Pamilya Banal 17: Ang Dalawang Ginang

Kookie29
Pamilya Banal

Written by Kookie029

 


PAUNAWA: Ang mga sumusunod na sulat ay may tema na di angkop sa ilang mga magbabasa. Paumanhin po sa mga maaring magulat sa mga tema ng aking kwento. At Muli lahat ng ito ay gawa lamang sa aking imahinasyon. Salamat at mag-enjoy po sana kayo at magbigay sana kayo ng suggestion para sa mga susunod na chapter.

Pamilya Banal 17: Ang Dalawang Ginang

-The Landlord-

Sa lugar ni Noel ay may dalawang ginang kang makikita, mga ginang na maraming pagkakaiba sa isa’t isa ngunit marami ding pagkakahalintulad sila sa isa’t isa. Ito ay sila Honey Santos – Cruz at Carmina De Leon – Sales, unang pagkakatulad nila ay parehas nilang dinugtong ang apelyido ng kanilang mga asawa sa mga pangalan nila dahil naman ito sa magkaibang rason. Pangalawang pagkakapareha nila naman ay sila lang ang mga ginang sa mga boarder ni Noel dahil ang natitirang unit ay may mga magaganda at sexy na mga dalaga na kahit sino ay  maco-conscious kung makita sila sa normal na setting.

Pero ang kanilang pagkakaiba ay mas halata sa mata ng isang normal na taong nakatingin mula sa labas, si Honey ay halatang mas mahinhin kesa kay Carmina na laging malakas at matapang ang boses. Mas mahilig din naman sa komprontasyon si Carmina kesa kay Honey na mas okay ng umalis na lang sa ilang pagkakataon. Si Honey naman ay masasabing focus ay ang pamilya at maliit nilang business dahil ito ay isang housewife at manager ng kanilang water refilling station, habang si Carmina naman ay mas career minded at oriented sa kanyang buhay bilang isang mataas na professor sa isa sa pinakamalaking University sa lugat nila at magaling na Psychologist. Sa pananamit din ay magkaiba sila, jeans at t-shirt ang usual na suot ni Honey habang naka terno o pant suit naman si Carmina na repleksyon ng kung ano ang trabaho nila.

Ngunit sa dami dami ng pagkakahalintulad at pagkakaiba ay isa ang bagay na ito na matindin nilang dinadanas, ito ay ang pagtrayduran at lokohin ng kanilang mga asawa. Si Honey na ang asawa ay isang seaman, isang Bosun sa isang cruise ship, hinala ni Honey na may iba itong babae sa kanilang cruise ship ngunit di alam ng ginang na hindi pala babae ang kabit kabitan ng asawa niyang si Julius kung hindi naman lalaki. Oo closeted Gay ang asawa ni Honey ngunit di niya ito alam, di niya alam na ang gusto ng asawa niya ay hindi babae talaga kung hindi mga lalaki at sa paglipat nito sa cruise ship ni Brando ay dito ito lumabas.

Si Carmina naman ay niloloko ni Mike na isang Doktor, ngunit matagal naman ng alam ni Carmina ito. Unang. Tikim pa lang niya ng ibang puke ay naamoy na agad ni Carmina ito, sa simula ay okay lang naman dapat pero ng maulit ng maulit ay komprontasyon ang naging bunga nito, mula sa pagkakabit niya sa mga estudyante niya at mga nag ojt sa kanya gaya nila Shane, pati na din sa mga hindi pa natutuklasan ni Carmina, madami ng naging babae si Mike, minsan nga ay nakakabuo ang asawa niya sa puke ng ibang babae pero tsaka na natin alamin kung ano ang ginagawa niya sa panahon na iyon.

Bottom line naman ay parehong pinagtrayduran ng mga asawa nila sila Carmina st Honey, at ngayon isang tao ang magbubunga ng prutas ng kalokohan nila Mike at Julius, at di nila alam na nakatira lang ito sa iisang compound sa kanila at kaibigan din nila ito bilang landlord nila siya. Si Noel at ang pamilya Banal ang makakakuha ng prutas na inaasam nila ngunit ang problema dito ay ang mga prutas na ito ang magdadala sa matinding kamalasan at kaswertehan sa buhay ng mga Banal ngayon.

Unahin natin si Honey, ang sweet at maintindihing ina ni Drake at ang may asawang closeted gay na si Julius. Mula noong huling tawagan ng ginang ang asawa niya ay naglaro na sa isipan nito kung may babae si Julius sa barko, nahalata niya kasing hindi na ito madalas tumawag at hindi na din ito madalas magyaya ng phone sex. Oo, dati rati ay madalas itong magyaya kay Honey ng phone sex at dati kasi game pa si Julius pero ngayon ay wala na itong oras para sa kanya dahil kung di trabaho ay si Pierre ang kumakain ng oras ni Julius at masaya pa siya dito.

Sa una ay iniintindi na lang ni Honey ito, biglang natanggal kasi sa trabaho si Julius sa Sinngapore at buti na lang talaga ay naghahanap din si Brando ng Bosun noon kaya tadhana na lang talaga ito. Alam ni Honey na mahirap ang trabaho ni Julius, lalo na sa isang malaking cruise ship na ito nagtratrabaho habang dati sa isang luxury yacht siya Bosun pero inintindi ni Honey ang lahat, hirap na nga siyang isang taon halos walang galaw sa kama pero nahihirapan na din si Honey dahil di naman siya panget na ginang na nagpapabaya sa sarili niya.

Maganda at sexy ang ginang, araw araw ay nag jogging ito kung di sa umaga ay sa hapon, tapos nun ay may bodyweight workouts din siyang ginagawa, tapos nito ay lagi naman itong nag-aayos, di man kagaya nila Luna at Vanie ito mag-ayos pero halata naman na may style pa din si Honey, kahit na pakeme lang ang drama nito na nahalata naman agad ni Noel dahil sa isang inuman ay naging wild si Honey, para bang may sikretong side ito na nailalabas niya lang pag lasing siya or libog siya or both kaya naman wala kang marereklamo pagdating kay Honey bilang asawa.

Ngunit gaya ng ibang babae ay may mga pagkukulang ang asawa niya sa kanya base sa sarili niya mismo, malaki ang pagkukulang at sa pagkakarinig niya sa boses ng kanyang asawa na mas excited pa sa iba na makikipag sex ang asawa niya at tinanggihan siya nito, hindi naman issue kung nay babae si Julius dahil malayo ito at syempre alam niya ang sex drive nito kapag nandito sa Pilipinas pero di niya inaasahan na tatangihan niya si Honey para naman makapagsex sa ibang babae, na may ibang pinili ang asawa niya kaysa sa kanya, ayun ang masakit para kay Honey.

Ilang araw niya ding pinagisipan ang bagay na ito hanggang sa nakakuha ng pagkakataon si Honey na may gawin tungkol dito, at nagsimula iyon ng magpaalam si Drake sa kanya. “Uh Ma, papaalam po sana ako” sabi ni Drake na kinakabahan, pansin kasi ng binata na irritable si Honey ng mga nakaraang araw. “Oh? Ano naman ipapaalam mo? Natatakot ako ah?!” Sabi naman ni Honey at natawa naman si Drake sa kanya at ngumiti ito. “Ay ma! No need to be scared naman, papaalam lang po sana ako, pupunta po kami nila Vin at Valerie sa Pagudpud po sana” sabi ni Drake at ngumiti ito.

Si Honey naman ay tahimik lang pero tumaas na ang kilay nito sa anak niya. “Kayong tatlo lang?” Sabi ni Honey at umiling si Drake, “Ay hindi po Ma, kasama po namin sila Anne din at Jewel pati ate Margie niya, tapos sasama daw ang tito nila Valerie, si Tito Noel” sabi ni Drake at tumingin ang ginang dito. “Sigurado ka ba diyan ah? Ikaw Drake ah, di porket pumayag kami sa relasyon niyo ni Valerie eh gagawin niyo na lahat ng gusto niyo, tandaan mo ah, respetuhin at alagaan mo ang girlfriend mong iyan ah? Maganda at matalino yun kaya dapat respetuhin mo siya” sabi ni Honey at tumango naman ito at ngumiti si Drake dito.

“Opo Ma, syempre aalagaan ko siya at rerespetuhin din po! Ganun mo ko pinalaki eh, may respeto sa babae” sabi ni Drake at tumango si Honey at niyakap niya ang binata. “Good! Tandaan mo eh hindi lang ikaw yan, you reflect me and your father sa relasyon niyong yan ah, kaibigan natin si Noel, Guro mo yung tita ni Valerie na si Luna, at katrabaho ng papa mo si Brando. Lahat sila kakabit sa buhay natin kaya alagaan mo si Valerie dahil repleksyon ka namin so wag mong sasaktan ang babae na yun” sabi ni Honey kay Drake at tumango naman ang binata at ngumiti ito.

“Sige, papayagan kita naman diyan sa trip niyo pero kailan naman yan ah? Wala bang pasok?” Sabi ni Honey at tumango naman si drake at ngumiti ito pero nakatanggap siya ng text sa group chat nila, sabi dito na sasama daw si Luna dahil sinabihan ito ni Anne. “Ah eh Ma, next week po yun naman after ng finals po namin para po makapagtagal kami, kasama namin po yung Mama ni Anne din so safe talaga po kami and legal ito” sabi ni Drake at nakatanggap siya din ng mensahe kay Mitch naman, “Hey, sama ako sa inyo” sabi ng mensahe at may winky emoji pa ito at kiss din at nangiti naman si Drake dito.

Si Honey naman ay napa isip na dito, pwedeng chance na niya ito para matahimik na, na para hindi na siya magkaroon pa ng mas okay na chance dito kaya naman ngumiti ito kay Drake at tumango ito. “Basta behave anak ah? Safe ka naman sa mga Banal eh kasi kung sila sila ang sasama” sabi ni Honey at ngumiti naman si Drake dito at yumakap sa ina niya, “Thank you Ma!” Sabi ni Drake at ngumiti itong nagreply sa messages nila sa group chat at sa message ni Mitch, halatang hindi pa alam ni Drake ang matinding epekto ng pag alis nila ngayon sa relasyon nila ni Valerie.

Si Honey naman ay ngumiti at tinignan niya ang isang calendar, gmail calendar ito na kung saan nandoon ang schedule ni Julius at nakita niyang nasa Israel sila noon, doon dadaong ang barko nila at mukhang may weekend sila sa araw ng alis nila Drake, chance na nga ito para makompronta si Julius, di alam ni Honey ang gagawin niya at magagawa niya. Kabado ang ginang st dinadasal niyang sana mali siya pero alam niya na pag mali siya at sinugod niya si Julius ay magagalit ang ginoo dito. Ngunit alam naman din niya na kung tama naman siya ay masisira ang kanilang pagsasama ni Julius at matatapos na ang kanilang kasal na ayaw din naman sana mangyare ni Honey. Naisip din niya na wag na lang pumunta para walang maging problema pero alam niyang wala din naman mangyayare kung gagawin niya ito dahil narinig na niya at alam niyang hindi hahayaan ng pride niya na mangaliwa si Julius sa ibang babae.

Gulong gulo si Honey habang iniisip niya ito, lumabas na muna siya para mag isip dahil alam niyang naguguluhan na siya ng todo sa dapat niyang gawin. Paglabas niya ng unit niya ay nakita niya si Lulu at Noel na parang kakatapos lang mag usap at ngumiti naman si Noel kay Honey habang si Lulu ay ngumiti lang sa kanya at umalis na ito. Na distract si Honey ng binata at para bang natawa na lang siya sa iniisip niya pero alam ni Honey na importante ang mga Banal sa kanila kahit hindi man niya aminin ito at baka kung ano ang mangyare pag kinompronta niya si Julius at mapasama sila sa mata ng mga Banal.

Si Noel kasi ang naging susi para mabilis nakalipat si Julius sa Barko ni Brando at si Brando ang nagbigay ng trabaho kay Julius na kumikita ng napakalaki kumpara sa dati niyang trabaho. Dagdag pa ang relasyon nila Valerie at Drake, talagang parang magkarugtung na ang tadhana nila sa Pamilya Banal pero dito unang nagkamali si Honey, tinanong niya si Noel, si Noel na kung saan nakaranas ng pagtra-traydor din pero tsaka na natin pag usapan yun pero hindi si Noel ang taong magbibigay sa kanya ngayon ng isang mapayapang sagot.

“Oh Ate Honey, ang lalim ng isip mo ah?” Sabi ni Noel at ngumiti ito, napangiti lang si Honey sa binata at tumango ito, “Ah iniisip ko lang si Julius, alam mo naman yun, iniisip ko ngang sorpresahin eh tutal aalis daw kayo nila Drake” sabi ni Honey at ngumiti ito kay Noel. Tumango naman si Noel dito at ngumiti, “Ah yun ba yung next week? Nagpapasama sila eh para daw payagan sila, bakit mo naman sila surpresahin? Sa totoo lang pwede din naman at sabi ni Kuya eh nasa Israel daw sila next week, last time pinuntahan siya ni Ate Vanie eh tutal walang visa na kailangan kung Israel, tanda ko mga ganitong panahon din yun eh” sabi ni Noel at tumango naman si Honey at ngumiti pero halatang malungkot ang mga mata ng ginang at napansin naman agad yun ni Noel.

“Ganun ba…?” Sabi ni Honey at tinignan naman siya agad ni Noel, “Okay ka lang ba talaga ate? Parang iba ata ang tingin mo eh, may problema ba? Alam mo naman na willing to listen ako di ba?” Sabi ni Noel at ngumiti naman si Honey sa kanya, “Ah? Eh? Oo okay naman ako… kaya lang…” sabi ni Honey pero hindi na din niya napigil maluha, di niya alam kung bakit pero para bang magaan ang loob ni Honey kay Noel at dito ay bumigay na ito at si Noel naman ay pinakalma si Honey na umiiyak na ng tuluyan sa kanyang bisig. Hinayaan lang ni Noel na umiyak si Honey, ilang minuto din itong ganito bago tumigil at nagpunas ng luha niya at ngumiti sa binata.

“Sorry ah, ang dami lang talagang nasa isip ko eh…” sabi ni Honey at ngumiti ito, “Si Julius kasi… pakiramdam ko eh niloloko niya ako at may iba siyang babae… partida ah di pa siya matagal dun…” sabi ni Honey kay Noel at tumango naman si Noel, “Sigurado ka ba? Baka kaibigan lang?” Sabi ni Noel pero umiling si Honey dito at natawa na para bang pinagtatawanan niya ang sarili niya, “Kahit anong sabi ko na mali ako eh narinig ko mismo eh, iniisip ko ngang sugurin siya sa Israel pero iniisip ko na masisira ang relasyon namin pag ginawa ko yun, pero ayaw ko naman hayaan lang…” sabi ni Honey at tumango naman si Noel dito.

“Pumunta ka na…” sabi ni Noel at ngumiti ito, “Kesa mamatay ka sa pagiging martyr mo, puntahan at sugurin mo na… alamin mo ang totoo at tignan mo kung tama ba ang hinala mo, sa oras kasi na gawin mo yun, masakit oo pero mas gagaan ang kargada mo sa buhay, mas aayos ang buhay mo at marerealize mo na may ibang taong kaya naman magpasaya sayo at di mo na kailangan pang magtiis sa relasyong wala naman pupuntahan” sabi ni Noel na para bang malalim ang hugot niya pero ngumiti lang si Honey dito, “Si Drake lang iniisip ko…” sabi ni Honey at ngumiti ang binata, “Malakas ang anak mo at maiintindihan niya yun, kung ano man piliin mo eh okay lang yun sa kanya, maniwala ka sa akin” sabi ni Noel at tumango naman si Honey at ngumiti.

“Tama ka… sige… next week aalis ako kasabay ng alis ninyo para naman pagbalik niyo eh okay na, kakausapin ko na lang si Drake” sabi ni Honey at ngumiti si Noel dito. “Sige, ikaw na ang bahala dun at kami na bahala kay Drake, wag ka na din magbayad ng upa for this month, sagot ko na para makatulong sa bayad sa flight mo” sabi ni Noel at nagulat naman si Honey dito. “Seryoso ka ba diyan?” Sabi ni Honey at tumango si Noel at ngumiti, “Isipin mo na lang na ayan ang tulong ko sa iyo, kung ano man kalabasan eh nandito lang naman ako” sabi ni Noel at ngumiti si Honey at yumakap ito dito at tumango “Salamat Noel” sabi ni Honey at ngumiti naman ang binata, handa ang unang ginang sa posibilidad na mga mangyayare ngumit di niya inaasahan ang mangyayare sa kanya.

-The Propesora and The Landlord-

Ang isang ginang naman na si Carmina ay nasa eskwelahan at nag-iisip din ito pero hindi naman niya naiisip ang asawa niya, sa katotohanan nga ay para bang napuno na ang magandang ginang sa asawa niya. Nagpaalam kasi ito para sa isang convention sa Baguio at sumunod naman ay sa Davao pero nalaman naman ni Carmina na may mga kasama itong mga babae at syempre buhay single ang asawa niya noon, di nga daw iniisip na may asawa ito at gabi gabi ang mga kalampungan niya ay iba, paano niya nalaman ito? Simple lang, may espiya siya, espiya na nagngangalang Dr. Rica Shane Moncada.

Paano? Simple lang, ito ay dahil sa napagusapan ng dalaga at ng ginang sa party noon, umamin kasi si Carmina na mataas din ang sex drive niya, parehas silang mag-asaw, tanda pa nga niya ng medyo bata bata pa silang mag asawa ay kung saan saan silang nagkakantutan, kung saan maabutan ng libog ay talaga namang may milagrong magaganap sa pagitan nilang dalawa pero habang tumatagal at tumatanda sila ay hindi na nila ito ginagawa, na mas gusto ni Mike na gawin ito sa ibang mga babae kaya naman nagtatampo si Carmina dito.

Tampo dahil hindi niya magawang magalit dahil siya din naman ay ginagawa ang mangaliwa sa asawa niya pero hindi lang siya nahuhuli gaya ni Mike. Ang kanyang ultimate daddy na ngayon may iba ng baby, pero nalulungkot lang si Carmina, pakiramdam niya kasi na habang patuloy sila sa pangangaliwa sa isa’t isa ay mas lalo silang mapapalayong dalawa at hindi na niya matutupad ang gusto niya, ang maka buo ng anak bago siya maging 40, at sa edad na 35 ngayon ay malapit na ang deadline ngunit pakiramdam niya malayo na ang asawa niya sa kanya.

Di naman kailangan ni Carmina ang pera o kahit anong maibibigay pa ni Mike sa kanya, sa totoo lang kasi ay galing si Carmina sa isang mayamang pamilya, bilang kaisa isang anak ay minana niya ang pera ng mga magulang niya ng mamatay ito sa isang aksidente, mapera ang ginang at kung maghiwalay naman sila ay okay lang sa kanya pero may pride si Carmina, piankasalan niya si Mike para magkaroon sila ng anak at magkaroon sila ng magandang buhay ngunit sa pagtanda ni Carmina ay ramdam niyang may deadline na ang matres niya at ito ngayon ang nagdulot sa kanya na kausapin ang kanyang bestfriend na si Luna tungkol dito.

Habang naguusap sila Honey at Noel sa kanilang compound ay nasa opisina ni Luna si Carmina, halatang stress ang ginang dito at nakaupo habang si Luna naman ay natatawa dito. “Oh ano? May nahuli ka nanaman bang babae niya?” Sabi ni Luna at umiling naman si Carmina na para bang di niya alam ang tamang sagot sa tanong na ito. “Ugh hindi ko ba alam diyan Friend! I’ve been good naman pero minamalas ata ako eh, I mean ano pa ba gusto niya? Successful ako, maganda at sexy for my age, ang sex drive ko kayang tumapat sa kanya! Pero ang hanap niya pa din yung mga nasa 20’s ang edad!” Sabi ni Carmina at natawa naman si Luna dito at ngumiti.

“Hala siya oh? Bakit naman alam mo na 20’s ang gusto ng asawa mo aber?” Sabi ni Luna at natawa naman si Carmina dito, “Gagang toh, malamang alam ko dahil sa iyo, remember sabi mo to make sure na may spy ako sa lalaking yun? Well meron na at according to her eh nagpakasarap ang mokong na yun sa mga recent trips niya and mukhang sarap na sarap ang gago kasi paiba iba siya ng mga babaeng ginagamit” sabi ni Carmina kay Luna at tumango naman ang ginang dahil alam niya na matagal ng problema ni Carmina itong issue nila ni Mike, dati pa niyang naririnig ang issue na ito kay Mike, mga dating estudyante niya at maski kay Mitch ay naririnig na niya ito at alam nila tuloy ito dahil sa dalaga kaya nila nasimulan ang imbestigasyon nila na nagpamukadkad sa kalokohan ng ginoo.

“Ikaw ba? Ano ba ang plano mo? Mukhang marami ka ng ebidensya na nakalap at nakuha ah? Ano ba ang plano mo na ngayon sa mga yan? Will you separate na ba kay Mike? Tanda ko pa you had your wedding sa Amerika para pwede kayo magdivorce di ba? So whats your plan?” Sabi ni Luna at tumingin naman si Carmina sa kanya at natawa ito. “Alam mo, sana palit tayo ng sitwasyon no Friend?” Sabi ni Carmina at ngumiti ito kay Luna, “Ikaw kasi you’ve wanted to separate with your husband dati pa pero wala tayong divorce dito, ako naman iniisip ko pa din na wala akong choice kung di pagtyagaan siya dahil ako ang asawa niya at ako ang legal wife” sabi ni Carmina at ngumiti ito kay Luna.

“I’ll probably leave him” sabi ni Carmina at ngumiti naman si Luna at tumango ito, “I like that answer, at least ikaw mismo alam na ang gusto mo, you should put yourself first before any other person naman di ba?” sabi naman ito ni Luna sa kanya at natawa naman si Carmina dito at ngumiti siya. “More like I do first yung gusto kong gawin rather than be tied up sa kanya, di niya ito deserve!” sabi ni Carmina habang tumayo ito at ngumiti sabay nag pose kay Luna at natawa naman ito dito at ngumiti.

“Yan! That’s it! Tara lets go out tonight you want ba?” sabi ni Luna at natawa naman si Carmina sa kanya at nag joke pa ito, “Hala? May Lagnat ka ba Maria Luna Banal Cuenca? Bakit nagyaya ka ata ngayon?” sabi ni Carmina naman at natawa si Luna pero nagseryoso ito ng mukha niya, “Una eh wala akong sakit, I just want my girl to be in her tip top shape!” sabi ni Luna naman at ngumiti ito, “Isa pa its Banal, di na Cuenca, I filed for annullment earlier this month pero wag ka munang maingay kay Anne, di pa niya alam at di ko pa alam din kung paano ko sasabihin sa kanya” sabi ni Luna na halatang nalungkot ito ng konti at tumingin naman si Carmina sa kanya, “Alin ang di mo alam sabihin sa inaanak ko? Yung matagal na kayong hiwalay ng tatay niya o yung may boyfriend ka ng sing edad halos ng lolo niya?” sabi ni Carmina.

Nagulat naman si Luna dito at napatingin sa ginang ito, di niya alam kung paano pero bakit parang alam ni Carmina ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arnold pero ngumiti lang ang ginang dito. “Huh? Ano naman ibig mong sabihin diyan?” sabi ni Luna at natawa naman si Carmina at tumaas ng kilay nito. “Ano? Pati ba sa akin eh kunwari ka pang hindi mo alam?” sabi ni Carmina at ngumiti ito. “Unang linggo niyo pa lang eh alam ko na yun no, di mo matatago sa akin ang ganyan! Alam ko ang hilatya mo at lalo na ang hilatya ng matandang yun!” sabi ni Carmina at ngumiti ito kay Luna na halata namang gulat na gulat.

“Paano mo naman nalaman? At paano ka nakakasiguro na tama ang sinsabi mo naman ah?” sabi ni Luna at natawa na lang si Carmina, “Sus, unang una eh lumapit na sa akin yan dati pa, sabi niya kung pwede daw bang iayos ko na magkalapit kayo, sabi ko eh you are career driven and if gusto niyang mapalapit sa iyo eh dapat it has to be with your career kaya naman inayos niya ang promotion mo, kahit naman deserve mo eh he had a hand on it to get a hand on you, di ba? Nagtataka ako bakit biglang namatay ang asawa niya tapos naging kayo na eh, di mo ba pinapatay friend?” sabi ni Carmina at natawa naman ito at nagulat din si Luna naman sa sinabi niya.

“Huy! Hindi ko pinapatay yun ah! Wala akong alam, sabi niya lang sa akin near death na daw eh, ako naman pumatol lang, mali ba yun?” sabi ni Luna at natawa naman si Carmina dito, “Nye? Okay so di mo pinatay pero pumatol ka kay Doc Arnold? Seryoso ka ba diyan? Laki din age gap niyo ah!” sabi ni Carmina at natawa naman si Luna dito. “Kung gaano kalaki ang age gap namin eh ganun naman niya dinadala sa langit! Ewan ko ba dahil sa matagal na akong walang galaw pero kapag siya ang gumagalaw sa akin eh parang nababaliw ako!” sabi ni Luna kay Carmina at natawa naman si Carmina dito.

“Grabe! Old Man pala ang fetish mo ah, well I can’t blame you pero mas masarap pa din ang mas bata, speaking of eh kamusta naman si Noel diyan?” sabi ni Carmina at halos mabulunan ng wala sa oras si Luna dahil di naman alam ng ginang ang tungkol sa kanila ni Noel pero bakit niya tinatanong ito ngayon? Di naman nakasagot agad si Luna pero pinilit niya ito, “Huh? Ah eh, ano naman meron kay Noel? Bakit naman siya damay dito” sabi ni Luna na medyo kinakabahan at natawa naman si Carmina dito at ngumiti.

“Hala siya! Di ako tanga no, alam ko na may something si Noel sayo, yung tinginan niya parang tinginan ng mag dyowa eh, sa akin lang ano ba ang reaksyon ni Noel diyan sa love affair mo wth Doc Arnold? Baka mamaya magalit ng tuluyan yun, what more your Papa and Kuya Brando? Pero si Noel kasi eh loose cannon yun pag dating sa inyo at kahit sino eh babanggain niya, ikaw ba naisip mo ba yun?” sabi ni Carmina at napa hinga naman ng maluwag si Luna dahil hindi naman pala niya alam ang tungkol sa relasyon nila pero nakakadama na ito na para bang nagtulak na din kay Luna na lumayo na lang kay Noel dahil ayaw niyang ma eskandalo ito at lalo na siya.

“Friend, sa totoo lang naisip ko na yan pero alam mo naman ako, pag gusto ko eh nakukuha ko siya at kahit anong sabihin pa naman ng iba eh pag gusto ko eh walang makakapigil sa akin!” sabi ni Luna at natawa ito at ngumiti lang si Carmina sa kanya, “Alam mo friend? Iba ka din talaga, di ako naiinggit sa sitwasyon mo, mahirap ang sasabihin mo kay Anne at kay Noel ang mga bagay bagay, dun pa lang eh kabado na ako eh, dagdag pa ang mga magsasabing mali ang relasyon niyong dalawa, mahirap yun” sabi ni Carmina at natawa lang si Luna dito.

“Hayaan mo na ako sa problema kong yun pero may sasabihin ako sayo, if magawa ko ito eh I need you on my side Carmina” sabi ni Luna at bumulong ito ng matahimik, di naman marinig ito pero napangiti si Carmina at natawa naman ito sa kaibigan niya. “Seryoso ka ba? Kasi kung seryoso ka eh isang malakas na palakpak sa iyo” sabi ni Carmina at ngumiti ito habang pumapalakpak sa dalaga. “Oo basta I get your support” sabi ni Luna at ngumiti ang ginang. “Syempre naman friend! Yun lang pala, basta once maayos ang mga plano natin I might need help din” sabi ni Carmina at ngumiti ito kay Luna at tumango din siya dito.

“I need your help with Noel, gusto ko magpabuntis sa kanya” sabi ni Carmina at natawa ito habang si Luna naman ay nakatitig dito ng matalim dahil kahit papaano ay may feelings naman talaga si Luna kay Noel pero di niya na lang ito inaaktuhan dahil sa mas madali ang mahalin na lang si Arnold kesa ang ieksplika pa ang kung ano man meron sa kanilang magkapatid. “Ano?! Ikaw baliw ka na ata talaga eh” sabi ni Luna at natawa naman si Carmina dito, “Eh kesa naman Tatay mo or kuya mo ang hingan ko ng tamod? Gusto ko lang kasi ng anak at walang kahit anong kapalit ito, so sex lang then butisin ako, after nun ako na ang bahala mag-alaga sa bata dahil yun lang ang gusto ko, ang magka-anak” sabi ni Carmina na kinagulat ni Luna ito.

“Huh? Anak? Bakit di isa iba? O kaya bakit hindi ka mag pa semen injection?” sabi ni Luna naman na halatang naiinis ito at ngumiti naman si Carmina dito. “Oy! Bakit naman ako mag ganun? Una no, adapat may thrill, excitement at syempre may sex drive din ako, at pangalawa eh mas gusto ang Banal na dugo, feel ko kasi mas magandang ganun ang semilyang didilig sa akin, tsaka si Noel na nga lang kasi at least una single so wag na ang kuya mo tapos kesa naman kapatid mo buoin ko eh pamangkin mo na lang!” sabi ni Carmina at natawa naman ito at ngumiti naman siya kay Luna.

“Okay lang naman di ba? Wala naman girlfriend si Noel?” sabi ni Carmina at tahimik lang si Luna, mukhang iba pa lang hilatya ng bestfriend niya pero di naman niya magawang magalit, kaya naman di niya na lang ito sinagot at nagbalak na siya kung paano niya sasabihin sa anak at kapatid niya, naisip niyang sa pag alis na lang nila niya ito gagawin at yayain niya na lang si Arnold para mag esplika sa pamilya niya, “Hello? Di na ako sinagot?” sabi ni Carmina at natawa na lang ito at ngumiti “Tanungin ko na lang siya” sabi ni Carmina at natawa siya dito at umiling na lang si Luna dito at ngumiti ito at nagpatuloy ang kwentuhan nila.

Sa araw naman ng alis ng mga bata at ilang miyembro ng pamilya ay may kakaibang nangyare na naging parang dulo na ng relasyon nila Noel at Luna, dahil matapos ang trip na ito ay nagbago na ang lahat tungkol sa dalawa at sa relasyon nila, at dito na magbabago ang tingin ni Noel sa kanyang ate Luna ngunit ang mas interesante pa dito ay kung sino pa ang makaka kuha ng advantage sa nangyare sa kanila dahil magbabago ang mga Banal dito.

Umaga ng linggo ng sunduin ni Valerie at Vincent sila Drake, Jewel at Gie sa compound ng mga bahay, halatang parang walang tao dito ngayon dahil nagpunta sa kamag anak niya si Shane, si Mike naman ay nasa isang conference sa Taiwan, si Lulu naman ay may inaayos sa pamilya niya at si Honey ay umalis dahil nagpunta ito ngayon sa Israel kung saan nandon ngayon si Julius para komprontahin ito kaya naiwan nila si Noel dito mag-isa ngunit sa pagsundo ng mga pamangkin niya sa mga ito ay nakita nila si Noel na halatang nag-iinat na din pala dahil naghahanda na ito.

Dumating naman ang kotse ni Anne kung saan nandoon sina Anne at Mitch na sumama pala sa kanila, ngunit di lang sila dumating kaya naman nakita nila ang isa pang kotse at ang busangot na mukha ni Anne. “Hey ate, lipat kami nila Ate Gie at Ate Jewel sa iyo, si tita daw sabi babantayan yung dalawang mag jowa eh” sabi ni Vincent na nakangiti at tumingin naman si Mitch sa kanila at ngumiti din bago ito bumaba, “Correct! Bawal gumawa ng milagro yung dalawang yun!” Sabi ni Mitch at natawa silang tatlo dito, si Anne naman ay tumingin kay Mitch.

“Tita! Sasama si Tito Noel di ba?” Sabi ni Anne na nagtataka dahil parang di pa nagmamadaling kumilos ang binata dahil nagkakape pa ito. “Sabi niya sasama naman daw siya, pero baka pag nakita niya yung nasa likod eh magbago isip, ako nga muntik na magbago isip ko eh!” Sabi ni Mitch at natawa naman siya at nag pout si Anne dito. “Hala! Sabi mo tita sasama ka! Please ayaw kong kausapin yung boyfriend ni Mama! Porket naman kasi sabi ko na alam ko naman na hiwalay na sila ni Papa nung isang gabi eh ngayon andito na yan eh, and wala akong paki kung VP siya ng school!” Sabi ni Anne at natawa naman si Mitch dito at ngumiti.

“Ay naku! Abangan mo kako kung ano reaksyon nila Kuya at Papa! Di ko alam kkung matutuwa yun o maiinis din eh! Lalo na si Papa dahil kumpa kumpare pa niya sa golf yan eh tapos si Ate pala ang planong ihole in one!” Sabi ni Mitch na natatawa kalahati pero nagulat si Vin dahil kasama pala nila si Vanie na nagsalita sa likod. “Oh wag na nga kayong magdecide decide pa, hayaan niyo sila mag react kasi kung tayo nga Mitch eh napa iling tayo ng konti paano pa kaya si Brando at lalo na si Noel, di ba close sila ni Luna? At tsaka hayaan mo na si Papa, madali niya naman ma gets yun, yung si Noel ang medyo di ako sure” sabi ni Vanie at ngumiti ito kay Vin.

“Ma! Kasama ka pala?! Bakit di ka sumabay sa amin kanina?” Sabi ni Vincent at natawa si Vanie, “Eh di hindi na surprise yun di ba? Pero mas matindi surprise ni Tita mo eh! Mitch du tayo sa kabila para safe, Anne okay ka lang ba dito with Vincent and yung two girls?” Sabi ni Vanie at natawa si Mitch, “Grabe naman bunso! Nag 18 ka lang eh biglang may two girls ka na bigla!” Sabi ni Mitch kay Vincent at natawa naman silang dalawa ni Vanie at si Anne din natawa ng konti at humawak sa balikat ni Anne si Vanie, “Relax ka lang, andito lang naman kami eh” sabi ni Vanie at tumango naman si Anne at humilig dito, “Thank you Tita” sabi ni Anne at bumaba naman sila Mitch at Vanie sa kotse ni Anne at sinamahan ni Vin papunta sa kabilang kotse.

Lumabas na din naman si Luna at ang kasama nitong si Arnold Dela Pena, dito nagulat sila Jewel, Margie, Drake at Valerie sa taong kasama ni Luna pero walang mas nagulat kesa kay Noel dahil dama niya na ang paglantad ng dalawang tao at ang kanilang relasyon kaya naman nag isip lang sandali si Noel bago siya nagdesisyon sa gagawin niya. Si Valerie naman ay nagulat din dahil kasama pala ang ina nila, di  pa man nakakaalis ay dama na niya ang pagkapurnada ng mga plano niya ngayon dahil andito ang kanyang ina.

“Oh? Di pa ba tayo aalis?” Tanong ni Luna at tumingin lang sa kanya si Vanie pero si Mitch ay sumenyas at tumuro kay Noel, “Inaantay lang si Kuya” bulong ni Mitch at si Arnold naman ay medyo natatawa sa sitwasyon ngayon pero ang mga mata din nito ay nag iingat pagdating kay Margie, dahil kasi dancer at puta ito sa club mismo ni Noel at isa siya sa parokyano nito ay kabado din si Arnold pero di lang ito halata di gaya ni Luna na hindi niya alam kung paano kakausapin si Noel pero dahil nagkita na sila ay napilitan itong kausapin ang kapatid pero mali ang paraan ni Luna dahil inunahan niya ng yabang si Noel, ang kanyang kapatid at hilaw na boyfriend pero ngayon eto ang boyfriend niya.

“Noel! Sasama ka ba? Bakit ang tagal mo?” Sabi ni Luna na pasigaw kay Noel, bagay na defense mechanism sana ni Luna pero mali ito dahil tumaas ang kilay ng binata sa kanya. “Ganun?” Tumingin naman si Noel sa lahat sa kanila at natawa ito ng konti. “Di na lang ako sasama, well represented naman na ako, si Kuya anjan si Ate, ikaw anjan ka din at si Mitch, si Gie na lang representative ko tutal masyado na atang madaming sumama sa trip ng mga bata at isa pa eh ayaw ko din sumasama sa dati kong teacher” sabi ni Noel at tumingin ito kay Arnold at natawa na lang ang binata.

“TITO! Sabi mo sasama ka?! Ikaw nga una namin niyaya tapos ikaw pa ngayon yung di makakasama?! Kayo nga dapat ng ate ni Gie ang kasama namin eh!” Sabi ni Anne at masama ang tingin nito kay Arnold dahil kakalabas niya lang ng kotse at ang sama niyang nakatingin dito, di na niya inisip na school official ang kaharap niya dahil alam niyang mapupurnada ang plano kung wala si Noel, yun na nga lang ang magpapaayos ng drive nila, ang tito Noel niya, pero mukhang di na ito sasama naman.

“Lunaria Anne, wag ka ngang makatingin ng ganyan, baka mapa away ka ikaw din” sabi ni Noel at ngumiti ito, iniisip niya kasi na at least kakampi pa din niya si Anne sa bagay na ito at di niya alam ay dahil may plano sa kanya ang kanyang mismong pamangkin. “Minsan kailangan mong malaman na hindi lahat ng plano mo natutupad, na hindi lahat ng gusto mong mangyare ay nangyayare kaya you need to accept that fact in life okay? Next time na lang kasi mukhang madami na nga kayo at may aasikasuhin pa din naman ako” sabi ni Noel at ngumiti ito sa dalaga bago ito bumalik sa kanyang bahay, si Luna naman ay nalungkot pero di niya pinahalata ito.

“Oh Tara na, mahaba pa ang papuntang pagudpod” sabi lang ni Luna at bumalik na ito sa kotse ni Arnold kasunod ang matanda habang nalungkot naman si Anne at sumakay na din ito ng kotse niya kasama sila Gie, Vin at Jewel habang sila Valerie, Drake, Mitch at Vanie ang magkakasama naman at umalis sila, di nila alam na may nanonood sa lahat ng nangyare, “Oooohhh Interesting” sabi ni Carmina na nakita ang lahat ng nangyare sa labas ngayon at nagiisip na ito ng kanyang susunod na galaw.

-The Seaman-

Sa Israel naman ay makikita si Honey na papunta sa isang café, andito ang ginang dahil sa malalim ang tingin at hinga niya at naluluha na ngayon ang ginang. Ilang oras lang kasi ng dumating siya dito sa Israel at kaka check in niya lang pero parang malupit ang pagkakataon sa kanya sa kanyang nakita, isang bagay na di niya inasahan at isang bagay na sa isip niya ay hindi na mawawala sa isipan niya simula ng makita niya ito.

Nagpunta kasi si Honey sa isang bar na usually na pinupntahan ng mga marino at di pa siya nakakapasok ay kita na niya agad ang kanyang asawang si Julius, susugurin na sana niya si Julius pero dito niya nakita ang totoong ugali ng asawa niya dahil nakita niya ang kabit nito pero hindi ito inaasahan niya. Sa utak ni Honey ay isang maganda at sexy na babae ang nasa isip niya na mas bata sa kanya at sigurado siya na mas adik sa sex ito dahil alam niya ang sex drive ng asawa niya pero ang nakita niya ay ibang iba sa nasa isip niya.

Nakita ni Honey ang kabit ni Julius na si Pierre, isang mas bata at mas maganda ang katawan na lalake, nag-iisip pa sana si Honey na hindi ito maari ngunit hinalikan ni Pierre sa labi si Julius na gumanti din naman, malalim ang halikan ng dalawang lalaki at nagkaroon pa ng cheer ang mga tao sa paligid nila naman kaya nalungkot at nagulat si Honey dahil magkalapit silang dalawa matapos nito, alam ni Honey na hindi lang ito basta basta fling or kabit lang dahil ayun ang matagal ng hinahanap ni Honey na tinigin ni Julius sa kanya, dagdag mo pa na nagawa niya ito sa isang lalaki ay totoong nakakagulat ito para sa kanya.

Di naman na din niya nagawa ang plano niyang sugurin ang kabit dahil una lalaki pala ito at pangalawa sa tagal nilang mag asawa ay di niya ito naramdaman na bakla pala si Julius, nakabuo pa nga sila ng anak eh, pero bakit ganun at parang mas masaya pa siya ngayon sa lalaking iyon kesa sa kanya, di niya maintindihan at di niya din maalala kung bakit ganun ang nangyare pero alam niya na lang na wala siyang panama sa kung ano ang meron sila ngayon dahil di niya namalayang nawala na ang asawa niya sa kanya.

Malungkot si Honey sa mga oras na iyon, nangingilid ang luha sa lugar kung saan wala siyang kakilala o kasama, alam niyang mahirap pigilan ang damdamin ni Julius, feel niya tuloy sayang ang lahat ng ginawa niya at pinagplanuhan niya, ang lahat ng isip na ginawa niya sa eroplano pa lang at lahat ng galit na nabuo niya pero di niya inaashan na may makita siyang isang tao na tutulong sa kanya, isang tao na aksidente lang  napadpad sa café na iyon at dahil dito nakita tuloy siya naman.

“Honey? Ikaw ba yan? Bakit ka nandito?” sabi ng isang boses na pamilyar sa kanya pero di niya madalas itong marinig, sai Brando Banal ito ang boss ng asawa niya at kapatid ni Noel. “Huh? Brando… Ang ibig kong sabiihin eh Captain Brando…” sabi ni Honey ng malungkot ang tono at alam niya din na nagulat si Brando ng makita siya dito. “Honey, please Brando na lang o Kuya Brando kung gusto mo, pero bakit ka nandito at bakit malungkot ka? Alam ba ni Julius na nandito ka?” sabi ni Brando pero umiling lang si Honey at yumakap ito kay Brando ng umiiyak, alam ni Brando na malungkot si Honey at ramdam niya kung bakit pero alam din niya na isang masarap ng putahe ang nakahain sa kanya, at matagal na ding hindi siya nakakatikim ng pinay….

-Itutuloy-

Kookie29
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
4
0
Would love your thoughts, please comment.x