PEPE 21 – Full Version (Missing Part Added)

razel22
PEPE

Written by razel22

 


PEPE 21

 

18+

 

BY: RAZEL22

 

 

Rodolf and Cindy Story Part 2

 

 

Di maalis sa isipan ni Rodolf ang mukha ni Cindy. Tadhana na nga ba ang nagdala sa kanya para makatagpong muli ang babae? Na sa dinami dami ng pinagdaanan at mga araw na nasayang ay muli silang pinagtagpo. At alam na alam niya sa kanyang sarili na si Cindy at Magdalena ay iisa.

 

Matapos makauwi ay nagmokmok agad ang binatang heneral di masyadong malayo sa kanilang barracks hawak-hawak ang isang bote ng Gold Eagle Beer. Sa bawat inom ay nalalasahan ang pait pero taliwas ito sa kanyang nararamdaman.

 

Sa ihip ng malamig na simoy ng hangin sa gabi ay masyadong narerelax ang binata at napasandal na lang sa puno ng makita niya ang isang pigura na papalapit sa kanya. Nang makalapit ay agad niya itong nakilala . Ito ay si Porferio Trinidad. Isa sa kanyang tauhan at OIC sakaling wala siya.

 

Naging kumpare niya rin ang lalaki at kapag walang ibang kasamahan ay normal lang ang kanilang samahan  bilang magkaibigan. “ Pre. Nagsesenti ka yata ngayon ah. Balita ko may nakilala ka daw isang chika na anak ng lasenggero haha. “ natatawang bati ni Porferio.

 

“ Ah oo kanina pre. Tinulungan lang naman naming makauwi ang tatay at yun na ang nangyari. Nakilala ko si Cindy.

 

“Oh! Cindy pala pangalan nun? Sabi kasi kanina ni Ignacio eh parang hot na hot at parang pamilyar ang katawan at kutis. Hmmmm ilang buwan na ring nakasara ang bahay kasiyahan kaya siguro namamalikmata na yung kasamahan natin haha. Nga pala anong plano mo sa bagong misyon na binibigay sayo?” tanong agad ni Porferio.

 

“ Ah yung sa Calinog ? Pass na muna siguro ako Pre. Anjan ka naman at isa sa aking inaasahan . Ikaw na muna gumabay sa kanila. Sa susunod na misyon sasama na ako ayos lang ba yun?” natatawang saad ni Rodolf sabay tungga ng alak.

 

“Sus. May magagawa pa ba ako sa utos ng heneral? “ sagot ni Porferio sabay suntok ng mahina sa balikat ni Rodolf at sabay silang natawa.

 

Sa tuwing meron silang mga kasama ay pormal na General at tauhan ang kanilang pagsasamahan. Pero kung silang dalawa na lamang ay parang mga bata kung magsuntukan.

 

Nung gabing yun ay paulit ulit na bumabalik ang mga ala-ala sa isipan ni Rodolf na kasama niya si Magdalena. Ikinukumpara niya ito sa dalagang si Cindy na anak ng lasenggerong nakilala niya nung hapon lamang. Kahit pilitin mang matulog ay paulit ulit at pabalik balik sa kanyang isipan ang babae hanggang sa napagpasyahan niya ang isang bagay.

 

Yun ay yung makilala ng husto ang dalagang si Cindy at mapatunayan na ito at si Magdalena ay iisa.

 

Kinaumagahan alas sais ay nagpasyang umalis ng binata at nagbilin sa mga tauhan na bantayan ang kampo sa mga oras na wala siya. Iisa lang ang kanyang pakay. Yun ay yung makabalik sa lugar na kung saan nakatira ang dalagang si Cindy.

 

Malayo man ang lugar at ilang kabesera ang dinaanan sakay ng kanyang kabayo ay nakarating din ito. Malayo pa lang ay natatanaw niya na ang bahay sa gitna ng liblib na lugar na napapaligiran ng nagtataasang mga puno. Literal na probinsya ang dating.

 

Sa ilalim ng puno ng mangga ay tinali niya ang kanyang kabayo at nilakad na lang papunta sa bakuran ng bahay ng dalaga. Ngunit nung mga oras na yun ay walang katao-tao at tanging mga manok,kambing at pato lang ang kanyang nakikita.

 

“ Tao po? Tao po!!!” tawag ni Rodolf at nakailang tawag pa ngunit walang sumagot kaya napagpasyahan niya na lang na pumasok at naglakad palapit sa bahay. Nakasarado pa ang pinto at napakatahimik ng lugar. “ Hmmm saan kaya napunta mga nakatira dito? Di naman siguro engkanto yung mga nakilala ko kahapon “ bulong sa isipan ni Rodolf at napabaling ang tingin sa maliit na kubo na may silyang gawa sa kawayan.

 

Doon naglakad at naupo ang binata at nag-antay sa pagdating ng mga tao doon. Ngunit ilang minuto lang ay nabagot siya kaagad hanggang sa makadinig ng ingay mula sa likod bahay. Agad na napatayo si Rodolf at naglakad papunta sa likod . Tulad ng sa harap ay napakarami ding nagtataasaang mga puno ngunit sa kanyang pagmamasid ay napansin niya na may gumagalaw sa likuran ng malaking puno ng balete.

 

Dahil na rin sa kyuryusidad ay nilapitan ito ng binata hanggang sa biglang. . . “ C-cindy???!!” gulat na sambit nito nung makita ang dalaga na nagsasampay ng mga nilabhang damit. At ang mas nakakagulat pa ay yung nakatapis lang ito ng twalya at kita ang napakaputi at makinis na katawan. Sa hubog nito ay di napigilang malibugan ni Rodolf.

 

“Ayyyyyyyy!! Manyaaakkk!!” sigaw agad ng babae at tinakpan ang sarili gamit ang mga kamay. Nataranta naman si Rodolf at tinakpan ang mata. “ Pasencia na Cindy. Di ko alam na naririto ka pala. . Ako to si Rodolf. . “ hinging paumanhin ng binata .

 

Napasimangot naman ang dalaga “ At ano namang ginagawa mo dito? Kung hinahanap mo si Ama ay wala siya. ! At kung wala ka namang kailangan ay maaari ka na ring umalis. May ronda ka pa di ba? General Williams?  “Mataray na sagot ni Cindy.

 

Tumalikod na lang si Rodolf at napabuntong hininga. Natatandaan niya pa noon na galit na galit sa kanya si Magdalena at alam niya na si Cindy at si Magdalena ay iisa. Gusto niya itong mapatunayan kaya gagawin niya ang lahat para lamang makilala at makasama ito.

 

“ Nakaronda ako pero . . . . “

 

“ Pero ano? Umaabuso ka sa posisyong binigay sayo? Naku naku. . . .Heneral ka pa naman. Nakauniporme ka pa at ano yang sa bewang mo? Espada?” tanong ng dalaga. Napangiti naman si Rodolf at akmang haharap sana . “ Hep! Talikod!! Tumalikod ka at wag kang haharap sakin!!! Kahit heneral ka pa pero dito sa loob ng bakuran ko ako ang reyna!!!. . . Para saan yang espada na dala mo? Hmp!” singhal ni Cindy kaya natawa na lang si Rodolf dahil sa hindi niya alam na ganito pala ang mahinhing dalagang nakilala niya.

 

“ Ito ba? Pamana ito ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko. Basta mahabang kwento. Ito ay ang maalamat na espadang Enma na pinapamana sa kung sino ang mapipili ng espada. “ sagot ni Rodolf kaya napataas ang kilay ni Cindy. “ Mapili ng espada? May buhay ba yan? Baka maulanan lang yan at maarawan e kakalawangin yan kaagad. Hmp ewan ko sayo. Total dito ka na rin lang ikaw na magsampay ng mga ito!” pataray na saad ni Cindy at naglakad paalis.

 

Natatawa namang napakamot ng ulo si Rodolf at pinagpatuloy ang ginagawa ng dalaga. Matapos masampay ay bumalik siya sa harapan ng bahay at naabutan doon na nagwawalis na naman ang dalaga. Kakarating pa lang ni Rodolf ng biglang titigan siya ni Cindy na naniningkit ang mata at tinaas ang walis tingting tsaka dustpan. “ Heto oh!! “ saad ng babae.

 

“ Huh? A-aanhin ko yan?” tanong agad ng binata pero napailing na lang si Cindy. “ Napakahina mo pala Heneral. Ibig sabihin ikaw na magpatuloy nito! Kunin mo na bilis nangangalay na kamay ko!” utos ng dalaga at doon ay natatawang kinuha na lang ni Rodolf ang walis at siya na ang nagpatuloy.

 

“Mula dito hanggang doon sa bakuran pati na rin sa likuran. Pakilinis General ha. Maiwan na muna kita may gagawin lang ako. “ saad ulit ni Cindy at umalis. Sa ilalim ng sikat ng araw ay napilitang sundin ng binata ang utos ng dalaga. Namumula na rin sa init ang kanyang maputing kutis pati na ang mukha.

 

Kinalaunan habang nagwawalis ay nakita niyang may hawak hawak na palakol si Cindy at naglakad papunta sa kung saan malapit ang kanyang kabayo. Pinagmasdan niya ito hanggang sa nakitang naupo ang dalaga at pinaypay ang saril gamit ang sariling kamay.

 

“ Maganda sana. Pala-utos naman. “ reklamo na lang ni Rodolf at tinapos ang gawain. Di pa nakaisang minuto at nag-iinat pa siya ng likod ng biglang tawagin na naman siya ng dalaga kaya parang batang lumapit ang binata “ Galing naman ng gwapong heneral. Pinagpapawisan ka na oh.” Saad ni Cindy at pinahiran ng panyo ang pawis sa noo ni Rodolf.

 

Dahil sa lapit ng kanilang katawan ay naaamoy ng binata ang mabangong aroma ng katawan ng dalaga. Naaantig din siya sa ngiti nito ng biglang . “ Ayan! Wala ka ng pawis sa mukha. Heto yung palakol oh. Pagsibak mo muna ako ng kahoy ha. At ipagluluto kita hihi. Yan yung mga kahoy na sisibakin mo at pakidala na lang dun sa kusina. Salamat gwapong heneral ko. Ang galing mo talaga!. “ malambing na pagkakasabi ni Cindy at naglakad na pabalik sa bahay nito.

 

Naiwang tulala naman si Rodolf habang hawak hawak ang palakol. Gusto niyang magalit dahil sa ginawa na siyang utusan. Gusto niyang magwala at magsisisigaw . Napasipa pa siya sa isang kahoy ng biglang. “ hey! Parang nagmamaktol ka yata ah! Ayaw mo? Sabihin mo lang pwede ka na ring umuwi” tawag pa ni Cindy .

 

Dahan dahang namang napalingon sa dalaga si Rodolf ng may pilit na ngiti sa labi. “ Ah hehehe may nakita lang akong bato kaya sinipa ko. Tatapusin ko na po to mahal na reyna. Sige na ako ng bahala dito. Ingat sa paglalakad ha. “ masayang sagot niya at nung makitang tumalikod si Cindy ay napabuntong hininga na lang si Rodolf at sinimulan ang pagsibak ng kahoy.

 

Kinahapunan ng makatapos sa pagsibak ay nakarating na rin ang ama ng dalaga na tulad ng dati ay lasing na naman. Ngunit ng makita nito si Rodolf ay agad na napangiti ang matanda. “ Ginoo! Kanina ka pa ba dito? O bakit nakasabit yang uniporme mo sa bakuran? “ tanong ng matanda dahil sa nakita niyang pawisan ang binata.

 

“ Ah eh tinulungan ko lang po si Cindy sa mga gawain dito. “

 

“ Ay naku iho nakakahiya naman sayo. Nga pala bakit ka naparito? “ tanong nito bigla. Di naman kaagad nakasagot si Rodolf hanggang sa napatango tango ang matanda. “ Matanda na rin ako at malapit ng mamatay. Alam ko ring umaakyat ka ng ligaw sa dalaga ko.. Pero ito lang masasabi ko iho. . . . Di madaling paamuhin si Cindy haahaha” natatawa na lang ang matanda at naglakad na papasok ng bahay.

 

Nung mga oras ding yun ay nakasilip sa bintana si Cindy. Nadinig niya ang sinabi ng kanyang ama at nakita rin ang reaksyon sa mukha ng binata. Galit pa rin siya dito pero may parti ng kanyang puso na gusto na itong tanggapin muli.

 

Alam din ni Cindy na malaki ang kutob ni Rodolf na siya si Magdalena ngunit di siya basta basta susuko at magpapahalata. Papahirapan niya ang lalaki sa abot ng kanyang makakaya ngunit. . . . .

 

Napatigil sa pag-iisip si Cindy at muling pinagmasdan ang katawan ng binata. Ang malapad na dibdib na gustong gusto niyang sandalan . Ang perpektong pagkakahulma ng mga abs na kaysarap hawakan. Ang balikat na lagi niyang kinakapitan at ang mga brasong gustong gusto niyang siya lang ang niyayakap.

 

Bumabalik sa ala-ala ng dalaga ang mga panahong nagsama sila bilang siya si Magdalena. Ngunit dahil sa nangyari ay nawala ang lahat sa kanya. Dahil na rin sa hindi pagtanggi sa isang heneral ay nagwala si Rodolf kaya nangyari ang mga bagay na hindi dapat mangayri.

 

Napatitig din siya sa maamong mukha ng binata. Napakagwapo nito na kahawig ni Paolo Avelino. Gusto ng lundagin ni Cindy ang bintana para lamang mayakap at mahalikan ang binata ngunit kinontrol niya ang nararamdaman at napabuntong hininga na lang sabay lingon sa likod at nakita ang kanyang ina na nakahiga sa kama at iniinda ang sakit nito.

 

Pagsapit ng dilim ay doon na kumain ng hapunan si Rodolf sa bahay ni Cindy. Maraming kwentuhan at kasiyahan sina Rodolf at ng ama ng dalaga. Nahabag naman ang binata sa sinapit ng ina. At nung oras na yun ay napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang ginagawa.

 

Nung sumunod na araw ay bumalik na naman si Rodolf. Halos araw-araw na siyang pabalik balik sa lugar na kahit gawin siyang utusan ng dalaga ay tinanggap ito ng boung puso ng batang heneral.

 

Lumipas ang ilang buwang pabalik balik ay unti unti na ring lumambot ang puso ni Cindy hanggang sa sumapit ang isang araw.

 

“Hmp! Alas dose na wala pa rin si Rodolf ah! San na kaya yun! Hmp baka tinamad na bumalik dito!” reklamo ng dalaga habang nakaupo sa kubo at nag-iintay sa binata. Lumabas rin ng bahay ang ama nito at napatitig sa dalaga. “ Iha Cindy. Baka di makarating si Rodolf. Nabalitaan ko kasing may nangyaring masama sa lugar ng Passi at siya ang kinuha para pamunuan ang kanyang pangkat at pumunta roon”

 

“Hmp! Eh bakit di man lang siya nagsabi sakin?! “ napasimangot na si Cindy at nalukot ang magandang mukha. Natawa na lang bigla ang kanyang ama . “ Mukhang nahuhulog na loob mo sa bintang yun ah.

 

Nga pala iha. Nag-usap na kami ni Donya Esperanza. Kukunin ka daw niya na magtrabaho sa bagong bar na binuksan niya sa kabilang kabesera. At pati ako ay ibabalik niya na rin sa pagtatrabaho sa palayan. Mapapagamot na natin ang iyong ina. “ sambit ng matanda.

 

Natahimik naman bigla si Cindy . Ayaw niya ng bumalik sa pagiging pokpok. Ngunit kinakailangan niya ng pera para ipagamot ang kanyang ina. Ilang beses na rin siyang naghanap ng trabaho ngunit wala swerteng dumating sa kanya. Kahit pumasok bilang kasambahay ay pinaaalis din siya ng mga misis dahil sa laging pinagseselosan na baka inaakit niya ang mister ng mga ito.

 

Gusto niya ng magbagong buhay. Malagay sa tahimik. Ang tanggapin ang pag-ibig ni Rodolf ay isang paraan para na rin sa kanila. Isang heneral. Marami ng nagawa at kilala sa bayan. Ngunit ang kinakatakutan niya ay yung malaman ng mga tao na sakaling ikasal sila ay lumaganap ang balita na ikinasal si General Rodolf Williams sa isang pokpok lamang.

 

Napakaraming hinaing ang pabalik-balik. Nagiging negatibo na sa pag-iisip ang dalaga hanggang sa napabuntong hininga na lang ito sabay tango. “ Sige ama. Tatanggapin ko.” Sagot ng dalaga na nagpasaya sa kanyang ama.

 

Lumipas ang mga araw ay bumalik sa bar o bahay kasiyahan si Cindy. Pero isa ng serbedora dahil sa ayaw niya ng maging pokpok pa. Ngunit kahit gaano niya iwasan ay nangangailangan pa rin siya ng pera kaya minsan ay nagpapatable siya sa mga customer hanggang sa magtapos sa pakikipagtalik sa halagang isandaang piso.

 

Di na siya muling nagmaskara pa at nagpakilala na bilang Cindy at di na Magdalena. Ngunit dahil na rin sa balat sa leeg ay nakilala pa rin siya hanggang sa dumating ang oras na bumisita ang mga sundalo sa beerhouse . Ang ilan ay di siya kilala ngunit may iilan na nakilala na siya nung unang araw na pumunta ang mga ito sa bahay ni Cindy kasama si Rodolf.

 

Ito yung mga sundalong naiilang at hindi man lang nag attempt na e table ang dalaga dahil sa alam nilang sa oras na malaman ng heneral ang nangyayari ay siguradong todas sila. Ngunit taliwas sa iilang sundalo na nabighani ng husto sa ganda ng dalaga.

 

Bawat gabi ay iba iba ang nagtable at gumagamit dito. Ang halagang isang daan ay nagiging dalawang daan hanggang sa may nagbigay ng isan libong piso. Dahil na rin sa dami ng pera na natanggap ni Cindy ay napasok niya na sa pribadong hospital ang ina at patuloy ng ginagamot.

 

Isan linggo ang nakalipas ay nakalabas na rin sa ospital ang ina at naging stable na ang pakiramdam. Nakakatayo na at nakakahalubilo sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay pinagpatuloy pa rin ng dalaga ang trabaho sa bar para magkapera hanggang sa dumating ang oras na muling nagtagpo ang kanilang landas.

 

Kandong kandong sa isang sundalo habang tumitigsim ng alak ay biglang bumukas ang pinto ng bahay kasiyahan at pumasok doon ang pamilyar na mukha na kinakatakutan ng lahat. Mas humaba na ang buhok at mas naging gwapo pa ito. Nakasout lang ng sando at pang military na pantalon kaya kita ang matikas na korte ng katawan.

 

Maraming kababaihan agad ang natakam sa bagong dating na lalaki ngunit doon kinabahan si Cindy.

 

“R-rodolf?” pabulong na sambit nito at agad napatayo mula sa pagkakakandong sa isang sundalo.

 

Nagtama ang kanilang paningin at natandaan ng dalaga na oras magwala ang lalaki ay siguradong masisira na naman ang lahat.

 

Ngunit iba ang naganap. Dahil sa nakita niya ang simpleng ngiti habang naglalakad papasok sa bar at naupo sa pinakadulong pwesto na may pabilog na mesa. Kita ang lungkot sa mata ng binata . Ang pait, Hinanakit, Pagsisisi at selos.

 

Nakaramdam ng guilt si Cindy kaya kumuha na lang siya ng isang silya at naupo pa rin sa sundalong tumable sa kanya. Nung gabing yun ay pasulyap sulyap lang sila sa isa’t-isa. Nagiging tuliro din si Cindy sa presensiya ng lalaki . Nalulungkot sa mga nagaganap hanggang sa nag-siuwian na ang lahat. Di na rin siya inaya ng sundalo na nagtable sa kanya na makipagsex dahil alam ng lahat na anjan si General Rodolf at siguradong magwawala yun kug sakaling gumawa sila ng isang maling hakbang.

 

Nung umalis na ang lahat ay naiwan si Rodolf na nakainom na ng ilang bote ng alak. Halatang lasing na ito kaya lalapit na sana si Cindy upang kausapin ang lalaki pero mabilis na tamayo si Rodolf at naglagay ng pera sa mesa.

 

“ Paki abot na lang sa kahera at ako’y  aalis na. May TIP na din yan para sa magandang palabas na naabutan ko.” Simpleng pagkakasabi nito at iniwan si Cindy. Nalungkot naman ang dalaga sa tinuran ng binata. Alam niyang siya ang mali pero di niya ito masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon.

 

Nung sumunod na araw ay bumalik ulit si Rodolf at nilibre ng inumin ang mga kababaehan sa loob. Napakaraming ladies drink at  nung oras ding  yun ay si Cindy na ang kinuha nito para e table. Ngunit di tulad ng iba ay may respeto ito sa dalaga. Pinapaupo lang sa silya at binibigyan ng maiinom at pulutan. Tahimik lang din sila at nagmamatyag sa isa’t-isa.

 

“ Rodolf. Pwede ba tayong mag-usap? “ pagtanggal ni Cindy sa katahimikang nagaganap. Napatango lang si Rodolf at napatitig sa mata ng dalaga. Doon ay umiwas ng tingin si Cindy. “ Gusto ko sanang magpaliwanag kung bakit to nangyayari. Alam mo naman na nangangailang. . . “

 

“ Naiintindihan ko Cind. Naiintindihan kita. At kahit masakit ay patuloy kitang iintindihin. Di ko alam kung bakit pero kahit nasasaktan na ako ay hindi ko kayang magalit sayo. Ayaw ko ring magkaroon ka pa ng problema ng ako ang dahilan. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay ang suportahan ka at patuloy na iinitindihin. “

 

Di nakapagsalita ang dalaga sa kanyang mga nadinig. Ngunit lumipas ang ilang Segundo ay napatayo ito at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Rodolf para hilahin patayo. “ Dun tayo mag-usap sa kwarto. Hindi dito. “ simpleng pagkakasabi ng babae at sabay na silang naglakad.

 

Nag-iwan muna ng pera si Rodolf bago nila nilisan ang mesa at pumasok sa VIP room ng bar na kung saan ginaganap palagi ang pakikipagkantutan ng mga pokpok sa kanilang mga kustumer

 

Sa pagkakapasok pa lang nila ay agad na tinulak ni Cindy ang binata sa pader at hayok itong hinalikan sa labi na kung saan ay mabilis na nilabas ng dalaga ang dila nito at ginalugad ang bibig ng binata. Sa tagal ng panahong di nila natikman ang isa’t-isa ay gusto sana ni Cindy na muling maranasana ang ginagawa nila noon bilang siya si Magdalena.

 

Ngunit iba ang nangyayari dahil hindi man lang rumeresponde si Rodolf sa halik ng babae. Doon na dahan dahang napatigil ang dalaga at lumayo ng konti sa binata. “ Rodolf. Alam mo ang trabaho ko. Isa akong Pokpok. At alam na alam mo ring kung anong pakay ko sayo sa kwartong to. Pero bakit? Bakit di ka man lang gumagalaw? Di ka ba naaakit sakit? Di ka ba nagagandanahan sakin? Magsabi ka lang “ sambit ni Cindy.

 

“ Di ganun yun Cind. “ Walang ganang sagot ng binata . Napahigpit naman ang pagkakahwak ni Cindy sa damit ni Rodolf at muli pa sana itong hahalikan ngunit pinigilan siya ng binata. Doon na nagtaka ang dalaga. “ Rodolf. Bakit? Ayaw mo ba sakin? Dati rati naman parang ayaw mo kong iwanan ah. Halos lahat ng posisyon ginagawa natin! Bakit ba?! Dahil ba sa nandidiri ka na sakin? Bakit? Dahil ba sa. . .” pahina ng pahina ang pagsasalita ni Cindy. Doon niya lang natuklasan na di alam ni Rodolf na siya si Magdalena kaya magpapaliwanag pa sana ito ng biglang. . . .

 

“ Alam ko Cind. . . Alam ko. Huwag ka ng magpaliwanag. Mula nung makita kita ay alam kong ikaw siya. Si Magdalena. Pero alam mo ba kung bakit di ako nagsalita? Dahil yun sa gusto kong magpakilala sayo at makilala ka bilang tayo. Di yung nagtatago sa likod ng maskara.

 

Gusto kitang makilala at malaman ang kwento mo. Ang gusto ko lang ay hayaan mo akong gawin ang gusto ko na makatulong sayo. Ang maalagaan ka. . . . .At ang mahalin ka” napayuko na ng tuluyan si Rodolf sa huling linya na nabitawan niya.

 

 

Nagulat naman si Cindy sa nadinig ngunit labis na saya ang bumabalot sa pagkatao ng dalaga. Di niya lubos maisip na may lalaking magsasabi sa kanya ng ganoon. Na di lang katawan niya ang habol kundi ang boung pagkatao. “ M-mahal? Mahal mo ko? Magmulat ka ng mata mo Rodolf. Isa akong pokpok! Isang bayarang babae! Isang ibong mababa ang lipad at napakarami ng nakagalaw at nakatikim sakin! Di na ako malinis Rodolf. . .H-hindi na ako malinis. . . . ..” tuluyan ng naiiyak si Cindy sa bawat salitang sinasambit niya.

 

“ A-ayaw kong masira ka dahil lamang sa aking pagkatao. Isa kang Heneral. May napakataas na ranggo. . Tapos ako? Isang pokpok Rodolf kaya. . .Pakiusap. . .iba na lang. “ di na nakapagpigil pa ang dalaga at tuluyan ng naiyak sa dibdib ng binata.

 

Doon binuhos ang lahat ng hinanakit. Ang paghihirap. Ang lahat ng pait ng buhay na dinanas. Binuhos sa isang iyak sa dibdib ng lalaking nagbibigay sa kanya ng kalinga. “ Tinibayan rin ni Rodolf ang sarili at niyakap ang katawan ng babae.

 

“ Kahit ano ka pa. Kahit ano pang sabihin nila. Kahit ano pang nangyari. Kahit makalaban ko pa ang mundo. Isa lang masasabi ko sayo Cind. . .Mahal kita. At kahit ano pang pagkatao mo ay iintindihin ko. Ang trabaho mo. Ang ugali mo. Lahat lahat. Dahil ang makasama ka. . . Ay isang na sa pinakamasayang pahina ng aking buhay. “ madamdaming pagkakabanggit ng binata.

 

Doon na napatigil sa pag-iyak si Cindy at unti-unting napatingala. Muli niyang nakita ang ngiti sa labi ni Rodolf. Tahimik silang nagkakatitigan at unti-unting naglapit ang mukha sa isa’t-isa. . .

 

“ Mahal din kita Rodolf. . . .Mahal na mahal din kita. “ di na nagpigil pa ang dalaga at sinagot ang damdamin ng binata. Naglapat ang kanilang labi at sa pagkakataong yun ay isang napakatamis na halik na puno ng pagmamahal ang tinanggap ng isa’t-isa.

 

 

….

 

CAMP Hernandez Duenas Military Base 1966

 

 

Sa loob ng barracks habang nagpapahinga ay lumapit ang isang makisig na lalaki sa kanyang kasamahan at napaupo ito sa tabi nito. “ Ei!” saad nito sabay suntok sa balikat ng kasama na tulala sa isantabi.

 

 

“ hey! Sir Rodolf! Natameme ka na yata jan. Di ka yata maka move on sa dalagang yun ah? Sigurado ka na ba sa plano mo? “ tanong nito . Napabuntong hininga naman ang lalaki at napatingin sa itaas. “ Di ko alam kung pag-ibig na ba ito pre pero di na siya mawala sa aking isipan eh. “ sagot nito sabay kuha ng kanyang pitaka at tinitigan ang litratong kinuha niya sa bahay ng napakagandang dalaga na kanyang sinisinta.

 

“ Inangyan pre. Naknangtupa! Eh pokpok yun eh! Sinabihan ka lang na gwapo ka, hinalikan ka sa labi at nagpagalaw di ka na maka move on? Alam ko ring na one night stand mo yun kagabi matapos niyong umalis sa beerhouse.

 

Nakaubos ka nga ng ilang dosenang ladies drink para sa pokpok na yun dahil pati ba naman mga kasamahan niya nilibre mo. Di mo ba alam na parang lahat na lang yata ng kasamahan natin dito ay natikman na ang dalagang yun?” saad ng kanyang kaibigan.

 

Ang ngiting nakapaskil sa pesnge ni Rodolf ay dahan dahang nawala. Namula ang tenga at uminit ang ulo. Isa sa pinaka-ayaw niya ay ang siraan sa kanya ang mga taong napakaimportante sa kanya tulad ng pamilya at mga mahal sa buhay. Dahan dahan niyang tinupi ang litrato ng dalaga at muling binalik sa kanyang pitaka sabay tayo at tumalikod para pakalmahin ang sarili.

 

“ Pre gumising ka nga sa katotohanan. Isang Pokpok yung babaeng yun! Isang ibong mababa ang lipad at napakarami ng lalaking kumantot dun. Huwag mong sabihing ginayuma ka na? Inangyan Rodolf. Ilang mayayamang babae ang humahabol sayo.

 

Yung anak ni General Montes! Yung anak ng isang mayamang pamilya ng mga Montenegro! Halos lahat ng yun ay magaganda at kaakit akit. Malilinis at batam bata pa! bat ba naman kasi sa pokpok ka pa pumatol! So anong balak mo Pre? Hmm Paano kaya kung e table ko rin ang babaeng yun at kakantu. . . .

 

AARGGGGHHHHHHHH!!!!”  Di na natapos pa ng lalaki ang sasabihin ng biglang hinarap siya ni Rodolfo at binigyan ng isang napakalakas na suntok na derektang tumama sa ilong nito. Sa lakas ng suntok ay napaatras siya ng ilang metro bago matumba sa sahig.

 

Duguan ang mukha at nabali ang ilong. Di ito makapaniwala sa nangyari at ang mas nakakagulat ay nung makita nitong tumalon si Rodolf at boung lakas na binigyan siya ng sipa sa tiyan na agad nitong ikinasigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman.

 

“ Walang maaaring magsabi o mag-utos sa dapat kong gawin! Walang taong makakapigil sa aking kagustuhan na kahit ikaw pa Porferio! Tandaan mo! Tauhan lang kita! Sa oras na madinig kong sisiraan mo si Cindy ay di lang yan ang aabutin mo!” sigaw ni Rodolf at mabilis na inabot ang leeg ni Porferio sabay hila.

 

Dahil sa laki at tangkad ay nakuha niyang maiangat ang katawan ni Porferio at biglang tinapon sa pintuan ng barracks na biglang ikinabukas ng bumangga ang katawan ng kanyang kasamahan.

 

Sa labas ay napakaraming military ang naroroon at gulat na gulat sa kanilang nakita. “ Dalhin niyo sa bahay pagamutan. ! “ sigaw ni Rodolf na ikinatango ng kanyang mga alagad. “ Masusunod po General Williams!” sabay na sigaw ng mga ito sabay salute at dali daling kumuha ng stretcher para alalayan ang nakahimlay na katawan ni Porferio.

 

Matapos ang naganap ay muling bumalik sa Rodolf sa kanyang desk at kinuha isang papel sabay bukas. Doon nakaguhit ang mapa ng isang lugar na kanilang bagong misyon. Bilang heneral ay siya ang gumagawa ng plano at namumuno sa lahat.

 

Dahil sa batang edad ay napakaraming nahumaling sa kanya na kahit may edad na ang ibang babae ay gusto pa ring ialay ang katawan ng mga ito kay Rodolf. Mapa anak mayaman man o artista ay gustong gusto siyang makasama.

 

Pero walang sino mang makakalagpas sa papel ng isang babae sa kanyang buhay. Ang pinakamamahal niyang si Cindy.

 

 

 

Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa tirahan ng dalaga. Dahil na rin sa naging magkasintahan na sila ay di na nila tiniis pa ang isa’t-isa at nagtalik magdamag sa likod bahay ng dalaga dahil sa wala na naman ang ama nito at ina.

 

Matapos ang mainit na tagpo ay napahawak si Rodolf sa pesnge ni Cindy. “ Mahal ko. . . . Magpapaalam sana ako sayo na aalis ako sa susunod na linggo at mawawala ako ng dalawang linggo. Merong misyon sa lugar ng Passi na kailangan kong gampanan at pangunahan. “ sabi ni Rodolf . Napangiti naman si Cindy at napahalik sa labi ng lalaki.

 

“ Huwag kang mag-alala Rodolf. Mula ngayon ay di na ako babalik sa Beerhouse. Wala ng ibang may makakagalaw pa sakin. Kundi ikaw lamang. Ikaw at tanging ikaw lamang mahal ko. “ sagot ng dalaga at muling hinalikan ang labi ng binata. Muli na namang naganap ang napakasarap na pagtatalik ng dalawa hanggang sa sumapit ang tanghali.

 

Nakatambay sila sa likod bahay malapit sa puno ng balete . Napapatingin si Cindy sa espadang laging dala ni Rodolf kaya napatanong ito. “ Rodolf? Di yata kita nakitang ginamit ang espadang yan. Bakit mo laging dala? Hm?”

 

“Ah heto ba?” saad ni Rodolf at kinuha ang espada sabay tanggal nito sa scabbard at pinakita ang talim sa dalaga. “ Ito ang maalamat na Enma . Marami itong nagagawa na di alam ng iba. May mga talento na kayang ibigay sa taong nakahawak o napili nito” sagot naman ni Rodolf kaya napatayo na rin si Cindy dahil sa nakuha ang kanyang atensyon.

 

“ Kung ganoon ay maaari mo ba akong pakitaan mahal ko? Kung totoo nga ba ang lahat ng sinasabi mo? Hihi pasensya na pero parang di yata ako maniniwala hanggang sa di ko nakikita”

 

Sa sinabi ng dalaga ay napangiti si Rodolf . Napapatingin sa paligid at nakita ang isang malaking sanga ng puno ng balete at tinuro. “ Mahal di ba kulang yung panggatong natin? Nakikita mo ba yung sangang yun? Ipapakita ko sayo kung ano ang magagawa ng espadang to. “ sambit ni Rodolf na nakapagpatango sa babae.

 

Dahan dahang napapikit ang binata at dinama ang ihip ng hangin. Sa ilang segundong pagconcentrate ay minulat niya ang mata na kung saan ay napaatras si Cindy sa kanyang nakita. Ang matang mala-pusa na parang naging ibang tao ang lalaking kanyang kasama.

 

Nagsimulang humakbang si Rodolf ng biglang umihip ang malakas na hangin at sa isang iglap lang ay nawala ito sa kanyang kinatatayuan. Labis na nasindak si Cindy sa kanyang nasaksihan dahil sa napatingala agad ang dalaga at nakita na nasa toktok na ng napakataas napuno ang kanyang kasintahan at humiwa ng ilang beses at kasunod nun ang paglaglag ng mga sanga ng puno sa maliliit na parti na pwede ng panggatong.

 

“DUG!!” tunong ng lupa nung tumalon pababa ang binata at nakangiting naglakad palapit sa dalaga. Bumalik na sa normal ang mata nito ngunit napaatras si Cindy dahil sa takot at pagkabigla. “ Ey ey ey!! Ako to Mahal. Ako pa rin to. Hehehe Gulat ka no? “ natatawang saad ni Rodolf na nakapagpatango kay Cindy ngunit mabilis ring napasimangot.

 

“ Hmp! Mukha yatang ginagawa mo kong tanga Rodolf ah. Kaya mo naman pala humiwa ng kahoy na parang karne ng baboy pero bakit ka pa nagsibak ng kahoy para sakin?!”

 

“ Ah eh utos mo eh. Madaya naman kung gagamitin ko ang espada para lamang sa mga simpleng gawain. Nga pala. K-kasi tatlo lang kayo ng ama at ina mo dito. Balak sana kitang turuan at sa mga panahong wala ako at mapoprotektahan mo ang sarili mo at mga kasama mo. “ saad ni Rodolf.

 

Sandaling natahimik si Cindy ngunit agad niya ring nakuha ang punto kaya agad itong napatango.

 

Nung oras na yun ay magdamag silang nagsanay. Mga simpleng paghampas gamit ang kahoy na kunwaring espada. Mga abilidad na si Rodolf lang ang nakakagawa. Sa paglipas ng ilang araw ay lagi na lang yun ang kanilang inaatupag at pagkatapos ng maghapong pagsasanay ay napupunta sa mainit na pakikipagtalik.

 

Naging Masaya rin ang magulang ni Cindy dahil sa sitwasyong nangyayari sa kanila at sa presensya ng batang heneral na si Rodolf Williams. Sa mga araw na lumipas ay napakarami ng natutunan ni Cindy hanggang sa dumating ang araw na pag-alis ni Rodolf.

 

Kalahati ng kanyang kasanayan ay naipasa niya na sa sinisintang dalaga. Naglista din siya sa papel ng mga kulang at maaaring magsanay si Cindy ng mag-isa kahit wala siya. Kahit papano ay alam ng binata na ligtas na ang kanyang minamahal sa mga darating na panganib at napagdesisyunan niya ring iwan kay Cindy ang kanyang espada.

 

Malungkot man ang dalaga sa dalawang linggong pagkawala ng binata ay pinagpatuloy niya ang pagsasanay hanggang sa dumating ang araw na nakyuryos siya sa kayang gawin ng espadang Enma na iniwan sa kanya.

 

Isang hapon sa harapan ng bakuran ay naroroon si Cindy at tinititigan ang espada . Napapatingin din sa paligid kung anong pwede niyang pagpraktisan. Ngunit nung oras na yun ay may nadinig na mga kaloskos ang dalaga. Alam niyang nasa malayo at nasa misyon si Rodolf kaya alam na alam niyang may ibang tao sa paligid.

 

Tulad ng kanilang sinanay ay pinakiramdaman niya ang paligid . Pinikit ang mata at sa pagmulat ang naging sa malapusa ang mata nito.

 

Naramdaman agad ng dalaga ang isang tao na di masyadong malayo sa kanyang kinaroroonan at ang panganib na dala nito. Bago pa maunahan ay sinimulan na ni Cindy na hugutin ang espada at napakabilis na nakaalis sa kanyang kinaroroonan at nakarating sa pupuntahan.

 

Alam niyang sa likod ng malaking puno ang nagmamasid sa kanya kaya inihanda niya na ang sarili at mabilis na inikot ang malaking puno sabay bigwas ng espada sa taong naroroon. “ Huh?!

 

“ Haaaaa!!!! . . . H-huwag!! Huwag!!!” H-halimaw!! Halimaww!!!” sigaw sa takot ng lalaking nakauniporme ng military at napatakbo. Nakita nito ang mala-pusang  mata ng dalaga at ang galaw na di normal na ginagawa ng tao. Dahil sa takot ay ilang beses pa itong natumba habang tumatakbo at namumutla na ang mukha na baka mapatay siya.

 

Napatitig lang si Cindy sa lalaki habang paalis sa lugar. Di niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon nito nung makita siya. “ Halimaw? Ganun na ba ako kapangit? Hmp!” bulong ng dalaga at napatakbo pabalik sa bahay niya.

 

Nung humarap sa salamin ay laking gulat ni Cindy sa kanyang nakikita. Ang pag-iba ng kanyang mata. Ang buhok na iniihip ng malakas ng hangin kahit nasa loob siya ng bahay na parang normal lang . Kahit siya ay di makapaniwala at alam niya na ganoon na lang ang reaksyon at isinigaw ng tao nung makita siya sa malapitan. Napabuntong hininga na lang ang dalaga at muling binalik ang espada sa scabbard at doon na muling bumalik sa normal ang lahat.

 

Kinagabihan ng makabalik ang sundalo sa kampo nito ay takot na takot na pumasok siya sa barracks ng kanyang senior na si Porferio Trinidad.

 

“ Sir! May ibabalita po ako! Hindi Normal ang babaeng kinakaadikan ni General William! Isa siyang bruha ! isang halimaw na baka ginayuma ang ating batang heneral para makuha ang gusto niya!!! “ namumutla at habol hiningang sumbong ng sundalo.

 

Napahawak naman si Porferio sa kanyang baba “ Hmmmm kung ganoon nga ay kailangan na nating pigilan ang babaeng yun. Para magising na si General Rodolf sa katotohanan. Na di lang isang pokpok ang kanyang kinakaadikan kundi isang halimaw.!

 

Burdagol! Pumarito ka! Sa linggong ito  ay dapat na mapatay ang pamilyang yun! Ang pamilyang salot sa lipunan! Ang pamilyang nagbibigay problema sa lahat! Ang dahilan ng pagiging negatibo ni General Rodolf William! Patayin si Cindy!!!!”

 

“PATAYIN!!!”

 

ITUTULOY!!!!

AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOU
RAZEL22
razel22
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
4
0
Would love your thoughts, please comment.x