Written by Regalia
Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kahit na ano pa ang gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang nakaraan.
Tama talaga ang isang kasabihan na malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa buhay mo. Noong iwanan ako ng asawa ko ay doon ko naramdaman kung gaano ko siya kamahal,
…doon ko din na-realize kung gaano ako kagago.
Hindi ko alam kung paano ako naging sobrang bobo para i-share ang asawa ko sa ibang lalake!
Isa na lang ang magagawa ko.
Hahanapin ko sila.
Hihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko.
Hihilingin ko kay Sophia na magsimula ulit kami ng bagong buhay.
Kung hindi niya ako tatanggapin ay ayos lang sa akin, walang problema. Basta ang mahalaga ay makausap ko siya’ng muli. Sabihin niya sa akin ng harapan na hindi na n’ya ako mahal.
I’ll let her go. I’ll let her be happy.
Signup, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
…dahil mahal na mahal ko siya.
“………”
Isang taon ang inubos ko para lang mahanap si Sophia at Caloy. Pero sa loob ng isang taon na iyon ay konti lang ang impormasyong nakuha ko.
Ang sabi ng malapit na kamag-anak ni Sophia ay sa gawing Batanggas o Laguna na nakatira ang asawa ko at kinakasama nito. Dahil sa nalaman ko ay naisipan ko na sa Laguna na tumira at magtrabaho.
Baka isang araw ay mag krus ang landas namin.
Noong dumating ako sa Laguna ay nag-apply ako sa isang marketing company bilang isang ahente. Pero dahil walang bakante ay pumayag na akong maging pahinante.
Pabor sa akin ang ganitong trabaho dahil malilibot ko ang mga palengke ng CALABARZON. Mas malaki ang chance na magkita kami agad ni Sophia. Mas madaling matatapos ang misyon ko.
“………”
Sa trabaho ay naging malapit kong kaibigan si Marco, ang aking ahente at kay Hanna, ang supervisor namin. Sa kanilang dalawa ko ipinagtapat ang lahat ng tungkol sa aking nakaraan.
Sinabi ko sa kanilang dalawa ang mga kagaguhan ko at pagkukulang ko sa aking asawa. Hindi naman nila ako hinusgahan bagkus pinayuhan lang na ituloy ang paghahanap kay Sophia upang magkausap na kami at matahimik na ako.
Nabawasan ang lungkot ko noong nakasama ko silang dalawa.
Hanggang dumating ang panahon na naghiwalay na kaming tatlo ng landas. Si Hanna ay umuwi na sa asawa niya habang si Marco naman ay tinulangan kong makapagtrabaho sa Saudi.
Habang ako naman ay patuloy na naghahanap kay Sophia. Tuwing may deliver kami sa mga palengke ay bukas lagi ang mga mata ko. Umaasa ako na makita ko ulit ang asawa ko. Sabik na akong makausap siya, mayakap.
“………”
Makalipas ang mahigit limang taon ay umuwi na si Marco galing sa Saudi. Nagkaroon kami ng munting reunion sa bahay nila Hanna at ng asawa niyang si Del.
Matapos ang get together ay inihatid kami ni Del sa Calamba at doon ay nagkahiwa-hiwalay na ulit kami.
Habang naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ay naisip ko ang mga pinagdaanan ko. Its been seven years pero hindi ko pa din nahahanap si Sophia.
Hinayaan kong malunod ang sarili sa ulan upang maitago ang pagluha ko. Hindi na ako muling nakarecover sa nangyari sa buhay ko ngunit wala akong planong sumuko.
Alam ko na magkikita ulit kami ni Sophia. Alam ko na mapapatawad niya ako.
Mahal na mahal ko pa din siya hanggang ngayon.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng sakit at matinding paninikip ng dibdib. Hindi ako makahinga at dumidilim ang paningin ko.
Bumagsak ako sa lupa, hinahabol ang hininga hanggang sa mawalan ako ng malay. Matapos iyon ay hindi ko na alam ang mga nangyari.
“………”
Gaano ba katagal ako nakatulog?
Noong idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Hanna, umiiyak habang kausap ang doktor. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Kuya Germo, sinabi na namin sa lahat ng relatives mo ang nangyari sa’yo. Don’t worry, hindi ka namin iiwanan.”
“Hindi kami aalis sa tabi mo. Alam ko naririnig mo pa ako, please be strong. I’m always here for you.”
Gusto kong magsalita.
Signup, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Gusto kong igalaw ang katawan ko.
Ngunit kahit hinliliit ko ay hindi ko magawang ikilos.
Hindi ko alam ang nangyayari, basta nasa hospital ako at tila patay na hindi nakakaramdam ng gutom, hindi makakilos o makapagsalita.
Gusto ko ng matulog, pagod na ako. Pero parang may malaking bagay akong dapat tapusin, may dapat akong gawin kaya ayaw ko pang matulog.
Parang may kadena sa puso ko na pinipigilan ako para mamahinga.
Ilang araw ng ganito ang sitwasyon ko. Gusto kong magpasalamat kay Hanna at Del, kay Lovelyn at Marco dahil hindi nila ako iniiwanan. Hindi nila ako pinapabayaan.
Pero hindi ko magawang magsalita.
Hindi nagtagal ay dumilim na ang paningin ko. Wala na akong makita! Gusto kong umiyak, natatakot ako.
Nahihirapan na ako. Nahihiya ako sa mga taong nagbabantay sa akin.
Hanggang sa nawala na ako sa pagbibilang ng araw dahil nilamon na ng kadiliman ang mundo ko.
“………”
“………”
Wala na akong maalala. Ni hindi ko alam kung sino ako. Bakit madilim?
Gusto ko ng matulog, inaantok na ako. Hindi ko lang alam kung bakit ba panay ang pigil ko ng antok.
Hanggang sa maramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Mainit, nakakapaso.
Naramdaman ko ang paghinga niya sa may tainga ko. Naririnig ko ang hagulgol niya.
Pamilyar ang boses niya, ang boses na matagal ko ng gustong marinig.
“Sorry Germo, sorry!”
Signup, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari,
…pero napakasaya ng pakiramdam ko. Gumaan na ang kalooban ko.
Parang nakalas na ang mga kadena na nagtatali sa puso ko. Masaya na ako, sobrang saya. Pwede na akong magpahinga…
Matutulog na ako.
- Chubby Ruby – III - June 4, 2022
- Chubby Ruby – II - May 26, 2022
- Chubby Ruby - May 13, 2022