The Architect And The Janitor 14

Garyse

Written by Garyse

 


Disclaimer: Amateur writer here so I know there’s still a lot to improve.

Paalala:

Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.

******The Architect and the Janitor******

Sequel 14: Ang pag amin ni Tonio

Isa pa ring palaisipan kay Jann kung bakit siya pinagtangkaang kidnappin. Mas lalo siyang nagtaka ng mabalitaan niya sa news na ang nagtangka sa kanya ay ang dating asawa ng CEO ng GHD kung saan siya nagtatrabaho.

“Why Ms. Wenda tried to kidnap me? Tsaka asan na siya ngaun.” Ang nasa isip ni Jann.

“Hindi ko naman siya kilala at yung misteryosong CEO namin. Bakit niya ako dinamay. Coincidence lang naman na sabay kame ng kasal ng CEO ah.” Ang pagtataka pa niya.

Wala naman makuha na sagot mula sa magulang niya.

Hindi iniisip ni Trisha na si Tonio at ang misteryosong CEO ay iisa lamang. Dahil alam niya na ordinaryong tao lang si Tonio.

Nabalitaan din kase ni Jann na dahil galit ang dating asawa ng CEO at gustong makipagbalikan eto kaya nagawa niya iyun pangingidnap.

“Hindi naman niya ako kailangang idamay sa galit niya. Si Tonio naman ang pakakasalan ko hindi ang CEO ng company.” Ang sabi ni Jann sa sarili.

Iniisip niya din ang tumulong kay Tanya nun na makatakas mula kay Ms. Wenda nun. At sino ang pumatay sa mga tauhan ni Ms. Wenda. Alam niya na hindi sila police at militar ng bansa.

Kahit naman tanuning niya ang tatlo ay wala naman siya makuha sa kanila tatlo.

Wala naman siya maisip na dahilan kaya hinayaan nalang niya. Ipinagdasal nalang niya na sana ay hindi na maulit iyun. Natatakot kasi siya na baka tuluyang mawala ang dinadala niya.

Kaya hinanap na niya si Tonio dahil may gusto siya ipabili. Umarangkada na naman ang wierd cravings nj Jann.

“Asan na ba si Tonio. Bakit hindi pa siya umuuwe. ” ang nasa isip ni Jann.

Maghapon naghintay si Jann kay Tonio. Ilang beses tinext at tinawagan ni Jann si Tonio ngunit hindi sumasagot ng tawag si Tonio.

Walang kaalam alam si Jann na kausap ni Tonio ngaun ang Blood council at Blood elders at balak na sabihin ang totoo sa kanya.

Nang makauwe naman si Tonio ay pinagalitan siya ni Jann dahil sa tagal niya naghintay sa kanya at hindi pagsagot sa mga text at tawag niya.

“Sorry mahal. May kinausap lang ako na importante. Kailangan ko sila puntahan.” Ang paliwanag ni Tonio.

“Okay, Tonio. Anung mas importante, ako o ung pinuntahan mo?” Ang tanong ni Jann.

“Mahal, ikaw syempre.” Ang sagot ni Tonio.

“Bakit hindi mo din sinagot ang tawag at text ko nung tinietext at tinatawagan kita.” Ang tanong niya ulit.

Hindi nmn makasagot si Tonio sa tanong ni Jann dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya pinansin ang text at tawag niya. Kaya nagdahilan nalang si Tonio.

Pinagsabihan naman nina Manny si Tonio na pagpasensyahan nalang at intindihin si Jann dahil buntis. Kaya inintindi nalang ng maigi ni Tonio si Jann dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kaniya.

Hindi naman pinaniwalaan ni Jann ang paliwanag ni Tonio at pinarusahan pa niya ang magiging asawa. Pinatulog ni Jann si Tonio at matutulog siya sa sofa buong magdamag.

Hindi naman nagreklamo si Tonio kundi sinunod nalang niya. Buntis din kase si Jann kaya walang magawa si Tonio.

Sa buwan na hindi pinapasok ng kompanya si Jann ay patuloy na nagcrave si Jann ng mga pagkain at nahirapan si Tonio kakahanap. Hindi tuloy makakuha ng time si Tonio na ipagtapat ang kanyang tunay na pagkatao.

Kahit naman sobrang wierd ng mga craving ni Jann ay ginawa nalang ni Tonio para hindi magalit si Jann sa kanya. Kahit ilang araw na kase ang lumipas ay hindi pa rin siya napapatawad.

Natatawa naman ang mga magulang ni Jann sa mga wiedd na cravings ng anak nila. Inihalintulad nga ni Manny na kaparehas ang cravings niya sa mommy niya. Kaya naalala niya ang nangyari sa kanya ng pinagbubuntis palang nun si Jann.

Habang pinagmamasdan naman ng mommy ni Jann ang dalawa ay naisip niya na ilang araw nalang ay mahihiwalay na sa kanya ang unica hija niya. Kaya naiyak siya.

Naisip din niya ang nakakabatang kapatid ni Jann. Namatay kase ang nakakabatang kapatid ni Jann ng nasa sinapupunan palang siya kaya hindi na siya nasundan pa. After ng pangyayaring iyun ay hindi na pwedeng magbuntis nun ang mommy ni Jann.

Matapos ang isang buwan pahinga ay bumalik na siya sa trabaho niya. Pagpasok niya ay nagulat siya na siya ang laman ng mga usapan sa loob ng kompanya. Pagpasok pa lang niya ay siya na ang usapan.

Dahil sa nangyari ay nalaman din nila ang kasal ni Jann. Dahil sa sikat ang CEO at marami guato malaman ang totoo ay nainterview ang magulang ni Jann at napilitan sila sabihin na ikakasal si Jann ngunit hindi sa CEO ng company. Sknabi din nila na coincidence lang ang lahat.

Narinig niya na nagtataka sila na ikakasal na siya at buntis pa ngunit hindi nila alam kung sino ang pakakasalan niya. Kung sino ang pakakasalan ni Jann ay wala pang makakapagsabi.

“Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngaun na ikakasal na si Ma’am Jann. Wala naman tayo nasagap na may bf siya diba.” Ang sabi ng isa sa nagtatrabaho sa companya.

Hindi nila napansin si Jann na nasa likod lang siya at nadidinig niya ang usapan nila habang nakasakay sila ng elevator.

“Hindi ba’t nakaraang taon ay iniwan siya ng longtime bf niya dahil sa hindi niya mapagbigyan sa sex. Pero ngaun buntis siya. Sino kaya ang maswerteng lalaking nakabuntis sa kanya.” Ang sabi ng isa pa.

“Mag ingat ka sa sinasabi mo baka madinig ka ng nasa taas.” Ang sabi ng kausap nito.

Magsasalita naman sana ang kausap ng babae ng magsalita ang isa sa managers sa company na kasabay nila sa elevator.

“Itigil niyo na nga iyan usapan na iyan. Buhay ni Ms. Jann yun. Kung nagpabuntis siya sa pakakasalan niya ngaun kesa sa long time bf niya ay baka may nakita siya sa kanya na wala sa dating bf niya. kaya pumayag siya na makipagtalik sa kanya kesa sa bf niya dati. Anu man ang dahilan wala kayong karapatan na husgahan si Ms. jann dahil lamang sa nangyari sa nakaraan taon. Tandaan niyo, mas masahol pa amg nangyari sa iyo dalawa kesa kay Ms. Jann kaya wala kaung karapatan na pag isipan siya ng masama.” Ang pagprotekta ng isa sa managers sa GHD.

Natuwa naman si Jann dahil may namprotekta sa kanya laban sa dalawang naguusap tungkol sa kanya. Napayuko naman ang dalawang nagchichismisan tungkol sa kanya dahil sa pagkapahiya.

Ngunit kahit na tumigil ang dalawa sa paguusap tungkol sa kanya ay Meron pa naman siya naririnig sa loob ng office niya. Pero wala naman nagbabalak lapitan siya para ibully dahil takot sila sa may Nakakataas.

Makalipas ang ilang sandali matapos magsimula ang work nila ay bigla naman nagannounce ang HR na may party sa biyernes ng gabi at lahat ng nagtatrabaho sa kompanya ay imbitado at kailangan nila umattend dahil sa magpapakilala na ang misteryosong CEO.

Madami ang naghiyawan dahil makikita na nila ng personal ang misteryosong CEO. Madamkng nagsasabjng gwapo iyun. Kaya madami sa kanila ang magtilian.

Madamk din siya nadinig na mga salkta galing sa mga single ladies.

Wala sila kaalam alam na si Tonio lang ang CEO ng GHD.

Hindi naman inintindi ni Jann iyon dahil sa wala naman siya interest sa CEO nila. May Tonio na siya at magpapakasal na silang dalawa. Ngunit magaattend pa rin siya bilang respeto sa kanya. Aalis na lang siya ilang saglit pag magpakita na ang CEO nila.

Isa pa ay dalawang linggo nalang ay kasal na nila ni Tonio kaya hindi niya masyado binigyang halaga ang CEO nila.

Sinabihan nalang niya si Tonio tungkol sa plano niya.

“Mahal, ikakasal na tayo. Kahit na sobrang gwapo pa ng CEO natin, wala ako interest sa kanya. Mahal na mahal kita at ayaw kita ipagpalit sa kanya no. Para sa akin ikaw na ang pinakagwapo sa buong mundo. Sino ba siya, kung mapansin niya ako at ipagpilitan niya sarili niya. Magreresign agad ako dito. Ikakasal na din siya sa fiancee niya kaya makuntento siya sa kanya. Kontento na ako sa iyo mahal at sa magiging buhay natin.” Ang paliwanag ni Jann kay Tonio.

Natuwa naman lalo si Tonio sa nalaman niya at tama nga ang desisyon niya na pakasalan si Jann. May mabuting puso si Jann.

Lumipas ang ilang araw na bukam bibig ng mga empleyado ang CEO ay nakalimutan na nila ang kasal ni jann. Naging blessing in disguise naman ito para kay Jann dahil nakafocus siya sa trabaho niya.

Dumating na ang oras na hinihintay nila at nagsimula na ang party.

Habang nag sisimula ang party ay hinahanap ni Jann si Tonio. Kasama niya lamg kanina si Tonio at nagpunta lang sa CR ngunit hindi pa siya bumabalik.

“Kasama ko lang kanina si Tonio ah. Asan na kaya iyun. Sabi ko naman huwag siya mahiya eh. Wala naman ako pakialam sa sasabihin nila.” Ang sabi ni Jann sa sarili niya.

Dahil hindi niya mahanap si Tonio ay tinawag at tinext niya eto ngunit hindi sumasagot at hindi macontact si Tonio. Nagsimula na naman magalit si Jann at magalala din.

Hindi na pinansin ni Jann ang nagsasalita sa harap at patuloy na hinahanap si Tonio. Palinga linga si Jann mula sa kinauupuan niya ng biglang nawala ang ilaw. Ilang sandali lang ay may lumabas sa tabi at inilawan siya. Sa kanya lang nakafocus ang ilaw.

Dito ipinakilala siya na siya na ang misteryosong CEO ng GHD.

Nagyihayawan naman ang lahat ngunit si Jann ay may napansin sa tindig ng Misteryosong CEOnakahrap ngaun sa harapan niya. Nasa pinakaharap kasi si Jann pinaupo ayun sa utos mismo ni Tonio.q

Kaparehas ng tindig ni Tonio. Yan ang nasa isip ni Jann sa oras na iyun.

Hindi lang si Jann ang nakapansin sa tindig niya kundi pati na din ang ilan nakapaligid kay Tonio at pati na din si Diana. Hindi lang nila makita at mapatunayan ang nakikita nila na si Tonio ang nasa harap dahil sa nakamask eto.

Hindi sila makapalakpak dahil sa kanilamg pagkabigla.

Mas nagulat naman sila ng magannounce ang EMCEE na magtatanggal ng mask ang CEO para makita na ang mukha niya.

Hindi naman makapagsalita si Jann at nakafocus siya sa CEO. Sa oras na iyun ay gusto na niya malaman ang totoo dahil ang tindig at galaw niya ay parehas na parehas kay Tonio. Isa pa kita niya sa kamay niya ang engagement ring nilang dalawa.

Nasa harapan ang upuan ni Jann kaya malinaw na nakikita niya iyun. Alam niya na kay Tonio iyun.

Bago nagtanggal ng mask si Tonio ay nakatayo silang lahag including si Jann.

Ilang sandali lang ay nagtanggal na ng mask ang lahat laking gulat nila sa nakita nila. Napatigil silang lahat dahil sa nakita nila.

Hindi sila makapaniwala na si Tonio ang Misteryosong CEO.

Si Jann naman ay biglang napaupo siya sa kanyang upuan dahil sa pagkagulat tama ang nasa isip niya.

Dahil sa pagkagulat ng lahat ay nagsalita ang EMCEE at ipinaliwanag na nagpapanggap lang na Janitor si Tonio para tignan ang kalagayan ng mga empleyado sa GHD. Pinatunayan naman ng acting CEO na tama ang paliwanag kaya naniwala naman sila agad.

Dito din inamin ni Tonio na hindi iyun ang totoo niyang pangalan at ang totoo niyang pangalan ay Caleb.

Si Jann naman ay hindi makapaniwala at nakaupo pa rin siya at naiiyak.

Hindi makapaniwala si Jann na may tinatagong sikreto si Tonio sa kanya at pati na ang kanyang tunay na pagkatao. Naiyak siya dahil sa halo galong emotion ngaun ang nasa puso niya.

Habang nagpapaliwanag siya ay lumapit siya kay Jann dahil nakita niya na umiiyak siya. Paglapit niya ay nakita nila na pinunasan ni Caleb ang luha na dumadaloy ngaun sa mukha ni Jann.

Pinanood naman lahat mg andun sa party ang bawat galaw niya ng biglang lumuhod si Tonio/Caleb sa harapan ni Jann at pinahid ang luha niya. Nagulat din sila sa binanggit niya.

Gulat na gulat ang lahat sa ginawa niya.

Alam nila na ikakasal si Jann sa susunod nang linggo at ikakasal din siya sa susunod na linggo at same date pa sila. Dito nila napagtagpi tagpi, na may relation si Jann sa kanya at siya ang ama ng dinadala niya.

Ngunit nagtaka sila bakit ganun ang sagot ng magulang ni Jann nung ininterview sila tungkol sa kanyang kasal.

Hindi naman mawala ang tingin ng karamihan sa kanya. Marami sa kanila ang inggit na inggit kay Jann dahil mapapangasawa niya ang isang CEO ng kumpanya. Ilan sa kanila ay nagbubulungan na hindi maganda kaya at hindi nagustuhan ni Caleb.

“Sa lahat ng andito ngaun, aamin ko sa inyo. Yes, we had a relationship since last year and I am the father of her baby inside her womb. I will also assure you that she don’t have any idea that i am the CEO of this company. And mostly every achievement that she has right now, is solely by her own hands. What is only do to her is secretly protect her from harm. If you still don’t believe me here is our conversation. And if you still not believe me. My door is open, you can send me your resignation right now and get out of my company.” Ang sabi at paliwanag ni Caleb/Tonio.

Hindi naman makapagsalita ang lahat sa sinabi ni Caleb sa harapan nila. Tumigil naman sila sa pag sasalita ng masama laban kay Jann. Dito din nila naunawaan ang sagot ng mga magulang ni Jann.

Alam nila na kung magsasalita sila laban kay Jann ay matanggal na sila. Wala din naman sila proweba sa sinasabi nila at siya na mismo ang nagsabi na ginamit lang ni Jann ang kanyang sariling abilidad.

Nang makita ni Caleb na tumigil na ang lahat sa pagbubulungan ay kinausap na niya si Jann. Dito siya humingi ng kapatawaran dahil sa kanyang pagsisinungaling at pagtatago ng kanyang pagkatao.

Ipinaliwanag din niya ang dahilan bakit niya ginawa iyun. Wala sa rason niya na maghanap ng mapapangasawa kundi para mabantayan niya ang empleyado niya. Sadyang hindi lang inaasahan ni Caleb ang pagdating niya sa kanyang buhay.

Tuluyan naman napaiyak si Jann sa sinabi ni Caleb sa kanya at agad niyakap.

Pinalakpakan naman ng lahat ang dalawa at nagpatuloy ang party.

Dahil nga sa buntis si Jann ay hindi pinayagan ni Caleb na uminom ito kahit wine. At dahil din dun ay nagpaalam na siya na iuwe na siya sa bahay nila dahil gusto na niya din magpahinga. Kahit maaga pa ay gusto na niya matulog.

Pagkaalis nila ay inaasahan na ni Jann na uuwe na sila ngunit nagulat siya ng makitang dinala siya ni Caleb sa ibang lugar.

“Mahal, san mo na naman ako dadalhin at bakit may ibang buttons ang elevator? Wala naman dati yan ah, bakit nakatago.” Ang tanong ni Jann kay Caleb.

“Mahal, may aaminin pa ako sa iyo kaya hindi pa tayo uuwe. At kailangan mo malaman eto.” Ang paliwanag ni Caleb.

“Wait, mahal. May iba ka pa bang lihim? Tinanggap ko na iyung lihim mo na ikaw si Caleb at CEO ka ng GHD. Meron pa ba.” Ang gulat naman ni Jann.

“Yes, mahal. Meron pa. At kailangan mo malaman bago ang kasal nating dalawa.” Ang saad ni Caleb.

“Okay mahal. Hahayaan ko magpaliwanag ka ngaun.” Ang saad naman ni Jann.

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ang elevator. Hindi inaasahan din ni Jann na may underground floor pa ang GHD maliban sa underground parking place.

–Jann’s POV–

Mas kinagulat ko naman ang nakita ko pagbukas ng elevator dahil nakita ko ang best friend ko na nagkatayo at naghihintay sa akin kasama ng iba.

Nakangiti naman siya sa akin at sinabing:

“Welcome Master at young Lady.”

Gusto ko naman siya komprontahin dahil sa narinig ko. ngunit sinabihan ako ni Caleb na mamaya nalang namin pag usapan bakit andito ang matalik kong kaibigan.

Ilang sandali pa ay pumasok kameng dalawa sa isang kwarto at nakita ko na may mga naghihintay na sa amin. Nakita ko na sila ang mga directors ng company at yung iba ay hindi ko kilala.

Hindi na sila nagpaligoy ligoy pa at pagkatapos ng pagpapakilala ay sinabi na nila lahat ng katotohanan.

Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko inakala na sa isang araw ay madami ako malalaman tungkol sa mapapangasawa ko.

Sa una hindi ako makapaniwala na hindi lang basta basta na company ang GHD at hindi lang basta basta ang nasa harap ko dahil sila ang blood elders at blood councils at kung titignan ko mabuti ay karamihan sa kanila ay mga Directors ng companya.

Ipinaliwanag naman nila sa akin bakit nila kailangan itago iyun sa akin pati na din sa lahat.

Dahil sa pag amin nila sa akin ay dito ko talaga napatunayan na totoo ang mga Death Dealers at Guardians. At nalaman ko din na sina Trisha, Trixie ay Tanya ay mga Death Dealers Aspirants. At si Hanna ay kabilang na din sa organization at isa siya sa medic.

Ipinaliwanag naman nila sa akin na gusto nila ako na mapangasawa ni Caleb dahil na kita nila ang taglay kong kabutihan at ang aking abilidad. Ipinaliwanag nila na wala silang ginawa para mapunta ang pabor sa akin. Sadyang matalino at maabilidad lang daw ako.

Humingi naman sila ng kapatawaran sa kin dahil sa tangkang pangkidnap sa akin at nangako sila na hindi na mauulit iyun. Ipinaliwanag nila sa akin ang pangyayaring iyun.

Dito ko din naunawaan na dati pala asawa ni Caleb si Ms. Wenda na nagtangkang kumidnap sa akin.

Mas kinagulat ko lang na ako ang tinatawag na bagong empress.

Matapos lahat ipaliwanag at ipaalam sa akin ay Hindi ako makapaniwala at gusto ko na umayaw dahil hindi ko kakayanin ang nalaman ko. Ngunit pag nakikita ko si Tonio/Caleb ay naalala ko lahat ng mga sakripisyo na binigay sa akin.

Kaya pinilit ko tanggapin ang magiging role ko sa kompanya at sa buhay ni Caleb dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

Matapos iyun ay binati nila ako at may biglang lumapit sa akin na hindi ko inaasahan.

Si lola Clara kapatid siya ng lola ko.

“Iha, congrats at ikakasal ka na. Masaya ako para sa iyo. Kumusta na ang apo ko at ang magiging apo ko sa tuhod?” Ang bati niya sa akin.

Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya kaya napatingin ako sa direction niya at nang makilala ko siya ay niyakap ko siya agad. Masaya ako na makita siya at kahit na nagulat ako na kasama pala siya sa blood elders ng companya.

“Lola Clara, isa po kayo dito? Bakit hindi ko kayo nakikita dito.” Ang tanong ko kay lola.

“Iha, matagal na ako dito. Kakasimula palang GHD at moonhaven ay kasama na ako. Kita ko ang bawat pawis at dugo na binuwis ni Caleb sa companyang eto at mahal na mahal ni Caleb eto pati na amg mga nagtatrabaho dito.” Ang pahayag ni lola.

“At kita ko din ang pagmamahal niya sa iyo iha. Kaya sana hindi mo siya lokohin. Mahal na mahal ka ni Caleb.” Ang dagdag pa ni lola.

“La, mahal na mahal ko po siya lola at hindi ko po siya asasaktan at iiwan.” Ang sagot ko kay lola.

“Mabuti naman iha, oo nga pala iha. Kailangan mag isip ka ng codename mo para yun ang gamitin sa Moonhaven.” Ang saad ni Lola Clara.

Ipinaliwanag naman niya at ni Caleb ang dahilan bakit kailangan ko gumamit ng codename.

“Lola, maaari bang Videl?” Ang tanong ko.

“Okay, basta pag andito ka yan ang gagamitin mo. Pag nasa GHD ka gamitin mo real name mo. No worries walang nakakaalam na Moonhaven at GHD ay iisa.” Ang paliwanag ni lola Clara.

Matapos nun ay tinawag na ni lola si chichi para ipaliwanag ang rules and regulation dito sa Moonhaven. Ipinakilala din ako sa iba pang miyembro ng organization.

Matapos ko ang pagpapakilala at naipaliwanag na ang mga rules at regulation ay nakiusap na ako kay Caleb na umuwe na sa bahay dahil gusto ko ng magpahinga. Gabi na din kase at inaantok pa ako.

Habang pauwe kame ay kinausap ko si Caleb.

“Mahal, sana wala ka nang itago sa akin. Sana iyun na ang huling sekreto mo.” Ang sabi ko sa kanya.

“Mahal, wala na akong ibang sikreto.” Ang sagot niya.

“Mabuti naman kung ganun mahal. Aaminin ko, gusto ko na umatras kanina sa kasal natin. Pero nung maalala ko ang lahat ng sakripisyo mo at lahat ng ginawa mo sa akin ay pinilit ko tanggapin ang bagong role ko sa buhay mo at GHD. Pero kung meron ka pang sikreto at hindi mo sinabi sa akin, baka mawala ako sa buhay mo.” Ang pahayag ko sa kanya.

“Naiintindihan ko mahal ko. Wala na akong ibang sikreto mahal. Lahat ay sinabi ko na kanina. Salamat mahal sa pagtanggap mo sa akin at patawarin mo ako sa paglilihim ko sa iyo.” Ang pahayag niya.

Nang makauwe kame ay natulog naman kame agad ni Caleb dahil sa pagod na din kame. Naabutan namin ang magulang ko ngunit dahil napansin nila na pagod na ako ay hinayaan nalang nila kame na matulog.

Hindi ko inaasahan nun na sa gabing iyun ay sobrang dami ng nalaman ko tungkol sa mapapangasawa ko.

Itutuloy…

 

Garyse
Latest posts by Garyse (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x