Written by Mrpayatot
Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
Chapter 17
Gaya nga ng pangako ni Rodolfo ay dinala niya si Anthony sa Turkey bago sila nagpunta ng Norway para ayusin ang titirhan nina Jacob. Dahil sa alam niya na alam na ni James at Jenny na buhay pa si Jacob ay natatakot siya na malaman din ni James na anak ni Jacob si Anthony.
At isa pa, para maging kaparusahan din niya eto.
Bago naman iniwan ni Rodolfo si Anthony sa Turkey ay kinausap naman niya ng maigi ang binata.
“Apo, pasensya ka na pero kailangan namin gawin to. Alam mo naman ang ginawa mo.” Ang sabi ni Rodolfo.
“Okay po lo, pero bago po lahat pwede niyo na po ba ipaliwanag ang lahat sa akin.” Ang pahayag naman ni Anthony.
Bigla naman naalala ni Rodolfo at Lourdes na hindi pa pala nila nasasabi at naipapaliwanag kay Anthony ang pagkatao ng daddy niya.
“Pasensya na iho. Hindi namin nasabi agad sa iyo dahil sa dami ng problema nung nakaraan.” Ang paghingi ng tawad ni Lourdes.
“Okay lang po. Ngaun gusto ko po maliwanagan.” Ang saad ni Anthony.
Ipinaliwanag na nga ni Lourdes ang lahat kay Anthony na anak niya si Jacob. Sinabi na din ni Rodolfo ang totoong pangalan ni Jacob. Nung una ay hindi makapaniwala si Anthony ngunit may pinakitang proweba si Lourdes kaya sa bandang huli ay naniwala din siya.
Ipinaliwanag din nila kung panu siya nawalan ng alaala at ang ginawa ng mommy niya pagkatapos niya maaksidente.
“Kaya pala, hindi ko po kayo maalala. So ginamit ako ni mommy para magkaroon ng pera at tinake advantage niya ang pagkawala ng memorya ko para sirain si Dad sa akin.” Ang saad ni Anthony.
“Humanda silang dalawa, hindi ko sila mapapatawad.” Ang pahayag ni Anthony
“Ang totoo niyan, iho. Hindi aksidente ang nangyari sa iyo kundi sinadya kang banggahin ka at mamatay ngunit hindi inaasahan na makaligtas ka sa pangyayaring iyun. Ngunit napuruhan ka pa rin at nawalan ng memorya. Dahil dun ay nagkaroon ng masamang plano ang mommy mo ay sinabing nahuli mo ang daddy mo na may ibang babae at ipakita kay Jacob na siya ang dahilan ng pagkaasidente mo at ipakitang pabaya siya ama. At dahilan nun ay nahuli mo ang mommy mo na may katalik na ibang lalake at si Fred nun. Ayaw nila malaman ng daddy mo ang relation nilang dalawa kaya ginawa nila ang bagay na iyun. Brinainwash ka nila nun. Kaya kang ipapatay ng sarili mong ina para sa kanyang kaligayahan anak. Hindi naman namin nahuli ang nangbangga sa iyo pero malaki ang posibilidad na mommy mo ang pakana.” Ang paliwanag naman ni Rodolfo.
“Ganun po ba. Hindi ko mapapatawad ginawa sa akin ni mommy. Siya ang dahilan bakit nagawa ko to sa sarili kong ama. Patawad po. Tatanggapin ko po ang parusa kong ito. At gusto ko din po humingi ng tawad kay Trisha.” Ang saad ni Anthony.
“Okay apo. Makakaabot yan sa kanila.” Ang saad ni Lourdes.
Tumagal pa ng ilang sandali ang usapan nila at binalaan nila si Anthony na dito lang muna sa Turkey at huwag bumalik sa bansa. Binalaan siya na pinaghahanap siya ng tito niya at may nakabantay sa kanya.
Bingyan naman ni Rodolfo at Lourdes si Anthony ng pera para may pambili ng makakain.
Nang makaalis na ang lolo at lola niya ay natulog na siya. Gabi na din kase nung makaalis silang dalawa kaya hindi na siya namasyal.
Kinabukasan, lumabas naman si Anthony para maghanap ng maaari niyang pagtrabahuan. Nahirapan naman si Anthony na maghanap ng trabaho dahil unang araw palang niya dito. Hindi niya inaasahan na makakahanap siya agad ng trabaho dahil baguhan palang siya dito.
Kaya hindi siya agad nawalan ng pag asa.
Ilang araw pa ang lumipas ay lumabas na ang resulta ng DNA test at nalaman ni Anthony na siya talaga ang ama ng baby ni Veron. Kaya agad naman siya tumawag sa lolo niya at sinabi eto.
“Iho, ngaun lumabas na result sana tuparin mo sinabi mo sa amin na panagutan mo ang anak niyo ni Veron.” Ang sabi ni Rodolfo.
“Opo lo, kasalukuyan pa rin ako naghahanap ng trabaho dito. Pagnakahanap na ako ng trabaho at sumahod ako padala agad ako sa kanila.” Ang sagot naman ni Anthony.
“Asahan ko yan iho. Bigay ko contact nila Veron sa iyo para matawagan at makausap mo sila.” Ang pahayag ni Rodolfo at binigay ang contact details ni Veron sa kanya.
Pagkareceive ni Anthony ang number ni Veron ay tinawagan niya agad ang dalaga. Ngunit hindi ito sumagot kaya tinext nalang niya agad eto. Humingi siya ng kapatawaran sa mga ginawa niya at mga sinabi niya at nangakong susustentohan niya ang anak niya.
Hindi naman nagreply kaagad si Veron sa text ni Anthony.
Habang naghihintay si Anthony ng reply ni Veron ay sinubukan niya tawagan ang daddy niya. Agad naman sumagot si Jacob sa tawag ng anak.
“Dad, patawarin niyo po ako sa pagkakamali ko. Hindi ko po sinasadya. Niloko po ako ni mommy.” Ang paghingi ng tawad ni anthony, naiiyak na din si Anthony sa paghingi miya ng tawad sa ama niya.
Napansin naman ni Jacob ang pagiyak ng anak niya at ramdam niya ang sinseridad ni Anthony sa bawat salila niya.
“Anak, salamat at nakita mo na ang pagkakamali mo. Hayaan mo simula ngaun, anak ulit kita. Hindi na kita pababayaan muli. Patawarin mo din ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo.” Ang pahayag naman ni Jacob.
Nagkapatawaran naman silang dalawa sa oras na iyun.
“Dad, andyan ba si Trisha. Gusto ko kase siya makausap. Hihingi ako ng tawad sa ginawa ko sa kanya.” Ang sabi ni Anthony. Hindi pa alam ni Anthony ang buong pagkatao ni Callista.
“Wala dito si Trisha. Lumabas sila ni Diana at namasyal. Pero sabihan ko siya na gusto mo humingi ng tawad. Tawag nalang ako sa iyo anak.” Ang sabi ni Jacob.
Nang marinig ni Anthony na tinawag siya ulit na anak ay sonbrang tuwa niya. Ngaun sinabi niya sa sarili na hindi na niya hahayaan na mawala ang pangyayaring ito. Babaguhin niya ang sarili niya para maging isang ulirang anak at mapagmahal na ama.
“Iho, punta ka nalang dito sa akin para may kasama ka lagi.” Ang pahayag naman ni Jacob.
“No, dad. Si lolo ang magsasabi kung pwede na ako pumunta diyan. Hanggang hindi niya sinasabi, dito lang ako. Maganda din po eto para matuto po ako lalo.” Ang saad ni Anthony.
“Ganun ba, anak. Sige, pero pag kailangan mo ng tulong at kailangan mo kame. Tumawag ka sa amin. Tsaka lagi ka na maguupdate sa akin or di kaya sa lolo mo.” Ang bilin naman ni Jacob.
“Oh, si Veron pala anak at apo ko.” Ang sabi ni Jacob.
“Dad, nakapag isip isip na po ako. Pag nakakuha na ako ng trabaho at nakuha ko unang sahod ko, magpapadala agad ako sa mag ina ko. Tatawag ako sa kanina at hihingi ng kapatawaran. Sana bigyan nila ako ng chance.” Ang pahayag ni Anthony
Mas lalo naman naimpress si Jacob sa anak. Natutuwa siya at natututo ng si Anthony.
Habang magkausap naman sila ay may nagtext kay Anthony.
“Dad, wait lang. Need ko to sagutin. Nagtext ang inapplyan ko ngaun. Sige po dad.” Ang sabi ni anthony at nagpaalam na sa ama.
—
Samantala ay ipinaalam naman ni Callista kina Andrea at Veron ang tunay na pagkatao niya.
Nagulat naman sila sa balitang sinabi niya.
“Wait, are you serious?” Ang saad ni Veron.
“You’re not joking , right?” Ang saad naman ni Andrea.
“Yes, Callista talaga ang name ko at hindi ko talaga daddy at mommy sila tito James at tita Jenny. Ang totoo ulila na talaga ako at kinuha lang ako ni dad o ni lolo na magpanggap na anak nila dahil patay na nang lumabas ang totoo nilang anak, ang totoong Trisha.” Ang paliwanag ni Callista.
Pinaliwanag pa ni Callista ang buong pangyayari kina Andrea at Veron. Gulat na gulat naman ang dalawa sa nalaman nila.
“Do you mean, patay na ang totoong Trisha?” Ang tanong ni Andrea.
“At dad? Tinatawag mo nang dad ang lolo mo?” Ang tanong naman ni Veron.
“Yes, yan ang sabi nila sa akin. Father siya ni Jacob kaya yun ang dapat ko din itawag ko sa kanya since ikakasal na kame pagkatapos ko manganak.” Ang pahayag ni Callista.
“Wait? Daddy ni sir Jacob si sir Rodolfo?” Ang tanong ni Andrea.
Pinaliwanag naman ni Callista ang lahat st dito naintindihan nina Veron at Andrea ang lahat.
“Kailan kayo babalik dito. Namimiss ko na kayu.” Ang sabi ni Andrea.
“Ninang kame ng kambal niyo huh. Huwag mo kakalimutan.” Ang saad naman ni Veron
“Oo naman. Ninang kayung dalawa. Sabi ni Jacob. After ko manganak at kasal namin. Haharapin namin sina tito James at tita Jenny.” Ang sagot ni Callista.
“Tita at tito na ang tawag sa kanila. Sabagay hindi mo naman sila tunay na magulang.” Ang sabi ni Veron.
Nag usap pa sila ng ilang minuto at sinabi ni Callista na umuwe na ng bansa sina Rodolfo at Lourdes para kausapin sina James at Jenny.
“Oo nga pala, Callista. Dumating na ang result ng DNA test na pinagawa ni Anthony at same lang ang result. Nagtext din siya sa akin at humihingi ng tawad at nangakong susustentuhan niya kame. Anu kaya ang isasagot ko sa kanya.” Ang pahayag ni Veron.
“Tawagin niyo nalang akong Cal or Cali. Kaw bahala veron. Kung patatawarin mo siya. Ama pa rin siya ng baby niyo at paglaki niya maghahanap yan ng daddy. Baka magsisisi na siya ngaun. Sinabi pala ni Jacob na tumawag din siya sa kanya at humingi ng kapatawaran. Sincere daw si Anthony nung tumawag at gusto niya din kayo suportahan. Mas makakabuti nga kung kausapin mo na siya.” Ang sabi naman ni Callista.
“Okay, Cal. Salamat sa payo. Kausapin ko siya mamaya.” Ang saad ni Veron at namatay na ang tawag.
Ilang sandali matapos patayin ni Callista ang tawag ay may kumatok sa pintuan. Pagbukas ni Callista ay nagulat siya ng may bumungad sa kanyang harapan na dalawang tao. Tingin niya ay mas matanda lang ng konti kina Rodolfo at Lourdes.
Agad naman nagsalita ang dalawa.
“You’re Trisha, right? Or Callista? Mapapangasawa ni Jacob?” Ang tanong ng babae.
“Yes po, sino po kayo?” Ang tanong ni Callista.
“I’m Mirai. And this is my husband, Josef. Kame ang nagligtas kay Jacob nun.” Ang pagpapakilala nila.
“Oh, pasok po kayo. Sorry po, tawagin ko lang si Jacob.” Ang sabi ni Callista at pinapasok na sila pagkatapos ay tinawag na niya si Jacob.
Tinawag na din niya si Diana para makilala ang nagligtas sa daddy niya sa bingit ng kamatayan.
“Oh, ang ganda mo pala talaga iha. Gaya ng sinabi ni Jacob.” Ang sabi ni Mirai.
“Salamat po. Kayu din po, ang ganda din po ninyo.” Ang sabi naman ni Callista.
“Salamat iha.”
Ilang sandali pa ay dumating na si Diana kasama si Jacob.
Pagdating niya ay pinagusapan nila ang nangyari sa kanila ni Jacob at pinagalitan nila si Jacob bakit niya ginawa ang paghihiganti niya.
Humingi naman ng kapatawaran si Jacob dahil sa sinira niya ang bilin nilang magasawa.
“Wala na tayong magagawa nangyari na eh. Magpapadala kame ng dagdag na bodyguard ninyo para pag uwe niyo ay ligtas lagi kayo.” Ang sabi ni Josef.
Aangal pa sana si Jacob ngunit hindi siya nakapalag.
“Jacob, pag uwe niyo may kasama kayung kambal, kasama ninyo ang kambal niyong anak. Tapos may haharapin pa kayong kaaway ninyo. Mas mapapanatag kameng dalawa ng mom mo kung papayag ka na magdagdag kame ng guardiya na magbabantay sa inyo.” Ang paliwanag naman ni Josef.
“Ayaw ko may mangyaring masama sa mga apo ko.” Ang dagdag ni Mirai.
“Naiintindihan ko po, dad and mom.” Ang pahayag ni Jacob.
“Dalawin niyo pa rin kame ng dad mo dito kasama ng apo namin.” Ang sabi ni Mirai.
“Oo naman po, mom. Lagi din kame tarawag sa inyo” Ang sabi ni Jacob.
Tinawag naman ni Mirai sina Callista at Diana matapos sila mag usap at namasyal silang tatlo. Sina Josef at Jacob naman ay nag usap tungkol sa plano ni Jacob pag uwe nila ng bansa.
“Mabuti na lang at naisipan ninyo lumipat dito sa Norway iho. Nagsabi si Viktor na nagpadala daw ng tauhan si James sa Russia para hanapin kayo.” Ang saad ni Josef.
“Ganun po ba dad. Mukhang gagawin nilang lahat para mabawe si Callista.” Ang sabi ni Jacob.
“Huwag kang mag alala. Hindi kame makakapayag na makuha nila ang mag ina mo. Tutulong kame sa iyo. Tumawag na din ako sa mga tauhan ko sa america para pabantayan ang galaw ni Alex na yan.” Ang sabi naman ni Josef.
“Hinding hindi nila makukuha sa akin si Callista.” At ang kambal naming anak.” Ang sabi naman ni Jacob.
—
Pagkauwe naman nina Rodolfo at Lourdes ay tinawagan nila sina Jenny at James sa kanilang bahay dahil may sasabihin silang dalawa. Plano na nilang sabihin din ang totoo sa kanilang dalawa.
“Are you sure, Dy na sasabihin na natin sa kanila.” Ang tanong ni Lourdes.
“Mas mabuti pang sabihin natin sa kanila ng mas maaga. Baka makatulong to kina Jacob at Callista.” Ang pahayag naman ni Rodolfo.
Hindi naman na umangal si Lourdes at hinintay nalang ang pagdating ng dalawa.
Mga apat na oras ang dumating at nakarating na silang dalawa.
Napansin naman ni Lourdes na medyo lumaki ng konti ng tiyan si Jenny. Alam ni Lourdes na body conscious si Jenny at nagdidiet at kadalasan ay nagygym din siya kaya nagduda na siya baka buntis siya.
Ngunit nagtataka siya bakit wala pang sinasabi si James na buntis si Jenny. Marahil ay hindi alam ni James ang pagbubuntis ni Jenny.
Dahil sa may mas mahalaga sila sasabihin ay isinawalang bahala na muna niya iyun. Ayaw niya pangunahan ang dalawa.
“Dad, anu sasabihin mo sa amin dalawa. Alam mo naman may mahalaga kameng ginagawa at kasalukuyan pa namin hinahanap ang anak namin.” Ang sabi ni James.
“Tungkol nga sa kaniya ang pag uusapan natin dito.” Ang sabi ni Rodolfo.
Natuwa naman si James ng banggitin niya eto. Akala niya ay nahanap na niya ang anak nila.
“Talaga dad. Nahanap na ba ninyo si Trisha at walang hiyang Jacob na iyun. Asan ang anak ko.” Ang pahayag ni James na excited
“James, huminahon ka lang. Alam ko kung asan si Trisha…” hindi natuloy ni Rodolfo ang sasabihin niya ng magsalita ulit si James.
“Dad, asan siya. Gusto ko na siya makita.. asan ang lalaking yun, magbabayad siya sa ginawa niya sa anak ko.” Ang saad ni James na galit na galit.
“James, stop. Alam ko kung asan ang anak mo pero wala dito sa bahay. At may sasabihin ako sa inyong dalawa tungkol kay Trisha.” Ang malungkot na saad ni Rodolfo.
Napansin ni Jenny ang tono ng boses ni Rodolfo.
“Dad, kung anu man sasabihin ninyo. Sabihin niyo na po. Huwag niyo na po kame pag isipin ng matagal. Nag aalala na kame tungkol sa anak namin.” Ang saad ni Jenny.
“Sasabihin ko lang sa inyo na ang anak ninyong si Trisha ay matagal ng patay.” Ang sabi niya.
Natigilan naman ang dalawa sa narinig nila. Hindi sila makapaniwala na namatay na si Trisha.
“What? Dad, totoo ba ang sinasabi ninyo?” Ang sigaw ni James.
Tumango lang si Rodolfo bilang pagsangayon sa sinabi niya.
“Walang hiyang Jacob iyun. Pinatay niya anak ko. Magbabayad siya. Dad, alam ba ninyo kung asan si Jacob ngaun?” Ang galit na galit na aigaw ni James.
“James, hindi pinatay si Trisha ni Jacob. Patay na si Trisha ng iniluwal ni Jenny.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“What? Dad, anu sinasabi niyo?” Ang naguguluhan si Jenny.
Dito pinaliwanag ni Rodolfo ang lahat at sa tunay na pagkatao ni Callista na tinuring nilang anak. Pinaliwanag niya din bakit niya ginawa sa kanila iyun. Hindi naman makapaniwala si Jenny sa narinig niya.
Hindi niya inaasahan na ang pinalaki at minahal niyang anak ay hindi pala sa kanya at ang totoo niyang anak ay patay na talaga.
“What? So ibig sabihin, hindi si Trisha ang tinuring namin anak. Ginamit niyo siya para pagmukhain sa amin na buhay ang aming anak.” Ang pahayag ni James.
Kita ni Rodolfo at Lourdes ang galit ni James sa kanila. Wala naman sila magawa dahil sa alam nila na mali din ang ginawa nila.
Sinubukan naman nila na pakalmahin si James ngunit hindi eto nagpaawat.
“Hahanapin ko pa rin siya. Anak ko pa rin siya, sinimulan niya iyun dapat niyang tapusin.” Ang saad ni James at tumayo na siya.
Lalabas na sana si James dahil sa galit niya ng pinigilan siya ni Rodolfo.
“James, hanggang ngaun ba galit ka pa rin sa kapatid mo?” Ang saad ni lourdes na nagpatigil sa kanya.
Nagulat naman si Jenny ng marinig niya ang sinabi ni Lourdes. Nagtataka siya dahil alam niya na walang kapatid si James.
“Tandaan mo James. Walang ginawang masama si Jacob sa iyo. Ikaw ang nangagaw at ikaw din ang sumira sa pamilyang nagpalaki sa kanya. Ikaw ang umagaw kay Jenny sa kanya. Kung hindi mo sinira ang relation nila walang mangyayaring gulo sa pamilya natin.” Ang dagdag pa ni Rodolfo.
“Ikaw ang tanging dahilan bakit namatay ang anak niyo ni Jenny dahil sinasaktan mo si Jenny kahit na nagbubuntis siya.” Ang dagdag naman ni Lourdes.
Mas lalong kinagulat ni Jenny sa nalaman niya. Sa narinig niya din ay kilala na niya kung sino ang tinutukoy nilang dalawa. Ngunit hindi pinansin ni James ang magulang niya at tuluyang lumabas. Si Jenny naman ay hindi sumunod kay James at nanatili sa loob gusto niya malaman ang totoo.
Sa oras na ito ay nakapagisip isip si Jenny. Bigla niya naisip si Jacob at ang pagmamahal niya sa kanya.
“James, bumalik ka dito. Sige, tutal ayaw mo makinig sa amin ng mommy mo, tatanggalan ka na namin ng mana. Huwag ka na umasa ngaun na may makuha ka ni piso sa akin.” Ang sigaw niya.
Dito lang napatigil si James. Nakiusap naman siya na huwag gawin pero desidido na siya.
“Dad, hindi mo magagwa iyan. Alam mo ako lang ang karapat dapat na magmana sa kompanya. Nagpapatawa ka lang.” Ang sabi niya.
Agad din nag utos si Rodolfo sa companya nila na huwag ng papasukin si James dahil simula ngaun ay hindi na siya CEO ng kumpanya at inilipat niya ang kompanya sa pangalan ni Jacob.
Galit na galit naman si James ng marinig ang utos niyang iyun. Wala din siya magawa dahil 85% sa kompanya ay hawak or pabor kay Rodolfo. Kayang kaya niyang gawin ang gusto niya.
Agad naman nakatanggap ng tawag si James mula sa kompanya na kailangan na niyang kunin lahat ng personal na gamit niya sa kompanya.
Dito niya napagtanto na seryoso ang binitawang salita ng daddy niya.
“Ngaun mo sabihin na hindi ako nagseseryoso, James. Dapat ipakita mo sa akin na karapat dapat ka. Sa nakikita ko sa iyo, hindi. Madami akong naririnig tungkol diyan kasama na ang pagkadamay mo sa droga sa hilaga. Kung mapatunayan ko na kasama ka dun ako mismo ang magpapakulong sa iyo.” Ang sabi ni Rodolfo.
Pagkatapos nun ay nagpatawag siya ng security guard niya at pinalabas niya si James. Simula sa oras na iyun ay hindi na niya tinuturing na anak si James.
Hindi naman muna lumabas si Jenny dahil may gusto siyang itanong sa kanilang dalawa. Pinagbigyan naman nila si Jenny dahil may gusto din silang ipaliwanag sa kanya.
“Dad and mom, totoo ba sinabi ninyo? Anak ninyo si Jacob?” Ang takang tanong ni Jenny.
“Anak ko si Jacob. Kaya magkapatid silang dalawa. Kung hindi niyo siya pinigilan at hindi niyo kinidnap at ginawang hostage ang umapon sa kanya ay nalaman niyo na. Mas lalo na ikaw Jenny.” Ang paliwanag ni Lourdes.
“May dapat ka din malaman, iha. Tungkol kay James.” Ang sabi ni Rodolfo.
“Anu po yun dad.” Ang tanong niya.
“Si James ang nagpapatay sa kapatid mo at hindi si Jacob. Siya ang tunay na salarin sa pagpatay sa kanya. Sa katunayan ay gusto pa iligtas ni Jacob ang nakakabata mong kapatid nun.” Ang pahayag ni Jenny.
Hindi makapaniwala si Jenny sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na si James pala ang pumatay sa kapatid niya. Hindi niya pinaniwalaan si Jacob.
Dito na siya tuluyang umiyak dahil naalala niya ang ginawa niya. Kahit pala na hindi niya hiniwalayan si Jacob ay giginhawa pa rin ang buhay niya kasmaa ni Jacob. At isa pa mas magiging masaya ang buhay niya ngaun kung si Jacob ang napangasawa niya.
Nagsisi siya bakit niya hiniwalayan si Jacob at sinaktan pa ng todo. Nagsisi siya bakit nakinig pa siya sa magulang niya at kay James.
Alam niya ang ugali ni Jacob at sinayang niya ang magandang pagkakataon iyun. Nasilaw siya sa pera ni James. At ngaun, nahihirapan na siya dahil sa niloloko siya ni James.
“Ngaun iha, unamin ka sa amin ni Lourdes. Kasangkot ba si James sa kalakaran ng droga sa hilaga?” Ang tanong ni Rodolfo.
“Iha, patatawarin ka namin ni Rodolfo sa ginawa mo kung aamin ka ngaun. Ngaun alam mo na ang totoo, itama mo na ngaun ang lahat ng pagkakamali mo. Hindi pa huli ang lahat.” Ang pahayag ni Lourdes.
“Opo, kasangkot nga po siya. Siya po ang supplier ng droga sa hilaga. Tama rin po ang balitang kasabwat niya si Alex Kruger sa droga. Siya din po ang pasimuno sa pagpatay sa magulang ni Jacob.” Ang pag amin ni Jenny.
Nakinig naman siya dahil sa natauhan si Jenny sa pagkakamali niya.
“May ebidensya ba, Jenny.” Ang tanong ni Rodolfo.
“Pasensya na po. Pero lahat ay hawak na ni James simula ng kunin ni Jacob si Trisha. Yung ebidensya na pinatay namin ni James ang mga kinilalang magulang ni Jacob ay nawawala po.” Ang sagot naman ni Jenny.
Nadismaya naman sina Rodolfo sa sinabi ni Jenny.
“Hayaan niyo po pag hinuli po ng pulis si James tatakbo ako bilang witness.” Ang saad naman ni Jenny.
Nagpasalamat naman sina Rodolfo at Lourdes kay Jenny.
“Pasensya na po ako naging dahilan ng pag aaway at pagkasira ng pamilya niyo.” Ang pahayag ni Jenny.
“Minahal mo ba talaga nun si Jacob at si James?” Ang tanong ni Lourdes.
“Nung hindi ko po kilala si James, sobrang mahal na mahal ko po si Jacob. Siya po ang buhay ko. Pero nung nakilala ko si James unti unti po akong nagbago. Nasilaw po ako sa yaman at sa pera. Sa totoo lang po ay hindi ko po talaga mahal si James. Isa po sa dahilan bakit ako nagbago ay dahil din po sa parents ko. Tinutulak nila ako na si James ang piliin ko. Mukhang pera po kase sila.” Ang paliwanag ni Jenny.
“Ngaun po, nung sinabi niyo na anak ninyo si Jacob at nakita ko na nanloloko na si James at nalaman ko na si James ang tunay na pumatay sa kapatid ko ay unti unti kong nalalaman ang pagkakamali ko. Kahit na huli na ang lahat sana mapatawad niyo po ako.” Ang dagdag niya.
“Jenny, anung sinabi mong niloloko ka ni James?” Ang tanong ni Lourdes.
“Opo, may iba po siyang pamilya at may anak na din sila. Lagi lagi nga po siya sa bahay ng kabit po niya eh. Si Sandra Cornesta po, ung sikat na artista.” Ang paliwanag ni Jenny.
“Shit! Sinasabi ko na nga ba may ibang kalokohan ang ginagawa ni James na iyan. Kung hahayaan ko pa siya ay mas lalong lalaki ang ulo niya at mas makakagawa siya ng masama.” Ang saad ni Rodolfo.
“Salamat Jenny at naging tapat ka ngaun. Hayaan mo mapapatawad ka din ni Jacob. Bigyan mo lang siya ng oras at mapapatawad ka niya.” Ang sabi ni Lourdes.
“Panu po, natatakot ako ngaun sa kanya. Alam ko gagantihan niya kame. Baka po ipapatay niya ako at gawin niya ang ginawa ko sa kanya.” Ang saad ni Jenny.
“No, hindi niya gagawin iyun. Sinabihan siya namin ni Lourdes pati din si Callista ay sinabihan siya na huwag ng maghiganti.” Ang pahayag ni Rodolfo.
“Salamat po. Sana po hindi niya ako gantihan. Hihingi ako ng kapatawaran sa kanya. At Kumusta na po siya, si Callista or Trisha po.” Ang pahayag ni Jenny.
“Okay lang si Callista, Jenny. At malulusog ang kambal nilang dalawa ni Jacob. Pasensya na at ginawa namin sa inyo iyun.” Ang saad ni Rodolfo.
“Naiintindihan ko na po kayo. Sige na po, kailangan ko na pong umalis. May gagawin pa po ako.” Ang sabi ni Jenny at umalis na siya.
Ilang sandali pa ay umalis na si Jenny matapos niya makausap sina Rodolfo at Lourdes. Napansin naman nila ang biglaang pagbabago ni Jenny kaya alam nila na bumalik na ang Jenny dating minahal ni Jacob.
Malungkot naman na umalis si Jenny sa nalaman niya. Hindi na siya umuwe sa bahay nila sa Tarlac at nagpunta nalang siya sa condo ni Trisha.
Inisip na din niya na makakabuti na manatili nalang si Trisha or Callista sa poder ni Jacob dahil ligtas eto sa kanya. Nakadama din siya ng konting selos dahil napunta si Jacob sa taong minahal niya at tinuring na anak.
Pagkadating ni Jenny sa dating condo ni Callista ay tsaka niya inalala lahat ng masasayang araw na kasama niya si Jacob. Namiss niya lahat ang mga masasayang alaala nilang dalawa na siya mismo ang sumira.
Nang maalala niya ang mga pinagagawa niya kay Jacob ay umiyak siya ng sobra. Sinisisi niya ang sarili niya bakit siya nagpasilaw sa pera ni James. Iyak siya ng iyak buong magdamag.
Dahil dito ay napagtanto niya na may puwang pa si Jacob sa puso niya at mahal pa niya iyun. Mahal pa niya talaga si Jacob.
Nakatulog si Jenny sa gabing iyun na may luha sa mga mata niya. Tumatawag naman si Goryo sa kanya ngunit hindi niya sinagot kahit isang beses.
Kinabukasan ay tumawag siya sa isa sa mga tauhan niya. Hindi niya direktang tinawagan si Goryo dahil plano niya itong ipapatay. Siya kase ang bumaril at nagtapon kay Jacob nun at plano niya itong gantihan.
Magsisimula siya sa paghihiganti niya laban kay James.
“Kasama mo ba si Goryo?” Ang tanong niya sa tauhan niyang si Tristan. Kanang kamay ni Goryo.
“Hindi po ma’am. Pero kasama ko lahat ng mga tauhan po natin. Si Goryo po nagpunta sa bahay niyo po at may kinuha lang po. May ipaguutos ako sa iyo.” Ang paliwanag ni Tristan.
“Mabuti kung ganun. May ipag uutos ako sa inyo at hindi kasama si Goryo dito. At simula ngaun, hindi na si Goryo ang lider ng mga tao ko kundi ikaw na mismo. Papalitan mo si Goryo.” Ang pahayag niya kay Tristan.
“Ma’am, anu po ba ipaguutos niyo at kailangan pa palitan si Goryo. May nagawa bang mali si Goryo.” Ang nagtatakang tanong ni Tristan.
“Gusto ko dakpin ninyo si Goryo at ikulong ninyo siya. Dapat hindi siya makawala. Kung kailangan niyo putulan ng paa gawin niyo. Ayaw ko din marinig yan nagsasalita kaya tanggalan niyo siya ng dila. Kung pahirapan ninyo siya bahala kayo, basta pagdating ko diyan nakita ko siyang nahihirapan. Ako na bahala magpaliwanag sa kanya pag nakauwe ba ako.” Ang utos niya.
“Maliwanag po ma’am. Madali kausap ang mga tauhan ko dito maam. Lahat sila may galit sa kanya dahil napakayabang. Kaya madali lang po. Magpadala po kame ng picture pag nadakip na namin siya.” Ang pahayag naman ni Tristan.
“Isa pa pala, magpadala ka para magpunta sa bahay ng magulang ko. Dakpin mo din sila. Huwag mo gawin sa kanila ang ipinagawa ko kay Goryo. Itext ko sa iyo ang address at picture nila.” Ang dagdag na utos ni Jenny kay Tristan.
Hindi naman nagtanong ulit si Tristan. Alam na niya na galit si Jenny at plano itong maghiganti. Susundin nalang niya si Jenny dahil siya ang nagbabayad sa kanila.
Natuwa si Jenny ng malaman niya iyon.
“Hindi maaaring hindi ka magbayad sa ginawa mo sa akin James. Magdudusa ka sa lahat ng pagkakasala mo sa akin. Kung hindi dahil sa iyo, maganda sana ang pamumuhay namin ni Jacob. Magbabayad ka din sa pagpatay sa aking kapatid. Jacob alam ko huli na ang lahat para sa atin pero itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Sana mapatawad mo ako.” Ang saad ni Jenny.
Itutuloy…
- Paghihiganti At Pagmamahal: 18 - October 29, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal: 17 - October 26, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal 16 - September 30, 2023