Phoebe (Part 1)
By Maligalig
Nangyari ito noong nasa kolehiyo ako. Dahil totoo itong nangyari, binago ko ang ilang detalye tulad ng mga tauhan at lugar.
Patapos na ang third sem noon, wala na masyadong ginagawa sa eskwelahan ngunit pumapasok pa rin kami para sa baon. Ito lang kasi ang napagkukunan namin ng pera ng mga panahong iyon. May isa kaming kaklaseng babae, itago na lang sa pangalang Macy, ang nagyaya na mag-overnight sa bukid nila. May lupain kasi sila at kakatapos lang gapasin ang mga tanim dahil unti-unti nang nararamdaman ang tag-init. May pagka-boyish siya pero may boyfriend. Sumama rin si Phoebe, hindi niya rin tunay na pangalan. Maganda siya pero hindi pansinin. Malaman ang katawan kaya may kalakihan ang dibdib, bilugan ang mga mata at black beauty. Hindi sumama ang iba naming kaibigan dahil sa kanya-kanyang dahilan. Ayaw ko na rin sana sumama dahil ako lang ang lalake, out of place ika nga. Sa huli, napilit din ako ni Phoebe dahil iisang baranggay lang kami at wala raw siyang kasabay papunta at pauwi.
Hindi lingid sa kaalaman ko na espesyal ang tingin sa akin ni Phoebe, ramdam ko ito at ng mga taong nakapaligid sa amin. Pero ang kursunada ko talaga ay ang isang kaibigan nila. Nagkataon lang na may boyfriend na ito ngunit kahit gano’n ay patuloy ko pa rin siyang sinusuyo. Ito raw ang nagustuhan ni Phoebe sa akin, grabe raw ako mag-effort. Tuwang-tuwa rin sila sa akin dahil sa aking sense of humor. Laging masaya ang barkada kapag kasama ako dahil daw sa natural kong kulit. Dito na lang ako bumawi dahil pagdating sa itsura, wala— as in bokya talaga pati sa pangangatawan.
Alas kuatro ang usapan naming magkita. Hiniram ko muna ang isa naming camping tent sa bahay pero ang ipinaalam ko ay puro kami lalake. Baka sakalin ako ng tatay ko kapag nalaman niyang magpapalipas ako sa gubat ng magdamag na babae ang kasama. Nasa bente pa lang ang edad ko noon. Sa totoo lang, wala akong malisya na araw na iyon. Talagang napilitan lang ako sumama.
Nag-text si Macy na dumiretso na lang daw sa kanila, magkasama naman na kami ni Phoebe kaya bumyahe na kami. Dalawang sakay ng jeep at kulang bente minuto sa tricycle ang byahe namin. Nagdala na rin ako ng ilang makakain. Walang alak dahil hindi naman ako umiinom. Dumating kami sa bahay nila Macy bago mag alas singko. Nandoon ang boyfriend niya na kasama daw namin mag-overnight sa bukid. Unang beses pa lang namin magkita at mas bata ito sa akin, wala pa atang desi-otso. Nagyaya muna silang kumain, pero karamihan sa hinanda nila ay gulay at hindi ako kumakain no’n kaya nagdahilan na lang ako na busog pa. Bago tuluyang kumagat ang dilim ay lumakad na kami.
“Bakit nagdala ka pa ng tent? e, may kubo naman kami,” tanong ni Macy.
“Mas gusto ko matulog sa labas, magbibilang ako ng bituin,” natatawang sagot ko. Kahit ang totoo, ayaw ko lang sila makasama sa kubo dahil hindi ako maka-relate sa usaping babae nila.
Halos isang oras din ang nilakad namin papunta sa bukirin nila Macy. Totoo palang malawak ang lupain nila. Tinungo namin ang kubo at inilabas ang aming mga dala. Nagulat sila sa dami ng dala kong pagkain, may mga juice din sa bote at mga de lata. May bitbit namang bigas ang boyfriend ni Macy, may tubig at kaldero naman sa kubo na ginamit namin para magsaing. Kumain muna kami bago maglatag lalo’t mahaba ang nilakad namin. Pagkatapos namin kumain ay naghanap na kami ng pwesto kung saan maaaring ilatag ang tent. May dala ring makapal na kumot si Phoebe na pwede gawing sapin. Habang itinatayo namin ni Phoebe ang tent ay nagsiga naman ng mga lumang kahoy sila Macy. Nagkwentuhan at nagtawanan kami sa harap nito hanggang abutin na kami ng alas diyes.
Nakaramdam na ng antok si Macy. Nagyaya na siyang matulog ngunit tumanggi ako. Sinabi kong mamaya na ako matutulog dahil ine-enjoy ko pa ang langit. Madilum ang paligid doon pero napakalinaw ng kalangitan at malamig ang hangin. Pinili ni Phoebe na samahan ako at nagpasya naman sila Macy at ang boyfriend niya na sa tent na rin matulog. Wala naman akong nagawa kahit pa alam kong magiging masikip ito sa aming apat. Kinuha ni Phoebe ang dala niyang kumot at inilatag sa labas. Dito kami nahiga habang sila Macy naman ay sa loob ng tent. Bahala na sila ng boyfriend niya kung ano ang gusto nilang gawin.
Habang magkatabi kaming nakahiga ni Phoebe ay nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano. Marami kaming napag-usapan, hangggang sa mapunta sa kaibigan nilang pilit kong pinaglalaanan ng pagmamahal pero hindi umuubra. Marami naman daw iba diyan, ‘yung walang jowa. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero mahirap pilitin ang dikta ng damdamin.
Naputol ang aming usapan. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Akala ko ay tulog na ang aking katabi, pagbaling ko sa kanya ay nagulat ako sa pagkakatitig niya sa akin. Magkalapit ang aming mga mukha at napansing kong hindi siya umiiwas ng tingin. Hindi ko alam ang gagawin ng mga sandaling iyon dahil wala pa naman akong karanasan sa babae. Tinitigan ko lamang siya, at parang nangungusap ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, basta bigla ko na lang siya hinalikan. Matagal na magkadikit ang aming mga labi— walang gumagalaw. Kumalas ako sa halikan namin at muli ko siyang tiningnan, nakatingin lang din siya sa akin. Ang weird pala ng ganitong pakiramdam, hindi ko alam ang gagawin o sadyang hindi ko lang napaghandaan.
Muli ko siyang hinalikan at sa pagkakataong iyon ay sinubukan kong kagatin ang kanyamg labi tulad ng mga napapanood ko, nagpatuloy iyon hanggang sa naramdaman kong gumaganti na rin siya. Matagal ang halikan naming iyon. Humihigpit na ang hawak niya sa braso ko habang nakahawak naman ang ako sa bewang niya. Kapwa kami habol-hininga ng magbitaw ang aming mga labi.
“Tayo na ba?” tanong ni Phoebe.
“Gusto mo ba?” tanong ko naman.
Tumango lamang siya kasunod ng matamis na ngiti. Muli niya akong hinalikan at naging mas madiin na ang mga ito. Naglakas loob akong pagapangin paakyat ang mga kamay ko. Pinapakiramdaman ko kung pipigilan niya ngunit parang hindi niya ito napapansin. Sinapo ko ang malulusog niyang dibdib at bahagya siyang natigilan sa aming mainit na halikan. Akala ko ay magagalit siya ngunit mahinang ungol ang kanyang pinakawalan. Pinagpatuloy niya ang paghalik habang sige naman ang paglamas ko sa kanyang dibdib. Nanginginig ang mga ito ngunit nasisiyahan kung saan nakadapo. Hindi nagtagal ay sinubukan kong ipasok sa damit niya ang maglilikot kong kamay na hinayaan lamang niya hanggang sa mahawakan ko ang kanyang utong. Nilaro ko iyon ng akimg mga daliri na nagpa-igtad sa katawan niya. Ramdam kong nasarapan siya sa ginawa ko na ipinagpatuloy ko lamang habang naghahalikan kami. Sunod kong itinaas ang damit niya. Hindi siya kumontra at nakita ko sa unang pagkakataon ang malulusog niyang dibdib. May kadiliman sa lugar kaya hindi ko maaninag pero nahanap ng dila ko ang kanyang korona na nilaro ko parang bata. Napalakas ang ungol niya kaya matigilan ako. Sabay kaming napatingin sa tent kung nagising ba sila Macy. Agad niyang inayos ang kanyang damit na aking ikinadismaya. Akma ko itong itataas ulit ngunit hinampas niya ang kamay ko at umiling.
Bigla akong nahimasmasan. Nag-sorry ako sa kanya at sinabi niyang ok lang. Sandali kaming nanahimik ngunit dahil na rin sa lamig ng paligid, sinimulan ko siya ulit halikan. Hindi naman siya tumanggi at lumaban sa pakikipag-espadahan. Nilamas ko ulit ang dibdib niya habang nakadamit. Sarap na sarap ako sa aming ginagawa ngunit hindi na ako makuntento sa gano’n. Sinubukan ko naman pagapangin pababa ang aking kamay sa kanyang hita habang nakasuot siya ng maong pants, hanggang sa madakot ko ang pagitan nito. Nagulat siya sa ginawa ko at tumigil sa pakikipaghalikan. Hindi naman siya nagalit ngunit ayaw niyang pumayag. Nagyaya na siyang matulog at wala akong nagawa kundi sundan siya sa loob ng tent. Nakatulog si Phoebe na nakayakap sa akin ngunit hindi ko magawang antukin. Naalala ko, walang tao sa bahay next week. Planado na ang susunod na mangyayari.
- Phoebe II - February 4, 2025
- Arkila (Last Part) - February 4, 2025
- Phoebe I - February 3, 2025