage sa mukha, isa sa mga ito’y may saklay pang suporta.

Napanga-nga na napatingin si Mang Emir sa nakayukong anak.

Dumadagundong ang boses ng apat na magulang sa galit. Galit na akala ng apat na estudyante ay para kay George at sa punong guro. Galit na ipinamukha sa kanilang apat dahil sa pambubully nila kay George. Humingi ng paumanhin ang apat na magulang sa kanya sa prinsipal at sa kanyang ama.

Naiwan ang mag ama sa loob ng kwarto kasama ang punong guro…

Ipagpaumanhin ninyo Mr. Romulo ang nangyari. Napatunayan po namin sa tulong ng mga estudyante na naka saksi, guwardiya at ng CCTV camera na walang kasalanan ang inyong anak sa gulong nangyari kahapon. 7 po ang naka suntokan ng inyong anak at apat lamang po ang nakaharap ninyo dahilan sa ang mga magulang ng tatlo ay nasa ibang bansa. Ang tatlong estudyanteng iyon ay kasalukuyang nagpapagamot sa Ospital dahil sa basag na mga panga… Mahabang explinasyon ng principal. Hindi po namin pinapahintulutan ang Bullying sa paaralang ito at seryoso ang aming kampanya simula ng may isang estudyante nung nakaraang dalawang taon ang nag suicide dahil dito.

Unti unting lumingon si Mang Emir kay George. ” Anak ano bang nangyari?…”

“Hoy Romulo!” Sigaw ni Joey, leader ng pitong maangas na kaklase ni George.

“Aba eh balita ko naiperpek mo daw ang math kanina ah? Gawan mo naman kami ng assignment. ” Sarkastikong pakiusap ni Joey.

Tuloy-tuloy lang sa pag ligpit ng kaisa isang maliit na notebook ni George sabay pasok nito sa kanyang bulsa sa likod ng kanyang unipormeng pantalon. Tumalikod si George at akmang sasabay sa mga kaklaseng palabas ng classroom ng hablutin ang kanyang kwelyo sabay hampas sa kanya sa dingding.

“Wag kang tatalikod pag kinakausap ka ha?!!” Pasigaw si Joey sa mukha ni George.
Blanko na nakakatitig ang binatilyo sa mukha ni Joey sabay bulong ng…

“Bitiwan mo”..

Umakyat ang dugo sa bumbonan ni Joey sa galit dahil di man lamang niya nakitaan ng takot ang mukha ni George. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Joey diretso sa mukha ni George. Nagsitahimik ang lahat sabay sara ng kwarto ng isa sa mga kagrupo ni Joey.

“Walang lalabas!” Sigaw ni Fred. “Upakan mo na yan Joey di ka yata kilala eh”… Dugtong nito.

Sakto na mang napadaan ang gwardya sabay sita.

“Hoy ano yan!”

Papasok sana ang guwardiya sa kwarto subalit ito’y nakalock. Nakatawag naman ng atensiyon ang gawi ng guwardiya at napuno ng mga estudyante ang bintana sa labas ng classroom.

“Oh ano?! Papalag ka?! Putang ina mo di ka matutulongan ng guwardiya ng school kaya ko yang ipasesante!!”

Dahan dahan sa pag tayo si George, tumutulo ang dugo sa bibig subalit di pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Bagay na nag pakulo ng dugo ni Joey. Napa iling iling na man si Fred at nanahimik ang lima pa niyang kasamahan.

Tahimik na hinubad ni George ang kanyang polo at naiwan ang panloob na sando. Ipinulupot niya ang unipormeng kanyang hinubad sa kanyang kanang kamao sa pagbabakasakaling maiibsan ang lakas ng tama nito sa panga ni Joey.

“Haha. Putang ina ka at lalaban ka pala ha?! Hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang aking sarili. Ako si Joey leader ng gang na kung tawagin ay”…

Blag!

Bulagta at nawalan ng malay si Joey sa isang suntok ng pasugod na si George. Nagulat at ang tahimik na mga kaklase ay nagsisipag bulungan.

Isa isa namang nag sitayuan ang mga kagrupo ni Joey at isa isa ring nagsipag suguran kay George. 2 minuto lang at tulog ang tatlo habang ang apat ay nagsipag gapangan. 2 dito ay nanghihingi ng kapatawaran sa pag aakalang hindi pa tapos si George sa kanila. Tahimik ang lahat ng nasa paligid, Lahat kabilang ang mga estudyanteng nakamasid at nagsisigawan sa labas ng bintana na animo’y nanonood ng sabong. Tahimik din na nagbukas ng pinto si George at sumama sa guwardiya papuntang opisina ni Mr. Castor.

Napabilib ng lalake ang mga saksi, nakaani ng respeto sa mga lalaki at paghanga naman galing sa mga nag gagandahan at mayayamang babae ng paaralan. Isa dito si Margareth leader ng grupo ng mga sinasabing brats sa school.

Anak ng mayor si Margareth, matangos ang ilong katamtaman ang laki ng mga suso at tayong tayo ang hulma. Mahaba at maitim ang buhok, maputi at malaporselana ang kutis, maliit ang bewang at bilugan ang mga legs, at higit sa lahat bilog, matambok at hugis puso ang puwet. ASSet na nililingon ng mga estudyante at titser na mga lalake.

Makalipas ang apat na taon naging popular si George sa kanilang eskwela hindi lamang sa paaralan noong siya ay nag high school pati na rin sa kasalukuyang paaralan. Nag aaral sa isang pribadong paaralan si George, isang prestihiyoso exclusibong pamantasan na kinabibilangan ng mga elite at sikat na mga angkan sa kanilang lugar. Kabilang sa mga nagsisipag aral dito ay ang grupo ni Joey at halos 90 porsyento ng mga kaklase niya nung high school. Dito rin nag enrol si Margareth ang kanyang mga kaibigan.
Sikat si George maging sa kolehiyo. Hindi dahil sa pangalan niya bilang Leon ng Nayon kundi sa pagiging consistent nito sa academics. Sa kabila ng pagiging tahimik nito ay naging lapitin ito ng mga babae. Unang napalapit sa kanya si Kate ng minsang nagkagrupo sila sa isa nilang project sa Physics , anak ng isang Businessman sa kanilang lugar at ka grupo ni Margareth. Katulad ni Margareth isa itong magandang dilag. Maputi balingkinitan at may bilogang pares ng puwet. Matagal na silang magkakilala ni Kate simula highschool hangang sa kasalukuyan subalit ngaun lang sila nabigyan ng pagkakataong mag usap dahilan nga sa tahimik at may pagkasuplado itong si George.

“Hi George! Napagkasunduan ng grupo na sa bahay namin gagawin ang group project natin sa Physics. Punta ka ha?” Bati ni Kate ng may matamis na ngiti sa mga labi.

Abangan…

jerky
Latest posts by jerky (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x