Written by hardfucker69
(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang)
Guy: Hi Andrea
Andrea: Hi. Kumusta?
Si Nelson ito kasama ang kanyang anak na si Jacob.
Nelson: Jacob this is Tita Andrea.
Jacob: Hi Tita.
Andrea: Hello. O Nelson hindi mo kasama si misis?
Nelson: sabi niya dito daw kami magkikita eh. Mamimili daw siya ng infant wear.
Andrea: buntis na ulit si misis?
Nelson: yup. 3 months na.
Andrea: wow congrats.
Nelson: thanks.
Jacob: daddy I want to play na sa Timezone.
Nelson: anak let’s wait for mommy muna. Buy muna tayo damit ni baby.
Andrea: it’s ok Nelson.
Tinawag ni Andrea ang isa niyang staff.
Andrea: Janet kalaruin mo muna si Jacob.
Janet: sige po maam.
Nang maaliw na ang bata ay nagsimula nang mag usap ang dalawa.
Andrea: dun ka rin ba nagtatrabaho?
Nelson: hindi na. Nasa BPI na ako as marketing officer.
Andrea: wow. Asensado ka na pala.
Nelson: hindi naman. Sinunggaban ko lang yung pagkakataon. Mas maganda ang benepisyo at sweldo eh.
Andrea: eh si misis sa bahay pa rin?
Nelson: hindi na. Branch manager na siya sa BPI malapit sa amin. Tapos napakiusapan ko naman ang byenan ko na bantayan si Jacob habang kumakayod kami ni Marie.
Andrea: That’s nice Nelson.
Nelson: Thanks Andrea. Thank you very much sa tulong mo. Ibinili ko ng mga vitamins ni Jacob yung perang ibinigay mo sa akin. Kung hindi mo ako tinulungan nun malamang hindi ko na alam ang gagawin ko. Hiyang hiya nga ako sa ginawa ko sa iyo.
Andrea: Nelson kalimutan na natin yon. Wala pa tayo sa tamang katinuan nun. Ang importante natuto kang tumayo sa sarili mong paa.
Mga ilang sandali pa ay dumating na ang asawa ni Nelson na si Marie. Nagulat si Andrea at taliwas ang itsura nito sa sinabi ni Nelson na mukhang losyang. Hot momma ang dating nito na mala Joanne Quintas. Binati agad ito ni Nelson sabay binigyan ng halik sa pisngi.
Nelson: Hi hon.
Marie: hi.
Nelson: syanga pala hon si Andrea, kaibigan ko. Andrea misis ko si Marie.
Andrea: hi.
Marie: hello.
Inasikaso ni Andrea ang mag asawa lalo na sa pagpili ng mga infant wear pati na rin sa damit ni Jacob. Mga ilang sandali pa ay natapos na ang kanilang pamimili at nagpaalam na sila kay Andrea.
Lina: ano Andrea may nahanap ka na ba?
Andrea: wala pa. Enjoy ko muna ang maligawan hahaha.
Lina: loko masobrahan mo mamaya yan ha. Hahaha
Andrea: hirap kasing hanapin ang WOW Factor.
Lina: eh anong WOW Factor ba ang hinahanap mo?
Andrea: yung parang kay Robert. Malambing, gentleman at simpatiko.
Lina: ay naku dapat sapian ni Papa ang isa sa mga manliligaw mo. Hahaha.
Patuloy si Andrea sa pagaasikaso ng kanyang negosyo at anak na sila Ronald at Amanda. Madalas maubos ang oras niya sa mga anak niya at sinasamantala na niya ang pagiging bata ng mga ito. Maraming nagtatangkang manligaw kay Andrea pero hindi niya makita ang sinasabi niyang WOW Factor.
Isang araw habang binabagtas ang isang commercial area sa Quezon City ay nakakita siya ng isang lugar na pwedeng pagpatayuan ng ikatlo niyang botique. Under construction pa ito pero nasa finishing stage na. Pinuntahan ito ni Andrea upang mag inquire sa renta at reglamento. Dito nakilala niya si Christian. Ang may ari ng building.
Andrea: manong sino po ang pwede kausapin tungkol sa renta dito?
Constrction Worker: Si sir Christian po maam. Yung naka white na polo sa loob.
Andrea: salamat po manong.
Pinuntahan agad ni Andrea ang may ari ng building.
Andrea: Good afternoon sir Christian.
Christian: good afternoon maam. What can I do for you.
Bahayang natulala si Andrea nang makita ng personal si Christian. “OMG!” Sambit niya sa kanyang sarili. “Pareho silang magsalita ni Robert”.
Christian: Maam???
Andrea: ay sorry. Just wanted to inquire about your commercial spaces. Planning to open my botique here.
Christian: sure. Let’s talk about it in my office.
Habang sinasamahan siya ni Christian sa kanyang opisina ay nakaramdam siya ng konting kilig. Kung may mga katangian si Robert na nakuha ni Philip dito kay Christian ay para siyang sinapian ng yumao niyang asawa. Nang makapasok na sa opisina ay pinagusapan na nila ang tungol sa renta pati na sa kanilang reglamento.
Tulad ni Robert ay tisoy si Christian at matipuno ang pangangatawan. Nasa 5’11” ang kanyang tindig at parehong pareho sila ni Robert ng PR. 34 years old na si Christian at single pa ito. Kumbaga never siyang nagkaroon ng girlfriend. 34 year old virgin ika nga nila.
Christian: So Maam Andrea aayusin ko na lang ang lease contract natin bukas.
Andrea: sir Christian Andrea na lang.
Christian: ok with one condition.
Andrea: ano yun?
Christian: Christian lang din itawag mo sa akin.
Andrea: ok sir. Este Christian pala.
Matapos makapag inquire sa bagong pwesto ay umuwi na sa bahay si Andrea upang makasama ang kanyang mga anak. Sakto naman din na dumalaw si Lina upang kumustahin ang kanyang mga kapatid.
Ronald and Amanda: Hi Mommy.
Lina: Hi Mama
Andrea: hi mga anak. Lina mama ka dyan.
Lina: baka lang makalusot hahaha. San ka galing ngayon?
Andrea: dito lang sa may QC. May for lease kasi na pwesto para sa botique. Eh mas malaki ito tapos na negotiate ko pa ang ang renta.
Lina: business adventure ba yan o love adventure?
Andrea: sira! Hahaha
Lina: sige na nga basta kwentuhan mo ako ha.
Kinabukasan pinuntahan ni Andrea si Christian upang ayusin na ang kanilang usapan. Matapos maisara ang kontrata ay niyaya ni Christian ang byuda upang mag lunch. Habang kumakain sila ng tanghalian ay kinilala nila ang isat isa. Dito nalaman ni Christian na byuda na si Andrea habang patuloy pa rin ang byuda sa pagkitalis sa kanyang land lord.
Andrea: At 34 years old bakit hindi ka pa nakakahanap ng girlfriend?
Christian: siguro hindi ko pa nahahanap si Ms Right.
Andrea: eh ano ba mga tipo mo sa isang babae?
Christian: mahirap i-explain eh.
Andrea: just tell me susubukan kong intindihin.
Christian: alam mo ba yung WOW factor?
Nagulat si Andrea sa sinabi ni Christian na WOW Factor. Akala niya kasi nung una ay siya lamang ang naghahanap nun. Matapos ang kanilang tanghalian ay nagpaalam na sila sa isat isa. Tinawagan agad ni Andrea si Jeff para sa bago niyang botique. Hindi naman tumanggi ang binatang inhinyero sa byuda.
Kinabukasan ay sinimulan na nila ang pagpapa ayos na bago niyang botique. Sinundo siya ni Jeff sa kanyang bahay sa Ayala Hillside papunta sa pinapagawa niyang bagong botique. Pagdating nila sa lugar ay agad naman silang sinalubong ni Christian. Ipinakilala ni Andrea sila Jeff at Christian sa isat isa. Matapos silang maipakilala ay sinimulan ang kanilang pag aayos. Habang busy si Jeff sa pagaays ng bagong botique ni Andrea ay nagkwentuhan naman sila Amanda at Christian. Na distract dito si Jeff at hindi na siya makatrabaho ng mabuti. Napansin ito ni Christan at kinausap niya si Jeff ukol dito habang wala si Andrea.
Christian: Jeff.
Jeff: yes sir Christian?
Christian: may itatanong lang sana ako sa iyo.
Jeff: ano yun?
Christian: may gusto ka ba kay Andrea?
Jeff: wala sir kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Christian: kaibigan o ka ibigan? Kita ko kasi kanina na destructed ka habang kausap ko siya.
Jeff: I admit na niligawan ko siya pero sinabi niya friend zone lang daw kami.
Christian: oh ok. Bakit hindi mo ulit subukan?
Inabot ni Jeff ang kanyang kamay.
Jeff: may the best man win?
Christian: Jeff hindi ko siya type. Petite ang type ko.
Parang nabunutan ng tinik si Jeff nang marinig ang mga salitang yon mula kay Christian. Kinabukasan ay masaya niyang sinundo si Andrea sa kanilang bahay upang pumunta sa ginagawa niyang botique.
Tuluyan na kayang isara ni Andrea ang kanyang puso kay Jeff o bibigyan niyang muli ito ng pagkakataon upang mapatunayan ang pagmamahal?
Abangan…..
- Millenial Romance Part 9 - November 29, 2022
- Millenlial Romance Part 8 - November 16, 2022
- Millenial Romance Part 7 - November 9, 2022