To Find Her Again 7

To Find Her Again

Written by synnovea

 


After 3 years…

“Ryan, get up. Tapos na ang movie.” Nakangiting sabi ni Marcy.

Uminat ang binata at humikab. Ang sarap talagang matulog sa sinehan. Pwede yatang irecommend sa mga lalaking may insomnia ang panonood ng romance movies gaya ng pinanood ni Marcy. Hindi niya alam kung tama bang sabihing nanood sya kasama nito gayong umpisa pa lang any naghihilik na siya.

Korean movie ang To find him again pero ayon na rin kay Marcy ay Pinay ang nagsulat nito. Ito na rin daw ang una at huling romance movie na gagawin ng Pinay na manunulat.

Wala nang pakialam si Ryan sa kwento ng kung sino mang hudas ang sumulat ng nasabing pelikula. Isang linggo rin syang pagod at puyat sa tambak na trabaho sa opisina. Kaya naman halos sipain pa siya ni Andrew para paunlakan ang imbitasyon ni Marcy na samahan itong manood ng sine.

“Pare, isang buwan na nating sinisilipan yan sa CR. Palalagpasin mo pa ba ang pagkakataon?Isang dyosa na nga ang lumalapit sa iyo!” Pangungumbinse ni Andrew sa kanya.

Intern sa opisina nila si Marcy. Sabi nito, ilang araw na lang ay malapit na nitong makumpleto ang oras para sa OJT niya. Unang dating pa lang ng dalaga noon sa opisina ay ilang kaopisina niyang lalaki ang nabali ang leeg kasisilip dito. Ito lang yata ang intern na nangahas magsuot ng plunging na blusa at maiksing paldang may slit sa unang araw niya.

“The attention-seeker type. Alam ang kanyang assets at ready to fight!” Ito ang bansag ni Andrew sa dalaga.

Tatlong taon na ang nakakaraan ay pinasaulo sa kanya ni Andrew ang mga uri ng babae at kung paano mapapansin ng mga ito. Dati, hindi niya pinapansin ang grupo ni Andrew. Lahat ng babae kina-classify. Lahat pinopormahan. Parang pumapasok lamang ang mga ito sa opisina para mambabae. Hanggang sa isang araw,napapayag sya ng mga itong sumama sa kanilang mag-inuman.

Hindi na matandaan ni Ryan ang mga nangyari ng gabing iyon dahil nilasing siya nang todo ng tropa ni Andrew. Pero pagpasok niya muli, isang papel ang nilapag ni Andrew sa lamesa niya.

“Pre, eto nga pala ang tasks mo para sa linggong ito.” Sabi ng binata.

Naguguluhang binasa ni Ryan ang nakaprint sa papel.

1.Classify women according to dress. Make at least four types. Get pictures. 2.Create an account in a dating site. Find women with same interests as you. 3.Go to a bar and talk to a woman you don’t know. Sustain a conversation with her for 10 minutes.

Note: Failure to do the tasks will have consequences.

“Bakit ko naman kailangang gawin ang mga ito?”Naiinis niyang tanong kay Andrew.

Nakangising tumabi si Andrew sa kanya at inakbayan siya.

“Kasi pare, nang nalasing ka, nakiusap ka sa akin na turuan kitang dumiskarte sa mga babae. Para ‘pag nakita mo ulit yung babaeng umiwan sa iyo, e kaya mo na syang gantihan. Tulo-uhog ka pa ngang nakikiusap noon e.” Kuwento ni Andrew.

Nararamdaman ni Ryan noon ang gumagapang na hiya sa kanyang mukha. Naikuwento nya pala sa kumag na ito ang nangyari sa kanila ni Anne. Saan ba may hukay at nang makapagtago siya?

“OK lang ‘yan,Ryan. Lahat tayo e may tanga moment. May nagturo rin sa akin noon kung paano maging swabe sa mga chicks. So, ngayon, ikaw naman ang tuturuan ko.” Pang-aalo ni Andrew sa binata.

Kung totoo man iyon, naging tanga rin ba si Anne? Nangarap din kaya ito ng normal na date at mga habulan sa park na madalas mapanood sa mga romance movies? Sino kayang nagturo ritong maging pusong bato?

“Siya nga pala, Master ang itatawag mo sa akin kapag nasa labas tayo,ha. ‘Pag di mo nagawa, iinom ka ng tequila na may paminta,ok?” Paalala ni Andrew bago ito bumalik sa kanyang cubicle.

Muling binasa ni Ryan ang kanyang mga tasks. Ng araw na iyon, ipinangako niyang hindi na sya matutulala pa sa magagandang babae.

Hindi rin madali ang mga pinagdaanan niya bilang estudyante ni Andrew. Nang nag-uumpisa pa lang siya ay madalas siyang magbayad ng bill sa bar dahil hindi siya nakakumbinse ng babaeng makakasayaw niya.

Hindi niya rin kayang makipag-usap nang matagal sa mga babae. Lagi syang nakatingin sa relo kung tapos na ba ang 10 minutes.

Pero sa kabila ng maraming kahihiyan,sampal at kantyaw nina Andrew, nagawa rin ni Ryan na matutunan ang pagdiskarte sa mga babae. Nang mapapayag niyang mag-one night stand sa opisina ang mataray na secretary ng boss nila, binuhat siya nina Andrew na parang MVP ng basketball.

“Ayan, graduate ka na sa womanizing 101,pare! At bilang regalo…” Isang susi ang inilabas ni Andrew sa bulsa niya at binigay kay Ryan.

Susi diumano iyon ng isang bahay-kubo sa Laguna. Regalo raw ng kaibigan ng binata ang nasabing kubo. Doon nagbabakasyon si Andrew. At madalas, ay may date itong kasama.

“That’s the key to paradise.” Bilin ni Andrew sabay kindat.

At ngayon, ibang Ryan na nga ang ka-date ng kanilang intern. Dahil attention-seeker si Marcy, simple lang ang technique na ginamit niya para mapansin ito. At iyon ay hindi ito pansinin.

Muling humikab si Ryan at inayos ang nakapusod na buhok. Nilinis niya rin ang kanyang salamin na nagkahamog sa lamig ng aircon. Nang tumayo siya, kusa nang nag-abrisyete sa braso niya si Marcy. Napangisi si Ryan. Ang mga babae nga naman, pagkatapos manood ng love story nagiging malalambing.

“Take-out na lang tayo ng dinner. Tapos let’s get drunk in your place.” Walang gatol na sabi ni Marcy paglabas nila.

Hinapit ni Ryan ang dalaga at pinaglandas ang daliri sa baywang ng dalaga.

“How about a massage?”

Isang buntong-hininga ang sinagot ng dalaga.


Magkahalong awa at inis ang gustong maramdaman ni Anne para sa mga manonood. Ikalawang linggo na sa sinehan ng pelikulang isinulat niya. At di pa rin nagbabago ang pananaw ng mga manonood sa ending ng kanyang pelikula. Malulungkot ang mga ito. Hindi kasi nagkatuluyan ang mga bida. May narinig pa syang babae na nagsabing baka mag part 2 ang nasabing pelikula.

Bakit ba hindi gets nga mga nanood na closure ang tema ng pelikula at hindi talaga romance? Hindi ba pwedeng magbago ang dalawang bida matapos ang ilang taong paghihiwalay? Does the audience expect that they still love each other?

Siguro nga ay inaasahan ng mga manonood na magkakabalikan ang dalawa. E sa ganoon ang nakasanayan nilang takbo ng istorya. Happy ending lagi.

Not everyone has a happy ending. Hindi pinayagan ng mga producers na idagdag niya ang linyang iyan sa pagpopromote ng pelikula. Baka raw wala nang manood kung malalaman nilang hindi talaga magkakatuluyan ang mga bida.

Three years ago nang sinimulan ni Anne na isulat ang pelikulang ito para sa kanyang thesis. Nanalo ang script na iyon at isang Korean production company ang nagsponsor para gawin niya iyon sa Korea. Hindi na niya naisipang bumalik ng bansa. Ipinalabas sa Korea ang pelikula pero nakiusap syang huwag na itong ikalat pa sa Pilipinas. Piling mga tao lang ang nakakita noon nang panoorin ito sa viewing room ng kanilang kolehiyo.

Kilala ang Korea noon sa mga nakakakilig na teleserye at pelikula. Pero isa si Anne sa mga kaunting manunulat na nagpapatatag sa mga pelikulang horror,drama at noir ng Korea. Ilang beses ding nakilala sa iba’t-ibang film festival ang mga obra niya. Tinagurian siyang ‘Dark Queen’ dahil sa puro pagdurusa, kalungkutan at kahirapan ang tampok sa mga sinusulat niya.

Nang malamang isang romantic movie ang sinulat ng dalaga noong estudyante pa lang ito, kinausap siya ng nagsponsor na production company na ipalabas muli ito. Tinanggihan iyon ng dalaga.

“So you’re not yet over him?” Tanong ni Henry sa kanya matapos niyang itaboy ang isa na namang kinatawan ng production company.

Henry directed all the films she has written. Ito ang unang Pinoy na nakilala niya sa Korea at nakasundo niya. Si Henry rin ang tumulong sa kanya na mapatakbo ang casting at shooting para sa thesis niya. Ang pinakamahalaga sa lahat, it was Henry who helped her when she decided to stay in Korea. He took her to his apartment and they have lived together ever since.

Humarap si Anne sa kaibigan. Halos labinlimang taon din ang tanda ni Henry sa kanya pero hiyang yata ito sa klima ng Korea. He looks younger. At kung hindi ito director, malamang ay isa rin ito sa maaring maging actor dahil sa tangkad at hitsura nito. Pero gaya niya, mas pinili ng binata na mabuhay sa likod ng camera.

“How can I tell him that I only flirted with him that night to start a story I’m not used to writing? If I show that film, it’d be like, shattering him again.” Paliwanag ni Anne.

Nilapitan siya ni Henry at hinawakan ang mga kamay niya.

“People change, Anne. Baka nga tinatawanan na niya lang ang nangyari sa inyo dati.” Sabi ni Henry.

Nais ni Anne na isiping siguro ay ganoon nga. Ryan got over that night. Baka nga may fiancée na ito at masaya na sa buhay niya.

“You too have changed. Learn to forgive yourself, Marianne. Life is short.”Nakangiting wika ni Henry.

Ginagap ng dalaga ang kamay ng kaibigan. Tila humihiram siya ng init mula rito.

“OK, Master Henry, how do I start to forgive myself?” Tanong niya.

Masuyong hinaplos ni Henry ang mukha ng dalaga. For someone so angelic, Anne has a lot of devils inside her that she needs to release.

“Show the movie, dear. And let’s go home.”

Naputol ang pagmumuni-muni ng dalaga nang may mahagip ang mata niya sa sinehan. Peste, naiinis na nga siya at hindi nagustuhan ng ilan ang pelikula niya. But this guy was worse. Ilang upuan mula sa kanya,isang lalaki ang niyugyog ng babaeng kasama nito. Nakanganga pa ang binata at nakahilig sa armrest.

Anne can see all the way to the woman’s navel dahil plunging ang suot nitong dress. Ilang mga lalaking may kasamang mga dates din ang napapalingon dito. Nadismaya pa yata sila nang dumiretso na ito ng tayo. Gising na kasi ang date niya. Nakakapaso ang tingin ni Anne sa lalaking natulog sa pelikula niya. Gusto niyang tandaan ang mukha nito. Sa susunod na gumawa siya ng script,hahanap siya ng artistang kamukha nito at gagawin niyang isa sa mga biktima ng serial killer na bida. Lalong nabiwisit ang dalaga nang walang hiya itong humikab at uminat na parang nasa sarili nitong higaan. Inayos ng binata ang pagkakapuyod ng mahaba nitong buhok. When the guy removed his glasses,tila nahilo si Anne. The shoulders have been broader at napalitan ng roughness ang dati’y boyish na mukha ng binata. Pero sa kabog ng dibdib ng dalaga, alam niyang hindi siya namamalikmata. After three years, she found him again.


“Yes, Baby. Ah shi*t,sige pa. Uhmm…” Mahinang ungol ni Andrew. Alam niyang panaginip lang ang babaeng nasa pagitan ng mga hita niya. Pero pakiramdam niya’y parang totoo ang bawat hagod ng dila nito sa mga hita niya.

Kanina, ay si Angelina Jolie ang babae. Pero ngayon, pinalitan niya ng mukha ni Megan Fox ang pantasya. Nanunuot sa kanyang mga kalamnan ang init ng hininga nito. Ang malahayop na tingin ni Megan sa kanya. Umibabaw ang dalaga at sinimulan siyang dilaan sa pisngi,sa labi. Napakawild pala ni Megan Fox!

“Woorf..Woorf!” Tahol ng aso niyang si Tissue.

“Mamaya na baby, minsan lang kami nitong si Megan.” Saway ni Andrew sa aso pero mapilit ito. Ginigising siya.

Nagmulat ng mata si Andrew at mukha ng alaga niyang terrier ang bumulaga sa kanya. Muntik na niya itong maibato kung wala lang kumuha at kumarga rito.

Ang lutong ng tawa ng babaeng may karga sa aso niya.

“Anak ng! Si Tissue yung dumidila kanina sa hita ko?” Sigaw ni Andrew nang mapansing amoy aso ang laway sa mukha at hita niya.

Inilapag ng dalaga si Tissue at umupo sa tabi niya.

“Anung akala mo,si Megan? Hahaha!” Pang-aasar ni Anne sa kaibigan.

Kung hindi lang siya masaya na makita ulit ang dalaga, malamang naihagis na ni Andrew palabas ng condo ang dalaga.

“Hay, for three years, tahimik ang mga lalaki rito sa Pinas. Now that you’re here, gugulo na naman ang mga buhay nila.”

Andrew and Anne became friends because they can’t be lovers. Graduating noon si Andrew nang makabangga niya sa corridor si Anne. Sinundan niya ito kahit saan. Isang buwan bago niya nalaman ang pangalan nito,course at saan ito madalas tumambay. Tapos na ang graduation rites nang magkalakas siya ng loob na kausapin ito. Nakaenroll ang dalaga noon sa summer class.

Her reply surprised her.

“Do you want to have sex with me?” Tanong ng dalaga.

Nagkandautal pa si Andrew noon nang hatakin ni Anne ang kwelyo niya at halikan siya.

“Ay virgin.” Para itong nakaamoy ng di maganda.

Kinuha ng dalaga ang bag niya at tinaktak ang gamit ng binata. Ilang FHM magazines din ang nakita ng dalaga. Binuklat niya iyon.

“Hmm. Interesting. Halika, make my summer entertaining.” Nakangiti ito pero hindi gusto ni Andrew ang talim ng tingin nito.

He didn’t have sex with Anne. How will you seduce a woman na ang tingin sa iyo ay payaso? Tumatawa lang ito sa kawalan niya ng experience. Sa mga sablay niyang pickup lines. Kumportable ang dalaga sa kanya. She used to tell him all her escapades. And he, his fantasies. Madalas silang tumambay noon sa campus para lang tumingin ng mga babae. Hindi niya akalain na pagtitrip-an pala siya ng dalaga.

May dumaang babae na popular sa kolehiyo nila at crush din ni Andrew.

“OK, Andrew. ‘Pag napapayag mong makipagdate sa iyo yang babaeng yan, I’ll give you something.” Makahulugang hamon ng dalaga.

Alam na ni Andrew na malabong makascore siya kay Anne at hindi na rin naman siya interesado roon. That summer, Anne served like a mentor. Nawala na tuloy ang pagnanasa niya rito. Alam niya ring hindi sex ang ireregalo nito.

“Anong regalo naman ‘yon?”Tanong niya habang sinisilipan ang isang freshman na paakyat ng hagdan.

Anne dangled a key and smiled.

“This is the key to paradise.”

That’s how he made her summer interesting.


“May sakit ka ba? Anung pinainom na lason sa iyo ni Henry,ha?” Tanong ni Andrew kay Anne.

Anne smiled sadly.

“Sabi nga ni Henry, people change. I did, Andrew. I was not the wild girl you knew before.” Sagot ni Anne.

Hindi ma-gets ni Andrew why Anne has to change. She is the nurturing femme fatale. In the years when he was not sure of himself, Anne would coach him to excel. Kung hindi dahil sa mga challenges at pantitrip ng dalaga, baka wala syang trabaho ngayon. At hindi siya kinababaliwan ng mga babae.

Nanatili ang komunikasyon nilang dalawa kahit nasa Korea na ang dalaga. Madalas ay may e-mail ito sa kanya. Gusto niyang gabi basahin ang mga messages nito sa kanya gaya ng dati. Alam niyang puno iyon ng maaksyon at umaatikabong sex stories. Pero wala siyang nabasang ganoon sa mga mensahe ng dalaga mula Korea. Akala ni Andrew ay sandali lang ang tuyot na sex life ng dalaga. Pero tatlong taon at heto nga at nandito na itong muli pero, tila nag-iba na talaga ito.

“I talked to those men I bedded before. Kinamusta ko sila. Some stayed the same. Jerks pa rin. Others found a wife. At yung may mga asawa na, nagpalit ng kabit nila.” Mapait na ngiti ng dalaga.

“E si Nerdy Boy?” Usisa ni Andrew. Anne did not tell him his name. Iyon lang ang bansag ni Anne sa huling lalaking nakaniig niya bago umalis ng bansa. Mas matagal ang itinakbo ng relasyon ni Anne sa ibang mga lalaki. Pero mas madalas na mabanggit ni Anne si Nerdy Boy sa mga emails nito.

“I saw him sleeping in my movie with his girlfriend.”

Anne may be good in charming men. Pero hindi siya expert sa pagtatago ng emosyon. Andrew knew she’s disappointed.

“So you will talk to him, too?” Tanong niya.

Tumayo ang dalaga at umiling.

“I’m going back to Laguna. I asked Henry to stay with me. Alam mo na,memories.” Pagal na tawa ni Anne.

Pahapyaw lang ang pagkukwento ni Anne tungkol sa pamilya nito pero somehow he got the story.

“Nga pala, anong pangalan ni Nerdy Boy? I-google ko.” Pagbibiro niya.

Anne remembered Ryan’s outstretched hand and his nervous voice.

“Ryan. Ryan Dalagan.” She answered and left Andrew’s room.

And Andrew felt like he created a Frankenstein.


When Ryan woke up, he smiled. He went to bed with one woman. Dalawa na ang nasa kwarto niya ngayon. He stretched and looked at the two women in front of him. Ang tindi ng amats ng ininom nila kagabi. Tila slow-motion ang kilos ng dalawang babae sa paanan ng kama niya.

Marcy is wearing his favorite shirt. He cannot remember the name of the other girl. He can imagine the woman’s straight long hair caressing his thighs. Her Chinese eyes closed in passion.

They seem to be arguing. It took him forever to realize what was happening. Nang pumagitna siya sa dalawa ay huli na. Napunit na ng di kilalang babae ang paborito niyang t-shirt.

“Stop! Ano ba?” Awat nya sa mga ito.

Inilayo niya si Marcy sa di kilalang babae. Pero sumusugod pa rin ang babae, nauuna ang mga kuko nitong mahahaba.

“What are you doing here?” Tanong ng binata sa babae. Pilit nya pa ring inaalala kung sino ito.

“I’m going to rip your eyes out! How dare you sleep with my boyfriend!” Sigaw ng babae kay Marci.

“Boyfriend? I can’t even remember your name!” Sigaw ni Ryan.

Tila nawalan ng lakas ang babae at napatingin sa kanya,shocked. Ryan slapped his plam on his head. Finally, he remembered who this girl is! He met him while visiting one of their sites in Tagaytay. She used to remove her clothes sa tapat ng bintana. And Ryan was intrigued by her long legs. He didn’t know then na si Ms. Rissa Chen pala ang anak ng client nila roon.

“We dated, Ryan. You were so nice to me. Now, you can’t even remember my name?” Halata ang hinanakit sa mga mata nito.

He never liked women who play dumb and then cry when it’s time to say goodbye. One thing he never wanted them to do is to assume. And this is what Rissa is doing all along.

“Yeah, we dated, we had sex. That’s it. I was never your boyfriend.”

Dahan-dahang lumayo si Rissa. Kumalat na ang mascara nito kakaiyak.

“I wish you meet your match, Mr.Dalagan. So you will nkow how much you have hurt me.” Rissa said in between sobs.

Ryan watched her go. I’ve been hurt before, Rissa. I know.

Inalis ni Ryan ang mga kamay ni Marcy sa pagkakapit sa kanya. Mas mabuti ng klaruhin sa mga babaeng ito kung ano ba ang meron sa kanila.

“O,baka akalain mo na boyfriend mo na ako just because of what happened.” Saway niya kay Marcy.

Bumuntong hininga ang dalaga at isa-isang sinuot ang mga damit niya.

“Tama siya, I really hope you meet your match.” Tipid na ngiti ni Marcy at umalis na rin siya sa silid ng binata.Ryan looked out of his window. Pero hindi ang paalis na si Marcy ang nasa paningin niya. He’s thinking of another time, of a different girl, asking him to join her in the rain.


“Pare, anong balak mo?”concerned na tanong ni Andrew kay Ryan.

Isang sulat ang nasa lamesa ni Ryan nang dumating ito sa opisina. Dagli niyang pinuntahan ang silid ng boss niya at katakot-takot na sermon ang inabot niya.

“Mr. Chen is one of our biggest clients! And he called me this morning dahil sa ginawa mo sa anak niya!” Sunod-sunod na akusa ng boss ni Ryan.

Ryan folded the letter and cleared his desk.

“I’ll apologize to Mr. Chen. Then sabi ni Boss, I can take a leave until he calls me for a new project.” Sagot ni Ryan at itinuloy niya ang pagliligpit ng mga gamit niya.

Nahulog ang isang sketch na ginawa niya dati. Anne’s face had been blurred. He suddenly had an idea on how he’d spend his forced vacation.

“Pare, I think it’s time to visit your paradise.” Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti si Andrew pero para itong may diarrhea.

synnovea
Latest posts by synnovea (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x