Written by MEGANEKUN
Magandang araw sa inyong lahat mga ka LSS, heto muli ang inyong lingkod at nagbabalik.
Ang katha kong ito ay mula sa ating isang tahimik na mambabasa, siya ang nagmensahe sa akin na kung pwede ko
daw bang ilahad dito ang kanyang istorya. Gusto nyang ibahagi ang kanyang kwento, ako lamang DAW ang kanyang
unang napagsabihan ng kanyang istorya kaya naman akoy natuwa dahil kahit ako ay hindi nya kakilala ng personal
ay nagtiwala siya sa akin ngunit ngayon nga ay marami nang makakaalam ng kanyang lihim dahil ito ang ilalahad ko
sa inyo ngayon(nahilo kayo ano HAHAHA). Isang beses lamang kaming nagkausap sa video call ngunit at dun niya inilahad lahat
ng kanyang karanasan. Nagsabi na rin ako sa kanya na kung pwede ko din bang magdagdag ng ibang
detalye at tao na makakasama sa kwento at dali dali din naman syang pumayag dahil ako lamang naman daw ang nakaka
kilala sa kanya.
Sadyang binago ko ang mga pangalan at lugar para na rin makasigurado.
Ako si Margarita, Rita kung tawagin ng aking pamilya, kamag anak at mga kaibigan, akoy tubong probinsya ngunit
ng makapag tapos ng sekondarya ay napilitang makipagsapalaran sa kalakhang maynila para maka ipon at maipagpa
tuloy ang aking pag aaral sa kolehiyo ngunit nasa ikalawang taon pa lang ako ng kolehiyo ay nakilala ko ang
aking nobyo na siya ko ring napangasawa ngayon, kalahatian ng ikalawang taon ko sa kolehiyo ay nabuntis ako
ng aking nobyo kaya napilitan akong tumigil na lamang sa pag aaral, galit man ang aking mga magulang ay wala
na rin naman silang magagawa pa dahil nangyari na at isa pa ay malayo rin ako sa kanila nung mga panahong iyon.
Sa ngayon ay may dalawa na akong anak sa aking mister na isang safety officer sa isang construction company
habang ako naman ay mag sarili na ring sari sari store na aking pinagkaka abalahan, katuwang ko dito ang aking
bunsong kapatid na babae.
Kung isasalarawan ko ang akinga sarili ay ako yung tipo ng babae na hindi naman kagandahan, alam kong hindi rin
naman ako lingunin ng mga kalalakihan. Medyo may kaputian ang aking balat, may buhok na lampas sa balikat lamang,
ang aking pangangatawan naman ngayon, dahil sa nagkaron na ng dalawang anak ay nagkalaman na ng kaunti ang aking
mga hita na bumagay naman sa aking makinis at may kahabaang binti, may konting laman man sa aking tiyan dahil
sa panganganak ay hindi ko naman pinabayaan na akoy magmukhang balyena sa katabaan,bumagay naman ang aking konting
laman sa tiyan sa aking katawan, makurba pa rin ang aking bewang at medyo lumaki din ang aking pang upo at medyo
lumapad din ang aking balakang dahil sa aking pagdadalang tao habang ang dibdib ko naman ay lumaki rin dahil nga
dalawa na ang aking naging anak, napa dede ko man ang aking anak hanggang sila ay magdalawang taon na ay hindi naman
nasira ang hugis ng aking dibdib bagkus ito pa nga ay gumanda at lumaki hindi kagaya sa mga kakilala ko na napabayaan
na ang sarili, dapat kong alagaan ang aking pigura para hindi naman ako iwan o ipag palit ng aking asawa.
Iba lang din siguro ang dating ko sa ibang lalaki dahil laging may tambay sa aming sari sari store, laging maraming
bumibili kaya malaki din ang kita, halos pa iba iba rin ang nagiging tambay sa aming tindahan, pag ako ang nagbabantay
ay mga may asawa o di kaya ay may mga edad na madalas mag inom sa harap ng aming tindahan, pag ang kapatid ko naman ay
madalas mga kabataan na kaedaran din ng aking kapatid, malamang ay mga manliligaw ng aking kapatid ngunit sigurado
ako na ni isa man sa kanila ay walang papasa sa aking kapatid dahil husto ito sa pangaral naming mag asawa. Alam
nyo naman na siguro pag ako ang bantay, madalas ay may mga nagpapa lipad hangin sa akin lalo na at alam nila na
lingguhan lamang ang uwe ng aking asawa, kadalasan ay mga may edad na at ang iba ay may mga asawa na rin, meron din namang
mga kabataan, hindi ko na lamang ito pinapansin dahil wala naman silang ginagawa na aming ikasasama.
Tungkol naman sa aking asawa ay mabait naman ito bukod sa laging sweet dahil sa kada uwi nito tuwing sabado
at linggo ay lagi itong may mga surpresa gaya ng borger at fries, tapos hindi mawawala yung melkti at mga
prutas, ganun HAHAHA, biro lang po. Sa kada uwe ni mister ay lagi itong may dala para sa amin ng aking mga
anak at kapag gabi na ay hindi na mawawala ang romansa syempre, hihihi. Pagdating naman ng linggo ay magsisimba
at mamamasyal kung saan namin gusto. Mailalarawan kami na isang perpektong pamilya ngunit kagaya ng lahat,
nagbago ang mga buhay nitong magkaroon ng pandemya.
Ang kuwento ko ay hindi tungkol sa aming mag asawa o sa mga naging boyfriend ko, ito ay tungkol sa pagitan ko
at ng tatay ng aking kababata. OO.tama ang inyong nabasa, tatay ng aking naging kaibigan.
Tanda ko pa noon, ang aking sanggang dikit/kaibigan na si Lyn, hindi nya tunay na pangalan. Simula bata pa ay
kalaro ko na sya, kahit sa iskwela ay lagi kaming magka klase simula unang baitang hanggang ika anim kaya naman
pwede na kaming magkapatid sa aming turingan. Siya kasi ay inaanak ng aking ama sa binyag kaya rin naman sobra
ang pagkakabuklod ng aming pamilya. Noong mga bata kami ay wala pa akong nararamdamang hiya pag ako ay pumupunta
kila Lyn ngunit nung ako ay mag labing dalawang taon na ay unti unti na akong nakakaramdam ng hiya sa mga
magulang niya lalo sa kanyang ama, hindi ko rin alam pero parang iyon ang sinasabi nilang CRUSH, OO, humanga
ako sa ama ng aking kalaro. Alam kong iyon ay paghanga dahil sa tuwing nakikita ko si tito Rodel(papa ni Lyn)
ay tila pinapamulahan ako ng pisngi at bigla na lamang akong tatakbo palayo o di kaya ay pauwi. Alam kong na-
wiwirduhan kayo ngunit iyon talaga ang nararamdaman ko noon. Isang tipikal na lalaki lang naman si tito Rodel,
isa siyang pulis kaya naman matikas ang tindig nya hindi kagaya ng iba na malalaki ang tiyan, may katangkaran din
si tito Rodel at may pagka moreno, iyon siguro ang nakita kong dahilan para sa kanya ako humanga.
Nung tumuntong na kami ng sekondarya ni Lyn ay napag desisyunan ng kanyang pamilya na mangibang bayan dahil napalipat
ng destino ang kanyang ama kaya naman iyon din ang dahilan ng aming paghihiwalay. Nung malaman ko iyon ay ibang
lungkot ang aking naramdaman, siguro ay dahil bukod kay Lyn na hindi ko na makakasama ay hindi ko na rin makikita
ang unang lalaking hinangaan, si tito Rodel.
Lumipas ang mga taon na, nagkakaroon pa rin kami ng komunikasyon ni Lyn dahil nauso na nung ang friendster, isa pa ay
pareho nman kaming may telepono sa bahay kaya naman hindi naging rason sa amin ni Lyn ang pagiging magkalayo upang
magkamustahan, minsan pa nga ay napapagkamalan pa ng aking ama at ina na may nobyo na raw ako dahil sa madalas na pagka
babad ko sa telepono. May isa sana akong gustong itanong kay Lyn, kung kamusta na ang kanyang ama, ngunit hindi ko
na lamang ito itinatanong sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin nito tungkol sa akin. Nagkaron man ako ng nobyo
nung ako ay nasa ikatlong taon sa sekondarya ngunit ito ay patago lamang dahil mahigpit ang bilin sa akin ng aking
aking mga magulang, hanggat hindi pa ako nakakatapos ng kolehiyo ay wala munang nobyo. Nakadalawang nobyo din ako bago
makapag tapos ng sekondarya ngunit hanggang halik lang ang nangyayari sa amin dahil natatakot din akong mabuntis ng
maaga pero nabalewala din yun nung makapag kolehiyo na ako. Nang makalipat na ako pamaynila para mag aral ay duon na
naputol ang komunikasyon namin ni Lyn dahil masyado na kaming abalang dalawa sa kanya kanya naming karera, ang huling
balita ko na lamang nuon sa kanya ay nakapag tapos na sya sa kursong nursing habang ako nuon ay nag aalaga na ng aking
dalawang taong gulang na anak.
Naging mabait naman ang tadhana sa aming mag asawa, kahit na hindi na ako nakapag trabaho buhat nung ako ay magka anak
ay hindi nabakante ang aking asawa sa trabaho, malaki din ang kinikita nya dahil bukod sa pagiging safety officer nya ay
may kita rin sya sa bawat seminar na kanyang pangungunahan kaya naman unti unti kaming naka ipon at nakabili ng aming
sariling bahay at nakapagpatayo ng aming munting tindahan, nakabili rin kami ng dalawang sasakyan na siyang ginagamit
pang pasahero (UV EXPRESS). Kaya din siguro kami naging swerte ay dahil sa aming mga magulang na todo ang suporta sa
amin at dahil sa hindi naman kami ganun kaluho sa mga materyal na bagay, wala ding bisyo ang aking asawa bukod sa minsan
na pag inom dito sa bahay o kaya sa construction site kung saan siya naka destino, at ang pinakamahalaga ay wala kaming inapakan
o inargabyadong tao, madali din kaming malapitan ng aming mga kapitbahay lalo sa usaping salapi.
Hanggang sa dumating na nga ang naging salot sa buong mundo, ang pandemya na nakapag padapa sa maraming mga negosyo
kagaya na lamang ng aming kabuhayan sa transportasyon, ilang buwan na hindi naka biyahe ang aming mga sasakyan kaya
naman ang mga nagmamaneho nito ay nawalan din ng kabuhayan, kami man ay nabawasan ang kita ay hindi naman kami nakaranas
ng tag gutom hindi kagaya sa iba nating mga kababayan. Pinahiram na lang muna namin ng maliit na puhunan ang dalawa
naming dryaber para naman kahit papano ay may pagkaka kitaan sila sa ilang buwang walang pasada pero ang mas mahirap
ay ang hindi na muna papayagang maka uwe ang aking asawa dahil sya ang namamahala sa kaligtasan ng kanyang mga tao, pati
na rin ang lahat ng nagtatrabaho sa kanilang kumpanya ay hindi pinapa uwi dahil natatakot sila sa hawaan na mangyayari
kung sakali mang may lumabas mula sa construction site at bumalik. Libre man ang kanilang pagkain at tirahan sa loob ay
iba pa rin pag nakaka uwi ang aking asawa. Tawagin nyo man akong makati o malandi ngunit kagaya ng lahat ng tao ay may
pangangailangan din naman ako bilang babae na asawa ko lang ang pwedeng magbigay.
Hanggang dito na lang muna, bibitinin ko muna muli kayo.
- Mang Banong- Natupad Na Pantasya - April 18, 2023
- Mang Banong- Si Celia At Si Merla - February 5, 2023
- Mang Banong- Si Merla - February 4, 2023