Written by razel22
Paradise Island Book 3 Chapter 10
18+
Razel22
Sa mundong ito ay walang katapusang pangarap ang gusto nating matupad. Na ang lahat ng mga bagay na gustuhin natin ay inaasam nating makamit.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hindi sa lahat ng oras ay mapapasayo ang lahat ng gusto mo. Meron at merong dadating at meron ding mawawala.
Dala-dala ang labis na sakit at kumikirot na puso ay tinahak ni Jade ang daan palabas sa gusaling kanyang pinasukan na kung saan ay nasaksihan niya ang pagtataksil ng kanyang mahal na asawang si Shiela.
Di nito lubos maisip na magagawa yun ng babae. Labis na tiwala ang binigay ni Jade dahil sa iniisip nito na siya at tanging siya lang ang makakapagbigay ng ibayong ligaya sa mga babaeng nakapaligid sa kanya lalo na’t siya ang naging hari ng centro ng isla na bayan ng Kamaligan.
Walang ekspresyon ang makikita sa madilim na mukha ng lalaki at sinisisi nito ang sarili dahil sa kakulangan na kung bakit naghanap pa ng iba ang babaeng inaasahan niyang siya lang at siya lang talaga ang lalaking iibigin hanggang sa huli.
Pero. . . .
Taliwas sa inaasam ang lahat ng nangyari. Mabigat ang bawat hakbang na kanyang nagagawa at doon ay unti-unti niya nang naririnig ang malakas na buhos ng ulan at sigawan ng mga katutubong walang tigil sa pakikipaglaban para sa bayan. Nang tuluyan na siyang makalabas ay nadatnan niya na ang dating masayang bayan ay bigla na lang binaha ng dugo at nagkalat ang mga patay na katutubo sa kung saan saan.
Nang oras ding yun ay labis na puot ang kanyang naramdaman si dating kasamahang survivor na si Bryan. Na ito lagi ang dahilan sa mga patayang nagaganap. At ang nangyaring to ay hindi lang napakasimpleng digmaan.
Kundi daan daang mga katutubo ang namatay at sugatan dahil sa naniwala sa kasinungalingan ng nag-iisang taong may mapaglarong dila.
Napakuyom ang kamao ni Jade at dahil sa galit ay agad niyang kinuha ang isang sibat na hawak-hawak ng isang patay na katutubo. Hindi niya to maaaring matanggap. Na sa basang dila lamang ng nag-iisang tao ay ganoon ang mangyayari para sa lahat.
Ano ang silbi niya bilang hari kung hindi niya malulutas ang nangyayaring problema. Doon ay napatakbo siya sa isang mababang gusali na umiwas sa mga katutubong patuloy na nakikipaglaban.
“ITIGIL ANG LABAAAAAAAAAAN!!! TAMAAAAAA NAAAAAAAAAAAAA!!!” boung lakas na sigaw niya ngunit dahil na rin sa napakaingay ng paligid ay wala ni isang tumingin man lang sa kanyang kinaroroonan. Ipinagpaliban na nito ang sakit na idinulot sa kanya ni Shiela at sa oras ding yun ay gagampanan niya na ang kanyang tungkulin kaya napatalon siya bigla ay mabilis na tumakbo papunta sa pasukan ng bayan na kung saan ay patuloy siya sa pag-iwas sa mga paparating na palakol na siya ang pakay.
Nakita niya rin sina Gregory at Sunshine na pareho na ring sugatan at namumutla na sa labis na pagod kaya napapailing na si Jade at mas binilisan ang pagtakbo hanggang sa agad siyang napatigil ng makaharap ang di mabilang na grupo ng mga kalaban.
“S-sandali! Tama na pakiusap.! Niloloko lang kayo ng pinuno niyo!” sambit nito pero di nakinig ang mga katutubong nasa harapan niya at napasigaw pa ang mga ito hanggang sa sabay-sabay na patakbong pinuntahan si Jade at inatake ng mga dala-dalang pamalo.
Alam niya sa sarili niyang wala siyang laban sa sabay-sabay na pag-atake kaya napahakbang paatras ang hari .
Ngunit dahil na rin sa mga nagkalat na patay at dulas ng lupa ay aksedenteng naapakan niya ang bangkay ng isang katutubo na naging dahilan ng pagkawala niya ng balanse at pahigang natumba sa basa na sa dugong lupa.
” Huwag!! tamaaa naaaaa!! Ay kaputanginaaaa !! Bat ngayon paaaaaaaaa!! BOGAAARTTTTT!!!!” sigaw ni Jade dahil sa palapit na ang mga katutubo sa kanya. Alanganin na din siya sa oras na makabangon pa dahil sa nakarating na sa harapan niya ang dalawang katutubo at akmang sasaksakin na siya ng sibat ng biglang. . .
DDUUUSSSGGGGGGGHHHHHHH!!
Nagsiliparan na lang ang mga katutubong papaatake sa hari ng biglang dumating ang alaga nitong tigre at hinampas ng matatalim na kuko ang mga katutubong kalaban ng bayan. Kitang kita ni Jade kung paano naputol ang katawan ng mga umatake sa kanyang harapan at may ilan ding sinunggaban ng kagat ni Bogart hanggang sa isa-isang napatakbo ang iilang katutubo dahil sa takot sa tigre.
Pinilit niya namang tumayo at napatitig sa kaibigang walang tigil sa pagkalmot at pagkagat sa mga katutubong nasa paligid . ” Bogart ! Tama na at hindi tama tong nangyayari! Hali ka dito!” sigaw ni Jade kaya lumapit ang tigre sa kanya at napayuko ang ulo.
Sa ganoong sitwasyon ay umakyat si Jade sa likod ng kanyang alaga at tinahak nila ang pinakamataas na gusali na may apat na palapag sa bayan ng kamaligan. Pinagmasdan ni Jade na halos sa lahat ng parti ng lugar ay merong naglalaban at hindi niya ito hahayaang magpatuloy pa kaya napabulong siya sa tenga ng kanyang alagang tigre at doon ay huminga ito ng malalim hanggang sa . . . . . .
“GRAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!! HRAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!”
Isang napakahabang alulong ang ginawa ni Bogart na dumagundong sa boung lugar. Parang mabibingi ang lahat sa lakas ng ingay na madidinig mula sa galit ng kinikilalang bathala ng isla.
Sabay na napatigil ang napakaraming katutubo sa pakikipaglaban dahil sa takot na kanilang nararamdaman na kung saan nabitawan na nila ang mga hawak na pampaslang. Isa-isa na din silang napatingala at doon ay nakita nila ang hari ng isla na nakatayo na sa ulo ng kinikilalang bathala na heganteng tigreng si Bogart .
Titig na titig din si Jade sa paligid at nakitang kumalma na ang lahat kaya huminga siya ng malalim at boung lakas na napasigaw.
“ITIGIL ANG LABAAAAAAAAAN!!!
ANONG MAPAPALA NIYO SA PATAYAAAAN!!!
KAYONG MGA NASA PANIG NG TAONG SI BRYAN NA PATULOY NA NANINIWALA SA KANYANG KASINUNGALINGAN!
SAAN NA!!! SAAN NA ANG PINUNO NIYO!
INIWAN NIYA KAYO PARA MAILIGTAS ANG KANYANG SARILI!”
sigaw niya at isa-isang napatingin ang mga katutubo sa paligid at nalamang wala na pala doon ang kinikilala nilang pinuno.
Nagsimula ang pag-ingay at bagsak ang mga balikat ng mga nakalaban ng bayan.
” ANONG PINANINIWALAAN NIYO? HA! NA ANG PATAYAN BA ANG MAGBIBIGAY NG KAPAYAPAAN SA ISLANG TO! PUTANGINAAAAAAAA!!!
MASAYA BA KAYONG NAKIKITA MGA ASAWA’T ANAK NIYO NA PINAPATAY NG IBA? HA! IMBES NA MAGKAISA AY NAG AKLAS PA KAYO PARA LAMANG SA ANO?? SA WALA!!
TIGNAN NIYO ANG PALIGID! ANONG NAKIKITA NIYO! MAY PINAGKAIBA BA SA INYO ANG MGA PATAY AT SUGATAN? HA!
TULAD NIYO AY KAGAYA NIYO RIN SILAAA!! NA GUSTONG MAMUHAY NG MAPAYAPA PERO SINIRA NIYO ANG KINABUKASAN NILA DAHIL LAMANG SA WALANG KWENTANG PANINIWALA SA NAPAKASANUNGGALING NA TAO!” napapaluha na si Jade sa kakasigaw dahil sa napakasakit para sa kanya ang mga nakikita.
Doon niya rin ibinuhos ang galit na nararamdaman dahil sa nagawang kataksilan sa kanya ni Shiela. Isa-isa na ring napapayuko ang mga katutubo hanggang sa may isang humakbang. Ito yung kanang kamay ni Bryan na nahimasmasan na at minamasahe ang na dislocate na panga.
“Haring Jade! Dahil sayo ay nagkakaroon ng bagyo at kumukonti ang mga bilang ng hayop sa paligid! Maaari mo bang ipaliwanag ang lahat? Dahil sa sinabi ni pinuno ay kung siya ang magiging hari ay maibabalik niya ang dating sistema!” sabat nito kaya bumaba ang hari sa ulo ni Bogart at tinitigan sa mata ang kanang kamay ni Tukmol.
“Ginoo!!. . . . Ang mga bagyo ay normal sa isla! Isang normal na panahon na hindi natin hawak-hawak. At kung namomroblema ka sa mga hayop sa kagubatan ay tumingin kayo sa likod ng burol para malaman niyo!. At kung may mga anak at magulang ka. . . Gugustuhin mo bang makita silang pinapatay ng iba? Imbes na may kinabukasan pa ang bawat isa ay bigla na lang matitigil dahil sa kamatayan ? Kaya ko pinag-isa ang lahat para magkaroon ng katahimikan sa isla! Ginoo makinig ka. .
Ang lahat ng nadinig niyo mula kay Bryan ay pawang kasinungalingan lamang! Dahil sa kagustuhan nitong mamuno ay siniraan niya ako sa inyo at nag-aklas para sa ano? Pamunuan niya ang bayan? Para sa ano? Ibabalik ang dating sestima? Tangina naman Ginoo. . . . . Kaya ako nandirito para baguhin ang lahat! .Na ako ang magbibigay ng panibagong kinabukasan sa inyo! ” sigaw ni Jade at may isa pang babaeng katutubo na tumakbo palapit sa kanang kamay ni Bryan.
Ito yung kaututubong kamuka ni Eliza Ibara at nalaman din ng babae na pinaslang ang kanyang ama ng mga kasamahan din nila nung nakaraang gabi dahil sa pagtutol nito sa ritwal ng pakikipagtalik.
” Haring Jade. . . .Matanong ko po sana. . .” sabat nito kaya napatingin ang lahat sa kanya na kahit si Jade ay napatango.
“Sa ngayon po ay wala na po kaming mababalikan dahil sa sinunog na ni Pinuno ang lahat ng aming tinitirhan. Paano na po kami?” sambit nito
“Iha. . .Isang napakasimpleng bagay ang yung naitanong. Napakaraming gusali dito sa bayan na dating tinatawag na bayan ng bato. Bukas ang lugar para sa lahat ng naninirahan sa isla at. . . . . .” saad ni Jade bago napatitig sa paligid.
“Maaari kayong manirahan dito hanggang sa gusto niyo. . .Isang mapayapang pamumuhay na napakalayo sa inaakala niyo. ” isang sagot ni Jade at doon ay bigla na lang pabagsak na napaluhod ang babae na kahit ang ibang katutubo ay hindi makapaniwala dahil taliwas sa sinasabi ni Bryan ang kanilang nakikita at naririnig.
Isa-isa na ring napapaluhod ang mga katutubo at idinikit ang noo sa basa sa dugong lupa. Labis na pagsisisi ang kanilang naramdaman ng biglang. . .
“MABUHAY KA JADE!!! MABUHAY KA MAHAL NA HARI!” isang malakas na sigaw ng kanang kamay ni Bryan at doon ay napatingala na ang lahat at isa-isang sinigaw ang pangalan ng Hari.
Ang napakalakas na buhos ng ulan ay unti-unting humihina at ang madilim na kalangitan ay dahan-dahang lumiliwanag at doon ay lumabas na ang sikat ng araw na tumama mismo sa sentro ng bayan. Napatingala na lang si Jade at nagpasalamat dahil sa natapos ang digmaan.
Mula sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang katawan ay kitang kita na siya ng lahat at boung lakas na sinisigaw ang kanyang pangalan . Kahit sina Leah at Mia ay napahiga na rin dahil sa sobrang pagod kasa-kasama ang maraming katutubong kanilang nakalaban. Daan-daang mga patay ang nagkalat sa paligid at isa na rin yun sa ikinalulungkot ng hari ng biglang. . . . .
“TSAAAK!!”
Isang sibat na nagmumula sa kawalan ang biglang bumulusok papunta sa kinaroroonan ni Jade. Sa lahat ng natutunan ng hari sa bayan at pakikipaglaban ay tumalas na rin ang pandama nito kaya agad siyang napatalon paatras na kung saan ay biglang tumusok ang sibat sa kanyang paanan.
Lahat ay nakasaksi sa nangyari sa hari at halos di sila makapaniwala sa naganap kaya napalingon sila sa pinanggalingan ng sibat at doon nakatayo sa pasukan ng kamaligan ang nakangising si Bryan na bigla na lang tumakbo palabas.
“Mga kasamahaaaan!!! Hulihin ang Traydor!” sigaw ng dating kanang kamay ni Tukmol dahil sa hindi ito makapaniwala na pati siya ay nadala sa mga matatamis na dila ng lalaki.
Ang lahat ng dating kinakasakupan ni Bryan ay galit na tumakbo palabas at hinabol siya ng mga ito. Galit na napatitig si Jade sa dinaanan ng kanyang mortal na kalaban na si Tukmol at kinuha ang sibat na nakatusok sa kanyang paanan. Di umaalis sa tabi nito sa Bogart at akma na sanang aakyat sa alagang tigre ng biglang.
“J-jade? ” Isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya mula sa likuran at doon ay nilingon niya ito at nakita ang kakaakyat lang sa gusali na si Shiela. Mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak dahil sa nahuli siya ni Jade na nakikipagtalik sa matandang si Charice.
Kita sa mukha ng babae ang labis na pagsisisi at nang oras ding yun ay halos sumabay ang lahat ng emosyon na nararamdaman ni Jade. Ang lungkot sa dami ng napaslang na katutubo. Ang napakaraming sira sa kinagisnang bayan. Ang galit para kay Bryan at ang pagtataksil sa kanya ng asawang natutunan niya nang mahalin matapos niya itong mabuntis at inaasahang siya at tanging siya lang talaga at wala ng iba.
Muli siyang humarap sa alagang tigre pero paika-ikang napatakbo si Shiela sa kinaroroonan ni Jade at mahigpit na niyakap ang katawan ng lalaki. ” Jaaade!!! Patawarin mo ko . . .Pleaseeee. . . . Nagkasala ako Jade at inaamin ko yun. . . .P-patawarin mo kooooooo. . . .N-nawala na ko sa wastong pag-iisip pero mahal na mahal kita at alam mo yaaan! huhuhu” Labis na sakit ang nararamdaman ni Shiela ng oras na yun at sising sisi ito sa sarili.
Pero naging manhid na ang hari at tinanggal ang nakayakap na kamay ng babae sa kanyang katawan hanggang sa hinarap niya ito at tinitigan ang luhaang mata. ” Shie. . Pakiusap huwag muna ngayon. . .hayaan mo muna akong pag-isipan ang lahat. . .A-at pakalmahin ang sarili sa sakit na aking dinaranas dahil sa kapusukan mo” sambit nito at tumalikod sabay akyat sa nakayuko nang si Bogart.
Doon ay pabagsak na napaluhod ang babae at patuloy na sinisigaw ang pangalan ng Hari hanggang sa napayuko ito at idinikit ang ulo sa matigas na sahig. Parang hinihiwa na ang puso nito sa sakit na nararamdaman lalo na’t di nito matanggap ang resulta ng kanyang ginawang kasalanan. Na tuluyan siyang napalipin sa malabrasong titi ng matandang si Charice at nahuli ng kanyang mahal na asawa.
Nadinig na lang ni Shiela ang pagtalon ng tigre pababa at sa pagkakataong yun ay tuluyan na siyang iniwan ng kanyang asawa. Walang tigil sa pag-agos ang luha sa mata ng babae na mas masakit pa sa dinaranas ng kanyang nasirang pwet at namamagang puke. Dahil sa sakit at pagod ay tuluyan na siyang napadapa sa sahig at doon ay walang tigil sa paghagolhol ng iyak.
Samantala ng nakababa na sina Jade at Bogart ay nadatnan nila doon sina Mia at Lhea na sabay tumatakbi palabas. ” Lhea! Mia! Akyat dito!” sgiaw ni Jade at pinatigil ang tigre na kung saan ay agad namang umakyat ang dalawa at tumabi sa mahal na asawa. Magkabilaang niyakap nila ang mga braso ni Jade dahil sa labis silang nag-aalala dito.
“Jade. . Ang bayan. . ” bulong ni Mia kaya napahalik ang hari sa ulo ng asawa. ” Huwag kang mag-alala mahal ko . Malapit ng matapos ang problemang to. Sa pagkakatong to ay tuluyan na nating madadakip ang Bryan na yun na walang tigil sa pagdadala ng problema sa lahat. ” sambit nito.
“Nga pala mga asawa ko. . .Matanong ko nga. . .Di ko pa nakikita sina Kath at Pearl ah. . .San sila. . At si fourth? Ang isang anak ko. . .Di ko siya nakita. ” tanong ni Jade at doon ay sabay napatahimik ang dalawa . Di pa yun ang tamang oras para sabihin sa hari ang balita kaya napatikhim si Lhea at napahigpit ang kapit sa braso ni Jade.
“Mahal ko. . Huwag na muna natin pag-usapan at unahin muna natin ang problema. Sasabihin ko sayo ang lahat pagnakabalik na tayo dito .” saad ni Lhea at doon ay nakaramdam ng pag-aalala si Jade.
Samantala sa loob ng masukal na kagubatan ay patalon-talon na si Bryan sa mga sanga at ugat ng kahoy na kanyang dinaanan. Daan-daang katutubo ang patuloy na humahabol sa kanya at alam na alam niyang pagnahuli siyang mga ito ay sigurado na ang kanyang katapusan.
Isang pagkakamali ang huli niyang ginawa na pag-atake sa hari at natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Pakaliwa’t kanan ang ginawa niyang pagtakbo hanggang sa makakita siya ng malaking kahoy na maaari niyang pagtaguan ang ugat nito kaya mabilis na nagdive ang lalaki at gumapang sa ilalim ng kahoy para ikubli ang sarili.
“Haaa haaaaaaaa. . . . Tanginaa. . Kabubuhan!!! Isa na namang kabubuhan ang nagawa kooo!! Puta isang sibat na lang sana at patay na ang gagong Jade na yun pero . . .Arrgghhhhhhhh!!! Nakuha niya pang baliktarin ang sitwasyon!!! Puta ano naaa!! Anoo naaaaa!!!” gigil na bulong nito sa isipan at mas isiniksik ang sarili sa ilalim ng puno ng maramdaman ang pagyanig ng lupa .
Napasilip pa si Bryan sa labas at doon nakita ang napakaraming katutubo na mga dating Canibal na paparating at patuloy siyang hinahabol. Galit at takot ang kanyang nararamdaman at nanatili ng ilang minuto sa ilalim ng kahoy hanggang sa humupa na ang pagyanig ng pailigid at di na nadidinig ang mga sigawan ng mga katutubo.
Doon ay unti-unti siyang lumabas sa pinagtataguan pero. . . . .
Sa pagkakatayo niya pa lang ay gumapang ang labis na takot sa kanyang katawan ng makita ang paparating na tigreng si Bogart. Nakadama ng panginginig ng tuhod ang lalaki at pinagpapawisan ang noo hanggang sa tuluyan na siyang nakita ng tigre at patakbong palapit sa kanya.
“Putanginaaaaaaaa!!! Huwaaaaaaaaaaaag!!!! ” sigaw sa takot ni Bryan at napaatras. Sampung metro na lang ang lapit nina Jade at Bogart sa kinaroroonan ni Tukmol ng biglang makadinig ang tigre ng isang nakakabinging tunog mula sa kawalan.
Sa di inaasahan ay biglang lumitaw ang napakalaking ahas na nagmula sa itaas ng kahoy at biglang sinunggaban ang leeg ni Bogart na kung saan ay nahulog sina Jade ,Mia at Lhea . Dahil sa pagkabila ay nagpanic ang malaking tigre at hindi nakahanda sa pag-atake ng nakalaban niyang ahas kaya wala itong nagawa ng pumulupot ito sa kanyang katawan.
Kita ang napakaraming sugat na bakas ng kalmot ng tigre sa katawan at ulo ng ahas at bulag na ang isang mata nito na kagagawan ni Jade. Pero dahil sa kagustuhang makapaghigante ay natyempuhan niya ang tigre at doon ay piniga nito ng maigi ang katawan ni Bogart na nakapagpasigaw ng todo sa alaga ng hari.
“Mia! Lhea! Tulungan niyo si Bogart! Ako ng bahala kay Tukmol!” sigaw ni Jade dahil sa nakita niyang tumakbo na naman sa kanang dereksyon si Bryan kaya agad niya itong hinabol. Nag madali rin sina Lhea at Mia sa pagtalon paakyat sa katawan ng ahas na nakapaulupot sa tigre at sinaksak ng mga hawak-hawak na patalim ang matigas nitong kaliskis pero. . . .
Kahit anong gawin ng dalawang naggagandahang babae ay hindi nila napigilan ang lalong paghigpit ng pagkakapulupot ng ahas sa tigre at naawa ng husto ng dalawa ng makita nagdudugo na ang bibig ni Bogart. .
“Arggghhhhhhhh!!! Bogaaaaaaartt! Kapit lang!!!!” galit na sigaw ni Lhea at naiiyak na. Umakyat na ito papunta sa ulo ng ahas na nakakagat pa rin sa leeg ng tigre at doon ay boung lakas niyang sinaksak ng patalim ang mata nito na ikinapikit ng ahas ngunit dahil na rin sa nakakalusot ang talim sa talukap ng mata ay napanganga ito na kung saan ay nabitawan niya ang leeg ng tigre at di na masyadong mahigpit ang pagkakapulupot.
Si Mia naman ay buong lakas na hinihila ang buntot ng ahas na nakapulupot sa katawan ng tigre ngunit dahil sa laki ay wala itong nagagawa kaya sinasaksak niya na lang ng hawak-hawak na patalim ang matigas na kaliskis at dahil sa tulong ng dalawa ay tuluyan ng napabitaw ang ahas at gumapang palayo sabay pulupot ng katawan sa malaking puno at doon tiniis ang sakit ng isang nagdurugong mata.
Dahil na rin sa matinding pinsala ay natumba si Bogart sa matigas na lupa at hinahabol ang paghinga. Parang pinisa ng todo ang katawan nito at kita ang pagmulagat ng mata ng tigre. Labis na awa ang nasa mukha ng dalawa babae at nag-iiyak na nakayakap sa katawan ni Bogart. Para itong mumunting pusa na humihingi ng lambing sa dalawang naggagandandahang katutubo.
Samantala sa kanang dereksyon ng masukal na kagubatan papunta sa napakataas na talon na makikita mismo sa bayan ng Kamaligan at doon din nakasabit ang ulong bahagi ng sinakyan nina Jade noon na Jumbo Jet ay mabilis na tumatakbo si Bryan dahil sa alam na alam niyang hindi siya titigilan ni Jade lalo na’t napakalaki na ng kasalanan niya sa lalaki.
Pero. . . .
Dahil na rin sa liksi at bilis kumilos ni Jade ay naabutan niya si Bryan at bigla na lang sinipa sa likod na ikinadapa ng lalaki. Galit na nilapitan siya ni Jade sabay hablot ng batok nito at hinila para makatayo sabay umpog sa katawan ni Bryan sa pinakamalapit na kahoy.
Galit na galit na napahawak si Jade sa leeg ni Bryan at napasigaw ng todo. “Putangina mooooooo!!!! Hanggang kailan ka ba magiging bwesit sa buhay ng mga taooooooo!!! Isa kang salot sa lipunan na walang ginawa kundi ang magbigay ng problema!!! Dito!!! Dito mismo sa lugar na to ay kikitilin ko mismo ang buhay mong hinayupak kaaaaaaa!!!!”
Di na nakapagtimpi at sinuntok ito na sapol na tinamaan sa ilong na ikinatingala ni Bryan. Nahilo ito na parang mawawalan ng malay pero. . . .
Nang papatumba na ay nakapagbitaw ito ng suntok na tumama sa bayag ng hari at dahil doon ay napasigaw si Jade sa labis na sakit at natumba sa matigas na lupa at doon siya namilipit sa labis na sakit.
“Oh? Ano ka ngayon ha? Jade!. . .Jade! . .. Jade!. . . Pareho nating alam na mas may kakayahan at mas magaling ako sayo sa lahat ng bagay!!! Pero dahil lamang sa pakikialam mo ay laging nasasapawan mo ako. . Mula noon hanggang ngayon!!! Na kahit mga tauhan ko ay nagawa mong baliktarin!!! Ikaw! Ikaw ang dapat mamatay!!!” “Galit na sigaw ni Bryan at sinipa ang ulo ni Jade na ikinatingala nito at pinasundan pa ni Bryan ng isang suntok sa mukha na nagpaputok sa labi ng hari.
Di pa nakontento si Tukmol at muli niya na namang sinipa sa bayag si Jade na ikinasigaw nito at parang mawawalan na ng malay dahil sa sakit na dinaranas at di na nito namalayan na ilang sipa na ang kanyang natanggap mula kay Bryan.
Napatigil naman si Tukmol sa kakasuntok at sipa kay Jade at naghanap sa paligid ng maaaring pampaslang sa hari dahil sa oras na yun ay tatapusin niya na ang lahat. Na kung mapapatay man siya ng mga katutubo ay uunahin niya tapusin ang hari ng mga ito at doon ay nakakita siya ng isang bato di masyadong malayo sa kanilang kinaroroonan.
Naglakad si Bryan palapit sa bato at iniwan ang habol hiningang si Jade na nakahiga na sa matigas na lupa. Duguan na rin ang mukha nito sa mga tinamong suntok. Nang makuha ni Bryan ang bato at hinarap niya na si Jade sabay hakbang paabante at kumuha ng bwelo para hampasin ang uli ng katunggali. .
Pero. . .
Napasipa si Jade sa paa ni Bryan na ikinawala nito ng balanse at napatukod ang isang paa sa madulas na bato sa ilog at biglang nadulas na ikinatumba nito at bumagsak sa tubig. Sa lakas ng agos ay natangay si Bryan at laking takot ng nararamdaman nito dahil deretso sa isang mataas na talon ang agos ng tubig.
Pinilit namang tumayo ni Jade at pinahid ng braso ang dugo sa mukha nito at sinimulang tumakbo para sundan si Bryan na patuloy na inaagos ng tubig sa ilog. Gusto niyang makitang di na ito makaligtas pa . .
Ngunit. . .May isang nakatumbang puno na maraming sana ang nakaharang sa ilog at doon nakakapit si Bryan na ikinaligtas nito. Buong galit naman na tinalon ni Jade ang mga bato sa ilog papunta sa nakatumbang puno ng kahoy at doon ay hinila niya si Bryan na akma naman sanang susuntukin siya sa bayag pero agad nakaiwas si Jade at tinuhod ang mukha ni Tukmol na ikinabali ng ilong at ikinaputok ng labi nito.
Hinila rin ni Jade ang buhok ng kalaban paalis sa ilog at buong lakas na ihinampas sa pinakamalapit na kahoy na ikinatumba ni Tukmol.
Pinilit pa nitong tumayo kaya napaatras at kumuha ng bwelo si Jade sabay takbo at tumalon para makagawa ng 360′ na sipa na sapol na tumama sa panga ng katunggali at dahil sa solidong pagkakatama ng paa ni Jade ay nandilim na ng tuluyan ang paningin ni Tukmol hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.
Gamit ang mga baging sa kagubatan ay kinuha niya ang mga ito para itali sa katawan ni Tukmol para hindi na ito makagalaw sakaling magising ito. Karga karga ni Jade sa balikat at nilakad niya ang masukal na gubat at bumalik sa kung saan niya iniwan sina Bogart.
Tulad ng kanyang inaasahan sa mga asawa at sa alagang tigre ay nagawa ng mga itong gapiin ang isang melenyal na hayop na kung saan ay dahan dahan na itong kinakain ni Bogart pero dahil sa laki nito ay malaki ang tyansa na hinding hindi ito mauubos at sa oras ding yun ay napabaling ang tingin nina Mia at Lhea kay Jade at doon napatakbo ang dalawa sabay yakap sa mahal na asawa.
“Uy uy uy teka lang. . .Masakit pa katawan ko at mabigat tong Tukmol na hawak-hawak ko!” saad niya kaya bumitaw ang dalawa at bigla na lang hinila ang katawan ni Tukmol sa balikat ni Jade at doon ay ginulpi ng dalawa ang walang malay na katawan ng lalaki. Di masisisi ni Jade kung bakit galit na galit ang mga ito pero pinatigil niya ang mga asawa at kitang kita ang duguang mukha ng nakataling si Bryan.
“Mga mahal ko at ikaw kaibigang Bogart. Bumalik na tayo sa bayan at . . . . .Ayusin ang lahat” Sambit ni Jade at doon ay nagsimula na sila sa pagbalik sa bayan dala-dala ang walang malay na katawan ni Bryan.
Isa-isa na ring bumalik ang mga katutubong bigo sa paghanap kay Bryan pero ng makita ang katawan nito ay gigil na inatake nila ng sabay pero dahil na rin sa utos ng hari ay napakalma niya ang lahat.
Lumipas ang oras hanggang sa dumilim na ang kapaligiran ay isa-isa na nilang kinuha ang napakaraming bangkay at inilibing di masyadong malayo sa bayan ng Kamaligan na kung saan doon mismo sa lugar na yun ang ginawang libingan ng mga mahal nila sa buhay.
Labis na paghanga ng mga dating taga sunod ni Bryan sa ginagawa ni Jade dahil hindi lang ito nag-aastang hari kundi isa ito mismo sa mga gumagawa na mga tungkulin kasama sina Ginoong Gregory at iba pa. Sina Lolo at Lola ay nagtulugan din sa paglinis ng paligid kasa-kasama ang mga katutubong kamukha nina Shasha Grey. Melody Marks, Lexi Lore at Eva Elfie .
Habang si Bogart naman ay ang nagbabantay sa sentro ng bayan malapit sa kanyang rebulto na kung saan andun nakatali sa pina Krus na kahoy ang katawan ng walang malay na si Bryan na sa paligid nito ay nakatumpok na ang napakaraming tuyong sanga ng kahoy. Doon mismo gaganapin ang paghatol sa nag-iisang tao na naghatid ng matinding pinsala para sa lahat.
Madilim na sa boung lugar at ang tanging liwanag lang ay ang mga nanggagaling sa mga apoy sa dulo ng mga siga na tinutusok sa bawat daanan. Magkahalo ang lungkot at galit na nararamdaman ng lahat lalo na nung nag-alay ng dasal si Jade sa lahat ng mga namatay. Dinala rin ang bangkay ng heganteng ahas sa loob ng bayan at doon mismo ay sinimulan ng lutuin ng grupo ni Sunshine ang mga hiniwang karne ng ahas para sa hapunan ng lahat.
Mula rin sa mga lumang lata ng mga walang lamang cannedgoods na nakaimbak sa loob ng bodega ay inilabas na ni Jade ang mga ito at binuksan ang sampung banga na naglalaman ng lambanog at mga katas ng ubas .
Matapos ang lahat ng paghahanda ay naglakad sa sentro si Jade at umakyat sa rebulto ni Bogart. Pinatawag niya na ang lahat na kung saan ay naghalo ang mga dating kasamahan ni Bryan at ang mga taga bayan na iisa na ang mithiin. Ang mamuhay ng mapayapa at magkaisa.
Napatitig si Jade sa paligid at kinuha ang sibat na nakuha mismo sa tiyan ng ahas. Ito ang sibat na binigay sa kanya ng matandang pinuno sa bayan ng Sili.
Isang hampas sa hangin at napatitig ang lahat sa kanya.
“Mga kababayan. . .Labis akong nakikiramay sa lahat ng nawalan. Di man natin inaasahan ay nangyari ang mga di dapat mangyari. Tulad niyo ay labis na kalungkutan ang aking nararamdaman at nagdadalamhati ako sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Andito ngayon sa sentro ang taong may pakana ng lahat! Mula sa pagkamatay ng mga kagaya kong survivors noon na sina Steve! Nina! Lyka at Cheska! ay napakaraming nawala at namatay dahil lamang sa kagagawan ng hinayupak na to. . .Kayo ngayon ang mag dedesisyon sa nararapat gawin sa kanya!.” sigaw ni Jade at doon ay nag umpisa ang bulungan hanggang sa humakbang ang babaeng kumukha ni Eliza Ibarra.
“Sunugin ng buhay o ipalapa sa mahal na bathala! Wala ng rason para buhayin yan mahal na hari!” sigaw nito.
“Patayin! Dapat na yang patayin!”
“Sunugin!”
“Sunugin!”
“Sunugin!”
“Sunugin!”
Nagkaisa na ang lahat na kitilin na ang buhay ni Bryan ng gabing yun hanggang sa biglang nagising si Tukmol at nagsisisigaw. Dahil na rin sa nakapulupot na tela sa bibig nito ay di na maintidihan ng lahat ang kanyang sinasabi. Di na rin siya tinitigan ni Jade dahil sa baka magbago pa ang isip nito at pakawalan siya.
Sa isang senyas niya lang kay Shiela na nasa tabi nina Mia at Lhea ay kumuha ito ng isang pana at tinutok sa nagpupumiglas na lalaking nakatali sa Krus.
Tsak! ARGGHhhhh!!!!”
Sapol itong tinamaan sa binti kaya kumuha ulit si Shiela ng isa pang bala at inasinta naman ang isa pang binti ni Tukmol hanggang sa muli itong tinamaan at nagsisisigaw na sa sakit.
Bumaba na si Jade sa rebulto at sa huling pagkakataon ay nilingon niya ang nagsisisigaw na si Bryan na patuloy na pinapana ni Shiela hanggang sa nagsimula na siyang maglakad at nagbigay daan ang napakaraming katututbo sa kanyang daraanan.
Sina Mia at Lhea ay isa isang nagbigay ng mga pana sa mga katutubo na kung saan merong mga tuyong dayami sa dulo ng mga ito hanggang sa inilagay sa apoy ang mga bala.
Mahigit isandaang katutubo na ang may hawak-hawak ng pana at sabay sabay na itinaas. Sa hudyat na ginawa ni Lhea at Mia ay naghanda na ang lahat hanggang sa pagbaba nila ng kamay ay doon na umulan ng bala ng pana na nagpaliwanag sa madilim na kalangitan.
Daan-danag bala ang tumama sa kawawang si Bryan pero dahil na rin sa may mala-pusa itong abilidad ay nabuhay pa rin siya kahit na tinamaan na ang katawan dibdib at balikat. Naghihingalo na at malapit na ang kanyang oras pero nakakaramdam na rin siya ng labis na init.
At nang oras ding yun ay lumagablab ang apoy sa mga tuyong sanga ng kahoy na nakapalibot sa krus na kinalalagyan ni Bryan. Ng oras na yun ay tuluyan ng naalis ang telang nakatakip sa bibig nito at nagsisisigaw sa sobrang init ng naramdaman hanggang sa. . .
“GRAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!! HUWAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGG!!!!!”
Huling sigaw na nadinig mula kay Bryan at doon na lumaganap ang apoy at natupok ang katawan nito. Muli na namang pumana ang napakaraming katutubo at umulan na naman ng umaapoy na bala sa kalangitan na dumagdag sa apoy na kinalalagyan ni Bryan.
Nang oras na yun ay nakaakyat na si Jade sa burol at napatitig sa sentro na kung saan kitang kita niya ang paglagablab ng lugar dahil sa mga bala ng pana na tumama sa krus at sa mga tuyong sanga. Alam niya rin na sa oras na yun at tuluyan ng nawala ang mortal niyang kaaway kaya napatingala si Jade sa maaliwalas na kalangitan .
” Diyos ko. . . Alam kong isang napakalaking pagsubok na naman ang naibigay mo sakin na aking nalampasan. Sana. .sana wala nang may kasunod pa at mamuhay na kami ng mapayapa. A-at sana. . . . ” di niya natapos ang pag-uusap sa maykapal ng makadinig ng inay mula sa gusali sa likod ng burol.
Agad naman napatayo si jade at tumakbo papunta sa pinanggalinagn ng ingay at doon ay bigla siyang napatigil at nanginig ang katawan ng makita ang isang puting liwanag na lumitaw mula sa kawalan.
Pinagmasdan niyang maigi ang liwanag na yun na parang portal hanggang sa dahan-dahang nakadinig ng mga boses kaya naghintay siya sa maaaring mangyari.
Mula sa napakaliwanag na portal ay lumabas ang lalaking walang pang-itaas na saplot. May kinakausap pa itong dalawang kasamahan na kung saan tuluyan na ang mga ito na nakalabas sa portal at sabay na napatitig sa kinaroroonan ni Jade.
Nagtama ang paningin ng dalawang lalaki hanggang sa biglang napangiti ang nasa unahan at tumango naman ang dalawa sa likuran. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ni Jade at biglang inilahad ng kamay.
” Mukhang di na nga kami nagkakamali sa lugar na aming napuntahan. Nga pala ginoo. Maaari ko bang malaman ng pangalan mo? ” tanong ng lalaki kaya napakunot ang noo ni Jade.
” Jade. . . Jade De Jesus. . .at sino kayo?” Pagtatakang tanong nito kaya muling nilingon ng lalaking kausap ang dalawang kasamahan at naglabas ang isa ng notebook at may tinitignang mga pangalan.
“Pre confirm! Dito nga pangalan niya! Isa siya sa nakaligtas! ” sigaw nito sa labis na saya at napaakbay ang isa pa nitong kasamahan na may kulot na buhok. ” Kung ganoon nga ay maaari na natin silang maibalik haha. Tangina matapos ang isang taong paghahanap ay nakapunta na rin tayo sa tamang lugar. ” saad ng isa kaya di na naiintindihan ni Jade ang nangyayari.
Natatawang lumapit sa kanya ang isang may hawak na notebook at inilahad ang kamay. ” Pre. .Russ nga pala” pakilala nito at lumapit naman ang isa sabay tapik sa kanyang balikat. ” At ako naman si Marcus” sambit nito. Di alam ni Jade kung totoo ba ang nangyayari dahil sa di pa ito masyadong nahimasmasan sa gulong naganap pero. . .
Iniyugyug ng lalaking nasa harapan niya ang mga kamay hanggang sa ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at hinawakan ng mahigpit.
“Jade di ba pre? Huwag kang mag-alala at makakauwi ka na. .
.Nga pala. . Tawagin mo ako sa pangalang. . . .
“Sting!!”
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 5 - November 27, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 4 - November 25, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 3 - November 13, 2024