Stop Over Tryst With Trish – Part 1

Real Sex Stories

Written by strykefours

 


Stop Over Tryst With Trish – Part 1

TRISHA

Dubai International Airport (DXB) 03 Dec 2012

Naglilibot sa iba’t ibang mga duty free stores sa loob ng terminal ng Dubai Airport si Trisha. Dito ang stop over niya para sa kanyang connecting flight pabalik ng Pilipinas. Galing siya sa bansang Spain. Naglagi ang dalaga doon ng halos limang araw kung saan inasikaso niya ang tungkol sa mga dokumentong may kinalaman sa kanyang ama. Tatlong oras ang kanyang stop over at kalahating oras na lang ay puwede ng mag board sa pang alas dyes y medya ng umaga na Emirates flight EK 334. Walong oras ang biyahe at halos alas diyes y medya na ng gabi ang dating nito sa NAIA.

Kalalabas lang niya sa isang shop kung saan siya nakabili ng make up kit. Habang naglalakad ay hindi siya tumitingin sa linalakaran dahil naaliw siyang sinisilip sa loob ng supot ang pinamili. Hindi na niya napansin ang isang lalakeng nasa harap niya na may kinakausap ito sa cellphone na biglang napatigil.

Malakas na “Blag” ang tumunog ng bumangga si Trisha sa lalakeng biglang tumigil dahil mabilis din siyang naglalakad. Nawalan ng balanse ang dalaga at natumba. Mabuti at naitukod naman agad ang isang kamay niya kaya napaupo lamang siya. Hindi naman sumayad ang puwetan niya sa sahig. Nahulog ang bag niya at lumabas ang isang envelope sabay na bumukas din ito upang maglabasan ang mga importanteng dokumento nasa loob nito.

Nakarinig si Trisha ng … “Ay sorry Miss pasensya na.” Pero ang atensyon niya ay agad kunin ang mga dokumento dahil nililipad ito ng mahinang hangin na nanggaling sa isang exhaust fan. Inaasahan niyang tutulungan din siya ng nabangga niyang lalake na alam niyang pinoy dahil sa salita nito. Ilang sandali ang lumipas at napansin niya na walang tulong na dumating kaya mabilis nilingon ng dalaga kung saan nanggaling ang tinig na yun pero ang nakita na lang niya ay ang isang lalake na papalayo pa lamang. May suot na blue na baseball cap ito sa ulo at kulay blue na jacket na may bowling pins na design sa likod.

“Hoy, mister,” nanginginig ang boses ni Trisha sa inis. Oo ako ang may kasalanan, tatanga tanga ako eh, pero kainis naman ng lalake na yun, kababayan ko pa naman, endi man lang ako tinulungan. Hay naku, pasalamat siya at hindi nadumihan ang aking mga dokumento bulong ng dalaga sa sarili habang inaayos ang mga papeles at bag niya. Ng maayos ang gamit ay tumayo na ito at naglakad papuntang boarding gate.

STRYKE

Dubai International Airport (DXB) 03 Dec 2012

Medyo aantok antok pa habang naglalakad sa loob ng terminal ng Dubai Airport si Stryke. Dito ang stop over niya para sa kanyang connecting flight papunta ng Pilipinas. Galing siya sa bansang Kuwait. Biglaan ang pag punta niya sa Pilipinas. Hindi pa siya magbabakasyon, kapalit siya ng nagkasakit na isang miyembro ng interview team ng kanilang kumpanya na pipili at kukuha ng mga manggagawang Pinoy. Siya ang ipinalit dahil hindi na niya kailangan ng bisa, isa naman siyang Pilipino. Agad siyang makakasunod sa mga naunang kasamahan at dalawang may ari ng kumpanya noong isang araw. Apat na oras ang kanyang stop over at kalahating oras na lang ay pwede ng mag board sa pang alas dyes y medya ng umaga na Emirates flight EK 334. Walong oras ang biyahe at halos alas diyes y medya na ng gabi ang dating nito sa NAIA.

Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ni Stryke, ang isa sa may ari ng kumpanya nila na nasa Pilipinas ang nasa kabilang linya. Agad narinig ni Stryke ang sermon ng kanyang boss na bakit hindi siya nakasunod agad, at nasaan na siya at kahapon pa siya hinihintay. Nag umpisang magpaliwanag si Stryke pero habang naglalakad siya ay hindi maganda ang signal kaya hindi malinaw ang dating ng salita ng kausap. Bukod doon ay maingay pa kapag may inaanunsyo na galing sa mga speakers ng paging system ng airport.

Patuloy lang siyang naglalakad ng biglang luminaw ang salita mula sa kabilang linya, malamang maganda ang signal kaya naisipan ni Stryke na biglang tumigil sa paglalakad. Nag umpisa na naman siyang sermunan ng kanyang boss ng … “Blag” … may taong bumangga sa likuran niya. Napahakbang pa siya ng paabante sa lakas ng pagkabangga sa kanya.

Ng lingunin niya ay nakita niya ang isang babae na halos napaupo sa sahig. “Ay sorry Miss pasensya na” ang nasabi niya. Pero natuon ang mga mata ni Stryke sa kurbada ng katawan ng babae, mula sa puwetan paakyat sa balakang at maliit na bewang nito. At kita ang ilang parte ng makinis na likuran nito dahil umakyat paitaas ang light pink na blusa sa halos pagkakaupo ng babae sa sahig. Lalapit na sana siya para tulungan ang babae na linilikom ang mga kumalat na papel mula sa bag pero biglang lumabo na naman ang salita ng kausap niya. Tumigil si Stryke at baka sumama pa lalo ang signal. Natuon na naman ang mga mata niya sa maliit na pagkaka uwang ng maong nito na DKNY sa may ibabang parte ng likod ng babae at nasisilip niya ang maliit na parte ng kulay pink na panty nito. Wow terno lahat siguro ang suot ni Miss sexy nasabi sa sarili niya.

Dahil lumalabo lalo ang salita ng kausap at nakita naman niyang mukhang okay na naman ang babae kaya lumakad na lang siyang muli tungo sa direksyon ng boarding gate. Nakakailang hakbang pa lang siya ay muling gumanda ang signal kaya patuloy siyang naglakad. Pero parang may marinig siyang sumigaw ng … “Hoy mister.” ngunit hindi na niya ito pinansin sa pag aakalang hindi siya ang tinatawag.


Nakalapag na ang dambuhalang eroplano sa NAIA. Dali daling tumayo si Trisha mula sa kanyang upuan dahil gusto niyang tawagan ang kanilang driver kung nakarating na din ito sa NAIA.

Sa loob ng NAIA terminal ay bumagal ang paglalakad ni Trisha. Walang sumasagot sa mga tinatawagan niya. Hindi niya alam kung sinong driver ang inutusan ng nanay niya para sumundo sa kanya. Kaya isa isa niyang tinawagan ang mga numero ng tatlong driver nila. Pati nanay niya ay hindi sumasagot sa tawag niya. Nakadama na naman ng tensyon ang dalaga dahil mag aalas onse na ng gabi. Hindi niya napansin na nalaglag ang kanyang passport sa kaka pasok at labas ng cellphone sa Burberry na bag niya.

Sa di kalayuan ay napansin ni Stryke na may nalaglag mula sa sinusundan niyang babae. Tatawagin niya sana ang pansin nito pero mabilis itong lumakad palayo. Mabilis naman pinuntahan ng lalake ang lugar kung nasaan may nahulog ang babae at nakita niya na passport ito. Pinulot niya ito at mabilis ding naglakad para maabutan ang babae.

Habang naglalakad ay binuksan ni Stryke ang passport. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa nakitang litrato at nabasang pangalan na nakatala dito … Maria Patriccia Servantes Tabanda. “Trisha Tabanda” ang naiusal ng lalake. Binilisan niya ang paglalakad gusto niyang makita ang babae, kung siya si Trisha ang kanyang Fantasy Girl at kaibigan.

Mahaba ang pila sa immigration. Pumila na si Trisha pero nakaramdam ng pagkabalisa. Hindi niya mahanap ang kanyang passport, kinabahan ito, nakita pa niya ang passport ng kinukuha ang cellphone mula sa kanyang bag. Naisip niyang umalis muna sa pila at pumunta sa gilid upang hanapin ang kanyang passport.

Nakita ni Stryke ang babae na pumila na ito sa isang linya para sa Immigration pero agad umalis at pumunta sa isang tabi. Halatang may hinahanap, pasok ng kamay sa mga bulsa ng pantalon, halukay ng mga gamit sa bag. Na excite lalo si Stryke dahil pinagmasdan muna niya ang babae upang masiguro na siya nga si Patriccia o Trisha Tabanda. “Mismo” nasabi niya dahil sa talaga namang hawig ang babae sa mga litrato nito sa FB. Naka light pink na long sleeve na blusa na sabrina neckline, low waist na jeans at naka soft canvas sneakers na light pink. Ang sexy din nasabi niya, kita tiyan, pusod at maliit na bewang ng babae dahil hanging ang estilo ng blusa.

Daling pinuntahan ni Stryke ang babae. Excited pa na nagsalita ng ‘Hello Trisha, eto ba ang hanap mo” sabay pakita ng napulot na passport.”

“Huh” sabay tingin ng babae sa lalake, nagtataka at alam ng lalake ang pangalan niya. Namasdan niya sandali ang mukha ng lalake at pamilyar sa kanya. Napansin niya na naka blue na jacket ito, may hawak na blue baseball cap at nakita niya sa anino sa clear glass ng airport ang design na bowling pins sa jacket nito ay bigla nag init ang ulo ni Trisha.

“Ikaw” … sabay hablot sa passport niya na hawak ng lalake.

“Oo ako nga Trisha, ako si Stryke”

Natigilan sandali si Trisha … oo si Stryke nga, kaya pala pamilyar ang mukha nasabi ng dalaga sa sarili. Ka chat, nakakausap niya sa telepono, naging kaibigan at nakapalagayan ng loob. Nabawasan bigla ang galit niya kasi si Stryke pala ito pero inis pa din ito sa nagawa ng lalake sa stop over nila sa Dubai. May naisip siyang gawin, ang madalas gawin niya kay Stryke kapag inis siya sa lalake.

“Oo si Stryke ka nga na akala ko mabait at maginoo ko na kaibigan, pero napaka ungentleman pala sa personal.” pagalit na sabi nito sabay talikod at iniwan si Stryke na napatanga at nagtataka. Ngingiti ngiti si Trisha dahil naisipan na pahirapan niya si Stryke ng kaunti dahil sa inasal nito sa kanya sa Dubai airport. Pero may konting kilig ang dalaga … hmmm in fairness ha Stryke looks fine, mukhang bata pa maski higit kuwarenta na ahehehe nasabi ng niya sa kanyang sarili.

Nahimasmasan naman ang lalake at hinabol ang dalaga na nakapila na ulit sa linya ng immigration. “Trish naman, bakit ka galit sa akin, ngayon nga lang unang pagkikita natin ay ganito pa.”

Pinipigilan ng dalaga na matawa sa sasabihin niya. “Endi ka lang pala ungentleman, malilimutin ka pa, sabagay matanda ka na kasi.”

Sinasabayan ni Stryke sa pila si Trisha. “Eh maganda naman ang ating mga paalaman ng huli tayong nag chat o nagkausap sa telepono noong isang linggo kaya wala ako matandaan na ikinagalit mo sa akin. Kita mo nga ni hindi ko alam na may travel ka.”

“Hay Stryke, kilala mo kapag inis o galit ako di ba.”

“Yes Trish dapat ipakita ko na sorry ako at suyuin ka.”

“Alam mo ba kung bakit ka sorry at manunuyo sa akin.”

“Eh, hindi ko nga po alam ang kasalanan ko sa iyo.”

Napapansin ni Trish na nagtitinginan na ang ibang tao sa kanila ni Stryke dahil sa usapan nila. Nagsalita siya pero mahina na lang. “Pwes Stryke, kung hindi mo pala alam ay manahimik ka na lang at nakakahiya sa mga tao ang lakas ng boses natin … at please pwede ba huwag mo akong dikitan hanggang di mo alam ang kasalanan mo sa akin.”

Ng umabante sa pila si Trisha ay nagpunta na lamang si Stryke sa likuran nito. Kilala na niya si Trisha, alam niya kapag galit ito ay talagang hindi makakausap ng mabuti. Napapailing dahil hindi niya akalaing ganoon pa ang mangyayari sa unang pagkikita nila ni Trisha. Napatungo na lang siya pero napatutok ang mata niya sa nakalitaw na likod sa may bandang bewang nito ng biglang nakita niya ang tatak ng maong na suot ni Trisha … DKNY.

Napa “Shit’ sa sarili niya si Stryke. Naalala na niya ang lahat. Sa Dubai Airport, si Trisha yung babaeng bumangga sa kanya at kumalat ang mga dokumento sa sahig, na hindi niya tinulungan dahil lang sa hindi maganda ang signal ng cellphone at ayaw niyang maputol ang tawag. Na may narinig siyang boses na tumatawag pero akala niya hindi para sa kaniya.

Inilapit niya ng bahagya ang kanyang ulo malapit sa ulo ni Trisha. “Ahem, Miss Trisha, sorry po pala doon sa nangyari sa Dubai Airport. Sorry po at hindi kita natulungan dahil sa problema ko sa kausap ko sa telepono. Sorry po at iniwan kita ng ganun ganun na lang.”

Natatawa si Trisha sa loob loob niya, pero seryoso pa din siya ng nilingon niya si Stryke. “Ah mabuti at alam mo na ang kasalanan mo. Hmph, Amagalit pa din Stryke, huwag mo akong kakausapin.”

Sa nakitang kaseryosohan ni Trisha ay minabuti na lang manahimik ni Stryke at naisipan pang lumipat sa kabilang pila para malayo sa dalaga.

Medyo nakonsensya naman si Trisha ng makitang lumipat pa ng pila si Stryke. Kakausapin naman niya ito talaga pag dating na sa may labasan ng terminal, pinapahirapan niya lang ng kaunti.


Sa may labasan, mangiyak ngiyak si Trisha, wala palang susundo sa kanya. Nakausap niya ang isang driver nila at ang utos daw ng nanay niya ay sunduin siya sa NAIA ng alas onse ng gabi ng a kuwatro ng Disyembre. Napaka eng eng ko talaga nasabi niya sa sarili. Siya ang may kasalanan dahil nagkamali siya ng sinabi sa kanyang ina dahil mali ang tantiya niya sa kanyang pagdating, parehong araw pala ng dating niya ang araw ng alis niya sa bansang Espana, a tres ng Disyembre. Hindi na niya kasi ni review ang ticket niya.

Naku paano na kaya nasabi sa sarili. Takot pa naman sya na mag isang lumabas kapag gabi na at lalo na sa siyudad ng Maynila, kung sa Baguio ay puwede pa. Bigla naalala ng dalaga si Stryke, hinanap niya agad ito kung saang direksyon huli niya itong nakita.

Si Stryke ay nasa hilera kung saan ang mga customer service ng mga accredited na hotels. Nag request sya ng service para dalhin siya sa Dusit Hotel sa Makati. Doon naka check in ang dalawang boss niya at mga kasamahan sa interview team. Mayroon na siyang naka reserbang kuwarto.

Habang hinihintay ni Stryke ang sasakyan na magdadala sa kanya sa hotel ay may narinig na nagsalita sa likuran niya. “Ahem, kumusta na ang ungentleman sa personal.”

“Uy idol Trish salamat kinausap mo na ako.”

Seryoso ang mukha ng dalaga. “Idol ka diyan, galit pa din ako sa iyo pero kaibigan kita kaya kinakausap kita.”

“Kahit galit ka pa, basta kinakausap mo ako ay okay na sa akin, at patawarin mo na ako sa insidente na yun sa Dubai.”

“Nabawasan na galit ko, pero alam mo naman matagal bago ako maka get over. Ah Stryke, may sundo ka ba, uwi ka na sa bahay niyo.”

“Sa Dusit Hotel muna ako tutuloy, nandoon sila boss at mga kasamahan ko, may kuwarto akong naka reserba doon. Nandiyan na ba sundo mo?”

“May problema po ako eh, bukas pa ako masusundo mga tanghali ang pinakamaaga, kaya ko naman mag check in sa kahit saang hotel pero takot akong mag isa, alam mo naman hindi ko teritoryo ang Maynila at may dala akong mga importanteng dokumento.”

“Eh Ms. Heiress, maski alam ko kaya mo ay huwag ka ng gumastos mag check in sa isang hotel. Ganito na lang, punta tayo sa hotel. Magpapakita lang ako sa boss ko, ikaw na lang gumamit ng naka reserve na kuwarto ko at ako ay uuwi na lang sa bahay namin para makita ko ang pamilya ko, balik naman agad ako kinabukasan.”

“Endi ka ba nakikinig Stryke, sabi ko ay takot ako mag isa, kung iiwan mo din ako ay hindi mo na solve ang problema ko.”

“Eh paano, maski pwede dalawang tao doon ay single room lang yun, dyahe naman sa iyo Heiress at magkasama tayo sa isang kuwarto, isa lamang akong hamak na manggagawa.”

“Puro ka naman biro, seryoso ako. Okay lang, ako ang nakikiusap at diyan mo patunayan sa akin na ikaw talaga yung kaibigan ko na mabait at maginoo at mapapagkatiwalaan.”

Sumenyas naman kay Stryke yung tauhan ng customer service na itinuturo sa labasan yung sasakyan na magdadala sa kanya o sa kanila sa Dusit hotel.

“Okay lang sa iyo na kasama mo ako sa room ha Ms. Patriccia.”

“Okay lang Stryke, basta alam ko safe ako at mapapagkatiwalaan ka naman di ba.” sabay ngiting aso ng babae.

“Kita mo itong babae na ito, duda ka naman pala sa akin, halika na nga.”

Habang naglalakad silang dalawa papunta sa sasakyan ay … “Trish ang ganda at ang seksi mo lalo sa personal” nakangiting sinabi ni Stryke sa dalaga.

“Asus bolero ka na din ha, baka gusto mo ding ma broadcast sa FB, tandaan mo may galit pa ako sa iyo.”

“Opo, hindi ko nakakalimutan Ms. Heiress.”

Itutuloy ….

 

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x