Written by Fiction-Factory
(Ang bawat bahagi o ano mang materyal o katauhan na ginamit sa kwentong ito ay pawang mga produkto lamang ng imahinasyon ng may Akda. Ang mga tanyag na pangalan ay sinadyang ginamit para sa ikagaganda ng kwento.)
“Takip-silim”
by: Fiction-Factory
Prologue
Ano mang bagay o pangyayari na naganap sa nakaraan ay bahagi na ng kasaysayan. Mga lumipas na kabayanihan at katanyagan, mga kabiguan at pagsisisi, at ang bawat isa sa atin mayroon nito. Ang tinatawag nating ‘Ala-ala’.
‘Reincarnation’. Totoo nga kaya na nabuhay na tayo ilang libong taon na ang lumipas, at sa kamatayan natin muli tayong mabubuhay makalipas ang ilang henerasyon?
May mga ‘flash of scenes’ tayo na nararanasan na maaaring magtukoy na posible nga na totoo ang bagay na ‘to. Isa na rito ang scenario ng ‘Deja Vu’.
Maraming mga bagay ang hindi kayang ipaliwanag ng limitadong kaisipan ng tao. Mga bagay na bagaman hindi natin naranasan o nasaksihan pero patuloy pa rin nating pinapaniwalaan.
Maging ang Siyensha ay talagang kulang na kulang ang eksplanasyon sa mga kababalaghang nangyayari sa mundo. Himala o salamangka, kung ano man ito, nasa atin kung paano natin ito paniniwalaan.
Ang kwentong ito ay ukol sa isang babae na hindi matukoy kung saan siya dinala ng panahon. Isang nabagong kasaysayan ang hinarap niya sa kanyang buhay na babago sa kanyang pagkatao.
Chapter 1
“Miss Lirah. Sa tingin mo, bakit si Jose Rizal ang tinaguriang Pambansang Bayani?”
sa dinami-dami ng pwedeng tawagin ni Prof. Santiago, bakit ako pa? Nakakaantok talaga ang klase niya.
Sa lahat ng subjects, ‘history’ ang pinaka-ayaw ko. Bakit pa kasi hinahalungkat ang mga bagay na tapos na at binura na ng panahon? Mapaparangalan nga ba ang mga bayani sa ganitong paraan?
Pailing-iling akong tumayo, pero wala naman akong maisagot.
“Ahm. Sir..ah..eh.. Hoohh”
huminga ako ng malalim.
Iniangat ni Prof. ang salamin niyang suot, ang sama ng tingin sa akin. Parang gusto niyang sabihing ‘hindi ka na naman nag-aral ng leksyon’.
Pinagpapawisan na ako, mas lalo akong kinakabahan sa bawat tingin niya sa akin.
“May I answer the question Sir?”
pagsalo sa akin ni Albert kasabay ng pagtataas niya ng kamay.
Savior ko talaga siya, kaya naman crush na crush ko siya. Si Albert, ang top natcher namin sa campus, hindi lang ‘yon, siya rin ang heartrob-next-boyfriend-material naming mga kolehiyala dito.
“As always… Go on Mr. Albert.”
nabaling ang atensyon ni Prof. sakanya.
“Tinaguriang Pambansang bayani si Jose Rizal dahil sa lahat ng mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan siya lang ang natatanging hindi gumamit ng dahas.”
pagsagot ni Albert.
Para akong mababaliw. Andres Bonifacio, Hukbalahap, Josefa Lianes Escoda, Ninoy Aquino, Emilio Aguinaldo, Deathmarch, etc., etc., etc..
Ang tagal lumipas ng oras, ang bagal. Nag-drawing na lang ako sa likod ng notebook ko.
Maalala ko, ngayon nga pala ‘yung dinner date namin ni Zanjoe, ang boyfriend ko. Sabi niya may mahalaga daw siyang sasabihin. Naku ba’t ko nga ba naalala, lalo tuloy bumagal ang oras dahil sa pananabik ko.
“Rrrrriiiinnnngggg….”
Nabuhayan ako ng dugo nang marinig ko na ang bell. Sa wakas dismissed na rin ang nakaka-boring na klase ni Prof. Santiago. Nairaos ko din sa wakas ang last subject.
Nagliligpit na ako ng gamit ko nang lapitan ako ni Myla, classmate ko na bestfriend ko.
“Ano girl sama ka mamaya?”
tanong niya sa akin.
Hanggang ngayon kinukulit pa rin niya ako sa hang-out nila. Eh sumama lang naman siya dahil kasama yung crush niya, pero alam kong ayaw din niya.
“Sorry talaga girl, may dinner date kasi kami talaga ni Zanjoe, so hindi talaga ako makakasama.”
sagot ko.
“Ah. Ok. Kung ayaw mo talaga, fine then.”
kunwari pa siya halata namang naiinis siya.
“Teka girl. Nabalitaan mo na ba?”
aniya habang naglalakad na kami sa pasilyo ng school.
“Ang alin?”
“Bukas daw magaganap ang pinaka-matagal na Eclipse ng araw at ng buwan.”
patuloy niya na punong-puno ng pananabik.
“Sus! Akala ko naman kung ano na! So?!”
naisagot ko nalang.
“Is’nt it exciting girl? Naku! Once in a lifetime lang mangyari ‘yun. Aabangan ko talaga ‘yon! See yah around girl.”
pahuling salita niya at nauna na siya sa akin.
Para siyang bata talaga. Para namang mababago ng eclipse na ‘yon ang miserableng buhay niya. Kung ano-ano nalang pinapansin niya.
Ganunpaman bestfriend ko pa rin siya, ewan ko nga lang kung papa’no nangyari ‘yon.
Lumabas ako ng campus, bumili ako ng yosi. Ewan ko kung uuwi na ako o kung maghihintay na lang ng oras dito. Pasado alas-singko na rin, alas-siete yung dinner namin ni Zanjoe. Mukhang mahaba ang dalawang oras para maghintay, pero maikli naman kung uuwi pa ako at magko-commute, baka ma-late pa ako sa dinner.
Tumambay nalang ako sa may Restobar, dating tambayan. May nadatnan akong magkasintahan, magkatabing nakaupo at nagbi-videoke.
Pasimple pa si lalaki, halata namang nana-nanching lang. Sabagay gustong-gusto naman ni babae.
Nanlaki nalang mga mata ko nang makita ko ang kamay ni lalaki na sumuot sa palda ni babae. Naku dito pa talaga naglampungan.
Medyo kinabahan pa ako dahil baka makita nila ako. Aalis na sana ako pero bigla akong nanginig nang makita ko silang maghalikan.
Naalala ko tuloy si Zanjoe. Minsan nabanggit niya sa ‘kin na ayos lang daw ang PDA (Public Display of Affection) pero tutol ako. Malamang sa lalaki ego booster ‘yon, kumusta naman sa babae? Baka ano pa isipin sa akin ng ibang tao kapag nagpahalik ako in-public.
Sabi pa niya para daw akong si Maria Clara. Ewan ko nga ba…ayoko ng history pero sa kinikilos ko daig ko pa yung mga sinaunang babae.
Pero makabago naman ang porma ko. Hindi naman ako kasin-baduy ni Maria Clara. Ayos lang, tamang outfit lang.
Lumabas na ako ng Restobar. Pambihira, ako pa talaga ang nahiya sa dalawang ‘yon.
Sa gilid ng mata ko napansin ko ang isang tao na papalapit sa akin. Paglingon ko, nakita ko ang isang matandang babae, purong itim ang suot niya, parang saya, tapos pati yung belo niyang nakatalukbong sa ulo niya kulay itim din.
Minamasdan ko siya habang naglalakad siya, huminto siya bigla sa tapat ko.
Kinilabutan ang buo kong katawan nang bigla siyang lumingon siya sa akin.
“Maria Clara…”
sabi niya.
Nagtataka ako kung bakit tinawag niya akong Maria Clara. Nagkalat na talaga ang mga weirdong nilalang sa mundong ibabaw.
May hiwaga sa mga mata niya, nakita ko ‘yon. Simple lang siya tumingin pero matalim ang dating sa akin, parang may ibig sabihin, parang may nais iparating sa akin.
Sa kalagitnaan ng pagtitinginan namin ng matanda, biglang tumunog ang cellphone ko.
Nagulat pa ako muntik ko ng mabitawan ang shoulder bag ko. Ipinatong ko sa aking hita at kinalkal ko yung phone ko sa loob.
Sasagutin ko na sana ang phone ko pero nasindak nalang ako nang mapansin kong wala na ang matanda sa harapan ko.
Lumingon-lingo ako sa magkabilang kalsada pero wala na talaga siya. Nagtataka talaga ako dahil sa alam kong mabagal lang maglakad yung matanda.
Hinayaan ko nalang, baka lumiko lang siya sa kung saang eskinita.
Pagtingin ko uli sa cellphone ko, larawan ni Daddy ang nakita ko.
Aba himala! Tumawag siya! Hindi naman siya usually tumatawag sa akin.
“Hello Dad. oh?!”
pagsagot ko sa phone call.
“Anong oras ka uuwi?”
“Bakit po?!”
“Hmp! Kailan ka ba matututong sumagot muna sa tanong bago ka magtanong?”
up-set nanaman siya agad, pero mas naiinis ako sa kanya.
Naiimagine ko tuloy ang hitsura niya, siguradong umuusok nanaman ang magkabilang tenga niya, lukot na mukha.
“Sorry Dad. Mukhang gagabihin ako ngayon…”
napabugtong-hininga pa ako.
“Bakit? Aba anak, madalas ka atang ginagabi ngayon ah!”
tugon ni Daddy.
Hindi ko inakalang napapansin niya ‘yon, samantalang kapag nasa bahay kami hindi naman niya ako pinapansin, ni hindi nga tinatanong kung humihinga pa ako eh!
Nalulong na siya sa business niya, nakalimutan na ata niyang may anak pa siya. Kung buhay lang sana si Mama.
“May tinatapos lang po kaming project sa school kina Myla.. Around nine pm nand’yan na ako Dad.”
Oo. Hindi ko masabi sa kanya na may dinner date kami ni Zanjoe. Siguradong magagalit lang ‘yon, ayaw kasi niya kay Zanjoe, at ayaw pa niya akong magka-boyfriend kahit twenty years old na ako.
Yung mga bagay na gusto kong pakialaman niya hindi niya pinapansin, pero yung mga bagay na ‘out of boundary’ na, yun pa yung madalas niyang makita.
Pinagkibit-balikat ko nalang ang lahat.
“Okay. At exactly nine in the evenin’ dapat nandito ka na sa bahay. Synchronize your time with mine. 6:26pm”
“Dad!”
“Hep! We had a deal.”
Pagkasabi niya pinutol na agad niya ang linya, tinanggalan ako ng pagkakataong sumagot, at ang mas mahirap, ayaw ni Daddy ng callback.
Huminga ako ng malalim. Ini-released ko ang stress. Ilang minuto na lang magkikita na kami ni Zanjoe.
“Oh my golly! Kailangan ko na palang magmadali!”
sa isip ko nang maalala ko ang oras.
Sa pagmamadali ko inagawan ko pa talaga ng taxi yung Ale. Sorry nalang siya excited ko ng makita ang boyfriend ko.
Tarantang-taranta ako sa loob ng taxi, hindi ko alam kung papa’no ko ipapahid ang blush-on ko sa pisngi ko. Lipstick, red o pink? Pasuklay-suklay. Sabik na sabik ako!
Six months na pala kami ni Zanjoe, ambilis ng panahon. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa niya ako pinapakilala sa mga magulang niya. Sabagay six months palang naman eh!
Pero hindi ko pa talaga handang ibigay ang matagal na niyang hinihiling. Aba! Hindi naman candy ang virginity para madali kong ipamigay. Gusto ko sana sing-sing muna bago ‘yon.
Haay…umandar na naman kasi pagka-MariaClara ko. Tama naman diba? Kailan ba nauna ang binyag sa kasal? Ayokong maki-uso sa bagay na ito.
Sabi naman ni Myla, pagbigyan ko daw kahit half-naked lang, si Albert nga daw na crush niya, pagbibigyan niya kahit hindi niya boyfriend, basta yayain lang daw siya. Pambihira talaga.
Half-body? hindi ko ata kaya ‘yon…pero pinag-iisipan ko rin naman paminsan-minsan.
Pagdating ko sa Resto, nakita ko agad si Zanjoe sa isang mesa malapit sa bintana. Aba parang gusto ko na talagang maniwala sa himala!
For the first time hindi na-late si Zanjoe! Ano bang meron sa araw na ‘to? Napaka-unusual.
Hinga nanaman ng malalim, i-refresh ang isip.
Habang papalapit ako kay Zanjoe, minamasdan ko siya. Parang may kakaiba sakanya, iba yung ‘aura’ niya. Nakadama ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit.
“Ahm… Hi…”
pagbati ko.
Six months na kami pero hanggang ngayon medyo naiilang pa rin ako sa kanya. Ewan ko, medyo nahihiya pa rin ako.
At hanggang ngayon kinikilig pa rin sa kagwapuhan niya at sa makisig niyang pangangatawan.
“Ohw Hi! Have a seat.”
tugon niya.
Hinihintay ko na tumayo siya sa kinauupuan niya at hilahin ang upuan para sa akin, pero nabigo ako. Ayaw man lang ata niyang maistorbo sa kakapindot ng tablet niya. Ni hindi niya ako nilingon.
Sabagay mukhang parte lang ito ng pagiinarte ko bilang Maria Clara.
“Haay…gising Lirah, gising!”
sa isip ko para magising sa daydreaming ko.
“So what are you waiting for? Uupo ka ba or what?!”
pasutil na sambit niya.
Bakit kaya mainitin ang ulo ng mga lalaki? Mukhang wala siya sa mood, o baka dahil pinaghintay ko siya? Pero two minutes early naman ako ah! Hay naku…
Umupo na lang ako, magkaharap kami sa isang squared table. Tinititigan ko siya, kakaiba talaga siya ngayong gabi. Dati rati nakatago lang yung tablet niya pero ngayon parang ayaw niya itong bitawan. Naku-curious tuloy ako kung ano’ng ginagawa niya.
“Kanina ka pa ba?”
tanong ko pero nakatutok pa rin siya sa tablet niya.
“Uhm. Ano ba ‘yan at mukhang napakaimportante naman ata?”
hindi ko na rin matiis.
“Ah. Wala naman. May binabasa lang ako sa wattpad.”
tugon niya.
Nakahalata ata at mabilis niyang itinago ang tablet niya sa kanyang bag.
“May sasabihin pala ako sayo kaya ako nakipagkita…”
patuloy niya.
“Mamaya na ‘yan. Umorder muna tayo-”
magiliw kong sambit.
Bubuksan ko na sana ang hawak kong menu list pero bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko.
Nagulat ako at napatingin sa kanya. Napakasiryoso ng mukha niya, nakaka-concious talaga.
“Lirah ahm.. I’m breaking up with you…”
lakas-loob niyang sabi. Diretsahan. Walang ligoy.
Bumilis ang tibok ng puso ko, parang sasabog na, nahihirapan na akong huminga, sumisikip ang dibdib ko.
Tama ba yung narinig ko? He is breaking up with me in just a blink of an eye? Parang napakabilis naman ata ng pangyayari…
“Zanjoe, what are you talking about? Is this a part of your humor? Haha nakakatawa.”
umaasa na nagbibiro lang siya.
“Lirah, stop. Look. Listen. I realized that i’m no good for you. It’s not–”
“It’s not you, it’s me. Ganun ba?!”
pagtutuloy ko sa sinasabi niya.
“Ganito ka ba kadiretsahan Zanjoe? Sana man lang niligoy mo muna? At sana hindi gasgas yung linya mo!”
dugtong ko.
“I’m sorry Lirah. Nagpapakatotoo lang ako. Ayokong umasa ka pa lalo sa akin. It’s better we end up this way…”
May punto siya, pero masakit pa rin eh. How could he say such things? After all what i’ve done for him.
Ayun! Sumabog na ang puso ko, ngayon nagkapira-piraso, parang pana ni kupido ngunit pighati ang hatid ng palaso.
Wasak na wasak ako. Tumulo na lang ang luha sa magkabila kong mata. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Hindi ko alam kung yayakapin ko siya at magmamakaawang ‘wag niyang gawin ‘to sa’kin, o kung sasampalin ko siya at sasabihing, “fuck you! Go to hell!”.
Sobrang excited ko pa naman sa date namin pero sa isang iglap lang wala na akong boyfriend! Damnit!
Hindi na ako naghabol. Ang kapal naman niya para makipag-break sa isang magandang babaeng tulad ko, tapos hahabulin ko pa siya! No the hell way!
Pero umuwi naman akong luhaan. Naglalakad mag-isa sa kalsada. Para akong mababaliw, pinagmukha lang akong tanga ni Zanjoe.
Pinapangako ko balang araw magsisisi ka rin kung bakit mo ako iniwan.
Naku mag-aalas nueve na! Patay ako nito kay Daddy. Nagmadali akong umuwi, baka ma-grounded na naman ako ng isang buwan kapag sinuway ko pa si Daddy.
Pagdating ko sa bahay, hingal na hingal ako. Nakapagtataka dahil patay na ang mga ilaw, pero ang gate at ang main door ay nakabukas.
Kinabahan ako, baka pinasok na kami ng magnanakaw! Dali-dali akong pumasok sa loob. Masyadong madilim. Kinapa ko ang switch ng ilaw.
Lumiwanag ang buong paligid, at ang unang tumambad sa akin ay si Daddy kasama ni Irene, ang babaeng girlfriend ni Daddy, at ang babaeng pinakakinaiinisan ko!
Tatlong taon palang ang lumipas buhat ng mamatay si Mama tapos may kapalit na kaagad siya! Kaya nga ba hindi makuha ni Daddy ang loob ko eh! Kasi siya mismo lumalayo sa akin.
“Happy Birthday!”
nagkasabay pa talaga sila.
Akala ata nila matutuwa ako sa sorpresa nila! Paltos naman! Bukas pa yung birthday ko eh! Pambihira…
May hawak pa talagang cake si Irene, na sinisindihan naman ni Daddy.
“O anak, blow the candles na! Happy 21st birthday!”
magiliw na bati ni Daddy.
Kumunot ang noo ko, tumaas ang kilay ko. Nahalata ata ni Irene, napatingin siya kay Daddy na may pag-aalala sa mukha.
“O anak. Hindi mo ba nagustuhan ang sopresa namin ng Daddy mo sayo?”
napaka-plastik talaga ng babaeng ‘to!
“Don’t you ever dare to call me ‘anak’, you’re not my Mother!”
pagkainis ko sa kanya.
“Lirah! How dare you being rude in front of me?!”
to the rescue naman itong isa.
“Dad! Ano ‘to? Nagpapa-impress ba kayo sa’kin?! Dad kahit ano’ng gawin mo, ayoko pa rin sa babaeng ito!”
matigas kong tugon, at pagkatapos kong taasan ng kilay si Irene, nag-walk out ako, dumiretso pumanhik sa aking kwarto.
“Lirah! Lirah! Come back here!”
sigaw ni Daddy, pero hindi ko siya pinansin.
Hinabol niya ako sa hagdan, at nang malapitan niya ako, hinablot niya ang braso ko para maharap ako sakanya.
“Lirah, don’t you ever turn your back on me!”
“Dad! Bukas pa ang birthday ko!!”
tumaas na ang boses ko.
Napatda siya at parang gulat na gulat pa. Hindi siguro makapaniwala na nagkamali siya ng paghula sa birthday ko.
“O ano Dad?! Ngayon nagtataka ka?! Pwes ako, hindi na ako magtatakang makalimutan mo ang birthday ko, kase wala ka ng ibang inatupag kundi ang business mo…at…at ‘yang babae mo!”
Pagkasabi ko binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya, atsaka na ako dumiretso sa kwarto ko.
Masamang-masama ang loob ko. Iniwan na ako ni Zanjoe, at ngayon mukhang ipagpapalit na rin ako ni Daddy kay Irene.
Idinaan ko na lang sa iyak, umaasang luluwag ang aking pakiramdam. Napaka-bigat ng dinadala ko. Lumipas lang ang gabi na yakap ko ang unan ko. Ni hindi man lang ako kinomfort ni Daddy, nainis pa ata lalo sa akin.
Sana mamatay na lang ako.
Kinabukasan, wala akong ganang pumasok sa school. Birthday ko pa naman ngayon pero ako ata ang pinakamalungkot na tao sa buong buhay ko.
“Happy Birthday Girl!”
sigaw ni Myla.
Sinalubong niya ako sa pasilyo ng school. Buti pa siya hindi nakalimutan ang birthday ko. Binigyan pa niya ako ng regalo, isang marikit na headband.
“Ingatan mo ‘yan best girl ah!”
sambit niya habang inaabot sa akin.
“Thank you girl.”
nasagot ko nalang at beso-beso.
Ikukwento ko sana sa kanya yung break up namin ni Zanjoe kaya lang nagmamadali daw siya.
“Meet nalang tayo mamayang lunch girl! 12noon daw ‘yung Eclipse. Panoorin natin sa rooftop ng school ha?! Bye girl!”
huling litanya niya atsaka na umalis.
Para talagang bata, pero natutuwa talaga ako sa kanya.
Sumigla ang araw ko, pero napawi ding agad dahil sa unang liksyong inilahad ng Prof. Aquino. Hanggang college ba naman tatalakayin pa rin namin ang Florante at Laura? Aba pinagsawaan ko na ‘to sa highschool ah!
Sige na nga! Isang taon na lang din at ga-graduate na ako. Pero talagang nakakaantok na naman. Paki ko kay Juan Luna, Fransisco ‘Balagtas’ Baltazar at kung sino-sino pa! Hindi kaya kabit ni Prof. Santiago itong si Prof. Aquino? Parehong boring eh!
Buti na lang maagang natapos ang klase. Birthday na birthday ko ayokong ma-bad trip!
Tinawagan ko si Myla. Nagriring lang cellphone niya pero hindi niya sinasagot.
Hinanap ko pa tuloy siya. Aba nung makita ko, nakikipaglampungan lang pala siya kay Albert.
“O girl, kain na tayo!”
nagulat pa siya nang makita niya ako.
“Oo nga pala noh! O siya Albert, mamaya na lang ulit…”
pagpapaalam niya sa katabi.
Paglapit sa akin ni Myla, dinukot niya ang dalawang piraso ng shades eyewear mula sa kanyang bag.
“Hoy girl! Birthday mo ngayon, dapat treat mo ako ha?!”
sambit niya sa akin.
Sinasabi ko na nga ba magpapalibre lang siya eh! Mautak din, buti na lang may extra savings ako.
“Pero bago tayo kumain, panhik muna tayo sa rooftop! Panoorin muna natin yung Eclipse!”
pananabik niya sabay abot sa akin ng isang shades.
“Naku gutom na ako girl! Kumain muna tayo!”
“Hindi pwede! Ayokong palampasin ‘to. Abangan muna na’tin ‘yung Eclipse tapos tsaka na tayo kumain. Mabilis lang naman ‘yun eh!”
pagpupumilit niya.
Pinagbigyan ko na lang siya para matapos na. Pagkapanhik namin sa rooftop, may mga kumpol ng tao kaming nadatnan, na tulad namin nagaabang din sa nasabing Total Eclipse ng araw.
Pero ang higit na nakaagaw sa atensiyon ko ay ‘yung matandang naka-belong itim na nakita kong nakatayo sa pinakagilid ng rooftop ng school building na ‘to.
“Huh!”
nasindak ako dahil baka mahulog siya.
“Bakit girl?!”
nagulat ko pa si Myla.
“Yung matanda girl, tignan mo!”
sabi ko sa kanya sabay turo sa kinaroroonan ng matanda.
“Huh?! Anong matanda? Nasa’n?!”
nakatingin naman si Myla pero nagtataka ako kung bakit hindi niya nakikita ang matanda.
“Ayun oh! Yung matandang babae! Hindi mo ba nakikita?!”
“Asan?! Naku girl, baka nagha-hallucinate ka lang dahil mainit!”
Kinuha pa niya ang payong niya sa bag at isinilong sa amin.
“Hindi ako nagha-hallucinate! Hindi mo ba talaga nakikita?!”
“Pinagtitinginan na tayo girl. Tama na ‘yan!”
“Ayun oh!”
Paglingon ko, wala na ang matandang babae. Nakaramdam ako ng kaba, baka nahulog na ang matanda. Nataranta ako at mabilis na tumakbo papunta sa puwesto kanina ng matanda.
“Nandito lang siya kanina eh!”
Hinanap-hanap ko, dumungaw pa ako sa baba pero wala na talaga ang matanda, pero natitiyak kong nakita ko talaga siyang nakatayo dito kanina.
“Naku girl. Tama na ‘yan. Baka gutom lang ‘yan kaya nagha-hallucinate ka.”
“Pero…”
Imposible namang ako lang ang nakakita sa matanda. Hinayaan ko na lang dahil mukhang nag-aalala na talaga sa’kin si Myla. Tsaka baka pag-isipan pa akong nababaliw ng mga taong nakapaligid sa amin.
Hindi nga kaya nababaliw na ako? Sa dami ba naman ng iniisip kong problema.
Ilang saglit lang, biglang kumulimlim ang buong paligid.
“O ayan na girl! Isuot mo na ‘yang shades mo!”
bigla namang nasabik si Myla, sabay suot ng shades niya, sabay tingala sa langit.
Sinuot ko na lang din ang shades ko. Sinamahan ko na lang si Myla na manood.
Nakatingala kami pareho sa araw, pati na ang iba pang nanonood.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng buwan, marahan at unti-unti niyang tinatakpan ang araw.
Nag-focus ako sa panonood, hindi pa ako makapaniwalang nangyayari ang ganitong bagay.
Halos makalahati na ng buwan ang araw, unti-unti na ring nagdidilim ang paligid.
“O diba girl ang ganda!”
tuwang-tuwa pa si Myla.
Hanggang tuluyan ng matakpan ng buwan ang araw, at ang kaninang liwanag, napalitan ng kadiliman. Nagtataka lang ako dahil sobra naman ata ang dinulot na dilim.
Tinanggal ko ang shades ko. Wala akong ibang nakikita kundi kadiliman, madilim na madilim, black na black at daig pa ata ang kadiliman ng gabi.
“Myla! Myla!”
Bigla akong nakaramdam ng takot. Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan ni Myla pero hindi siya sumasagot.
Kinakabahan na ako, parang hindi na normal ang nangyayari, parang hindi na normal ang maitim na kadilimang ito. Hindi normal ang Eclipse na ito!
“Myla! Myla! Nasa’n ka na ba huh?!”
Naglakad-lakad ako at kinapa-kapa ko ang paligid, pero wala akong nakapa, hindi ko matunton ang katawan ni Myla.
Parang mag-isa lang ako, parang nawala na ang lahat ng taong kasama ko kanina lang.
Medyo humupa ang kabang nararamdaman ko nang sumibol na ang liwanag mula hilaga hanggang kanluran.
Pagtingala ko, umuusad na nga ang buwan papalayo sa araw. Unti-unti ng lumiwanag ang buong paligid hanggang tuluyan ng lumihis ang buwan sa araw.
Bumalik na ang liwanag na nagmumula sa araw, pero nanlaki bigla ang mga mata ko nang mapansin ko ang buong paligid.
Nawala si Myla, nawala pati ang ibang tao kanina. Ang alam ko, nakatayo ako sa rooftop ng school building namin, pero ngayon, heto ako’t nakatayo sa lupa.
“Nasa’n ako?!”
natanong ko na lang sa sarili ko.
Lumingon-lingon ako, nawala talaga ang school, ang tanging nakikita ko lang ay mga punong-kahoy na nakapaligid sa akin. Parang kagubatan, pero hindi, dahil nakatayo ako sa kalsadang lupa. Rough road.
Parang daanan ng isang baryo. Halos maiyak na ako.
Sa ‘di kalayuan, nakakakita ako ng mga kubo. Anong lugar kaya ito? Parang baryo na wala pang establasyomento.
Naglakad-lakad ako, umaasa na baka may taong makasalubong. Pero parang ako lang mag-isa sa lugar na ‘to. Paano ba ako napadpad dito?
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang may isang lalaking humagip sa balikat ko mula sa likod ko.
“Ahhh!”
napasigaw ako.
Napalingon sa akin ang lalaki at biglang huminto sa pagtakbo, hingal na hingal siya.
Nagulat pa ako sa suot niya. Parang lumang kasuotan. Isang baro’t isang parang pajama o pantalon.
“Ipagpaumanhin mo Binibini kung ikaw ay aking nahagip. Nawa’y ako’y iyong patawarin at hayaan na lamang akong magpatuloy sa aking pagtakbo.”
sambit niya. Putik! Pati pananalita niya makaluma!
“Okay lang. Teka, nasa’ng lugar ako?”
naitanong ko na lang sa kanya.
Lumapit siya sa akin, titig na titig siya at punong-puno ng pagtataka ang mukha niya.
“Para bagang kakaiba ang iyong pagtalumpati, at ang iyong kasuotan, saan iyan yari? Sa palagay ko’y hindi ka tagarito Binibini, sa wari ko’y isa kang dugong-bughaw. Ngunit kahit si Madonna na pinakamayaman dito sa amin ay hindi ganyan magsalita at mag-gayak.”
sabi niya sa akin.
“Ah. Taga-Quezon City ako. Ito, anong lugar ‘to?”
Pareho kaming nagtataka sa isa’t-isa. Hindi kaya baliw ang mokong na ‘to, pero sa kagwapuhan niya, mukhang hindi naman. Teka, baka may Film Shooting dito!
“Ang bayan na ito ay tinatawag na Calamba.”
tugon niya.
Ano daw? Calamba? Nasa Laguna ako? Niloloko ata ako ng lalaking ‘to, kanina lang nasa QC ako, tapos ngayon Calamba? Parang may hindi na tama.
“Maiwan na kita binibini, at ako’y yayao na!”
paalam niya.
“Teka! Bakit ka tumatakbo? Sa’n ba yung terminal papuntang Quezon City?”
pahabol ko.
“Binibini, ako’y walang maunawaan sa iyong binibigkas. Kung maaari magtungo ka na lamang sa bayan at doo’y humingi ka ng saklolo. Paalam na. Baka hindi ko masaksihan ang pagbitay kay Jose Rizal.”
“Ano kamo?! Si Jose Rizal bibitayin?”
gulat na gulat ako.
“Oo. Hindi ka ba nagbabasa ng pahayagan? Ngayon ang araw na itinakda ng pagbibitay kay Jose Rizal.”
“Pero…”
Nahihiwagaan na ako! Kung ang Bayaning si Jose Rizal ang tinutukoy niya, aba binaril siya at hindi binitay.
Pero mukhang ibang tao ang tinutukoy niya, baka kapangalan lang. At para hindi na ako mag-isip pa, sumama ako sa kanya.
Laking gulat ko na lang pagdating namin sa bayan. Pinagtitinginan pa ako ng mga taong nakapulong, nakapalibot sila sa isang stage kung saan may isang lalaking nakatali ang katawan sa itim na damit, sa tabi ng isang naka-hang na lubid.
Putik! Si Jose Rizal nga! Kamukhang-kamukha niya ang pambansang Bayani. Pero matagal ng patay si Jose Rizal!
Dito ko na naisip na baka napunta ako sa Past, baka ang lugar na ‘to ay ang Kahapon, parang time machine. Kay hirap paniwalaan.
Kay hirap ipaliwanag.
Kung bumalik nga ako sa Past. Bakit bibitayin si Jose Rizal samantalang binaril siya ng mga kastila.
Pero ang damit ng mga tao dito, talagang makaluma, pati pananalita nila makaluma, pati ang mga bahay dito luma, lahat makaluma.
Nasaksihan ko kung paano binitay si Jose Rizal.
“Paalam mahal kong Pilipinas.”
ang mga huling kataga niya bago mamatay.
Marami sa mga tao dito, umiiyak nang mamatay si Jose Rizal, pero ang iba binabato siya. Nagtaka tuloy ako kung ano’ng kaso niya.
“Ano bang kasalanan ni Jose Rizal at binitay siya?”
tanong ko sa kasama kong lalaki.
“Ang taong yaon ay isang kriminal. Isa siyang magnanakaw, ngunit ang mga ninanakaw niya ay para naman sa mahihirap, kung kaya’t marami din ang nagmamahal sa kanya.”
Ang hirap intindihin. Si Jose Rizal magnanakaw? Samantalang isa siya sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa Pilipinas. Sana pala nakikinig ako sa klase ni Prof. Santiago! Damn!
“Teka, ano nga pala pangalan mo?”
muli kong tanong sakanya. Kanina ko pa siya kinakausap pero hindi pa pala kami nagkakilala.
“Ako nga pala si Luis Taruc, Binibini.”
Halos mamatay na ako sa kakaisip. Nasa’n ba talaga ako? Ano bang nangyayari sa mundo? Kung hindi ako nagkakamali, si Jose Rizal ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, pero si Luis Taruc ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, pero paano sila ngayon nagkasama sa iisang panahon?
“Ano kamo? Ikaw si Luis Taruc? Ikaw ang pinuno ng grupong HukBaLaHap?”
pagkagulat ko.
To be continued…
Fiction-Factory
- Hazel - December 9, 2021
- Isang Gabi Sa Loob Ng Bus - December 4, 2021
- Grace - November 27, 2021