Sa puso ni Alex – {Katapusan}
By cutebutt920
Unti-unting bumukas ang isang bahagi nang sahig nang closet… halos manlaki ang kanyang mata sa nakita. Hindi makapaniwala si Alex at halos ayaw niyang hawakan ang mga ito. Biglang bumalik sa kanyang alaala ang paglitaw nang mahiwagang babae… ang pagsulpot nito kapag lagi siyang lasing… ang paghalay sa kanya… ang pagreyp nang mahiwagang babae sa kanya… at ang pagfinger nito sa asshole niya sa huling paglitaw nito…
“Son a… hindeeeeeeeeeeeeeee” Sigaw nito. Habang hawak hawak ang wig at ang itim na nightgown. Halos pagpunitin niya sa galit ang mga ito at kulang na lang isumpa niya si Edison. “Edison… shit ka… hu hu hu” Iyak na napaupo ito. Halo halong emosyon ang nadarama niya sa oras na iyon… nang kumalma na ang galit sa puso niya ay unti unti niyang tinignan ang mga natitirang bagay… isang rubber shoes nang babae… {Ang bakas ng sapatos na tinuro ni Edison nang gabing malakas ang ulan sa harapan nang pinto}… mga lipstick at make up… pabango nang babae… mga letrato… tinignan niya ang mga ito… mga letrato na kasama si Wilfredo… pareho silang nakadamit pangbabae… nakawig… naghahalikan sila ni Edison… mga hubad na letrato nilang dalawa… mga loveletters ni Wilfredo para kay Edison… lalong naguluhan si Alex sa mga nakita. Nagtataka siya… nagtatanong ang kalooban… “Si Wilfredo at Edison ay dating makarelasyon pero si Katrina… hindi ba si Katrina ang asawa ni Wilfredo na dating kasintahan ni Edison… anong misteryong mayroon sa mga taong ito… magulo… naguguluhan ako” Sabay binato ang mga letrato.
Humiga sa kama si Alex… malalim ang iniisip at ilang sandali pa lang ay muli niyang pinulot ang mga kalat binalik ang mga ito. Isasara na lang sana niya pero napansin niya ang isang sobre na may pangalan niya. Isang liham at isang susi…
“Alex… habang binabasa mo ito sigurado akong may masamang nangyari sa akin. Kaya ko sinulat ito ay upang humingi nang tawad… tawad sa paglihim sa buo kong pagkatao sa iyo. Kahit si Acosta ay hindi niya alam kung ano ang laman nang aking puso… si Wilfredo… siya ang unang lalake sa buhay ko… si Katrina ay panakip butas lang upang mapagtakpan ang aming lihim na relasyon. Pinakasalan niya si Katrina dahil sa sama nang loob sa akin… nakipagkalas ako kay Wilfredo dahil sa unti-unting pagsikat ko… kailangan protektahan ko ang aking sarili… pero nang dumating ka sa buhay ko muling nabuksan ang pagnanasa ko sa kapwa lalake… lihim kitang minahal… kaya sa pamamagitan nang paglabas nang mahiwang babae sa buhay mo ay doon lang kitang malayang maangkin… patawad. Mahal kita Alex… sana mapatawad mo ako kapag natuklasan mo ang lihim ko… hanapin mo si Edcel Antonio… para sa akin ibigay mo ang susi at ang blue box sa kanya… alam na niya kung ano ang gagawin sa mga ito… inuulit ko patawad at mahal kita… my bodyguard… my friend… nagmamahal… Alex…” Tumulo ang luha ni Alex habang binabasa ito… ang galit na nararamdaman niya ay nabalutan ito nang awa at pagmamahal sa kaibigan.
Muli niyang inaayos ang closet… sinara ito… umalis na dala ang mga gamit na kailangan para sa burol ni Edison. Mabigat ang paa na sinetup ang alarm system… sinigurado niya na secure ang lugar na iyon bago ito umalis.
Parang natutulog lang si Edison sa loob nang kabaong… guwapo pa ring tignan… maraming tao… nakapila… ang mga babae ay umiiyak… mga kabataan… pormang Edison ang mga ito. Walang tigil sa pag-iyak si Acosta… si Alex ay tahimik… walang luha pero punong puno nang galit sa puso niya… naglalaro ang kaisipan kung paano niya papatayin ang kriminal kapag nahuli niya ito…
Dumating sina Katrina at Wilfredo… pagkatapos tignan ang bangkay ni Edison ay umupo sila sa tabi ni Alex. Habang malalim ang iniisip ni Alex ay hindi sinasadyang napatingin ito sa rubber shoes na suot ni Wilfredo. May makintab na bagay nakasingit sa suwelas nito… may naalala si Alex… tumayo ito at kinausap si Kapitan Mark. Ilang sandali pa ay lumapit si Kapitan kay Wilfredo at niyaya ito sa labas.
“Maganda ang mga rubber shoes mo bata” Sabi ni Kapitan Mark. “Ha… Oo… paborito ko ang mga ito… kahit luma na ay lagi kong suot ang mga ito” Yabang na sabi nito habang pinapakita kay Kapitan. “Pwede mo bang hubarin at hihiramin lang namin sandali” Sabay hawak sa balikat ni Wilfredo. “Ho… anong isusuot ko?” Yamot na sabi nito. Pagkaalis ay nagmadaling dinala ito sa crime lab. Sinuri ang makintab na bagay sa singit nang sapatos ni Wilfredo.
Nailibing nang maayos si Edison… kahit maraming tao na parang isang sikat na artista ang libing ay naging maayos pa rin ito. Si Wilfredo ay dinala sa presinto… nagtataka si Katrina at Acosta. Naiwan mag-isa si Alex… tahimik na umiiyak… sa puso niya ay naghalo halo na ang nararamdaman niya… pasakay na lang siya sa kotse nang may isang lalake na lumapit sa puntod ni Edison. May dalang bulaklak at nagsindi ito nang kandila. Hindi muna umalis si Alex pinagmasdan niya ito.
Bumuhos ang ulan… parang nakikipagdalamhati ito sa lalake habang umiiyak sa puntod ni Edison. Kinuha ang payong at nagmadaling lumapit ito sa lalake, “Mister… basang basa na kayo… heto ang payong” Sabay hawak sa balikat nito. Nang lumingon ang lalake ay halos mabitawan ni Edison ang payong na hawak.
Kamukhang kamukha ni Edison ang lalake… akala ni Alex ay nabuhay si Edison sa sandaling iyon… halos mawalan siya nang ulirat sa pagkabigla nito. “Salamat… Alex… ako pala si Edcel… ang kakambal ni Edison” Sabay inabot ang kamay nito.
“Wa… wala siyang sinabi na may kakambal…” pero natigilan siya dahil parang may nabubuhay sa puso niyang nagdadalamhati habang hawak ang kamay ni Edcel. “My brother told me everything about you… wala siyang nilihim sa akin thru… internet. Kararating ko lang kanina from New York. I was adopted and separated from him noong bata pa kami… naiwan siya sa tiyahin namin. Our parents died when we are five years old… isang aksidente… but nang sumikat si Edison ay nagkaroon kami nang contact muli… pero patuloy niyang nilihim na may kapatid siya dahil na rin sa hiling ko. Tahimik ang buhay ko sa New York… nang araw na mamatay ang kapatid ko ay nadama ko ito… para akong nauubusan nang hininga… nararamdaman ko na parang namamanhid ang katawan ko… kaya alam kong may masamang nangyari sa kakambal ko… lalo na nang mapanood ko sa TFC Channel ang nangyari sa kanya. Hindi ako kaagad umuwi nang Pilipinas dahil ayokong pagkaguluhan ako nang mga reporters… dahil magkamukhang magkamukha kami ni Edison” Sabay luhod nito sa puntod nang kapatid. “Kung sino man ang may gawa nito sa kanya ay magbabayad” Galit na sabi nito.
Tumunog ang celfon ni Alex. Si Kapitan Mark pinapunta siya sa presinto. “Sige.. Nong… pupunta ako na ako dyan pero may plano ako” Sabay sinara ito. “Edcel… may kahon na pinabibigay ang kapatid mo at nasa flat niya ito” Masayang sabi nito.
Nang makarating sila sa flat ni Edison ay parang nabuhay ito… kung ano ang ugali ni Edison ay ganoon din si Edcel… hinubad niya ang basang damit nito walang tinira… hindi siya nahiya kay Alex… parang sanay na sanay ito sa bahay ni Edison alam niya kung saan siya pupunta… halos hindi makatingin si Alex sa hubad na katawan ni Edcel. Maganda rin ang hubog nang katawan ni Edcel ang pagkaiba lang ay mahaba ang buhok nito kaysa kay Edison. Tuloy tuloy ito sa kuwarto ni Edison… alam niya ang lihim na button… nang bumukas ito ay takang taka si Alex.
“Dude… pinakita sa akin ni Edison ang kabuuan nang flat niya sa webcam habang nagchachat kami” Sabi nito habang kumuha nang damit nang kapatid sa closet. Sinuot niya ito at inaayos ang buhok… halos maluha si Alex dahil parang si Edison ang kaharap… parang gusto niyang yakapin ito… nagmadaling tinawagan niya si Acosta. Pinapunta niya ito sa bahay ni Edison.
Binuksan ni Edcel ang blue box… mga letrato nilang magkapatid noong sanggol palang sila… mga alaala na halos nakalimutan na ni Edcel… mga letrato nang magulang nila… tumulo ang luha ni Edcel. Inabot ni Alex ang susi…
“Ha… para sa iyo ito Alex” Sabay balik kay Alex ang susi. “Sa akin… para saan” Takang tanong nito. “Halika sumunod ka sa akin” Sabay labas papunta sa kuwarto ni Alex. Inalis niya ang isang bahagi nang carpet sa ilalim nang kama ni Alex. “Sige ipasok mo ang susing hawak mo” Sabi ni Edcel.
Nilabas ni Edcel ang kahon na nakita nila… “Ang laman nang kahon na ito ay para sa iyo. My brother told me… na ibigay ko ang lahat na ito sa iyo kapag may nangyaring masama sa kanya” Nakangiting sabi nito.
Namangha si Alex… mga alahas… mga dokumento na nagpapatunay na si Alex na ang may-ari sa bahay na binili ni Edison para sa mga magulang at kapatid nito at ang flat… binili niya kay Acosta upang ipamana kay Alex. “Don’t worry… I have enough… mayaman din ang pamilyang umampon sa akin kaya ang lahat na iyan ay para sa iyo. My brother loves you so much” Mabilis na sabi ni Edcel.
Nang dumating si Acosta ay nawalan ito nang ulirat nang makita si Edcel. Ilang sandali pa ay nagising na rin ito at halos maiyak sa tuwa na inaakalang buhay ang alaga. Sinabi ni Alex ang lahat at tahimik lang nakikinig si Acosta at sinabi rin ang plano nito bago sila pupunta sa presinto.
Nasa isang kuwarto si Wilfredo… nang biglang namatay ang ilaw… biglang bumukas ang pinto… may nakaputing pumasok… biglang sumindi ang ilaw sabay pagsara nang pinto… takot na takot na sumandal sa isang sulok si Wilfredo… nang makita ang mukha nang lalake.
“Wilfredo… bakit… bakit mo ako pinatay” mahinang sabi ni Edcel na naka-ayos ito na parang si Edison. “Bakit” Sigaw nito at parang multong lumapit ito.
“Huwag… huwag kang lumapit… tulungan ninyo ako” Sigaw na takot na takot ito.
“Dapat sa iyo mamatay ka rin… sa ginawa mo sa akin… dapat mamatay ka rin” Humakbang palapit si Edcel.
“Huwag… oo… ako ang bumaril sa iyo… ‘yan ang kabayaran sa pakalas mo sa akin… para hindi ka na maangkin nang ibang lalake… kamatayan ang nararapat sa iyo… minahal kita… kahit pinakasalan ko si Katrina ay ikaw pa rin ang laman nang aking puso… hindi alam ni Katrina na madalas akong nasa Pilipinas… sinusubaybayan ko ang bawat kilos mo…gusto ko na ako… ako ang magiging tinik sa buhay mo…” Sigaw nito habang takot na takot itong napaupo sa sulok nang kuwarto.
Gustong gustong sapakin ni Alex si Wilfredo habang pinapanood sa monitor ang nangyayari sa kuwarto. Hinawakan siya ni Acosta sa balikat para kumalma ito. Ilang sandali pa ay pumasok na si Kapitan Mark upang permanenteng hulihin si Wilfredo.
“Good job Alex… case close sayang lang kailangan pang mawala ang buhay ni Edison para lang masolve kung sino ang gustong pumatay sa kanya” Iling iling itong lumayo kay Alex.
Kinuwento ni Alex kung paano niyang nalaman na si Wilfredo ang killer. {Remember sa Kabanata 4: Nakita ni Alex isang marka sa carpet na parang isang putok nang baril na aksidenteng tumama sa floor… kinuha nila nang letrato ito at pati ang mga labi nang balang sumabog na kumalat sa sahig ay pinulot nila part of the evidence}. Nang mapansin ni Alex ang rubber shoes na suot ni Wilfredo noong araw nang burol ay naalala niya ang mga letratong natuklasan… ang lihim na relasyon nilang dalawa ni Edison… at ang sapatos na iyon ay kagaya nang sapatos nang pambabae na nakita niya sa flooring nang closet… at ang kumikinang na bagay sa singit nang sapatos ni Wilfredo. Nabuo sa kaiisipan ni Alex na maaring si Wilfredo rin ang pumasok sa flat ni Edison nang panahon na iyon kaya pinakuha ang sapatos ni Wilfredo upang suriin ang bagay na kumikinang sa singit nang suwelas nito. Tama ang hinala niya match ito sa mga pinulot nilang labi nang bala sa flat ni Edison… tamang tama din ang dating ni Edcel para makumpleto ang paghuli nila kay Wilfredo.
Lumipas ang maraming taon… matanda na si Alex. Naka-wheel chair ito habang nasa harapan siya nang puntod ni Edison. Taon taon ay dumadalaw siya sa puntod nang kaibigan… nagsisindi nang kandila… umiiyak… at nagpapasalamat…
“Lolo… tara na po… malamig na ang hangin” Bulong ni Alexson ang apo ni Alex.
Ginamit ni Alex ang mga iniwan ni Edison sa kanya… nagnegosyo at nakapag-asawa. Si Edcel ay bumalik ito sa New York… si Acosta ay namatay dahil sa AIDS. Si Katrina ay tuluyan nang nanirahan sa Paris… isa na rin sikat na fashion designer. Si Wilfredo ay binitay sa salang pagpatay kay Edison.
Sa puso ni Alex… mapahanggang ngayon ay nandoon ang pagmamahal na na nabuo para kay Edison… kahit lumipas na ang maraming taon ay nakabaon ito sa puso niya…
{Pasensiya na po… I need to end this story medyo hahaba pa kasi dahil madagdagan nang mga panibagong character. Salamat po ulit… cool}
- Night Caller… {2} - January 2, 2025
- Night Caller… {1} - December 26, 2024
- Dilema Sky…my chat friend… - December 18, 2024