Private Nurse Part 2

hardfucker69
Private Nurse 1

Written by hardfucker69

 

(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang)

Makalipas ang dalawang taon ay tukuyan nang nakapag baba na ng luksa si Andrea mula sa pagkamatay ni Robert. Mula nang maibenta ang mansyon sa Forbes Park ay bumili siya ng simpleng bahay sa Ayala Hillside sa Quezon City. Pitong taon na si Ronald at samantalang limang taon na si Amanda. With 3 Billion peso in cash, properties, businesses, shares of stocks and assets ay kaya na niyang mabuhay ng marangya at kumportable pero simple lang ang pinili niyang pamumuhay kasama ang kanyang mga anak.

Naturuan naman siya nina Robert at Lina na magpatakbo ng negosyo at kumuha din siya ng crash course sa business management. Dahil sa sipag at tyaga ni Andrea ay mas lalo pa niyang napalago ang negosyong iniwan sa kanya ni Robert. Madalas pa rin silang mag usap ni Lina at palagi siyang kinakanchawan nito tungkol sa buhay pag ibig. Maganda pa rin si Andrea kahit may dalawa na itong anak. Madalas siyang matipuhan ng mga scout para isali sa BB Pilipinas at palagi din niya itong ginugulat tuwing sasabihin niyang byuda na siya at may dalawa na siyang anak.

Madalas i-set up ni Lina si Andrea sa mga date pero wala talaga siyang matipuhan sa mga ito. Mas gugustuhin na lamang niyang makasama ang mga anak niya kesa makipag date kung kani kanino.

Isang araw ay nagpunta siya sa mall upang maghanap ng idea sa papasuking negosyo pero sadyang napakaliit yata ng mundo. Nagkita sila Nelson at Andrea sa isang resto. Medyo nag aalangan si Nelson na tawagin ito at baka magkamali siya. Ang laki kasi ng pinagbago ni Andrea lalo na sa pananamit. Smart casual ang attire ni Andrea ng mga oras na yon. Branded din ang suot niyang accessories sa katawan tulad ng solid gold na Rolex watch with matching Cartier bracelet, necklace at classic na Chanel Bag.

Nelson: Andrea?

Andrea: yes?

Nelson: Andrea si Nelson ito.

Hindi na namukhaan ni Andrea ang dating kasintahan dahil madami nang pinagbago ito. Mas tumanda na ang kanyang itsura at nawala na ang makisig niyang tindig. Nangayayat din ito na parang walang makain.

Andrea: Nelson? Ano nangyari sa iyo?

Nelson: eto todo sa pag kayod. Nung pumanaw mga magulang ko eh nagpartihan na kami ng mga kapatid ko sa mana. Ayun hindi ako tumigil hanggang hindi nauubos ang pera ko kaya heto ako ngayon. Namamasukan na lang bilang manager sa resto na ito.

Andrea: Oh my God. I’m sorry to hear that Nelson.

Nelson: it’s ok Andrea. Sige split muna ako ha. May titignan pa ako sa kusina.

Andrea: ok.

Nagorder na ng pagkain si Andrea at naisilbi din sa kanya ito makalipas ang ilang minuto. Kumain na si Andrea upang maibsan na ang kanyang gutom. Matapos kumain ay kinuha na niya ang kanyang bill at nagbayad. Paalis na siya at sakto namang off na si Nelson sa mga oras na yon.

Nelson: Andrea uuwi ka na?

Andrea: oo. Ikaw?

Nelson: yup. Kakatapos lang ng shift ko. Nagmamadali ka bang umuwi?

Andrea: hindi naman. Bakit?

Nelson: yayayain sana kita mag Starbucks para makapag catch up tayo.

Andrea: sure

Nagpunta sila sa nasabing coffee shop at nag order na sila ng maiinom. Maglalabas na ng pambayad si Nelson pero mabilis na inabot ni Andrea ang kanyang credit card.

Nelson: Andrea nakakahiya naman sa iyo. Ako na nga nagyaya tapos ikaw pa ang nagbayad.

Andrea: ano ka ba Nelson. Ok lang yun. Para naman makapag catch up tayo.

Matapos makapag order ay umupo na sila sa bakanteng sofa habang hinihintay ang kanilang order. Nang tawagin na ang pangalan nila ay agad na tumayo si Nelson upang kunin ang mga ito. Nang makuha na ang order nila ay nasimula na ang kanilang kwentuhan. Dito nalaman ni Andrea na may asawa na si Nelson sa katauhan ni Marie. May isa silang anak na lalake na si Jacob. Tatlong taong gulang na ito at sakitin siya. Nang makuha niya ang mana niya akala niya’y hindi na ito mauubos kaya gastos lang siya ng gastos. Naramdaman na lamang niya ito nang hirap na siyang magbayad ng kanyang credit card. Sa bahay lang ang kanyang misis dahil walang magbabantay sa kanilang anak. Nagbitiw siya bilang marketing officer sa isang bangko para maalagaan ang kanilang anak.

Nagulat naman si Nelson nang malaman niyang byuda na si Andrea at may dalawang anak. Dito nagsisi si Nelson sa ginawa niyang pagiwan sa dating kasintahan. Nung araw lang ding yon niya naisip na inintindi na lang sana niya si Andrea imbes na iwanan. Maraming napagkwentuhan sila Andrea at Nelson nang mga araw na yun. Nang maubusan na sila ng kwento ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at nagpalitan ng cellphone number.

Isang linggo ang lumipas ay biglang nag ring ang cellphone ni Andrea. Si Nelson ito. Nagtataka siya kung bakit ito tumatawag sa kanya. Sinagot naman ito ni Andrea:

Andrea: O Nelson napatawag ka?

Malungkot ang boses ni Nelson.

Nelson: Andrea pwede ba tayong magkita?

Andrea: Nelson coding ang sasakyan ko ngayon tapos yung isang sasakyan ko para sa hatid sundo ng mga anak ko yun.

Nelson: pwede ba kitang sunduin?

Medyo nakaramdam na ng kakaiba si Andrea at nagpasundo na lamang siya sa gas station sa Commonwealth Avenue.

Andrea: sige magkita tayo sa Petron dyan sa Commonwealth Avenue. Tabi ng Toyota Commonwealth.

Nagkita ang dalawa sa gas station at sumakay pinasakay ni Nelson si Andrea sa kanyang sasakyan. Naghanap si Nelson ng pinaka malapit na motel malapit sa lugar. Nang makita ito ni Andrea ay kinompronta na niya si Nelson.

Andrea: Nelson motel na ito ah.

Nelson: huwag kang matakot Andrea maguusap lang tayo.

Agad na pinasok ni Nelson ang kanyang sasakyan sa motel. Nang maisara na ng roomboy ang gate ay sinamahan na niya ito sa kwarto. Pagkapasok nila sa kwarto ay agad namang niyakap ni Nelson si Andrea at binigyan ng halik sa labi. Pumalag ang byuda sa dati niyang kasintahan at nasampal niya ito.

Andrea: NELSON ANO BA!

PAK! Tunog ng malutong na sampal ni Andrea sa mukha ni Nelson.

Nelson: Andrea mahal kita!

Andrea: NELSON MALI ITO!

Nelson: Andrea iiwan ko pamilya ko para sa iyo.

Andrea: ANO? NASISIRAAN KA NA BA? NELSON KAILANGAN KA NG ASAWA’T ANAK MO!

Nelson: PAGOD NA AKO ANDREA. AKO NA LANG PALAGI ANG KUMAKAYOD PERO KULANG PA RIN. SABAY AYAW PA NIYANG MAG AYOS. MUKHA NA SIYANG LOSYANG.

Andrea: Nelson balang araw magiging losyang din ako. Maraming dahilan kung bakit nagiging losyang ang babae. Isa na dito ay ang stress. Bakit tingin mo ba hindi siya na iistress sa pag budget ng perang inaabot mo sa kanya? Hindi ba siya na iistress na palaging nagkakasakit anak nyo? Nelson buksan mo ang puso’t isipan mo. Mahal ka ng asawa’t anak mo.

Matapos masermonan ay nahimasmasan si Nelson sa mga sinabi ni Andrea. Sakto naman na kaka withdraw lang ng pera ni Andrea para sa kanyang personal na pang gastos. Binuksan niya ang kanyang bag at kumuha ng pera mula sa kanyang wallet. Binigyan niya ng 10,000 si Nelson upang maipambili ng vitamins ni Jacob.

Andrea: Nelson tanggapin mo ito bilang tulong ko sa iyo. Ibili mo ng vitamins ang anak mo.

Nelson: Andrea hindi ko matatanggap ito.

Andrea: Nelson tulong ko sa iyo ito bilang isang kaibigan.

Nelson: Andrea hindi ko talaga ito matatanggap.

Sobrang ma pride si Nelson ng mga oras na yon. Nahihiya siyang tanggapin ang tulong ng isang tao na minsan niyang sinaktan at iniwan.

Andrea: Alam mo Nelson minsan ay kailangan mong kainin ang pride mo para sa ikabubuti ng pamilya mo. Kalimutan mo na ang nangyari sa atin. 7 years ago na yun Nelson. Nakapag move on na ako. Sana makapag move on ka na rin.

Napilitan si Nelson na tanggapin ang perang ibinigay ni Andrea sa kanya. Matapos tanggapin ang pera ay nag check out na sila sa motel. Hinatid na ni Nelson si Andrea sa isang gas station sa Commonwealth Avenue at panay ang pasasalamat niya dito sa kabila ng kanyang kasalanan.

Lumipas ang ilang linggo at buwan ay panay pa rin ang pangungulit sa kanya ni Lina.

Lina: Ano Mama may bago ka na ba?

Andrea: Mama ka dyan. Wala na akong oras dyan. Kay Ronald at Amanda pa nga lang eh ubos na oras ko.

Lina: sige nga kung wala kang oras para dyan eh bakit panay ang punta mo sa mall?

Andrea: naghahanap kasi ako ng pwedeng pasuking negosyo. Tulad ng affordable clothings. Gumagawa ako ng feasibility studies.

Lina: Aba ang ermats ko naman super sipag.

Andrea: Ermats ka dyan.

Patuloy si Andrea sa paghahanap ng bagong business adventures habang patuloy naman ang pag aasikaso niya sa kanyang mga anak. Madalas niyang bigyan ng oras ang mga ito lalo na kung family day sa school. Naipaliwanag naman niya ng mabuti sa dalawa niyang anak na nasa heaven na ang kanilang ama at binabantayan sila.

Habang naglalakad sa isang bagong bukas na mall sa Quezon City ay nakita niyang maraming bakanteng stall dito. Nag inquire siya sa admin tungkol sa lease pati sa sa mga reglamento nito. Masusing pinag aralan ni Andrea ang pasikot sikot sa plano niyang negosyo. Armado lamang ng karunungan at konting kapital ay lakas loob siyang nagbukas ng isang affordable clothing store.

Matapos ang 4 months na feasibility study ay sinimulan na ni Andrea ang pagpapagawa sa kanyang napiling pwesto sa nasabing mall. Tumawag siya ng contractor sa katauhan ni Jeff, isang civil engineer. 30 years old si Jeff at binata pa. Maganda ang tindig nito at matipuno ang pangangatawan. Mas matangkad siya kay Andrea sa taas na 5’10”.

Inilatag ni Jeff ang magiging plano ng kanyang magiging botique pati na kung paano ma mamaximize ang kanyang pwesto. Mabilis naman nakasundo ni Andrea si Jeff dahil mabait naman ito at palagi pang nagbibigay ng mga espesyal na pabor. Madalas niya itong sunduin sa kanyang bahay sa Ayala Hillside papunta sa kanyang botique. Nalaman din ni Jeff na byuda na pala si Andrea at may dalawa nang anak. Hindi na niya ito pinansin at sinubukan niyang dumiskarte kay Andrea pero maayos naman siyang tinanggihan nito. Mabait si Jeff pero wala siyang “WOW” factor na hinahanap niya sa isang lalake.

Makalipas ang tatlong buwan na pag aayos ay nagbukas na ang botique ni Andrea. Dinagsa agad ito ng mga tao dahil hindi lang siya naaayon sa uso pero mura din ang kanyang presyo. Sobrang naging busy si Andrea sa kanyang bagong negosyo pero hindi naman niya napapabayaan ang kanyang mga anak. Palagi siyang gumagawa ng oras para sa mga ito at lagi silang namamasyal tuwing sem break at summer vacation.

Dumating ang summer vacation at nag request ang kanyang mga anak na mag Disneyland sa America. Pinagbigyan naman niya ang mga ito dahil may honor naman sila sa eskwelahan. Nagimpake agad sila ng kanilang gamit at nagbook na ng hotel si Andrea pati na plane ticket. Tatlong linggo silang namalagi sa America upang mag bonding ng todo dahil magiging hectic nanaman ang schedule ni Andrea pag uwi ng Pilipinas.

Makalipas ang tatlong linggo ay nagbalik na sila sa Pilipinas dala ang mga alaalang kuha sa digital camera ni Andrea. Pagdating nila sa Pilipinas ay sinalubong naman sila ni Lina sa airport at hinatid sa kanilang bahay. Dito walang paltos pa rin ang kanyang anak sa pag kanchaw.

Lina: Mama lumandi ka naman para magka love life ka.

Andrea: Mama ka dyan tsaka lumandi ka dyan.

Lina: Andrea you already gave up too much for dad. It is time for you to find your happiness. Hihiramin ko muna sila Ronald at Amanda sa bahay ha.

Pumayag naman si Andrea na hiramin ni Lina ang kanyang mga anak pero hindi pa rin niya ma take ang lumandi. Pero biglang napaisip si Andrea. May punto nga si Lina. Bakit hindi ko subukang umibig muli. Smart casual ang madalas na suot ni Andrea pero ngayon ay sumubok siyang magsuot ng short shorts at loose top. Sinubukan niyang rumampa sa Starbucks. Plano niya sana sa bar pero naisip niyang immature pa ang mga ito at puro pasarap lang ang gusto. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili niya ang Starbucks. Maraming nagtangkang pumorma sa kanya nung gabi ding iyon pero napapa atras sila tuwing sinasabi niyang byuda na siya at may dalawa na siyang anak. “Naku katawan ko lang pala ang habol nyo” bulong ni Andrea sa sarili.

Kinabukasan ay kinumusta siya ni Lina.

Lina: Mama kumusta lakad mo kagabi?

Andrea: Mama ka dyan. Ay sus katawan ko lang naman habol nila.

Lina: bakit?

Andrea: aba’y nagsisi atrasan nung sinabi kong byuda na ako at may dalawang anak.

Lina: take your time Andrea. Mahahanap mo din ang icing sa cupcake mo. Basta kwento mo sa akin adventures mo ha.

Andrea: Sira!

Hindi na ito binigyang pansin ni Andrea at mas nagfocus sa mga negosyo pati na sa kanyang botique at dalawang anak. Pero minsan ay naglalaro pa din sa isip niya ang lumandi. Sinubukan niyang mag suot ng mga seksing damit tuwing pumupunta ng mga coffee shop. Paborito niya ang short shorts upang madisplay ang mahaba at makinis niyang hita. Halos naubos na niya ang coffee shop sa Metro Manila at ganun pa rin ang nakikita niya. Katawan lang niya ang habol ng mga mokong.

Isang araw ay tumawag ang Ayala Corporation upang ipaalam kay Andrea na magkakaroon sila ng party para sa mha stockholders sa darating na byernes. Pinakiusap niya sila Ronald at Amanda kay Lina at panay nanaman ang kanchaw nito.

Lina: yiiiii mommy malay mo may mahanap ka na dyan.

Andrea: mommy ka dyan.

Pumasok na din sa isip ni Andrea ang mga sinabi ni Lina na baka mahanap na niya si Mr Right sa gaganaping party. Pinili niya ang pinaka seksing evening gown niya para sa gabing yon.

Dumating ang byernes ng gabi ay nagpunta si Andrea sa stockholders meeting ng kumpanya na ginanap sa Hotel Intercon. Dito nakilala ni Andrea ang mga iba pang stockholder ng nasabing kumpanya. Maraming nabighani sa ganda ni Andrea kahit may dalawa na itong anak. Maya maya ay may isang lalakeng naglakas loob na lumapit sa kanya upang magpakilala.

Boy: Hi.

Andrea: Hi.

Nakipagkamay agad ito kay Andrea.

Boy: I’m Philip. Philip Valderama.

Andrea: I’m Andrea. Andrea Abadilla.

Boy: Are you related to Robert Abadilla?

Andrea: He is my late husband.

Philip: oh sorry to hear that.

Andrea: its ok. How about you? Any relation with the Valderamas of Davao?

Philip: Ramon Valderama was my father but he passed away days after your husband died.

Andrea: oh sorry to hear that too.

Philip: they are good friends. Kaya dinamdam ni Dad yung pagkamatay ni Tito Robert.

Habang kausap ni Andrea si Philip ay nabuhay ang kanyang WOW Factor na hinahanap niya sa isang lalake. May sense of humor siya at matalino kausap. Parehong pareho sila ni Robert mula sa tindig at pagiging simpatiko. Mas matangkad nga lang siya kay Robert sa taas na 6’2″.

32 years old na si Philip at binata. Malapit na sana siyang ikasal ngunut nahuli niya ang kanyang nobya na si Tracy na nag check in sa isang motel kasama ang ibang lalake. Hiniwalayan niya ito at hindi na itinuloy ang kanilang kasal.

Mabilis namang nakapalagayan ng loob ni Andrea si Philip. Parang sinapian siya ng espiritu ng yumao niyang asawa na si Robert at pati pagiging gentleman ng asawa niya ay nakuha rin nito. Naging instant date sila nung gabing iyon at nagpalitan na sila ng cellphone number. Matapos ang party ay umuwi na si Andrea sa kanilang bahay upang makapagpahinga at makasama ang kanyang mga anak.

Kinabukasan habang may inaasikaso sa kanyang botique sa mall ay may biglang tumawag sa kanya. Si Philip ito. Nagulat si Andrea nang makita niya ang binata at binati naman niya ito.

Andrea: Philip! Hi. Napadalaw ka.

Philip: tinawagan ko ang anak mo tapos sinabi niya nandito ka daw.

Andrea: sino? Si Ronald o si Amanda?

Philip: anu ka ba syempre si Ate Lina.

Andrea: ay oo nga pala

Parang magbarkada lang kasi ang turingan nila Andrea at Lina sa isat isa kaya madalas mawala sa isip niya na anak niya ito. Walang masyadong tao nang mga oras na yun kaya na entertain ng byuda ang binata. “OMG” sabi ni Andrea sa sarili. “Parehong pareho sila ni Robert” sambit muli ni Andrea sa sarili. Kahit na may konting kilig na sa katawan ay pinanatili pa rin ng byuda ang pagiging refine sa pakikipag usap dito kahit nakakaramdam na siya ng init sa katawan. Matapos ang kanilang kwentuhan ay umalis na si Philip sa kanyang botique.

Kakaiba ang kilig na naramdaman ni Andrea nang araw na yun. May kasamang kilig ito. Kilig na tulad ng naramdaman niya kay Robert pero mas malakas ang boltahe ng kuryente. Hindi ito masyadong pinansin ng byuda at inisip niyang init lang ito ng katawan. Gumawa ng bucketlist si Andrea at isa na dito ay ang makipag one night stand sa mas bata sa kanya.

Matuloy kaya ang bucketlist ni Andrea? Wala kayang magiging karibal si Philip sa panliligaw sa byuda?

Abangan ang susunod na kabanata.

hardfucker69
Latest posts by hardfucker69 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x