Written by razel22
PEPE 3
18+
BY: RAZEL22
Gaisano Mall 2:35 am
Di mapakali ang isang dalaga na mahigpit na nakahawak sa kanyang shoulder bag na naglalaman ng mga gamit pera at cellphone. Kasa-kasama ang kanyang mga kaibigan na balak lang sanang mamasyal at mag Night Out sa Smallville pero dahil sa nangyaring trahedya ay natrap sila sa loob ng mall kasa-kasama ang napakaraming tao na ang iba ay nag-iiyakan at nagpapanic.
“ Daddy. . . .Please save me . . .I promise di na ko magiging suwail at susundin ko ang mga sasabihin mo basta mailigtas mo lang ako. “mahinang sambit ng dalaga habang nakaupo sa corner sa 2nd floor ng mall sa loob ng Department Store. Siya si Princess Ibarra. 20 years old at anak ng isang kilalang negosyante na si Edgardo Ibarra. May taas na 5.4 at may balingkinitang katawan na magpapahumaling sa sino mang makakakita sa kanya.
Merong makinis na maputing balat na alaga sa mga cosmetics product at ang mas kapansin pansin ay ang mala anghel na mukha nito. Ang magandang mata na nagiging asset niya ay kapansin pansin ang lungkot at may bahid ng luha.
Agad namang inakbayan siya ng kanyang kaibigang si Dina. Chubby ito at kaklase niya noong highschool at naging bestfriend na rin. “ Princess don’t worry. Darating din si tito. Or merong darating na tauhan niya para iligtas tayo . “ sabi ni Dina sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
“But Din . . Anong oras na pero wala pa ring tulong na dumadating. At natatakot din ako na baka mapasok tayo ng mga bangkay or masira ang pasukan ng mall. Bakit ba to nangyayari satin!” malungkot na sambit ng dalaga at napapahilamos na sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad.
Di niya malimutan nung hapon na ang guard na kinakausap niya sa labas ay bigla na lang sinunggaban ng isang matandang babae sa leeg . Sa pagkagulat ni Princess ay hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ng bigla na lang siyang hinila papasok ni Dina at di nagtagal ay nakadinig na sila ng sigawan sa labas at nagsitakbuhan na ang mga tao papasok ng mall. Agad naman itong sinarhan ng ilang guards sa loob at doon na dumating ang napakaraming bangkay at inatake ang iilang minalas na hindi nakapasok.
“It’s already 2:00am in the morning Din. S-sana dumating na ang mga tauhan ni Dad “ mahinang bulong ng dalaga kaya idinikit ni Dina ang noo nito sa kaibigan. “Sana nga Princess. . .Sana nga”
Nanatili ang dalawa ng ilang minuto ng biglang bumalik ang kanilang mga kaklase na sina Joseph at Thalia na namumutla ang mga mukha. “ Princess! Dina.! Aalis na tayo dito! Kailangan ng makaakyat tayo sa rooftop!” nagmamadaling sambit ni Joseph sabay hawak sa braso ni Princess at hinila patayo.
“B-bakit? Anong nangyari? May rescue na ba?” agad na tanong nito pero napailing ang binata at napabaling pa ang tingin sa likod.
“ Walang rescue. Kailangan nating makaakyat dahil nakapasok na sa bodega ng mall ang mga bangkay!” sambit nito na nagpabahala sa dalawa. Doon ay nagsimula ng humakbang si Joseph at inalalayang makatakbo si Princess hanggang sa makita nilang ang nangyayaring gulo sa 1st floor ng Mall at doon ay parang namutla agad ang apat ng makitang nakapasok na ang iilang bangkay at hinahablot na ang mga taong nagtatakbuhan para maisalba ang sarili.
“Tara na!! Tara naaaaaa!!” sigaw ni Joseph kaya agad silang umakyat sa hagdan hanggang sa makarating sa ikatlong palapag ng Mall at doon ay ikinagulat ng grupo ang napakaraming taong nagtatago . Ngunit may isang lalaking pumigil sa apat at tinignan ang mga mukha ng mga ito. “ Sandali mga iha at iho. Nakagat ba kayo o kaya nagalusan man lang?” tanong nito kaya agad napailing ang apat
“ No sir. Nanggaling po kami sa 2nd floor. Yung 1st floor ng mall ay napasok na kaya kailangan nating makaakyat sa rooftop. “ sagot ni Thalia kaya agad napatango ang lalaki at pinapasok ang apat sa harang na inilagay.
“Gustuhin man nating makaakyat sa rooftop pero parang imposible sa sitwasyong ito.” Sagot ng lalaki .
“B-bakit po sir? Naka lock ba ang pinto? Maaari nating sirain.” Tanong ni Princess pero agad napailing ang lalaki at napalingon sa kanilang likuran. “ Mahigit dalawang daang katao ang nasa 3rd floor at rooftop kaya napakaimposibleng makaakyat. Kailangan nating kumalma at iwasang magpanic dahil sa oras na magtakbuhan ang mga tao dito ay posibleng may maganap na stampede” sabi nito na nakapagpatigil sa apat . Nagkatinginan sina Princess at Dina at napabuntong hininga dahil sa nakita nila ang dami ng bilang ng mga tao sa paligid.
Napuno na ng takot ang puso ni Princess at parang ayaw ng humakbang ang mga paa dahil sa pagod kaya napahawak na lang ito ng mahigpit sa kamay ni Dina pero agad nagulat ng maramdaman na parang may kulang. Doon niya lang naalala na naiwan ang kanyang shoulder bag sa 2nd floor ng mall kaya agad siyang nanlumo at napaluha dahil naroroon ang kanyang cellphone , wallet at mga I.D
“ Daddy. . . Please save me “
La Paz 2:35 am
Sa napakaingay na busina ng sasakyan ay nagdadagsaan ang napakaraming bangkay na dinudumog ang lugar. Nagsilabasan na rin ang mga infected na nakapasok sa mga establishemento pati na sa bar. Habang sa loob naman ng MeatShop ay nakatulalang nakatayo ang dalagang si Nancy sa pasukan na Freezer at di makapaniwala sa kanyang nadatnan.
“Sis. . . I can explain” sabi ni Vi at dali-daling tumayo sabay kuha ng kanyang mga kasoutan at kumapit sa braso ni Nancy. “ VI? Anong nangyayari? “ wala sa sariling nasambit ni Nancy dahil sa di maalis ang kanyang paningin sa malaking alaga ni Pepe na nakatirik pa at naglalaway sa katas.
Kahit si Pepe ay nagulat rin hanggang sa bumalik sa wisyo at dali-daling kinuha ang mga damit at patakbong lumabas ng freezer na kung saan ay nabangga niya pa ang balikat ni Nancy.
Hindi makapaniwala sa mga nakita at parang nawawala sa sariling sinampal sampal ni Nancy ang pesnge hanggang sa mahimasmasan . Doon lang ay muling sinarhan niya ang freezer sabay takbo pabalik sa opisina at sinarhan ang pinto. Hinarang niya rin ang mesa para hindi mabuksan kaagad ng mga bangkay na nakalabas.
Matapos masigurado ang lahat ay bumalik ang dalaga sa kung saan andun ang dalawa niyang kasamahan at nakitang nakabihis na ang mga ito. Namumula at hiyang hiya si Vi sa kaibigan kaya tumabi ito kaagad kay Nancy sabay yakap sa braso nito.
Napaupo naman si Pepe sa sulok at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Nahihiya rin siya sa kanyang Clerk at lalo na sa Cashier na si Vi dahil sa hindi niya napigilan ang sarili na magalaw ang babae na nang-akit sa kanya.
“ Nancy Sis. . .Let me explain. “ ulit ni Vi na nakapagpabaling ng tingin ni Nancy sa kanya. “ Shh just relax Vi. Everything is all right. Kung ano man ang namagitan sa inyo ni Pepe ay labas na ko dun. “ pagpapakalma ng dalaga at ginulo ang buhok ni Vi.
“But. . . .Ginawa ko lang naman yun para maisalba si Pepe. “ saad ni Vi . Napaupo naman sa sahig si Nancy dahil sa sumasakit ang ulo nito sa mga nangyayari. Di pa siya masyadong nahimasmasan sa kalasingan at sa mga nagaganap sa mundo pero may bago na namang nalaman. “ Ok para na rin matahimik ka Vi. . .Sige makikinig ako” sagot niya pero napabaling ang tingin ni Nancy kay Pepe at nakaramdam ng hinanakit.
Na kahit walang namamagitan sa kanila o espesyal na relasyon ay parang nakakaramdam siya na parang tinraydor siya ng mga ito. “ Nancy. . .Alam mo naman kung gaano ka lamig sa loob ng freezer di ba?” sabi ni Vi na agad nakapagpatango kay Nancy.
“All I did is to help Pepe in the brink of death. Ilang beses niya na akong tinulungan na kahit buhay niya ay kanyang itinaya para sa aking kaligtasan. “
“ In short you fuck him?” putol ni Nancy na nakapagpasimangot kay Vi. “ Ok ok please proceed sis. Di ka naman mabiro hehe” natatawang saad ni Nancy at isinandal ang ulo sa balikat ni Vi.
“ Actually tulad niya ay ganoon rin ako kanina. Nilalabanan ang sobrang lamig at nag-iintay na may dumating na tulong. But . . . .tao lang din kami na . . . .”
“ Na nalilibugan kaya you fuck him?” putol ulit ni Nancy at doon na siya kinurot ni Vi sa hita na nakapagpahiyaw sa dalaga sa sakit hanggang sa matawa. “ Ok ok sorry na. Hoy Pepe makinig ka ha! Iniligtas ka daw ni Vi! Pag malaman ko na ikaw ang unang gumawa ng mga hakbang para maangkin siya ay humanda ka sakin!” sita ni Nancy na nakapagpayuko sa binata.
“ Hey Nancy It’s not his fault. Nawawalan na ng malay si Pepe at naninigas na rin ang katawan. I don’t have a choice but to give warmth. But. . . .I think kulang ang yakap. So I decided to go all the way and. . “
“ You Fuck him?” ulit ni Nancy
“Yes I did” simpleng sagot ni Vi at doon ay napatigil si Nancy at nakadama ng di maintindihang sakit. Parang hiniwa bigla ang kanyang puso sa nadinig mula sa kaibigan. Napatingin din siya sa kinaroroonan ni Pepe at nakakaramdamn ng galit sa lalaki. “ Hmp!”
“ I have no choice kundi ang tulungan siya. At kung hindi ko ginawa yun ay . . . . . Baka patay na si Pepe or baka pati ako rin. “ ulit ni Vi at doon na napatango si Nancy. Ayaw man tanggapin pero may tama rin naman si Vi sa kanyang ginawa. Ang pagbigay ng init sa katawan ng kasama para manatiling buhay sa oras ng kagipitan at para maiwasan ang kamatayan.
“Ok Vi. I get it “ sagot niya hanggang sa napatayo si Vi at napatingin sa dereksyon ng opisina . “ Btw sis. Ikaw ba yung may gawa ng ingay sa labas?” tanong nito. “ Yes Vi. Sa ngayon ay alam na natin na makakakuha sa atensyon ng mga patay ang ano mang ingay na madidinig nila. Di ko lang alam kung nakakakita ba sila or bulag dahil sa nagbabanggaan sila tulad ng nakita natin kanina sa labas. “
“ Kahit siguro naaagnas na ang iba ay merong paring sariling pandama tulad ng pag amoy sa kanilang mabibiktima . Di pa natin alam ang lahat but we have to survive this apocalypse lalo na’t wala na tayong maaasahang tulong. Ni isang military officer ay wala tayong makita or madinig man lang na chopper sa taas. “ dugtong ni Nancy .
Napatayo naman si Pepe matapos madinig ang lahat at naglakad pabalik sa freezer. Nagkatitigan ang dalawang babae hanggang sa muling lumabas si Pepe na may dala na namang malaking hiwa ng Karne na nakuha sa loob. “ Miss Nancy. Sa pagkakaalam ko ay di ka pa nakakain mula kahapon.Ipagluluto muna kita. “ saad ni Pepe.
“ Ok lang Peps. You don’t have to worry about me. “ sagot nito pero ipinagpatuloy ng binata ang ginagawa at muling kinuha ang kawali at ang portable burner hanggang sa inumpisahang lutuin ang hiwang karne para sa kanila.
“ Di ba sabi mo survival? Ito na yun miss Nancy. Dahil sa oras na makalabas tayo dito ay hindi natin alam kung makakakain pa ba tayo ulit. Walang kasiguraduhan ang lahat pero ito lang ang masasabi ko. Handa akong protektahan kayo sa ano mang bagay. “ saad ni Pepe.
Napabaling naman ang tingin ni Nancy sa kabila at hindi na makasagot dahil sa nakakadama na rin siya ng gutom. Agad namang naglakad si Vi at naghalungkat ng mga magagamit sa aparador na kihuaan ni Pepe ng kawali hanggang sa may makita siyang mga nakatuping damit .
“Hey Peps! Ako na jan . May mga damit dito oh . “ saad ni Vi at itinaas ang kamay na may hawak na mga damit . “ Magbihis ka muna. I know nilalamig ka pa dahil sa pagkapunit ng damit mo. Let me cook for us. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makatulong ako. “ saad ni Vi
“ Malaki na naitulong mo sa kanya Sis. Kitang kita nga eh hehehe” sabi bigla ni Nancy at doon na napayuko si Pepe at naglakad papunta sa aparador at kinuha ang damit kay VI na agad ring pumunta sa lutuan para ipagpatuloy ang ginagawa ng binata.
Magkasalubong naman ang kilay ni Nancy na tinignan si Pepe hanggang sa mapabuka ang kanyang bibig ng maihubad na ng binata ang kanyang damit . Di makapaniwala na doon mismo ito magbibihis .
Napalunok naman ng laway ang dalaga ng makita ang makisig na katawan ng binata lalo na ang malapad na dibdib at ang anim na pandesal sa tiyan.
“ Shit. . . “ wala sa sariling nasambit niya at napadila pa sa labi . Di nito inakala na may mala atletikong katawan ang binata dahil sa lagi itong nakalongsleeve sa tuwing magtatrabaho. Ang mala Adonis na katawan na kaysarap yakapin ang mga nasa isip ng dalaga at mas natakam pa ng makita ang malaking sawa na nakakambyo patagilid na nakatago sa loob ng boxershorts ng binata.
“ Brief is not enough for that massive thing. “ wala sa sariling bulong nito at nanatiling nakatingin sa pagbihis ni Pepe hanggang sa. . . .
“ I never imagine na nakaya ko yan kanina Sis. “ isang salita na nakapagpagulat sa dalaga at doon niya lang nalaman na katabi niya na pala si VI na nakatingin rin sa pagbihis ni Pepe. Dahil sa pagkagulat ay agad napaatras si Nancy at namula ang pesnge. “ Hey ano bang pinagsasabi mo jan Sis! At b-bakit andito ka. Di ba ikaw nagluluto? “ nagmamadaling sambit nito.
“Eh nakita kitang natulala kay Pepe eh kaya nakitingin din ako hihi. Yummy ba sis?” tukso ni Vi pero agad napailing si Nancy. “ Hey! Anong yummy ka jan! mali ang inaakala mo Vi ha. Isa pang tukso kukurutin talaga kita sa hita!. . . .Di naman si pepe tinitignan ko eh! Yung sa Opisina na baka may nakapasok na hmp!” saad nito .
Napapatango naman si Vi at muling tumayo sabay ngiti ng may kahulugan . “ Sabagay kahit ako matutulala rin eh hihi. Well enjoy sa pagbabantay sis!” ani ni Vi sabay kindat at muling bumalik sa pagluluto.
“Kainis ka naman eh!” galit na sambit ni Nancy at napasimangot. Di nito inakalang mahuhuli siya ni Vi na natutulala sa kakisigan ng katawan ni Pepe. Pilit mang iwasan pero parang may bumubulong sa kanya na muli itong tignan. Napapailing naman si Nancy at pilit kinokontra ang kagustuhan ng isipan pero sadyang napasuko din siya at doon ay dahan dahang napalingon ulit hanggang sa mapamulagat sa kanyang nakita.
Biglang nagtama ang kanilang paningin ni Pepe na nakasout na ng panibagong damit. Nagkatitigan sila ng ilang Segundo at hindi alam ni Nancy ang gagawin dahil sa pulang pula na ang kanyang mukha hanggang sa bigla na naman siyang umiwas ng tingin at nagtago sa corner dahil sa pagkahiya.
“Stupid Nancy!! Stupiiid!!” gigil na sambit nito sa sarili.
Gaisano Mall 1:30am
Matapos languyin ang malawak na ilog ng Esplanade ay nakarating na rin si James sa Gaisano Mall. Ngunit sadyang napakaraming bangkay na pasuray suray sa daan na kahit saan siya mapatingin ay nagkalat ang mga ito sa paligid.
“Shit! Anong oras na ! Bwesit kang Nancy ka ! Kung hindi ka lang sana sumigaw edi hindi sana ako hinabol ng mga bangkay! Tangina mo kung hindi ka lang maganda pinakain na sana kita!” gigil na bulong ng Manager at napakuyom pa ng kamao .
Nanatili itong nakakubli sa gilid pader sa ng Esplanade at tanaw na tanaw niya na ang mall. Mahigit limampong metro na lang at makakarating na siya ngunit napakaimposible dahil sa mga bangkay na naroroon at sa oras na lumabas siya sa pinagtataguan ay nakakasigurado si James na magiging isa siya sa hapunan ng mga ito.
Sa kanyang pagmamasid sa mga galaw ng mga patay ay nakakuha siya ng tyempo at agad inakyat ang Pader mula sa ilog. Sa pagkakaapak sa kalsada ng Esplanade ay mabilis niyang tinakbo ang daan papunta sa parking lot ngunit bago pa siya makarating ay meron ng mahigit limampong bangkay na naroroon.
“ Para to sa Promotion! Hindi! Pra to sa ikakayaman ko sa huli! “ bulong ng ganid na Manager kaya dahan dahan siyang yumuko at gumapang hanggang sa makarating sa ilalim ng mga sasakyan na nastranded papunta sa parking lot. Muli na namang nagmasid at sa pagkakataong yun ay merong siyang nakitang pwedeng mapasok kaya dahan dahang siyang lumabas sa ilalim ng kotse at nagkubli .
Ngunit bago pa siya makahakbang ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa full volume at dahil sa nalikhang ingay ay bigla na lang napalingon sa kanya ang mga patay at doon ay isa isa na ang mga ito sa paglakad at ang ilan ay napatakbo papunta sa kanyang kinaroroonan.
Dahil sa takot ay napatakbo na si James sa pintoan na pasukan ng mga empleyado na mall na kung saan ay agad na hinampas niya ito ng kanyang mga kamao. “ Pakibukas!!! Tulong! Pakiusap buksan niyo tooooo!!!” sigaw niya sa takot at napabaling ang tingin sa mga bangkay na papalapit sa kanya.
Mula kanan hanggang kaliwa ay padami na ng padami ang mga papalapit at dahil na rin sa mga sasakyang na stranded ay naantala ang mga ito ng pasamantala. Namumutla na at nanginginig ang mga tuhod ni James dahil sa sobrang takot at nagmamakaawa na pagbuksan siya hanggang sa makadinig ng mga kalabog sa kabilang panig ng pinto at doon ay may biglang sumagot.
“Nakagat ka ba? Nagalusan ka ba?” saad ng lalaki sa kabila. “ Wala! Hindi pa sila nakakalapit sakin kaya pakiusap pakibukas. . . .” sigaw niya at nakadinig ng kalabog at doon nakita na ang ilang bangkay ay nakaakyat na sa mga kotse at nagkandahulog . May iilan na nagsimula ng tumayo at naglakad palapit sa kanya kaya nahintakutan na siya ng husto at naiiyak na sa sobrang takot na mamatay. “ Pakiusap. Buksan niyo po toooo!” Pagmamakaawa ni James hanggang sa makadinig ng pagkalas ng iilang kable .
Laking pasasalamat niya dahil sa maiisalba na ang kanyang buhay ngunit sa paglingon sa likuran ay parang lulundag na ang puso nito palabas sa dibdib dahil sa iilang metro na lang ang lapit ng iilang bangkay at doon ay tinutulak na ni James ang pinto .
“Sandali!!! Malapit na!” sigaw ng lalaki sa loob hanggang sa biglang binuksan ang pinto. Ngunit sa pagkakataong yun ay biglang hinila ni James ang kamay ng Guard na nagbabantay na kung saan ay nawalan ito ng balance at nagkapalit sila ng pwesto.
“ Anong. . . . .” di makapaniwalang sambit ng Guard hanggang sa madulas ito at napatukod ang kamay sa pinto ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay bigla na lang itong nakagat ng isang bangkay na kung saan ay napasigaw ang Guard sa sakit.
Napalingon pa siya kay James at hindi makapaniwala sa nagawa ng lalaki . “ Pa-pasensiya na! Wala na kong magagawa!” sambit ni James at biglang tinulak ang nakagat na guard palabas at doon ay nakadinig siya ng napakalakas na sigaw ng dumugin ng mga patay ang kawawang lalaki.
Dahil sa takot ay di na ni James nakuhang sarhan pa ang pinto at napatakbo na lang papasok. May iilang empleyado na naroroon na nakakita sa naganap at hindi makapaniwala na nakain ng mga patay ang Guard na tumulong sa bagong dating.
“ Hoy! Bakit mo tinulak si Guard! At bakit di mo sinarhan ang pinto!?” sigaw ng isang Promodizer ng mall ng makalapit na si James sa kanya ngunit di man lang ito sumagot at tuloy tuloy sa pagpasok. Nainis naman ang Promodizer at napahawak sa braso ni James ngunit bago pa makapagsalita ay hinarap na siya nito at biglang sinuntok na sapol na tinamaan sa ilong.
“ Wala akong pakialam sa inyo! Kung mamatay kayo dito ay wala na kong pakialam jan! “ sigaw ng gahaman na Manager at nagmamadaling pumasok papunta sa bodega . Isa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan . Yun ay ang mapuntahan ang kinaroroonan ni Princess at maiuwi ito sa kanyang ama na si Edgardo Ibarra.
Di makapaniwala ang ibang nakakita. Takot at pangamba ang tumatakbo sa isipan ng mga tao na naroroon ngunit ang mas nakakabahala ay ang biglang lagabog ng pinto na pinasukan ni James at doon natumba ang iilang bangkay na dahan-dahang nakapasok.
Nakita rin ng mga ito ang Guard na tumulong kay James na tulad ng iba ay naging Zombie na rin. Wasak ang mukha at leeg pero dahan dahang napatayo at sa pagnganga pa lang at bumulwak agad ang itim na dugo sa bunganga hanggang sa nagsimulang lumapit sa mga Empleyado ng Gaisano Mall.
“Ahhhhhhhhh!!! Tulongg!!!” sigawan ng mga dalaga’t binata at nagsitakbuhan na papasok. May iilang kumuha ng mga Floormap at nilabanan ang mga bangkay na papasok. Meron ding ibang nakakuha ng baril at pinagbabaril ang mga patay na papasok sa Employees Entrance. Ngunit dahil sa dami ng patay ay nakadama ng labis na takot ang mga ito at tuluyan tinanggap ang tadhana.
Na dahil sa iisang tao na pinapasok ng Guard ay tuluyan ng napasok ng mga patay ang mall at doon na rin magtatapos ang kanilang buhay. Napuno ng sigawan at iyakan ang lugar . Merong mga nagsuntukan at tulakan para lamang makapasok sa bodega . Sa mga hindi pinalad tulad ng ibang dalaga o mga mahihina ay nawalan na ang mga ito ng pag-asa hanggang sa tuluyang masunggaban ng mga nakapasok ng bangkay.
Nang makapasok na si James sa loob ng mall ay napatigil ito at nagtingin tingin sa paligid. “ Saan! Tangina saan ka Princess!!! “sambit nito at kinuha ang cellphone. Naroroon din ang numero ng anak ng Presidente nila kaya agad niyang tinawagan ang dalaga.
Pabaling baling rin ang tingin ni James sa likuran dahil sa nakakadinig na siya ng sigawan hanggang sa bigla na lang nagsipasok ang mga empleyado na ang iilang ay may mga pasa sa mukha at ang iilang ay may mga galos dahil sa labanan. Doon ay napagtanto niya na ang nangyari kaya nagsimula na siyang mapatakbo at sa bawat stall na naroroon sa mall ay kanyang tinitignan.
Nang komonekta ang tawag ay laking pasasalamat ni James dahil sa malalaman niya na ang kinaroroonan ni Princess kaya nag-antay siya ng ilang Segundo ngunit sadyang walang sumasagot. “Sagutan mo na please!!! Please. . .San ka nab a Princess!!! “ gigil na bulong niya . Natapos ang tawag ng walang may sumasagot kaya inulit niya ang pagtawag ngunit sa pagkakataong yun ay nakadinig siya ng mga ungol ng patay na nakapagpabaling sa kanya sa dereksyon ng bodega at doon nakita ang iilang mga nakapasok. Nahintakutan ng husto si James at laking gulat ng makita ang guard na tumulong sa kanya na iisa na rin sa mga patay. Nagtingin tingin din siya sa paligid at nakita ang isang fire estinguisher na agad niya ring kinuha at biglang hinampas sa ulo ang papalapit na lalaki na merong gas gas sa noo.
“ Arrgghhhhh!! Bakit!! Bakit mo ko hinampas!” daing nito sa sakit at natumba. “ Nagalusan ka na at nakagat!” sigaw ni James ngunit pilit na tumayo ang lalaki. “ H-hindi!!! Hindi ako nakagat o nagalusan man lang. “ sagot nito at napaluhod dahil sa pagkawala ng balance . Hilong hilo pa at dumurugo ang ulo dahil sa paghampas ni James.
“ P-pasensiya na di ko alam! Sige na jan ka na!” sagot nito at tumakbo paakyat sa escalator. Naiwang tulala naman ang lalaki dahil sa nangyari at akmang tatayo n asana ng biglang matumba dahil sa sinunggaban na ito ng kagat ng nakalapit na bangkay. Masakit man para sa kanya pero wala na siyang magagawa at tinanggap ang tadhana at napasigaw na lang sa labis na sakit ng dinumog na siya ng mga patay at kinagat kung saan saan.
Namumutla naman sa takot si James dahil sa nangyari at napalingon pa sa lalaking kanyang hinampas. Nagkamali man siya at inakalang patay ang lalaki kaya nahampas niya ito ay huli na ang lahat. Tinatagan niya na lang ang sarili at tuluyang nilagyan ng mga balakid ang escalator gamit ang mga bakanteng stall at di na pinapasok pa ang iilang aakyat sana para maisalba ang sarili.
“Pasensiya na! Pasensiya naaa!!” Sigaw ni James at tuluyang kinuha ang isang tubo at pinaghahampas ang kamay ng mga taong nagpipilit itulak ang kanyang ginawang harang at doon mismo sa escalator ay naganap ang isa na namang nakakasindak na sigawan ng makaakyat ang iilang bangkay.
“Patawad! Wala na kong magagawa pa! Patawad!” sigaw ni James at tinulak ang isang aparador na display para gawing harang at masigurado ang kanyang kaligtasan. Matapos masarahan ay napabaling ang kanyang tingin sa likuran at doon nakita ang napakaraming survivor na di makapaniwala sa kanyang kasakiman na kung saan ay napakaraming namatay bata man o matanda.
Di niya na inintindi pa ang mga ito at tuluyang naglakad sa 2nd floor ng mall at hinanap ang anak ng Presidente. Ang babaeng magiging tulay sa kanyang tagumpay sa hinaharap. Ang bukod tanging iniingatan ni Edgardo Ibarra.
Si Princess.
ITUTULOY
AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOURAZEL22
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 18 - January 25, 2025
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 17 - January 24, 2025
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 16 - January 24, 2025