Pursuit Of Happiness 2: Despair

Pursuit Of Happiness

Written by blipper

 

Thursday na wala parin akong nagagawa.
Breach din sa company policy ang ginawa kong pag invade ng privacy at pagkuha ng screenshot sa convo nila.

Kung magpapasimula naman ako ng chismis baka lalo lang tumibay ang relasyon nila Ariadne at Ulrich. Isa pa, mahilig lang ako makichika pero di ako magaling magchismis.

Kailangan ko makabuo ng plano paano sila mapaparusahan. Yung kahit mawala lang ang asungot na Ulrich nato sa landas ko. Bonus nalang siguro pag pareho sila mawala ni Martha.

Wala akong maisip.
Nagpakaabala nalang ako sa trabaho, madaming dumadating na ticket nakaassign sakin.

Alas dos y media ng hapon, may mga ticket ako at ang kabuddy kong si Roy sa Tech Team doon sa department nila Ariadne.

Mild issues lang pero ilang station kaya dalawa kaming naassign, agad naman kami naghiwalay at pinuntahan mga nakalist na concern.

“Uyy! Roy! Uyy! Kuyang ano dati ni Ariadne .. ano .. kaclose hehe” bati ng chismosang si Martha na nakaantabay din maayos yung issue ng station nya.

Ay putanginang ito. May pangalan ako at alam mo ang pangalan ko, lagi kang tsaperon kapag may date kami ni Ariadne. Mas malakas kapa umorder ng foods kesa sakin tapos mas kakilala mo pa si… aaaaay putang ina mo nagiinit ulo ko sayo

“Kuya isunod nyo na tong akin ha? May tinatapos kase ako kuya hihi” may paglalanding turan nya sa amin ni Roy. Naalala ko nanaman yung narinig ko sa motel nung lunes. Pucha napatingin ako kay Martha at ngayon ko lang napagbigyang pansin na may kagandahan din sya at ipapalag pagdating sa katawan.

Naglalaro sa 5’4 at 5’5 na tangkad (wala akong dalang metro pangsukat at tinatantya ko lang ../..) at sa tingin koy mas maliit lang ng konti ang dibdib kesa kay Ariadne.

Nagkataon lang talaga siguro na sobrang ganda ni Ariadne para sakin kaya di ko masyadong nabigyan ng pansin na maganda din itong si Martha.

Isinunod ko na ang station nya at siya naman ay lumiban muna sa mga kabilang stations na may pagka semi-cubicle type. At dahil may pagkachismosa talaga ang puta edi nakipagchikahan muna habang inaayos ko computer nya.

Nakakainis na malokong ngiti nanaman ang aking nasilayan sa mukha nya bago sya umalis, na di kalaunan ay nakipagkwentuhan na parang nagpaparinig.

“Sis, alam mo ba yung isang IT… yung nagaayos ng computer ko ngayon, dating nanliligaw yan kay Ariadne kaso basted tapos bigla syang nagkajowa ng iba.. yung nasa kabilang ano hihi ang haba ng hair ng ate Ariadne mo ano hihihi”

Anak ng puta. May galit ba sakin to? Parang namemersonal nato ah. Binibigay ko naman ang gusto niya ah, maayos ako makitungo at wala akong ginagawang masama sa kanya.

Putangina. Anong meron sa linggong to? Basted na tapos ginaganto pako. Wala bang mangyayaring maganda manlang?

*toktok toktok toktok

“Huy gago ano’t tulala ka dyan? Nakadrugs ka nanaman tol ano” matawa tawang pasok ni Roy

Roy: pinapapunta ka ni boss sa office after ng task mo dyan. Ako na daw bahala sa ibang nakassign na ticket sayo

Ako: ah sige tol salamat hehe

Roy: pre maghilamos ka muna sa cr para magising diwa mo baka dun kapa magkalat sa harap ni boss hahaha

Ako: tangina mo haha. napaisip lang ako anong hapunan ko mamaya haha

Roy: hapunan mo mamaya? kaya ka tulala sa wallpaper ng computer ni Martha? Yung pic nya hahaha

Ako: gago hahaha dyan kana nga

Umalis nako agad pero nagcr muna ako para maghilamos dahil totoo namang lutang ako kanina sa inis. Gusto ko na bawian sila Martha. Tangina sobrang sama na ng loob ko sa kanila.

Matapos ko magayos ay tinungo ko na kung saan ako inaantay ng boss ko. Pagpasok ko sa office niya ay nakita kong may kasama pa syang isa pang nakaformal attire at mukang mataas ang posisyon sa company.

“Ah! Glad you are here. Please take a seat Mr. Anton. Relax and stay calm Mr. Anton” wika ng boss ko. Yung kasama nya ay mukhang nagoobserve lang.

“Good afternoon sir Bary, good afternoon sir” bati ko sa dalawang kaharap ko ngayon.

Sir Bary: Goodafternoon as well. You look tired, are you okay?

Ako: Yes sir. Just a little bummed, personal stuff, no big deal. I believe.

Sir Bary: Good, good. You see, one of the reason I called for you is that we receive reports that… reports mula sa iba ibang department na one of our IT daw is madalas parang wala sa sarili at tulala kahit tapos na ang task… and it kind of creeps them out. May point pa na hindi ka nila magawang abalahin habang tulala ka dahil nga naki-creep out na. Now, one or two reports can be dismissed but for this week alone, it has already caught our attention. Now, I’m gonna ask again, are you okay?

Ako: Yes sir. My apologies-

Sir Bary: Okay. Good to hear.

Putol ni sir Bary sa sasabihin ko.
Totoo naman medyo sabaw talaga ako netong mga nakaraan. I’m becoming hellbent on getting my revenge. Masyado akong okupado ng sakit sa puso na hindi ako ang pinili ni Ariadne.

Sir Bary: moving on, I hope you are aware that this is the time of the year na karamihan sa departments ay nagsisimula na ng evaluation sa performance ng mga emplayado. And you know what that means.

Ako: (huh? ay puta nalimutan ko na to) Yes sir.

Sir Bary: Great. I must say you have an impressive performance, the numbers don’t lie. Now, we believe you na okay kalang. We don’t want to pry about personal stuff kung yun man ang rason bakit nitong mga nakaraan ay medyo… sabihin na natin na “creepy” ang feedback sayo dahil lagi kang nagsspace-out. But I need to ask you, aside from your job here, do you have any outside work?

Ako: Ye..yes sir

Mahinang tugon ko at halos mautal nako. Mukhang di maganda magiging evaluation sakin ah.

Sir Bary: And are you sure that it is not your second job which affects your daily performance?

Ser. Potangina sobrang stress at kabado nako, di ko alam saan papunta ang meeting nato. Nanlalambot nako. Tapos panay pa ang english ng boss ko.

Bumibilis na tibok ng puso ko.
Nagsisimula nako makaramdam ng anxiety.
Nagsimula ang meeting nato na confident pako. Nakasagot pa nga ako ng english din na hindi ako nautal kanina eh!

Sir Bary: Mr. Anton, our company is not strict with people working multiple jobs as long as it does not affect your main job and performance, and I believe it is not on your contract as well, so you are free to do so.

Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni sir Bary na yun.

Sir Bary: But I am afraid I may have to ask you to leave your second job. Depending on your answer, you may have to sign a new contract.

Ako: Sir? My apologies, I am a little confused. Can you explain further?

Sir Bary: See!? Dahil yan sa second job mo hahaha

Putangina sir hindi nakakatawa joke mo.

Sir Bary: Hehe. Kidding aside, let’s talk about your promotion.

Ako: Sir?

Di ako makapaniwala sa narinig ko.

Sir Bary: Yes, you heard me right. Let’s talk about your promotion. I believe I told you to relax and stay calm at the start of this meeting. As I mentioned earlier, you have impressed us with your performance and I think talented people such as yourself should be taken care of. We want you to focus on this company, and we may ask you to leave your work outside of this company. Ofcourse, in exchange of better offer. Your senior and mentor has taught you well on your field of work and we think it is time you expand your skills, responsibilities and duties. What do you say?

Ako: Thank you sir. Ofcourse, I am more than happy to accept, sir.

Sir Bary: Alright. Please read these carefully inabot folder and then sign at the bottom of the page.

“Great. Everything turned out just fine. Before you go about reading the contents of that folder, Mr. Anton, were you nervous during the meeting? You can tell us, we won’t judge you. I will appreciate an honest answer.” Biglang sabat nung naka formal attire na mukang high position na boss

Ako: Yes sir, I was very nervous that I almost pissed my pants thinking that I am about to be fired due to poor… or rather weird performance according to reports sir

“Ha! That was an answer I am not prepared for. Well, as your mentor and senior told me about you, you are indeed an honest and hard working guy. Congratulations in advance. If you’ll excuse me, I have other meetings to make people feel uncomfortable. Haha!”

Sabay umalis na yung naka formal attire na mukhang nasa mid-40s na lalaki.

“Congrats Anton. Your promotion has been on the making for sometime now. Yung senior mo ang nagpupush ng promotion mo ilang panahon narin, fast learner ka naman daw at kita nya na hindi lang basta trabaho sayo ang tech support. It is also your passion. I would also like to apologize about your second job. That is the closest thing I came up with, yung recent reports sayo this week na ikaw ay tulala ay may kasama ding chismis, chismis na may niligawan ka from within company din at nabasted ka. And that is against company policy, which is why yung sideline mo ang napagbuhusan ko ng pansin. Sorry talaga, pero bilang boss mo di kita pede pabayaan. I will always have your back. I am expecting great things from you.”

Oh shit. Yun pala yun. Tangina ang lupit mo sir Bary! Lodiboks petmalu ka talagang matanda ka! Sana’y marami kapang makana na fresh hire o trainee!

Sir Bary: Do you have any question?

Ako: Yes sir

Sir Bary: Go ahead

Ako: Sir baka po pedeng tagalog na lang muna salita natin malapit nako duguin eh hahaha

Sir Bary: Gago! Hahaha. Kidding aside, when your promotion is finally official, you will be granted more access privilege to employee stations

Nakangising bigkas ni Sir Bary. Dito ba to nangssnipe ng new hire? Haha!

Sir Bary: alam mo na, in case na may kaaway ka tapos gusto mo gayahin yung sa mga movie na mga espiya espiya hehehe. bihira naman talaga yon nagagamit pang troubleshoot hehe. but on a completely unrelated topic, alam mo ba next month na ang evaluation nung Ariadne. Bawian mo na para mapoor performance din kagaya ng nangyari sayo hahaha. Just don’t make a big fuss or dont overboard para naman di masabing abuso sa privilege ha

Nakakalokong tawa, ambilis nagbago ng personalidad. Ang saya kapag ganto boss mo, backup mo sa gera.

Tinapos ko na basahin ang terms sa bagong kontrata at nilagdaan ko narin ng aking pirma. Nagayos nako at lumabas ng office ng boss ko.

Magaalas kwatro na pala ng hindi ko namalayan, nakaramdam ako ng gutom kaya akoy dumaan muna sa cafeteria para magmeryenda sandali. Umorder ako ng sandwich ng may sumulpot sa likoran ko at halos pabulong na nagsabi

“Kuyaaaa!! Ilibre mo naman ako ng sandwich din, parang nung dati lang na lagi moko nililibre bago ka bastedin ni Ariadne hihihi”

Putangina nag init ang tenga ko.

. . . .
. . . .
. . . .

Ding!!!

May parang naglinawag na bumbilya sa utak ko.

Dahan dahan akong humarap sa kanya, kinuha ko phone ko at binuksan ang gallery .. sa saved folder .. click ng isang picture at zoom ng konti.. sabay smile kay Martha

Ako: uy! Martha ikaw pala! Kamusta? Alam mo sakto dating mo, kase napromote ako tapos may access nako sa majority ng stations sa company sabay pakita ng screen ng phone ko e naghahanap ako ng makakasama magcelebrate .. pede kaba mamaya? Sagot ko naman MAGUUSAP lang tayo promise

Sabay ngiti na halos umabot na sa tenga ko. Huli na kita ngayon.

Kita ko pa kung pano unti unting nawala ang nakakaasar at nakakalokong ngisi o smug face ni Martha habang tinitignan ang screenshot sa phone ko.

Itutuloy.

A/N: Pasensya na kung andaming dialog 🙂 Please comment, feedback, anything is highly appreciated and encouraged.

blipper
Latest posts by blipper (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories