Written by SecretFiles
Note: Ang Istoryang ito ay Bunga lamang ng aking imahinasyon at anumang pagkakatulad ng mga pangalan sa nasabing kwento ay hindi sinasadya.
Karugtong…
Araw ng Linggo, araw na pinakahihintay ko buhat ng mabasa ko ang announcement sa aming school website na magkakaroon ng pagdiriwang ang aming eskwelahan para sa ika-limampong pagkakatatag nito kasabay nito ang pagaasam-asam ko na muling makita ang isang tao mula ng kami ay hindi na magkita apat na taon na ang nakakalipas.
alas otso ng umaga ang simula ng event at matatapos naman ito ng alas nuebe ng gabi, kung titingnan mo ang oras ay sadyang napakahaba pero para sa isang founding anniversary ay maiksi lamang itong oras na nilaan para sa pagtitipon ng mga nakapagtapos pati narin ang mga nagmamasukan sa skwelahan.
alas otso ang simula pero gumising ako ng alas otso ( bay magaling haha ). sinandya ko yun para narin baka sakaling mauna silang dumating doon at hahanapin ko nalang kung sakaling sila`y naroon na walang iba kundi sila hil, tue, at syempre ang isang babaeng inaasam kong makita walang iba kundi si Lui.
ito ako ngayon kasalukoyang naghahanda ng aking agahan para narin may lakas pagpunta sa founding anniversary ng aming skwelahan. masarap talaga magkape sa umaga papampainit sa sikmura habang inaalala ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang apat na taon hanggang sa may tumawag sa phone ko, si ej.
Ej: hello pre.kamusta? bungad nito.
Ren: ok lang naman, ikaw pre kamusta din?. balik ko.
Ej: ok lang din pre, ito on the way na sa school. dagdag nito.
Ren: mabuti yan, ako rin pre on the way na. tugon ko.
Ej: on the way, baka naman kakagising mo lang?. saad nito.
Ren: wagmo ako gaya sayo tulog mantika. natatawa kong sagot.
Ej: o sige kita nalang tayo sa school mamaya pre, saad nito.
Ren: okay pre kita nalang. balik ko.
Ej: pumunta ka kahit hindi sya magpunta. dagdag nito.
Natapos ang usapan namin ni ej sa kung hindi man sya pumunta ay pumunta parin ako bagay na naalala ko ang sinabi ni Engr.John na maganda na balikan ang dati, alaala ng iyong buhay bilang isang magaaral pati narin ang balikan ang skwelahan.
Kaya naman tinapos ko na ang aking ginagawa saka naggayak na para makapunta sa school at makadalo sa founding anniversary nito. ito ako ngayon kasalukuyang naglalakad papunta sa terminal ng jeep na dati kong sinasakyan, habang naglalakd patungo roon ay kakaiba ang pakiramdam ko, magkahalong sya at kaba, masaya dahil muli akong babalik papunta sa school ko sa dati kong paraan nong nagaaral pa ako, samantalang malungkot kasi hindi ko alam kung pupunta sya.
Habang nasa loob ng jeep na sinasakyan ko ngayon at dati, muli ko nanamang naalala ang nakaraan lalo na ang panahon ng valentines day na kung saan ay may nakasabay akong mga pares o magjowa bagay na napangiti ako bigla habang napansin naman ito ng katapat kong pasahero na babae kaya naman tawa narin ang tinugon ko.
Bago Pumasok sa loob ng school namin gamit ang main gate ay dumaan muna ako sa Parking area ng campus namin na nag babaka-sakali na makita ang sasakyan ni lui na sabi ni hil ay gamit niya na bagay na hindi ako naniniwala. nilibot at iginaya ko ang paningin ko sa parking area ng school namin, makikita mo ang magagarang sasakyan na naroon na hindi biro ang halaga, naikot ko na ang lahat sa parking area, pero bigo akong makita ang sasakyan ni lui maliban sa isang bakanteng parking space na may nakalahagay na ” Reserved Parking Only”. Dismayado man ang nararamdaman ko dahil sa hindi ko nakita ang sasakyan ni lui ay tumuloy na ako para makapasok sa school kahit hindi man ako sigurado kung pupunta siya.
Nakarating na nga ako sa school namin at ito ako ngayon nakatayo sa harapan hindi ng salamin ( haha ) kundi sa harap ng school na pinagtapusan ko ng pagaaral at muling babalik bilang isang engineer.”Nostalgic” ito ang pakiramdam habang ako ay nakatayo at pinagmamasdan ang malaking pangalan ng school namin sa harap ng gate entrance, nakakatuwa, ito ang nasabi ko sa aking sarili.
Guard: goodmorning sir. ano pong sadya nyo?. bati at tanung ng security guard ng school namin.
Engr. Ren: dadalo po sa founding anniversary ng school. sagot ko.
Guard: ganun po ba sir. ID nalang po. saad nito.
Agad ko naman kinuha ang luma kong id at pinakita ito sa guard na syang ngumiti saka nagsalita.
Guard: Welcome back sir. It`s good to see you here. tugon niya.
Engr.Ren: Thank you. pasasalamat ko.
After ma verify ang identification at pakay ko ay agad akong tumuloy para makapasok na loob. habang naglalakad ay pansin ko ang kung ano-anong mga booth ang nakatayo sa loob lalo na sa congregating area karamihan ay mga pagkain sponsor ng mga kilalang brand.
Tuloy ako sa pagpasok at iginaya ang paningin ko sa paligid ng school, maraming nagbago well ganon naman talaga, pag andun ka parang wala naman pero once nakagraduate kana tapos nakabalik ka sasabihin mo “o tingnan mo wala naman to ng nagaaral pa tayo” yan ang naisip ko ng mapansin ko ang mga nagbago sa campus sabay tawa.
Dimeretso ako ng pakay yun ay sa aming department para narin magpakita ng presensya sa aming department chair kung sya parin ang nandoon, wala man kasiguruhan ay tumuloy na ako. nang makarating ako ng department sa ikatlong palapag ng building at nasa may tapat na ng pinto nito ay may tumawag sa akin.
unknown: Mr. Ren?. bati nito sa akin.
Agad ko syang nilingon para narin malaman kung sino sya, nang malaman ko kung sino ay natuwa ako at nandito pa pala sya.
Engr.Ren: Hi maam Goodmorning po. masaya kong bati.
Department Chair: okay lang naman. long time no see Engr.Ren. Masaya rin nitong tugon.
Agad niya akong pinapasok sa loob ng department at dun ko nakilala saka nakita ang ilang mga professor ng department namin bagay na natuwa ako at sympre maging sila din. masaya na makita ang isang tulad ko na produkto ng kanilang pagtuturo. kwentuhan sa maga buhay at trabaho ko yan ang usapan namin sa loob. masaya sa pakiramdam na balikan ang ganitong mga pangyayari.
matagal din ang usapan namin na hindi ko namalayan ang oras kaya naman nagpaalam muna ako para lumabas at muling malibot ang campus bagay na pumayag sila at nagpasalamat sa pagbisita na sabi ko naman ay natutuwa akong makita kayong muli saka lumabas ng department at naglakad.
Makikita mo sa bawat lugar ng campus ang mga dumalo sout ang kanilang magagara at nagmamahalang damit. payabangan ba na ganito na ako mula ng makapagtapos, samantalang ako ito naka tshirt na polo at naka pantalon terno ng rubber shoes ( Kuripot haha ). well ganito talaga ako manamit nagsusuot ako kung ano at saan ako komportable maliban nalang kung required ang isusuot.
Naglakad ako patungo sa isang lugar na gusto kong balikan dito sa campus ito ang lugar kung saan kami madalas magtambay ni ej kapag may vacant kami. sa ilalim ng puno sa loob ng campus dahil sa mahangin dito at hindi gaano maiinit pag tanghali or mga oras ng hapon.
Habang Nasa ilalim ng puno ay saglit akong pumikit at inalala ang mga nasaksihan ng punong ito sa buhay, dito ako tumambay ng mabugbug ako ng grupo ni ryan isa sa masugid na manliligaw ni lui noong panahong nagaaral pa kami, at dito rin sa lugar na ito nagsimula ako mangarap. mangarap na makasama si lui kahit pa magka iba ang agwat ng estado ng buhay namin noon. inabala ako ng isang tawag sa ginagawa kong pagmumuni-muni, tawag mula sa isang kaibigan na naging kasangga ko habang nagaaral.
Ej: ren, pre sabi ko na nga ba dito kita makikita. Bati niyang masaya habang papunta sa akin.
Ito ang batid niya sa akin habang papunta sa kinaroroonan ko kasama ang isang babae, babaeng magiging asawa niya, si mitch. kong todo porma ang loko, suot niya ay isang americana samantalang si mitch naman ay isang off shoulder na blouse na talagang gustong ipakita ang kutis nitong makinis at maputi na minsan ko nang nakita saka nahawakan na syang nakaramdam ako ng init ng katawan.
Ej: Baka matunaw naman ang mapapangasawa ko sa titig mo pre. natatawa nitong basag sa pagtitig ko kay mitch.
Ren: pasensya na agaw atensyon kasi gawa ng suot niya. nahihiya at natatawa kong sagot.
Ej: okay lang pre, ikaw naman para naman… putol niya.
Ren: ou na alam ko. sagot ko sabay tawa.
Mitch: hi ren, buti kapa nagustuhan mo suot ko itong kaibigan mo ewan. nagtatampo nitong bati.
Ren: hello mitch. bagay sayo yang suot mo, baka ayaw lang ni ej kasi nga takaw tingin baka maagaw ka daw. paliwanag ko.
Mitch: hay ewan ko ba sa friend mong to. tugon nito.
Ej: o bakit nadamay naman ako?. tanong nito.
Nagtawanan lang kaming tatlo habang nagtatalo sa suot ni mitch hanggang sa magpasya siyang umalis muna at makipagkita sa mga kaibigan nito. sympre may sarili din naman syang kaibigan sa campus habang kami ay nagaaral. nang makaalis na si mitch ay syang tanong ni ej sa sakin.
Ej: so pre, nakita mo na ba sya?. bungad nito.
Ren: wala pre, kahit sasakyan niya hindi ko rin napansin ng dumaan ako sa parking area. malungkot kong sagot.
Ej: ganon ba, syang naman. tugon nito.
Ren: wala tayong magagawa kung yan ang gusto niya. paliwanag ko.
Ej: eh ikaw okay ka lang?. muli nitong tanong.
Ren: To tell you pre, nalulungkot ako na hindi ko sya nakita or makita sa lugar na ito. pero ganun talaga mahirap umasa. pero nagaasam parin ako na magkita kami at makapagusap.
Ej: ok lang yan tuloy ang buhay. pag-alo niya sa akin.
Imbis na malungkot ay naglakad-lakad kaming dalawa saka nagtungo at bumili ng kung ano2x sa mga booth sa loob ng campus hanggang sa magawi kami sa isang lugar sa building ng campus or sinadya niya ito.
Ej: pre naalala mo?. tanong at turo niya sa isang lugar.
Ren: ou naman pre naalala ko. nahihiya at natatawa kong sagot.
Ang lugar na tinatanong niya at tinuturo ay isang Comfort Room na kung saan nagiwan ako ng alaala ( haha ). natatadaan ko pa noon ng magtungo ako sa isang cr sa kabilang building para magbanyo ng mapansin niya ako doon.
Ej: pre bakit andyan ka?. anong gagawin mo. tanong niya habang tumatawa.
Ren: nagtatanong kapa eh alam mo naman. sagot kong natatawa din.
Ej: natatae ka pre?. saad nito.
Ren: hoy wag mong lakasan boses mo. saad ko ng may mapansin akong mga estudyanteng dumaan sa lugar namin na tumgin at tumatawa.
Ej: ay sorry hindi ko alam. tugon nito habang tumatawa.
Ren: sorry..sorry. nananadya ka lang kamo. saad ko.
Ej: sorry na nga, teka mukhang wala ang bantay ah?. saad nito.
Mayroong pay cr sa loob ng campus namin na kung saan may nagbabantay at ang nagbabantay ay isang tao mula sa utility, pero wala sya rito at parang naglilinis kaya naman ang ginawa namin at hinanap ang bantay para makagamit ako ng cr saka makapagbanyo.
Ej: pre wala hindi naten mahanap. saad nito habang nagpipigil tumawa.
Ren: ou nga pre, nakakinis naman bakit ngayon pa sya umalis. saad ko.
Ej: bakit pre lalabas naba?. tanong nito na nagpipigil ng tawa.
Ren: parang pre. pinagpapawisan kong saad.
Ej: ganito pre may alam akong lugar na pede kang magbanyo kaso sa kabilang building kaya mo pa bang pigilan yan?. natatawa niyang suhestyon.
Wala na akong nagawa at sumunod sa kanya saka nagtungo sa kabilang building para magbanyo. habang papunta kami don ay sobra ang pagpipigil ko na baka lumabas sya bigla tapos ang bilis pa maglakad ng loko.
Ren: hoy ej, bagalan mo lang. puna ko.
Ej: ay sorry pre. natatawa nito sagot.
Tuloy kami sa paglalakad, pinagpapawisan ako ng butil saka pakiramdam ko napakalamig ng panahon pero hapon palang naman. sa walas ay nakarating na kami, isa itong open cr sa kabilang building ng school. buti walang tao kasi nakakahiya kung meron, saka ako pumasok at sinabihan si ej na magbantay sa labas saka wag magpapasok na syang payag naman nito.
Kumuha ako ng isang timba ng tubig saka isang tabo na may lamang tubig at dinala ko yun sa loob ng cr na may maayos naman na harang hanggang.
Buwaaaaaaak!!!!. tunong ng paglabas ng tae ko ( haha )
Ej: ano ba yan pre, ang baho ilang buwan na yan. pangaasar nito.
Ren: manahimik ka, may mabango ba na tae. sagot ko.
Ej: cge na tapusin muna yan at maghugas saka magbuhos ka ng maayos baka may dumating pa.
Ginawa ko ang gusto niya. hays salamat nakaraos din, ang sarap ng pakiramdam after mo tumae. saka ko naisip kung anong pagkain ang nakain ko para sumakit ang tyan ko hanggang sa lumabas na ako.
Ej: oh naghugas kaba ng maayos?. tanong nito na natatawa.
Ren: ou naman, tsaka tigilan mo nga yang kakatawa mo. naiinis kong tanong.
Ej: pasensya na pre hindi ko mapigilan lalo na yung itsura mo kanina. lalo syang tumawa ng malakas.
Ren: nako sana lang hindi magyari sayo tong nangyari sa akin. saad ko.
Ej: ay nako pre malabo yan, pero iba ka nagiwan ka pa talaga ng alaala sa school. pang aasar nito habang tumatawa.
Hinayaan ko nalang sya sa mga sinasabi niya sa akin, well nakakahiya naman talaga buti nalang walang ibang gumamit habang nandoon ako kundi baka matsismis ako ( haha ). simula noon ay naging alerto na ako sa mga kinakain ko habang nasa school, binawasan ko narin ang pagkain ng marami baka maulit muli ( haha ). ito ang mga alaala ko na masasabi kong nakakahiya ewan ko lang sa iba, hanggang sa magpasya na kaming bumalik sa ilalalim ng puno.
Ej: so pre, anong balak mong gawin now?. bungad nito.
Ren: punta muna siguro ako sa loob ng classroom naten kung saan ko sya unang nakita saka uuwi na ako. sagot ko.
Ej: okay sige. kita nalang tayo. paalam niya.
After namin magusap ay agad din syang umalis gawa ng may pupuntahan pa sya yun ang sabi niya pero sa isip isip ko babae nanaman. saglit akong nagtambay sa puno sa huling pagkakataon, habang naroon ay may naramdaman akong kakaiba, ito ang pakiramdam ko noong nagaaral pa ako at maging nang nasa loob ako ng company na pinagtatrabahuan ko, ang pakiramdam na may nakatingin or nagmamasid sayo. kaya naman inikot ko ang paningin ko mula sa punong kinalalagyan ko pero wala naman akong nakitang nakatingin kaya naman tumuloy na ako sa pakay ko na muling balikan ang lugar kung saan ko sya unang nakita.
Habang naglalakad papunta sa lugar na yun ay muling bumabalik sa aking ang mga alaala habang ako`y nagaaral, ang maingay na study area, kwentuhan, at kopyahan bagay na bigla kong naisip saka tumawa, masarap balikan ang ganito mga bagay kahit minsan lang sa buhay mo.
Dumating na ako sa lugar na yun, ang lugar na tinutukoy ko ang ang classroom namin noon kung saan ko sya unang nakita walang iba kundi si lui. dumaan ako sa likod na bahagi ng pinto ng room na dati kong pinapasukan noong nagaaral palang ako. nang makapsok na ako ay agad kong sinara ang pinto gawa ng nakabukas ang aircon saka tumingin sa loob, may mga naroong mga tao, sampu siguro silang lahat, nagkukwentuhan sa may bandang kanang bahagi ng upuan kong nakaharap ka sa pisara.
Mukhang mga dati itong estudyante na gumamit ng classroom na ito habang sila`y nagaaral pa. samantalang sa kaliwang mga upuan naman ay mapapansin mo ang tatlong taong nakaupo, dalawa sa likod na pawang magkahiwalay ang upo na mga lalaki at isang babeng nakaupo sa bandang unahan, sa unahan ng inuupuan ko.
Hindi ko sila pinansin saka tumuloy na ako para pumunta sa upuan ko dati sa loob ng classroom na ito. nang makaupo na ako roon ay saglit kong pinagmasdan ang likod na bahagi ng babaeng nakaupo sa harap ko, ewan ko ba pero malakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kaya naman huminga ako ng malalim saka pumikit at biglang bumalik sa akin ang mga pagyayri sa loob ng room na ito.
Ingay, sigawan, asaran, tuksuan at kung ano2x pang mga alaala, lalo na ang pagpasok ko ng late bagay na nakakahiya at nakakatawa sa tuwing maalala ko ito ngayon.
Prof: Goodmorning Mr. Ren!!! bati nito
Ren: Goodmorning Too Sir. Hiya kung sagot.
Prof: So What`s Good in the Morning when Your Late?. Tawanan ang mga klasmate ko.
Ren: Sorry Sir. Paghingi ko ng paumanhin sa pagpasok ng late.
Prof: Go ahead Have a Seat. Utos nya.
Ren: Thank You Sir. habang palapit na ako sa upuan ko napansin kong may matang nakatingin sken at hindi ako pedeng magkamali si Lui Yun. pero ko di nalang pinansin at tuloy sa pag punta sa seat ko.
Ej: So Whats Good in the Morning When Your Late? pangaasar nanaman nya. tawanan ang mga babae sa harap namin, groupo nila Lui ang nasa harap namin.
Ren: Gatong Pa. inis kong sagot. tumawa ulit yung mga babae sa harapan namin.
Ej: Relax Pre Pinapasaya lang kita. Paliwang nya.
Ren: Pinapasaya, Pinapahiya kamo!!. inis kong sgot. at muli nanamang tumawa ang mga babae sa harap nmin.
Natigil lang ang pagalala ko sa mga nangyari sa classroom na ito ng may maramdaman akong isang liwanag na tumama sa akin, kahit naman nakapikit ako ay mapapansin ko yun kasabay pa nito ang hagikhik at tawanan nila. kaya naman agad kong dinilat ang aking mga mata saka ko lang nalaman na tama ang hinala ko may kumuha ng picture sa akin pero ang ikinagulat ko ng husto ay kung sino ang kumuha nito.
Mula sa kaliwa ay mapapansin mo ang isang babaeng nakaupo at nakatabi sa may gitnang babae na nasa harap ko samantalang sa kanan naman ay maroon din isang babae na nakaupo at nakatabi rin sa gitnang babae. Nang malaman ko kung sino sila ay kumabog at bumilis ang tibok ng puso ko saka sinamahan ng excitement at tuwa.
Si Tue ang nasa kaliwa na nakaupo samantalang si hil naman ang nasa may bandang kanan, kapwa sila nakatingin sa akin habang tumatawa samantalang ako naman ay halos hindi na makahinga saka namamanhid ang pakiramdam ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement hanggang sa sila`y magsalita.
Tue: hi ren, kamusta?. bati nito na nakangiti.
Hil: hello ren, kamusta ka?, galaw galaw at baka pumanaw. saad nito saka tumawa.
Hindi ako makasagot sa pagbati nila gawa ng nakitawa narin ang babaeng nasa harap ko mula sa pahayag ni hil sa akin, pakiramdam ko ay papanaw na talaga ako dahil sa hirap ako sa paghinga dahil sa sitwasyon ko. hanggang sa magpaalam ang dalawa para lumabas ng classroom saka naiwan ang babaeng nakatalikod sa akin hanggang sa ito`y magsalita.
Tue: bes, labas muna kami. saad niya sabay kindat sa akin.
Hil: ou nga bes, baka makaabala kami. dagdag niya.
Unknown: kayo talaga, nga pala dalhin mo dito tue ah?. sagot ng babae sa harap ko.
Tue: ou na bes, nga pala enjoy. paalam nito habang nakangiti.
Hindi ako pedeng magkamali ng marinig ko ang boses ng babae, kilala ko ang boses na yun kahit apat na taon ang nakakalipas ay sigurado ako yun ay galing kay Lui. hindi ako kumibo after umalis nila tue at hil gawa ng hindi ko malaman ang gagawin kong approach sa kanya, lumipas ang mga ilang sandali hanggang sa maglabasan na ang mga tao na nasa loob ng classroom na yun at tuluyan na nga na naiwan kaming dalawa ng babae nasa harap ko hanggang sa bumalik sina tue at hil.
Tue: hi ren, hello bes, ito na yung hinihinge mo. saad niya
Hil: oi ren, ano na baka pumanaw ka dyan, galaw galaw. pangaasar nito sa akin.
kasunod nito ang pagtayo ng babaeng nasa harap ko para puntahan sila tue at hil na nasa may pinto sa harap, ewan ko ba parang nagslow motion ang oras ng maglakad sya papunta roon hanggang sa magusap silang tatlo.
Unknown: pede ba tigilan nyo sya. paninita niya.
Tue: wow ah, kinakampihan mo pa sya kesa sa amin?. reklamo niya.
Unknown: hindi naman sa ganon. sagot niya.
Hil: woy pinagtatanggol nya si ren. dagdag nito.
After sabihin yun ni hil ay pansin ko ang pagyuko at pamumula ng mukha nito saka sinabihan at umalis na sina tue saka si hil, hanggang sa tuluyan na itong humarap sa akin ng may kasamang matamis na ngiti mula sa kanyang labi.
Apat na taon, para sa iba ito`y maikli lamang pero para sa akin para na itong dekada dahil sa loob ng apat na taon muli kong nasilayan ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko walang iba kundi si Lui na kasalukuyang natayo at nakatingin sa akin.
Mula sa pagkakatayo ay pansin ko ang suot nitong Floral blouse na may part sa balikat nito na makikita ang ilang bahagi ng braso niya habang nakasuot ng palda na lagpas hita saka naka high heels na light pink ang kulay na syang bumagay sa balat nitong maputi. elegante kung titingnan yet simple and adorable para sa akin hanggang sa syay magsalita.
s been a long time Mr. Stalker?. bungad niyang may matamis na ngiti sa labi.
Lui: it
Ren: yeah, it`s been a long time. tugon ko na nagsisimula ng tumulo ang luha ko.
Agad syang lumapit at tumabi sa upuan ko saka niya pinunasan ang pauna ko nang luha bago sya nagsalita na syang dumurog ng puso ko at tuluyan na nga bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Lui: ren, after these four years, i`ve always been thinking of you, i miss you. saad niya ng matapos nyang punasan ang luha ko.
Ren: ive miss you a lot more than you
ve miss me Lui. saad ko habang umiiyak.
Tuloy ako sa pagluha habang tuloy din sya sa pagpunas ng lukha ko hanggang sa kami ay magkatitigan saka naglapat ang aming mga labi, mainit na halik, malaman, isang halik mula sa taong mahal mo iba ito kumpara sa mga labing nahalikan ko. tunay yata na talagang iba ang halik kung mismong maggagaling ito sa taong mahal mo.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay napuno ang puso ko ng galak at saya dahil muli ko nang nakita ang babaeng matagal ko nang inaasam. habang nakaupo ay sumandal ang ulo niya sa balikat ko samantalang hinawakan ko ang kanan nitong kamay na syang tugon nito hanggang sa magkahawak na nga kami ng kamay ng bumalik sila tue at hil.
Hil: ay sorry naabala namin kayo. kinikilig nitong bati.
Tue: so sino nag first move?. natatawa nitong tanong sa amin.
sinagot ni lui ang tanong ni tue bagay na matinding pangaasar ang inabot niya mula sa dalawa nitong kaibigan.
Hil: ano kaba naman dapat nagpigil ka bes. saad niya na natatawa.
Tue: hoy bes, hindi porket mahal mo agad agad ikaw gagalaw ha?. gatong nito.
Ren: teka wag nyo namang pagtulungan si Lui. sabat ko.
Hil: aba sumasagot kana, samantalang kanina halos pumanaw kana dahil hindi ka makagalaw. sagot nito.
Tawanan kaming apat dahil sa nagyari ganun pa man walang samaan ng loob, may dala silang pagkain na pinagsaluhan namin habang nagkukwentuhan, may napapansin akong madiin na titig mula kay lui tuwing masasamid si hil sa pagkwento pero hindi ko nalang ito pinansin. Natapos ang kwentuhan namin at nagpasya na kaming umalis ng campus gawa ng magsisimula na lumalim ang gabi na sya naman paalam nilang dalawa.
Hil: hoy ren, ibalik mo ng buo yang friend namin. matapang na pahayag nito.
Tue: makinig ka, pag balik nyan at may deperensya bubweltahan ka namin. naintindhan mo?. maagas na saad nito.
Ren: grabe naman kayo sa akin parang may balak akong masama kay lui.
Tue and Hil: meron. sabay nilang tugon na may kasamang nakakalukong ngiti.
Natawa nalang din ako pati si lui saka sila nagpaalam at umalis, samantalang nanatili kaming nakatayo ni lui habang pinagmamasdan silang makaalis, at nang makaalis na sila saka ako nagsalita.
Ren: lui hatid na kita. bungad ko.
Lui: ayaw ko muna umuwi. sagot nito.
Ren: san mo naman gusto pumunta?. tanong ko.
Lui: ikaw kung san mo gusto. nakangiti nitong sagot.
Masaya ako sa naging sagot niya sabay abot sa akin ng isang susi, susi ng sasakyan niya saka kami nagtungo sa parking area ng campus, at nang makarating na kami duon ko lang napansin na ang kinalalagyan ng saksakyan niya ay ang lugar kung saan ko nakita kanina ang sign na Reserved Paking Only. nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay muli ko syang tinanong sa lugar na pupuntahan namin.
Ren: deretso tayo sa apartment ko. mahina at nahihiya kong sagot.
Tiningnan niya lang ako at pinakiramdaman ang kilos ko saka tumawa at nagsalita.
Lui: Tara sa Bahay mo Ren. tugon niya na may matamis ng ngiti mula sa kanyang labi.
itutuloy…
==========
Salamt sa mga naghihintay at sumusubayaby sa story.
Salamt din sa mga nagcocoment, lalo na sa mga nagrereact sa stories daming thank you guys.
- Tradisyun: Into The Diary ( Someone Like Me ) - March 24, 2023
- Tradisyun: Into The Diary ( Caretaker ) - March 21, 2023
- Tradisyun: Into The Diary ( Break Free ) - March 18, 2023