Written by reptile
XI. Hamed Aylam
Sa mga lumipas na buwan ay mas naging malayo na sa amin si Clive, batid namin na may problema ito… kung dati ay late na sya umuuwi sa gabi, ngayon ay halos di na sya umuuwi sa flat namin. Iniisip ko na baka may ibang babae si Clive, at baka magkaruon pa nang mas malaking problema ay madamay kami nang pamilya ko at isa pa ay naawa din kami kay Miranda.
Kaya isang araw ay hinarap ko sya. Pinuntahan ko sya sa kanyang trabaho after office hours. Pina-unlakan naman nya ito.. imbes na umuwi kami nang flat ay tumungo kami sa isang compound, nakasunod lang ako sa kanyang sasakyan, medyo malayo halos palabas na ito ng City Center ng Riyadh. Foreign compound din ito, mas magara at mas malaki. Pumasok kami sa isang unit. Medyo kinakabahan ako, pero inisip ko na wala naman sigurong gagawin sa akin na masama si Clive. Mayamaya ay lumabas ang isang lalake, Syrian national. Matipuno, gwapo at ka-edad ni Clive. Pinakilala nya sa akin, “Hamed Aylam”. Sya yung nasa tattoo ni Clive. Naghawak sila nang kamay nag-nahalik sa labi. Natigilan ako at nagulat, bakla sila. Umupo na kami sa sofa set nila, si Hamed ay gumawa ng meryenda. Kinausap akong mabuti ni Clive. Matagal na daw silang magka-partner ni Hamed, halos 12 yrs na din daw, tagong-tago ang relasyon nila. Tinanong ko kung ano si Miranda sa kanya. Di daw nya talagang asawa si Miranda. Almost 3 yrs pa lang sila magkakilala sa London. Nakilala nya si Miranda dahil naghahanap sila ni Hamed nang ma-aampon na bata. Naka vacation nuon si Clive at umuwi nang London.
Si Miranda ay nagtatrabaho daw nun sa isang orphanage. Dahil walang magustuhan na bata ay si Miranda ang pinag-interesan nya dahil sa lahi nito. Kinaibigan daw nya ito. British citizen si Miranda, pero ang tunay na lahi at dugo nya ay mixed Swedish-Russian. Isa raw ito sa pinaka-magagandang lahi. Ang pakay lang ni Clive dito ay anakan.. ang plano na yun ay alam din daw ni Hamed. Dahil sa kagustuhan na nang dalawang lalake na magruon ng anak ay pineke nila lahat ng marriage documents at kung anu-ano pang papeles para makuha si Miranda sa Saudi. Walang naging problema sa passport nila dahil nagkataon na parehas sila ng apelyido. Si Miranda ay walang ka-alam alam dito. Almost 3 months palang silang “kasal” nang pumunta si Miranda sa Riyadh. Duon din daw tumira si Miranda sa unit ni Hamed. Pero nailihim pa din daw nila Clive ang relasyon nila kay Miranda.
Di naglaon ay nagtataka na daw si Clive kung bakit di nabubuntis si Miranda, kaya ipina-check up nya ito, at dun nya nalaman na baog pala si Miranda. (Sa isip ko, totoo pala ang sinabi sa akin ni Miranda na baog sya, di kasi agad ako naniwala sa sinabi nyang yun sa akin. Kaya pala pag nagtatalik kami at lalabasan na ako ay dun na nya pinapaputok sa loob ng pussy nya ang katas ko). Nagalit daw si Clive kay Miranda, dahil di nya ipinagtapat ang tunay na kalagayan nya kay Clive. Nadismaya din daw si Hamed, kaya nagalit din ito at sinabing paalisin si Miranda sa bahay nya. Di rin daw nya minahal si Miranda.
Nakaka-anim na buwan na si Miranda sa Riyadh nung lumipat sila sa aming flat. Natahimik ako sa mga sinabing iyon ni Clive. Naawa ako kay Miranda. Sinabi din ni Clive na puputulin na nya ang sponsorship nya kay Miranda, dahil ayaw na din daw nyang gumastos sa kanya.. ayaw na din dawn yang umuwi sa flat namin at kung ganun ang mangyari ay papauwiin na lang nya si Miranda sa London. Duon na ako kinabahan at nag-isip. Mawawala na sa amin si Miranda, uuwi na sya pag nagkataon.
Dahil ayaw kong umalis si Miranda ay naki-usap ako kay Clive, sabi ko na wag na muna nyang alisin ang sponsorship nya kay Miranda, pero kami na ni KC ang bahala sa mga gastusin para sa kanya. Nagtaka si Clive kung bakit ko gagawin yun kay Miranda, eh di ko naman daw ka-anu-ano yung babae. Sinabi ko na lang na naawa kami sa kanya at wala naman na din syang mauuwian sa London. (Alam din ni Clive na wala nang malapit na relatives si Miranda sa London). Ok lang daw kung ituloy nya ang pag sponsor kay Miranda, pero kahit papano ay delikado pa din daw dahil papano pag nalaman ng Saudi Authority na peke ang ibang papeles nila ni Miranda. Madami daw madadamay. Damay sya, si Hamed at pati daw kami ni KC, dahil nga tumira si Miranda sa unit ni Hamed, at ngayo’y dun naman sa flat namin. Tulungan daw namin si Miranda para makontak ang pinakamalapit na relative nya sa US at para dun na lang daw sya uuwi. (Alam ko din na may auntie si Miranda sa US, dahil na-ikwento na nya ito sa amin ni KC. Kapatid ito ng father nya). Si Clive na daw ang bahala sa Final Exit, visa at airfare ni Miranda. Umuwi na ako pagtapos nang pag uusap namin. Habang ako’y nagmamaneho ay di ko maiwasan ang mag isip at malungkot.
- Tatlo Magkasalo – Chapter XIV. Epilogue - July 9, 2024
- Tatlo Magkasalo – Chapter XIII. Ang Katapusan - July 9, 2024
- Tatlo Magkasalo – Chapter XII. Ang Paglisan - July 9, 2024