Uncategorized  

The Lustful Survival [Episode 0]

Dark_Ink
The Lustful Survival

Written by Dark_Ink

 

Episode 0

(July 01, 2030, 18:30 / When Everything Started)

Reporter Jessica Soho: Makikita po natin ngayon dito sa aking likuran ang pag sabog ng isang pabrika dito sa Lungsod ng Paranaque dahil ‘di umano, ay binagsakan ito ng isang nakakagimbal at napakalaking bulalakaw. Tinitingnan pa ng mga tao natin ngayon kung may mga naka survive ba sa nangyaring pag sabog sa a —
???: AHHHHHHHHH!!!
Reporter Jessica Soho: Makikita nga po natin na nag kakagulo na ang mga tao ngayon at — teka… ano ‘yon? Rex pakikunan nga kung ano ‘yon — AHHHHH! WAHHHH! HUWAG! ‘WA —

Maraming nag tataka, nagulat, natakot, dahil sa pangyayaring natunghayan ng mga tao ngayon. May mga hindi makapaniwala at hindi naniniwala, pero isang katotohanan ang nakita nila. Ang isang kilalang reporter na nasa balita ngayon ay nasa harap ng camera, nakahandusay at wala ng buhay habang kinakain ang kaniyang laman loob ng isang hindi kilalang nilalang na ngayon lang nila natunghayan.

Kaya ngayon ay idineklara na ang lungsod ng Paranaque na dead zone o wala ng buhay sa loob ng lungsod na ito.

(July 01, 2062, 08:45 / Last Breath)

wosshh baggg* pzzzz* puuggffff*
Azro: ARGGHH!! huff huff* WAHHHHH!!!
Ellizabeth: Kekekeke! psshh wosshh* Ano bang magagawa mo sa pag tanggi sa kamatayan hah?! Mamatay ka na rin namin ngayon sa mga kamay ko kaya huwag ka ng lumaban pa. Hayaan mong gawaran kita ng isang painless death para hindi ka na mahirapan pa. bggsshh Isipin mo na lang na isang munting regalo ko sa iyo ito dahil sa matagal mong hindi pag suko sa aking maibalik ako sa dati. HAHAHAHAHA!
Azro: ELLLIIZZAABBEETH!!! huff huff* Hindi… hindi ko hahayaang ipagpatuloy mo pa ang mga kasamaan mo dito sa mundo namin… huff huff* H-hindi… huff ako susuko.

Flashback

Ellizabeth Casova, isang summoner type magician at dating kasamahan ni Alexandro o Azro, The Shadow Hero, sa pakikipag laban sa mga halimaw na nag hahasik ng kadiliman sa kanilang mundo.

Walang nakakakilala sa totoong mukha sa likod ng maskara ng Shadow Hero dahil hindi ito mahilig makipag halubilo sa mga tao dahil alam niyang magiging pabigat lang ito sa kaniya at kayang-kaya naman niyang tapusin lahat ng kaniyang mga kalaban kahit siya lamang ang mag-isa. Pero nag bago ang lahat ng nakilala niya si Ellizabeth. Aksidente silang na-trap sa isang dungeon noon na siyang naging dahilan ng kanilang pag kakakulong sa loob no’n ng halos kalahating taon.

Hindi gusto noon ni Azro na makipag tulungan kay Ellizabeth sa pakikipag laban pero wala na siyang nagawa noon dahil sila lang namang dalawa ang nasa loob ng dungeon, at sa kauna-unahang pag kakataon sa kaniyang buhay ay kinailangan niya ng kasama para kalabanin ang mga halimaw sa loob ng dungeon na iyon.

Lumipas ang ilang buwang pakikipag laban sa loob ng dungeon ay kanila ng nakaharap ang final boss na si Masowak, isang ant type giant fire monster.

Pero dahil sa pag tutulungan ng dalawa ay madali nilang natalo ang leader at nakalabas na sila sa loob ng dungeon na kanilang napag kulungan.

Matapos rin noon ay napag pasyahan ng dalawa na mag tulungan na lamang sa pakikipag laban lalo na’t naging mag kasundo na rin naman sila sa huli.

Lumipas ang isang taon ng kanilang pakikipag sapalaran ay nahulog ang dalawa sa isa’t-isa at nag pasyang mag sama bilang iisang pamilya. Wala ng kasal ng mga panahong iyon dahil halos matupok na lahat ng mga normal na tao at tanging mga taong may kakayahang mag pamalas ng kanilang enerhiya sa katawan ang siyang natirang nabuhay sa mundo.

Ngunit isang pangyayari ang sumira ng kanilang buhay ng umatake sa kanilang tirahan ang ang pinuno ng mga halimaw ng panahong iyon, ang Demon King Muzan, ang pinakamalakas na halimaw na siyang nabuhay sa kanilang mundo.

Kasalukuyang pauwi noon si Azro galing sa pag ha-hunting ng mga halimaw pero huli na ang lahat, nakita niya noon ang kanilang tahanan na sira na’t nasusunog at nakipaligid dito ang napakaraming halimaw. Sa galit niya’y sumugod siya’t tinapos lahat ng mga halimaw na makita niya sa paligid ng lugar na iyon. Isang napakatinding engkwentro ang naganap noon at walang ibang nasa isip niya noon kundi kung nasaan na ang kaniyang pinakamamahal.

Matapos ang sagupaan, naubos niya na ang mga halimaw sa lugar na iyon at tinungo niya ang kanilang tahanan upang hanapin ang kaniyang mahal na Ellizabeth ngunit wala siyang natagpuan na ano man, maging ang bangkay ng kaniyang mahal ay hindi niya makita. Nanghihina na siya ng mga oras na iyon dahil sa paunti-unting pag kaubos ng kaniyang dugo dulot ng pagka putol ng isang halimaw sa kaniyang kaliwang kamay.

Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin ng mga oras na iyon hanggang sa may marinig siyang boses na hindi pamilyar para sa kaniya.

???: , , .
(Pumunta ka sa pinakamataas na bundok sa inyong lugar at makikita mo ang hinahanap mo.)

Hindi niya makita kung kaninong boses nang galing iyon ngunit hindi na lang din niya hinanap sa pag mamadaling pumunta sa pinakamataas na bundok sa kanilang lugar upang mahanap ang kaniyang gustong makita, ang kaniyang mahal.

Hindi niya alam kung bakit sigurado siyang mapag kakatiwalaan niya ang boses na kaniyang narinig pero isa lang ang sigurado siya, walang bahid ng kung ano mang kasinungalingan sa boses na iyon.

SKILL – Ear of Gods – Magagawa nitong sabihin kung ang isang tao ba ay nag sisinungaling o hindi.

Isa ito sa mga skills na nakuha niya mag mula noong nakatuntong siya ng Level Silver III sa pag papatibay ng kaniyang mana sa kaniyang katawan.

Authors Note: Parang kagaya lang din ito sa mga ranking list sa mga RPG na nilalaro natin katulad ng LOL, ML, etc. Pero dito binabase kung gaano ka na kalakas. Ipapaliwanag ko na lang ‘to ng buo sa susunod na episode.

Nakarating na noon si Azro sa lokasyon na sinabi sa kaniya at dito nga niya natagpuan ang kaniyang pinakamamahal. Akmang lalapit sana siya ng bigla siyang inatake noon ni Ellizabeth sa ‘di malamang kadahilanan. At dito na nag umpisa ang una’t-huli nilang pakikipag laban.

End of Flashback

Ellizabeth: Kekekeke!! Talagang mag mamatigas ka?! HAAHHAHAHA!! HINDI NGA AKO NAG KAMALI!! HAHAHAHA!! Hindi mo kayang patayin ako dahil lang sa katawan ng pinakamamahal mo ang siyang kinakalaban mo ngayon. Ayaw mo bang matahimik na? Hindi ka pa ba susuko sa buhay na meron ka ngayon?! Huwag kang mag-alala, hindi ko sasayangin ang pag hihirap mo.
Azro: E-Elliza… beth… k-kung naririnig mo ako… huff l-lumaban k–

Hindi na niya nagawa pang maituloy noon ang kaniyang sasabihin ng maramdaman niyang para bang nanlalamig na siya’t mawawalan na siya ng buhay. Hindi na niya kinaya pang tumayo noon at mag salita. Muli siyang tumingin noon sa kaniyang pinakamamahal.

Nakita niya noon ang kaniyang pinakamamahal, hawak-hawak ang isang lamang loob habang tumutulo ang mga dugo dito, at kita niya kung paano ang pag tibok nito. Iyon ang dahilan ng kaniyang panglalamig at panghihina ng mga sandaling iyon, ang pag kawala ng sarili niyang puso sa kaniyang katawan na hawak-hawak ngayon ng kaniyang minamahal. Sa huling lakas niya’y tiningnan niya ang mukha ng kaniyang mahal na Ellizabeth, kita dito ang pag tulo ng luha ng kaniyang mahal at ang malungkot na ekspreson sa mukha nito. Ayaw man niya pero alam niyang dito na matatapos ang buhay niya.

Author’s Note: If mabasa mo ‘to, that means natapos mo hanggang dulo. First time ko lang mag sulat ng ganitong klase ng story (Fantasy x Supernatural) kaya naman gusto kong malaman kung anong opinyo niyo sa kwentong ito, kung nagustuhan niyo ba o hindi, kung may mga gusto ba kayong idagdag or kung may mga kulang pa. Paalala, fiction lang po itong story na ito na nag mula sa malikot kong pag-iisip. Sana po ay magustuhan niyo ito.

Dark_Ink
Latest posts by Dark_Ink (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x