Written by synnovea
Walang pakialam si Ryan kung madilim ang daan o kung zero visibility na ang tinatahak na daan ng sasakyan niya. He does not want to spend another minute sa pugad yata ng lampungan ni Anne at Andrew. Babalik siya ng Maynila at babasagin nya ang mukha ng itinuring niyang kaibigan.
Nahampas niya ang steering wheel nang makitang ilang puno na ang nangagtutumbahan sa kanyang harapan.
“Saglit lang akong nag-offline, nagkabagyo na! Bwiset!” Bulyaw ni Ryan habang umaatras palayo sa mga natumbang puno.
Dahil sinara na ang supply ng kuryente, wala nang bukas na streetlights noon. Laking gulat na lang ni Ryan nang isang babaeng nakaputi ang malapit na niyang mabundol dahil nakatigil ito sa gitna ng inaatrasan niyang kalye. Pinreno ni Ryan ang sasakyan at sandaling yumuko. Nakita ulit niya kanina ang babaeng nagparamdam sa kanya ng maikling saya at mahabang pagkapoot. Tapos ngayon naman ay babae na naman ang nagpaparamdam sa kanya ng matinding takot.
Muli niyang nilingon nag babaeng nakaputi. Wala na ito. Huminga siya nang malalim at bubuksan na sana ang makina nang may kumatok sa bintana niya sa passenger seat. Kasabay ng pagkidlat, nasilayan ni Ryan ang white lady na nagpupumilit buksan ang pintuan niya!
Napahiyaw ang binata at yumupyop sa driver’s seat. Nanatili siyang nakayuko at nagkanda bulol-bulol na siya sa pagpapakalma sa sarili.
Naalala niya noon ang sabi ni Andrew na kapag nakakita ito ng white lady ay liligawan nito at mamanyakin buong gabi. Dapat kay Andrew na lang nagpakita ang espiritong ito!
“Ryan, open the door. Ano ka ba? What’s wrong?” Pilit nilalakasan ng white lady ang sigaw at pagkatok sa pintuan niya.
Nang humupa ang panginginig niya, muling tinignan ni Ryan ang babae. May dala itong flashlight at nakakapote ng puti. He saw that face three years ago under the same rainy night. Nakalimutan niya saglit ang poot dito dahil bumabahing na ito at nanginginig. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng sasakyan.
“Bb-bakit kk-ka umalis..achooo..kagad? Di mo alam na signal number three na kaninang mag-gagabi?” Panenermon ni Anne.
Hinalukay ni Ryan ang likod ng kotse niya pero wala syang kahit anong balabal o basahan man lang. Napansin na nga niya ang pagsusungit ng panahon bago sya umalis. Pero hindi naman niya inakalang senyales na pala iyon ng pagdating ng bagyo.
Hinubad niya ang suot na jacket at ibinato kay Anne. Ipinantabing naman ng dalaga iyon sa kanyang katawan.
“Ano namang pakialam mo kung umalis ako habang nabagyo?” Mataray niyang tanong sa dalaga.
“If you did not stay in my place and you died because of the typhoon, I would not know and perhaps I would not care. But I just saw you this afternoon and I’d be haunted by your face if one of these trees fall on you.” Malamig ding tugon ng dalaga.
“Isa pa, sira na ang tulay na nagdurugtong sa bayang ito at sa daan pa-Maynila. Magsasayang ka lang ng gas.” Muling banggit ni Anne at humilig na ito sa headrest ng upuan.
I’m trapped! Bulong ni Ryan sa sarili. He would not mind getting stranded in the middle of nowhere with a hot chick. With a playful imagination, balewala ang hassle at boredom kung may maroromansa siyang babae. He looked at Anne. Nakapikit na ito at tila pinipilit matulog. Gone was the softness of her facial features. After three years, she was now a chiseled beauty. Tila niliha ng eskultor hanggang maging pino ang ilong, cheekbones at jawline nito. It was not a girlish face anymore but one of a more formidable woman. Kahit ang labi nitong puro ngiti at pout noon ay nakatikom na bagaman kasing rosas pa rin nang huli niya itong masilayan. He remembered the kiss they shared. How assured and yet vulnerable it was. He wondered why her kisses can still throw him off balance. O baka dahil nagulat lang siya kanina.
There’s only one way to find out. Muli niyang untag sa sarili. Ngumisi si Ryan at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ni Anne.
“Achoo! Aray!” Ito ang nabulalas ni Anne nang magtama ang ulo nila ni Ryan.
Pinipilit ni Anne na huwag manginig at bumahing. Alam niyang hindi naman siya yayakapin ni Ryan o aalagaan man lang dahil nga imbyerna ito sa kanya. Kaya sinusubukan niyang magpakatatag. Pero hindi niya napigilang bumahing nang may dumait na hibla ng buhok sa kanyang ilong. Bakit naman ganoon kalapit ang buhok ni Ryan sa kanya?
Napamura si Ryan sa pagsalpok ng mukha niya sa noo ng dalaga. Hanggang ngayon ay wrong timing pa rin ang pagbahing nito.
“Iuuwi na kita sa inyo! Tapos pabayaan mo na ako kung saan man ako pumunta!” Asik niya kay Anne na walang tigil na sa kakabahing.
- To Find Her Again 14 - August 13, 2024
- To Find Her Again 13 - August 3, 2024
- To Find Her Again 12 - July 25, 2024