Written by synnovea
“Your father was rich.” May paghangang bulalas ni Henry nang maigala siya ni Anne sa buong kabahayan nito.
“Yes, he was. Now, it’s time we make use of it.” Walang ligaya niyang sabi sa kaibigan.
Hindi pa rin maiwasan ni Anne na maghihinakit sa nangyari sa pamilya niya.
She was ten years old when her mother took her away from here. Nang mga panahong pinalalayas sila dahil wala silang pambayad ng renta, pilit inaalala ni Anne ang bahay na ito. Ang malalawak na bintanang nakatanaw sa mga taniman ng palay, niyog at mangga. Ang amoy ng nilulutong tinapay mula sa mga lumang pugon. Sa tuwing nagugutom sila ng ina, natutulog na lamang siya para muling balikan ang mga sariwang prutas at karneng hindi nawawala sa mesa nila dati. Sa bawat lalaking kinasama ng ina sa Maynila para may magbigay sa kanila ng panggastos, pumupikit siya at inaalala ang amang karga karga siya. Hindi siya noon nawalan ng pag-asa. Alam niyang isang araw, darating ang ama niya at muli silang pababalikin sa bahay gaya noon kapag nagkatampuhan ang mga magulang niya. Pero nagdalaga na siya at pumasok sa isang boarding school para sa mga iskolar sa sining ay hindi pa rin niya nasilayan ang ama. Nang magtapos siya ng highschool, tinigil na niya ang pag-aasam na muling makabalik sa dati niyang buhay.
Pumanaw ang ina niya sa isang squatter’s area. Aksidente raw itong nasaksak ng nag-amok na kapitbahay. Pero may duda siyang may kinalaman ang kinakasama nito sa pagpanaw ng ina. Tuwing uuwi siya mula sa boarding school, nakikita niya ang pilit pagtago ng ina sa mga pasa nito. Ang ngiting alam niyang may kaakibat na hapdi dahil bakas pa sa mukha nito ang mga sampal. Hindi siya nagpapalipas ng gabi sa bahay ng kinakasama ng ina. Alam niyang totoo ang ilang kwento sa mga ilang bold na pelikulang sikretong pinanonood ng mga kaklase niyang lalaki. At kung mahahawakan siya ng amain, baka hindi na rin siya makatakas sa masikip na barong-barong na iyon.
Napagod na siya noong maawa sa ina. Sa halip, nagalit siya dahil sa kahinaan nito. Dahil pinili nitong maging alipin ng lalaki at ng alak imbes na kausapin ang ama niya. Pinangako niyang hindi siya kalianman magiging mahina gaya ng ina. Hindi siya paglalaruan ng kahit na sinong lalaki. Siya ang maglalaro sa kanila.
Marami siyang natutunan sa kanonood ng mga pelikula. Pinili niya iyong mga kwento ng naghihiganting mga bidang babae. Mga pinagbabawal na pelikula at babasahin. Gusto niyang maintindihan ang kapangyarihan ng ganda, ng sex. Dahil ayaw niyang maging kahinaan iyon.
Nang magtapos siya ng high school, pinaunlakan niya ang paanyaya ng matagal na niyang kachat na magkita sila. Nang sa isang motel sila humantong, inihanda na niya ang sarili. Pagkatapos niyon, hindi na niya ginamit ang online account na alam ng lalaki kahit kalian.
At sa pagpasok ng kolehiyo, hindi isang uhuging freshman ang nakita ng mga naging kaklase ni Anne. Kahit ang mga nag-initiate sa organisasyong sinalihan niya ay nagulat din dahil hindi ito umiyak at nagpakita ng kahinaan.. Pero tinanggap nito ang bawat trip at utos na pinagawa ng mga miyembro. Ang sabi nga noon ng president nila, isang matandang babae ang nasa katawan ng dalaga.
Sa kabila ng pagiging popular, isang misteryo sa kolehiyo nila si Anne. Tahimik ito at madalas ay nagsusulat o di kaya’y nanood ng pelikula sa audiovisual library.
Nagtatrabaho siya noon sa isang fastfood para suportahan ang sarili. Kahit may scholarship siya, hindi sapat iyon para bayaran ang dorm at pang-araw-araw niyang gastusin.
Nasa ikalawang taon siya noon sa kolehiyo nang matunton siya ng mga abogado ng ama. Nagsimula na kasi siyang magsulat noon at naging trainee ng isang sikat na director noong summer.
Binalita ng mga ito ang pagpanaw ng ama. Sinubukan daw nilang hanapin siya pero hindi nila kaagad nahanap ang dalaga.
“Nasaan ang kinakasama ni Daddy?” Tanong niya ng malamang pumanaw mag-isa ang ama.
Di gaya ng ina, matalino at madalas kasama ng kanyang ama ang naging babae nito. Personal secretary ng Daddy niya ang babae. Noong hindi pa alam ni Anne ang pagtataksil nila, nagustuhan niya ang sekretarya. Madalas siya nitong bigyan ng mga libro at ito rin ang unang nagbigay sa kanya ng mga CDs ng mga cartoon films.
“Pinaalis po siya ni Mr. Sandoval nang umalis kayong mag-ina. Hinanap kayo ng Daddy mo. Pero…” Malungkot na litanya ng abogado.
At doon na umiyak si Anne. Hindi pala siya nagkamali. Hinanap nga talaga sila ng ama. Ang kanyang ina ang talagang pumatay ng kanyang pag-asa.
Puntod na lang ng ama ang naabutan niya nang muli siyang nakatapak sa Laguna. Nandoon pa rin ang mga matandang katiwala. Matatanda na rin ang mga punong pinaglalaruan niya dati. Hinanap niya ang kubong naging dahilan ng pagbabago ng buhay nilang mag-anak at tinabi ang susi niyon. Hindi na niya gustong puntahan o buksan ang nasabing kubo.
Dahil wala naman siyang alam sa pamamahala ng kanilang lupain, pinaubaya ni Anne ang pangangasiwa roon kay Mang Bien, ang kanang kamay ng ama. Hiniling na lang niya na balitaan siya nito buwan-buwan ukol sa nagiging takbo ng kanilang mga pananim. Isa ring matandang katiwala ang pinatira niya sa bahay para maglinis doon.
Pinatawag niya ang accountant ng ama at mga abogado. Kumuha siya ng sapat na pera mula sa naipamana sa kanya.
“And the first thing you did with the money was to buy a camera.” Amused na komento ni Henry habang nagbabalik-tanaw ang dalaga.
Napangiti rin si Anne. Ilang taon din siyang nabuhay na konti ang pera at maraming lakas ng loob. Kaya’t inubos niya sa mga gamit sa eskuwela, damit at pagkain ang pera.
“I may have a traumatic life. Pero at least, I got this.” Sagot ng dalaga habang nakatingin sa malawak na palayang nangingintab sa mga hinog na uhay.
“Yes, it will help us for a few months while we write the treatment.” Sagot ni Henry sa kanya.
Ilang linggo na rin ang lumipas nang una silang bumalik ng bansa. Aprubado ng suki niyang production company ang story concept ni Anne. Kailangan niyang mag-submit ng treatment at full length screenplay para rito para makuha ang initial payment.
Nalungkot si Anne sa gagawing pelikula.
“Hey, I told you. Hindi ka pwedeng maapektuhan ng isusulat natin. I want that to end with a smile.” Saway sa kanya ni Henry.
Lumapit siya kay Henry at hinawakan ang kamay nito. They will be writing a story of their friendship.
“Don’t dwell in the past,Anne. Pwede mo namang gawan ng panibagong kwento ang bahay na ito.” Pag-aalo ni Henry sa kanya.
Unlike her, Henry came from a big and happy family sa Cavite. Magaganda ang alaala nito kung tahanan din lang ang usapan. Tawanan at masasarap na lutuin siguro ang nasa isip nito tuwing papasok sa malalaking bahay. But like her, he has a past. At hindi na siya welcome sa masayang tahanang kanyang kinagisnan.
“One day, I’ll go home, too Anne.” Mapait na ngiti ng binata.
Niyakap ni Anne ang kaibigan. Pinigil niya ang nakatanghod na luha. Her friend wanted to be happy. At iyon ang ipapangako niya rito.
“Sige, we’ll make happy memories, here. I’ll do it for you.” Niyakap niya ito muli para hindi makita ni Henry ang mga luhang hindi na napigilan ni Anne.
“Ang ganda!” Bulalas ni Ryan habang pinagmamasdan ang falls na nasa harapan niya. Kararating lang niya noon sa cottage na binigay ni Andrew. Napatawa siya nang maalala ang kaibigan. Dati, panay ang pagyayabang nito kung gaano kaganda ang lugar.
“May hidden falls pare! Ayaw nga ipa-develop ng may-ari e! So sariling-sarili ko yung view. Hahaha!” Pagmamalaki ni Andrew noon.
Pero nang sabihin niyang doon sya magbabakasyon, puro pintas naman ang narinig niya mula rito.
“Ay pare, hassle don walang internet. Saka walang chicks. Tapos malayo pa sya sa mga tindahan. Saka malubak. Di uubra ang kotse mo ron!” Banat ni Andrew.
Pero hindi napigilan ni Andrew si Ryan na pumunta roon. He took out his sketch pad and drawing materials.
Matagal na niyang balak seryosohin ang pag-aaral ng sketching pero dahil sa dami ng trabaho niya, hindi niya ito napagtuunan ng pansin. Idagdag pa ang di magandang alaala nang huli syang magsketch.
Nawala ang modelo.bulong niya sa sarili. Siguro naman hindi aalis ‘tong falls pag ginuhit ko.
Sumandal si Ryan sa isang puno ng acacia at nagsimulang iguhit ang tanawin sa harapan niya. Hilig na talaga niya ang pagguhit noon pa man. Pero pinayo ng ama na siguraduhin niyang makakahanap siya ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. Kaya mas pinili niya ang Architecture kaysa magFine Arts. Ayos din naman dahil nagdodrawing din siya sa kanyang kurso. Pero paminsan-minsan, namimiss niyang magdrawing dahil gusto niya at hindi dahil kailangan ng design ng kliyente.
Pinuno niya ng charcoal ang buong espasyo ng papel. Gamit ang binolang tinapay, sinimulan niyang iguhit ang talon na nasa harapan niya. Papalubog na noon ang araw kaya’t naghahalo ang liwanag at dilim at nasasalamin ito sa lumalagaslas na tubig. Nangangalahati na siya sa ginagawa nang tuluyang dumilim. Minabuti niyang bumalik na sa cottage.
Simple lang ang yari ng cottage pero hindi naman ito makaluma. Moderno na ang mga gamit sa loob pero sinadyang bumagay sa native na mga materyales ng bahay. May maliit na TV at mga kawayang upuan sa sala. May kalang de-kuryente at napaglumaang refrigerator pa. Akala pa naman niya ay magpapaka-Boyscout sya sa pagpapaapoy ng mga dalang de-lata. Hindi na rin masama para sa isang libreng bakasyon. Bukas, balak niyang maligo sa talon.
Papasok na sana siya ng kanyang silid nang may humablot sa likod niya at bago pa sya makapagsalita,pinagpapalo na sya ng kahoy ng di-kilalang lalaki. Bago mawalan ng malay, ito lang ang narinig ni Ryan.
“Magnanakaw! Lagot ka ngayon kay Ma’am!” Ang babala ng lalaki.
Matalim na tingin ang pinukol ni Anne sa trabahador at kay Henry. Nairita siya sa una dahil sa bigla nitong pananakit ng tao nang hindi nagtatanong. At mas irita siya sa pangalawa dahil sa reaksyon nito nang makilala niya ang walang malay na lalaki sa sofa sa sala.
“You should add this to our treatment.” Mapagbirong bulong ni Henry kay Anne habang masusing pinagmamasdan ang duguang si Ryan.
Abot-abot ang paghingi ng tawad ng trabahador. Nagulat diumano ito nang makitang bukas ang cottage at nang hindi si Andrew ang makita,inakala nitong magnanakaw ang binatang nahuli.
“Sige na, Ador. Kami na ang bahala sa kanya.” Nasabi na lang ni Anne. Gusto niya sanang gisahin ang trabahador pero alam niyang nag-aalala lang ito sa mga posibleng nanghihimasok sa kanilang lupain.
Mataktikang umalis si Henry. Kesyo sumasakit daw ang ulo nito at kailangang magpahinga. Mag-aalala sana si Anne kundi niya napansin ang tinatagong ngiti ng kaibigan.
Nilapitan niya si Ryan at sinimulang linisin ang sugat nito. Iba na ang gamit nitong pabango. Bakit ba naaalala niya pa rin ang cologne nito dati? At teka, paano ito napunta sa cottage niya. Ang susi ng cottage ay na kay…
“Someone will explain big time.” Napalakas na sabi ni Anne. Nang maimagine nya si Andrew na nakatali sa langgaman, napadiin ang dampi niya ng basang bimpo sa sugat ni Ryan. Napasigaw ito at bumalikwas ng bangon.
“Aray! Anong…” Hindi na naituloy ni Ryan ang sasabihin nang makilala ang nasa harapan niya.
“Sorry, nasaktan ka ng tauhan ko. Si Andrew lang kasi ang may susi ng cottage.” Paliwanag ni Anne.
She imagined seeing Ryan again and saying sorry for what happened before. She imagined him saying it’s OK and can they have coffee? She never thought she’d say sorry for another damage like this.
Ryan also imagined seeing her. Tipong may kasama siyang sobrang hot at sikat na chick tapos magkikita sila ni Anne and she would feel so rejected and ugly in front of his date. And then, he’ll just walk pass her as if he didn’t recognize her. Pero bakit naman bugbog sarado siya now that he had seen her again. At nasa teritoryo pa siya ng dalaga!
“So you know Andrew. Is he your lover? Is this some way to make me more stupid?” Galit na tanong ng binata. Right now, he doesn’t care if his wounds hurt like hell. Gusto niyang pagbuhulin si Anne at Andrew.
Pero lalo yatang nang-aasar pa ang dalaga. She laughed hard. And muli,nakalimutan na naman niyang huminga. Maiksi na ang alon-along buhok ng dalaga at imbes na dress ay simpleng khaki shorts at long-sleeved polo lang ang suot nito. The girly sparkle of her eyes is gone. Pero mas malalim at madilim ang mga mata nito ngayon. Mas nakakaintrigang alamin ang mga nasilayan niyon. Nawala na rin ang lutong ng pagtawa nito. But her laugh right now, reminds him of thick honey, rolling slowly on his thigh.
Pinalis ng binata ang imaheng iyon sa utak niya. He promised himself he’ll not be awed with beautiful women again. But he’s doing that now at sa harapan pa ni Anne!
“Hmm. So you’re mad at me? That’s understandable. So how did you and Andrew meet? How did you get the key?” Tanong ni Anne.
Mabilis na kumilos si Ryan. Hinapit niya ang dalaga at tinitigan ito. Halata ang gulat sa mukha ni Anne. But despite the pain of his hands on her waist and jaw, she stared at him calmly.
” You did not answer my question, bitch! Pinaglalaruan ninyo ba akong dalawa ni Andrew? For three years, gusto kong burahin yang mukha mo sa sobrang inis! And then, you will suddenly turn up in my life again? Nice joke,Anne!” Sigaw niya sa dalaga.
May sasabihin pa sana si Ryan but Anne silenced him. With a kiss.
Anne didn’t think when she did that. Kahit siya ay nagulat sa desisyon ng katawan niya. She kissed him carefully as if she’s afraid that he’ll be offended or worse, withdraw. Her kiss was mild almost begging him to forgive her. At the same time, she hopes to feel his kisses again. Like what happened three years ago when she melted in his arms.
I want to feel that again. Bulong niya sa sarili. But that didn’t happen. Ryan pushed her away at nakakamatay ang tingin nito sa kanya.
“Now that you’re quiet, I’ll answer your question.” Panimula niya. Lumayo siya kay Ryan at umupo sa kaharap na upuan nito. She did not invite him to sit.
Ipinaliwanag niya rito ang relasyon niya kay Andrew. At ang kawalan niya ng idea na magkatrabaho ang dalawa.
“Why will you give that place to him if magkaibigan lang kayo?” Tanong ni Ryan.
Anne rose from the sofa. This is a tiring day for her. Mas napagod yata siya sa muli nilang pagkikita ni Ryan kaysa sa pag-aasikaso niya sa bahay.
“Hay, Nerdy Boy. I gave it because I hate it. And now that he gave that place to you, wala pa rin akong pakialam sa kubong iyon.” Mapait na sagot ni Anne.
May sasabihin pa sana si Ryan pero umalis na ng sala si Anne. Damn! This is not really what he imagined on how they would meet again.
- To Find Her Again 14 - August 13, 2024
- To Find Her Again 13 - August 3, 2024
- To Find Her Again 12 - July 25, 2024