Author: salapinghiram
Gumapang pababa ang halik ng binata patungo sa puson. Kusang bumuka ang mga hita ni Capt. Lorena Alegre upang bigyang daan ang panauhin. Narating ng nagbabagang labi ng binata ang pakay at ang dila nito ay animo brotsang nagpabalik-balik sa hiwa ng dalagang pulis.
“Aaaahhh……. Ooooh……..”, ang daing ng dalaga na sunod-sunod ang naging paggalaw ng puson tanda ang luwalhati ng orgasmo.
Biglang tumigil si Sgt. Henry Enriquez sa kanyang ginagawa. “Kapitan, ayaw kong isipin mong pinagsasamatalahan kita. Gusto mo bang itigil ko na o okey lang sa iyo na ituloy ko itong acupuncture”?
“Bastos ka talaga. Ano pa ang magagawa ko ay nakuha mon a. Ituloy mon a bago pa magbago ang isip ko.”, ang sighal ng dalagang namumungay na ang mga mata.
Agad na naghubad ng kanyang damit ang binatang pulis. Huhubarin na sana niya ang kanyang pantalon nang may marinig silang mga yabag mula sa salas kung saan naroon ang bangkay ni Melchor Olivar.
“Huwag kang lalabas…may mga dumating!”, ang bulong niya sa dalaga.
Sumilip siya sa pintuan upang makita kung sino ang mga dumating. Nakilala niya ang mga nasa salas, mga pulis din, sina SPO1 Virgo de Dios at SPO1 Samuel Aragon. Lumabas siya at nagpakita sa dalawa.
“Sarge, anong nangyari?”, ang sabi ni SPO1 de Dios?
“May nagtimbre sa amin na may gulo raw dito sa bahay ni Kapitan. Nasaan pala siya at bakit may patay na lalake?”, ang tanong naman ni SPO1 Aragon.
“Pinasok ang ng lalakeng iyan ang bahay ni Kapitan. Ligtas na siya at nasa silid. Buti na lang at nagawi ako dito at nailigtas ko siya.
Napansin ni Aragon ang nakakalat na panty at bra sa sahig malapit sa bangkay.
“Mukhang nakaiskor ang taong ito kay Kapitan a!”, ang puna ni Aragon na nakatingin sa mga saplot na nakakalat sa sahig.
“Walang nangyari. Nailigtas ako ni sarge!”, mula sa pinto ng kuwarto ay dumungaw si Capt. Lorena Alegre na nakabihis pa rin ng bathrobe. Kunin na ninyo ang bangkay na iyan at kilalanin. Susunod ako sa presinto para magbigay ng statement. Sarge, salamat sa pagliligtas mo sa akin.
“Kaya mo na ba ang sarili mo?” Di ba nasaktan ka rin dahil sa paglaban mo sa taong ito?”, nag-aalalang sabi ni Sgt. Enriquez.
“Okey na ako. Mahusay ang acupuncture mo. Napawi ang mga masakit sa aking katawan”, ang makahulugang sabi ng dalagang pulis.
Makahulugang nagkatinginan sina Aragon at de Dios, ngayon lamang nila nalamang mahusay pala sa acupuncture ang kanilang sarhento.
Napakamot naman sa kanyang ulo si Sgt. Henry Enriquez. Tila kriminal na nakatakas ang oportunidad ng naunsyami nilang pagtatalik ng dalagang pulis. Sa loob-loob niya ay baka hindi na maulit ang pagkakataon. Kung sabagay, gumaganda na ang pakitungo sa kanya ng dalaga kumpara noong mga nakaraang buwan na nakilala niya ito.
Natapos ang imbestigasyon tungkol sa pagtatangka sa buhay ni Capt. Lorena Alegre. Malinaw na motibo ang paghihiganti ni Melchor Olivar. Ipinasya ng dalaga na lumipat muna ng tirahan upang matiyak na hindi na mauulit ang nangyari.
Pormal na kinausap niya si Sgt. Henry Enriquez.
“Sarge, nagpapasalamat ako sa ikalawang pagkakataon na pagliligtas mo sa akin. Humihingi ako ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi maganda ang pakikitungo ko sa iyo.”, ang waring nahihiyang sabi ng dalaga.
“Kapitan, alam mo namang mahalaga ka sa akin. Mag-iingat ka palagi.” Ang tugon naman ng sarhento.
“Tungkol sa nangyari sa atin, ayaw ko munang pag-usapan. Nagpapadala ka sa tukso at nagpapatianod naman ako. Hayaan muna nating lumalalim ang ating ugnayan. Wala sa aking plano ang makipagrelasyon sa ngayon.”, ang matapat na pahayag ng dalaga.
“Iginagalang ko ang desisyon mo. Ako man ay humihingi ng paumanhin sa aking mga nagawang labag sa iyong kalooban. Sa ngayon, sapat na sa akin na maayos na ang pakikitungo mo sa akin.”, nakangiting wika ng binata.
“Sabihin mo na lang sa akin kapag kailangan mo ng acupuncture!” pahabol pa nito.
Namula ang pisngi ng dalagang pulis at inambahan ng suntok ang binata.
“Ang babae ay hindi dapat ituring na libangan, bagkos ay katuwang sa hirap ng buhay.” ang paalala ng dalaga.
“Alam ko iyan, isa iyan sa mga Aral ng Katipunan na isinulat ni Emilio Jacinto!”, ang sabi ni Sgt. Henry Enriquez. “May respeto naman ako sa mga babae. Nagkataon lamang na naaakit ako sa kagandahan mo, tapos palagi pa kitang natitiyempuhan sa mga sitwasyong mahirap magpigil. Lalake ako at nahuhulog rin sa patibong ng bayalohikal na pangangailangan.” dagdag pa niya.
“Alam ko namang gentleman ka. Dalawang beses ka nang nagkontrol. Alam kong mahirap iyon. Pero hindi na muna mauulit iyon. May misyon akong dapat tapusin. Samahan mo ako sa misyon ko at pag natupad ko na, saka na natin pag-usapan ang pag-ibig.”, ang paliwanag ng dalaga.
“Anong misyon ba?”, ang tanong ng sarhento.
“Ang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpulis!”, seryosong sagot ni Capt. Lorena Alegre habang nangingilid ang mga luha.
“Sasamahan kita kahit mapanganib. Sasamahan kita kahit ang maging hangganan ay sa dulo ng baril!”
Itutuloy pag di na busy…….
- Iggy Boy 6 - October 24, 2024
- DAYO - October 23, 2024
- Wet Part 13: Pasali - October 22, 2024