Tradisyun 3 ( Good Summaritan )

SecretFiles
Tradisyun

Written by SecretFiles

 

Karugtong.

Nang magkamalay ako ang unang natanaw ng aking mga mata ay ang puting bahagi ng lugar kung saan ako naroon, inikot ko ang ang paningit para tuluyang alamin kung nasaan ako, pagbaling ko sa kanan ko namataan ko ang mga kagamitin na nakakabit sa aking katawan at pansin ko naman ang isang parang monitor type na may nakasulat at gumagalaw na mga imahe, luminga naman ako sa bahaging kaliwa ko kung saan napuna ko ang isang lalaki na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo, matangkad na lalaki nakasuot ng jacket at may napansin ako na nakasukbit na baril sa kanang bahagi ng katawan nito. Maya maya pa ay napansin nya na gising na ako mula sa mahabang pagkakatulog.

Cop: oh mabuti naman at may malay kana, isang akong Police. Paliwanag nya.

Ren: nasaan po ako mamang police?. pagtataka kung tanun.

Cop: andito ka sa hospital, sandali lang at tatawagin ko ang doctor para malaman na nagkamalay kana. mungkahi nya.

umaalis na nga ang police para puntahan ang doctor at tinginan ako, kasabay ng paninigurado na nasa hospital ako muli kong inalala kung ano ang nanyari bago ako mapunta sa lugar na ito. base naman sa pagkakaalala ko ay ang huli kung natatandaan ang pagtama ng matigas na bagay sa aking ulo at kasunod na inabot ko sa mga kasamahan nya at tuluyan na akong nawalan ng malay. nasa pagalala ako ng ilang sadali lang ay dumating na ang isang lalaki na nakasuot ng puting gown at isang babae na may hawak na parang isang files.

Doctor: Saglit lang iho at titingnan kita. Paliwanag nya.

Mayroon syang inilabas sa kanyang bulsa at tinutok sa aking mata at pinailawan ito kaya naman ako ay nasaliw sa ginawa nyang ito, isa plang maliit na flashlight ang kinuha nya, kasunod nmn nito ay kinuha nya mula sa kanyang leeg ang isang kulay itim na bagay at inilgay nya sa kanyang mga tenga at kinuha ang karugtong na bahagi ng gamit na yun at inilapit sa aking dibdib.

Doc: iho, inhale ka then exhale, gawin mo ng tatlong beses. utos nya.

Ginawa ko naman ang sinabe nya at pagkatpos ng mga yun muli syang nagsalita para linawin ang mga bagay bagay.

Doc: mabuti naman at ok na ang baga mo kumpara ng una kang dalhin dito dalawang araw na ang nakakalipas. paliwang ng doctor.

Ren: Dalawang araw na ho ako dito doc? pagtataka kung tanung.

Doc. ou tama yan dalawang araw na ang nakakalipas ng dalhin ka rito sa hospital at kung pagbabasehan ang kundisyun mo ng una kang dalhin dito ay masasabe kung maswerte at nagising kapa. Pagtutuloy na.

Ren: Ganun ho ba. malumanay kung sagot.

Pagkatapos kung marining aking sinabe saken ng doctor agad kung pinagmasdan ang aking sarili at sinubukan itong igalaw, sinumulan ko sa aking mga binti at base naman sa respond ng mga paa ko ay masasabi kung maayos naman ang mga ito. sunod naman ay ang akin mga kamay, subalit nagtaka ako bakit parang medyo mabigat ang kaliwang kamay ko ng subukan ko ito igalaw, ng mapanisin ko meron itong nakabalot na tela sa aking kaliwang kamay at nakapatong sa aking dibdib at nakasukbit ang ibang parte sa aking leeg, pansin ko rin na may makintab na bahagi na nakakabit sa kaliwa kung kamay, agad naman itong napansin ng Doctor.

Doc: yang kaliwa mung kamay sinemento namin yan dahil lubhang napuruhan ng husto, tansya ko yan ata ang pinagharang mo sa katawan mo.

Pagkasabe ng doctor sa ginawa nila sa kaliwa kung kamay agad kong naalala ang nagyari, tama sya itong kaliwang kamay ko nga ang ginawang panangga sa mga banat saken ng mga lalaking yun kaya normal na mapuruhan talaga, kasabay nito ay maroon akong biglang naramdaan na masakit sa aking ulo at talaga namang ininda ko.

Doc: wag ka masyado maggagalaw at hindi pa tuluyang gumagaling mga sugat mo, magpahinga kna muna iho. Dagdag nya.

Ren: hanggang kailan po ako magstay dito doc?. Tanung ko

Doc: Dahil nagkamalay kana maghintay pa tayo isang isang araw at magsasagawa pa kami ng check up sayo para masiguro naten na ok kana para madischarge. Paliwang nya.

Ren: Salamat ho doc. tugon ko.

Kasabay nito ang pagalis nila kasama ang nurse na babae, habang pinagmamasdan ang pagalis ng doctor at sya namang pag alala ko na dalawang araw na akong nandito at dalawang araw narin akong hindi nkakapasok, sana lang at walang exam during those days na andito ako sa hospital, nasa ganitong pagiisip ako ng marinig kung magsalit ang katabi kung police.

Cop: iho alam mo naman siguro na isa akong police, may kinuha sa likod at pinakita sken, isa itong badge na patunay na pulis sya at ang baril na nakasukbit sa kanang bahagi ng balakang nya.

Ren: Ano pong maitutulong ko sir?. tanung ko

Cop: ako at ang team ko ang unang nagrespond sa tawag sa HQ na may nabugbug daw at malubha ang tama, kaya minabuti namin na puntahan kasabay ang ambulance at pagdating namin ikaw ang nakita namin na nakahandusay sa daan akala nga namin patay kana. Paliwang nya.

Ren: Salamat po ng marami sir. Pagpapasalamat ko.

Cop: Anyways andito ako para gumawa ng report ukol sa nangyari sayo kaya sana makipagtulungan ka, ok lang ba iho?. pagpapaliwang nya.

Ren: Cge po sir sasabihin ko po ang nalaman ko.

Una nyang tinanung kung saan ako galing bago ang insidente, sabe ko naman pauwi na ako galing sa night shift kung tabaho ng mangyari yun, sunod naman ay kung mayroon ba akong kaaway o kaalitan dahilan para gawin sken yun, sagot ko naman wala sa pagkakatanda ko, at ang panghuli tinanung nya ako kung mayroon bang sinabe o narinig ako mula sa umatake sken, saglit ako na natahimik sa tanung na yun, sa pagkaka tanda ko ito ang sinabe sken. “Lakas ng loob mo para lumapit at kausapin si Lui, alam mo dapat san ka lulugar”. pero ang sinagot ko nalang sa police ay wala dahil ayaw kong idamay si Lui sa nangyari dahil wala akong idea sa talagang nangyari.

Cops: salamat sa cooperation iho, kapag may nalaman ka na makakatulong ipagbigay alam mulang sken, inabot nya ang isang pirasong papel ( calling card ). Paliwang nya.

Ren: Cge po salamat po sir.

Pagkatapos nun ay agad narin silang umalis kasama ang buddy nya sabay sabe tumawag lang kung may malaman ako kahit maliit na detalye ng impormasyon at malaki ang maitutulong para maging ebidensya kung sakalig umabot sa korte, sumangayon nalang ako at nagpasalamat.

Araw ng myerkules nang ako ay nkaschedule para madischarge pero bago yun nagsagawa muna sila ng check up sken para masiguro na maayos akong makakalabas, pagtakapos ng check up at masasabe nila na nasa maayos na kundisyun ako ay maaari na raw akong makalabas. pagkatpos nito pinahuyan ako na magtungo sa cashier para sa bills ko sa hospital. pagdating ko naman sa cashier at sinabe ko ang information ng pagadmit sken maya maya ay may inabot syang papel talaan ng mga ginawa sken at babayran ko, ng makita ko ang bills ko ay talaga namang naglambot ang tuhod ko, ou nakaligtas ako sa bugbug pero itong bayarin sa bills naman ang papatay saken, katumbas ito ng tuition ko para sa isang semester at hindi pa kasama ang gamot na iinomin ko para sa unang linggo na niresita sken.
Kaya naman nakiusap ako sa Admin kung maaari sana ay mabayaraan ko ng paunti unti gawa ng hindi ko kakayanin na bayaran ng buo ang bills ko gawa ng nagaaral palang ako at tsaka ayaw kong magalala sken ang mga magulang ko dulot ng nangyari maging sa bayarin sa bills ng hospital. pasalamat naman ako sa admin at pumayag sila yun nga lang need mag down ng atleat kalahait, so ayun wala na ako nagawa kundi magdown ng initial payment.

ito ako ngayon naglalakad pauwi sa aking apartment, ou maayos na ang pangangatawan ko maliban sa bakal na nakakabit sa kaliwang braso ko pero ang emosyun ko ay halos halo halo na. nabayad ko sa hospital ang pambayad ko dapat sa semester ko dagdag ko pa ang allowance ko. kaya halos hindi ko na alam ang gagawin ko nangangalahati plang ang semester wala na ako budget pati ang pangtuition ko.

Nakarating ako sa apartment ko na masama ang loob at problema dahil sa nanyari at napaisip ako na problema lang ang binibigay ng babaeng yun saken kaya mas mabuti pa siguro ay layuan ko na sya baka sa susunod ay matuluyan na ako. nasa ganitong estado ako ng makita ko ang bag ko naalala ko iniwan ko nga pla pati ang smartphone ko, kaya kinuha ko ang bag ko para masilip ang cp ko, ang nagulat ako sa daming mg message at miscall mula kay ej, at sa hindi nakaregister na number. nagaalala si ej bkit hindi daw ako sumasagot sa mga tawag at txt message ko pati ang isang message na galing sa di naksave na number nangungumusta. hindi ko singot lahat ng message at natulog na lang ako dahil sa pagod at gawa ng maaga pa pasok ko bukas.

Araw ng huwebes maaga akong naghanda para pumasok pero ewan ko ba bkit kahit ang aga mo pumasok eh malalate at malalate ka pa din talaga sa pagpasok. halos 30mins na akong late ng mkarating sa school at agad dumertso sa nagiisa kong klase para sa araw na yun, mula sa likod na room pumasok ako ng dahan dahan at agad naman akong napansin ng aking prof na kasalukuyang nagsusulat sa board.

Prof: Mr.Ren Your late a.. putol nyang sagot ng mapansin nya ang itsura ko na may nakakabit na bakal sa kaliwa kung kamay at may mga benda sa sa taas ng kaliwang mata ko.

Ren: sorry for being late sir.. mahinahon kung sagot.

Prof: what happen to you? usisa nya.

Ren: Nadapa lang po sir. pagsisinungaling ko.

Prof: ok have a seat and dont forget to give me medical report we had quiz last meeting so u can take a special quiz. pagtutuloy nya.

Ren: Thank You sir. agad naman akong nagtungo sa upuan ko at nag makaupo na ako pansin ko may nakatingin sa harap ko at ng lingunin ko sa Lui at base sa mukha nya may pagtataka ito siguro dahil sa itsura ko. sakto naman nagsalita si ej.

Ej: Pre anyare sayo? bakit di ka sumasagot sa mga tawag at messages ko. sunod sunod nyang tanung.

Ren: mamaya nalang kwento ko. tugon ko.

Pumayag naman sya at sabihin daw ang tutuong nagyari dahil hindi sya naniniwala na nadapa lang daw ako ( haha ) iba nlang daw lukuhin ko wag sya, sabagay matagal na kaming magkakilala kaya alam nya na mga galawan ko kung nagsisinungaling ako. habang nagkaklase pansin ko na panay ang tingin saken ni Lui sa harap pero hindi ko nalang pinansin dahil para saken puro problema lang ang ibinibigay ng babaeng to sa isip-isip ko.

Natapos ang klase at nagaya si ej na kumain at kwento lahat ng nangyari, pero sabe ikaw nlang kumain magisa ej antayin nalang kita sa tambayan naten ( sa ilalaim ng Puno sa loob ng Capus ). nagtanung sya bakit samantalang laging kaming sabagy kumakain sabe ko naman wala na ako halos allowance. nagtataka naman sya bkit pero pinilit parin nya akong kumain at ilibre nya nlang daw ako kaya ayun pumayag narin ako.

After namin kumain agad kaming nagtungo nga tambayan namin at pagkaupo na pagkaupo namin agad nya akong kinulit. sinabe ko sa kanya ang buong nagyari sken gawa ng hindi ako nakapasok ng ilang araw at hindi ako sumasagot sa mga tawag at messages nya ganun din ang sa allowance ko.

Ej: ikaw nga yun pre. paninigurado nya.

Ren: anung ako nga yun? pagtataka kung tanung.

Ej: Alam mo ba na balitang balita dito sa Campus na yung grupo nila ryan may inupakan daw na stalker ni Lui tatlong araw na ang nakakaraan at base sa kwento ko mukhang ikaw nga yung tinutukoy nila pre. Paliwanag nya.

Ren: Ryan? maiksi kung tanung.

Ej: isa sya sa mga masugid na manliligaw ni Lui at ayun sa kwento na dumating sa kanya mula sa mga tropa nya may nakakita daw kay Lui na may kasamang at kausap na lalaki, kaya nagpasya ang groupo ni ryan ni turuan ng leksyun. Paglilinaw nya.

Ren: Ganun ba. Naalala ko ako ang unang inaya at kinausap ni Lui kaya siguradong ako nga ang tinutukoy nila, kaya pla pansin ko ang tingin ng mga kapwa ko magaaral sa campus na para bang inuusisa ako.

Ej: So anung plano mo ngayon nyan? tanung niya sken.

Ren: Yung Ryan ano tingin mo sa kanya? balik kung tanung.

Ej. kilala sya sa campus at may balita na marami na syang nakama na mga studyante dito sa campus at may mga babae din na lumalapit sa kanya pag may problema sa tuition sa madaling salita fuckboy ang taong yun at galing sa mayamang pamilya kaya spoiled. paliwanag nya.

Ren: Matindi pala kalaban kung sakaling magfile ako ng Case ( naalala ko bigla ang sinabe ng pulis na tumawag kapag may nasagap na impormasyun ukol sa insidente ). pagaalala ko.

Ej: So hahayaan mo nlang pre ang ginawa ng groupo nila sayo? usisa nya sken.

Ren: Mukhang ganun nga nga pre kesa naman dumagdag pa sa problema ko at isa pa ayaw kung madamay si Lui sa nangyari kaya hayaan nalang naten, isa pa ang pinoproblema ko now ay ang pambayad ko sa tuition at apartment ko na pinambayad ko sa bills sa hospital.

Ej: cge pare kung yan gusto mo supurtahan kita tsaka kung kailan mo ng tulong magsabe ka lang sken Ren. Alok nya sken.

Ren: Salamay ng Marami Ej yaan mo magsabe ako sayo. sagot ko.

Ej: o sya cge at papasok na ako. ingat sa paguwi at tingin tingin sa paligid baka balikan kapa ulit. pagaalala nya.

Pagkatpos namin magusap ay agad na syang umalis para pumasok sa sunod nyang mga klase, samantalang ako ay tuloy narin para umuwi, habang papauwi ay sumasagi sa isip ko kung paaano ko mababayran ang natitirang bills ko sa hospital pati narin ang tuition at sa apartment ko.

Habang naglalakad pauwi may napansin akong isang karatula sa isang store na may nakasulat dito ay ” Wanted Full Time Worker “. kaya naman agad akong pumasok sa loob para magtanung sa nasabing sign board.

Ren: Sino po pwede makausap tungkol dun sa sign board sa labas? tanung ko sa cashier pagkapasok na pagkapasok ko.

Cashier: sya po sir. sabay turo sa isang lalaki na nagaayos ng mga paninda.

Kaya agad naman akong lumapit para kausapin sya at mkapag apply para magtrabaho sa kanya.

Ren: Sir Gusto ko po sana magapply bilang Part time worker nyo. Bungad ko.

Owner: nasaba mo ba kung anung nakasulat sa karatula iho?. tanung nya sken.

Ren: yes po, nakalagay po wanter full time worker. sagot ko.

Owner: nasaba mo pla bakit gusto mo magapply na part time worker kung full time worker ang hanap ko?. balik nyang tanung sken.

Ren: ah ang akin lang po sir habang naghahanap po kayo ng full time worker pede po ako pansamantalang mag work sa inyo bilang part timer. Paliwanag ko.

Owner: at sa tingin mo makakapag trabaho ka sa kundisyun mong yan. Turo nya sa kaliwa kung kamay.

Ren: yes Sir kaya ko po nagagalaw ko naman po sya at under recovery po so maganda din na maexercise ang mga kamay ko. Palusot ko.

Kasabay ng paliwang ko ay sinabihan nya ako na magiwan ng contact information sakaling kunin nya ako at matawagan kung kailan ako magsimula. kahit walang kasiguraduhan kung tatanggapin ako ay nagpasalamat parin ako at umalis na. nakarating ako sa aking apartment na pagod, pagod ang aking katawan maging ang aking isipan kung pano ko malalampasan ang problema ko. kaya minabuti ko nlang ang magpahinga para may lakas sa darating ng mga araw.

Weekend nanaman kaya ito ako ngayon nag hahanda para pumasok sa aking trabaho tuwing araw ng sabado`t linggo. nakarating naman ako ng maayos sa aking pinapasukan bagamat pansin ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha ng mga katrabaho ko bagay na hindi ko maipagkakaila gawa ng sa kaliwa kung kamay, habang nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis para sa susuotin sa trabaho ay may tumawag saken.

Manager: Ren anong nanyare sayo at nagkaganyan ang mga kamay pati narin ang mukha mo?. pagtatanung nya.

Ren: Mahabang kwento po sir pero sana po payagan nyo po akong magtrabho kahit ganito kundisyon ko. pagsusumamo ko.

Manager: o sya cge pero dun ka sa cashier para hindi ka masyado mapagod baka mabinat ka. pagaalala nya.

Ren: salamat Sir sa pangunawa. sa lahat ng puwesto na pede ako ilagay ay sa cashier pa ito ang pinakaayaw ko dahil buong duty kang nakatayo, pero sa ayaw at sa gusto ko tinanggap ko nalang kesa naman hindi ako makapgtrabho lalo na`t kailangan ko talaga ng pera now.

Natapos ang buong araw ng sabado at linggo maayos ko naman itong nairahos sa kabila ng kundisyon ko kaya ito araw ng lunes panibagong weekdays nanaman ang darating sana naman ay maging ok itong darating na linggo, nasa kalagitnaan ako ng paghahanda para pumasok ng makatanggap ako ng text message mula sa di nka register na number at ito ang nakusulat. “Mr.Ren kindly report to my store ASAP”. agad akong natuwa matapos ko itong mabasa kaya naman gumayak na ako para pumasok.

Pagkatapos ng klase ko ay excited akong nagtungo sa shop na pinagapplyan ko para sa part time job kahit full timer ang hanap nya para magreport kung pano ang sistema ng magiging trabaho ko. Pagdating ko sa lugar agad kung napansin na wala na ang karatula sa labas ng store kaya agad naman akong tumuloy at hinanap ang may ari na syang namang tinuro ng cashier kung nasaan sya at tulad parin ng una andun sya nagaayos ng mga paninda.

Ren: Good Afternoon po sir!. bungad ko.

Owner: oh andyan kana pala, gusto ko malaman kung anong araw ka available at oras para makapagsimula ka na. Paliwanag nya.

Ren: bale po Tuesday at Thursday po sir vacant ko aroung 1pm onwards. sagot ko.

Owner: ganun ba. Kaya mo ba ng 1pm – 9pm sa araw na yun?.dagdag nya.

Ren: yes sir kaya ko po!! magiliw kong sagod.

Owner. Oh sya cge pede kana magsimula, bukas na start mo agahan mo para malaman mo mga gagawin mo. paliwanag nya.

Ren: Maraming pong Salamat sa Tiwala boss.. masaya kong tugon.

kaya naman nkabalik ako sa aking apartment na may ngiti sa aking labi kahit papano pala ay mabuti ang diyos sa aken. Mabilis lumipas ang mga araw at ang mga linggo nakakapagadjust narin ako sa schedule ko para sa pagaaral at sa aking trabaho, araw ng lunes hindi ako pumasok sa klase gawa ng ito ang araw kung saan nkaschedule na tatangalin na ang semento sa kaliwa kung kamay at magbayad ng kulang ko sa bills sa hospital kahit unti lang basta may mabigay kesa naman sa wala at nakakahiya.

Dumating ako sa hospital at nagtungo sa receptionist para sabihin ang aking pakay, nagtaka naman ako dahil kakaiba ang treatment nila sakin, napansin ko ito ng pagdating ko sa lugar kung san aalisin ang semento ng kamay ko ay madami silang tumingin saken na para bang vip client ako at napakagalang nila.

Doctor: ok na itong mga kamay mo iho wala kana dapat ipagalalala pa. Paninigurado ng doctor.

Ren: Marami pong Salamat Doc. pasasalamat ko

Doc: o sya derestso kana sa Cashier at inaantay kana dun. Payo nya sken:

Ren: salamat po ulit Doc. Walang hiya basta pera talaga ang bibilis nyo eh no sa isip isip ko.

Kaya naman demeretso na agad ako sa Cashier at pagdating ko duon pansin ko na abot tenga nilang ngiti. pera nanaman sa isip – isip ng mga to sabe ko sa sarili ko. pero ganun talaga kailangan magbayad. kaya naman inabot ko ang bayad ko kahit maliit lang gawa ng yun lang ang nakayaanan ko para sa buwang ito pero hindi ito tinanggap ng Admin at Cashier bagkus at may inabot saken.

Cashier: Sir Ren ito po kunin nyo. Abot nya.

Ren: ano po ito at para san po ito? usisa ko.

Cashier: Reciept po yan sir ng total bills nyo. Tugon nya sken.

Ren: Teka po hindi pa ako nagbabayad ng buo bakit nyo po ako binibigyan ng Resibo? pagtataka kung tanung.

Cashier: Fully Paid na po kayo sir, at nga pla sir ito pa po pla ang Dinown nyo sa bills babalik ko. Dagdag nyan.

Ren: ok cge po. Taka kung tanung at napansin ito ng Cashier.

Cashier: May nagpunta po dito at binayaran ng Full ang bills nyo sa Hospital at pinapabalik din nya sa inyo ang Dinown nyo as initial payment. paliwang nya.

Ren: ah ganun po ba. Pede ko po ba malaman name nya or contact information para makapagpasalamat man lang. balik ko.

Cashier: ay wala po sir, pero may pinapasabe po sya, sabi nya sabihin ko daw sa inyo na ” PASENSYA NA”. paliwanag nya.

Ren: Cge po salamat kung ganun. Pasasalamat ko.

Umalis ako ng Hospital ng may pagtataka, pagtataka kung sino man ang taong nagbayad ng bills ko ng bou well malaki yun at talaga namang hindi biro kung saan ka hahanap ng ganoong kalaking pera, pero ganoon pa man ay nagpapasalamat parin ako dahil sa kabila ng paghihirap mayron at mayron paring magandang nagyayari.

Itutuloy…

SecretFiles
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x