Paghihiganti At Pagmamahal 16

Paghihiganti At Pagmamahal

Written by Mrpayatot

 


Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.

Chapter 16

Nalaman naman agad nina Melinda at Fred na nakalabas na si Anthony mula sa kulungan ngunit nagtataka sila bakit hindi pa siya umuuwe sa kanila. Halos isang buwan nila hinintay eto ngunit ni isang anino nito ay wala sila nakita.

“Fred, bakit ganun? Sinabi ng presinto na nakalabas si Anthony sa kulungan pero hindi pa rin siya dumadating.” Ang tanong ni Melinda.

“Hindi ko alam, Linda. Nagtanong ako sa kanila ngunit wala naman sila ibang sinasabing iba.” Ang sagot ni Fred.

“Mabuti pa tatawag akong muli.” Ang dagdag pa niya.

Dahil dun ay Nagtanong tanong na din sila sa kamag anak ni Melinda ngunit pati sila ay wala balita sa kanya. Kaya naisip ni Fred kinuha ni James si Anthony at may ginawang masama sa kanya.

Naisip niya nung nakalabas si Anthony ay ipinakidnap niya eto at kasalukuyang pinapahirapan. Agad na tumawag si Fred kay James para alamin at pakiusapan na pakawalan si Anthony kung nasa kanya man.

Ayaw naman sana ni Fred na kausapin si James ngunit nakita niya na nag aalala si Melinda kaya wala siyang choice kundi gawin iyun. Naging maingat si Fred sa galaw niya para hindi malaman ni Melinda. Hindi pa kase alam ni Melinda ang tungkol kay James at hindi pa niya kilala eto.

Nagaalala siya baka malaman niya ang tungkol sa kanya at magwala eto at sugurin sila. Mas sakit ng ulo ni Fred eto.

“James, nasa iyo ba si Anthony? Nakikiusap ako ” Ang tanong ni Fred nung sumagot si James.

“Yan lang ba ang tinawag mo sa amin?” Ang tanong ni James pabalik.

“Oo, nakikiusap sana ako sa inyo. Ibabalik ko ang perang binigay niyo sa amin para sa kaligtasan ni Anthony.” Ang pakiusap ni Fred.

“Hahaha, kahit doblehin niyo pa yan. Hindi namin matutupad ang pakiusap mo sa amin dahil wala sa amin ang anak anakan mo.” Ang pahayag ni James.

“Please, James. Nakikiusap ako sa iyo. Hindi na kame magpapakita sa inyo basta pakawalan niyo lang si Anthony.” Ang pilit ni Fred.

“Sinabi ko na sa inyo di ba. Hindi ko hawak si Anthony. Hindi nga namin alam na nakalaya pala siya eh. Kaya tigilan mo ako.” Ang sabi ni James.

Nagulat si Fred sa sinabi ni James na wala sa kanila si Anthony.

“Wala ba talaga sa inyo si Anthony?” Ang tanong ni Fred.

“Wala. At kasalukuyan kong pinapahanap sa mga tauhan ko ang anak anakan mo. Kung nasa amin man si Anthony, bangkay na siya ngaun at maaaring matagal niyo na nabalitaan na siya sa news.” Ang sagot ni James.

“Please, James. Huwag mo siya saktan. Gaya ng sinabi ko ibabalik ko ang pera bigay mo sa akin at hindi na kame magpapakita sa inyo. Aalis kame ng bansa.” Ang pakiusap niya.

“Maaari naman pero sa isang condition. Basta gawin mo lang to kahit hindi mo na ibalik ang perang bigay ko sa iyo at makakaasa kang pag nahanap ko siya ay hindi ko siya sasaktan.” Ang pahayag ni James. Ngunit wala siyang balak na tuparin iyun.

Naisip niya na hindi niya papatay ang binata ngunit papahirapan niya muna bago ibalik.

“Okay sige. Payag ako. Ano ang condition mo?” Ang sagot ni Fred.

“Sabihin mo sa akin kung saan maaaring magtago si Jacob at kung sino ang tumutulong sa kanya.” Ang saad ni James.

“Dahil sa nangyayari ngaun sigurado ako na hindi itatago ni Jacob sa bansa si Trisha. Maingat siya ngaun. Kaya alam ko na inilabas na siya ngaun at dinala sa ibang bansa. Hindi ko alam kung saan exactong lugar pero alam ko na sa Russia niya eto dinala. At alam ko na may mayamang pamilya na taga Russia ang tumutulong sa kanya ngaun. At maaaring may tao siya na pinabantayan kayu.” Ang pahayag ni Fred.

Walang pag aalinlangan si Fred na sabihin iyun dahil sa kagustuhan niyang mailigtas si Anthony.

“Anu? Panu mo nasisigurado iyan?” Ang tanong ni James ng marinig ang sinabi ni Fred.

“Hindi niyo ba napapansin na nung dumating kayo ay wlang tao sa condo ni Jacob at Trisha? Pati gamit wala, diba? Hindi mo pa ba magets? Nakaalis sila dahil nalaman nila na pinababantayan kayo. Huwag mo sabihin ako dahil walang sumusunod sa akin nun. Alam ko na nakita niyo din yung video cam sa condo ni Trisha. Maaaring nagpalagay din siya sa bahay ninyo.” Ang paliwanag ni Fred.

“Hindi maaari iyan? Malalaman ko kung meron maglalagay ng ganyan dito sa pamamahay ko.” Ang sagot ni James.

“Matalino si Jacob, James. Tandaan mo iyan. Mas matalino pa siya kesa sa iyo at alam mo iyan. Pera lang ang ginamit mo para makuha si Jenny. Kung wala kang pera sigurado ako na hindi mo makukuha si Jenny mula sa kanya. Hindi mo alam ang Jacob ngaun, hindi na siya katulad ng dati. Nasabi niya pala sa akin na ang tumulong sa kaniya ay mga Mafia.” Ang paliwanag ni Fred.

“Okay salamat. Makakaasa ka sa akin. Tutupad ako sa usapan.” Ang sabi ni James sabay pinatay na ang tawag.

Wala naman magawa si Fred ng malamang wala si Anthony kina James. Kahit na natuwa siya na wala siya sa kanila ay nag aalala pa rin siya kaya tumawag siya ulit sa kulungan.

“Sir, totoo bang nakalabas na talaga si Anthony? Hanggang ngaun ay hindi pa kasi siya umuuwe.” Ang tanong ulit ni Fred.

“Hay, Mr. Rodriguez. Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo napalabas na namin siya.” Ang sagot ng pulis na kausap.

“Sir, bakit din hindi pa siya umuuwe. Hindi po ako titigil hanggang wala po kayong sinasabi. Alam ko na may alam po kayo at mangungulit ako kada araw.” Ang tanong niya.

“Oh, siya. Para matigil ka na sa kakukulit mo sa amin. Malaking tao at makapangyarihan ang nagpalabas sa kanya at para makalabas siya ay nagbigay sila ng condition na hindi bumalik sa inyo at pinili ni Anthony iyun. Kaya wala kayong magagawa dahil hindi niyo na siya makikita.” Ang paliwanag ng pulis at pinatay agad ang tawag.

Nagulat si Fred mula sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na may makapangyarihang personalidad ang tumulong kay Anthony. Kaya agad niya sinabi ang nalaman kay Melinda at sinabihan nalang si Melinda na maghintay. Natuwa siya na wala talaga si Anthony sa poder ni James.

Samantala ng malaman ni James na dinala ni Jacob ang anak nila sa Russia ay nagwala eto. Mas nagwala eto ng malaman na mahihirapan na siya kalabanin si Jacob ngaun dahil sa nalaman niya mula kay Fred. Mas lalo na ng malaman niya na may connection na si Jacob sa Mafia.

“Putang ina, bakit sa Russia pa. Walang hiya ka Jacob, bakit dun mo pa siya dinala.” Ang sigaw ni James at tapon ng flower vase.

“James anu na naman yang ginagawa mo. Lagi ka nalang naninira ng mga gamit.” Ang reklamo naman ni Jenny.

“Panu ba naman dinala ni Jacob ang anak natin sa Russia. Wala tayong tao sa Russia pati si Alex ay walang tao dun kaya mahihirapan tayo. Isa pa may connection sa isang Mafia ang tumutulong ngaun sa kanya. Panu natin siya maliligtas ng mabilis. siguradong itatago nila si Trisha.” Ang paliwang ni James.

“What? Panu mo nalaman na nasa Russia ang anak natin? At anung Mafia.” Ang tanong ni Jenny.

“Tumawag si Fred sa akin para sana pakawalan natin si Anthony. Akala niya nasa akin at nakiusap siya. Tapos binigyan ko siya ng condition na pag nahanap natin si Anthony ay hindi natin siya saktan basta sabihin sa atin kung saan matatagpuan si Jacob. Ang sabi niya ay sa Russia ngunit hindi niya alam kung saan exactong lugar. Sinabi niya din na isang Mafia ung nagligtas sa kanya at tumutulong sa kanya ngaun.” Ang paliwanag ni James.

Hindi nila alam na hindi lang ang magasawang Russo ang tumutulong sa kanya kundi pati na din ang magulang niya.

“Eh di magpadala ka ng tao mo sa Russia pagkunwariin mong turista dun. Hindi mo ba magagawa iyan? Mahalaga mahanap natin muna si Trisha. Tapos magpatulong nalang tayo kay Alex para ilogtas siya. Ibigay nalang natin ng mas maaga si Trisha sa kanya bilang kapalit.” Ang saad ni Jenny.

“Oo nga no. Cge, tatawagan ko si Gordo at siya papuntahin ko sa Russia para hanapin sila.” Ang saad ni James.

Gusto sana ni James na sila ngunit naisip niya na baka binabantayan sila ni Jacob kaya naisip niya na tauhan nalang niya at yung mapagkakatiwalaan niya.

Nagulat naman si Jenny ng sinabi ni James na si Gordo ang papuntahin niya at nagisip siya ng dahilan para hindi si Gordo ang ipadala ni James sa Russia.

“Hindi maaaring ang Gordo ko ang pumunta ng Russia.” Ang nasa isip ni Jenny.

“James, hindi maaaring si Gordo ang pumunta ng Russia.” Ang saad ni Jenny.

Natakot sa una si Jenny na baka paghinalaan siya. Ngunit natuwa siya ng hindi siya pinagisipan ng masama.

“What? Eh siya lang ang mapagkakatiwalaan ko eh.” Ang tanong ni James sa asawa.

“Kase nga, kilala na ni Jacob si Gordo. Panu kung makita ni Jacob si Gordo habang naghahanap eto at hindi sila nakita. Eh di, mas itatago ni Jacob ang anak natin at mas lalong hindi natin makita ang anak natin. Mas mabuting ibang tauhan natin ang ipadala mo. Madami taung tauhan na hindi pa nakikita ni Jacob. Mag isip ka naman diyan.” Ang paliwanag ni Jenny sa asawa.

“Oo nga no. Bakit hindi ko naisip iyan. Cge, tawagan ko si Larry para sya ang magpunta sa Russia.” Ang sabi ni James.

“Asan ba sina Leny at Manang Glory. Isang buwan na silang wala.” Ang tanong ni James dahil matagal nang hindi bumabalik ang dalawa.

Matapos malaman nina Rodolfo at Lourdes na tinakas ni Jacob si Trisha ay palihim na kinuha nila si Leny at Glory. Ang dalawa kase ay inutusan ng magasawa na bantayan maigi sina Jenny at James. Si Rodolfo ang tunay na amo ng dalawa.

Dahil sa nalaman nila na kasangkot sa droga ang dalawa ay minabuti ng magasawa na kunin ang dalawa para hindi mapahamak. Kaya dinala sila ni Rodolfo sa Norway kung saan naninirahan sina Trisha at siya na na ang bantayan ng dalawa.

“Hindi ko nga din alam eh. Wala na din gamit nila sa kwarto nilang dalawa. Ni hindi sila nagpaalam sa atin. Nalaman ko nalang kamakailan na binawi na pala sila nina papa at mama.” Ang sabi ni Jenny.

“Hay, bakit hindi ka man lang naghanap ng pamalit nila.” Ang tanong ni James sa asawa.

“Nakahanap na ako at bukas na sila magsisimula.” Ang sagot ni Jenny.

“Okay, sige. Tawagan ko lang si Larry at papuntahin ko na sa Russia at mahanap ang anak natin.” Ang saad ni James at umalis na siya.

“Wait, nasabi pala ni Fred na maaaring may nagmamatiyag sa atin at maaaring may mga video cam dito. Kaya bukas na bukas din ay ipapahaloghog ko ang buong bahay para malaman kung naglagay nga si Jacob dito.” Ang saad ni James.

“Huh? Sigurado ka ba? Baka nagsisinungaling si Fred.” Ang tanong ni Jenny.

“Hindi, maaaring tama siya. Tignan mu nung sumugod tayo. Wala sila, naalala ko na nung tinanong ko ang receptionist at guard ay sinabi nila na kakaalis nila at nagmamadali umalis. Maaaring pinapanood tayo.” Ang paliwanag ni James.

“Okay, sige balitaan mo nalang ako.” Ang sbi naman ni Jenny.

Pagkatapos sila magusap ay umalis si James at tinawagan na nga si Larry. Samantala ay nag alala naman si Jenny na baka nakuhanan sila ni Gordo na magkasama at magkatalik.

Si Jenny naman ay tinawagan din si Gordo para sabihan si Viktor, ang lihim na tauhan ni Jacob na nagtatrabaho kay Jenny, para pumunta ng Russia para hanapin sina Jacob at Trisha.

Inutusan niya din si Gordo na pag makita ni Viktor si Larry na tauhan ni James ay iligpit eto. Gusto niya siya ang unang makakita kay Trisha at jacob.

“Babe, naayos ko na ang huling gamit ko dito sa bahay. Maaari mo na akong sunduin mamayang gabi. Aalis na naman kase etong mokong na asawa ko. Makikipagkita ulit sa kabit niya. Kailangan ko na din makaalis dito, lumalaki na kase ang tiyan ko at mahihirapan na akong itago pa ito.” Ang pahayag ni Jenny.

“Okay, sige babe. Sunduin kita. Sabihan mo ako pag umalis na si James sa bahay niyo.” Ang pahayag ni Gordo.

“Oo nga pala. Nakausap mo na ba ang bagong papasok dito sa bahay na pamalit kina Leny at Glory?” Ang tanong ni Jenny.

“Oo babe. Nakausap ko na sila. Bali mag uupdate sila kung anu na nangyayari diyan pag wala ka. At pag anu ang ginagawa ni James. Sigurado ka na ba dito babe, panu si Alex.” Ang saad ni Gordo.

“Mabuti naman kung ganon. Kaya nga dapat natin maunahan makita si Trisha. Kahit makita lang tapos sabihin natin ang problema natin kay Alex at tsaka ko nalang sasabihin na nakipaghiwalay na ako kay James. Basta nasa kamay atin si Trisha sa atin mapupunta ang pera.” Ang sagot ni Jenny.

Dahil sa nalaman na pagtataksil ni James sa kanya ay minabuti niya na makipaghiwalay na kay James at gusto niya mapunta sa kanya si Trisha.

Ilang sandali naman ay nagpaalam na si James at nagpunta sa bahay ng kanyang kabit at dito tinawagan naman ni Jenny na sunduin na siya.

Hindi naman napansin ni James na inuunti unti na ni Jenny ang mga mahahalagang gamit niya na ilipat sa bahay nila ni Gordo. Napapansin kasi ni Jenny na bawat araw ay laging nagwawala at nagagalit si James.

Nagaalala siya na isang araw ay saktan na siya ni James. At natatakot siya na baka makunan siya at mabisto siya na nagpabuntis sa ibang lalaki.

Hindi naman alam ng dalawa na nababantayan pa rin ni Jacob ang galaw nilang dalawa. Hindi din nila alam ba bago pa masabi ni Fred na sa Russia sila maaaring magtago ay napaghandaan na eto ni Jacob at lumipat ulit sila ng bansang matataguan at nagpalit ulit ng pangalan.

Nalaman naman ng mga tauhan ni Jacob na andun about sa plano nila kaya agad nila inoff at tinago ang mga kagamitan nila para hindi sila matrack agad.

Samantala ilang araw lang ng makarating sina Jacob at Trisha sa St. Petersburg ay lumipat ulit silang dalawa ng bansa. Nung una ay naguluhan si Trisha at nagreklamo siya kay Jacob. Sinabi kase ng magasawang Russo na mas maaaring mahanap pa sila sa lugar na eto dahil sa kaibigan kong nagtaksil sa akin.

“Mahal, lilipat ulit tayo ng bansa? Akala ko ba dito tayo sa Russia magtatago.” Ang reklamo ni Trisha.

“Oo nga naman dad. Okay na tayo dito, baka malaman pa ng naghahanap kung saan tayo nagtatago.” Ang reklamo naman ni Diana.

“Meron pang nakakaalam kung saan tayu nagtatago at baka isumbong tayo sa magulang ni Trisha. Iyun ang iniiwasan ko.” Ang paliwanag ni Jacob.

“Sino ba mahal ang nakakaalam na sa Russia tayo nagtatago. Hindi ko naman sinabi pati kina Veron at Andrea na andito tayo sa Russia.” Ang paliwanang ni Trisha.

“Pati din ako dad. Wla ako pinagsabihan sa mga friends ko.” Ang pahayag din ni Diana.

“Si Fred ang tinutukoy ko. Alam niya na maaaring dito tayo magtatago kaya bago tayo maunahan ay lilipat na tayo. Huwag kang mag alala mahal. Wala din tao ni Alex sa pagrataguan natin.” Ang paliwanag ni Jacob.

“Iyan din ang payo sa akin ng magasawang Russo na tumutulong sa akin. Mas makakabuti daw kung lilipat tayo ulit ng bansa at magpapalit ng pangalan. Tinuring ko din sila na pamilya.” Ang dagdag pa ni Jacob.

Nang marinig nila iyun ay napagtanto nila na hindi pa talaga sila ligtas.

“Ganun ba mahal. Cge nauunawaan kita. Salamat mahal ko. Mabuti nalang nakilala kita.” Ang pahayag ni Trisha at hinalikan si Jacob.

“Mahal, pwede ko kaya sila makita? Yung nagligtas sa iyo nun. Gusto ko sila makilala.” Ang tanong ni Trisha.

“Sasunod na buwan ay pupunta sila sa bagong titirhan natin kaya makikita at makikilala mo sila. Gusto din nila makita ang babaeng nagpapatibok sa puso ko.” Ang pahayag ni Jacob.

May time na hindi maintindihan si Diana sa usapan ng dalawa ngunit hinayaan nalang muna niya.

“Dad, san tayo pupunta ngaun? Anung bansa?” Ang tanong ni Diana.

“Sa Tromso, Norway tayo ngaun pupunta para dun na din manganak si Trisha. Ligtas tayo dun, hindi pagiisipan nilang lahat na dun tayo magtatago at dun na muna titira.” Ang sagot ni Jacob.

“Okay, mahal. Pagdating natin dun sana hindi na tayo umalis dun.” Ang sabi ni Trisha.

“Oo nga pala, mahal. Pagdating natin dun ay may surpresa ako sa iyo. Pati din sa iyo Diana, anak. Sigurado matutuwa kayong dalawa.” Ang sabi ni Jacob.

“Ganun ba, mahal. Anu kaya sorpresa mo. Excited na ako makarating dun.” Ang sabi ni Trisha.

“Oo nga dad. Anu ba iyun? Excited na ako sana makarating na tayo. Tagal naman ng airplane na to.” Ang saad naman ni Diana.

“Relax lang, makakarating din tayo. Hindi na surpresa kung sasabihin ko sa inyo.” Ang pahayag naman ni Jacob.

Hindi naman muna sinabi ni Jacob na naghihintay ang kanilang lolo at lola sa Norway.

Nang makarating sila sa airport sa Norway ay nagulat si Trisha dahil naghihintay ang Lolo Rodolfo at Lola Lourdes niya sa kanila. Kaya agad siya napayakap sa kanila pagkakita niya sa kanila.

Aminado man siya na nagulat sa una ngunit ng mapansin wala ang magulang niya ay napanatag ang loob niya. Nagulat din siya ng malaman na kilala ni Jacques ang kanyang lolo at lola.

Gusto niya nun magtanong ngunit naunahan siya ng kaba.

“Iha, don’t worry. Wala ang magulang mo dito. Hindi nila alam kung asan ka.” Ang pahayag ni Rodolfo para mapanatag ang loob ni Trisha.

“Lo, sorry po sumama ako kay sir Jacques at panu niyo pala ako nahanap? Sorry din po la dahil nagpabuntis ako.” Ang saad ni Trisha at naiiyak.

“Huwag kang mabahala, iha. Naiintindihan ka naman namin kung bakit mo ginawa to. Hindi kame galit sa iyo. Nangyari naman na eh kaya kahit anung galit namin hindi na namin maibabalik pa ang nangyari na. Ipapaliwanag namin sa iyo ang lahat pagnakauwe na tayo sa titirhan niyo. Tsaka kailangan mo muna magpahinga, buntis ka pa naman. Ilang buwan na yang pagbubuntis mo?” Ang pahayag ni Rodolfo.

“Okay po, lo. Limang buwan na po ang pinagbubuntis ko, lo.” Ang sagot ni Trisha.

“Limang buwan? Akala namin nasa pitong buwan na iyan.” Ang gulat ni Lourdes.

“Kambal po kase ang pinagbubuntis ko lola. Kaya ganito kalaki ang tiyan ko.” Ang paliwanag naman ni Trisha.

“Huh! Kaya pala. Congrats, iha. Masaya ako para sa iyo at magkakaapo ulit kame ng lolo mo. Don’t worry, hindi kame galit sa iyo. Cge, tara na din para makauwe na tayo.” Ang sabi ni Lourdes.

“Eto na ba si Diana? Ang apo namin?” Ang tanong ni Lourdes.

“Yes po.” Ang sagot ni Jacob.

Nagulat naman si Trisha ng marinig na apo nila si Diana. Ganun din si Diana nung marinig niya iyun.

“Oh, madami kame ipapaliwanag sa inyong dalawa pagkauwe natin. Kaya huwag kayung mag alala.” Ang sabi naman ni Lourdes matapos niya mapansin ang pagkabigla ng dalawa.

Hindi naman na nagsayang ang oras ang lima at umuwe na sila. Kumaen naman muna sila at pagkatapos nun ay umuwe na.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa bahay nila sa Tromso. Napansin naman nina Lourdes na nakatulog na sina Diana at Trisha kaya hinayaan na muna silang magpahinga bago ipaliwanag ang lahat.

Alam nila na mahaba ang usapan nila kaya mas mabuti pang magpahinga na muna sila.

“Mom? Naayos niyo na ba si Anthony?” Ang biglang tanong ni Jacob ng makarating sila.

“Yes, nasa Turkey na siya ngaun at dun siya mamalagi hanggang matapos ang kanyang parusa, anak.” Ang sagot ni Lourdes.

“Ganun ba. Akala ko dadalhin niyo siya dito.” Ang saad naman ni Jacob.

“Well, mas mabuti na munang hindi namin siya dinala dito. Mahirap na baka anung mangyari. Alam mo naman kung anung ginawa ng anak mo.” Ang sabi naman ni Rodolfo.

“Anak, nagpadna test ulit si Anthony sa anak nila ni Veron. Baka bukas na darating yung result ng test ayun sa doctor. Hindi na sana kame papayag dahil magkahawig naman sila ngunit pinagawa nalang ulit namin para mapanatag siya.” Ang pahayag ni Lourdes.

“Oh, okay lang po yun. Para naman mapanagutan niya anak niya. Sana magbago na siya.” Ang sabi naman ni Jacob.

“Okay, anak. Matulog ka na din para makapagpahinga ka na din. Tabihan mo nalang si Callista para mabantayan mo din ang anak niyo.” Ang utos ni Lourdes.

Pagkaalis ni Jacob ay tumawag si Lourdes sa bahay nila sa Turkey para kumustahin si Anthony.

Kinabukasan ng magising sila ay kumaen naman sila agad. Nagulat nalang si Trisha ng makita niya sina Leny at Glory na naghahanda ng makakain nila kaya niyakap niya din ang dalawa.

“Mama Glory at manang Leny, bakit kayu andito? Kamusta sina mommy at daddy.” Ang tanong niya.

“Ayun matapos ka tumakas ay nag aaway sila minsan sa inyo. Mabuti nalang itinakas ka ni sir Jacob.” Ang saad ni Glory.

“Totoo palang ipapakasal ka sa isang drug lord. Mabuti na lang at may prince charming kang gwapo at mabait.” Ang sabi naman ni Leny.

“Hehehe, mabuti nga. Ang gwapo ng mapapangasawa ko.” Ang sagot naman ni Trisha.

“Oh siya, halika na sa hapag kainan at kumain ka na dahil mahaba haba ang usapan niyo mamaya nina sir Dolfo at ma’am Lourdes.” Ang sabi ni Glory.

Agad naman sumunod si Trisha kay Glory at kumain na din siya.

Pagkatapos nila kumaen nagsimula nang magsalita si Rodolfo. Nakikinig lang naman sina Diana at Trisha pati sina Leny at Glory ay pinakinig din nina Rodolfo para malaman ang totoong nangyaayri ngaun.

“Trisha at Diana, okay lang ba kayo? Alam ko na madame kayung katanongan sa amin mas lalo na ikaw Trisha.” Ang saad ni Rodolfo.

“Opo, lo. Katulad nalang po kung papano kayu nagkakilala ni Jacques.” Ang saad ni Trisha.

“About diyan, masasagot kita pero makinig muna kayo sa kwento ko sa inyo. Baka lahat ng katanungan ninyo ay masagot din.” Ang pahyag ni Rodolfo.

“Okay po. Makikinig po ako.” Ang sabay na sagot nina Diana at Trisha.

“Bale, uunahin muna natin ang tungkol kay Jacques.” Ang sabi ni Rodolfo.

“Iha, alam ko na nagtataka kayu na magkakilala kame. Ang dahilan niyan ay anak ko si Jacques at ang tunay niyang pangalan ay Jacob. Ako ang tunay na ina ni Jacob” Ang pahayag ni Lourdes.

Nagulat si Diana sa sinabi niya kaya hindi siya makapagsalita. Hindi niya iniisip ang totoo niyang pangalan ngunit ang kaharap niya ngaun ay ang lolo at lola niya na matagal na niyang gustong makita at inaakala niya ay patay na gaya ng sabi ng mama melinda niya.

Samantala naman ay hindi makapaniwala si Trisha. Nang marinig niya na anak ng lola niya si Jacob ay naisip na niya na isang malaking kasalanan ang ginawa nila.

“No!! No!!! No!! Hindi maaari yun. Tito ko siya? Minahal ko at nagpabuntis pa ako sa tito ko. Napakalaking kasalanan eto. Huhuhu!!!” Ang nasa isip ni Trisha at nagsimula na siya umiyak.

Napansin naman ni Lourdes ang reaction ni Trisha.

“Iha, please. Makinig ka muna. May mas mahalaga kameng sasabihin sa iyo mamaya. At matutuwa ka sa malalaman mo mamaya.” Ang pagpapakalma ni Lourdes sa kanya.

Medyo kumalma naman si Trisha at pinunasan ang luha niya ng marinig eto.

“Lola, panu po ninyo naging anak si Jacob eh sinabi ni lolo na isa lang ang anak ninyo.” Ang tanong ni Trisha.

“Ang totoo niyan, isa lang ang anak namin ng lolo mo at iyun ay si James. Ngunit nagkaroon ako ng isa pang anak sa ibang lalaki, iha. At si Jacob na iyun.” Ang sagot ni Lourdes na kinabigla ni Trisha.

“Iha, sana huwag mo pag isipang ng masama ang lola mo kase hindi naman siya nagcheat sa akin nun. Bunga si Jacob ng panggagahasa ng isa sa amin Business Partner nun.” Ang pahayag ni Rodolfo.

“La, bakit niyo po siya tinago at bakit wala siya litrato sa inyo nung bata pa siya at hanggang ngaun.” Ang tanong ni Trisha.

Malungkot na sinabi ni Loirdes ang kwento niya tungkol sa anak niya at nakaraan nila.

“Yan ay dahil sa nung pinanganak ko siya ay galit pa rin ako sa taong gumawa ng kahayupan iyun sa akin at pag nakikita ko si Jacob nun at naaalala ko ang gabing iyun. Kaya pinaampon ko siya nun ng hindi alam ng lolo mo yun. Nagalit kaya siya ng nalaman niya na pinaampon ko si Jacob. Hindi naman problema ng lolo niyo na nagkaroon ako ng ibang anak sa ibang lalaki ngunit hindi ko talaga kaya. Malaki na siya ng matagpuan ko siya at kinuha pabalik sa aking poder. Malaki ang pagsisisi ko nun na pinaampon ko siya. Huli na nung nakuha ko siya.” Ang paliwanag ni Lourdes.

“Bakit po la? Ano po bang nangyari bakit nagsisi kau? Nahirapan ba kau sa paghanap kay Jacob?” Ang tanong ni Trisha.

“Hindi naman kame nahirapan iha. Samakatwid, ang nakaampon sa kanya nun ay ang kapitbahay lang namin nun dahil lumipat sila sa tabi namin. At ang nangyari sa kanilang dalawang magkapatid ang isa sa naging reason bakit namin inilihim si Jacob. Akala din na napatay ni James si Jacob kaya mas minabuti namin na manatiling patay si Jacob sa mata ni James para hindi magkagulo pa” ang paliwanag ni Rodolfo.

“La, ano po bang nangyari nun bakit nagaway sina daddy at Jacob?” Ang tanong ni Trisha.

Naisip niya ang napanood niya. Dito niya naisip na eto ang dahilan bakit nauwe sa ganung pangyayari.

“sa oras na iyun ay may kasintahan nun si Jacob at may gusto din ang daddy mo sa kasintahan niya. Babae, iha. Yan ang dahilan ng away nilang dalawa.” Ang paliwanag ni Lourdes.

Pinili ni Rodolfo na si Lourdes nalang ang magpaliwanag kay Trisha.

“Sino po kasintahan ni Jacob nun, la?” Ang tanong ni Trisha.

“Ang kasintahan ni Jacob nun ay ang mommy mo Trisha, si Jenny.” Ang sagot ni Lourdes.

Natigilan si Trisha sa sagot ng lola niya. Dito niya naisip ang nangyari kay Jacob sa kamay ng magulang niya.

“So lola, nagselos si daddy nun kay Jacob dahil kasintahan niya si mommy. Kaya pilit inagaw ni Daddy si mommy kay Jacob.” Ang tanong ni Trisha.

“Alam mo na ba ang nangyari sa kanila, iha?” Ang tanong ni Lourdes.

“Oo, la. Sinabi na ni Jacob sa akin nung araw na tumakas kame.” Ang sagot ni Trisha.

Natuwa naman si Lourdes dahil hindi na siya mahihirapang magexplain kay Trisha.

“Nung nagkita sina James at Jenny ay nahulog agad ang daddy mo sa kanya. Kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit kay Jenny nun. Ngunit tanging sagabal para mapalapit siya kay Jenny ay si Jacob kaya nagalit siya. Hindi pa nila alam nun na magkapatid sila at hindi namin alam na siya ay ang nawawala kong anak na matagal ko nang hinahanap. Ilang beses mag away ang mga to dahil lamang kay Jenny. Ilang beses din namin pinagalitan si James nun at sinabi namin na ayaw namin kay Jenny nun dahil siya ang naging dahilan ng pagbabago ng ugali niya nun. Ngunit talagang ayaw niya tumigil. Nalaman nalang namin na pati pala si Jenny ay may gusto din kay James nun at ayaw bumitaw si Jacob sa kanya. Nalaman din namin na ginamit ni James ang pera namin para makuha si Jenny.

“Isang araw ay dumating ang detective na hinire namin para hanapin ang nawawala kong anak nun at laking gulat ko na si Jacob pala eto. Laking tuwa ko nun dahil nahanap ko siya at baka tumigil sila sa pag aaway. Ngunit isa din pala eto para mas magalit si James sa kanya. Akala niya nun ay aagawin niya ulit si Jenny sa kanya at pati na ang mana na dapat ay sa kanya. Kaya gumawa siya ng paraan para mapahirapan si Jacob at ang masakit pa ay pati si Jenny ay sumama na din kay James at tumulong sa pagpapahirap kay Jacob. Masakit pa ay nadamay ang pamilyang umampon sa kanya. Akala din namin na titigil na si James ngunit hindi pa pala dahil sa nabalitaan namin na pinatay pala ni James ang kapatid niya. Wala kame magawa dahil wala kame ebidensya at mahal namin ang anak namin nun. Nagsisisi ako nun dahil sa hindi ko man lang naipakita at naiparamdam sa kanya ang pagmammahal ko bilang ina. Tuwang tuwa pa naman ako dahil siya ang anak namin dahil mabait at maalalahanin, hindi katulad ni James.” Ang paliwanag ni Lourdes.

“So mabait si mommy nun nung hindi pa niya nakikilala si daddy?” Ang tanong ni Trisha.

“Oo, Nung hindi pa nakikilala ni Jenny si James ay napakabait at napakasweet niya sa akin. At talagang mahal namin ang isa’t isa. Childhood sweetheart kaming dalaa ni Jenny. Hindi siya naghahanap ng mga bagay bagay na kayang bilhin ng pera. Ngunit Lahat ay nagbago nung nakilala niya si James.” Ang pahayag naman ni Jacob.

Sa kanya naman nakinig si Trisha.

“Nung una ay hindi naman pinapansin ni Jenny si James pero hindi nagtagal ay napapansin ko na nagkikita sila. Akala ko lang nun dahil sa magkatabi lang bahay namin at nagkakasalubong lang ngunit iba na pala. Ilang buwan ko din tinatanong si Jenny nun ngunit lagi naman siya nagdedeny sa akin at sinabi kaibagan lang sila. Isang taon ng magkakilala sila ay dito ko napansin na nagagalit sa akin si Jenny pag hindi ko siya nabibilhan ng mga mamahaling gamit. Nanibago ako sa kanya nun dahil hindi naman siya ganun dati. Nagulat nalang ako nung nalaman ko na binibilhan siya ni James ng mga mamahaling gamit at masakit ay tinatanggap pa niya iyun. Isang araw ay Nagulat nalang ako ng makita ko silang naghahalikan. Nung araw na iyun na kinompronta ko siya ay inamin niya sa akin na may isang buwan na silang may relation. Ang rason niya ay hindi ko daw siya mabilhan ng mga mamahaling gamit at mahirap lang kame. Nung una ay hindi ako bumitaw at pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Ginawa ko ang lahat para bumalik siya sa dating Jenny na kilala ko. Ngunit huli na sa akin ang lahat dahil tuluyan na palang nagbago si jenny nun at nasilaw siya ng tuluyan sa pera. Yun ang ginamit ni James para makuha niya sa akin si Jenny. Nang oras na din iyun ay alam ko na anak ako ni mama Lourdes ngunit binantaan ako ni James nun na huwag sabihin kay Jenny ang buo kong pagkatao. Sa una ay ayaw ko ngunit ng plano ko nga sabihihn ay nahuli na ko dahil hawak na pala nila ang mga taong umampon sa akin. Para hindi saktan ni James ang pamilyang umampon sa akin sinunod ko ang gusto nila ngunit hindi nila tinupad ang salita nila. At yun na nga ang nangyari.” Ang kwento ni Jacob.

Napapaiyak naman ako sa sinabi nila.

“La, lo? Anak ba ako ni Jacob? Diba nagkaroon sila relation? May chance ba na ako ang bunga?” Ang tanong ni Trisha.

“Hindi kame nagkaanak ni Jenny, Trisha. So hindi kita anak. Nagkababy nga kame ngunit pinalaglag niya iyun.” Ang sagot ni Jacob.

Natuwa naman ako dahil hindi ako anak ni Jacob. Akala ko malaki ang kasalanan ko dahil kung totoo ang naiisip ko na anak ako ni Jacob na magiging ama ng anak ko.

“Ngaun alam mo na ang nangyari kay Jacob at panu namin siya nakilala at bakit tinago namin na buhay pa siya. Mapunta naman tayo sa iyo iha.” Ang sabi naman ni Rodolfo ng mapaliwanag na nila ang pagkatao ni Jacob at nangyari sa kanya.

Pinunasan ko naman ang luha ko pinilit na makinig sa kanila. Dahil nagbabakasakali na may magandang balita. Ayaw ko umabot ng hiwalayan namin ni Jacob dahil tito ko siya. Ayaw ko na kahit malapit lang siya sa akin at mapapalayo naman ang loob namin sa isa’t isa.

“Iha, huwag ka sana mabibigla sa maririnig mo dahil ang sasabihin namin sa iyo ay tungkol sa iyung tunay na pagkatao.” Ang pahayag ni Rodolfo.

“Lo? Anu ibig mong sabihin? Hindi po ba ako tunay na anak ni Mommy at daddy.” Ang tanong ni Trisha.

“Oo, hindi ka tunay na anak nina Jenny at James. At mas lalong hindi Trisha ang tunay mong pangalan.” Ang pahayag ni Rodolfo.

“”Ano po, lo? Kung hindi nila ako anak, ano din po ako? Saan po tunay kong magulang? Ampon lang p ba ako?” ang tanong ni Trisha na kanina pa siya naguguluhan.

“Iha, hindi ka ampon. Hindi nila alam na hindi ka nila anak. Ang alam nila ay anak ka nila. At ako lamang ang tunay na nakakaalam sa tunay mong pagkatao. Nasabi ko na to kay Jacob at sa lola mo. Makinig ka na muna.” Ang pahayag ni Rodolfo.

Mas lalo naguluhan si Trisha sa sagot ni Rodolfo ngunit minabuti nalang niya na makinig.

“Iha, ang tunay na anak nina Jenny at James ay patay na. At siya si Trisha, siya ang tunay na Trisha at hindi ikaw. Ikaw lang ang nahanap ko nun dahil parehas kayo ng birthday at wala ka na din pamilya. Wala na din ang mama at papa mo at mapupunta ka sa bahay ampunan. Nung makita kita nun ay minabuti ko nun na gmitin kita para magpanggap na anak nila nina Jenny at James.” Ang paliwanag ni Rodolfo.

Nang marinig ni Trisha iyun ay parang gumuho ang mundo niya. Akala niya ay tunay na pamilya niya sila ngunit hindi pala totoo. Ginamit lang pala siya para magpanggap bilang anak ni James at Jenny.

“Patawarin mo ako iha. Alam ko masakit ang nagawa ko sa iyo. Pero maniwala ka sa akin na totoo ang pinakita ko sa iyong pagmamahal. Totoo ang pinakita ng pagmamahal sa iyo ng lola mo. Ako lamang ang nag isip nun kaya sa akin ka dapat magalit. Hindi kina Jacob at Lourdes. Kaya pumayag ako na ilayo ka din kina Jenny at James ay dahil nalaman ko na ipapakasal ka kay Alex na iyun at ayaw ko na mangyari sa iyo iyun. Patawarin mo ako iha.” Ang paghingi ng paumanhin ni Rodolfo.

Agad naman nagpatawad si Trisha dahil ramdam naman niya ang pagmamahal nila sa kanya. Narealized din kase niya na kahit ginawa sa kanya iyun ay ipinaramdam nila na may pamilya na nagmamahal sa kanya. At mas lalong hindi niya naramdaman sa lolo Rodolfo niya na hindi siya tunay na apo.

“Naiintindihan ko po kayo, lo. Nagpapasalamat pa rin ako dahil pinaramdam niyo pa rin sa ang pagmamahal ninyo. Mahal na mahal ko pa rin kayo nina lola, lolo.” Ang pahayag ni Trisha at lumapit sa kanila at niyakap.

“Mahal na mahal ka din namin ng lola mo. At kahit anung mangyari ay part ka pa rin ng pamilya namin. Ay oo nga pala part na talaga kase may baby na kau ng anak namin. Hehehe.” Ang saad ni Rodolfo.

“Lo, anu pong tunay kong pangalan?” Ang tanong niya.

“Iha, Ang tunay mong pangalan ay Callista. Iyan, hindi namin binago katulad pa rin iyan ng nas tunay mong birth certificate. Ibibigay namin sa iyo mamaya.” Ang pahayag ni Rodolfo.

“Callista? Yan pala ang tunay kong pangalan. Mas mabuti pa siguro na gamitin ko ito, lo.” Ang pahayag ni Callista.

“Ay, lo. Since hindi po ako tunay na anak ni dad ay maaari ko na bang pakasalan si Jacob. Mahal na mahal ko po siya.” Ang saad ni Callista.

“Oo naman iha. maaari mo naman siya pakasalan. Wala naman tumututol sa inyo. Tsaka kahit hindi mo na tawaging dad si James. At ako na ang tawagin mong dad at mom naman ang itawag mo kay Lourdes ngaun dahil kame ang magulang ni Jacob. Ipapakasal ko pa kayo. Ayaw ko maging bastardo ang magiging apo namin sa inyong dalawa. Pagkatapos ka manganak ay magpapakasal na kayo para sexy tignan..” Ang pahayag naman ni Rodolfo.

“Nasanay na po kasi ako. Pero, cge dad. Gagawin ko. Maraming salamat po, matagal ko ng minimithi na ikasal na kame.” Ang saad ni Callista at tumawa na siya.

Pagkatapos nun ay tumabi na si Callista kay Jacob at niyakap niya eto.

Pagkatapos kausapin nina lourdes at Rodolfo si Trisha ay nilapitan na nila si Diana.

“Iha, wala ba ako yakap mula sa iyo? Miss ko ang yakap mo.” Ang tanong ni Lourdes.

Lumapit naman si Diana at niyakap si Lourdes.

“Lola at Lolo, ang saya ko po at nakita ko po kayo. Akala ko po kase patay na po kayo.” Ang iyak ni Diana at yakap niya sa dalawa. Medyo nahihiya pa si Diana kay Rodolfo dahil narinig niya na hindi niya tunay na anak ang daddy niya.

“Apo, hindi ko man dugo ang dumadaloy sa kanya at tinuturing kong tunay na anak ang daddy mo. Kaya ituturing ko kayung tunay na apo.” Ang pahayag naman ni Rodolfo ng mapansin ang hiya ni Diana.

Kaya mas niyakap ng mahigpit ni Diana kay Rodolfo.

“May gusto ka ba, apo. Gusto mo mamasyal tayong lahat.” Ang tanong ni Lourdes.

“Sige po mamaya nalang po. Madilim pa kase eh.” Ang sabi ni Diana.

“Iha, ganito talaga dito. Alam mo ba na sa lugar na ito 6 months kang walang araw at 6 months na walang gabi. Kaya madilim lagi dito sa oras na iyo kahit na umaga na. Ngunit madami naman magaganda dito.” Ang paliwanag ni Lourdes.

“Bilhin mo lahat ng gusto mong bilhin iha.” Ang saad ni Lourdes.

“Lola, hindi na po kailangan iyan. Mas mahalaga sa akin na makapiling ko kayo. Kahit hindi niyo na ako bilhan ng mga mamahaling bagay.” Ang sagot ni Diana.

Mas natuwa naman ang magasawa dahil napansin nila na hindi lumalaki na spoiled si Diana kaya minabuti nalang ng dalawa na magstay pa sa tabi niya para makabawi sa kanya.

Dahil sa wala naman silang magawa at natapos na ang paguusap nila ay minabuti nilang mamasyal muna sa lugar na iyun.

Itutuloy…

 

Mrpayatot
Latest posts by Mrpayatot (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x