Written by Xiao_Mine
Isang Paalala: Ang kwentong iyung matutunghayan ay pawang kathang-isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasiyon ng may akda. Ang mga pangalan ng mga tauhan, lugar at bawat eksena o kaganapan, kucng may pagkakahalintulad man sa tunay na pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
***Jasmine’s real identity***
–Jasmine’s POV–
Nung lunes ng hapon habang nag tatrabaho ako ay bigla tumawag sa akin ang mama ko. Nung una ay hindi ako sumagot dahil may ginagawa ako. Ngunit tumawag siya pabalik kaya agad ko na iyun sinagot.
Alam ko kase na mahalaga iyun bakit siya napatawag. Isa pa, isa iyun sa unwritten rules sa pamilya namin na pag tumawag ulit sila sa pangalawang pagkakataon ay kailangan mo na sagutin iyun dahil importante iyun.
“Ma, napatawag ka sa akin. May nangyari ba sa inyo ni dad?” Ang pagaalala ko.
“Anak, wala naman. Pero may gusto kame sabihin ng daddy mo ngaun sa iyo. Punta kame sa condo niyo ni Laura.” Ang sagot ni mommy at pansin ko na naiiyak siya kaya mas lalo ako nag alala sa kanya.
“Mom? What happen? May nangyari ba? Anu sasabihin ni daddy?” Ang pag aalala ko dahil naiiyak siya.
“Anak, mas mabuti na sa personal namin sabihin ng daddy mo sa iyo to. Papunta na kame ng daddy mo sa condo niyo ni Laura.” Ang sabi ni mommy.
“Mom, lumipat na ako ng tirahan at binebenta na ni Laura yung condong tirahan namin dati. Sunduin niyo nalang ako sa office mamaya. Malapit naman na akong matapos dito. Dun tayo sa bagong bahay ko magusap.” Ang sabi ko kay mom.
“Okay, papunta na din muna kame sa SM. Dun ka namin hintayin ng daddy mo.” Ang sabi ni mommy at binaba na ang phone ko at bumalik na sa trabaho.
Bago naman ako bumalik ng trabaho ay tinawagan ko muna si Manong Rueben at ipinaalam na sa kanya na darating ngaun ang magulang ko at sinabi ko sa kanya na magstay muna siya sa quarters nila. Hindi naman nagreklamo si Manong Rueben. Naintindihan niya ang situation ko.
Ngunit napansin ko na malungkot din siya. Parang may gusto din siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya nagawang sabihin dahil napansin din niya na na malungkot at nag aalala ako. Gusto ko sana tanungin ngaun pero may trabaho pa ako kaya sa susunod ko nalang aalamin.
Matapos ang ilang oras ay natapos na ang work ko at agad ako pumunta ng SM para puntahan sina mommy. Nakita ko naman sila sa isang resto kaya agad ko sila nilapitan.
Dahil andun na kame at nakaramdam na ako ng gutom ay nagdecide kame na dun nalang kumain.
Nang matapos kame kumaen ay umuwr na kami agad. Habang pauwe kame ay ramdam ko ang tension. Gustong gusto ngaun sabihin ni mommy ngunit Minabuti namin na pag usapan ang lahat sa bahay.
Nang makauwe kame sa bahay ay dun na namin pinag usapan ang dahilan bakit nila ako binisita.
“Anak, hindi namin alam na bumili ka ng bahay. Sana sinabi mo sa amin ng mommy mo para tinulungan ka namin makabili ng mas malaki kaysa dito.” Ang sabi ni daddy ng makita niya ang maliit kong bahay.
“Dad, hindi ko sinabi sa inyo tungkol dito dahil gusto ko ako mismo ang tumayo sa sarili kong paa. Ayaw ko iasa lahat ng bagay na gusto ko.” Ang paliwanag ko.
Napansin ko na sumaya silang dalawa dahil sa gusto ko.
“Kaya proud na proud kame sa iyo ng mommy mo. Masaya din ako dahil sa pinapakita mo. Hindi kame nagsisisi na naging anak ka namin at kapatid ni Yunah. Hindi kame magsisisi kung tutularan ka ni Yunah, napakabuti mong anak.” Ang pahayag ni daddy kaya niyakap ko siya.
“Dad, anu bang pinunta niyo dito. Alam ko mahalaga iyan kaya makikinig ako sa inyo.” ang sabi ko kaya naalala nila agad ang pinunta nila.
“Anak, may sasabihin kameng importante ng mommy mo. Sana huwag kang mabibigla sa sasabihin namin.” Ang seryosong sabi ni daddy.
Napansin ko na may pagkaseryoso si daddy kaya nagdecide muna akong makinig.
“Anak, huwag mo sanang isipin na hindi ka namin mahal dahil sa sinasabi namin sa iyo. Tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng daddy mo.” Ang saad naman ni mommy at napansin ko na naiiyak na siya.
Dahil sa napansin ko ay naguluhan ako. Bakit ganito ang nangyayari. Yung huli naming usapan ay masaya kame ngunit biglaan nalang naging madrama sina mommy at daddy.
“Mom, dad? Anu ba ang nangyayari!? Naguguluhan na ako. Anu ba talaga gusto niya sabihin ni daddy.” Ang sabi ko.
Dahil sa nagsimula ng umiyak si mommy ay si daddy nalang ang nagsalita.
“Anak, makinig ka ng maayos sa amin ng mommy mo at sana huwag ka magtanim ng sama ng loob sa amin.” Ang sabi ni dad.
“Dad, please. Huwag na kayung magpaligoy ligoy pa sabihin niyo na sa akin.” Ang sabi ko at nagsimula na din akong umiyak.
“Anak, sorry sa sasabihin ko. Pero hindi ka namin tunay na anak.” Ang sabi ni dad na nagpatigil ng mundo.
“Ano?!? Hindi ako anak nina daddy ay mommy?” Ang nasa isip ko at nagsimula ng lumabas ang luha ko.
Nasaktan din ako sa sinabi ni daddy. Hindi ko inaakala na ang magulang ko na nagpalaki sa akin ay hindi ko tunay na magulang.
“Anak, huhu.. hu-huwag mo sanang isipin na hindi ka namin mahal. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo.” Ang nauutal na pahayag ni mommy at bigla lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay.
Ramdam ko sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.
“Mommy, daddy?? Totoo ba talaga iyan? Hindi niyo talaga ako anak? Huhu!!” Ang tanong ko at tuluyang tumulo ang luha ko.
“Oo anak. Sorry at hindi namin sinabi sa iyo agad eto. Pero mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Hindi nagbago iyun.” Ang pahayag ni daddy at lumapit din siya sa akin sabay luhod at hinawakan din ang kamay ko.
“Pero dad, bakit niyo ngaun lang sinabi eto?” Ang tanong ko sa kanya.
“Dahil natatakot kame ng mommy mo kung anu ang magiging reaction mo once malaman mo ito. Hind namin alam panu din sasabihin sa iyo at hindi namin alam kung anu gagawin namin kung hahanapin mo tunay mong magulang nun, anak. Sobrang minahal ka na namin bilang anak kaya natatakot kame na iwan mo kame.” Ang paliwanag ni mommy.
“Anak, patawarin mo kame ng daddy mo at nilihim namin sa iyo to ng matagal. Sadyang natatakot lang kame ng daddy mo sabihin dahil baka lumayo ka sa amin.” Ang dagdag pa niya.
Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko. Hindi ko inaasahan na ampon lang ako nina mommy at daddy. Pero ganun ay hindi ko naramdaman na hindi nila ako anak.
Pinaramdam nila na mahal na mahal nila ako. Kaya sapat na iyun para hindi magtanim ng galit sa kanila.
“Mom at dad, hindi po ako galit sa inyo. Hindi ko lang inaasahan na hindi talaga ako anak.” Ang iyak ko din at nilapitan nila ako at niyakap.
“Pero mom? Bakit niyo po ako inampon?” Ang takang tanong ko.
“Anak, huwag kang mabibigla sa sasabihin namin ng daddy mo, ah!!” Ang sabi ni mommy.
“Oo naman, mom. Hindi po ako magagalit.” Ang sabi ko.
“Nung time na inampon ka namin ay nahihirapan ako manganak nun. Madami na din kame sinubukan pero wala talaga. Sumuko kame ng mommy mo nun. Kaya nagdecide nalang kame na hayaan nalang kahit hindi na kame magkaanak. Mahal pa rin namin ang isa’t isa kahit wala kaming anak. At sa oras na din iyun wala kame planong magampon. Ngunit nagbago ang lahat ng makita ka namin ng daddy mo. Mga dalawang taong gulang ka pa lang nun at nasa bahay ampunan ka. Nung makita ka namin habang nagbabakasyun kame ay nagustuhan na kita kaya inampon ka namin. Isa pa nasabi ng caretaker mo nun sa bahay ampunan ay may sakit ka sa puso nun ka naawa kame sa iyo ng daddy mo. Inampon ka namin at pinagamot ka namin ng daddy mo. Lumaki kang masunurin, mabait at mapagmahal kaya hindi kame nagsisi na ampunin ka. Mas lalo kame napamahal sa iyo anak.” Ang paliwanag ni mommy.
Nang marinig ko ang paliwanag ni mommy ay agad ko sila hinila at bigla silang niyakap. Dahil siguro hindi sa kanila matagal na akong patay dahil may sakit ako sa puso. Mas lalo ko sila minahal kahit na hindi ko sila tunay na magulang.
“Mommy, daddy!! Huhu!!! Salamat sa inyo. Kahit na hindi niyo ako tunay na anak ay mahal na mahal niyo ako. Hindi ako magtatanim ng galit sa inyo. Mahal na mahal ko din kayo. Maraming salamat dahil ginawa niyo ang lahat para gumaling ako.” Ang saad ko, patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko habang nakayakap sa kanila.
Nagpasalamat din ako dahil sinabi nila ang tungkol dito. Pansin ko din na wala pa rin nagbago ang lahat.
“Mom, sabi niyo hindi kayu nagkaanak? Si Yunah din ba ay ampon?” Ang tanong ko at humupa ang iyakan.
“Anak, huwag ka sana magalit at magselos sa kapatid mo pero anak ko talaga siya. Hindi namin inaasahan na ipagbuntis ko siya matapos ka gumaling sa sakit mo. Alam mo ba mula ng dumating ka sa buhay namin ng daddy mo. Sunod sunod ang swerteng dumating sa amin kaya mahal na mahal ka din namin. Hindi ka namin tinuring na pabigat o anu pa man. Anak ka namin kahit hindi ka nagmula sa amin.” Ang sagot niya na naluha naman.
Agad ko siya niyakap muli. Nagpasalamat sa pag aaruga nila sa akin.
“Mom? Alam na ba ni Yunah, na ampon ako?” Ang tanong ko.
Natatakot kase ako sa magiging reaction niya. Baka may galit siya sa aki dahil may kaagaw siya sa attention nina mommy at daddy.
Bago nila sagutin ang tanong ko ay biglaan naman may kumatok. Nagulat kame dahil sa biglaan nalang may bisita na hindi namin inaasahan. Gabi na din kase kaya wala kaming kaalam alam na may bibisita pa.
Kaya agad ako nagpaalam kay mommy at daddy na tignan ko lang kung sino ang taong kumakatok.
Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Yunah.
“Hi, ate. Miss na kita.” Ang sabi niya tapos biglang yakap sa akin. Napansin niya na naiyak ako kaya alam na niya ang nangyari bago siya dumating.
Nagulat din sina mommy at daddy sa biglaan niyang pagdating. Magsasalita na sana sina mommy at daddy ngunit inunahan niya ang mga to.
“Mom at dad, ang daya niyo naman. Hindi niyo man lang ako inantay. Diba sabi ko sa inyo dapat andito din ako. Dapat kasama ko din si ate.” Ang sabi ni Yunah.
Nang marinig ko iyun ay alam ko na, na alam niya na ampon ako. Napansin niya din ang reaction ko kaya niyakap niya ako.
“Ate, I know it already. Narinig ko minsan ang usapan nila. Pero huwag mo isipin na may galit ako sa iyo o kung anu pa man. Magkadugo man tayu o hindi. Kapatid pa rin kita. Ikaw pa rin ang pinakammahal at pinakamaganda kong ate. Ikaw pa rin ang idolo ko. Ako pa rin ang cute baby sister mo at number 1 fan mo.” Ang sabi niya na nagpaiyak na naman sa akin.
Hindi ko din inaasahan na tanggap ako ng kapatid ko. Pantay kase ang pagtingin sa amin ng aming magulang kaya mahal namin ang isa’t isa.
“Kaya ate, ate Mina. Huwag ka ng umiyak diyan. Papangit ka niyan, eh. Sige ka baka tumanda ka diyan.” Ang sabi niya na nagpangiti sa akin.
Tuwang tuwa ako dahil tanggap ako ng kinagisnang pamilya.
“Yun, tumawa din si ate ko. Ate tandaan mo mahal na mahal kita.” Ang sabi sa akin ni Yunah kaya niyakap ko na siya.
Matapos ang pag uusap namin ni Yunah ay kinausap na siya nina dad.
“yunah, akala ko ba pinagsabihan na kita na maghintay sa bahay? Panu school works mo? ” Ang sermon ni daddy kay Yunah.
“Dad, wala kame pasok ngaun dahil may gagawin ang school. At miss ko na din si ate. Gusto ko din kasama pag sabihin niyo ang totoo kay ate. Nagpahatid naman ako kay kuya Sonny dito eh.” Ang sagot ni Yunah na nakayakap pa rin sa akin.
Hindi naman nagalit si daddy sa ginawang pagsunod ni Yunah sa kanila.
Akala ko naman ay tapos na ang usapan namin sa oras na iyun ngunit hindi ko inaasahan na meron pang aaminin sa akin nina mommy.
“Anak, bago namin sabihin sa iyo eto ay hinanap namin ang magulang mo. Iyan sana ang magiging regalo.” Ang sabi ng daddy niya.
Agad nakuha ulit ni daddy ang attention ko dahil sa sinabi niya.
“Dad, salamat at ginawa niyo pero wala na ako hinahangad kundi kayu.” Ang sagot ko.
“Anak, kailangan mo malaman to bago mahuli ang lahat.” Ang seryosong saad ng mommy ko.
Dahil sa seryoso ang tono ng mommy ko ay nakinig na lang ako.
“Anak, nahanap na namin ang tunay mong ina ngunit hindi namin mahanap ang tunay mo ama.” Ang sabi ni daddy.
“Anung ibig mong sabihin dad?” Ang taka kong tanong.
“Nang nagtanong kame ng daddy mo sa taong nakakilala sa tunay mo magulang, ang sabi niya sa amin ay hiwalay sila. Hindi siya pinanagutan ng daddy mo. Iniwan ng daddy mo ang mommy mo ng malaman niya na ipinagbununtis ka niya.” Ang paliwanag ni mommy.
“Dahil din sa hirap ng buhay ang mommy mo napilitan siyang dalhin ka sa ampunan. Umaasa ang mommy mo na may aampon sa iyo na may kaya para maipagamot ka. Ang sabi ng caretaker dati na nakausap namin. Ayaw talaga ng mommy mo na iwan ka sa ampunan. Ngunit dahil sa sakit mo at sa panahong iyun ay sa lansangan na siya nakatira ay mas minabuti niya na dun ka nalang niya iwan dahil alam niya na mas malaki ang tyansang mabuhay ka.” Ang paliwanag naman ni daddy.
Napaiyak naman ako dahil sa sinabi ni daddy. Naisip ko nung sinabi nila na inampon ako sa ampunan ay naisip ko na hindi ako mahal ng tunay kong pamilya kaya iniwan ako sa ampunan. Ngunit nagkakamali ako dahil mas inisip niya ang kapakanan ko kaysa makasama ako.
Malaking sakripisyo ang ginawa niya maligtas lang ako sa sakit at magkaroon ng magandang buhay. Kung hindi siya nagsakripisyo para sa ikakabuti ko ay wala sana ako ngaun sa kinatatayuan ko. Siguro nga patay na ako kung hindi siya nagsakripisyo.
“Mom at dad, sorry pero gusto ko po makita ang tunay kong ina. Sana maintindihan niyo ako.” Ang pakiusap ko sa kanila sabay tulo ng aking luha.
Kahit naman siguro pinaampon niya ako ay may karapatan pa rin siya malaman kung kumusta na ako ngaun. Kahit pinaampon ako ay mahal pa rin niya ako.
“Anak, kaya kame andito dahil dadalhin ka na namin bukas sa tunay mong ina. Kailangan ka niya ngaun.” Ang sabi ni mommy.
“Anak, huwag kang mabibigla. Pero nakaratay na ang tunay mong ina sa hospital. May sakit siya ngaun at hindi alam ng doctor kung hanggang kailan ang itatagal niya sa mundo.” Ang paliwanag ni daddy.
Parang binagsakan naman ako ng mundo ng malaman ko na may sakit ang tunay kong ina.
“May cancer ang tunay mong ina at kasalukuyang nakaconfine siya sa isang hospital sa probinsya ng asawa niya. Pupunta tayo dun anak.” Ang sabi naman ni mommy.
Pero ako hindi ako mapakali ng malaman ko na may cancer si mama at nakaratay na siya. Natakot ako dahil baka mawala siya ng hindi ko man lang nakausap at nakita. Hindi ko siya nakasama ng matagal pero ngaun hindi ako papayag na mawala siya ng hindi ko nakakausap.
“Mom, puntahan natin siya ngaun. Please, mommy at daddy.” Ang pakiusap ko.
“Nak, bukas na natin siya puntahan. Gabi na.” Ang sabi naman ni daddy.
Hindi naman ako nakinig sa sinasabi nila. Gusto ko talaga sila puntahan ngaun. Ilang beses din nila ako pakiusapan ngunit hindi ako nakikinig.
“Dad, natatakot ako baka pagdating natin dun wala na siya. Gusto ko din siya makita at makausap. Dad, kahit anu man ang mangyari magulang ko din kau, hinding hindi ko kayo iiwan kahit nakilala ko na siya.” Ang pakiusap ko sa daddy ko.
Naawa naman sila sa akin kaya pinagbigyan nila ako.
“Okay, anak. Pupunta na din tayo ngaun. Maghanda ka na.” Ang sabi ni dad sa akin.
Agad akong nagpunta sa kwarto ko at kumuha ng mga gamit. Hindi na ako nagpatulong kay Yunah para hindi niya makita ang gamit ni Manong Rueben. Habang si daddy at mommy ay kinausap si kuya Sonny para ihanda ang sasakyan na gagamitin namin papunta sa ospital kung saan naconfine ang tunay kung ina.
Ilang sandali ang lumipas ay nagpunta na kame. Habang nasa biyahe kame ay nagfile na ako ng emergency leave sa office thru E-Mail. Sumama na din si Yunah sa amin.
—
Higit kumulang na sampung oras ang naging biyahe nila papunta sa probinsya ng tunay kong ina. Mga alas otso na ng umaga ng makarating kame.
Pagdating namin sa ospital ay may naghihintay na sa amin. May katandaan na siya at nalaman ko na siya ung kausap nila mommy nung inampon nila ako. Nalaman ko din na siya din ang nagalaga sa akin simula nung iniwan ako ng tunay kung ina sa ampunan. Naging pangalawang ina ko siya ng nasa ampunan ako.
“Iha, ang laki mo na at napakaganda mo pa. Namana mo ang ganda ng iyung ina. Mukhang gumaling ka na ng lubusan. Mukhang tama ang decision ng mama mo na iwan ka sa ampunan.” Ang sambit niya.
Sa sinabi niya ay naisip ko na may kagandahan ang tunay niyang ina. Nagpasalamat naman ako sa papuri niya.
“Huwag ka sana magtanim ng galit sa mama mo. Hindi niya ginusto na iwan ka niya sa bahay ampunan. Pero iyun nalang ang naiisip niyang paraan para mailigtas ka sa sakit mo sa puso nung bata ka pa. Isa pa, bata pa nun ang mommy mo. Nasa 18 palang siya nung pinanganak ka niya at pinalayas pa siya ng mga magulang niya ng malaman na buntis siya. Kaya tumira ng ilang buwan ang mama mo sa lansangan bago niya nakilala ang kasalukuyang asawa niya ngaun. Makikilala mo na siya mamaya, iha. Dalawang taon pagkatapos ka ampunin ay bumalik siya sa ampunan para sana kunin ka pero huli na. Hindi na ako nagtatrabaho sa ampunan nung bumalik siya kaya walang nakakaalam kung sino umampon sa iyo at san ka matatagpuan. Kung hindi lang tumawag sa akin ang kaibigan ko na nagtatrabaho dito at nakakilala sa mama mo ay hindi ko pa malalaman. Kaya sana huwag mo isipan na hindi ka mahal ng totoo mama mo.” Ang paliwanag pa niya.
“Opo, aunty. Gusto ko na po siyang makita. Dalhin niyo na po ako agad da kanya.” Ang pakiusap ko.
Mas naiyak naman ako ng marinig ko ang sinapit ng tunay ko ina. Kaya mas gusto kong makilala siya at bago diya mawala sa mundong ito ay makita niya muna ako.
Hindi na kame nagtagal pa at dinala na niya kame sa kwarto kung saan nakaconfine si mama.
Pagdating namin sa kwarto niya ay napaluha agad ako sa nadatnan. Andaming nakakabit na swero sa kanya at napakapayat niya. Kaya napaluha nalang ako sa dinatnan ko.
Nakita naman niya kame at nagtataka siya kung sino kame.
Naawa ako sa mama ko sa nakita kong kalagayan niya. Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngaun. Kaya diretso ako sa kanya ng hindi nagpapigil kina mommy at agad ko siya niyakap at iyak ako ng iyak.
Nagtataka naman siya bakit bigla ko siya niyakap. Sina mommy naman ay naiiyak sa nakikita nila.
Dahil sa sakit ng mama ko ay hirap siya makagalaw kaya hinayaan niya na yakapin ko siya. Dahil sa hindi niya ako makausap ng maayos dahil sa pag iyak ko habang yakap yakap siya ay tumingin siya sa mga kasama ko. Nagbabakasakali lang na makakuha siya ng sagot bakit niyakap ko siya.
“Andrea, alam ko na nakalimutan mo na ako. Ako iyung nakausap mo nun, nung iniwan mo ang anak mo sa bahay ampunan.” Ang saad ng kasama namin.
Dito ko din nalaman na andrea ang pangalan ng mama ko. Dito din naalala ni mama si Aunty.
“Ah, ka-yu po pla. Bakit kayo napunta dito at bakit ako niyakap ni ineng at naiiyak pa siya.” Ang sabi ni mama andrea.
Halata mo na nahihirapan na siyang magsalita dahil sa sakit niya.
“Andrea, siya ang anak mo na iniwan mo nun. Siya ang matagal na nawalay mong anak. Siya si Jasmine mo. Huhu!!” Ang sabi niya.
Naiyak na din siya habang sinasabi iyun. Alam ko nagulat din siya sa sinabi niya dahil mas bumilis ang tibok ng puso ni mama. Ilang sandali ay napatingin siya sa akin.
“Aa–anaakk!!! Anak ko!!!! Jasmine.. ikaw na ba iyan?” Ang saad ni mama andrea.
Nagsimula na din siya umiyak ng malaman na ako ang nawawala niyang anak. Pilit naman niya ako niyakap at nilapit ko pa ang katawan ko para madali niya akong mayakap.
Kita ko din ang tuwa niya sa mata niya ng makita ako kahit kitang kita ko na naiiyak siya. Kaya hinayaan ko lang na yakapin niya ako at ilang beses niya ako hinalikan sa akong pisngi at nuo. Kinuha ko din ang kamay niya at inihaplos sa mulha ko. Para mahawakan niya ako.
Tuwang tuwa ang mama ko sa oras na iyun. Pati din ako, walang makakapalit sa tuwang nararamdaman ko sa oras na ito.
Ng makita niya ang mga nagampon sa akin ay lubos lubos ang pasasalamat niya sa kanila. Bago naman muna umalis ang umampon sa kanya ay nakipagkwentuhan muna eto sa kanila bago binigyan ng oras ang dalawa. Kwinento nina mommy at daddy kay mama kung panu ako lumaki.
Binigay din nila ang photo album ko mula ng pagkabata ko.
Ako na ang nagbantay sa kanya matapos umalis sina mama para makapagbonding kameng dalawa. Habang binabantayan ko ang mama ko ay pinapakita ko sa kanya ang album ko at kita ko sa mata niya ang labis na kasiyahan.
Sinasabi ko din sa kanya na ililipat ko siya ng hospital para mapagamot ko siya. Ngunit ilang beses niya iyun tinanggihan. Kaya wala din akong choice kundi sundin nalang ang kagustuhan ng mama ko. Kita ko din ang kapaguran niya.
Kahit na masakit sa akin ay tinanggap ko nalang ang decision niya. Alam ko na pagod na pagod na siya.
Nang mag gagabi na habang pinapakain ko si mama ay may biglang dumating na labis kong kinagulat. Pati siya ay nagulat sa nakikita niya.
“Archi? Anung ginagawa mo dito? Anung ginagawa mo sa kwarto ng asawa ko?” Ang tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya nun dahil sa pagkagulat ko dahil kilala ko iyung boses na iyun.
“Manong Rueben?!?!?” Nagulat din ako ng biglaan niyang pagdating.
Hindi kame makapgsalita dahil sa pagkagulat namin dalawa.
Nagsalita lang kameng dalawa ng magsalita si mama.
“Mahal? Anak? Magkakilala na kayo?” Ang tanong niya dahil napansin din niya ang pagkagulat namin dalawa.
“Yes, ma. Magkasama kame sa trabaho. Mom? Magkakilala kayo?” Ang sagot ko.
Nagulat naman ulit si Manong Rueben sa sinagot ko. At alam ko sa oras na iyun ay madami na siyang katanungan. Ako din may katanungan din dahil sa pagdating niya.
“Oo, anak. Siya ang asawa ko.” Ang sabi niya pero hindi natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita ulit ako.
“Mom? Siya ba ang tunay kong ama?” Ang tanong ko at napaluha ako.
Naluluha ako dahil sa kung tama ang hinala ko ay napakalaking kasalanan ang ginawa ko. Nakipagrelation ako sa tunay kong ama. Mayroon kameng incest relationship kung totoo ang iniisip ko.
“Anak!, hindi siya ang tunay mong ama. Iniwan tayo ng tunay mong ama, anak. Asawa ko siya, siya ay step father mo.” Ang sagot ni mama.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni mama ngunit naguguilty pa rin ako sa ginawa ko. Nakipagrelation pa rin ako sa asawa ni mama. Kaya sa oras na mismo iyun ay nakapagdesisyun ako na itigil ang relation namin ni manong rueben para kay mama.
“Mahal, totoo ba ang sinabi mo? Anak mo siya?” Ang pagtataka naman ni Manong Rueben.
“Oo, mahal. Siya iyung kwenikwento ko sa iyo nun. Ngaun ko lang nakilala ang anak ko. Dinala siya dito ng nagampon sa kanya para makasama ko siya bago mawala.” Ang pahayag ni mama at nagsimula ulit umiyak.
“Mahal, patawarin mo ako. Hindi ko sinabi ang sakit ko.” Ang dagdag pa ni mommy habang hawak hawak ang kamay ko.
“Ssshhh!! Tahan na. Huwag kang umiyak. Naiintindihan na kita. Sinabi sa akin iyan ng doctor mo.” Ang sabi naman niya sabay nilapitan si mama at hinawakan ang kamay at hinaplos ang pisngi nito.
“Pero patawarin mo ako at iiwan kita. Alam ko na nangako tau na tatanda tau ng sabay. Huhuhu!!” Ang iyak ni mama.
Pinatigil siya si manong Rueben at niyakap siya ng mahigpit.
“Hayaan mo na iyun mahal ko. Patawarin mo din ako sa lahat ng pagkukulang ko. Patawarin mo ako at wala ako sa tabi mo habang nilalabanan mo ang sakit ko. Mula ngaun mahal, Hindi kita iiwan mahal ko.” Ang sabi naman niya kay mama.
Ramdam ko din ang pagmamahal ni manong kay mama kaya naisip ko na din na si mama ang pipiliin niya kung sakaling pagpipiliin ko siya. Kita ko din na nagsisi siya dahil hindi man lang niya inalam na may sakit si mama. Natuwa naman ako dahil may nagmahal sa mama ko tulad ni manong rueben.
“Huwag mo na sisihin ang sarili mo mahal. Hindi ko pinaalam to dahil ayoko dagdagan ang iniisip mo. Ayoko maging problema mo ulit. Hindi kita mabigyan ng anak dahil may nangyari nung ipinanganak ko si Jasmine. Kaya ayoko maging dagdag suliranin sa iyo.” Ang paliwanag ni Mama.
“Shh!!! Tahan na, mahal. Kahit anu pa iyan naiintindihan kita. Alam ko na din na masyado ng kumalat sa katawan mo ang mga cancer cells. Mahirap man tanggapin ay tatanggapin ko. Kaya habang buhay ka pa nasa tabi mo lang ako.” Ang pahayag ni manong.
Dahil sa sinabi din ni manong ay mas lalo umiyak si mama.
“Mahal, Rueben. Huhuhu!! Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin. Kung hindi ka siguro dumating sa buhay ko. Matagal na akong namatay sa lansangan. Maraming salamat niligtas mo ang buhay ko at binigyan kulay ang masalimuot kong mundo. Kung hindi dahil sa iyo hindi ko sana makikita pa ang anak ko.” Ang pahayag ni mama.
Hindi nagsalita si manong at niyakap siya ng mahigpit. Naiiyak naman ako sa nakikita ko.
Ng humupa ang iyakan ay pinakiusap si mama kay manong.
“Mahal ko, may papakiusap lang sana ako sa iyu. Nahihirapan na ako at hindi ko na kayang lumaban pa.” Ang sabi ni mama sabay tingin sa akin.
“Anu iyun mahal. Lahat gagawin ko para sa iyo.” Ang sabi ni Manong.
“Mahal, maaari mo bang protektahan ang anak ko para sa akin. Pakiusap mahal, huwag mo siya hayaan masaktan. Alam ko may kinikilala siya pero gusto ko pa rin siya protektahan.” Ang pakiusap ni mama.
Mas lalo ako naiyak dahil iniisip pa rin niya ang kapakanan ko kahit na may iniinda na siyang sakit.
“Oo naman, mahal. Ituturing ko ng anak mula ngaun si Jasmine. Anak natin si Jasmine, kaya mamahalin ko din siya.” Ang seryosong sabi ni manong.
Mas naiyak naman si mama sa sinabi ni manong. Pinalapit naman ako ni mama sa kanila at parehas niya kaming niyakap. Masaya na siya dahil kita niya na buo na ang pamilya niya.
Nang matapos ang drama ay pinagpahinga na namin si mama. Alam namin na napagod siya.
Pagkatulog niya ay niyaya muna ako ni manong sa labas. Nilipat na din namin si mama ng kwarto pagdating namin para mas maging komportable siya.
Nasa isang balkonahe kame ngaun ni manong rueben. Malayo kay mama kaya alam namin na hindi kame madidinig pero makikita at mababantayan pa namin siya.
“Iha, hindi ko inaasahan na ikaw ang matagal na niyang hinahanap na anak. Sana huwag kang magalit sa kanya. Matagal ka niya hinanap at hindi ka nawala sa kanyang puso’t isipan. Hindi siya nawalan ng pag asa na makita kang muli. Huwag kang mag alala, hindi ako galit kahit na hindi niya ako mabigyan ng anak.” Ang sabi ni Manong.
“Manong, wala akong galit kay mama. Alam ko malaking sakripisyo ang ginawa niya para sa akin kaya hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Alam ko din iyan, ilang beses mo ng sinabi sa akin iyan. Ramdam ko ang sinceridad mo.” Ang sabi ko naman na kinatuwa ni manong.
“Iha, tawagin mo nalang akong papa simula ngaun. Kahit na hindi ka galing sa akin, ituturing pa rin kitang anak.” Ang sabi niya.
“Sige, pa. Kung iyan ang gusto mo. Maraming salamat din at minahal mo ng totoo ang mama ko kahit na alam mo ang nakaraan niya.” Ang sabi ko.
“Mahal ko talaga siya. Siya ang nagbigay kulay nun sa buhay ko. Siya ang nagpakita na kamahal mahal din ako. Alam mo ba kung hindi niya ako nakita nun sa may tulay, nagpatiwakal na sana ako nun.” Ang pahayag niya.
Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Napansin niya iyun kaya pinaliwanag pa niya.
“Sinaktan ako ng sobra ng ex ko nun. Pati mga magulang ko ay iniwan pa ako. Sinabi pa nila na deserve ako saktan ng ex ko kahit wala ako ginagawang masama sa kanila. Tapos nalaman ko din na alam pala nila ang pangangaliwa ng ex ko at mas masakit na sa kakambal ko pa. Pinagbintangan pa nila ako na may kalaguyo ako nun at may pinakita pa sila na ebidensya. Kaya masyado akong depressed nun. Kaya naisip ko magpatiwakal. Ngunit pinigilan ako ng mama mo. Sinabi niya din ang nangyari sa kanya at dun ko naisip na magkaparehas lamang kame. Naawa din ako sa mama mo nun kaya tinulungan ko siya at nilayo sa lansangan at binigyan ng tahanan at makakita ng magandang trabaho. Hindi ko nun inaasahan na sa pagdaan ng panahon magkakagusto ako sa kanya.” Ang paliwanag ni manong.
“Ganun ba pa. Masaya ako at nakilala niyo ang isa’t isa.” Ang sabi ko.
Matapos nun ay nagkaroon ng konting katahimikan. Alam namin sa isa’t isa na gustong pag usapan namin ang relation namin.
“Ahm, pa. Regarding sa relation natin..” ang saad ko at putol ko sa katahimikan.
“Gusto ko sana itigil iyan, iha. I promised your mom, na poprotektahan kita at aalagaan. Kaya ayaw ko na ituloy iyun. Para na rin kitang anak.” ang sambit niya.
“Pa, iyan din ang gusto kong sabihin. Ayaw kong masaktan si mama dahil sa atin. Kahit ngaun lang kame nagkita mahal na mahal ko siya.” Ang sambit ko din.
Nagkaunawaan kame kaya walang naging problema sa amin dalawa. Niyakap niya din ako bilang isang anak. Wala ng malisya ang yakap niya sa akin.
“About sa open relationship niyo ni Liam. I will be honest, ayaw ko iyun. Masasaktan ka din sa huli. Malayo siya kaya walang kasiguruhan na tutuparin niga ang pamgako niya sa iyo.” Ang pahayag ni papa Rueben.
“Mabuti pa siguro dad na itigil ko na. Pero hindi ko kaya siyang iwan pa. Mahal na mahal ko siya. Maaaring hindi na ako maghanap ng kapartner ko pero hindi ko siya iiwan.” Ang pahayag ko.
Hindi naman tumutol muli si papa Rueben.
“Okay, iha. Pero once malaman mo na nagloloko ang bf mo kahit pinagbigyan mo siya. Iwan mo nalang siya. May makikita ka din iba diyan na mas better sa kanya.” Ang sabi ni papa.
Natuwa naman ako dahil sa pag unawa niya sa akin.
“Hhmm, si manong Kanor, kaya?” Ang pilya kong tanong.
“Iha, kahit sino tatanggapin ko. Pero kung si Kanor na ang pag uusapan natin ay makakapatay na ako iha. Ayaw ko na nilalapitan ka ni Kanor.” Ang sabi niya na medyo galit.
Kita ko nun ang seryoso at galit niyang mukha kaya alam ko nun na gagawin niya talaga iyun.
“Pa, tinutukso lang kita. Huwag mo na seryosohin. Hindi naman ako papatol sa kanya. Malibog iyun, ang lagkit ng tingin niya sa amin ni Laura nun.” Ang sabi ko.
Kumalma na siya ng sinabi ko iyun.
“Huwag kang mag alala. May nagreklamo na sa opisina regarding sa kanya. Baka pagbalik natin sa work, wala na siya.” Ang pahayag niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Nabisto siya ng isang guard na nagdala ng bakla sa site. Nakita siya na kasalukuyang may katalik na bakla.” Ang paliwanag ni papa Rueben na siyang kinatawa ko.
“Hahaha, bakla? Seryoso ka, pa?” Ang sabi ko na natatawa.
“Oo, bakla nga. Kasalukuyang tsinutsupa siya ng bakla ng makita sila ng guard. Balita ko ay madaming beses na daw ginawa iyun ni Kanor at alam ng ibang guard. Bago daw kase ung guard na nakahuli sa kanila kaya agad nagreport kinabukasan sa akin. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya nireport ko din siya agad.” Ang sabi niya.
“Iww!! Kadiri siya, siguro kahit pokpok wala ng pumapatol sa kanya kaya bakla nalang ang pinatulan niya. Pero kainis siya, ginawa pang sex den ang site. Buti lang na tanggalin siya.” Ang sabi ko naman.
“Kaya nga, iha. Buti na lang at may nakahuli sa kanyang iba. Pati din yung mga guard na may alam ay pinatanggal din.” Ang sabi niya.
“Hope na hindi ka nila balikan, pa.” Ang sabi ko.
Natatakot kase ako na balikan siya ng mga iyun at may mangyaring masama. Baka kase maghiganti sila.
“Huwag kang mag aalala, iha. Walang nakakaalam na nakita sila ng bagong guard at nagsumbong ako sa office.” Ang sagot niya kaya lumuwag ang pakiramdam ko.
“Pa, kilala mo ba ang magulang ni mama? Nakwento ba niya sa iyo?” Ang bigla kong tanong kay Papa Rueben.
“Oo, iha. Kilala ko sila. Sila ay sina sir Alejandro at ma’am Crisanta Lopez. Sila ang tunay mong lolo.” Ang sagot ni Papa rueben.
Nagulat sila sa sinabi niya dahil sila ang may ari ng pinagtatrabahuan namin. Hindi ako makapaniwala na lolo at lola ko sila. Ngaun ko lang napagtanto kung bakit kinukutya ako at sinasabi nila na ako ay nawawalang apo o anak nilang dalawa. Hindi ko inaakala na totoo pala iyun. Grandparents ko sila.
“Hindi nila alam na asawa ko ang pinalayas nilang anak kaya wala silang ginagawa laban sa akin.
Dahil dun sa nalaman ko ay nagtanim ako ng galit sa kanila.
“Ilang beses din lumapit ang mommy mo sa kanila para humingi ng tawad. At kitang kita ko din na ilang beses din siya pinagtabuyan na parang isang asong may sakit. Kita ko sila pano nila pandirian ang mommy mo nun.” Ang kwento pa niya.
Dahil sa mga sinabi ni papa nun ay tumindi ang galit ko sa kanila. Madami pa siya kwinento sa akin tungkol kay mama ngunit hindi na tungkol sa lolo at lola ko kundi tungkol sa pagmamahalan nilang dalawa.
Nagkwentuhan pa kame ni papa Rueben bago tuluyan bumalik sa loob para bantayan si mama. Nagdecide naman kame sa gabing iyun na salitan kameng magbantay kay mama. Since kararating ni papa Rueben ay nauna na akong magbantay kay mama para makapagpahinga pa siya.
Nagdaan ang mga araw, patuloy ako sa pagbantay kay mama. Hindi ako umalis sa tabi niya dahil natatakot ako na baka pag alis ko ay bangkay na siya pagbalik ko.
Inintindi naman ni papa Rueben at ng umampon sa akin ang ginagawa ko. Alam nila na ngaun lang kame nagkita at nagkasama kaya hinayaan nalang nila ako na makasama ang mama ko.
Lagi lagi akong nagpopost na magkasama kame lagi. Ako lang ang laging nagpapakain sa kanya dahil nahihirapan na siyang kumain mag isa.
Medyo nakaramdam din ako ng pagod ngunit nagtiis ako dahil mama ko ang inaalagaan ko. Isa pa, ang inaasahan ko na magpapagaan sa akin ay hindi man lang ako kumustahin kahit isang beses man lang. Ilang beses ko na din siya tinext ngunit hindi man lang siya sumasagot.
Kaya ng nagchat sa akin si Enzo ay gumaan bigla ang pakiramdam ko. Nagulat nga din ako na pinagkamalan niyang si mommy ang nasa ospital.
Ngunit sinabi ko nalang na hindi si mommy malou ang nasa ospital ngunit hindi ko alam kung panu ko ipaliwanag sa kanya. Hindi naman siya nangulit.
Sinabi din niya na in 3 weeks ay uuwi siya kaya nangako akong susunduin ko siya. Hindi sana siya papayag ngunit pinilit at tinakot ko pa siya. Kaya wala siya nagawa kundi pumayag ka pumayag.
Dahil din sa kalagayan ni mommy nun ay nanatili ako sa tabi niya ng ilan pang linggo. Para hindi din ako mabored at pinayagan kame ng doctor na ilabas siya ng kwarto para makalanghap din siya mg sarisawang hangin at makabond pa kame ng maayos.
—
Sa mga nagdaang araw ay itinuon ko lahat ng oras ko sa mama ko dahil alam ko na ano mang oras ay kukunin na siya mula sa amin. Kaya hindi ko hinayaan na malungkot ang mama ko. Gusto ko masaya siya bago siya mawala sa mundo.
Tinanggap ko na din na mangyayari iyun at nalalabi nalang ang oras niya sa mundo.
Ngunit kahit na namatay na si mama ay sobrang sakit pa rin sa akin. Hindi ko pa rin kaya na mawala si mama sa piling ko.
Nang malaman nina mommy at daddy ang nangyari ay bumalik sila para alalayan ako. Kita nila ang lungkot ko habang binabantayan ko ang nakahigang mama ko sa kabaong niya.
“Mommy, wala na ang mama ko. Huhu!!” Ang iyak ko.
Agad naman yumakap sina daddy at mommy sa akin kasama si Yunah.
“Anak, sorry. Sa nangyari. Andito kameng lahat para damayan ka.” Ang sabi naman ni mommy.
“Ate, huwag kang magalala. Nasa mabuti ng lagay si tita Andrea. Alam ko masaya na siya sa langit.” Ang sabi naman ni Yunah.
Natuwa naman ako dahil sa pakikiramay nila. Kaya nafeel ko na hindi ako nag iisa. Ngunit may isang boses ang umagaw ng attention ko.
“Apo, nakikiramay din ako. Tibayan mo ang loob mo.” Hindi ko naman inaasahan ang boses na ito.
Paglingon ko ay nagulat ako. Ang lolo Jacob ko, ang ama ni mommy. Alam ko dati na may galit sa akin na hindi ko alam. Ang sungit niya kase sa akin, ngunit hindi kay Yunah. Ngaun naintindihan ko na kung bakit, dahil ampon lang pala ako.
Pagtingin ko din ay andito din ang ibang grandparents mo, ang magulang naman ni daddy.
Mas nagulat din ako na niyakap niya ako ng mahigpit at nakadama ako ng init sa yakap niya. Nakita ko din na nginitian niya ako. Medyo napatigil ako dahil first time niya ako niyakap.
“Iha, alam ko may pagkukulang ako sa iyo. Pasensya na sa inasal ko nun. Patawarin mo ako. Ngunit tandaan mo ito, proud na proud ako sa iyong dalawa ni Yunah. Mas lalo na sa iyo. Ang layo ng narating mo. Tuwang tuwa din ako ng malaman na tumatayo ka na sa sarili mong paa. Successful architect ka na.” Ang sabi ni lolo.
“Alam ko na nasungitan kita nun. Ngunit huwag mo isipin na ayaw ko sa iyo. Naaalala ko lang sa iyo ang lolo mong yumao.” Ang sabi niya.
“Lolo naman, pinapaiyak mo pa rin ako.” Ang reklamo ko.
“Hahaha, sorry na din apo. Huwag kang mag alala. Pagkatapos nito. Gagala tayong dalawa.” Ang sabi niya.
“Lo? Sigurado ka ba diyan? Baka mapagod ka.” Ang pangungutya ko sa lolo ko.
Alam ko sa oras na ito nagkabati na kame.
“Iha, kahit matanda na lolo mo. Malakas pa ako. Mas malakas pa ako sa kalabaw. Madami pa nga ako napapaligayang kababaihan eh. Kaya ko pang makiround 4 noh. Hahaha!!” Ang pilyo niyang sagot sa akin.
“Naku, lolo. Kawawa naman ang mga babaing iyun. Hahaha!!! Baka kung anu pinainom mo sa kanila, lo.” Natawa din ako sa kapilyuhan niya.
“Anu ka ba iha, matanda lang edad ko pero hindi ang itsura ko. Guwapo pa rin ako.” Ang sagot niya.
“Okay, Lo. sige na nga, mamasyal na tau after nito.” Ang sabi ko nalang. Baka kung saan saan pa mapunta ang usapan namin ni lolo.
Niyakap ko naman siya dahil pinagaan niya ang damdamin ko.
Kahit na namatayan ako ng mahal sa buhay nun ay naging magaan pa rin ang lahat dahil sa pagdating nila ngaun. Sila na din ang umalalay sa akin sa panahon ito. Kita din nila ang pagod ko dahil sa pag aasikaso sa mga bisita. Nakapagpahinga pa rin ako dahil sa pag alalay nila sa akin.
Itutuloy…
- Si Jasmine ***Panaginip at si Mang Kanor*** - August 26, 2024
- Si Jasmine ***Our break up*** - August 2, 2024
- Si Jasmine *** My Lolo’s Love*** - July 19, 2024