Written by Panatiko
This is a work of fiction… Any specific names of people, places, products, events, and organizations are just product of the author’s imagination…
—–
Minsan nakakaloko rin ang tadhana. Yung tipong mapapailing ka nalang sa pang-aalaska niya sa iyo.
Habang minamasdan ko ang larawang nasa kamay ko, sa dinami dami ng kanta, bakit itong kanta pa ni Wilson Philips ang pinatugtog ng radyo. Habang kusang ninanamnam ng katawan ko yung intro ng kanta, di ko napigilang mapapikit. At sa loob ng isipan ko, muling bumalik ang kaganapan kaninang umaga.
Open the door and come in… I’m so glad to see you my friend… I don’t know how long it has been… Having these feelings again…
Napalingon ako ng magbukas ang pinto ng simbahan. Mula sa maliwanag na background, unti unting nabuo ang kanyang pigura. Di ko mapigil ang ngiti ko habang pinapanood ko siyang pumasok, at magsimulang maglakad papapalapit sa akin. Siya na talaga ang pinakamaganda at wala nang gaganda pa sa kanya sa suot niyang wedding gown.
Naalala kong muli nung unang beses kong nasilayan ang ganda niya. That was years ago, nung college pa ako.
Nung college pa kami…
—–
1st year 2nd sem, kasama kong naglalakad sa campus ang college best friend kong si Jeff. Isang sem palang kami magkakakilala pero ewan, ambilis naming maging komportable sa isat isa kaya kami naging college best friends.
“Jeff! Pre!” tawag ng isang babae kaya napalingon kaming dalawa. “Tuloy ba climb next Saturday?”
Halos ma lost for words ako that time. Di pala halos, talagang naspeechless ako that time.
Shemay. Ang pretty niya. Yung dimples sa pisngi niya sobrang panalo pag nakangiti siya. Di ako magtataka kung isang kurap ko lang kausap ko na si San Pedro. yung ngiti niya kase, sobrang pamatay!
Alam mo yung parang biglang tumahimik ang mundo. Tapos para kang nanonood ng silent movie. Pinapanood ko lang siya habang patawa-tawa na nakikipag-usap sa college best friend kong si Jeff. Di ko alam kung gaano katagal yung tila silent movie na nagtatawanan silang nag-uusap basta napansin ko nalang na patingin-tingin na rin silang dalawa sa akin.
Wait!
Patingin-tingin din sa akin?
Doon lang ulit biglang nagnormalize ang mundo!
“Hoy Charlie!” malakas na natatawang sabi ni Jeff. “Tulala ka! Ano, member ka na rin?”
“Hah?” takang tanong ko dahil di ko maintindihan ang ibig sabihin ng tanong niya. “Member ng?”
“Loko loko ka Jeff!” natatawang sabi ng babae. “Mamaya mag-membership nga yan…”
Naghahalo na yung pakiramdam ko. Confused, naiilang, natatawa, tuliro at nahuhulog. Hindi, charot lang sa part na nahuhulog. Pero kind of na rin kase. Nakakatameme kase yung ganda ng kaibigan ni Jeff. Hahaha
“Te-teka ano bang pagmemember yan?” medyo utal kong paglilinaw.
“Fans club ni Andy!” mabilis na tugon ni Jeff sabay tawa.
“Hooooyyy!” natatawang sagot niya sabay palo sa braso ni Jeff. “Siraulo!”
Pero bumaling rin siya agad sa akin.
“Hi Charlie… Nice to meet you…” nakangiting sabi. “Andrea… Pero mas gusto ko Andy…”
Medyo di pa ako nakagalaw agad. Kaya ayun, isang alaska na naman ang kumawala mula kay Jeff.
“Oy Charlie? Ano na?” banat niya sabay kuha ng kamay ko para i-shake hand sa kanina pang nakalahad na kamay ni Andy.
“Ahh Hi! Nice meeting you Andy…” sagot ko na may kasamang effort na bawiin yung composure ko.
Pero shems. Ang init ng kamay ni Andy. At ang lambot. Matapos naming magkamay ay saka muling nag-usap yung dalawa.
“Nga pala lunch ko na… Kayo ba?” tanong ni Andy.
“Ayun kami rin… Sabay ka na sa amin…” sagot at yaya ni Jeff.
“Sakto!” sagot ni Andy. “Wala kase akong mahanap na kasabay…”
Patuloy lang sa kwentuhan ang dalawa hanggang marating naming and cafeteria at makahanap ng mesa. Dun ko rin nagets na legit palang may fans club itong si Andy. Umpisa palang kase ng pag-upo namin sa cafeteria, maya’t maya ay may bumabati sa kanya. Yung iba pa nga ay nagtanong kung pwedeng makishare ng table sa amin. Pero nag-iinsist si Andy na may pinag-uusapan kaming private matter kaya hindi pwede. Maya-maya at nag senyasan yung dalawa, kaya naman siniko ako ni Jeff. Pero di ko na-gets ang ibig niyang sabihin.
“Ano ba yan… Ang slow…” pahagikgik na sabi ni Jeff. “Lipat ka tol sa tabi ni Andy para walang mangulit.”
Napatingin agad ako kay Andy at nakangiti siyang itinuturo yung bakanteng upuan sa tabi niya. Gusto ko sana pumalag pero dahil 2 votes to 1 ang nangyari, wala akong nagawa kundi lumipat sa tabi ni Andy.
Naamoy ko agad yung halimuyak niya. Ambango. Hindi siya yung pang romansa na amoy, it’s more of like relaxing na bango yung dating. Nagsimula na uli pag-usapan ng dalawa yung tungkol sa parating na climb at halatang halata kay Andy na excited na excited siya. Di ko alam pero nung lunch na iyon mismo ay napasali ako ng dalawa sa Mountaineering club.
“Langya ka Charlie! Tagal kitang pinapasali sa club, si Andy lang pala makakaconvince sa ‘yo!” pang-aalaska sa akin ni Jeff. “Wala na! Member na to ng fans club mo Andy!”
“Oy Jeff loko ka!” singit ni Andy. “Pero okay lang kung maging member siya… At least may friend akong member ng fans club ko…”
Sabay pang nagtawanan yung dalawa.
“Oy ano na Charlie! Ngayon ka lang ata nahuli makaubos ng pagkain?” dagdag pang-aalaska ni Jeff.
Totoo naman. Nakakailang kase kumain sa tabi ng isang dyosa.
After noon ay naging madalas ang pagsabay sa amin ni Andy ng lunch. Dumating yung araw ng climb. Ako yung nagmistulang bantay kay Andy. Kaya yung mga members ng fans club niya na sumali sa mountaineering club eh di makapag pacute sa kanya. After nun, nagging mas close sa amin si Andy. Naging trio na kami.
Halos araw araw kaming tatlong sabay sabay na kumakain. Tapos may tambay pa after school. Tuluyan kaming napalapit sa isa’t isa. Lagi kaming present pag may climb or hiking yung club. Madalas din magkayayaan gumimik. Pag may problem ang isa sa acads, nagtutulungan kaming tatlo kahit iba iba kami ng course.
Pero ako, nagsisimula na akong magkagusto sa kanya. Hanggang makagraduate kaming tatlo, nanatili kaming magkakaibigan. At kasabay nun ang pagkadevelop ng nararamdaman ko kay Andy. Ramdam ko sa sarili ko, na may pagmamahal na akong nararamdaman para sa kanya.
Pagmamahal na hindi ko kayang aminin sa kanya.
Kahit pang alam kong nadadama naman niya na espesyal ang tingin ko sa kanya. Kahit si Jeff ay nadama rin yun dahil minsan na niya akong kinumbinsi na umamin. Di ko alam, pero nahihirapan talaga akong sabihin sa kanya na gusto kong maging akin siya. I guess takot ako sa rejection. And yung possibility ng pagkasira ng friendship namin after that rejection. Kaya mas nangibabaw sa akin yung idea na i-keep yung friendship at maghintay sa tamang pagkakataon.
Pero isang trahedya ang sumubok sa samahan naming tatlo.
Just about 3 years after graduation, naconfine si Jeff sa hospital. And the lab tests showed Leukemia. Tinulungan namin si Jeff on his battle. Kaya mas lalong naging close kaming tatlo.
After almost a year, nagtext sa akin ang mommy ni Jeff. It was December and Christmas is just a few days away. Pinapapunta raw niya kami ni Andy sa hospital.
Signup, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Sinundo ko muna si Andy. Just like me, she brought her Christmas gift for Jeff and me. Tradition na naming tatlo ang mag exchange gifts tuwing Christmas. Jeff was happy nung dumating na kami. After ng kwentuhan, we did our exchange gifts.
Then he made his speech.
Dama raw niya na di niya kakayanin. Nagpasalamat siya sa amin ni Andy. Baka raw mas maaga siyang natalo kung wala kami sa tabi niya. He then took out a pair of locked wooden boxes and their respective keys.
“Wag niyong buksan yan hanggang nandito pa ako…” bilin niya.
“I’m losing my battle… I can feel it… Pero para sa inyong dalawa, Charlie and Andy… I will never lose hope for a miracle… I will hope until the end na sana…” dagdag niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. “na sana pagtanda pa natin yan buksan…”
Di kami makapagsalita ni Andy. We both don’t know what to say. Napayakap siya sa akin. At gayun din ako sa kanya. Sa dibdib ko umiyak si Andy.
“Ang cute niyo…” biglang sabi ni Jeff. “Bakit kase hindi nalang maging kayo…”
Napatawa tuloy si Andy kahit umiiyak.
“Ikaw talaga Jeff… Panira ka ng moment…” sabi niya habang nanatiling nakayakap sa akin.
Ewan ko ba. Pero di ako bumitiw ng yakap kay Andy. For some reason, I felt na she needed it. We both needed it.
“Edi ganito na kami lagi sa harap mo…” biro ko. “Kahit tumanda ako… Okay lang sa akin na maging ganito kami sa harap mo…”
Tumawa muna si Jeff bago siya nagsalita.
“Sige ba… I’ll hold on as long as I can… Malay niyo, maging totoo… Ayyiiiieee…”
“Naman pre…” sagot ko. “Kelangan best man kita sa kasal namin ni Andy…”
“Hala… Eh siya nga maghahatid sa akin sa ‘yo… Siya yung kukunin kong sub ni Daddy…” patungkol ni Andy sa yumao niyang ama.
“Di pwede… Best man ko siya… Mas bagay siya dun…” sagot ko.
“Eh bakit?” pataray na sagot ni Andy. “bagay rin naman siyang sub ni Daddy…”
“Bahala kayo diyan…. Di pa nga kayo, may arguments na agad. Toss coin nalang…” biro ni Jeff.
Nagtawanan kaming tatlo.
“I hope na that will not be the last Christmas gift I’ll give you guys…” malungkot na sabi uli ni Jeff. “Pero if in any case it ends up that way… Please promise me that you’ll only open my final gift when I’m gone…”
We kept our promise to Jeff. Pagkauwi ko ay itinago ko lang ang box na iniwan niya.
We went on with our usual life routines. Jeff never stopped fighting. Isa sa mga naging motivation niya yung pretend-couple namin ni Andy na requested niya. Sobrang kinikilig si loko pag para kaming magjowa ni Andy sa harap niya. There was even a time na he made a bet with me. Nung dalawa lang kami sa room niya kase maraming tinatapos na deadlines si Andy. Pag nanalo raw siya sa battle niya against cancer, kelangan ko raw ligawan si Andy. Minsan nadulas siya na may pustahan rin sila ni Andy pero ayaw niyang sabihin kase nagpromise siya kay Andy. Hindi ko na inusyoso pero nakita ko talaga na todo effort si Jeff to combat his disease.
Sadly, yung pretend-couple namin ni Andy only lasted for about 6 months.
Jeff lost his battle and everyone was devastated over his passing. I felt sad sa parents ni Jeff kase dun ko kase nakita kung gaano pala talaga kasaklap for parents na mamatayan ng solong anak.
“Andaya mo pre…” humahagulgol na sabi ni Andy habang nagbibigay ng eulogy niya. “Sabi mo gagawin mo lahat para manalo sa pustahan natin… Kakainis ka… Mamiss ko yung mga jokes mong corny… Mamimiss ko yung pang-aalaska mo sa akin… Mamimiss kita ng sobra…”
Di na nagawa pang tapusin ni Andy yung sasabihin niya. Tuluyan na siyang napahagulgol at itinago ang umiiyak niyang mukha sa dibdib ko. Ako na ang tumapos ng eulogy speech naming. I thanked hm for being a good non-blood brother.
Nahirapan kami mag move-on sa pagkawala ni Jeff. Lalo na si Andy. Anjan yung minsan kelangan ko pa siya bantayan para makatulog siya ng maayos. Minsan kelangan ko pa siya tabihan, at Samahan siya matulog. Yes, minsan nag-oovernight ako kina Andy, pero walang nangyayari. Di ko maatim gamitin yung pagluluksa niya para maka-score. Bukod pa sa lagi naming nandoon ang mga parents at kapatid niya.
Pero somehow nagawa rin naming makamove-on sa pagluluksa. Onti-onting dumalang ang pag-oovernight ko kina Andy. About 3 months after kami iwan ni Jeff, kaya na ni Andy uli makatulog mag-isa. Balik kami sa dating gawi namin. Yung gimik naming dati na kaming tatlo, nagging catch-up dates nalang naming dalawa ni Andy.
Pero after around 2 months, nagyaya ng catch-up date si Andy dahil may ibabalita raw siya. Nung nagkita kami, humingi siya ng advise kung tatanggapin ba niya yung nareceive niyang 2-year contract job offer sa Singapore. Mabilis ko naman siyang sinagot na tanggapin niya na kase saying yung oppurtunity. Matagal na niyang pangarap magwork doon. College palang kami, bukambibig na ni Andy yung pangarap niyang magwork at mag-ipon sa Singapore. To the point na napaisip kami ni Jeff na kapag dumating yung ganun, gagawa kami ng paraan para makasunod sa kanya doon.
Tuwang tuwa pa si Andy back then dahil di niya mapigilang maimagine yung tropa invasion namin sa Singapore. After a month, tumulak siya sa Singapore. Ako pa nga ang naghatid sa kanya sa airport kasama ng family niya. Nagpalitan kami ng bilin at promise na di pwedeng maputol communication namin.
A few weekends after nun, dahil sa boredom, nagdecide akong maglinis ng kwarto ko. And dun ko lang uli nakita yung wooden box na iniwan sa akin ni Jeff. Dun ko siya unang inunlock at binuksan. Halos maiyak ako ng makita ko ang laman nun box. Sobrang daming pictures sa loob.
Inisa-isa ko yung mga pictures. Mga pictures yun na naipon niya. Bukod kase sa Mountaineering club, nagmember din si Jeff sa Photography club. And ginamit niya yung mga natututunan niya sa Photography club para kumaha ng mga breath taking photos ng mga views ng mga climb namin. Pati yung mga pictures out of town gala namin nung working years na naming meron din. Sa pinakailalim ng box merong isang namumukod tanging picture. Namumukod tangi siya kase siya lang yung nag-iisang mas Malaki ng onti kumpara sa iba. It was Jeff’s favorite photo of all time.
Picture iyon naming tatlo. Ako, si Andy at siya. On the background was the sunset view on the peak of Mt. Pulag in Benguet. That was our last climb bago kami magtapos ng college. Kitang kita sa picture yung totoong saya sa mga ngiti naming tatlo. Sabi ko nga kanina, that was Jeff’s all-time favorite picture naming tatlo. He had that same picture framed sa office desk niya. He had another on his room, which is dinala sa hospital nung times na he was battling leukemia. It was his Facebook background photo eversince then, hanggang nung iwan niya kami.
Naramdaman ko nalang na tumulo yung luha ko. Dumagdag pa yung namimis ko yung times na ‘yon. Na namimiss ko na being with the two of them. Pagtingin ko sa likod, dun ko napansin na may nakasulat pala sa picture na iyon. It was Jeff’s last request to me.
Natawa tuloy ako. Kaya ayun tinawagan ko sa Singapore si Andy at nagkwentuhan kami. Pinagalitan pa niya ako nung inamin kong dun ko lang nabuksan yung box na iniwan sa akin ni Jeff. Nalaman ko na same lang pala yung laman nung kanya, mga pictures din. And meron din nung favorite picture ni Jeff.
“So meron din siyang iniwang note sa picture na iyon?” tanong ni Andy.
“Oo… Wait… So meron din sa ‘yo?” pabalik na tanong ko.
Tawa lang ang sinagot niya sa akin. Yung tawa niyang sobrang sarap sa pandinig ko.
“So anong message niya sa ‘yo?” tanong ko muli.
“Secret… Ikaw muna…” natatawang tugon niya. “Ano request niya sa ‘yo?”
“Luh andaya…” natatawang sagot ko. “Di ko pwedeng sabihin kase may kinalaman sa pustahan namin ‘yon… Eh yung sa ‘yo?”
Tumawa muna siya nang malakas bago sumagot. “Same lang… May kinalaman sa pustahan namin…”
Signup, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Eto na naman ang katorpehan ko. Pusang gala. Pagkakataon na pero dahil ang sarap na ng kwentuhan namin, naghesitate akong umamin.
Dahil same time zone ang Pinas as Singapore, walang computation needed para sa adjustment sa oras. Kaya ayun, halos araw-araw kaming nagtatawagan ni Andy tuwing gabi. Message naman sa umaga dahil nasa trabaho kami parehas. Andaming beses na nagkaroon ako ng pagkakataong umamin. Pero gaya ng mga previous calls naming, lagi akong nauuwi sa takot na masira ng pag-amin ko yung maganda at masayang mood ng usapan naming. Mabilis na lumipas ang panahon at onti nalang ay babalik na si Andy dahil matatapos na ang 2-year contract niya.
3 months bago ang pag-uwi niya, onti onting dumalang ang tawagan naming. Naging busy raw kase siya at madalas pagod. Ako man ay naging busy rin. Busy sa pagplaplano kung paano ko naming eenjoyin yung pag-uwi niya sa Pinas. Yung pag-uwin niya kase is pwedeng maging 1-month vacation lang. Depende kase sa kanya yun kung babalik siya sa Singapore at magrenew ng working contract. Yearly na ang terms pag contract-renewal. Kaya talagang gumawa ako nang napakagandang mga plano para mag-enjoy siya sa pag-uwi niya kahit mauwi pa yon as vacation lang sa huli.
Of course, kasama sa plano ko ang tuluyang pag-amin ko sa kanya at ang pagpropropose na maging kasintahan niya.
The last weekend night bago ang scheduled flight ng pag-uwi niya, tumawag siya sa akin. Gabi nun and medyo saglit lang ang call niya. Kase aattend pa raw siya ng despidida.
“May surprise ako sa ‘yo pag-uwi ko diyan!” sabi niya.
“Hah? Anong surprise yan?” casual na tugon ko. May surprise din ako sa ‘yo kala mo ba…
“Basta! Nakakalokang surprise yun…” natatawang sagot niya. “Siya I have to go na… Andito na sundo ko… Bye…”
Yun lang at tinapos na niya ang call.
Di na siya tumawag or nagcall after nun. Hanggang sa nagulat nalang ako kase nandito na siya sa Pinas at gusto niyang makipag kita sa akin para raw sa isang mahalagang bagay.
—-
And now I see that you’re so happy… and oohhh… It just sets me free and I like to see us as good friends as we used to be… My love…
“Thank you!”
Kahit walang tunog, nabasa ko naman sa mga labi niya ang binitawan niyang mga salita para sa akin. Pagkatapos niyon ay nasilayan ko ang pinakamatamis na ngiti na nagmula sa kanyang mga labi…
You’re in love… That’s the way it should be… Cause I want you to be happy…
Saka kami magkatabi na naglakad paabante ng magkasama. Paabante patungo sa altar. Hanggang sa marating natin ang sunod na titigilan ng aming mga paa.
You’re in love… And I know… That you’re not in love with me…
Kahit masakit, bilang taong pinili niyang magrepresenta sa namayapa niyang ama, inilahad ko ang kamay niya sa iba… Sa isang matipunong lalaking Pinoy na nakilala niya sa Singapore. Habang ang iba ay naiiyak sa saya habang masaya silang naglalakad papalapit sa dambana, ako lang marahil ang naiiyak gawa ng saya na may halong sakit.
“Should anyone present know of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony, speak now or forever hold your peace” tanong ng pari.
Ilang araw ko ring pinag-isipan kung anong gagawin ko sa tanong na ‘to.
Oohhh… It’s enough for me to know that you’re in love… Now I let you go… Cause I know that you’re in love…
In the end, I decided to forever hold my peace. Dahil nakita ko ang lubos na kasiyahan sa ngiti niya. Yun yung ngiti na mas masaya pa kesa sa mga ngiti niya nung kasama pa niya kami ni Jeff. Kahit masakit dahil nasira ang mga plano ko dahil sa biglaang pag-announce niya ng kasal niya, kailangan kong tanggapin dahil kitang kita ko kung gaano siya kasaya sa desisiyon niya.
—-
I tried to find you but you were so far away… I was praying that fate would bring you back to me… Someday (someday)… Someday (someday)… Woohhh… You’re in love…
Saka ko ibinalik sa loob ng kahon ang litrato naming tatlo ng nakataob. Kahit nanlalabo na ang paningin ko gawa ng luha na naiipon sa aking magkabilang mata, natatanaw ko ang mensaheng iniwan ni Jeff. Isang mensahe ng kanyang huling kahilingan.
“Sorry pre… Sorry…” yun lang ang nasabi ko at tuluyan na akong humagulgol. Nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko dahil hindi ko nagawa ang simpleng huling kahilingan ng college bestfriend ko.
Huling kahilingan niya… Pero para sana sa kaligayahan ko…
I hate it that I’ll be leaving the two of you behind. Pero sana pre, umamin ka na. Para maging kayo ni Andy at magkatuluyan kayo. Para hanggang sa huli, hindi niyo iwanan ang isa’t isa. Hanggang bago tayo magkita kita muli. -Jeff
Ooohh… It’s enough for me to know that you’re in love… (Oooh) Now I’ll let you go… Cause I know that you’re in love…
No… No.. No no… No no… Ooooooh…
(End)
- Shorts: You’re In Love - April 22, 2022
- Shorts: Lucid Dreams - January 17, 2022
- Shorts: Napaamo Ng Sarap - January 10, 2022