Written by razel22
PEPE 13
18+
BY: RAZEL22
Passi City City Mall Rooftop
Dahil sa kakulangan ng gas ay na stranded ang sinasakyang Helicopter nina James kasama ang anak ng Presidente ng kompanya na si Princess at ang tatlong kaibigan nito. May limang military officer din kasama ang dalawang piloto . Sa boung oras ng byahe ay naging mahangin si James kahit na nalaman na ng lahat na di siya ang dahilan sa pagsagip sa kanila.
Credit grabber ika nga ng karamihan.
Mula umaga hanggang sa ginabi at inabot na naman ng sumunod na araw ay nanatili ang grupo sa itaas ng mall at nung gabing nagdaan ay nagka initan na rin ang dalawang lalaking sina Joseph at James dahil sa hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga plano sa hinaharap.
Meron silang nakikitang mga barikada sa dalawang tulay ngunit wala ng katao-tao ang paligid. Dahil nung oras na yun ay napasok na ng tuluyan ng mga patay ang lugar ng Passi.
Hawak-hawak ang radio ay tinatawagan ng isang military officer ang kanyang kasamahan habang ang isa naman ay nagmamasid sa paligid hawak-hawak ang long barrel fire arms.
Sa di kalayuan malapit sa Emergency Exit ng Rooftop ay naroroon ang limang survivor. “Tsk! Ano ba tong mga kulupong na to! Akala ko ba SOS to bakit kinulang sa Gas! Tangina!” Reklamo naman ni James na nakailang ikot na pabalik balik sa kinaroroonan. Nakadama na ng labis na gutom at naghahanap lang ng tamang oras para mapasok ang kinaroroonang Mall dahil sa pinagbawalan silang buksan ang pinto sa kaalamang baka meron ng mga bangkay sa loob.
“ Hey! James. Dito ka nga at maupo. Di naman sa lahat ng oras ay magiging perpekto ang lahat. Pasalamat nga tayo at nailigtas tayo sa Gaisano eh! “ Tawag ni Joseph na kaibigan din ni Princess.
Napalingon naman ang Manager sa kaibigan ng dalaga “ Ungas ka ba?! Dalawang araw na tayong nandirito sa itaas! Pagdating ng tanghali ay mabibilad tayo dito! Mauubusan na ng tubig at wala ng pagkain! Kung kontento ka na sa sitwasyon mo ay huwag mo kong pakialaman! Tanga ka! Ihawin kita jan eh!” galit na sagot naman ni James sa lalaki.
Dahil sa nadinig ay parang nag-init ang tenga ng binatang si Joseph. Boung araw at gabi siyang nagtitimpi ngunit nung oras na yun ay napuno na siya sa ugali ng tauhan ng ama ng kanyang kaibigan. “ Ihawin? Tanga? Mukhang di mo kinikilala kung sinong iniinsulto mong kumag ka ah” sabat bigla ni Joseph at tumayo. Simunod rin sa pagtayo ang tatlong babae at napahawak ang dalagang si Thalia sa braso ni Joseph para pigilan ito.
“ Kung di ka lang kaibigan ni Princess di ka na sana nabubuhay ngayon. Wala akong pakialam kung saang angkan ka nanggaling! At kung sabihin kong tanga ka ay yun na yun! Bakit kakasa ka ba?” sagot ni James at humakbang na palapit sa kinaroroonan ni Joseph.
Agad namang natawa si Joseph sa nadinig mula kay James nandilim ang mata at parang lalabas na ang ugat sa noo. Sa tanang buhay niya ay di pa siya nakaramdam ng ganoon kagigil. Anak mayaman ang binatang si Joseph at nag-iisang anak lang ng mayor ng kanilang bayan. Lahat ng luho binigay sa kanya at kilala rin ito sa pagiging basagulero. Leader din siya ng isang gang sa kasalukuyan.
“ Tama naaaaaaa!!! “ isang sigaw ang nagpapigil sa dalawa. Dahil nung oras na yun ay pumagitna na si Princess at matalim na tinitigan ang dalawa. “ Problemado na nga tayo dito dadagdagan niyo pa! Please guys kumalma na lang kayo at mag-antay ng tulong. I’ve heard na may pupunta na ditong chopper na may dalang Gasolina.” Pagpigil ng dalaga sa dalawa ngunit napangisi lang si James at pinagpatuloy ang paglapit sa pilit kumakalmang si Joseph.
Ngunit di alintana sa dalawa na napapangiti na si Princess sa inaasahang pangyayari.
“ Gasolina?” Sambit nito nung makalapit na at kaharap na ang kaibigan ng dalaga. “ Di ba sabi ko iihawin kita? Malapit na yung oras mo . . .Tanga!”
Matapos masabi ang mga katagang yun ay isang tunog ang nadinig ng lahat. At sa isang iglap lang ay nakahiga na si James sa sahig ng rooftop hawak hawak ang kanyang nagdurugong ilong. Di makapaniwala na nakuha siyang suntukin ni Joseph .
Akala niya ay masisindak niya ang lalaki dahil sa laki ng katawan ngunit di akalain ng Manager na magagawa siyang bigyan ng solidong suntok ng binata. “ Di mo ko kilala? Ngayon malalaman mo na!” sigaw naman ni Joseph at kinuha ang kamay ni Thalia na nakakapit sa kanyang braso.
Galit na galit na hinila niya ang paa ni James at binalibag na agad bumangga ang katawan nito sa pader na kung saan ang pintuan pababa. Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay napasuka ng dugo ang lalaki at nakadama ng labis na sakit sa katawan.
Napalingon din ang limang military sa nangyayaring gulo pero di man lang gumalaw ang mga ito. Nanatiling nagbabantay at yung isa ay nagsindi pa ng yosi at nagrerelax lang. Ang dalawang piloto naman ay parehong nakatingin sa langit na merong mga binoculars sa mata at inaantay ang paparating na tulong.
“ Josephhh!!! Tama naaaaaaa!!! Huwaaag!!” sigaw ni Dina at Thalia at pilit inaakap ang katawan ng lalaki. Tulala naman si Princess na nakatingin lang sa away ng dalawa.
Ngunit sa di inaasahan ay sumilay ang ngiti sa labi ng babae dahil sa nakakadama ito ng labis na pananabik at kasiyahan. Di nito alam kung bakit pero sanay na siyang makita na ganoon ang kaibigang si Joseph.
Dating nanligaw din ito sa kanya ngunit sadyang di pa siya handa para pumasok sa relasyon at binusted ang lalaki. Pero kahit ganoon ang nangyari ay nanatili pa rin ang pagkakaibigan ng dalawa at naging tagapagligtas niya pa ito sa kung ano mang gulo na mapasok nila.
“ Argghhhhhhhh!!!! Pa-papatayin kitaaaaaaa!! Humanda ka sakin!!!” sigaw sa sakit ni James at napatakip na sa kanyang ulo dahil sa nakatikim na siya ng ilang sipa mula sa binatang si Joseph. Ilang beses na ring bumangga ang noo ito sa pader dahilan ng pag-agos ng dugo at nandidilim na rin ang paningin ng Manager na parang mawawalan na ng malay.
“ Iihawin mo ko di ba? Mukhang ikaw yata ang iihawin ko ngayon! Heto paaaa!!” sigaw ni Joseph at hinawakan ang isang kamay ni James na tumatakip sa mukha nito. Nung oras na maalis ang cover ay ilang suntok ang pinakawalan ng binata na tumama ng solido sa mukha ni James .
Sa bawat suntok ay naroroon ang panggigigil at handang pumatay. Sa bawat tama ay talamsikan ang dugo ng lalaki at nagkandaputok na rin ang labi. Naniningkit na rin ang mata hanggang sa di na nito nakayanan pa ang labis na pinsala at nandilim ang paningin.
Dun lang tumigil si Joseph at tumayo ng tuwid. “ Pwe!!! Puro salita!” saad nito matapos duraan ang duguang mukha ng Manager. Napalingon naman si James kina Dina,Thalia at Princess. Akmang hihingi na sana ito ng pasensya ngunit ikinagulat ng binata ng makita ang malademonyong ngiti ng mga ito.
“ Princess? “ nasambit na lang ni Joseph ng biglang. . .
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!!!
Malakas na tunog ng Elesi ng paparating na helicopter. Napalingon naman ang apat at nakitang napatayo na ang mga military at ang dalawang piloto. “ Joseph. Panu yang si James ? Dadalhin pa ba natin yan?” sambit bigla ni Dina.
Agad naman naglakad si Princess palapit sa nakabulagtang lalaki. “ Mukhang buhay pa yata. Di na to makakabawi pa sayo. “ sambit nito at tinignan si Joseph na napatango rin kaagad. “ Sige dalhin na lang natin. Tauhan din to ni Daddy eh. Para naman meron tayong utusan pagdating sa Bora. “ sambit nito na ikinatango ng kanyang mga kasama.
Sa paglapag ng bagong dating na chopper ay kasunod nun ang pagbaba ng ilang military officer at nagbigay ng ilang gallon ng gas. Nag-usap pa sandali ang mga military ng may isang lumingon sa grupo nina Princess .
Naglakad ito palapit sa babae. “ Miss Ibarra. Mukhang di yata maganda sitwasyon ng isa niyong kasamahan. Isasama pa po ba natin yang isang yan?” tanong nito. Sabay namang napalingon ang grupo sa nakabulagtang si James . “Yes sir. Tulad naming ay survivor din siya. Di lang nagkaintindihan. Nga pala bat di niyo pinigilan ang dalawa kanina?” curious na tanong ng dalaga na ikinatawa ng military.
“ Ang misyon lang namin ay yung mailigtas kayo. Pero yung kayo mismo ang magpatayan ay wala na yun sa trabaho namin. Dadalhin ang buhay. Iiwan ang patay. “ simpleng sagot ng lalaki. “ Hmm ok po kung ganun. Dadalhin na lang po namin siya sa Chopper para dun na lagyan ng first aid at magpahinga. “ sagot naman ni Princess at nagpaalam na ang militar sabay lakad pabalik sa mga kasamahan na naghahanda na para sa muling pag-alis
Tatlumpong minuto ang lumipas ay naikarga na ang katawan ni James sa Helicopter gamit ang malapad na tela. Sa sahig pinahiga ang katawan nito at nasa uluhan niya ang bukas na pinto. Sa kanang bahagi niya naman ay naroroon nakaupo ang nakalabang si Joseph.
Nung oras na yun ay nakasakay na ang lahat at naghahanda na sa pag-alis. At ang di alam ng mga kasamahan ni Princess ay nagkaroon na ng malay si James at nag-kukunwari lang tulog. Galit at pighati at paghihiganti ang nasa isip nito lalo na’t di niya inaasahan na magugulpi siya ng isang binata lamang.
Nang magsimula ng umangat ang sasakyang pamhimpapawid ay natahimik ang lahat. Napamulat rin ng bahagya ang isang mata ni James at napatingin sa paanan niya na naroroon ang apat na military. Sa tabi naman ni Princess at Dina ay ang isang pang military officer at pinagigitnaan naman nila ni Thalia na katabi ng nasa gilid na si Joseph.
“ Tatlumpong Segundo! Tatapusin kita sa tatlumpong Segundo!” Yang ang mga paulit ulit na bumabalik sa isipan ni James at nag simula ng magbilang.
“ Sir! May mga babalikan pa po ba tayo? O may mga ererescue pa ba? Kukunti lang kasi kaming sakay dito. “ tanong bigla ni Dina. Napalingon naman ang military . “ Negative maam. Sakto lang sa pagbalik sa Campo yung gas dito. At sa sitwasyon ngayon ay hirap tayo sa pagkuha ng krudo dahil sa dami ng patay sa paligid. “ sagot ng military na nakapagpatango sa dalaga.
Napasandal naman ang dalagang si Princess sa balikat ng kanyang bestfriend at pinikit ang mata para makapagpahinga. Si Joseph naman ay lumapit pa sa gilid ng pinto at tinitigan ang nangyayari sa baba. Dahil sa malakas na tunog ng Chopper ay mas dumami pa lalo ang mga bangkay na paparating. Ngunit sa pagkagulat nito ay meron siyang namataan na kakaiba sa lahat.
Malaking zombie na sa bawat bigswas ay nagsiliparan ang mga nasa paligid. Mas malaki ang katawan kumpara sa mga sasakyan at sa patuloy na pagtingin tingin ay doon niya lang napagtanto na kakaiba na ang nagaganap.
Meron na ring mga mabibilis tumakbo at humahabol sa kanila at yung iba ay patalon talong sa mga sasakyang na stranded. Di makapaniwala ang binata at natakot sa reyalisasyon na kung sakaling nagtagal pa sila ng ilang araw sa Passi ay siguradong mapapatay sila ng mga bangkay na unti-unting nag iba na ang anyo.
Di pa masyadong nakakataas ang Sasakyang pamhimpapawid at kalmado na ang lahat ng biglang mangyari ang hindi inaasahan. Bigla na lang bumangon si James sa sahig at kumapit bigla sa ulo ni Joseph na nakadungaw sa baba.
Dahil sa biglaang pangyayari ay di napaghandaan ni Joseph ang magaganap at nakadama na lang ng labis na takot ng tumalon si James palabas ng helicopter yakap yakap ang kanyang ulo.
“Isasama kitaaaa!!!! Magkasama tayong mamamatay!!!” sigaw ng Manager habang tumatalon. Handa na ito sa ano mang mangyayari sa kanya. Di na rin nakaligtas pa si Joseph ng masama ito palabas ng Helicopter ngunit bago mahulog ay napakapit pa ito sa railings ngunit huli na ang lahat. . .
“ Ahhhhhhhhhhhh!!!”
Sigaw na puno ng takot at kita niya ang helicopter na papalayo na sa kanya habang sila’y nahuhulog. Takot na takot ngunit wala na siyang magagawa. Ayaw niya mang tanggapin ngunit huli na ang lahat ng biglang. . .
“Uggkkkkkk!!! aHHhhhhhhhhhhh!!” bumagsak sila ni James sa gilid ng rooftop ng mall at dahil sa lakas ng pagbagsak ay tuluyang napabitaw si James sa ulo ni Joseph.
Mula rooftop pabagsak sa malaking signage hanggang sa lumagabog ang katawan ni Joseph sa ibabaw ng kotse.
Masakit. .
Sobrang sakit na para bang gusto niya na lang ipahinga ang katawan.
Di pa nawawalan ng malay ang lalaki at inihiga ang napinsalang katawan. Napapaubo at napapasuka ng dugo. Hilong hilo ang pakiramdam at para bang nagkandabali ang kanyan buto sa katawan. Doon niya lang napagtanto na bumagsak siya sa ibabaw ng Containervan. Kita niya pa ang papalayong helicopter at nadidinig ang sigaw at iyakan ng kanyang mga kaibigan.
Dahan dahan siyang napaupo at tinapik tapik ang pesnge. Nang sinubukang tumayo ni Joseph ay agad siyang natumba dahil sa biglaang pagyanig ng kinatatayuan. Nang sinubukang tignan ang ibaba nito ay nahintakutan ang lalaki dahil sa dami ng bangkay na pilit inaakyat ang kanyang kinaroroonan.
Dahil sa takot ay lumipat siya ng pwesto at napatingin sa kabila ngunit tulad ng sa una ay ganoon rin ang sitwasyon. Napaiyak na lang ang binata sa sobrang takot na naramdaman at parang sasabog na ang puso sa kaba.
Napatingala pa siya ngunit may napansin sa itaas ng Citi Mall. Kita niya ang nakangising mukha ng binugbog niyang si James na maswerteng bumagsak sa rooftop ng mall. “ Bagay sayo yan!!! Magpakain ka na iho!! Wala ka ng kawala jan hahahahahha!!! Kahit san ka pumunta ay napapaligiran ka na! “ sigaw ni James sabay talikod at umalis.
Nanlumo naman si Joseph at napakuyom ang kamao. Di makapaniwala na siya pa ang malalagay sa napakadelikadong sitwasyon . Dumaloy na rin ang luha sa mata dahil sa takot na nararamdaman.
DUG!
Tunog ng pagbagsak ng tuhod sa itaas ng containervan at kasunod nun ang pag-iyak ng binata. Tuluyan na itong sumuko dahil sa alam niya sa kanyang sarili na wala na siyang kawala.
Samantala sa loob ng Helicopter ay todo yakap ang tatlong military sa tatlong dalagang iyak ng iyak. Balak sundan si Joseph at gusto rin tumalon pababa. Ilang beses na ring sinabi ng piloto na di na pwedeng bumalik pa kaya napunta na lang sa iyak ang lahat lalo na si Thalia dahil sa kasintahan niya na ang binatang si Joseph.
Doon na lang napayakap si Princess kay Dina at humagolhol ng iyak sa dibdib nito. Napabitaw na rin ang mga military ng makitang kumalma na ang sitwasyon at para makasigurado ay sinarhan na ng tuluyan ang Helicopter para wala ng susubok pang tumalon pababa.
“ Shhh wala na tayong magagawa Princess. . . .Kailangan na nating tanggapin ang katotohanan. Wala na ang kaibigan natin. . .Wala na si Joseph. “ malungkot na pagkakasabi ni Dina at hinaplos ang buhok ng kanyang bestfriend.
Samantala sa rooftop ng City Mall ay paika ikang naglalakad ang lalaking si James. Sa kanilang pagkahulog ay mas naunang bumangga ang katawan ni Joseph sa corner ng Gusali kaya di siya masyadong napinsala at maswerteng nahulog sa loob ng rooftop at naiwasang mahulog sa labas ng mall.
Di maalis ang ngising demonyo sa mukha ng lalaki at pasipol sipol pa habang papalapit sa pintoan ng Emergency Exit ng Mall papuntang rooftop. Sa pagdating sa pinto ay agad niyang inalis ang nakaharang na mga kahon at mga tubo.
Nakakadama na siya ng labis na gutom at gusto niya ng makainom ng tubig at kumain kaya agaran niyang binuksan ang pinto at napangiti. “ Atlast! “ Sigaw niya sa labis na saya at kahit hirap maglakad ay sinimulan niya ng pumasok sa loob ng mall pababa ng hagdan at tahakin ang madilim na pasilyo.
…
YMCA Medical Center
Matapos makilala ni Rodolfo na apo niya ang binatang si Pepe ay mas naging close pa ang dalawa. Gustong bumawi ng matanda sa lahat ng panahong hindi niya nakasama ang pamilya. At ang mas nakapagpasaya pa sa kanya ay nung nalaman niya mismo sa kanyang apo na buhay pa rin ang kanyang pinakamamahal na si Cindy at ang kanilang anak.
Dahil na rin sa napakaraming bangkay sa labas ay napagdesisyunan ng grupo na lagyan ng barikada ang pasukan ng gusali. Naglagay rin ng barbwire at napagdesisyunan na dun na sila pansamantala habang wala pang konkretong plano.
Habang busy sina Rodolfo at Pepe sa paglalagay ng barikada ay naroroon naman sa dulo ang dalawang dalagang sina Nancy at Vi na tahimik na nanonood . “ Sis. Ano sa tingin mo? Makakaalis pa kaya tayo dito?” tanong agad ni Vi kay Nancy.
Nanatili namang nakatingin si Nancy sa dalawang nagtatrabaho lalo na kay Pepe dahil sa parang nag-iba na ang pagtingin nito sa binata matapos masaksihan ang kagitingang ginawa nito nung mga nakaraang araw. “ Hey! Di mo ba ako nadinig?” ulit ni Vi na nakapagpagulat kay Nancy at nakitang nakasimangot na ang kaibigan nito. “ Ah hehe sorry sorry. Masyado lang kasing madaming iniisip. Yeah nadinig kita. Di rin ako sure sis kung kelan tayo makakaalis dito. Alam mo naman ang sitwasyon natin di ba?” sagot nito sa babae
“Sus nakakadisapoint naman “ sambit ni Vi at napahawak ng mahigpit sa kanyang cellphone. Buti na lang at may natitirang load pa siya kaya maaari niya pa ring ma contact ang mga gusto niyang tawagan lalo na ang lalaking inaasam asam niya. Pabulong bulong pa ito ng biglang. . . . .
“ Sis heto makinig ka. Huwag mong e blame ang mga tao sa paligid mo kung na disappoint ka. “ saad ni Nancy na nakapagpalingon kay Vi at tumaas ang isang kilay. “ Blame yourself for expecting too much sa kanila. “ dugtong nito na nakapagpatahimik kay VI.
Nanatii ang dalawa sa kinalalagyan ng hindi nagsasalita ng bigla na lang makadinig ng pakanta kantang boses ng lumabas si Doctora Lala sa center. May hawak hawak itong petsel na naglalaman ng juice at mga tinapay na nakuha sa bodega ng canteen .
Kita ang saya sa mukha nito at masayang naglakad na nilampasan sina Vi at Nancy. “ Hmp sis. Wala akong tiwala sa doctor na yan! Manyakis kasi yan eh!” saad bigla ni Vi.
“Hmmm paano mo naman nalaman na ganoon siya sis? “ agad na tanong ni Nancy ngunit agad na napailing si Vi . “ Wa-wala . Basta gutfeel ko lang na manyakis siya at di maaasahan. “ Sagot nito. Lingid sa kaalaman ni Vi na alam na pala ni Nancy na sinundan siya nito noung nanilip din siya kay Doc Lala na inaangkin si Pepe nung wala pa itong malay.
Di na rin nagpahalata pa si Nancy na nakakaramdam na siya ng pagkainis kay Vi lalo na’t nadinig niya ang pag-uusap nito sa kanilang Manager na si James. Para na lang di masira ang kanilang pagkakaibigan ay nanatiling tikom ang bibig ng dalaga at hinayaan na lang si Vi sa mga gusto nito.
Kinalaunan matapos malagyan ng barikada ang pasukan ng center ay napagpasyahan ni Rodolfo na magluto. Doon ay sumunod sina Lala at Vi para na rin may maitulong sa matanda. Naiwan namang nakaupo si Pepe sa labas at tulalang napatingin sa mga patay sa paligid. Mga tumpok ng bangkay na kanilang pinaslang. Umaalingasaw na amoy na di nila maiaalis.
Dahil na rin sa init ng panahon ay nakailang baso pa siya ng Juice hanggang sa makitang papalapit ang dalagang si Nancy sa kinaroroonan niya. “ Uhm Peps! May natira pa ba jan?” saad bigla ni Nancy.
Napatingin naman si Pepe sa petsel at nakitang kokonti na lang ang natira. “ Ah eh meron pa naman pero kulang na ata sa isang baso Miss Nancy. “ sagot nito. Nang makarating ang dalaga ay naupo ito sa tabi ng binata sabay abot ng petsel at nilagyan ang basong ginagamit ni Pepe at kaagad ininom.
“Huh? Miss Nancy nagamit ko na po yan. “ sabat bigla ni Pepe pero patuloy sa pag-inom ang dalaga na kung saan ay may mga dumaloy pang juice sa pesnge nito pababa sa leeg hanggang sa mabasa ang putting damit at doon naaninag ni Pepe ang bulaklaking bra na sout nito.
“ Sarap! Hihi. Ok lang Peps. Nakakauhaw kasi eh. Uy Mag chika ka naman jan oh!” saad ni Nancy sabay bunggo ng balikat nito sa balikat ni Pepe. “ Chika? Ano yun?” maang na tanong ni binata. “ Sus! About dun sa nangyari kahapon. I didn’t expect na you have some skills. Di pa kasi naming nakita na ganoon ka pala kagaling. “ masayang pagkakasabi ni Nancy.
Agad naman napakamot si Pepe sa likod ng ulo nito at napayuko. “ Ka-kasi maam. . Mula pagkabata ay sinanay na kami ng ina ko. Pang self defence lang yun tsaka di ko naman kailangan eh hehe” sagot ni Pepe na nagpatango sa dalaga. “ Uy BTW mukhang nagkakalapit na kayo ni Doc ah!” biglang pag-iiba ni Nancy ng usapan.
Mabilis namang napailing ang binata at napaatras konti. “ Ah hindi hindi po Miss Nancy. Sadyang matulungin lang si Doc at ginagamot mga sugat ko. “ sagot nito. Natawa naman si Nancy dahil sa alam niyang kinantot ng doktora ang binata nung wala pa itong malay.
Di niya alam kung bakit pero parang may bahagi ng kanyang puso na nasasaktan. Nag-iba na ang pagtingin ng dalaga kay Pepe. Mula sa pagiging magkaibigan noung nagtatrabaho pa sila ay parang bumukadkad ang damdamin ni Nancy sa mga araw na iniligtas siya ng binata.
“ Nga pala Pepe. . .Matanong nga kita. . . Ano bang gusto mo sa isang babae?” biglang nasabi na lang ng dalaga. Di agad nakasagot si Pepe at napatingin sa mata ni Nancy at kita ang pagkaseryoso nito. Di niya rin alam kong bakit bigla bigla na lang siyang lalapitan at kakausapin tulad na sa kasalukuyan dahil sa pagkakaalam ni Pepe ay naiilang sa kanyang si Nancy nung mga nakaraang araw.
“ Bakit naman po Maam?” sagot niya na lang. “ Wala lang. Gusto ko lang matanong. . . . Curious lang kasi ako kung bakit di ka pa nagkakagirlfriend. “ saad ni Nancy .
Doon na napatingala si Pepe at pinagana ang imahinasyon. Kita niya ang magandang mukha ng babaeng kumukompleto lagi sa araw niya. “ Ahehe nakakahiya pero ang gusto ko po sa babae ay yung maputi, “ saad nito.
Napangiti naman si Nancy dahil sa maputi talaga ang kutis niya. “ Singkit! Oo maam gusto ko yung singkit. Yung tsinita beauty tulad nung napapanood sa mga K-Drama!” dugtong ni Pepe.
Mabilis namang pinasingkit ni Nancy ang singkit na nitong mata na napangiti. Sa bawat pagsalita ni Pepe ay titig na titig siya sa mukha nito lalo na sa labi na minsan ng dumikit sa kanya. Naalala pa niya ang lambot ng labi ng binata at hinding hindi niya nay un malilimutan.
“ Syempre yung matalino at sexy! Pasensiya na pero minsan lang ako magkagusto kaya sinagad ko na hehe” pagpapatuloy ni Pepe at doon na nakadama ng labis na saya ang dalaga. Alam niyang nasa kanya ang lahat ng yun ng biglang. . . .
“ At tsaka yung mahinhin. Di makabasag pinggan. Yun bang. . . . . Tulad ni Miss Vi Gonzales”
Sa pagkakasabi ni Pepe ay natameme bigla si Nancy. Di nito inaasahan na ang iniimagine pala ng binata ay ang kanyang kaibigan. Doon niya lang naalala na nagkagusto pala si Pepe kay Vi. . .
“ Haist. Masakit mang isipin na ang gusto mong babae ay may iba ng hinahangaan. Alam kong alam mo rin po to Miss Nancy. Na may relasyon na sila ni Manager James. Nakakatawa ano. Na ginawa ko ang lahat para maisalba lang siya. Di po ako manhid at alam ko ang nangyayari.
Mas pinili ko na lang manahimik at magmasid. Pero sa bawat salita at galaw niya na si Manager James ang laman ng puso’t isipan ay parang may tumutusok sa aking dibdib. Kahit ganoon po ay umaasa pa rin ako na baling araw ay mapapansin niya rin ako . “ pagtatapat ng binata at napalingon sa dalaga.
Ngunit napakunot ang noo ni Pepe ng makita ang luhaang mukha ni Nancy at ang panginginig ng mapupulang labi. “ Miss Nancy? Bakit po?” tanong niya bigla at aabutin na sana ang mukha ng dalaga para pahiran ang luha nito sa mata ng bigla na lang tinapik ni Nancy ang kamay ni Pepe.
“ Wala Peps. Wala. M-masaya lang ako dahil sa mahal mo ang aking kabigan. Na kahit masakit na ay umaasa ka pa rin. . . . . . . tulad ko. “ saad ni Nancy na sadyang ibinulong ang huling salita tsaka biglang tumayo.
Di na muling nagsabi pa ng kung ano at bigla na lang naglakad paalis at iniwan ang tulalang si Pepe. Dahil sa nalaman ay labis na sakit ang naramdaman ng dalaga. Kung ang nangyari kay Doc Lala ay hinayaan niya na lang pero ang mas masakit na katotohanan ay yung taong gusto niya ay may nagustuhan ng iba.
Nang makalayo ay napatakbo si Nancy papunta sa dulo ng center hanggang sa makakita ang isang pinto na kaagad niyang binuksan. Lumang bodega na wala ng laman . Madilim ang paligid ngunit di na pinansin ni Nancy ang lahat ng yun at bigla na lang napasandal sa pader at tahimik na napaiyak.
…
City Proper
DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG
Sunod sunod na tunog ng elisi ng helicopter ang lumikha ng ingay na kung saan ay napakaraming bangkay ang napasunod sa dereksyon na pupuntahan ng sasakyangpamhipapawid. Nang makarating sa patutunguhan ay agad na naglanding ito sa rooftop ng pinakamataas na gusali.
Maraming tauhan ang naroroon na sumalubong sa taong bumama ng chopper hawak hawak ang isang attaché case. Nakasout ng puting lab gown ang lalaki at di man lang ito nag ayos ng buhok o nag hilamos ng mukha.
Mula sa unahan ng mga armadong kalalakihan ay naglakad ang isa at sinalubong ang bagong baba. “ Magandang araw po ginoong Porperio. Nag-aantay po si President sayo sa opisina.” Magalang na saad ng armadong lalaki na kung saan ay nilapitan si Porferio ng dalawang kasamahan nito at sinamhaan sa paglalakad papunta sa pinto pababa.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Porferio ang paligid at napahanga sa mga larawang nakasabit sa pader. Mga mamahaling larawan na may mga tatak ng mga sikat na artist. Meron ding mga nakadisplay na rebulto na dumagdag sa kagandahan ng lugar hanggang sa makarating sila sa isang pitoan .
“Nasa loob po si President Ginoong Porferio. Pasok po. “ sambit ng armadong lalaki at binuksan ang pintoan. Doon na naglakad papasok si Porferio at una nitong nakita ang isang dalagang nakatayo sa gilid ng desk na may hawak hawak na papeles. Sa tabi nito ay nakaupo ang lalaking kanyang pakay.
Si Edgardo Ibarra.
“ Tessa iha. You may leave now. We have an important matter to dicuss. I’ll call you later . “ sambit ni Edgardo na nakapagpatango sa sekretarya nitong si Tessa. Napatango lang ito at nagpaalam. Sa paglalakad ng dalaga palabas ay nakita niya pa ang malademonyong ngiti ng Mad Scientist na si Porferio at inaalisa ang kanyang katawan.
Ngunit mas lalong nababaliw ang lalaki sa naglalakihang suso ng dalaga na sa bawat hakbag nito ay kusang umaalog. Nung wala na si Tessa ay parang asong inamoy pa ni Porferio ang hangin at napadila sa kanyang labi.
“ Ehem! Porferio! Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sayo?” biglang nasabi ng Presidente na nakapagpatigil sa lalaki sa ginagawa at napabaling ng tingin kay Edgardo. “ Freshly Done President. Heto po. “ saad nito at itinaas ang attaché case na hawak hawak.
Humakbang na ito palapit sa mesa ng Presidente at ipinatong ang gamit sa itaas sabay bukas. Napataas naman ang kilay ni Edgardo pero nakakaramdam ng labis na pagkasabik.
Sa tagal ng pag-aantay ay naperpekto na ang kanyang hinahangad. Ang walang hanggang buhay na tinatawag nilang Elixer of Immortality.
“ Sir Ed. As you can see. Napakaraming naging failure sa aking imbensyon. But today I present you the perfect result na magbibigay sayo ng walang hanggang buhay!” pagmamalaki ng mad scientist at dahan dahang kinuha ang tube na naglalaman ng pulang likido.
Doon na napatayo si Edgardo at marahang inabot ang tube. “ Nakakasiguro ka bang safe to? I mean Perpekto nab a talaga?” sambit nit Edgardo kaya napangiti si Porferio “ Hmmm safe na safe sir. But kung nagdududa ka ay pwede akong magbigay ng mumunting introduction sayo. “ saad ng lalaki at kinuha muka sa kanyang labgown ang isang White Mice.
Kumuha din siya ng isang Injection sa attaché case at naglagay ng mumuting likido . Tahimik namang nagmamasid si Edgardo sa nangyayari hanggang sa sinimulang itusok ni Porferio ang injection sa katawan ng daga.
Matapos ma inject ay napatingin pa ito sa paligid at nakita ang isang petsel kaya agad itong tumakbo sa waterdispencer at pinuno ito ng tubig bago iloblob ang daga sa loob at agad sinarhan.
“ This liquid can resist anything. Water, Fire, Electricity , Aging , Decease and most of all Dying! As you can see sir Ed. . . . . Tulad mo ay magiging immortal na rin ang dagang to. “ saad ni Porferio at pinagmasdan nila ang whitemice habang nalulunod.
Sa una ay pilit pa nitong umangat at makaahon pero di nagtagal ay lumubog na ito sa baba. At sa pagkakataong yun ay lumaki ang mata ni Edgardo sa nakita dahil sa normal na naglakad ang daga sa ilalim ng tubig. Kinalaunan ay kinuha na ito ni porferio at naglakad naman ito sa electric fan sabay bunot sa saksakan.
Nilagay niya rin ang daga sa munting karton hanggang sa bigla niya na lang itong kinuryente. Agad na napahanga si Edgardo sa nakita ngunit di pa tapos si Porferio dahil sa biglang niya na lang sinindihan ang katawan ng daga hanggang sa natupok ng apoy.
Ngunit di nagtagal ay binuhusan ni Porferio ng tubig ang katawan ng daga at di makapagsalita ang president sa kanyang natuklasan. Wala ni isang pinsala sa katawan ng daga at normal pa rin na umakyat sa kamay ni Porferio at muling pumasok sa damit nito.
Matapos ang munting presentasyon ay sabay na silang bumalik sa desk . “ Magaling! Magaling Porferio! Maaasahan ka talaga.! Kaya simula ngayon ay magiging kanang kamay na kita !” masayang sambit ng Presidente at muling inabot ang maliit na tube.
Napatingin pa ito sa MadScientist habang binubuksan hanggang sa maamoy na ni Edgardo ang aroma ng likidong magbibigay sa kanyang ng walang hanggang buhay. “ You can drink it Sir Ed. “ biglang nasabi ni Porferio kaya di na nag-aksaya pa si Edgardo ng oras at bigla na lang tinungga ang laman ng tube.
Dama niya ang lamig na papasok sa kanyang kalamnan. Bawat himaymay ng kanyang katawan ay naaapektuhan ng ininom na gamot hanggang sa bigla na lang nakadama ng kaginhawaan ang Presidente at agad napaupo sa Swivel Chair.
Di makapaniwala na nawala na ng tuluyan ang migraine na tinitiis , Ang sakit sa likod na lagi na lang nararamdaman at ang ryuma na dahilan ng paminsan minsan niyang paika-ikang paglalakad. Labis na kasiyahan ang hatid nito sa lalaki kaya napalingon siya sa kinaroroonan ni Poreferio at nagulat sa natuklasan.
Hawak-hawak ang dalawang baril at pareho itong nakatutok sa Presidente. Walng reaksyon sa mukha ni Porferio ng biglang. . . .
BANG BANG BANG BANG BANG BANG BANG BANG BANG BANG!!!
Sunod sunod na putok ng baril ang naganap at lahat ng yun ay derektang tumama sa dibdib ni Edgardo. Umuusok pa ang dulo ng baril ng maubusan ng bala. Natahimik ang paligid at tanging usok lang ang makikita ng biglang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok ang napakaraming armadong kalalakihan.
“Sir Ed!!!” sigaw ng iilan at tinutok ang armas sa nakatayong scientist na nakahawak pa ng baril. Akmang ipuputok na sana ng biglang. . .
“Huwag!!! Sinong nagsabi na pwede kayong pumasok!” umalingawngaw ang malalim na boses mula sa desk at napatingin ang lahat. Doon ay napatayo ang makisig na lalaki na nasira na ang harapan ng damit dahil sa mga tama ng bala.
Ang lahat ay namangha at di makapagsalita di lang sa walang galos o sugat kundi ang mas nakakagulat ay ang anyo ng kanilang president. Mas bumata pa ito lalo na para bang bumalik sa mid 20’s. Mas lumaki at kumisig ang katawan.
Tahimik na naglakad ito palapit kay Porferio pero sa pagkakataong yun ay napaakbay ang Presidente sa balikat ng MadScientist. “ I! Edgardo Ibarra. . . . Will announce starting today na si Professor Porferio Bernabe ay aking magiging kanang kamay! “ Maotoridad na salita ng Presidente na ikinatango ng lahat.
Mula sa likuran ng karamihan ay naroroon ang dalagang si Tessa at di makapagsalita sa kanyang nakikita. Ang dating may edad ng si Edgardo ay mas naging bata at naging makisig pa ang katawan.
Ngunit ang ipinagtataka ng dalaga ay parang kamukhang kamukha ito ng lalaking malaki ang papel sa kanyang buhay. Ang lalaking kasama niya mula pagkabata hanggang sa paglaki. Kamukha ng Presidente na si Edgardo ang lalaking pinakaimportante sa buhay ng dalagang si Tessa.
Ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki na kanya ring kambal. . .
Si PEPE
ITUTULOY!
AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOURAZEL22
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 3 - November 13, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 2 - November 11, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 1 - October 17, 2024