Run To You (2)

Kira05
Run To You (1)

Written by Kira05

 


Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng coffee shop. Ilang minuto kaming nanatili sa loob, pero hindi ko man lang nagalaw ang pagkain na binili niya sa akin kanina.

Kapag tumitingin siya sa akin ay agad akong yumuyuko. Nahihiya kasi akong makita niya ang mukha ko. Isa pa, kapag nagkakatagpo ang aming paningin, nakikita kong ngumingisi siya o hindi kaya ay tatawa. Hindi ko nga alam kung inaaasar lang ako nitong lalaki na ito.

Bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong paperbag. Pati tuloy ako napatingin doon.

“Puwede ko bang malaman kung ano ang laman niyan?”

“Ah, ano lang, yung libro na ibibigay ko sa’yo.”

Dali-dali kong inabot iyon sa kaniya. Napangiwi ako nang makitang lukot na ang itaas na bahagi ng paper bag.

“Salamat,” aniya saka tinanggap iyon. Hawak niya ang paper bag gamit ang kaniyang isang kamay. Umusod siya palapit sa akin at dahan-dahan niyang inabot ang kaliwang kamay ko para hawakan ito.

Tumingala ako nang bahagya para tingnan ang reaksiyon niya.

Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Pakiramdam ko, sa mga oras na iyon, ay huminto ang mundo ko. Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan na makipag-holding hands sa isang pampublikong lugar. I wasn’t the type of a woman who lets a man hold my hand without consent. Pero iba si Rick, imbes na inis ang maramdaman ko sa ginawa niya, kaba ang pumuno sa puso ko.

Ngumiti ako pero agad ding umiwas nang tingin sa kaniya.

Who would’ve thought that after a year of being online friends, nandito kami ngayon, magkasama at magkahawak pa ang mga kamay?

Sa pagkakataong ganito, hindi ko tuloy maiwasan na maalala kung paano kami unang nagkakilalang dalawa.

“Gusto mo bang kumain muna?”

Kahit gutom na gutom na ako, umiling ako para hindi niya bitawan ang kamay ko. Nasa punto yata ako ng buhay ko na masasabi kong, titigan ko lang siya, pakiramdam ko ay busog na ako.

Ayaw kong bitawan ang kaniyang kamay dahil sa paraang iyon, mararamdaman ko siya. Tinitigan niya lang ako kaya naman pakiramdam ko ay gusto ko nang takpan ang mukha ko.

“Hey stop doing that, you’re beautiful,” aniya saka hinawakan niya baba ko at tinaas iyon para magtagpo ang aming paningin.

“Don’t be shy, Aya. You’re safe with me. Ako lang ito.”

Pinagmasdan ko nang maigi ang kaniyang mga mata. All I can see is certainty.

Sa pagkakataong iyon ay dumaan sa alaala ko ang unang beses na nagkausap kaming dalawa.

“Do you remember the day when you messaged me, telling me that you like the stories I’ve written and posted on the website? Naalala mo ba nung sinabi mo sa akin na I should consider you as my fan?”

Napansin ko ang mapaglarong ngiti na pilit niyang tinatago sa kaniyang labi.

“Ang sabi mo, crush mo ako noon. Hanggang ngayon ba, crush mo pa rin ako?”

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Magkahalong pagkadismaya at pagkairita ang mababakas sa ekpresiyon niya.

“Really, Aya? Hanggang ba naman skeptic ka pa rin? Sa tingin mo ba, pupunta ako rito at makikipagkita sa’yo, kung crush lang kita? I like you. Oh wait, hindi lang pala pagkagusto iyong nararamdaman ko sa’yo, I think I’m in love with your character, your voice… I like everything about you, Aya. Hindi pa rin ba malinaw sa’yo ang bagay na iyon sa’yo hanggang ngayon?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Nakasimangot akong ngumuso.

“Huwag mo akong daanin sa ganiyan. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita rito sa mall.”

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad kong itinakip ang aking palad sa aking bibig.

Napailing nalang siya at nauna nang naglakad.

“Hoy teka! Kita mo ito, mang-iiwan talaga.”

Hindi niya ako pinansin kaya naman masama ang tingin na humabol ako sa kaniya.

Kahit kailan talaga, nakakainis ang lalaking ito.

“Sorry na nga.”

Ako na nga ang iniwan, ako pa ang nag-sorry. Bakit naman kasi ang hirap pakiusapan ng mga matatanda? Ang hirap din palang abutin level of understanding ng lalaking ito. Hindi ko siya ma-gets. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang siya mainis. Nagtanong lang naman ako.

“Rick! Hoy teka nga, sandali lang! Sorry na sabi eh.”

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nakataas pa rin ang kilay niya.

“What?”

“Sorry na. Bakit ba kapag nagtatanong ako sa’yo nang tungkol sa bagay na iyon, lagi ka nalang badtrip, kahit kapag kausap kita sa telegram noon, ganiyan ka rin. Akala mo naman nakapatay ako ng tao diyan sa reaksiyon mo.”

“I just don’t want you questioning what I feel for you.”

“Luh. Kinuwestiyon ko ba? Nagtanong lang ako. Kasi gusto kong malinawan. Aba naman, ayokong magmukhang assuming ano.”

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang reaksiyon niya. Gamit ang aking hintuturo ay dinuro ko ang kaniyang mukha.

“Ayan, tingnan mo. Kaya ka mas mukhang matanda kasi lagi kang nakasimangot. Guwapo ka pa naman sana kaso parang lagi mong pasan ang problema ng buong mundo.”

“Nagpapakatotoo lang ako,” sagot niya nang seryoso.

Tumango naman ako.

“Oo nga, wala naman akong sinabing hindi. At tanggap ko naman iyang ganiyang ugali mo. Huwag ka lang masyadong seryoso. Utang na loob, kaya ako nandito para sabihin sa’yo na gusto kitang maging boyfriend. Pero iyang paraan mo nang pakikitungo mo sa akin, pakiramdam ko ay isa akong batang pinagagalitan ng kaniyang ama o hindi kaya ng tito niya.”

“Hey hey, young lady. I will never become your dad nor uncle.”

Nagkibit-balikat ako.

“Kung ganoon, edi huwag mo akong itrato na parang bata. Treat me as your equal. Hind naman siguro makakasakit sa ego mo kapag tinrato mo akong parang ka-edad mo, hindi ba?”

Inirapan naman niya ako.

“Hey kid, we have a 17-year-gap, baka lang nakakalimutan mo.”

Sa ikalawang pagkakataon ay nagkibit-balikat ako.

“Ano naman? Kung gusto rin naman kita, may magagawa ka ba? I’m 23, I can make a decision by myself.”

Umiling siya.

“Aya, hindi porket sinabi kong gusto kita ay dapat magustuhan mo na rin ako.”

“Bakit ba desisyon ka?”

“Ayaw ko lang na pagsisihan mo ang desisyon mo. Dahil sigurado ako, darating ka sa point na ganoon.”

Nag-arko ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.

“Oh wow. Manghuhula ka na rin?”

Sa sobrang inis niya ay muli siyang naglakad palayo sa akin. Sa sobrang inis ko, umayos ako nang tayo at inilagay ang aking palad sa magkabilang gilid ng aking bibig at saka sumigaw.

“Rick! Gusto kita!”

Sa pagkakataong iyon, wala na akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao na nasa mall. They can judge me all they want but I don’t care.

Sabi ng lola ko sa akin noon, kapag nakita mo na ang taong sa tingin mong makakapagpaligaya sa’yo at sa tingin mo ay ayaw mo na siyang mawala pa sa’yo, kahit masakit sa ego mo, kailangan mo siyang habulin. Mas okay na iyon kaysa naman magsisi ka sa bandang huli na hindi mo iyon ginawa.

Yung akin nga lang, ni-level up ko na. Isinigaw ko na ang pangalan niya, hinabol ko pa siya.

Rick was stunned with my action. Marahil ay hindi rin talaga niya inasahan na isisigaw ko ang pangalan niya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at nagmadali akong hinila patungo sa labas patungo sa lugar kung saan konti lang ang tao.

“Bakit mo ginawa iyon?” tanong niya.

“Ang alin?” nagku-kunwaring tanong ko. Pangisi-ngisi lang ako sa kaniya.

“Aya, can you stop making fun of me?”

“Oh, sinabi ko lang naman na gusto kita, making fun agad? Ang judgemental mo naman. Kapag ganiyan ka, hindi ka makakapasok sa langit kahit kamukha mo pa si Papa Jesus.”

Nang sabihin ko iyon, saka ko lang napansin na hindi ganoon kahaba ang kaniyang buhok. His face is clean, parang bagong shave. Amoy ko rin ang pabango niya. Malayo ang hitsura niya kay Papa Jesus.

“Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Aya.”

Tumango ako at nilagay ang aking kamay sa aking beywang.

“Hindi rin ako nakikipagbiruan sa’yo. Gusto nga kita. Ganoon ba kahirap na tanggapin yung totoo?”

Humugot siya ng malalim na hininga.

“Alright then, let’s say na totoo nga iyang sinabi mo na gusto mo ako, pagkatapos ano na?”

“Gusto kitang maging boyfriend,” diretsahan kong sagot sa kaniya.

“Aya…” he called my name helplessly.

“Rick, bawal ba? May asawa ka ba? Anak? Oh, bading ka ba?”

Nagulat naman siya sa magkakasunod kong tanong.

“No. Wala akong asawa at anak. Lalong hindi rin ako bading.”

I pouted in front of him.

“Talaga lang ha? Hindi ako naniniwala.”

“Whatever you say. Kung ayaw mong maniwala edi huwag.”

“May puwede ka namang gawin para maniwala ako eh.”

Nang tumitig siya sa akin, agad akong ngumiti sa kaniya at tinuro ang labi ko.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Kiss me,” saad ko habang itinataas-baba ang aking magkabilang kilay ko.

Sumimangot naman siya. Akmang aalis na sana siya nang nagmadali akong lumapit sa kaniya. Ikinawit ko ang aking braso sa kaniyang batok at tumingkayad para halikan siya… sa labi.

 

Kira05
Latest posts by Kira05 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x