Written by Mikeongp
Hi, eto na ulit si Michael or mas kilala niyo as Mike. I’m here para tapusin na yung storyang ito na pinamagatang Collegiate/Unforseeable FATE. This time, boring na, halos wala nang dialouge or creative writing. Just the story itself, as real as it gets.
It’s been a long time nung naisipan kong isulat ito, at that time I really wanted to share everything, but now. Hindi ko na alam.
Bakit?
Hmm. Balik tayo sa umpisa, sa pamagat kung bakit FATE. Sabi ng dictionary, Fate is the development of events beyond a person’s control. For sure kung nasubaybayan mo sa umpisa, ako yung gumawa ng paraan para may mangyari sa amin ni hannah. I’m in control, pero what happens next, para akong bata na walang magawa sa mga nangyayari sa paligid ko.
Some of you might think na, fuckboy or swerte, or some may even doubt that degree of “realness” ng story ko. Yes, of course, to some extent pinaganda or pinabulaklak ko na ang storya for the sake of writing. Pero kung ano man yung nalaman niyo sa kwento so far. Iyun na yun. Yun na ang highlight. Pero yung mga dapat na susunod na chapters, di ko na alam kung paano ko ikukwento.
Madali kung sa madali, dahil alam ko na hindi ko na kailangang dagdagan o bawasan ang laman ng mga next chapters pero ang hirap dahil bumabalik lahat sa isipan ko.
Yung rush of thoughts and emotions, grabe.
…
Originally, ang nakaplano lang sa akin ay putulin na ang kwento, sa beach, yung outing, yung simula nang pag gulo ng lahat. To me, great ending na, open ending na mag bibigay sa reader mga tanong like, anong mangyayari kay Rudy, Jomar, kay Hannah, sa barkada, so sila Mike at Elaine na? Pano na si Nida.
Kaso sobrang nadala at natuwa ako sa mga readers, grabe yung suporta so, itinuloy ko.
…
Dumalang ako mag update, umabot pa nga ng taon. Then lately nakasulat ako ng magkasunod pero di ko alam kung pansin niyo, pero walang laman yung kwento. It was more of a fiction than a narration kung ano talaga nangyari.
Ang tunay o dapat na laman ng mga chapter na iyon ay ang simula ng downfall ng mga bagay sa paligid ko.
…
Simula nang mag date kami ni Hannah, talagang tyinaga ko siya. Araw araw akong nangangamusta, at nagungulit sa text. Unti unti kaming naging close ulit over time pero nothing serious na nadedevelop.
Sinabi ko rin sa sarili ko na, kung talagang gugustihin ko na makasama si Hannah. This time, sa tamang paraan na. Hindi patago, talagang liligawan ko siya at titigil ko na ang mga kahaguhan ko. Pero bago yun, alam ko na kahit papaano ay kailangan ko sabihin ito kay Elaine.
Lahat nang tao sa paligid ko, may nasasabi na tungkol kay Hannah. Yung mga chismis, at kung ano anong kwento, pero hindi si Elaine.
Ibang umintindi si Elaine.
“…Kung san ka masaya doon ako. Alam kong ganun ka rin naman sa akin. So kung si Hannah yung magpapasaya sayo GO. Susuportahan kita, ‘lam mo yan nandito lang ako…” linya niya nang sabihin ko da kanya ang tungkol kay Hannah.
“Kung magiging kayo man, Tayo parin bestfriend ha”
Yan ang mga tumatak sa isip ko na mga sinabi niya. Sa isip isip ko. Ang swerte ko at may taong ganito sakin.
…
Pumayag si Hannah na ligawan ko siya, nadaan ko sa pangungulit. Dahil sinasabi niya na, kuntento naman siya sa kung anong meron kami.
Pinaghintay niya ako. Nang gaano katagal? Exactly 1 year daw. Januray nun, tandang tanda ko pa. January 23. ang sabi niya sa akin
“…January 23 20xx pag nandito ka pa rin. Tayo na. Kaya mo ba?”
Yan ang hamon niya. Ako naman tong bibo. Gano na kasaglit yung 1 taon.
Mahirap ang panliligaw ko, sobrang bihira namin lumabas or magkita outside school. Lagi siyang may reason, kesyo busy ganito ganyan.
Iniisip ko nalang na baka ito yung challenge niya sakin.
Pero tao lang din ako, napupuno lalo na sa napakarami kong naririnig na kwento tungkol kay Hannah.
Month of May nun, pang apat na buwan ko palang nan nanliligaw kay Hannah. Lumabas kami, kain lang ganyan. Naging pabalang ang mga sagot ko, naging bastos ako.
Nakapag salita ako ng mga hindi dapat, na pinagsisihan ko habang buhay.
Nung araw na yun, umuwi siyang umiiyak. Yung gagong ako naman, ni hindi manlang nag text agad o tumawag sa kanya namg gabing iyon.
Kinabukasan pa ako tumawag at nag sorry. Okay lang daw, nag sorry din siya. Sobrang apologetic pa nga niya. Nahiya ako.
Pero after nun, dumalang na siya mag reply hanggang sa June 8, ang huling text niya sakin. As in no calls, no text.
Ako naman itong tatanga tanga pinaabot ko nang ilang araw. Kung hindi pa ko sabihan ni Elaine na puntahan ka, hindi ko pa gagawin.
June 15, Day 7 nang hindi pagpansin at pagreply sakin ni Hannah. Nagpasama ako sa mall kay Elaine to buy surprises for her.
Elaine and I were joking around habang naglalakad nang bigla ka naming makita nagmamadaling maglakad, di ata niya kami nakita. Short hair ka na nun Hannah. Nagulat kami, inasar pa nga ako ni Elaine na nag momove on ka na daw sa akin. Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko bakit nag back out ako. Yung binili naming cake, pinatabi ko muna kila Elaine. Sabi ko bukas nalang natin dalin mag iisip pako ng sasabihin ko.
Torpe, duwag, walang bayag. Tawagin niyo na akong kahit ano. Nagpasama ako kay Elaine ng umagang yun sa apartment ni Hannah. Siya pa may bit bit ng cake.
TOK TOK TOK!
Pero walang sumasagot. Ang rinig ko lang ay ang tugtog sa loob ng kwarto mo, chasing cars. Halos sumigaw na ko kakatawag sayo pero di ka lumalabas. Yung kapitbahay mo nabulabog na.
“Nandyan po ba si Hannah? Walang sumasagot e”
“Oo nandyan yun. Hapon siya umuwi kahapon tapos di pa ulit lumalabas.” Eksaktong sinabi ng kapit bahay mo.
Dito na kumabog ang dibdib ko. Pinaghahampas ko talaga yung pintuan at nagsisigaw. Hanggang sa dumami na ang tao na nakikiusisa sa pag iingay ko.
Hindi ko alam kung sino, pero may sumipa sa pintuan ng apartment mo.
At putangina.
Pindrop silence…
Nakahiga ka Hannah. Ang putla mo, may mga tablet ng gamot na nakakalat sa sahig, naglakad ako ng mabagal papalapit sa kinahihigaan mo, tumulo na agad ang luha ko, naginginig, namanhid ang buong katawan ko.
Nang mahawak ko ang braso mo, ang lamig. Dito na nahulog ang puso ko. Di ko na alam ang pakiramdam ko ang alam ko lang ay inalog alog pa kita.
“HANNAAHHHHHH GISINGGG JUSKO POO. ” hagulgol ko.
Nginig ng laman, boses. Para na kong mag cocollapse binitawan ko ng katawan ni Hannah.
At yumakap kay Elaine na umiyak din ng iyak.
“Tulong. Tulongan niyo kami…” pahina ng pahina kong sabi at natulala ako sa kawalan.
Nawalan ako mg malay at the next thing na alam ko na ay nasa back seat ako ng kotse nila Elaine.
Nakayakap ako kay Elaine na parang batang ayaw paiwan, puno parin ng luha ang mata niya.
Ang dami kong gustong sabihin, itanong kung ano nangyari pero di ako makapag salita. Nanlalambot ako. Hindi pa nag sisink in sa akin yung kabuuan nang nanyari, o hindi ko tanggap.
“Nandyan na sila Mommy, sila nag asikaso.”
————-
I was so weak, Di ako makakain di ako nagsasalita. Ang bilis nang nangyari. Para akong may sakit, pero hindi umaalis sa tabi ko si Elaine. Ang parents niya ang nag asikaso ng lahat para sa burol.
St peters chapel.
Hindi kami umaalis ni Elaine sa harap. Pero hindi ko magawang tingnan ang loob ng kabaong. Dumating ang lahat ng mga kaibigan natin, teachers, at malapit satin pero bakit wala ang magulang mo. Wala ang mga kamag anak mo Hannah.
Sa pangatlong araw ng burol mo may nag abot sa akin ng mga gamit mo.
“Eto din phone ni Hannah, walang laman except for two things” Sabi ni Elaine.
Tumingin lang ako na parang mag tatanong.
“Cleared lahat, pwera sa isang kanta and may isang note. Nakapangalan sayo.” Sabi ni Elaine.
Inabot ko ang phone at pinlay ang kanta. -chasing cars- ang paborito mong kanta.
(Isang request lang, Can you guys play chasing cars by snow patrol now? Right now. So it can somehow help sa “feels” or sa dating ng message)
*piano intro*
We’ll do it all
Everything
On our own
Napayuko ako, para bang nag faflash back sakin lahat. Tinapik ako ni Elaine sa balikat and she gave me space.
We don’t need
Anything
Or anyone
Hi Michael Ongpauco,
Kung magkakaron ako ng chance mabuhay ulit, gusto ko makilala ka ulit. Gusto kong maramdaman o ma-experience ulit lahat nang kasama ka. Pero this time, ipaglalaban na kita. Hindi na ako maduduwag, at aaminin ko sa lahat na sobrang mahal kita.
Kasi I always wonder, kung ipinaglaban ba kita nun, kung sinabi ko sa harap ng lahat na mahal kita, mauuwi ba ang lahat sa ganito? Or nakasulat na sa tadhana ko ang lahat.
The sad thing is, after ng outing natin akala ko yun na yung worst, pero yun lang pala ng simula ng pagkahulog ng buhay ko sa kawalan.
My father committed suicide nang malaman niya na ilang taon nang merong iba si mommy. Sobrang hirap, pupunta ako sa school, wala akong kaibigang makausap uuwi ako sa isang empty house. Wala akong takas sa kalungkutan. Ewan ko ba, words can’t express yung lungkot at pagka down ko.
Di ko jina-justify, pero dahil na rin siguro dito, I committed yung mga kababuyang na chismis tungkol sa akin. Aamimin ko, totoo yung chismis. Alam kong naririnig mo yun. Dalawang beses ko siyang nagawa, for money and for longin for a human connection.
Sobrang kailangan ko nang makakausap.
Pero yung kababuyan at pagkakamali na yun, pinagsisihan ko. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw, nahihiya ako sayo. You always look at me na para bang sobrang special ko. Kaya gustong-gusto kong magbago, I want to be better. But the world won’t let me. Kinilala ako base sa pinakamababang point ng buhay ko.
Nakakalungkot lang, pero again kasalanan ko.
Para naman sayo, Mike, sa totoo lang ayaw kong mag paligaw sayo kasi Ngayon lang kita nakitang ganyang kasaya. Iba yung ngiti mo, yung saya mo pag tinitingnan kita pag kasama mo si Elaine, alagaan mo yung babae na yan, she’s the one. Ipakita mo na na-appreciate mo siya, talk to her everyday, tell her how you feel.
And please kahit ikaw nalang, do not remember me as the troubled lady sana maalala mo ako bilang yung Hannah na makulit, na moody, yung Hannah na minahal mo. Kasi ako, pag magkita kami ni Papa, I’ll proudly say na “Pa, siya sana yung gusto ko makasama habang buhay”
O hanggang dito nalang, I’ll end everything, Mike. Weep, be sad for a while, but move on fast. Live, Love, and Create the best momories.
I love you, ‘Til we meet again.
-Hannah
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world.
So this is it, at the end of the day gaya ng sinasabi ko nung umpisa pa sex is just a part of my story. There is a bigger picture na gusto kong i-share, be kind even through the smallest possible gesture. It could mean a lot to people na may pinagdadaanan.
Kung may tao kang matagal na hindi nakakaudap, kamustahin mo, tawagan mo, kung may kakilala kang malungkot, lend them your ears, makinig ka lang sa kwento niya, make them feel appreciated before its too late. It could mean a lot to those people. Mental health is just as serious as the physical health.
Maybe kung nagawa ko kahit konti ng sinabi ko ngayon kay Hannah eh nandito pa siya. Pero that’s life. I had to learn the lesson in the most difficult way.
- The Unforseeable Fate END - February 7, 2021
- The Unforseeable Fate VII - June 2, 2020
- The Unforseeable Fate VI - June 1, 2020