PEPE 32

razel22
PEPE

PEPE 32

By razel22

 

“ Protektahan ang bahay!!! Walang may masasawi!!! Laban!!!”

 

Malakas na sigaw ni Rodolfo at itinukod ang mabigat na  gutlinggun sa kanyang binti at doon ay sunod sunod na putok ang dumagundong sa lugar. Nagsiliparan ang mga bala kasabay ng pagkawasak ng mga katawan ng mga nasa unahang zombie na patuloy pa rin sa pag-usad.

 

Si Lala naman ay napalingon sa kaliwa upang mapigilan ang mga bangkay na doon dumaraan . Gamit ang dalawang pistol ay isa isa niyang binabaril ang mga zombie na karamihan ay natatamaan sa ulo. Sa pagkakaubos ng bala ay kanya itong inihagis sa ere sabay kuha na naman ng dalawang magazine at saktong sakto ang pasok nito sa baril at muli na namang magpapaputok.

 

Kaliwa’t kanang pag-asinta at kalkulado ang bawat galaw. Paminsan minsan ay tumatakbo sabay talon at dive para lang matamaan ang mga nakalagpas sa kanyang lugar na binabantayan.

 

Di naman papatalo si Edgardo sa mga kasamahan. Walang takot at buo ang loob na naglakad palapit sa mga paparating na zombie. Nang limang metro na lang ang lapit sa kanya ay doon na biglang nalagas ang kanyang buhok at pagkapunit ng damit.

 

Palaki ng palaki ang katawan hanggang sa muling bumalik sa isang malakarneng halimaw na nung oras na yun ay kontrolado niya na ang taglay na kapangyarihan. Di niya man maintindihan kung sumpa ba yun sa pagiging sakim ngunit gagamitin niya na ito upang protektahan ang mga mahal sa buhay lalo na’t nagkita na silang muli ng kanyang pinakamamahal na Pina at mga anak.

 

Doon ay nagsilabasan ang napakaraming galamay sa kanyang katawan na kung saan ay nagbagong anyo ang dulo ng mga ito at naging matutulis na parang sibat na sabay sabay na  bumulusok sa tumpok ng mga zombie na kadahilanan ng pagkawasak ng katawan ng mga ito.

 

Gaano man karami ang kalaban ay di nakakausad ang mga ito sa depensa ng tatlo. Nanatili lang si Pepe sa likod hawak hawak ang kamay ni Nancy na nanginginig na sa takot lalo na nung nakita niya ang pagbabagong anyo ng dating boss na si Edgardo.

 

Di niya lubos akalain na ganoon pala ito mag palit anyo ngunit nakakakilabot pa rin lalo na kung lantaran niya itong nakita.

 

“ Nancy. . . Bumalik ka muna sa bahay. . Alam kung puprotektahan ka nina Ina at Lola lalo na si Ate Tessa. . . “

 

“ P-pero Peps. . . “ pag-aalangan ni Nancy kaya hinarap siya ng binata at hinaplos ang kanyang pesnge. “ Shhh. . .Ano mang nangyari kahapon ay tapos na yun. . . Di makitid ang utak ni Ate para intindihin ang mga maliliit na bagay. . . Kung may ano mang pangit na nangyari sa inyo ay di niya na yun iniisip kaya sige na. . . “ sambit ni Pepe.

 

Napalingon naman si Nancy sa pintuan at kita niya na naroroon si Tessa hawak hawak ang armas ni Pepe na mga dagger na nung oras na yun ay may nilagay ng kadena sa gitna. Napalunok agad siya ng laway ngunit alam niyang makakasagabal siya sa binata kaya muling tinignan niya si Pepe.

 

“ Mag-iingat ka ha”

 

“ Babalikan kita Nancy. . . .Pangako yan “ saad ni Pepe sa nag-aalalang dalaga. Dun ay hinalikan niya muna sa labi at pinatakbo na papunta sa kanilang bahay na kung saan ay andun nakasilip sa bintana ang mga sundalo.

 

Nagkatinginan pa si Pepe at Tessa ng makapasok na si Nancy at sabay na napatango ang dalawa. Di na rin makapag-antay si Pepe na makisali sa tatlong kasamahan sa pakikipaglaban kaya sabay na binunot niya ang dalawang espadang Shishui at Enma at walang takot na lumusob hanggang sa napatalon ng pagkataas taas at bumagsak sa napakaraming tumpok ng Zombie na kung saan ay parang ipo ipo ito sa bilis ng galaw.

 

Sa pagkakaapak niya sa lupa ay walang tigil sa pagbigwas at hiwa ng kanyang mga armas na kung saan ay nagsiliparan ang mga parti ng katawan ng mga bangkay. Gaano man karami ay di tumigil si Pepe sa pagpaslang hanggang sa makakuha siya ng momentum at inikot ikot ang dalawang espada sa katawan na kung saan sa bawat palapit na zombie ay natatadtad ng kanyang mga espada.

 

Paabante ng paabante paakyat sa mataas na burol si Pepe at dun ay pipigilan niya ang lahat ng paparating na kalaban.

 

“ Brataatatattatatattatattatat!!!!

 

Nakailang reload  na rin sina Rodolfo at Lala sa kanilang mga armas hanggang sa naubusan ng bala ang mga ito. Dun ay binitawan na ni Rodolfo ang kanyag gutling gun at binunot ang mahabang itak na nakasabit sa kanyang bewang at sumugod na rin sa napakaraming bangkay na patuloy sa pag-usad.

 

Ang napakagandang bukirin ay naging kagimbal gimbal na lugar dahil sa napuno ito ng tumpok ng patay na kung saan ay pataas ng pataas at parami ng parami ang mga katawang nagkasawak. Ang preskong hangin ay napalitan ng nakakasulasok na amoy ng mga naaagnas.

 

Ngunit gaano man karami ang mga bangkay ay unti-unti ring nababawasan dahil sa apat na nakikipaglaban. Nung wala na masyadong zombie ay napatingin sina Rodolfo , Edgardo at Lala sa taas ng burol at dun nila nakita ang binatang si Pepe na walang tigil sa pagbigwas ng espada na kung saan ay napipigilan ng binata ang pag-usad ng mga zombie papunta sa mga kasamahan ng biglang. . . . .

 

“ Pepe!!! “

 

Sigaw ni Rodolfo nung makitang bigla na lang tumilapon ang binata at gumulong gulong pababa sa burol. Dun ay nakita nila na may panibago na namang mga kalaban dahil sa merong napakaraming tank zombie ang sabay sabay na umakyat sa burol at pinaghahampas ang kanilang bawat madaanan.

 

“ Lala!!!! Kunin mo ang RPG!!! “ Sigaw ni Rodolfo.

 

“ Di na magagamit Master!!! Walang ng balang natira!!!” sagot ni Lala. Napailing iling na lang si Rodolfo at napatakbo papunta sa kanilang sasakyan para kumuha ng mga gagamitin para sa laban.

 

 

Samantala nakarating sa timog na bahagi ng bukirin ang napakaraming helicopter na pinamumunuan ni General Porferio kasama ang anak nitong sina Rey at Alfred.  Siniyasat nila ang lugar ngunit wala na ang grupo nina Rodolfo . Ang tanging nakikita lang nga mga sundalo sa ibaba ang ang tumpok ng napakaraming zombie na nakatingala at inaabot sila sa himpapawid.

 

Ilang minuto rin silang pabalik balik sa lugar ng biglang gumana ang isang radyo .

 

“ Sir merong nakuhang signal galing sa isa nating unit. Yung coordinate na sinasabi dito ay ang pinanggalingan natin kanina at sa tingin ko dun din papunta ang mga Zombie sa ibaba. “ tawag ng isang sundalo.

 

“ Reroute!!! Puntahan ang pinanggalingan ng signal “ sigaw ni General Porferio ng biglang. . . .

 

“ Dad this is a fake video!!! Di to si Nancy na nakita na kasama nina General Rodolf. . . . “ sambit ni Alfred na tinitignan ang video na nakuha ng isang piloto. Kahit si Rey ay napatitig din bigla hanggang sa nangitngit sa galit at binunot ang baril.

 

“ Let me see!” saad naman ni Porferio at tinignan ang video. Dun niya nakita na isang edited video lang pala ang pinakita ng piloto sa anak niyang si Rey kaya sa labis na galit ay hinampas niya ang camera na ikinasira nito.

 

Takot na takot naman ang co-pilot at namumutla na sa kinauupuan. Alam niyang di siya patatawarin ng mag-amang Porferio , Rey at Alfred hanggang sa maramdaman niya ang malamig na dulo ng baril sa kanyang bumbunan.

 

“ Tell me iho. . . . . Deserving ka bang mabuhay matapos ng ginawa mong pagsisinungaling ?” gigil na tanong ni Porferio.

 

“ P-please Sir. . .. Huwag po Sir. May asawa’t anak po akong kinakailangang buhayin at nag-iintay sakin. “ sambit nito. Natawa na lang ang heneral at mas dinikit pa ang baril sa ulo ng lalaki.

 

“ Then tell me. . . Ano ang rason kung bakit mo to nagawa. . . . I’ll spare your life after this. “

 

“ M-aam Athena Sir . . .Si Maam Athena po ang nag-utos sakin na gawin yun . Siya din po ang nagpatakas sa bihag na nag-ngangalang Princess. M-may kasama din po siya na taga isla at sila po ang may pakana ng lahat ng to  . . . . “ sumbong ng piloto na kung saan ay napatango tango na lang si Porferio at umatras.

 

Di niya lubos akalain na isa sa pinagkakatiwalaan niya sa Bora ay magtatraydor sa kanya. Agad na kinuha niya ang telepono at kinausap ang anak na si Vincent na naiwan dun. Sinabi lahat ng detalye at kung ano dapat ang ipaparusa sa nagngangalang Athena.

 

Matapos ang tawag ay muling tinignan niya ang co-pilot na tahimik sa kinauupuan. Nanggalaiti sa galit ang matanda hanggang sa. . . . “ Alfred! Buksan buksan ang pinto!!!” sigaw niya at mabilis na sinunod ng kanyang panganay. Matapos mabuksan ay bigla niya na lang hinablot ang damit ng co-pilot na ikinaalis nito sa kinauupuan.

 

Dahil sa ginawa ay gumewang pansamantala ang sinasakyang helicopter hanggang sa tuluyan niya na itong nahila at dahil sa laki at lakas ni Porferio ay nakuha niyang itapon palabas ang co-pilot na nahulog sa tumpok ng mga zombie na nag-aantay sa baba.

 

Balak na sanang ikansela ni Porferio ang misyon ng nakatanggap sila ng tawag mula sa isang sundalo at dun sinabi na naroroon sa pupuntahan nilang lugar ang anak niyang si Nancy na nasa panganib na ngayon ang buhay dahil sa mga bangkay.

 

“ Men!!! Fullspeed ahead!!! The target is General Rodolf at kasamahan niya! Pati na ang mga Zombie na naroroon sa lugar!!! Protect Nancy!! Again! Protect Nancy!!” sigaw ng matanda at pumalit sa upuang bakante na dating upuan ng tinapon niyang piloto.

 

Magkahalong galit,pagkamuhi at pag-aalala ang nararamdaman ng heneral at kung pwede lang na mas bilisan niya pa ang lipad ng helicopter ay gagawin niya. Mula sa dinaanan ay kita niya ang libo-libong zombie na umuusad patungo sa kanilang pupuntahan. Sa pagkagulat rin ni Perferio at may nakita pa siyang dalawang heganteng Zombie na tulad nung nakita nila sa City Proper na sumira sa Redcross Hospital.

 

“ Deal o Alive. . . . . . . . .” mahinang bulong nito at mahigpit na napakuyom ng kamao.

 

 

Boracay Island

 

Samatala sa loob ng isang bahay ay masayang nagkakape sina Athena at asawa nitong si Gregory. Sa ilang linggo na wala ang asawa ay nakagawa na siya ng malaking kasalanan lalo na ang pakikipagrelasyon sa binatang lagi niyang sinusundan na si Jeffrey na nung oras na yun ay nagtatago sa backbeach.

 

Habang nagkakasiyahan at nagtatawanan ay bigla na lang nakadinig ang mag-asawa ng isang putok ng baril malapit sa kanilang pintoan at lagabog hanggang sa bumukas ito at padapang bumagsak ang anak nilang si Allan na wala ng buhay.

 

Sandaling natigil ang dalawa hanggang sa mapatayo ang lalaki “ Allan!!! Anak!!!” sigaw ni Gregory at tumakbo papunta sa pinto ngunit sinalubong siya agad ng isang sipa mula sa isang lalaking nakasout ng puting lab coat. Sapol na tinamaan ang ginoo at ilang metro rin ang layo ng binagsakan nito at bumulagta ng tumama sa pader.

 

Si Athena naman ay di nakagalaw ng tinignan siya ng lalaki ngunit laking gulat niya ng bigla na lang siyang binaril ng Stun Gun na kung saan ay nanginig ang katawan niya at dun na nawalan ng malay.

 

PAK!!! Isang malutong na sampal ang nagpagising kay Athena kaya dahan dahan niyang iminulat ang mata at nakita ang galit na mukha ng kanyang asawang si Gregory na nanlilisik ang mata. Di niya alam ang nangyayari sa minamahal na mister hanggang sa madinig ang mga di inaasahang salita mula dito.

 

“ Pokpok!!! Traydor!!! Dahil sayo namatay ang anak ko!!! Dahil sayo ay wala na ang kaisa isahan kong anak!!! Puta ka Athenaaa!! Akala ko mabuti kang tao pero mas masahol ka pa sa mga bangkay na pagala gala sa kung saan!!!” sigaw ni Gregory at dun na naluha si Athena dahil sa mga sinabi nito hanggang sa muli na naman siyang sinampal ng pagkalakas lakas na nagpaputok sa kanyang labi.

 

“ Men!!! Bring the other one here!!! “ Sigaw ni Gregory hanggang sa biglang bumukas ang pinto at doon pinapasok ang isang lalaking bogbog sarado at di na makilala ang mukha. . . . .

 

Napatitig si Athena sa taong nasa sahig at nahintakutan nung nakitang si Jeffrey pala ito na puno na ng dugo ang katawan dahil sa mga sugat na nakamit . “ J-jeff. . . . Sorry. . . Jeff. . . Sorry” mahinang sambit ng ginang

 

“ Ngayon ipapakita ko sayo kung anong mangyayari sa mga taong kumakalaban sakin! “ sigaw ni Gregory at biglang hinugot ang mahabang itak . Di na nag-aksaya ng oras at hinampas ang braso ng nakabulagtang binata na napasigaw sa sobrang sakit nung maputol ang kanang braso nito.

 

Napamulagat ang mata ni Athena sa sinapit ng kanyang kaulayaw ngunit di pa ito ang katapusan dahil sa muli na namang hinampas ni Gregory ang kabilang braso na ikinaputol din ng matamaan.

 

Napuno ng sigaw sa sakit ang lugar na kanilang kinaroroonan hanggang sa. . .

 

“ Maingay!! Busalan niyo bibig niyan!!!” sigaw ni Gregory na sinunod agad ng kanyang mga tauhan. Agad na nilagyan ng damit ang bibig ni Jeffrey na pilit pang kumakawala ngunit isang suntok sa mukha at sinundan sa sikmura ang nagpatigil sa kanya sa paggalaw at doon ay luhaan siyang binusalan sa bibig hanggang sa muli na namang nakatikim ng isang hampas at sa pagkakataong yun ay naputol na ang isang binti nito.

 

“  Isa na lang at makukumpleto na ang lahat. . . . haaaaaa!!!” sigaw ni Gregory at pinutol na ang lahat. Sigaw rin ng sigaw si Athena at awang awa sa sinapit ni Jeffrey. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sasapitin ng lalaki ang ganoong sitwasyon hanggang sa. . .

 

“Ahhhhh!! Kaya ka pala naaadik sa hampaslupang to Athena! May ibubuga din pala!” saad ni Gregory nung hinubad ang pantaloon ni Jeff at nakita ang malaking titi nito. Di nag-aksaya ng panahon at hiniwa ang ari hanggang sa maputol . Di pa nakontento ay inalis niya ang busal sa bibig ng binata na di na sumisigaw ng oras na yun.

 

At ang mismong putol na titi ang kanyang ginamit upang  ipasok sa bibig ng binata hanggang sa sinipa niya ito padapa at inapakan sa likod. Tinitigan ni Greg ang kanyang luhaang maybahay na nakagapos ang kamay at paa “ Pagmasdan mo Athena. . . . . Pagmasdan mo “ mahinang pagkakasabi nito at inabot ang buhok ni Jeffrey sabay sabunot na nagpatingala sa binata.

 

Puwesto ng maayos si Gregory at hiniwa na parang manok ang leeg ng lalaki na kung saan ay dumanak ang dugo nito sa sahig. Palalim ng palalim hanggang sa tuluyan na itong maputol.

 

Halos mamaos naman si Athena sa kakaiyak ng biglang itapon sa kanya ang putol na ulo ng kanyang kalaguyo at biglang nadinig ang sigaw ng kanyang asawa. . .

 

“ Men!!! All of you!!!. . . .Alam kong matagal niyo ng pinagnanasaan ang asawa ko!! Kaya ngayon!! Ngayon mismo!!! Gawin niyo ang lahat ng gusto niyo!!! “ galit na sigaw ni Gregory na kung saan ay sunod sunod na pumasok ang mahigit dalawampung sundalo at isa-isang hinubad ang mga damit.

 

Nahintakutan si Athena sa dami ng nagsipasukan sa loob ng kwartong kinaroroonan. Ito ang mga tauhan ng kanyang maybahay na si Gregory. Yung iba ay naging mga kumpare na nila at mga matatalik na kaibigan. Pero dahil sa isa ring commander ang kanyang mister ay walang magawa ang mga tauhan nito kundi sundin ang kanyang utos.

 

Maluha luhang tinitigan niya ang ilang kalalakihang nagsilapitan hanggang sa may nauna at tinitigan siya ng malungkot sa mata. “ P-pasensiya na ho Madam Athena. Di ko man to gusto pero wala po kaming magagawa. “ sambit ng lalaki. Napatingala na lang si Athena at tinignan ang kesame. Alam niyang wala na siyang kawala nung oras na yun kaya dahan dahan siyang napatango at pinikit ang mata.

 

“Pasensiya na ulit. . . . .Mare “ huling nasabi na lang ng sundalo at hinila pababa ang damit ng ginang na ikinapunit nito. Dahil sa ginawa ay doon na kumawala ang dalawang naglalakihang suso na umalog pa sa kalambutan. Ang mga nakatayo sa likod na nag-aantay lamang ay natulala sa kaputian at kakinisan ni Athena.

 

Matagal na nila itong pinagnanasaan at bali-balita rin ang pagiging easy go lucky nito sa tuwing nasa misyon ang mister. Pero nung oras nay un ay napagmasdan na nila ang inaasam asam na katawan ni Athena hanggang sa. . . ..

 

“ H-huwag. . .Pare pakiusap huwaaaag. . . “ ungos nito at pinilit inila ang nakataling kamay. Ngunit huli na dahil sa nahawakan na ng lalaki ang garter ng shorts at dahan dahang binaba. Sa bawat pulgadang pababa ito ay ganun na lang ang pag-taas ng libido ng mga sundalong nasa likuran hanggang sa tuluyan ng maalis ang shorts at sinunod naman ang puting panty na sa pagkakababa pa lamang ay sabay na napalunok ng laway ang lahat.

 

Kahit ang nasa unahang lalaki ay di makapaniwala sa kanyang nakikita lalo na’t napakalapit sa kanya ang kalbong puke ni Athena na kaysarap titigan. Gamit ang magaspang na mga kamay ay napahawak siya sa magkabilang binti at sapilitang pinabukaka dahilan na nakita niya na rin ang napakasarap na butas hanggang sa. . .

 

“ Haappp. . .UUhhmmmm!! Huwaag. . Pakiusaaap . . . .Ayokooooo!!” napasigaw na ang ginang ng biglang sisirin at laplapin ng lalaki ang kanyang masarap na puke. Para asong hayok sa laman na pati loob niya ay pinapasukan ng dila sabay kalikot na kung saan ay napapaangat ang pwetan ni Athena.

 

Labag man sa kalooban pero iba ang nangyayari sa kanyang katawan at labis na sarap ang kanyang nararamdaman lalo na’t mabalbas ang lalaking kumakain sa kanyang pagkababae.

 

“ Ano pang hinihintay niyo!!!! Sabayan niyo naaaaaa!!!” galit na sigaw ni Gregory na nakasandal lamang sa pader. Pinagmasdan niya ang asawa kung paano sabay na gahasain ng kanyang mga tauhan. Masakit man sa kanya ay dapat niya itong parusahan dahil sa malaking pagkakasala . Napabuntong hininga na lang ang lalaki at sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya si Athena na sa pagkakataong yun ay may pumwesto na sa likuran nito at sapilitang pinatuwad hanggang sa kinantot na ng todo.

 

Nang makalabas siya ay doon na siya naiyak. Di niya gustong gawin yun sa asawa pero di rin niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya na ikinamatay ng kanilang anak.

 

“ Are you Done Greg?” saad ng lalaking naka Labcoat na may hawak hawak na yosi. . . .

 

“ Yes Commander Vincent !!! Already Done!!!” pasigaw na sagot ni Gregory at nagsalute pa. “ Then Samahan mo ko. I have something that needed to be test. . . Let’s go. “

 

 

 

“ GRaaaahh!! “ Isang alulong ng halimaw na kung saan ay sabay sabay na napalingon dun ang lahat. Yun pala ay ang malakarneng halimaw na si Edgardo na galit nag alit nung makitang nasaktan si Pepe. Biglang napatalon ito ng pagkataas taas at tinutok ang mga galamay sa napakaraming zombie na papaakyat pa sa burol.

 

Mula sa kanyang kinaroroonan ay kitang kita mismo ni Edgardo na parang langgam sa dami ang papunta pa sa kanila. Sa pagkakapwesto sa ere ay biglang nagkandaputol ang kanyang mga galamay na kung saan ay bumulusok ang mga matatalim na dulo sa tumpok ng ga zombie na parang gutlinggun sa dami. Sa bawat napuputol ay mabilis itong nag reregenerate kaya walang tigil sa pagatake ang malakarneng halimaw hanggang sa iilang tank zombie ang napuruhan at nagkandahulog na lamang.

 

Sa pagbaba ni Edgardo ay mabilis itong tumakbo paakyat para salubungin ang mga paparating ngunit. . . . .

 

“SHHHHHHHHWWWKKKKK!!! KABOOOOOOOOOMMMM!!!” Isang missile launcher ang bumulusok mula sa himpapawid at sa di inaasahan ay sapol na tinamaan ang katawan ni Edgardo. Isang napakalakas na pagsabog ang naganap na nagpagimbal sa pamilya Sarmiento.

 

“ED!!!!! “ Mula sa loob ng bahay ay naiyak si Pina dahil sa kitang kita niya ang pangyayari. Napatakbo ito palabas ngunit mabilis na nahawakan ng kanyang inang si Cindy ang kanyang kamay.

 

“ Anak sandali!!! Huwag kang lumabas at bantayan sila dito!!! May mas importante tayong misyon na dapat gampanan!!”

 

“Hindi Ina!!! Hindi!! Di ko na hahayaan pang magkawalay kami ni Edgardo! Buhay niya at buhay ng mga anak ko ang nakasalalay dito dahil sila mismo ang humaharap sa lagim na nangyayari sa labas! Bilang isang ina ay di ko hahayaang mangyari yun at hinding hindi ko kaya ang tumunganga na lang dito sa loob at mapagmasdan ang nangyayari sa kanila!! “ sigaw na sagot ni Pina at pwesahang inalis ang kamay na mahigpit na hinahawakan ni Cindy.

 

Napatakbo ito sa kanyang kwarto at mabilis na inalis ang malapad na carpet. Mula doon ay may isang pinto sa sahig na agarang binuksan ng ginang. Nung makita ang nasabing armas ay agad niya itong kinuha na natatakpan pa ng pulang tela at puno ng agiw.

 

“ Tulungan mo kami. . . .” pabulong na samit ni Pina hawak hawak ang isa na namang maalamat na espada na kilala sa tawag na Wado Ichimonji. Ang espadang naipasa sa kanya ng isang matanda na galing pa sa malayong lugar na animo’y isa itong nagkokolekta ng mga maalamat na espada.

 

“Pina !! Gagamitin mo na ba siya?” saad ng matanda na naroroon na sa pintuan.

 

“ Oo ina. . .Kinakailangan na” sagot nito at inalis ang pulang tela. Tumakbo dere-deretso palabas ng bahay at doon ay naabutan niya ang dalagang si Tessa na kaharap ang tatlong Tank Zombie na nakalapit na sa kanila nung oras na yun .

 

Naiwan naman si Cindy sa pintuan ng kwarto ni Pina. Malalim na nag-iisip ang matanda hanggang sa napabuntong hininga na lang ito. Nagmadaling naglakad papunta sa kanyang kwarto at tulad ni Pina ay mayroon ding siyang sekretong taguan na sa ilalim din ng sahig.

 

Sa pagkakabukas niya ay nasilayan niya ring muli ang dalawa pang espada na mahigit labinlimang taon niya nang itinago. Sabay na kinuha niya ang mga ito at inalis sa mga telang puno ng agiw.

 

“ Yubashiri. . . . . .Sandai Kitetsu “ tanging nasabi ni Cindy at itinali sa kanyang bewang ang sabitan ng mga espada. Tulad ni Pina ay dere-deretso din ito sa pagtakbo sa labas at sa pagkakaapak niya pa lang sa lupa ay bigla na lang naging mala-pusa ang kanyang mata.

 

Bumungad sa kanya sina Tessa at Pina na walang tigil sa pakikipaglaban sa sari-saring bangkay na nakalusot na sa depensa ng apat. Sa pagkakabunot ni Cindy ng dalawang espada ay napasipa ito sa lupa na nag-iwan pa ng bitak at bumulusok ang matandang babae dere-deretso sa karamihan ng mga zombie at tinadtad ang katawan ng bawat isang matamaan ng kanyang dala-dalang mga espada.

 

 

Samantala sa loob ng bahay ay takot at pagkataranta ang nararamdaman nina Vi at James . Kahit ang tatlong sundalo ay walang tigil rin sa pagtipa sa kanilang mga telepono lalo na nung nakita nila ang mga nangyayari sa labas. Nanatili naman si Nancy sa dulo dahil sa ilang na sa kanya si Vi lalo na nung nakita na magkasama sila ni Pepe.

 

“ Halimaw. . . . .Halimaw ang pamilyang to!!! Mga halimaw ang pamilya ni Pedro!!! “ hurumentadong sigaw ni James at pabalik balik sa sala dahil sa takot na takot. Basang basa na rin ng pawis ang namamagang mukha hanggang sa biglang. . . .

 

“BOGGG!!! “ Isang napakalakas na kalabog ang nadinig nila mula sa likuran ng bahay. Mabilis na lumapit doon ang isang sundalo ngunit sa pagkakarating niya sa kusina ay bigla na lang nakadinig ang lahat ng nakakakilabot na sigaw matapos sinunggaban ito ng isang zombie sa leeg. Kitang kita mismo ng mga nasa loob ng bahay ang pagkawasak ng leeg ng sundalo hanggang sa meron pang nakapasok at niratrat ng mga kuko ang katawan ng patay na sundalo na kung saan ay nagkandahulog sa sahig ang kanyang mga lamang loob.

 

“Brataataattaattaaattatat!!!! Sunod sunod na putok ang nangyari sa bahay matapos ratratin ng dalawang sundalo ang mga zombie na nakapasok at paabante ng paabante ang dalawa para bantayan ang kusina.

 

Takot na takot na nagsisisigaw si James na mas sobra pa sa dalawang dalaga dahil sa wala na silang lulusutan pa. Napapaligiran na ang lugar mga zombie ng bigla na namang nakadinig ng sunod sunod na pagsabog mula sa labas.

 

Kasabay nun ay ang malakas na tunog ng napakaraming helicopter na kung saan ay nakadama ng pagyanig sa paligid at napuno ng apoy at usok dahil sa sunod sunod na missile ang tumama sa tagong bukirin.

 

Samantala kaiwa’t kanang takbo at talon ang ginagawa ni Pepe para makaiwas sa mga zombie at mga ligaw na bala mula sa itaas. Gamit ang dalawang espada ay parang ipo-ipo sa bilis ang galaw na nahahati niya ang katawan ng kanyang madaanan. Ang dating napakagandang lugar ay naging isang bukid ng bangay kaya medyo hirap ang binata sa pag-galaw dahil ingat na ingat siya sa kanyang maaapakan.

 

Sa patuloy na pag-usad ay nakita niya ang kanyang lolo Rodolfo na naroroon sa labasan ng van patuloy sa paghampas at hiwa sa mga lumalapit sa kanya. Halos di na makapag-isip ng maayos si Pepe dahil sa pag-aalala ng bigla na namang sumabog  ang lupang may sampung metro lang ang layo sa kanya ng matamaan ito ng missile.

 

Dahil sa impact ay nilipad nito si Pepe na kung saan ay bumagsak ang binata sa tumpok ng mga bangkay at hilong hilo. Nabibingi na rin dahil sa ingay ng paigid at parang target shooting lang ang nagaganap sa lugar na yun.

 

Walang zombie o sibilyan. Ang misyon ay ubusin ang lahat ng nasa labasan hanggang sa may sunod sunod na namang missile ang bumulusok pababa na kung saan ay kitang kita mismo ni Pepe na malapit lang ito sa kanilang tahanan.

 

KABOOOOOOOOOOOOMMM!!!

 

“ Mama!!! Papa!!! Tulong!!! “sigaw naman ni James sa loob ng bahay at nahintakutan nung makitang nakagat na ang dalawang sundalong pumuprutekta sa kanila. Wala na silang matatakbuhan pa ni Vi hanggang sa. . . .

 

“ Dito!!! Dito!!!! “ sigaw ni Nancy na nadinig ng dalawa. Agad na napalingon sina James at Vi at nakita nila na sa pintuan ng kwarto ni Pina ang dalagang si Vi. Di na nagsayang pa ng oras ang dalawa at tumakbo papunta doon. Nung makapasok ay nakita nila ang isang underground na taguan ng gamit na kung saan ay pababa na si Nancy doon.

 

Lumapit naman si James at Vi ngunit nagimbal sa kanilang nakita dahil sa pangdalawahang tao lang ang kasya.

 

“ Sis!! Sir James!!! Pasok na kayo” sigaw ni Nancy at bumaba na rin si Vi. Ngunit wala ng lugar para sa isa pa. Tarantang taranta naman si James at nawala na sa wastong isip ng bigla niya na lang hawakan ang braso ni Nancy at hinila pataas.

 

Dahil dun ay naalis sa kahon ang dalaga at magrereklamo pa sana ng bigla na lang suntukin ni James ang kanyang tiyan na dahilan ng pagkatumba ni Nancy sa sahig at nasuka ng tuluyan.

 

Bumaba na si James at nagtago. Bago pa nila sarhan ang butas ay napatitig muna sina James at Vi kay Nancy . . . “ Pacensiya Sis pero di ka na pwede dito. . . . Hanggang dito na lang. . Paalam” bulong ni Vi na kung saan ay napatingin pa sa kanya si Nancy at doon na nila sinarhan ang pinto.

 

Masakit man ang katawan lalo na ang sikmura ay pinilit na bumangon ni Nancy . Kita niya rin na nakasilip pa sina Vi at James at nakikita siya. Napapailing na lang ang dalaga at wala ng magagawa kaya napatukod ang isang kamay sa kama para suportahan ang bigat at pinilit makatayo.

 

“P-pepe. . . . . Tulong. . “ tanging nasabi ng dalaga . Sa pagkakatayo niya pa lang ay bigla na lamang dumaan ang dalawang zombie na nakapasok na sa bahay kaya namutla ng husto si Nancy at parang maiiyak na sa sobrang takot. Tahimik na nagtago siya sa likod ng pintuan at nagdasal na sana makaligtas pa sila.

 

Ngunit sa di inaasahan ay may nakapasok na bangkay at napatitig sa paligid. Tanging pinto lamang ang pagitan ng dalawa at pigil na pigil si Nancy na di makagawa ng ingay ngunit sa kanyang pagkagulat ay bigla na lang umangat ang pintuan ng underground na pinagtataguan nina Vi at James at kasunod nun at biglang lumabas ang ulo ni Vi at nagtapon ng isang bato na naglikha ng ingay.

 

“Hrahhhhhhh!!!” agad na naalarma ang bangkay at pumasok na ng tuluyan sa kwarto. Dun na napahikbi si Nancy sa labis na takot lalo na nung nakita niya na ang likod ng zombie na tuloy tuloy sa paglakad sa loob ng kwarto. Kilabot at takot ang gumapang sa kanyang katauhan at parang mawawalan na ng malay at mas lalo siyang kinabahan nung humarap na sa kanya ang zombie hanggang sa. . .

 

“ Huwag. . .Please huwag pakiusap. . . . . Ayoko pang mamatay please. . pleaseeee. . . “ naiiyak na si Nancy sa takot ngunit mas lalo lang nanggigil ang bangkay sa kanya. Dun na napasigaw si Nancy nung sinugod na siya ng zombie kaya ang tanging nagawa na lang ng dalaga ay iharang ang pinto para di siya makagat. Naaabot na ang kanyang kamay na mabilis niya rin tinatapik para di siya makalmot.

 

Gaano man katakot ay di pinanghinaan ng loob ang dalaga hanggang sa bigla na lang natanggal ang pintuan na dahilan ng pagkatumba ni Nancy. Sa pagkakataong yun ay tuluyan ng nakalapit sa kanya ang bangkay at dinapaan ang nakatumba niyang katawan ng biglang. . .

 

“SSSWWWWWWWWWHHHHHHHHKKK!!!” isang tunog na likha ng isang armas na tumama sa katawan ng zombie at sa lakas ng pagkakatama ay nilipad ito ng ilang metro matapos matamaan ito sa ulo. Sunod sunod din ang tunog na yun na dahilan ng pagkatumba ng mga zombie sa loob ng bahay hanggang sa . . .

 

“ Ate. . . Ate Nancy ok ka lang ba?” sambit ng dalagang si Princess na hawak hawak na pala ang armas ni Rodolfo na Crossbow na bigay pa ng kaibigan nitong si Karding. . .

 

Dahil sa takot ay di agad nakasagot si Nancy ngunit dahan dahan siyang pinatayo ni Princess at inilalayan sa paglalakad papunta sa isang kwarto na pinagtataguan ng dalaga.

 

Mula naman sa underground ay kitang kita nina Vi at James ang lahat . Matapos makaalis ang dalawang dalaga ay nagkatitigan sina Vi at James at sabay na napangiti. . .

 

“ Di na magtatagal yun Babe. . . Trust me. . . Wala na siya. “

 

KABOOOOOOMMMMMMMMMMM!!!! BRATTATATATATATAAATATAATTA!!!”

 

Sunod sunod na pagsabog at walang tigil na putok ng mga baril ang nangyari. Umulan ng bala mula sa kalangitan galing sa mga sasakyang pamhimpapawid na paikot  ikot sa lugar. Parang bundok na rin ng katawan ng mga zombie hanggang sa. . .

 

“Rodolfo!!!! Asan ka Rodolfo!!! Alam kong buhay ka pa!!! Ilabas mo ang anak koooooo!!! Ilabas mo siyaaaaaaaaaa!!!” isang sigaw ang lumaganap sa paligid. Nadinig ng lahat lalo na ni Rodolfo na nung oras na yun ay parang matutumba na sa sobrang pagod. Napuno na rin ng dugo ng patay ang kanyang katawan at hinahabol na lang ang paghinga. . . .

 

“ Kung hindi mo ibabalik ang anak ko ay uubusin ko kayong lahat ditoo!!!” dugtong pa ni Porferio at lumabas na ng helicopter na may dala dalang baril. Nasa likuran nito ang dalawang anak na lalaki na naka combat suit na at handa na ring makipagbakbakan.

 

Sa patuloy na pagtugis sa mga bangkay ay tanging ingay na lang ng missile at rocket ang madidinig ng biglang sumenyas si Porferio at doon na tumigil ang lahat ng helicopter sa pag-atake. Pinagmasdan niya ang lugar at napahanga dahil sa meron siyang nakikitang mga buhay pa.

 

Nang mapatingin siya sa isang dereksyon na kung saan andun ang sasakyan ay nagtama ang paningin ng dalawang matanda. Kita ni Porferio ang duguang katawan ni Rodolfo. Dahan dahan siyang napangiti . “ Ibaba mo ang chopper at may tatapusin lang akong matagal ng balakid sa plano ko. “ utos niya sa piloto na agarang din sinunod.

 

Nang oras na yun ay mahigit limampong helicopter ang bumaba sa kabundok na katawan ng mga napaslang na zombie hanggang sa tuluyang bumaba si General Porferio Trinidad. Di naaalis ang paningin nito sa nakatayong si Rodolfo . Sinimulan niya ng maglakad palapit sa kinaroroonan ng matanda at sa bawat hakbang ay inihahanda na nito ang hawak hawak na armas .

 

“ Rodolf Williams. Ex General .L ong time no see. “ saad ni Porferio nung sampung metro na lang ang lapit ng dalawa. Tinitigan niya mula ulo hanggang paa ang matanda at napaismid. “ Di ko akalain na ganyan na pala sitwasyon mo matapos mong mawala general. Nagkita pa naman tayo sa City nung nakaraang mga araw. . . “ dugtong nito at hinimas ang hawak hawak na long barrel fire arm.

 

Pagod man at parang aatakihin na ng hika dahil sa katandaan ay pinilit tumayo ni Rodolfo. Alam niyang wala siyang kawala kay Porferio nung oras na yun. Mahirap man ang sitwasyon ay kinakailangan niya na itong harapin . Ang tanging nagawa niya na lng ay itaas ang noo at tinitigan sa mata mula sa malayo ang dating kasamahan na tumaraydor sa kanya.

 

“ Porferio. . . . Este Heneral ka na pala ngayon ano. . . . . Naparito ka yata? Balak mo na bang wakasan to? O may kinakailangan ka pa sakin?” sambit niya na nakapagpatawa sa heneral.

 

“ Meron nga Rodolf. . . .Ilabas mo si Nancy. . . .Para tapos na ang usapan. “ sagot ng matanda na ikinatawa naman ni Rodolf. “ Nancy? Ahhhh. . . Yung dalagang kasintahan ng apo ko. . . . Oo narito siya. “ sagot ni Rodolf na nakapagpataas sa kilay ni Porferio.

 

“ Kasintahan? Nonsence Rodolf. Di pumapatol sa lalaki yung anak ko. . .Asan na siya? “

 

“ Huh? Hindi nga ba? . . . .Andun siya sa bahay na yun oh. “ Sambit ni Rodolf at tinuro ang bahay ng kanyang asawang si Cindy. “ Dun pinoprotektahan ng pamilya ko ang anak mo. “ sagot niya na ikinalingon ni Porferio sa bahay na gawa sa kahoy. Mula sa kinaroroonan ay kita niya ang mga tao doon at namangha ng makita ang pamilyar na mukha ng isang babaeng matagal niya nang inaasahang patay na rin.

 

“ Cindy??? Heh. . . Hanggang ngayon ay habol ka pa pala ng habol sa isang puta? Isang  pokpok na mababa ang lipad? Isang babaeng bayaran na tinira na ng boung bayan lalo na mga tauhan ko? Isang babaeng walang karespe-respeto sa sarili at nakuha ka pa. . . . . .” Di natapos ni Porferio ang sasabihin ng bigla na lamang mawala si Rodolfo sa kinatatayuan nito.

 

Kasunod nun ang isang malakas na tunog ng nabaling panga matapos matamaan at makatikim si Porferio ng solidong suntok mula kay Rodolfo na dahilan ng pagkatapon ng kanyang katawan ng ilang metro at nakailang ikot pa bago bumangga ang katawan niya sa paanan ng dalawang anak na sina Rey at Alfred.

 

“ Haaaaa. . . . . haaaaa. . . . . Sabihin mo na lahat sakin. . .Huwag lang sa babaeng pinoprotektahan ko!!! Wakasan na natin to Porferio!” galit na sigaw ni Rodolf at napatakbo palapit sa nakadapang kalaban ng biglang. . .

 

BANG!!!! Umalingawngaw ang isang putok na nagpagulat sa lahat. Kasunod nun ay pabagsak na napaluhod si Rodolfo sa lupa at napatukod ang isang kamay para hindi matumba matapos matamaan ang kanang dibdib ng bala.

 

Mula naman sa bahay ay kitang kita nina Cindy at Pina ang nangyari kaya sabay na napasigaw ang mga ito at tatakbo na sana para tulungan si Rodolf ng biglang barilin ng mga sundalo ang kanilang dadaanan na nakapagpatigil sa dalawa.

 

“ Heh. . . . Malakas ka pa rin pala kahit matanda na Rodolf. . . .  Pero. . . . . Di na to umaapekto ngayon. “ sambit ni Porferio na dahan dahang tumayo. Napapahimas pa sa napinsalang panga hanggang sa biglaan na lang itong tumakbo at sinipa ang katawan ni Rodolf na ikinagulong nito sa lupa at nagsibangga sa mga katawan ng mga bangkay na nagkalat sa paligid.

 

Naglakad pa si Porferio at hinawakan ang leeg ni Rodolf sabay angat. Hirap naman si Rodolf sa paghinga at hindi alam kung bakit ganoon kalakas ang kanyang kaharap hanggang sa narinig niya ang tawa ng heneral at bigla na lang siyang sinikmuraan . . . . “ Alam mo bang malaki ang nagastos ko para lamang sa pagkakataong to? Sino ba naman ang mag-aakala na di na eepekto sakin ang suntok mo tanda.

 

Alam kong may sa halimaw ang pamilya mo pati na si Cindy pero. . . . . Sa tulong ng isang Mad Scientist na si Patricio ay nagkaganito ako? Di muna kita tatapusin Rodolf. . . .Gusto kitang pahirapan. Makita ang mukha mong nasasaktan. . .  “ bulong niya at tinapon ang katawan ng matanda na kung saan ay tumama ito sa gilid ng van at sa lakas ng impact ay nayupi ang gilid ng sasakyan.

 

Para namang ginaganahan si Porferio nung oras na yun na subukan ang mga ininject sa kanya ni Patricio Bernabe na mga fluids at kita pa ang dumadaloy na itim na ugat sa kanyang leeg at mga braso. Napahakbang siya palapit sa nakabulagtang si Rodolf ng biglang na lamang lumakas ang ihip ng hangin at laking gulat niya ng makita ang napakalaking galamay na papahampas sa kanya.

 

Huli na para makailag kaya denepensa ni Porferio ang mga braso at tinanggap ang isang malakas na atake mula sa kawalan. Sa lakas ng impact ay nilipad ang katawan ng matanda na tumama pa sa isang helicopter. Doon na napasuka ng dugo si Porferio dahil sa hindi inaasahang pag-atake. Kahit ang dalawa nitong anak at mga tauhan ay inihanda na rin ang mga armas at hinagilap ang salarin ng biglang. . .

 

SSHHWKKKK!!! SHHKKK SHHHKKKK!!!” Ilang matatalim na parang sinulid na galamay ang umulan mula sa ere na kung saan ay natumba ang iilang tinamaang sundalo.  Napatakbo rin sina Rey at Alfred at kinuha ang katawan ng kanilang ama para magtago sa likod ng helicopter hanggang sa biglang bumagsak sa lupa ang isang malaking malakarneng nilalang . . . .

 

Nagulat at nahintakutan ang lahat ng makita ang hitsura nito maliban kina Rey, Alferd at Porferio na nakatayo na nung oras na yun. Gamit ang isang galamay ay inabot nito ang katawan ng nakahandusay na si Rodolfo at humaba hanggang sa dinala nito ang katawan ng matanda pabalik sa bahay.

 

“ hahahahhaha!! Hahahahahah. . . . .Ganyan pala kapangit ang hitsura ng isng palpak na imbensyon. . . Kamusta Edgardo? “ natatawang sambit ni Porferio na naglakad at pumauna. Walang takot na nararamdaman . Galit namang nakatitig sa kanya ang halimaw at nakahanda na rin ang ilang matutulis na galamay.

 

“ Salamat nga pala sa pera mo ha. . . . Nang dahil sayo ay nakagawa ng perpektong produkto ang doktor na inirekomenda ko sayo. . . .Kilala mo siya di ba? Si Patricio Bernabe. Alam naman nating lahat na siya ang nagsimula sa krisis na nangyayari dito sa mundo at dahil rin yun sa pera mo. Pero sino ba naman ang mag-aakala na  pati ikaw mauuto at makakatikim ng palpak na produkto niya? Hahahahaa”

 

Dun napaisip si Edgardo sa katauhan ng malakarneng halimaw na tama nga naman ang mga nasabi ni Porferio pero imbes na magalit ay nagawa niya pang matawa hanggang sa unti-unting bumalik sa dating anyo. Nakangiti pang nakatingin si Edgardo sa heneral . “ Tama ka naman sa sinabi mo . .  .Pero di yun ang dahilan para magalit ako General Trinidad. .  .Ang palpak na kapangyarihang to na sinasabi mo ay hindi basta basta. . . .Alam mo ba kung bakit? Saad nito na nakapagpataas sa kilay ng matanda.

 

Sasagot pa sana si Porferio pero sa pagkakabuka ng kanyang bibig ay kasabay nun ng paglabas ng isang malaking galamay mula sa kanyang kinatatayuan. Di nito inaasahan ang nangyari pero bago pa tumusok ito sa kanyang tiyan ay nahawakan niya na ito upang di siya masaksak. “ Alfred!!! Rey!! Sugod!!! “ sigaw niya na kung saan ay agad na napatakbo ang dalawang anak na tulad niya ay na inject na rin pala ni Patricio. Sabay na umatake ang mga ito kay Edgardo na nung oras na yun ay nakontrol na ang taglay na kapangyarihan.

 

Biglang lumabas ang mga galamay sa likuran at denepensahan ang sarili sa atake ng dalawa. Sumugod rin si Porferio matapos makabawi sa atake ni Edgardo at napasigaw sa mga kasamahan na barilin ang kilalang businessman.

 

Ngunit dahil na rin sa andun sina Rey at Alfred ay di makapagpaputok ang mga ito. Napailing na lang si Porferio at tumakbo sabay talon. Nakailang ikot pa sa ere ang katawan at nagpakawala ng isang sipa na kung saan ay nasangga naman ng isang galamay ni Edgardo.

 

Isa laban sa tatlo. Walang tigil at walang humpay na laban . Alam ni Edgardo na makakaya niya ang tatlo ngunit dumating ang oras na bumagal ang kanyang mga galaw. Natatamaan na rin siya ng mga atake ng magkapatid na Rey at Alfred. Nakakasuntok na rin si Porferio pero nakakabawi rin si Edgardo sa tatlo ng biglang. . . . .

 

May isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan . Sa tindi ng pwersa ay nahati sa dalawa ang iilang helicopter na naroroon sa daraanan nito. Kita ni Edgardo ang paparating na atake mula sa kawalan pero di siya umalis sa kinaroroonan at pinagpatuloy ang pakikipaglaban.

 

Masyadong busy naman ang tatlo ng biglang na lamang naramdaman yun ni Porferio . Bago pa sila mahiwa ay nahawakan niya ang mga braso ng dalawang anak at hinila palayo sabay tapon sa kung saan. Nakadive rin si Porferio paalis at dun na dumaan ang puting liwanag na gawa ng hangin na humiwa sa dinaraanan nito. Kahit si Edgardo ay di nakaligtas at nahati sa dalawa ang katawan.

 

Ngunit dahil sa tagay na regeneration ay bumabalik pa rin ito sa dati. “ Sino yun!!! Lumabas kaaaa!!!” sigaw ni Porferio hanggang sa may isa na namang maliwanag na hangin ang dumaan at humati sa iilang helicopter at kanyang mga tauhan. Doon na sunod sunod na nagpaputok ang napakaraming sundalo sa iisang dereksyon. Tumagal ng limang minuto ang walang tigil na pag-atake at napuno ng alikabok ang paligid.

 

Ngunit sa isang ihip ng hangin ay nahagilap ng kanilang mata ang isang pigura mula sa mga alikabok. Dahan dahan itong naglalakad . “ Paslangin niyo!!!! Men!!! Kill him!!!” sigaw ni Porferio pero bago pa makapagpaputok ang kanyang mga tauhan ay nagkandahulog ang mga braso ng mga ito dahil sa biglaan na namang atake.

 

Sa gulat ng lahat ay bigla na lamang nahulog mula sa ere ang isang napakagandang dalaga na may hawak hawak na dalawang pulang dagger. Tulad ng nakita na noon ni Porferio ay may mala-pusang mata ang dalaga at iniihip pa ng malakas na hangin ang mahabang buhok.

 

Mula naman sa mga alikabok ay lumabas ang isang binata na sa pagkakataong yun ay may hawak na dalawang espada sa magkabilang kamay. Gulat rin ang iilan dahil sa may kagat kagat din na isa pang espada ang binata at dere-deretso ito sa paglalakad.

 

Doon na napalunok ng laway si Porferio at ang dalawang anak. Dahil ang anyo ng binata ay naiiba sa lahat. Merong itim na usok ang lumalabas sa katawan nito at sa likod ng binata ay pumorma ang usok na parang isang demonyo na naghahatid na kamatayan para sa lahat.

 

Di makapagsalita at nanginginig ang mga kamay. Dahil sa presensiya ng binata ay nawala ang tapang at lakas ng loob ng heneral lalo na’t nakita niya ang kinahinatnan ng atake nito na nagpawasak sa mga sasakyang pamhimpapawid.

 

Habang naglalakad ay iwinasiwas ng binata ang mga espada na kahit mabagal ay nagkandatadtad ang mga katawan ng nagkalat ng bangkay sa paligid. Labis na takot ang naramdaman ng mga nakakakita sa kanya hanggang sa makarating siya sa harapan ng tatlong sundalo.

 

Parang mga langgam na tinitigan niya ang mga ito at dahan dahang humanda para sa isang atake na alam niyang tatapos na sa lahat. Takot na takot rin ang mag amang Rey,Alfred at Porferio at napakabigat na ng pakiramdam . Di makaalis sa kinaroroonan at alam nilang sa oras na matamaan sila ng atake ng binatang naroroon sa kanilang harapan ay matatapos ang lahat.

 

Sa ihip ng hangin at katahimikan ng paligid ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang boses. Doon napatigil saglit ang binata at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Mula sa malayo ay nakita ng lahat ang dalawang babaeng tumatakbo. Ito ay sina Princess na dala dala ang crossbow ni Rodolfo at hawak sa kabilang kamay ang braso ni Nancy na hirap na rin sa pagtakbo.

 

“Pepe!!! Tama na please. . ..   Huwag. . . “ sigaw ni Nancy at pinilit na lumapit sa binata . Nang makarating ay niyakap niya ito ng walang takot. Gulat din sina Porferio , Rey at Alfred sa natuklasan hanggang sa. . . .” Peps. . .Please. . . Theyre my family . . . . . Tama na please Peps. .  . . .Tama na please” sambit ni Nancy at dahil sa babae ay dahan dahang kumalma ang galit ng binata.

 

Bumalik sa normal ang hitsura ni Pepe at dahan dahang binaba ang mga hawak na espada. Isa-isang binalik sa scabbard  ng hindi inaalis ang paningin sa tatlong sundalong nasa harapan niya. “ Nancy. . . . pakiusap paalisin mo ang mga yan dito. . . . Dahil sa oras na saktan pa nila ang pamilya ko ay uubusin ko sila. . . .Lahat sila” marahang pagkakasabi ng binata pero may gigil. Muli niyang tinignan si Porferio at tinuro ito.

 

“ Pasalamat ka tanda.. . . . .Pasalamat ka dahil sa anak mo si Nancy. . . .Pero ito na sana ang huli nating pagkikita. . . .” saad ni Pepe at doon ay sunod sunod na napatango si Porferio. Mula sa likuran ng tatlo ay lumapit ang ama ni Pepe na si Edgardo at inakbayan ang heneral  na nanlalamig na sa takot at napuno ng pawis ang katawan. Nakakahiya man sa mga tauhan nito pero wala silang magagawa kundi sumunod sa utos ng makapangyarihan .

 

“ Dad. . . . “ sambit ni Nancy at lumapit sa kanyang ama. Nanghihina na rin ang dalaga at pinilit na lang na maglakad ngunit bago pa nito mahawakan ang kamay ni Porferio ay biglaan na lamang na natumba si Nancy ng hindi nila alam .

 

Kahit si Pepe ay napasigaw nung natumba ang kanyang kasintahan. Mabilis na pinahiga niya ito at tinitigan sa mata . Pero laking gulat niya ng may makita sa kanang kamay ni Nancy. Tulad ni Pepe ay ganoon rin ang reaksyon nina Porferio,Rey at Alfred.

 

“H-hindi. . . . .Anak ko. .. Hindi pwede too. . .Hindi!!!!’ sigaw ni Porferio at napayakap sa dalaga na papapikit na ang mata. Kita rin nila ang itim na ugat na gumagapang sa leeg nito . Pero ang nakapagpabahala sa kanila ang ay kagat ng zombie sa kamay ni Nancy . Namumutla na ang katawan nito kaya mabilis na kinarga ni Porferio ang dalaga at tumakbo. .

 

“ Ready the Chopper!!! Tawagan si Patricio sa Bora!! Bilis!!! “ sigaw ni Porferio at tumakbo dala dala ang katawan ng anak na dalaga. Naiwan sandali sina Rey at Alfred at tinitigan si Pepe at Princess. . .

 

“  Sa oras na may mangyari sa kapatid namin. . .. . Lintik lang ang walang ganti. “ saad ni Rey at tumalikod na. Di na rin nagsalita pa si Pepe at hinayaan ang mga ito na kunin ang dalaga dahil alam niyang gagawa ng paraan ang mga ito na magamot si Nancy sa tulong na rin ng sinasabi ng mga itong si Patricio. . . .

 

“ Princess. . . “

 

“Sina Vi at James kuya. . . .Sila ang dahilan kung bakit nakagat si Ate Nancy. . . .Sila ang tumulak sa kanya sa kanyang kinahinatnan ngayon. . .” putol ni Princess sa sasabihin ng binata.

 

“ Asan sila?” tanong pa ni Pepe

 

“ Andun sa kwarto ni Tita Pina. .. Nagtatago sa underground. “ sumbong nito kaya napatango na lang si Pepe at naglakad pabalik sa bahay. Sa bawat madaaan nila ay tumpok ng patay ang makikita. Nang makarating ay sinalubong siya nina Tessa,Pina at Cindy na nag-aalala ang mga mukha dahil sa sinapit ni Rodolfo mula sa atake ni Porferio.

 

Pero nung oras na yun ay napuno ng galit si Pepe kaya sinabihan niya na di muna sila papasok sa bahay. Di nagtagal ay nakaramdam na naman sila ng pagyanig ng paligid at kasunod nun ay dumating ang napakaraming zombie . Ito yung mga zombie  na mabagal maglakad kaya nahuli sa laban.

 

Nung oras ding yun ay sinabihan ni Pepe na aalis na sila sa lugar kaya dinala niya na ang lahat sa Van maliban kina James at Vi na naroroon pa rin sa butas. Di nagtagal ay umalis na ang sasakyan nina Pepe na si Edgardo mismo ang nag da-drive.

 

Ang lugar ay unti-unti na namang napuno ng mga zombie na nagkalat sa paligid. Dumating rin ang heganteng zombie na naghahagilap ng mabibiktima. Naaapakan rin nito ang mga zombie na madaanan. Ang napakagandag bukirin ay naging isang kagimbal gimba na lugar na puno ng bangkay.

 

 

Samantala sa loob ng kahon sa ilalim ng sahig sa kwarto ni Pina ay parehong pawisan na sina James at Vi. Di makalabas dahil sa meron nang mga nakapasok na bangkay sa loob ng bahay at sa kwartong kanilang kinaroroonan. Di gumagawa ng ingay ang dalawa para di makaakit sa mga bangkay.

 

“Kasalanan mo to Vi!. . . .Kasalanan mo lahat ng to kung bakit tayo na trap dito!!! Gumawa ka ng paraan!” galit na bulong ni James . Di makapaniwala si Vi sa nadinig. Matapos ang lahat ay siya pa rin ang sinisisi ng minamahal niyang manager. . . “ Kung sana di na lang kita pinatulan na pokpok ka!!! Sana si Nancy na lang!!! “ sambit pa ni James.

 

Doon na naluha si Vi at pinipigilan lang na mapahikbi. Marami rami pang pang-iinsulto na sinabi si James pero tiniis niya na lang ang lahat at nananalangin na umalis na ang mga zombie para makalabas na sila sa maliit na kahon na kanilang pinagtataguan. Ang inaakala nila na mga sampung zombie lang ang nasa loob ng bahay. . .

 

Pero sa bukirin na kanilang kinaroroonan ay di mabilang na zombie ang naroroon at pasuray suray sa daan. Wala ng matatakasan pa at mag-iintay na lang ang dalawa sa oras ng kanilang kamatayan. Sa kinaroroonang maliit na kahon. Nakadependi sa kanila kung lalabas ba o mananatili. Tanging dalawang choises ang pagpipilian.

 

 

 

Boracay Island

 

Makalipas ang dalawang araw ay magkasamang naglalakad sina Vincent at Gregory sa backbeach . Nang makarating ang mga ito sa isang lumang bahay ay nakadinig agad sila ng mga ungol.  “ Mukhang lumabas na rin tunay niyang kulay Greg. . . .” sambit ni Vincent. Napatango na lang si Gregory at huminga ng malalim para patatagin ang sarili.

 

Dalawang araw na nung huling punta niya sa lugar at dun iniwan ang asawa na pinagahasa sa mga tauhan. Sa pagkakabukas ng pinto ay umalingasaw agad ang napakabahong amoy ng pawis, semelya at kung ano-ano pa. Sinamahan pa ng nabubulok na bangkay ni Jeffrey na naroroon sa loob.

 

Pero ang nakapagpagulat kay Gregory ay kitang kita niya ang sitwasyon ng asawang si Athena na nakatuwad habang tinitira sa pwetan ng isang sundalo na nakasout na ng mask . Meron ding nasa harapan na nagpapachupa sa ginang at meron sa baba na nakahiga at walang tigil sa pagkantot sa lumuwang ng puke.

 

Di makapaniwala si Commander Gregory sa kanyang nakikita .Masakit man para sa kanya ay hinayaan niya na lang ang mga nagaganap.

 

Sa isang sekretong laboratory naman ay naroroon sina Patricio Bernabe na Mad Scientist kasa-kasa si General Porferio Trinidad. . . . “ Graahhhhhhhhh!!!! Hraaaaaaahhhhhhhh!!! Ggrrrrr. . . “ Mga galit na ungol ang paulit ulit na nadidinig ng dalawa. Di napigilang mapaiyak ni Porferio dahil nung oras na yun ay nakakulong sa isang kwarto ang dalagang si Nancy na isa na ring zombie.

 

“Doc. . . .Please. . .Gawan mo ng paraan para maibalik sa dati ang anak ko. . . Mahal na mahal namin siya. . .Pakiusap. . .” sambit ng heneral. Bigla ring bumukas ang pintuan at pumasok si Mayor Maria Cristina Hernandez na asawa na ni Porferio. Iyak ng iyak ang ginang sa sinapit ng kanilang dalaga. Nakasunod rin sina Alfred at Rey hanggang sa. . . .

 

“ General. . . “ sambit ni Patricio . . . “ My work is Done  . . . .It’s a success !!! At alam kong gagamitin mo to para makapaghiganti sa pamilya ni Rodolfo. . . . “ saad nito at inilagay sa mesa ang isang kahon.

 

Mabilis namang binuksan ito ni Porferio at nakita ang isang syringe na may berdeng likido sa loob. Kumikintab kintab pa ang likido na parang nang-eengganyo sa kanya. Di nagdalawang isip ang heneral at basta basta na lang tinurok sa kanyang braso.

 

Mula doon ay nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa katawan ang matanda . Parang gumaan ang katawa at kakaibang lakas ang dumadaloy sa katawan. Napahawak pa siya sa kahon at dahan dahan itong piniga. Kahit metal ay parang isang papel itong nalukot sa kamay ni Porferio . Seryosong tinitigan niya ang Mad Scientist sa mata.

 

“ Gamutin mo ang anak ko. . .At mapapasayo ang lahat ng gusto mo!” saad ni Porferio at hinarap ang kanyang mga anak na sina Rey at Alfred. Di nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang pangalawang anak na si Vincent kasama si Commander Gregory.

 

“ Men. . . . . Ihanda ang lahat ng gagamitin. Locate the exact location of Rodolf Williams and his Family . . .  Will get rid of that ant!!! Now!!!” sigaw niya at dun na nagsi-alisan ang mga anak para ihanda na ang lahat.

 

Muling tinitigan ni Porferio ang salamin . Bakas ang lungkot sa mata habang pinagmamasdan ang anak a si Nancy na isa ng zombie at kinakalmot ang salamin .

 

“  Ipaghihiganti kita anak!!! Magbabayad sila !!! Magbabayad ang pamilyang Sarmient sa nangyari sayo!!!!”

 

 

City Proper 12nn

 

Sa isang mataas na gusali na pagmamay-ari ni Edgardo. Naroroon silang lahat , Si Rodolfo na ginagamot ng doktorang si Lala, Si princess na tinutulungan ang ate niyang si Tessa sa paghanap ng kanilang makakain. Sina Pina at Lola Cindy na abala rin sa pag-ayos ng mga gagamitin na nakuha sa iilang opisina na wala ng tao.

 

Sa opisina naman ng CEO ay naroroon si Edgardo kasama ang anak nitong si Pepe . Seryosong nakatingin sa labas . Di kalayuan ay naroroon ang patay na heganteng daga na pumatay sa lahat ng tauhan ni Edgardo na tulad niya ring nag evolve dahil sa palpak na embensyon ni Patricio.

 

“ Anak. Bilang isang ama ay alam ko kung ano ang nararamdaman ni Porferio ngayon. . . .Pero alam ko ring maghihiganti yun na kahit wala kang kasalanan ay basta basta ka na lang tutugisin. “ sambit nito.

 

Di naman ikinagulat ni Pepe ang nadinig bagkus napatango pa siya. “ Ama. Sakaling bumalik sila o maghanap satin. Hayaan mo akong lumaban. . . . .Dahil tatapusin ko na ang lahat ng to at pupuntahan si Patricio para ayusin at gawan ng antidote ang mga bangkay na siya rin ang mga kagagawan. “

 

“ Di kita hahayaan na labanan sila anak. Alam kong may pagkatraydor si Porferio tulad na rin ng sinabi ng Lolo Rodolfo mo. Hayaan mo akong samahan ka sa pakikipaglaban sa kanila Pepe. . . “ sagot ni Edgardo . Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa at kahit dalawang araw na ang nakaipas ay di naaalis sa kanila ang pag-aalala ng biglang. . .

 

RING!!! RING!!! Tunog ng telepono sa mesa ni Edgardo. Doon na siya nagkahinala na si Porferio ang tumatawag pero buo na rin ang loob niya. Nilapitan niya agad at sinagot hanggang sa. . .

 

“ Edgardo. . . . Expect us within a minute!!!! Dahil sa nangyari sa anak ko. . .Uubusin ko pamilya niyo!!!”

 

ITUTULOY!!!

razel22
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories